You are on page 1of 5

DIAN MANTILES

all posts are mine

Menu

Skip to content

Replektibong Sanaysay Patungkol Sa Isang Natatanging Karanasan Bilang Mag-aaral

“Ang Pag-ibig ng Edukasyon”

Sa panulat ni: Dian Joe Jurilla Mantiles

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang katapusang
paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarihang
sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng
nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat umaga ng ating buhay, tayo ay
binabasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan upang makaanib at makasabay sa kung ano mang kakatwa
ang sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi man lingid sa ating kamalayan subalit buhat
nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ay batid na natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa
kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating
“abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na
kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa
makatuwid, mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.

Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay parang nasa isang
paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming pagkakataon naman sa aking
buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at
maging sa aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga matatawarang
implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon.
Bukod sa mga karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng
edukasyon, ito rin ang nagsilbing balangkas upang mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula
dito ay binigyan din ako ng pagkakataon upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao
at mga karanasang aking daldalhin habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na
baitang. Ang karanasan na marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.
Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang inisip noon kundi
ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang ng pasakit at
matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay ang pagpasok buhat
sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing darating ang katapusan ng
Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang ang aking mga kaklaseng maglakad
sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang upang tanggapin ang kanilang mga
parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman, subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay
tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man hayag sa aking mga magulang ang kanilang
pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit ko itong labanan subalit wala akong magawa.
Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang
makapagbagong buhay. “Bakit kahit na anong gawin ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan
na patuloy na sumisilab sa aking mura at gahasang isipan.

Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon sa kung ano ang
pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong
kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Wala pa akong
alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”. Nagdaan ang maikling panahon at
dito ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro sa asignaturang Filipino. Siya ay may edad
na sa panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag
subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na
noo’y walang pakialam sa halaga ng edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala
akademikong kaalaman ang batid na ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din
itong bigyan ang lahat ng pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong
sinasaklawan nito. Hindi lang dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro nararapat
ding maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito. Sa markang “90” ako nagsimulang
yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa
kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap sa buhay.

Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking mga markang nais
matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t
isipan sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating mabatid na sa
ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang layon nitong magbigay ng
magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa
ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon.

ADVERTISING
Advertisements

REPORT THIS AD

REPORT THIS AD

Share this:

TwitterFacebook2Google

Loading...

Related

Posisyong Papel mula kay Dian Joe Jurilla Mantiles Hinggil sa Karapatang Pantao ng mga Kabataang
Buhat sa LGBT Community

Maikling Kwentong Handog kay Propesor Maria

MAIKLING KWENTO FOR SIS ANNE

Posted on April 15, 2017 by Andy • Bookmark the permalink.

Post navigation← Contributors of my Flare Posisyong Papel mula kay Dian Joe Jurilla Mantiles Hinggil sa
Karapatang Pantao ng mga Kabataang Buhat sa LGBT Community →

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment

Name *
Email *

Website

Notify me of new comments via email.

Search

Search …

Recent Posts

#resistancepoetry🐝 June 1, 2017

Fateful Encomium June 1, 2017

MAIKLING KWENTO FOR SIS ANNE April 24, 2017

Maikling Kwentong Handog kay Propesor Maria April 15, 2017

Posisyong Papel mula kay Dian Joe Jurilla Mantiles Hinggil sa Karapatang Pantao ng mga Kabataang
Buhat sa LGBT Community April 15, 2017

awful good girl

Mini Calendar

April 2017

M T W T F S S

« Nov Jun »

1 2

3 4 5 6 7 8 9

10 11 12 13 14 15 16

17 18 19 20 21 22 23

24 25 26 27 28 29 30

Follow / Add Me on:


View iamdj4ever’s profile on FacebookView dianmantiles’s profile on TwitterView dianmantiles’s profile
on Instagram

This page is dedicated to you. Have a good day!

Advertisements

REPORT THIS AD

:)

REPORT THIS AD

You might also like