You are on page 1of 1

Camelia T.

Canaman – ABM 12

REPLEKTIBONG SANAYSAY AYON SA PELIKULANG BAD GENIUS


Ang Bad Genius ay isang pelikula tungkol sa mga kahihinatnan ng pandaraya sa
paaralan. Likas sa mga estudyante ang pandaraya, ngunit may mga pagkakataong
nagiging abusado ang pagdaraya dahil sa kagustuhang makakuha ng matataas na
marka. Sabi naman ng iba, "the strategic beats the smart". Bakit kailangan pang mag
aral kung pwede naman mangopya? Ang pangongopya ay isang karaniwang paraan
upang makamit ang tagumpay bilang isang mag-aaral, ngunit kasalanan ba nila kung
gusto nilang makapagtapos o maabot ang inaasahan ng kanilang mga magulang,
kaya sila nangongopya? May mga taong gusto lang makapagtapos, at ang iba ay
tinutukso lang ng pagkakataon. Ngunit makatwiran bang kumopya at umasa sa mga
kaklase o sa kodigo?
Ang nangyari sa pelikula ay gumawa pa sila ng mga komplikadong code para lang
hindi makita para sa darating na exam, pero lahat ng sikreto ay nabunyag at lahat ng
kasalanan ay pinarusahan. Ang pandaraya ay natuklasan sa huli, at parehong si Lynn
at Bank at ang iba pang sangkot ay umamin din. Sa palabas na ito, nakakita ako ng
maraming halimbawa kung paano karaniwang nagkakamali ang mga bagay kapag
gumagawa tayo ng masama at darating ang araw na kailangan nating pagbayaran
ang ating mga aksyon. Sa panlolokong ginagawa natin, kahit hindi tayo mahuli
ngayon, mahihirapan pa rin tayo sa huli dahil kahit pumasa ka sa mga pagsusulit mo
dahil sa pangongopya ay hindi ito magdadala sa iyo sa tagumpay sa buhay. Sa kabila
ng kanilang mga pagkakamali, dahil sa kanilang karunungan, na-inspire nila ako, lalo
na si Lynn, dahil gusto niyang tulungan ang kanyang ama, ngunit hindi ko
maiwasang madismaya sa kanila dahil sa hindi nila ginamit ang kanilang
karunungan sa tamang paraan. Kahit maganda ang hangarin mo, kahit gusto mong
tumulong sa kapwa, kung mali ang ginawa mo, mali pa rin. Ang isang pagkakamali
ay hindi maitatama ng isa pang pagkakamali.
Tinatalakay rin ng pelikula kung paano maaaring maging limitasyon ang pera sa
ating buhay, at kung paano madalas na humahantong sa mas maraming problema
ang pagkopya. Sa una, ang pagkopya ng isang bagay ay maaaring isang simpleng
paraan para makuha ang gusto mo. Ngunit sa paglipas ng panahon, kung ang isang
tao ay nangongopya nang labis, maaari itong maging isang pagkagumon. Tandaan na
gusto nating lahat na maging matagumpay sa buhay, ngunit ng pagtatagumpay ay
mas maganda pa rin kung ito ay nakamit sa wastong paraan.

You might also like