You are on page 1of 5

SOUTH KOREA

Ang Timog Korea, pantungkulin Republika ng Korea (Internasyonal: Republic of Korea, Hangul:
대한민국, Daehan Minguk), ay isang bansa na matatagpuan sa Silangang Asya, sa katimugang
kalahati ng Tangway ng Korea. Karaniwang tinatawag na Hanguk (bansang Han; 한국) o Namhan
(Timog Han; 남한) ng mga taga-Timog Korea. Tingnan ang mga pangalan ng Korea.

Seoul (서울) ang kapital na lungsod nito. Sa hilaga, matatagpuan ang Hilagang Korea, na nabuo
bilang isang bansa hanggang noong 1945.
Ang Korea ay may mahabang kasaysayan na umaabot ng 4,000 taon, kasama na ang pagbagsak ng
mga kaharian at dinastiya. Simula nang sumibol muli bilang isang republikang bansa noong 1948
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay naharap ito sa maraming mga pagsubok: ang
Digmaang Korea, and deka-dekadang pamamahalang awtoritaryan, at pagpapalit ng saligang batas
nang limang beses.
Ang ekonomiya ng Timog Korea ay mablis na umangat simula noong 1961 at ngayon ay ika-15 na
pinakamalaki sa buong mundo (halagang nominal).

KABISERA
Ang Seoul o Seyol (Koreano: 서울) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Timog Korea.
Ito ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Timog Korea, at nahahati rin ng Ilog Han. Ito ang
pinakahilagang bahagi ng Timog Korea.
Ito ang sentro ng politika, ekonomiya, kultura, transportasyon, at ng edukasyon para sa mga taga-
Timog Korea. Ito rin ang pinakamatandang lungsod sa bansa, at ang kanyang kasaysayan ay
nagsimula pa noong 18 BC. ang Dinastiyang Goryeo ay nagtayo ng palasyo sa Seoul, na tinatawag
noong "Kabisera ng Katimugan". Hindi lumaon , ginawa rin ng Dinastiyang Joseon ang Seoul bilang
kanilang kabisera. Ito pa rin ang naging kabisera kahit noong panahon ng panahong sinakop ng mga
Hapon ang Korea noong 1910 hanggang 1945.
Ngayon, tinatagurian ang Seoul bing isa sa mga nangungunang pandaigdigang lungsod, na
nagbunga mula sa mabilisang paglago ng ekonomiya nito na tinatawag na Himala sa Ilog Han kung
saan mula sa guho ng Digmaang Koreano ito ay naging ikaapat sa pinakamalaking ekonomiyang
panglungsod na may GDP na US$774 bilyon.[1] Dito din matatagpuan ang isa sa mga nangungunang
sentro ng teknolohiya sa distrito ng Gangnam at Digital Media City, at dito din matatagpuan ang mga
nangungunang mga kumpaniya sa larangan ng teknolohiya tulad ng Samsung at LG, at ang
kumpaniya ng sasakyan na Hyundai-Kia.
Ang Seoul din ang kinikilala bilang lungsod na may pinakamaraming nakakonekta sa Internet at isa sa
mga nangunguna sa kahandaan sa teknolohiya sa ulat na Cities of Opportunity ng PWC. Binansagan
din ang lungsod na ito bilang isa sa mga may pinakamainam na imprastraktura ng transportasyon sa
buong Hilagang Hating-globo, kung saan kasama dito ang Seoul Subway na pinakamalaking sistema
ng subway sa mundo, na binansagan ding pinakamainam na subway sa mundo ng Jalopnik.
Sa Seoul din ginanap ang Palarong Asyano ng 1986, Olimpiko sa Tag-inig 1988, Fifa World Cup 2002
at ang G-20 Seoul summit ng 2010.

WATAWAT
Ang gitnang bahagi ng puting background ng pambansang bandila ng Korea ay may pattern ng
“Taegeuk” na binubuo ng apat na kuwadrado. Ang puting background ng Taegeukgi ay nagpapakita
sa liwanag at kadalisayan na siyang makikita sa likas na katangian ng Koreano na ibigin ang
tradisyon ng kapayapaan. Ang Yin at Yang pattern naman sa gitna ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng
‘Yin’ (kulay bughaw) at ‘Yang’ (kulay pula). Ito ay sumasagisag sa katotohanan ng kalikasan na ang
lahat ng mga bagay sa mundo ay nilikha at binuo sa pamamagitan ng pag-uugnayan ng Yin at Yang.
Ang apat na kuwadrado naman ay umuusbong mula sa pagbabago at pag-unlad ng Yin at Yang. Ang
“gun” ay sumisimbolo sa “langit,” ang “gon” ang simbolo ng “mundo” at ang “gam” ang simbolo ng
“tubig” at ang “li” ang simbolo ng “apoy.” Ang apat na simbolong ito ang bumubuo ng pagkakaisa at
pagkakasundo ng lahat ng bagay kung saan nakasentro sa Yin at Yang. Kagaya nito, ang Taegeuki na
siyang pinakapaboritong simbolo ng mga ninuno ng mga Koreano kung saan nakasentro sa Yin at
Yang. Sinasalamin din nito ang pagnanais ng mga Koreanong yumabong nang may pagkakaisa sa
mundo. (Sanggunian: Ministry of Public Administration and Security)

KULTURA NG KOREA
Relihiyon
Buddhismo
Kristiyanismo
Ang mga katoliko at protestante ay dumating sa korea noong bandang katapusan na ng siglo ika-18
at ika-19 at patuloy na kumikilos. Kahit saang parte ng bansa ay mayroong makikitang simbahan ng
mga katoliko at protestante.
Confucianismo
Shamanismo

Wika
Hangul ang tawag sa kanilang linguahe at ito ay isa sa pinakamaganda at planadong wika sa
kasaysayan. Ang alpabeto ay nilikha ni King Sejong noon 1446. Ito ay napakadaling matutunan kaya
ang Korea ay may mataas na antas sa literacy.

Edukasyon
Elementarya - 6 taon
Middle school - 3 taon
High School - 3 taon
Kolehiyo - 4 taon.
Ang umpisa ng pasukan ay sa buwan ng Marso.
Ang unang hatintaon (semester) ay magmulang Marso hanggang Agosto. (Summer Vacation - mula
katapusan ng Hulyo Hanggang katapusan ng Agosto).
Ang pangalawang hatintaon ay mula Setyembre hanggang Pebrero. (Winter Vacation - Disyembre
hanggang katapusan ng Pebrero.)
Ang tradisyon ng South Korea ay naimpluwensiyahan nang malaki ng mga kultura ng Tsina at Hapon
na base sa konsepto ng Confucianism. Bahagi nito ay ang pagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa
pamilya. Sa kabilang banda naman, ang paniniwala ng South Korea pagdating sa relihiyon ay
karaniwang Budismo. Ang South Korea ay naniniwala rin sa sinseridad at pagsunod sa mga protocol.

Tradisyon sa South Korea


Narito ang ilang mga detalye tungkol sa tradisyon ng South Korea:
Ang tradisyon ng South Korea ay naimpluwensiyahan nang malaki ng mga kultura ng Tsina at Hapon
na base sa konsepto ng Confucianism.
Sa tradisyon ng Confucianism, ang pamilya ay ang pinakamahalagang parte ng lipunan.
Kinakailangang magkaroon ng etikal na pagpapahalaga sa pakikisama sa ibang tao at pagbibigay ng
respeto sa mga nakatatanda at sa pamilya.
Tradisyon din dito na pamunuan ng tatay ang isang pamilya. Ito rin ay parte ng tradisyon ng
Confucianism. Naniniwala sila na ang tatay ang dapat mangalaga at magbigay ng magandang
kalusugan, tahanan, pagkain, at iba pa sa buong pamilya.
Ang "hanbok" ay ang tradisyonal na kasuotan sa Korea. Ito ay sinusuot kapag may kasalan, piyesta,
at iba pang pagdiriwang sa Korea. Naniniwala ang mga tao doon na ang "hanbok" ay
nakapagbibigay ng kultural na identidad sa South Korea.
Tradisyon din sa South Korea ang pagyuko o bow bilang tanda ng pagrespeto sa ibang tao.
Pagdating naman sa pagpapakasal, para sa mga tao roon, ang kasal ay hindi lamang pagsasama ng
dalawang tao kundi pagsasama rin ng dalawang pamilya.
Paniniwala sa South Korea
Narito ang ilang mga detalye tungkol sa paniniwala ng South Korea:
Kagaya ng nabanggit sa itaas, ang mga tao sa South Korea ay naniniwala kay Confucius at sa mga
turo nito. Dahil dito, ang South Korea ay naniniwala sa tungkulin, katapatan, dangal at sinseridad.
Naniniwala rin ang mga taga-South Korea sa pagsunod sa mga protocol sa pag-kain, pagdarasal,
pagdiriwang at pakikipagkita sa ibang tao.
Budismo ang pangunahing relihiyon sa South Korea. Nakasunod din dito ang pamumuhay, kultura,
sining at mga templo sa South Korea.
MGA PAMBANSA
Pambansang awit
Aegukga
Pambasang kasuotan
Hanbok

Pambansang wika
Wikang hanggul
Pambansang bayani
Yi Sun-sin

Pambasang bulaklak
Mugunghwa
TRIVIA
1. Ang mga South Korea ay nahuhumaling sa mga feces, at ang lahat mula sa mga cookies na
may turd, mga anting-anting sa telepono, at isang buong museyo na nakatuon sa tae ay
matatagpuan sa bansa. Nagtatampok din ang mga palengke sa buong bansa ng kaaya-ayang
tunog ng pag-flush, background ng musika, at kulay na tubig.
2. Sa Jeju, ang pinakamalaking isla sa South Korea, ang mga higanteng estatwa ng bato na kilala
bilang dol hareubang (dating lolo) ay matatagpuan sa mga baybayin. Naniniwala ang mga
babaeng bagong kasal na kung hinawakan nila ang mahaba, malawak, malalabas na noses ng
mga estatwa, sila ay pagpapalain ng pagkamayabong.
3. Ang Timog Korea ay tahanan ng Haesindang Park, na puno ng mga estatwa ng ari ng lalaki, at
din sa isang restaurant na may temang ari ng lalaki sa Deulmusae, na mahirap makaligtaan
dahil sa mga estatwa ng jaji (penises) na lining ang daan patungo sa restawran.
4. Mahigit sa 2 bilyong tao ang tumitingin sa "Gangnam Style" na music video ng Korean K-pop
artist na si Psy mula noong 2011. Nanguna ito sa mga tsart sa 30 mga bansa sa buong mundo.
Ang mga pinuno ng mundo kasama ang Pangulo na sina Barack Obama at Punong Ministro ng
British na si David Cameron ay naka-mimik sa sayaw. Ang kanta ay tumutukoy sa Gangnam
District ng Seoul.
5. Ang mga South Korea ay awtomatikong inuri ayon sa kanilang uri ng dugo, na isang kaugalian
na nagmula sa Japan ngunit naging napakahalaga sa kulturang South Korea at maaaring
matukoy kung sino ang magpakasal kung kanino.
6. Ang Shinsegae Department Store sa Centum City, Busan, South Korea, ang pinakamalaking
tindahan ng departamento sa mundo noong 2009.
7. Ang mga lalaking South Korea ay nais na masulit ang kanilang mga hitsura at, dahil dito,
pinaniniwalaan na halos isang-kapat ng mga kalalakihan ang gumagamit ng pampaganda
bilang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na gawain.
8. Ginamit ng South Korea ang 'crime re-enactment' bilang isang paraan ng pagpapakita sa
publiko na ito ay nasa ganap na kontrol sa pagsisiyasat ng mga krimen na nakakuha ng
malawak na pansin sa publiko.
9. Ang numero ng apat ay itinuturing na hindi mapakali sa South Korea. Sa parehong paraan na
hindi ka makakakita ng isang higaan sa ospital sa UK na bilang 13, halimbawa, hindi mo
mahahanap ang 'ikaapat na palapag' sa South Korea at ang mga bahay ay hindi mabibilang '4.
10. Ang mga South Korea ay ang pinakamalaking gumagamit ng mundo ng mga credit card mula
pa noong 2011, na gumagawa ng 129.7 na mga transaksyon sa bawat tao sa taong iyon,
kumpara sa 77.9 na transaksyon sa bawat Amerikano.

You might also like