You are on page 1of 10

KAHAPON,NGAYON

AT BUKAS
ni: Aurelio
Tolentino
• Isang mandudula, makata, at mangangatha,
si Aurelio Valenzuela Tolentino (Aw∙rél∙yo
Va·len·zwé·la To∙len∙tí∙no) ang sumulat
ng Kahapon, Ngayon at Bukas(1903), isang
drama simbolika at pinakasikat sa mga dulang
sedisyoso noong panahon ng Americano. Isa
siyáng Kapampangan ngunit sumulat sa mga
wikang Kapampangan, Tagalog, at Español.
Aktibo siyáng Katipunero at kasáma ni
Bonifacio sa kuweba ng Pamitinan noong 10
Abril 1895 sa isang lakaran para sa kalayaan.
• makabuluhan ang kaniyang dulang Bagong
Cristo (1907) dahil sa paksang manggagawa.
Ang kaniyang nobelang Ing Buak nang
Ester (1911) sa Kapampangan ay may
saling Ang Buhok ni Ester (1914015). Nása
Tagalog din at Kapampangan ang Maring (193
at 1914). Nása Español naman ang
komedyang La Venganza de Robdeil (1891) at
ang sarsuwelang Rizal y los dioses (1901). May
Aurelio V. Tolentino mga tula siyáng tinipon sa Dakilang
(13 Oktubre 1867-5 Hulyo 1915) Asal (1907).
Mga Tauhan:
 INANGBAYAN (PILIPINAS)
 DILAT NA BULAG (ESPANYA)
 BAGONGSIBOL (AMERIKA)
 MASUNURIN (BABAING PILIPINA)
 TAGAILOG(ANG KATAGALUGAN)
 MATANGLAWIN (GOBYERNO NG KASTILA)
 MALAYNATIN (GOBYERNONG AMERIKANO)
 ASALHAYOP (MAPAGLILONG TAGALOG)
 DAHUMPALAY(MAPAGLILONG TAGALOG)
 HARINGBATA (HARING INTSIK)
 HALIMAW (PRAYLE)
 WALANG TUTOL (LALAKING PILIPINO)
BUOD:
• Nasilaw sa kislap ng salapi ay isinuplong ni
Asal Hayop (Mapaglilong Tagalog) ang kanyang
Inang Bayan (Filipinas) at ang kanyang kapatid
na si Tagailog (Katagalugan). Napatay ni
Tagailog si Haring Bata (Haring Intsik).
Pinarusahan ni Tagailog si Asal Hayop, sinunog
siya upang magsilibing halimbawa na hindi
siya dapat pamarisan.
Dumating si Dilat na Bulag (Espanya). Kinaibigan niya sina Inang
Bayan at Tagailog. Sila’y nagsumpaan ng katapatan at bilang
pagpapatibay sa kanilang sumpaan ay ininom nila ang pinaghalong
dugong nagbuhat sa kanilang mga ugat.
Si Dahumpalaya (Mapaglilong Tagalog) ay nagtaksil at sa pakana
niya ay nasukol at napilit si Tagalog. Si Matanglawin (Sakim at
Mapagsamantalang Gobyerno ng Kastila sa Pilipinas) ay sinulsulan
pa ni Dahumpalay na panatilihing nakagapos si Tagailog sa habang
panahon. Namulubi si Inang Bayan dahil sa pagmamahal sa anak.
Ipinagkaloob niya ang kanyang salapi kay Matanglawin upang
makalaya si Tagailog. Pinalaya ni Matanglawin si Tagailog ngunit
siya’y nagbabalak na naman nang masama. Huhulihin niyang muli
si Tagailog upang makahinging muli ng salapi kay Inang Bayan.
Nalinlang ni Tagailog si Matanglawin kaya hindi natupad ang
masama niyang balak.
Naisadlak sa libingan ni Dilat na Bulag si Inang Bayan sa tulong ni
Halimaw. Napabalitaang pinamumunuan ng kaluluwa ni Tagailog ang
magsisipaghimagsik. Napagkasunduan nina Tagailog at Bagong Sibol
(Amerika) na pagtutulungan nila si Dilat na Bulag. Lumabas sa libingan
si Inang Bayan. Inilibing nang buhay sina Dilat na Bulag, Matanglawin at
Halimaw sa libingang hinukay sa utos ni Inang Bayan. Nagtagumpay
sina Tagailog at Bagong Sibol. Pinaalalahanan ni Inang Bayan si Bagong
Sibol na pakitunguhan silang mabuti sapagkat kapag silang mag-ina ay
inapi ni Bagong Sibol ay makabubuti pang lahat sila’y lipunin nang
minsanan. Nayari ang bandila ni Inang Bayan. Ipinabatid ni Tagailog kay
Bagong Sibol ang paghahangad ng kalayaan ni Inang Bayan.
Napangarap ni Bagong Sibol na hinabol niya si Inang Bayan dahil sa
kinuha niyon ang dala niyang agila at ipinukol sa isang maliit na batong
may elektrisidad. Lumubog sa libingan si Inang Bayan. Pinagbantaan si
Bagong Sibol ng mga kaluluwang nangaroon. Pinagbalaan ng kasawian
ni Kamatayan si Bagong Sibol kapag hindi niya pinalaya si Inang Bayan.
 
• Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ay isinulat ni Aurelio
Tolentino. Noong Ika-14 ng Mayo taong 1903 ay ipinalabas
ito sa entablado sa Manila's Teatro Libertad. Ang dulang ito
ay isinagawa laban sa mga bagong mananakop na mga
Amerikano. Ang dulang ito ay sumasalamin sa paghangad
ng kalayaan ng mga Pilipino. Base sa aking nabasa, may
isang pangyayari sa dula kung saan itinapon ang watawat
ng Amerika sa lupa at tinapak tapakan hanggang mapunit
sabay sigaw ng “Long live Freedom! Long live the
Motherland!” na nakita naman ng ibang Amerikanong
nanood. Dahil dito ay ikinulong siya sa pangalawang
pagkakataon. Ngunit masasabi kong isa si Aurelio Tolentino
sa mga lumaban at nagtanggol ng ating kalayaan sa
pamamagitan ng masinig na pamamaraan ng digmaan
PAGTATALAKAY

• REALISMO
Sa pamahalaan, ang mga pulitiko ay
nasisilaw sa salapi na kanilang nakukuha
na nagiging sanhi ng pag aaway-away na
nauuwi minsan sa patayan.
• SOSYOLOHIKAL
Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng
bawat isa, ay nakaka epekto ito sa
lipunan na nagiging dahilan ng
kahirapan.
BISANG PAMPANITIKAN
• BISA SA ISIP
 Naikikintal sa isipan ng mga mambabasa na

You might also like