You are on page 1of 3

Sandaang Damit

ni: Fanny A. Garcia

Mga Tauhan :
Batang babae : isang mahirap na bata inaapi at sinungaling
Ina ng batang babae : mapagmahal na ina, positibo para sa anak
Mga kaklase ng batang babae : mga nang aapi sa bata
Tagpuan :sa eskwelahan at bahay ng batang babae

Maikling buod :

May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang kanyang
pagiging walang imik sa klase at madalas nanakaupo lamang siya sa isang sulok. Siya ay madalas
na tinutukso ngkanyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik lamang ang kanyang damitat kung
oras na ng kainan ay nakikita nilang ang kanyang baon aykapiraso lamang ng tinapay na
madalas pang walang palaman.
Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sakanyang ina ang kanyang
dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina sakanyang kalagayan. Sinasabi na lamang nito sa
batang babae na ibibilina lamang siya ng bagong damit at masarap na baon kung
makakakuhana ng trabaho ang kanyang ama.
Dumating ang araw na naintindihan na niya ang kalagayan ngkanilang pamilya. Hindi na
niya sinasabi sa kanyang ina ang kanyangnararanasang panunukso mula sa kanyang mga
kaklase at natuto nasiyang sarilinin ang kanyang nararamdaman.
Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang panunukso ng kanyangmga kaklase at natuto
na siyang lumaban. Sinabi niya sa kanila na siyaay may sandaang damit sa kanilang bahay. Hindi
naniwala ang kanyangmga kaklase. Upang mapaniwala sila, inisa-isa niya ang mga disenyo
ngbawat damit niya at dahil ditto ay naniwala na sila sa kanya.
Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Nagingkaibigan na siya ng mga
ito. Naging palasalita na siya at hindi na siyamahiyain. Minsan nga ay binabahagian pa siya ng
mga ito ng kanilangmasarap na baon.
Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa klase ngbatang babae. Nang lumipas
ang isang lingo ng kanyang pagliban aynagpasiya ang kanyang mga kaklase na dalawin siya sa
kanilang bahay.Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang isang paytat na babae atnakita nila
ang isang bahay na tagpi-tagpi lamang, luma at salat samarangyang kagamitan. Sa isang sulok
ay natagpuan nila ang batangbabae na nakahiga at may sakit pala.
Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel nanakapaskil sa dingding. Nakita
nila ang mga larawang tulad ng binanggitng batang babae. Totoong naroroon ang sandaang
damit na ni minsan ayhindi pa nila nasilayan. Sandaang damit na pawang drawing lamang.

Pagtalakay (SOSYOLOHIKAL) Pandulog


Ang deskriminasyon na nararanasan ng isang tao sa lipunan. Ngayong panahon kasi ay
nauuso ang bullying at marami sa mga kabataan ang nakakaranas nito at nagiging sanhi ng
pagka depress ng isang tao. Hindi biro ang ma depress. Marami narin ang nagpapakamatay
dahil sa depression dahil hinddi nila nakayanan pa.

Bisa sa isip
Natanim sa isip ko ang tungkol sa katayuan ng isang mahirap sa mundo ng mayaman.
Kung paano apihin ang mga batang hindi kayang suportahan ng mga magulang ang
pangangailangan ng anak gayundin kung bakit ang mga mahirap ay nasasakdal sa kasamaan at
natututong gumawa ng mali sa buhay.

Bisa sa damdamin
Nalulungkot ako sapagkat napakasakit isipin na ang mga mahihirap ay inaapi sa kabila ng
kanilang nararanasan. Naaawa ako sa kalagayan ng bata sapagkat sa murang edad ay
nararanasan niya ang kaapihan sa buhay. Hindi ako makaramdam ng galit sa batang inaapi kahit
na siya ay nagsinungaling na mayroong sandaang damit. Sapagkat ginawa lamang niya iyon
upang matigil na ang pang aapi sa kanyang kaklase sapagkat sa halip na tulungan ay inaapi pa
nila.

Bisang Pangkaasalan
Ano mang hirap ang danasin sa buhay ay manatiling malinis ang kalooban. Ang
kahirapan ay hindi dapat maging hadlang upang gumawa ng kasamaan. Kahit na mahirap ang
isang tao kung may dangal naman at malinis ang kalooban ito ang yaman na hindi makukuha
ninuman. Sa ginawa ng bata ay nakuha niyang magsinungaling sapagkat dinaranas niya ang
kaapihan upang malampasan lamang ang dulot na kahirapan.

Sariling pananaw
Ang panghuhusga ay may malaking maidudulot sa hinuhusgahan lahat tayo ay walang
karapatang humusga ng kapwa at maliitin ito, dahil lahat ng tao ay isinilang ng pantay-pantay at
mamamatay ng pantay-pantay.
University of Nueva Caceres
College of Education
S/y 2019-2020

Sandaang
damit
Ni: Fanny A. Garcia

Ipinasa Ni:
Kennan N. Azor

Ipapasa kay:
Maam Evelyn Autor

You might also like