BIONOTE
Si Miriam Santiago ay ipinanganak sa Lungsod ng Iloilo sa taong 1945. Nagtapos siya ng
kanyang elementarya bílang valedictorian sa La Paz Elementary School noong 1957. Taong 1961,
nagtapos siya ng sekondarya sa Iloilo National High School bilang valedictorian. Nag-aral ng kolehiyo sa
University of the Philippines sa kursong abogasya. Kaunaunahang babae na naging punong patnugot ng
Philippine Collegian.Habang nag-aaral marami na siyang natatanggap na mga parangal dahil sa kanyang
taglay na kagalingan. At natapos niya ang kayang Bachelor of Laws bilang isang Cum Laude. Nakapag-
aral din siya sa mga sikat na paaralan ng University of Michigan, Oxford University, Maryhill School of
Theology, University of California, Harvard University, at University of Cambridge.
Taong 1970 naikasal siya kay Narciso Santiago Jr., biniyayaan ng dalawang anak ngunit sa
kasamaang palad pumanaw ang kanyang bunsong anak sa taong 2003. Tumakbo bilang Presidente ng
Pilipinas noong taong 1992, ngunit sa kasamaang palad natalo siya sa kanyang pinaka mahigpit na
katunggali na si Fidel Ramos. Itinuturing siyang isa sa mga mas may kapangyarihan sa isang daang
kababaihan sa buong mundo noong 1997 sa isang Australian Magazine. Muling siyang tumakbo bilang
pangulo sa taong 1998 ngunit natalo siya ni Pangulong Joseph Estrada. Di nga siya nagwagi bilang isang
ganap na presidente, ngunit tatlong beses siyang naihalal bilang Senador. Nagsilbi siya sa lahat ng tatlong
sangay ng gobyerno ng Pilipinas: hudisyal, tagapagpaganap, at lehislatibo. Noong 2011 naihalal siya
bilang isa sa anim na bagong pwesto sa International Criminal Court (ICC) na nakabase sa Netherlands.
Sa huling pagkakataon sumabak muli siya sa pagtakbo bilang Presidente sa taong 2016, at sa kanyang
huling pagkakataon natalo ulit siya ni Pres. Rodrigo Duterte. At dahil sa kanyang sakit na Lung Cancer
siya’y pumanaw noong Hunyo 30, 2016.
Minahal niya talaga ang ating bansa, isa siya sa taong gustong gusto ipaglaban ang katotohanan at
kayang gawin ang lahat para sa ating bansa. Isang mabangis na babae lalo na sa korte kaya tinatawag
siyang “Iron Lady of Asia”. Isa siyang tapat na tao lalo na sa kanyang salita, isa siya sa may mga
paninindigan na babae. Siya ang babaeng hindi madaling sumusuko sa bakbakan sa buhay, isang
matapang, at hindi basta-basta susuko.