You are on page 1of 3

Jheannie Jenly Mia V.

Sabulbero Filipino
Grade 12 ABM-Pascal Finals (Aralin 4)

JOURNAL

Paano makakatulong ang kasanayan at kaalaman sa pagsulat ng isang


replektibong sanaysay?

Nakakatulong ito upang maipaliwanag mo ang paksa ng maayos,


detalyado, at epektibo. Nararapat lamang na sapat at malawak ang iyong kaalaman
upang maging makabuluhan ang iyong sanaysay. Bukod dito, nakakatulong din ang
kasanayan sa paglalahad ng iyong mga ideya, dapat tama ang pagkasusunod nang
sa gayon ay maintindihan ng mga mambabasa ang replektibong sanaysay

GAWAIN 1
A.1 PAGLALAHAD
1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. MALI
6. TAMA
A.2 REPLEKTIBONG SANAYSAY
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. TAMA
11. TAMA
12. TAMA
GAWAIN 2

 PAMAGAT NF REPLEKTIBONG SANAYSAY NA NASALIKSIK:


Replektibong Sanaysay sa pelikulang “Bad Genius”

 MAY-AKDA/SANGGUNIAN
Dianne Agnas

 PAKSA:
Tungkol sa isang pelikula na tinatalakay ang isyung pandaraya sa luob
ng paaralan.

 BUOD:
Ang pandaraya sa paaralan ay isang bukas na sekreto.Kahit sinong
estudyante ay ginagawa ito lalo na kung nahihirapan at wala ng ibang
pagpipilian pa.Halos lahat ay ginagawa ito ngunit hindi napag-uusapan dahil
walang estudyante ang gusto nito.
Ang Bad Genius ay pelikula sa Thailand kung saan tinalakay ang isyu
ng pandaraya sa loob ng paaralan. Kwento ito ni Lynn na isang napakatalinong
estudyante sa Senior High School kung saan tinulungan nya ang kanyang mga
kaibigan sa pagpapakopya kapalit ng bayad.Minsan kahit may mga patakaran ay
hindi natin maiiwasang lumabag kahit alam nating masama ito.Kumakapit tayo sa
patalim para lang umangat pero kung magkakaroon tayo ng kumpyansa na gawin
ang ng bagay na hindi natin kaya o kung saan tayo mahina ay maaaring magkaroon
tayo ng pag-asang matutunan ito. Sa pelikula ay pinakita ang kanilang estratehiya
sa pandaraya sa mga test para lang makakuha ng mataAs na grado.  Ipinapakita sa
pelikula kung paano nangyari ang pandaraya sa loob ng paaralan, ang pandaraya
na hindi maiiwasan, ang paglabag ng mga may katungkulan at kung paano
napapagalaw ng pera ang tao.

 PAGSUSURI SA KABUOAN

Maayos ang pagkakasulat ng replektibong sanaysay, nasunod nito


ang tamang estruktura o ang mga bahagi nito, ang introduksyon, katawan, at ang
wakas. Naging malinaw din ang mga salita at madali lang itong unawain, lohikal at
organisado ang pagkasulat ng talata. Ngunit kapag ihahambing ko ang aking
nasaliksik na sanaysay sa halimbawang nasa aralin ay masasabi ko na mas maayos
ang pagkasulat ng katawan sa halimbawa, dahil mas nagtataglay ito ng patunay
hinggil sa paksa nito, mas mabisa at epektibo din ang pagkasulat nito kaysa sa
nasaliksik kong replektibong sanaysay.
GAWAIN 3

Para sa akin masasabi ko na nahuhubog ng aking sarili ang kasanayang


dapat taglayin ng isang mag-aaral sa ika-21 siglo. Handa ako sa anumang ihaharap
sa akin pagdating ng mga araw. Kaya kong makiisa, mamuno,
makipagkomunikasyon, at pag isipang mabuti ang maaring solusyon sa mga
problema. Ngunit hindi ko masasabi na sapat na lahat ito, kaylangan ko paring
matuto at tumanggap ng mga leksyon at opinyon ng ibang tao. Upang mas lalo
pang mahubog ang mga katangiang ito ay wag tayo dapat matakot na sumubok sa
mga bagay-bagay, wag paghinaan ng loob pag ikaw ay nagkamali o nabigo. Gawin
mo itong inspirasyon para mag patuloy at mas pagbutihan ang iyong sarili, matuto
ka sa iyong mga karanasan.

GAWAIN 4

Replektibong sanaysay tungkol sa librong binasa na


“Anne of Green Gables”

Ang salitang mahirap ay imbento ng taong tamad, walang mahirap sa taong


may pangarap. Ito ang kataga ni Greg Sumilhig. Libre lang ang mangarap o ang may
naisin na makamit sa buhay, hindi madali ang pagkamit nito at marami kang
pagsubok na haharapin at dapat itong pagsikapin.

Sa librong “Anne of Green Gables” ni Lucy Maud Montgomery, inilahad dito


ang kwento ng isang ulilang bata na mataas ang pangarap at hindi ng hihina sa
kanyang sitwasyon. Siya ay kinupkop at nagsipag na mag-aral. Hindi naging madali
sa kanya ang buhay, marami siyang nahaharap na pagsubok ngunit nanatiling
matatag ang kanyang loob, masiyahin siya at mabait. Marunong makitungo sa
kanyang kapwa. Nagustuhan ko ang personalidad ni Anne dahil palaban siya at
hindi siya natatakot na magkamali, ginagawa niya pa itong leksyon at inspirasyon
upang magpatuloy. Hindi lahat ng tao ay maniniwala sa iyong kakayahan maraming
susubok na pababain ka ngunit naging inspirasyon ko si Anne upang hindi
magpadala, dapat pagtibayin ko ang aking sarili para sa aking mga pangarap.

Walang imposibleng makakamit kung ikaw ay magsusumikap. Hindi mn


magiging madali ang pagtungo sa iyong pangarap pero kung nais mo talagang ma
abot ito ay wala sa pagpipiliang daan ang sumuko.

You might also like