You are on page 1of 2

Tena Clark Phil B.

12-HAMILTON
Pagyamanin : Gawain 1 :
Sandaang Damit
Fanny A. Garcia
Buod:
May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang kanyang pagiging walang imik
sa klase at madalas na nakaupo lamang siya sa isang sulok. Siya ay madalas na tinutukso ng kanyang mga
kaklase sapagkat pabalik-balik lamang ang kanyang damit at kung oras na ng kainan ay nakikita nilang
ang kanyang baon ay kapiraso lamang ng tinapay na madalas pang walang palaman.Sa tuwing siya ay
umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sa kanyang ina ang kanyang dinaranas. Totoong naawa ang
kanyang ina sa kanyang kalagayan. Sinasabi na lamang nito sa batang babae na ibibili na lamang siya ng
bagong damit at masarap na baon kung makakakuha ng trabaho ang kanyang ama.Dumating ang araw
na naintindihan na niya ang kalagayan ng kanilang pamilya. Hindi na niya sinasabi sa kanyang ina ang
kanyang nararanasang panunukso mula sa kanyang mga kaklase at natuto nasiyang sarilinin ang kanyang
nararamdaman. Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang panunukso ng kanyang mga kaklase at natuto
na siyang lumaban. Sinabi niya sa kanila na siya ay may sandaang damit sa kanilang bahay. Hindi
naniwala ang kanyang mga kaklase. Upang mapaniwala sila, inisa-isa niya ang mga disenyo ng bawat
damit niya at dahil dito ay naniwala na sila sa kanya. Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga
kaklase. Naging Kaibigan na siya ng mga ito. Naging palasalita na siya at hindi na siya mahiyain. Minsan
nga ay binabahagian pa siya ng mga ito ng kanilang masarap na baon.Subalit, isang araw ay hindi
nagawang pumasok sa klase ng batang babae. Nang lumipas ang isang linggo ng kanyang pagliban ay
nagpasiya ang kanyang mga kaklase na dalawin siya sa kanilang bahay. Nang nakarating sila ay nadatnan
nila ang isang paytat na babae at nakita nila ang isang bahay na tagpi-tagpi lamang, luma at salat sa
marangyang kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batangbabae na nakahiga at may sakit pala.
Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel na nakapaskil sa dingding. Nakita nila ang mga
larawang tulad ng binanggit ng batang babae. Totoong naroroon ang sandaang damit na ni minsan ay
hindi pa nila nasilayan. Sandaang damit na pawang drawing lamang.

Sangkap ng Maikling Kwento

Mga Tauhan:

Batang Babae- ang pangunahing tauhan sa kwento-nakakaranas ng panunukso- round o bilugan


Mga Kaklase -nanunukso sa batang babae- round o bilugan
Ina- flat o lapad
Tagpuan-
● sa paaralan
● sa bahay ng batang babae

Banghay
● Linear
Panimula
● Nagsimula ang kwento sa paglalarawan ng may akda sa batang babae. Inilarawan niya ito bilang
isang batang walang imik, madalas na nag-iisa at mahiyain. Ipinahayag din ang panunukso ng
nararanasan nito.

Saglit na Kasiglahan
● Nang unti-unti nang nakakaunawa ang bata sa kalagayan ng kanilang pamilya. Pinili niyang
sarilinin ang kanyang pagdaramdam at hindi na si ya nagsusumbong sa kanyang ina.
Kasukdulan
● Nang natuto ng lumaban ang batang babae. Sinabi niyang mayroon siyang sandaang damit sa
kanilang bahay at nang hindi siya pinaniwalaanay inisa-isa niyang ilarawan ang kanyang mga
damit na ito.
Kakalasan
● Ang kakalasan ng kwento ay nang maging kaibigan niya na ang kanyang mga kaklase dahil sa
paniniwala nilang siya'y may sandaang damit. Dito ay binibigyan na siya ng kanilang baon at
nawala na ang kanyang pagiging mahiyain.
Wakas
● Nagwakas ang kwento nang isang linggo ng lumiliban ang batang babae. Nag-alala ang kanyang
guro at mga kaklase kaya dinalaw nila ito sa kanyang bahay. Nakita nila ang bata na may sakit at
ang mga papel na nakadikit sa pader, natagpuan nila ang sandaang damit ng bata na pawang
mga drawing lamang .

Uri ng Kwento-

Suliranin
● Ang nararanasang panunukso o diskriminasyon ng batang babae mula sa kanyang mga kaklase.
Tunggalian
● Tao laban sa lipunan
"Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na kaiba ang kanyang kalagyan kung
ihahambing sa mga kaklase. Ipinapakita at ipinapabatid nila iyon sa kanya. Mayayaman sila.
Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Madalasay tinutukso siya dahil sa
kanyang damit. Ang kanyang damit, kahit malinis ay halatang luma na, palibhasa ay kupas na at
punong-puno ng sulsi"
(Talata 2)
Aral at Implikasyon
● Huwag maging ambisyosa.
● Huwag maghangad ng sobra-sobra.
Paksang Diwa
● Ang paksa ng kwentong ito ay ang pagkukunwari ng batang babae na siya ay mayroong
sandaang damit upang matanggap siya ng kanyang mga kaklase.

You might also like