You are on page 1of 1

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Talino o diskarte: Replektibong Sanaysay sa Pelikulang Bad Genius


Ang Bad Genius ay isang pelikula na galing sa Thailand kung saan
umiikot ang isyu ng pangonopya o pandaraya sa eskwelahan. Natural lang sating
mga studyante ang mangopya, ngunit may mga panahon na nagiging abusado tayo
dahil narin sa hangarin na makapasa at magkaroon ng mataas na grado. Ang sabi
nga ng iba na “daig ng madiskarte ang matalino.” Kay ba’t nangongopya tayo para
malamangan o mapantayan ang mga matatalino? Isa ngang sikat na diskarte ng mga
studyante ang panggongopya, may mga ilan nga na nakakagraduate dahil lang sa
pangongopya yung iba may honor pa. Hindi naman natin sila masisisi kung bakit sila
ganun may iba na gusto lang makapagtapos, yung iba gusto lang na maabot yung
inaasahan ng mga magulang nila, may iba na ayaw malamangan, at may iba na
natukso lang. Ngunit sapat nga ba iyon na rason para mangopya na lang at umasa sa
kaklase o sa kodigo? Hindi ba’t mas masarap sa pakiramdam ang makakuha ng
mataas ng grado dahil sa pagsisikap. Sabi nga ng mga guro na ang pangongopya o
pandaraya ay madadala mo hanggang sa paglaki, darating sa punto na hindi mo na
makokontrol ang sarili mo sa pangongopya dahil ang nais mo’y maging lamang,
maging una, at hindi madismaya ang iyong mga magulang. Ganoon ang nangyari sa
pelikula, gumawa pa sila ng mga komplikadong kodigo para lamang di mahalata,
ngunit lahat ng sikreto ay nabubunyag at lahat ng kasalanan ay may kaakibat na
kaparusahan. Ipinapakita ng pelikula kung paano nakakasilaw ang pera at kung
pano lumalala ang kopyahan. Maaring sa una ay isa lamang simpleng kopyahan lang
ngunit patagal na patagal dahil na rin sa kasakiman ay nagiging sakit na ito. Tandaan
na lahat tayo ay may hangad na maging matagumpay sa buhay, bagamat mahirap
ito makamit hindi parin sapat na rason ang mandaya. Mas masarap pa rin isipin na
napagtagumpayan mo ang isang bagay dahil tapat at totoo ka.

You might also like