You are on page 1of 55

PANITIKANG BISAYA:

REPLEKSIYON NG
KABISAYAAN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
NAIPAMAMALAS NG MAG-AARAL ANG PAG-
UNAWA SA MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG
KABISAYAAN.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
NAISUSULAT NG MAG-AARAL ANG SARILING
AWITING - BAYAN GAMIT ANG WIKA NG KABATAAN.
LAYUNIN:
F7PT-IIA-B-7
NAIUUGNAY ANG KONOTATIBONG
KAHULUGAN NG SALITA SA MGA
PANGYAYARING NAKAUGALIAN SA
ISANG LUGAR.
AWITING BAYAN
BAHAY KUBO
1. ANONG DAMDAMIN ANG NARAMDAMAN
MO HABANG INAAWIT ANG AWITING –BAYAN?
2. TUNGKOL SAAN ANG AWITING-BAYANG ITO?
3. BAKIT MAHALAGANG HINDI MAKALIMUTAN
AT PATULOY NA AWITIN ANG ATING MGA
AWITING-BAYAN?
TUKUYIN ANG KONOTATIBONG KAHULUGAN
NG MGA SALITANG NAKADIIN KAUGNAY NG
NAKAUGALIAN NATING MGA PILIPINO.
1. ANG KULAY ITIM AY KARANIWANG
INIUUGNAY SA :
A. PAGLULUKSA AT KALUNGKUTAN
B. PAG-IBIG AT PAGKABIGO
C. PAGHIHIRAP AT GUTOM
D. GIYERA AT KAGULUHAN
2. ANG OYAYI AY KAUGNAY NG:
A. BANGKA,PAMINGWIT,AT ISDA
B. WALIS,BUNOT,AT BASAHAN
C. INA,HELE,AT SANGGOL
D. ROSAS,GITARA AT PAG-IBIG
3. ANG BALITAW AT KUNDIMAN AY
KARANIWANG INIUUGNAY SA:
A. PANGANGASO
B. PANLILIGAW O PAGSASAAD NG PAG-IBIG
C. PAGGAWA NG MGA GAWAING BAHAY
D. PAGGAOD NG BANGKA
4. ANG HILIG SA PAG-AWIT NG MGA
PILIPINO AY KARANIWANG INIUUGNAY
SA :
A. PAGIGING MAPAMAHIIN
B. PAGIGING MASIPAG
C. PAGIGING MASAYAHIN
D. PAGIGING MATAMPUHIN
5. ANG AWITING-BAYAN AY KARANIWANG
INIUUGNAY SA :
A. MATERYAL NA KAYAMANAN NG ISANG
BAYAN
B. PAGDURUSANG DINANAS NG ISANG
BAYAN
C. KULTURA’T KAUGALIAN NG ISANG BAYAN
D. POLITIKA NG ISANG BAYAN
ALAM MO BA?
ANG PASALINDILANG PANITIKAN AY
NAGING LAGANAP SA PANAHON NG ATING MGA
NINUNO BAGO PA MAN ANG PANANAKOP NG MGA
ESPANYOL. ITO ANG MGA PANITIKANG
LUMAGANAP SA PAMAMAGITAN NG
PAGPAPASALIN-SALIN NG PASALITANG
TRADISYON MULA SA IBA’T IBANG
HENERASYON. ANG ILAN SA MGA URI NG
PANITIKANG LUMAGANAP SA PAMAMAGITAN NG
PASALINDILANG PAMAMARAAN AY ANG MGA
SALAWIKAIN, SAWIKAIN, BUGTONG, AWITING-
BAYAN AT MGA BULONG.
ANG AWITING-BAYAN AY NAGSIMULA
BILANG MGA TULANG MAY SUKAT AT TUGMA
SUBALIT KAILANMAN’Y NILAPATAN NG HIMIG
UPANG MAIHAYAG NANG PAKANTA. SA
GANITONG PARAAN AY HIGIT NA MAGING
MADALI ANG PAGTANDA O PAGMEMORYA SA MGA
AWITING ITO. HINDI MAN NASUSULAT AY SA
ISIP AT PUSO NAMAN NG MGA MAMAMAYAN
NANAHAN AT NAISATITIK ANG MGA AWIT KAYA
NAMAN MAITUTURING NA WALANG KAMATAYAN
ANG MGA ITO.
ANG AWITING-BAYAN AY ISANG MASINING
NA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG SARILING
OPINYON AT SALOOBIN. GAYUNDIN, ITO’Y ISANG
PARAAN NG PAGPAPATIBAY AT PAGPAPAUNLAD NG
SARILING PAGKAKAKILANLAN. ANG KABISAYAAN
AY NAGTATAGLAY NG MAKULAY AT MAYAMANG
KULTURA’T TRADISYON NA LALO PANG
PINANININGNING NG MGA KATUTUBONG
PANITIKAN. SA ARALING ITO AY BIBIGYANG-
PANSIN AT ITATAMPOK ANG MGA AWITING-
BAYANG BISAYA O VISAYAN FOLKSONGS AT MGA
BULONG SA BISAYA.
SA IBABA AY MABABASA AT MAAARI
RING SABAYAN ANG IBA’T IBANG
AWITING-BAYANG NASUSULAT SA
TATLONG WIKANG BISAYA-, ANG
WARAY, WARAY NG SAMAR AT LEYTE,
ANG HILIGAYNON NG PULO NG PANAY,
AT ANG SUGBUWANON NG CEBU AT
NEGROS.
Ang mga bulong maliban sa mga awiting-bayan, ang
mga bulong ay isa pang yaman ng ating katutubong
panitikang pasalindila. Magpahanggang ngayon, ang
bulong ay ginagamit pa rin ng marami nating kababayan
sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang
nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog, at sa iba
pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto,
lamang-lupa, o malign. Binibigkas ang bulong para
mabigyang-babala ang mga nilalang na hindi nakikita”
na may daraan para
maiwasang sila’y maapakan o masaktan. Pinaniniwalaan
kasing kapag hindi sinasadyang nasaktan ang mga
“nilalang” na ito ay maaari silang magalit, manakit, o
magdulot ng hindi maipaliwanag na karamdaman.
Gumagamit din ng bulong ang mga albularyo sa kanilang
panggagamot. May bulong na binibigkas sa pagtatawas
para gumaling ang isang nausog, sumakit ang tiyan at
iba pa. May bulong din para sa panggagamot sa isang
taong maaaring nakulam, namaligno, o napaglaruan ng
lamang-lupa.
Sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasama na ang
Kabisayaan ay laganap pa rin ang paggamit ng mga
bulong. Ang sumusunod ang halimbawa ng bulong.. Sa
Ilonggo Salin sa Tagalog
“Tabi-tabi…. “Tabi-tabi…
Maagi lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masalapay namon Kung kayo’y masagi namin
1. Alin-alin sa mga awiting-bayan ng Kabisayaan ang
nasabayan mo? Ano-anong awiting-bayan naman ang
ipinagkakapuri mo mula sa sarili momg bayan o rehiyon?
2. Sa ano-anong pagkakataon ninyo inaawit o
itinatanghal ang mga ito?
3. Nasubukan mo na bang sumabay sa isang awiting-
bayan? Anong damdamin ang naidulot nito sa iyo at sa
mga tagapakinig?
4. Ano-anong bahagi ng kultura ng Kabisayaan ang
masasalamin sa awiting “Lawiswis Kawayan”? Sa mga
awiting “Dandansoy” at Ay! Ay! Kalisud”? Sa oyaying
“Ili-Ilim Tulog Anay”? Sa masiglang awiting “Si
Pilemon”?
5. Nakarinig ka na ba ng isang nakatatandang nagsabi
ng isang bulong? Kailan niya isinagawa ang bulong?
6. Ano-anong bagay ang masasalamin sa ating mga
katutubong awitin at mga bulong?
7. Bakit kailangang panatilihin at palaganapin ang
ating mga katutubong panitikan tulad ng mga
awiting-bayan at bulong maging sa kasalukuyang
henerasyon?
B. Ipaliwanag ang Kaisipang nais iparating ng
bawat pahayag.
1. “Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan,
nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan, isinasaad
ng linyang ito na….
A. isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisaya
ang pangingisda.
B. libangan ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda
Ito ang kaisipang napili ko dahil _________________
__________________________________________________
2. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke
ang kaniyang pinagbilhan, ang kaniyang
pinagbilhan, pinambili ng tuba.” Isinasaad ng mga
linyang ito na……
a. ang tauhan ay nagnenegosyo ng tuba
b. ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba.
Ito ang kaisipang napili ko dahil _______________
___________________________________________________
__________________________________________________
3. Batang munti, batang munti, matulog ka na, wala
rito ang iyong ina, siya ay bumili ng tinapay Batang
munti, batang munti matulog ka na.
Isinasaad ng awiting-bayang ito na…….
A. ang pag-awit para sa sanggol ay bahagi ng
Kulturang Bisaya
B. ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para
maging mahusay na mang-awit
Ito ang kaisipang napili ko dahil _________________
__________________________________________________
4. Ay! Ay! Kalisud, kay saklap ng iniwanan
Gabi’t araw ang mata ay laging luhaan
Isinasaad ng awiting-bayang ito na……
a. masakit ang mabigo sa ngalan ng pag-ibig.
b. ang pagluha ay isa sa mga katangian ng tao.
Ito ang kaisipang napili ko dahil________________
_______________________________________________
_______________________________________________
5. “Dandansoy, iiwan na kita
Babalik na ako sa payaw
Kung sakaling ika’y mangulila
Sa payaw, ikaw ay tumanaw.”
Isinasaad ng awiting-bayang ito na……
a. pinaglalapit ng isang awit ang dalawang
magkalayong nagmamahalan
b. napakahirap sa kalooban ang pagkakahiwalay
ng dalawang nagmamahalan
Ito ang kaisipang napili ko dahil _______________
________________________________________________
Layunin:
F7PB-IIa-b-7
Nabubuo ang sariling paghahatol o
pagmamatuwid sa ideyang
nakapaloob sa akda na sumasalamin
sa tradisyon ng mga taga Bisaya.
Lawiswis Kawayan

Sabi ng binata halina o hirang


Magpasyal tayo sa Lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan
Ang dalaga naman ay ibig pang umayaw
Sasabihin pa kay inay nang malaman
Binata'y nagtampo at ang wika
Ikaw pala'y ganyan akala mo'y tapat at
ako'y minamahal.

Ang dalaga naman ay biglang umiyak


Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata'y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad
1. Makikita sa awit ang kaugaliang pagpapaalam
muna ng isang dalaga sa kanyang ina bago siya
sumama o pumayag sa paanyaya ng kasintahan.
Ang pananaw ko sa kaugaliang ito ay _________.
2. Naging mabilis ang paghingi ng tawad ng binata
sa kasintahang nasaktan sa kaniyang ginawa o
nasabi.Makikita rito ang pagiging maginoo ng
binata.Ang pananaw ko sa kaugaliang ito ay
_____________
AWITING-BAYAN
AT MGA URI NITO
Ang awiting-bayan na tinatawag ding kantahing-
bayan ay isa sa mga uri ng sinaunang panitikang
Pilipino na naging popular bago pa man dumating
ang mga Espanyol. Ang awiting-bayan ay nasa
anyong patula na inaawit at karaniwang binubuo ng
labindalawang pantig sa bawat taludtod. Ang
karaniwang paksa ng mga awiting-bayan ay ang
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao sa
isang bayan. Masasalamin sa mga ito ang mga
kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o
hanap- buhay.
Taglay rin ng mga ito ang iba’t ibang damdaming
umiiral sa iba’t ibang pagkakataon tulad ng kaligayahan
sa panahon ng tagumpay, pag-ibig, at mga kasayahan;
kalungkutan sa panahon ng pagluluksa at kabiguan;galit
sa gitna ng isang digmaan o labanan;at maging ng
kapanatagan ng kalooban habang gumagawa ng mga
pangkaraniwang gawain tulad ng pagtatanim,
pamamangka, pagluluto, at iba pa. Dahil ito’y repleksiyon
ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino, may iba’t
ibang uri ng awiting-bayan para sa iba’t ibang
pagkakataon o okasyong kanilang ginugunita o
ipinagdiriwang.
1. Balitaw- Ito’y mga awit ng pag-ibig na
ginagamit sa paghaharana ng mga Bisaya
2. Kundiman- Ito naman ang bersiyon ng mga
awit ng pag-ibig sa mga Tagalog. Ang isa
pang uri nito ay ang pananapatan o mga
awiting inaawit kapag dumadalaw o
nanghaharana ang binata sa kaniyang
nililiyag o nililigawan.
3. Dalit- Awit na panrelihiyon o himno ng
pagdakila sa Maykapal.
4.Diyona- awitin sa panahon ng
pamamanhikan o sa kasal
5. Dung-aw- awit sa patay
6.Kumintang-awit ng pakikidigma o
pakikipaglaban
7. Kutang-kutang/Ditso- mga awiting
karaniwang inaawit sa mga lansangan
8. Soliranin- awit sa paggagaod o pamamangka
9. Maluway/Kalusan- awit sa sama-samang
paggawa
10. Oyayi o hele- awiting panghele o pampatulog
ng bata, at tinatawag na lullaby sa Ingles
11. Pangangaluwa- awit sa araw ng mga patay ng
mga tagalog
12. Sambotani- awit ng pagtatagumpay
13. Talindaw- isa pang uri ng awit sa pamamangka
14. Umbay- awit ng pangungulila
A. Suriin ang sumusunod na mga pahayag at
maglagay ng T kung Tama ang pahayag at M
kung Mali, at isulat ang salitang nagpapamali
rito.
___1. Ang awiting-bayan ay kuwento batay sa
pamumuhay, tradisyon, at dayalekto ng isang
partikular na lugar sa Pilipinas.
___2. Maaaring tungkol sa hiling o mga bagay
na nais makamtan ang nilalaman ng isang
bulong.
___3. Ang “Soliranin” ay isang elemento
ng awiting-bayan.
___4. Isang matandang katawagan sa
orasyon ng sinaunang tao ang awiting-
bayan.
___5. Pinaniniwalaan na panlaban sa
masasamang espiritu ang bulong.
B. Piliin sa hanay B ang letra ng awiting-bayan na
inilalarawana sa A.
6. awit sa pagpapatulog ng bata a. Kundiman
7. awit sa sama-samang paggawa b. Diona
8. awit sa pamamangka o paggagaod c. Soliranin
9. Awit sa kasal d. Uyayi o Hele
10. Awit sa pag-ibig e. Kalusan
11. awit ng pagtatagumpay f. Dung-aw
12. awit sa mga anito g. Umbay
13. awit sa lansangan h. Ditso
14. awit ng pangungulila i. Dalit
15. awit ng pakikidigma j. kumintang
k.Sambotani
Layunin:
F7WG-IIa-b-7
Nasusuri ang antas ng wika batay sa
pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng
awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin,
pormal).
1. Pansinin ang pamagat ng dalawang awit sa
nagdaang pahina.Kapwa tumutukoy sa babae ang
mga salitang ito subalit masasabi mo ba kung paano
nagkaiba ang mga ito?
2. Sa ano-anong pagkakataon o saan-saan lugar mo
maaring marinig ang salitang dalagang Pilpina?ang
salitang bebot?
3. Sa iyong palagay,alin kaya sa dalawang salita ang
gagamitin sa pormal na pagkakataon tulad ng sa
paaralan o sa mga panayam o seminar?Alin naman
kaya ang gagamitin ng magkakabarkada habang sila
ay nagbibiruan at nagkukwentuhan sa may kanto?
BARAYTI
NG WIKA
Pagsasanay:
Tukuyin ang kahulugan ng
mga salitang balbal na ginamit sa
usapan nina Dindo at ng kanyang
mga kaibigan sa hanay A.Piliin sa
Hanay B ang titik ng tamang
sagot.
Hanay B
a. ama, tatay b. bata pa
c. handaan d. hindi
e. inay,ina f. kapatid
g. kotse h. matanda
i. pera j. pulis
Suriin ang barayti ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang
naganap sa isang family reunion.(balbal,kolokyal,lalawiganin,pormal)
___1. Lola:Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng
bulalakaw na nagdulot sa akin ng kaligayahan.(Maluha-luha habang
nagsasalita)
___2. Jean:Uy,si Lola,emote na emote…
___3. Lito:Hayaan mo nga siya Jean.Moment niya ito eh.
___4. Tita Lee:O sige,kaon na mga bata.Tayo’y magdasal na muna.
___5. Ding:Wow!ito ang chibog!!!Ang daming putahe…
__6.Kris:Oh,so dami.Sira na naman my diet here.
__7. Nanay:Sige,sige,kain ngarud para masulit ang pagod namin
sa paghahanda.
__8.Lyn:Ipinakikilala ko ang syota kong Kano.Dumating siya
para makilala kayong lahat.
__9. Tito Mando:Naku,nag-aamoy bawang na.Kailan ba naman
ang pag-iisang dibdib?
__10.Lolo:Basta laging tatandaan,mga apo,ang pag-aasawa’y
hindi parang kaning isusubo na maaaring iluwa kapag napaso.
Layunin:
F7PU-IIa-b-7
Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang
awiting- bayan sa sariling lugar gamit ang wika
ng kabataan.
Pangkatang-gawain:
Sumulat ng sariling bersiyon ng isang
awiting- bayan sa sariling lugar gamit ang
wika ng kabataan.
Mga Pamantayan
1. Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting- bayan sa
sariling lugar gamit ang wika ng kabataan.
2. Nakagagamit ng iba’t ibang antas ng wika batay sa
pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting
bayan(balbal,kolokyal,lalawiganin,pormal)
3. Naitatanghal ng mahusay at masigla ang binuong awiting-
bayan.

You might also like