You are on page 1of 1

1. Bakit mahalagang pag-aralan ng mag-aaral sa ikapitong baitang ang akdang Ibong Adarna?

Mahalagang pag-aralan ng mag-aaral sa ikapitong baitang ang akdang Ibong Adarna dahil sa ito ay
bahagi ng ating kasaysaayan at ng ating panitikan, maraming mahalagang aral ng buhay ang
matututunan nila dito na makakatulong sa paggabay sa kanilang pagkatao.

2. Ano ang iyong paboritong bahagi ng akda at pahapyaw na ikwento ito.

Ang kabanata 6 kung saan nakita ni Don Juan ang matandang ketongin. Nang Makita ni Don Juan ang
matanda naduguan ay ibinigay niya ang kahulihulihang tinapay. Bilang pasasalamat ay pinayuhan niya
ang prinsepe na mag-ingat. Itinuro niya kung saan makikita ang Ibong adarna at bahay ng ermitanyo na
magtuturo kung paano mahuhuli ang ibong adarna.

3. Ano-ano ang mga moral na matatamo o mapupulot sa akdang Ibong adarna.

Tumulong sa mga nangangailangan .

Mahalin ang mga magulang at mga kapatid

Iwasan ang pagkainggit dahil ito ay maaring magpahamak sa iyo.

Huwag maghiganti at matutong magpatawad sa mga nagkasala sa iyo.

Maging matatang at matapang sa mga pagsubok sa buhay.

You might also like