You are on page 1of 27

S A N A Y S A Y

Aralin 3
SANAYSAY
Ayon kay Alejandro G. Abadilla,
ang sanaysay ay pagsasalaysay ng
isang sanay. Kaya’t ang sinumang
susulat nito ay nangangailangan na
may malawak na karanasan,
mapagmasid sa kapaligiran at
palabasa.
Mga bahagi ng sanaysay

Simula
Dapat makuha ng akda ang atensyon at
damdamin ng mambabasa.
MGA URI NG SIMULA

Pasalaysay Nakakagulat
na Pahayag
Ito ay "Twenty years old
Patanong pa lang ako ay Kasabihan
paglalahad ng
nakapagopera na
isang ako ng tumor sa
pangyayari. utak."
MGA URI NG SIMULA

Anekdota

Maikling Survey/
Kahulugan
salaysay na Datos
may aral sa
buhay.
Kaibigan, Tunay ka nga ba?

No man is an island, iyan ay ika nga ng karamihan. Ang tao ay


di raw kayang mabuhay nang mag-isa o walang kaibigan. Ngunit,
ano nga ba ang kaibigan? Ito ba ay nakakain o gamit na laging
nahahawakan? O baka, ito ay isa lamang salitang walang magandang
kahulugan? Ang kaibigan, para sa akin, ay maaaring bagay o hayop.
Pero ayon sa iba, ito ay kadalasang tao. Ang kabigan ay isang taong
mapagkakatiwalaan, matapat, maaasahan o masasandalan sa oras ng
pangangailangan.
Pag-ibig: Nag-aalab na Damdamin
Akda ni Jerome Pamintuan

Noong bata pa ako, itinuro sa akin ng aking mga magulang


kung ano ang pag-ibig. Sabi nila, ito raw ang damdamin na
nananalaytay sa pagitan ng bawat isa, sa pagitan ng ating mga
magulang, mga kapatid at sa Diyos. Basta raw may pag-ibig laging
magiging masaya at matiwasay ang pagsasama ng aming pamilya.
Siguro nga, ito kasi ang pangunahing dahilan kung bakit simula
noong tayo ay isinilang sa mundong ito, pag-ibig na ang naghahari
sa ating mga puso.
Kahirapan na Walang Katapusan

Maganda ang forecast sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong


2015. Maaari raw umangat ng 6-7 percent ang kabuhayan.
Nakikita na umano ang mga palatandaan. Noong 2012, umangat
ang ekonomiya ng bansa ng 6.6 percent. Tuwang-tuwa si
President Noynoy Aquino sa pag-angat na ito. Ipinagmalaki niya
ito. Sabi, ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa “maayos na
pamamahala” ng kasalukuyang pamahalaan.
Mga bahagi ng sanaysay

Gitna
Dito mababasa ang mahahalagang ideya o punto
ukol sa paksang pinili at isinulat ng may-akda.
MGA PARAAN ng PAGLALAHAD

Pag-iisa-isa
paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa
pamamagitan ng maayos na paghahanay ng mga
ideya o kaisipan.
MGA PARAAN ng PAGLALAHAD

Paghahambing
ginagamit na paraan na ito sa paghahambing ng
magkatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay.
MGA PARAAN ng PAGLALAHAD

Pagsusuri
sa paraang ito ay nasusuri ang mga salik o bagay-
bagay na nakakaapekto sa isang sitwasyon at
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
MGA PARAAN ng PAGLALAHAD

Sanhi at Bunga
tinatalakay rito kung ano ang sanhi o dahilan at
kung anoa no ang kinalabasan.
Ngayon, siguro napapasin na natin ang lupit ng kalikasan kitang
kita siguro natin ang galit ng kalikasan. Pagsila ay gumanti
maraming buhay ang sinisingil sa atin. Bagyo, landslide, lindol,at
pabagu-bagong klima na nararanasan ng lahat ilan lang yan sa
kayang gawin ng kalikasan. Siguro kaya nangyari ang mga ito
ay dahil binbigayan na tayo ng babala ng kalikasan na tayong
mga tao ang dapat pag-ingatan ng ating kalikasan.
Pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad,
pinakadahilan ng kahirapan.

Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng


ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na
para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng
mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga
pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para
bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain
nila.
Sa pagkasira ng ng ating likas na yaman tayong mga tao na may
mataas na kaisipan ang dapat maging responsable sa pag aalaga dito.
Nagsusumigaw na ang ating inang kalikasan upang atin na siyang
bigyan ng halaga at atin siyang alagaan. Sa lahat ng nangyayari sa
paligid tayong mga tao ang may gawa kahit na mabuti man o
masama. Sabi nga ng iba hindi masama ang pag ulad basta huwag
lang nakasisira ng kalikasan. Sa kasamaang palad umuunlad nga ng
ating bayan sira naman ang ating likas na yaman wala pang
kabuhayan.
Mga bahagi ng sanaysay

Wakas
Sa bahaging ito tatalakayin ang hamon ng may-
akda upang maisakatuparan ang isyung tinalakay.
May kasabihan tayong “true love waits” na nangangahulugang
may tamang oras para sa pag-ibig, gaano man katagal o gaano
man kayo kalayo sa isa’t isa nananalaytay ang tiwala. Ano man
ang istilo ng pagmamahal ang ating ginagawa tandaan natin na
ang tadhana na ang gagawa ng paraan para matagpuan natin
ang taong tunay na magmamahal satin at mapag-isa ang
damdamin. Ginawa tayo ng Poong Maykapal para magmahal at
mahalin.
Kumilos na tayo hangga’t may oras pang natitira. Masosolusyunan
natin ang kahirapan basta tayo ay nagtutulungan. Kaya kung ako
sayo, tulungan mo ang sarili mo na magkaroon ng disiplina at maya-
maya kapag talagang sa tingin mong tiyak na mayroon ka ng
disiplina, tumulong ka na sa komunidad upang makagawa tayo ng
mas maunlad at mabuting bansa.
Laging ugaliing gamitin ang ating wika sa magagandang bagay at
huwag itong abusin. Dahilan na rin ng mabilis na paglipas ng panahon
marami ng mga pagbabagong naganap sa wikang Filipino kagaya ng
mga nadagdag na mga salita at mga salitang hango sa wikang Ingles.
Ang wika ay isa sa napakahalang aspeto upang maging maunlad ang
isang bansa at ito ang siyang sumisimbolo sa ating pagkakakilanlan.
Gamitin ito ng wasto at tama at mahalin para na rin sa bawat isa sa
ating mga Pilipino.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
SANAYSAY
Alamin ang pakay sa pagsulat.
Magsaliksik ng patungkol sa paksa.
Gumawa ng balangkas upang maging maayos
ang daloy ng kaisipan.
Maging maingat sa mga salita at balarila.
Basahing muli at iwasto.
AWTPUT BLG. 3

Sumulat ng pormal at di-pormal na sanaysay.


Binubuo ng 3 hanggang limang talata na
naglalaman ng bahagi ng sanaysay (simula, gitna,
wakas).
Isusulat ang sanaysay sa 1/8 illustration board at
ipapasa sa Enero 6, 2023.
PAMANTAYAN

Orihinalidad 25 puntos
Maayos na pagkakalahad ng sanaysay
(bahagi ng sanaysay) 10 puntos
Kahusayan ng mga
inilatag na kaisipan 15 puntos
Mga Larawang ginamit 10 puntos

Kabuan: 70 puntos

You might also like