You are on page 1of 22

7

ARALING PANLIPUNAN
Unang Markahan – Modyul 5:
IMPLIKASYON NG YAMANG LIKAS NG
TIMOG SILANGAN AT SILANGANG ASYA
SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO
( AP7HAS-le-1.5)

i
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Unang Markahan – Modyul 5: Implikasyon ng Yamang Likas ng Timog Silangan
at Silangang Asya sa Pamumuhay ng mga Asyano

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Annabel D. Apinado


Joven L. Mariño
Editor: Rhea D. Bruma
Norie H. Laguidao
Tagasuri: Divina M. Diaz, Ph.D.
Tagaguhit: Franklyn D. Vargas
Tagalapat: Edsel D. Doctama

ii
PAMAGAT Implikasyon ng Yamang Likas ng Timog Silangan

at Silangang Asya sa Pamumuhay ng mga Asyano

Isang magandang araw sayo! Ang modyul na ito ay

pagpapatuloy sa nakaraang mga aralin. Hindi nga ba ang Asya ang

pinakamalaking kontinente sa buong mundo? Kaya naman marami

ka pang dapat alamin tungkol sa yamang likas ng iba pang rehiyon

sa Asya. Kaya halina’t tuklasin ang natatanging yaman ng rehiyon

at ang implikasyon nito sa mga Asyano.

LAYUNIN Sa modyul na ito, inaasahang;

1. Naiisa-isa ang mga likas na yaman sa Timog Silangan , at

Silangang Asya.

2. Naiuugnay ang mga likas na yaman sa pag-unlad ng mga

bansa sa Timog Silangan at Silangang Asya.

3. Natutukoy ang mga implikasyon ng likas na yaman ng mga

bansa sa larangan ng agrikultura, ekonomiya, pananahanan

at kultura.

4. Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at

yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga

Asyano noon at ngayon sa larangan ng agrikultura,

ekonomiya, pananahanan at kultura.

TALAHULUGAN AGRIKULTURA – ang pagtatanim, pag-aalaga ng hayop upang

mapagkunan ng pagkain ng sangkatauhan

EKONOMIYA - ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang

bansa: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang

pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at

pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo.

1
KAPALIGIRANG PISIKAL – katangian ng daigdig na binubuo ng

anyong lupa, klima, anyong tubig, wildlife, buhay-hayop, vegetation

at mineral

LAMBAK – lupaing patag na makikita sa pagitan ng mga bundok o

sa gilid ng mga ilog

PANAHANAN - ay ang estado o katunayan ng patuloy na

namumuhay o umiiral, karaniwan sa kabila ng isang aksidente,

mahigpit na pagsubok, o mahirap na kalagayan.

SILTATION – parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng

umaagos na tubig sa isang lugar

TROPIKAL – uri ng klimang may katamtamang init

PANIMULANG Sa bahaging ito, subukang sagutin ang gawain upang mataya ang
PAGSUBOK lawak ng kaalaman mo tungkol sa aralin.

Panuto: Isaayos ang mga letra upang mabuo ang salita sa bawat
bilang.

AYGMAN SKLIA

AKLIAPNAGIR LPIAKIS

MUPMAHYUA

Ano ano ang mga


salita na iyong
nabuo?

2
MGA GAWAIN
SA Handa ka na bang simulan
PAGKATUTO ang iyong pag-aaral?

Kung handa na, simulan mo


ang pagbasa sa teksto

ARALIN 1 : MGA YAMANG LIKAS NG TIMOG-


SILANGANG ASYA

https://www.nationsonline.org/oneworld/map_of_southeast_asia.htm

Binubuo ang rehiyong ito ng mga bansa ng Brunei,

Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas,

Singapore, Thailand, Timor Leste, at Vietnam. Nasa mga lupain ng

Myanmar at Brunei ang malalawak na kagubatan. Tinatayang nasa

84% ng kagubatan sa Brunei ang nagsisilbing panirahan ng ibat

ibang uri ng unggoy, ibon, at reptile.

Sa kagubatan ng Myanmar matatagpuan ang

pinakamaraming punong teak sa buong mundo, samantalang ang

maraming punong palm at matitigas na kahoy gaya ng apitong,

yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis, at ibat ibang

species ng dapo ay nasa kagubatan ng Pilipinas. Sa Indonesia

3
matatagpuan ang malagong kagubatang tropical, ibat ibang uri ng

kahoy tulad ng sandalwood, teak, kapok, rattan, ebony, at cinchona.

Ang quinine ay galing sa balat ng cinchona na gamot sa malaria.

Matatagpuan ang mga lambak ng Irrawaddy River at Sittang River

ang pinakamatabang lupa sa Myanmar. Ito ay napakayamang

taniman ng palay at iba pang butil. Ang Cambodia naman ay nasa

paligid ng Mekong River at Tonie Sap na nakararanas ng siltation.

May ibat ibang pananim sa rehiyon. Ang Pilipinas ay isa sa

mga bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksiyon ng

langis ng niyog at kopra. Ang kalabaw, baka, baboy, kabayo,

kambing, at manok ang karaniwang inaalagaang hayop sa rehiyon.

Sa yamang mineral, malaki ang deposito ng langis at natural gas sa

Indonesia at ang mahigit sa 80% ng langis sa Timog-Silangang

Asya ay nanggagaling sa bansang ito, gyundin ang mahigit sa 35%

ng liquefied gas sa buong daigdig. Liquefied gas din ang

pangunahing mineral ng Malaysia habang tanso naman ang sa

Pilipinas, Ang malalaking ilog ay pinatatayuan ng dam ng ilang mga

bansa at nililinang para sa hydroelectric power na siya naming

pinagkukunan ng koryente.

Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay sa rehiyong ito.

Palay ang pangunahing produkto dito. Pumapangalawa ang

Indonesia sa Malaysia sa pagtatanim at pagluluwas ng goma.

Nangunguna rin ang Malaysia sa produksiyon ng lata sa buong

mundo. Ang Lungsod ng Kuala Lumpur ang sentro ng industriya ng

lata sa diagdig.

4
Ang pangingisda ay karaniwang hanapbuhay ng mga bansa

na nasa baybaying dagat. Ang green sea turtle ay isa sa yamang

dagat ng Malaysia. Matatagpuan ang napakarami at

napakasaganang korales at isda sa Indonesia. Ang Raja Ampat

ang kinikilalang pinakamayamang coral reef ecosystem sa buong

mundo ayon sa Marine Conservation International.

Matapos mong makalap ang mga


impormasyon tungkol sa Timog-
Silangang Asya at ang implikasyon
nito sa pamumuhay ng mga tao,
sikaping sagutin ang mga sumusunod
na tanong

1. Mahalaga ba ang mga likas na yaman na ito sa pag-unlad

ng mga bansa sa Timog Silangang Asya? Bakit?

2. Paano ba ito nakatutulong sa mga tao sa bawat bansa ng

nasabing rehiyon?

3. Dito sa ating bansa, ano-anong mga likas na yaman ang

inyong nakikita?

4. Paano nakatutulong ito sa ating pag-unlad?

Katangi-tangi ang Asya bilang isang

kontinente. Ngayon naman, aalamin

mo ang implikasyon ng yamang

likas ng Silangang Asya sa mga

Asyano.

5
ARALIN 2 : MGA YAMANG LIKAS NG SILANGANG
ASYA

https://paintbrushdiplomacy.org/online-teaching-museum/at-galleries-
by-country/east-asia/

Kabilang sa rehiyong ito ay binubuo ng mga bansang China

(kabilang ang Hongkong at Macau), North Korea, South Korea,

Mongolia, Japan at Taiwan.

Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa ibat

ibang anyo nito, maliban lamang sa mabuhangin o tigang na lupa sa

Mongolia. Sakop ng China ang 7% na lupa sa buong mundo na

maaaring bungkalin at ito’y pinagtataniman ng ibat ibang uri ng

pananim. Pangunahing pananim nito ay palay, at siyang

nangunguna sa produksiyon nito sa buong mundo. Palay din ang

pinakamahalagang produktong agrikultural ng North Korea. Ang

Mongolia ay mayroon lamamg 1% lupaing sakahan, 8 % hanggang

10% kagubatan, at ang natitira ay pawang mga pastulan ng hayop

at disyerto. Trigo ang pangunahing ani ng bansa na pawang

sinasaka lamang sa mga lambak ng ilog Selenge. Kawayan naman

ang isa sa yamang gubat ng Taiwan.

6
Ang ilang mga bahagi ng Silangang Asya ay nakatuon din sa

pagtatanim at paghahayupan. Sa China at sa ibang bansa sa rehiyon,

ang mga hayop ay ginagamit din nilang katulong sa

pagahahanapnuhay. Ang mga anyong tubig ay nililinang din para sa

kapakinabangan ng mga nakatira rito. Sa China, ang ilog Yangtze at

ilog Huang Ho ang dalawa sa pinakamalaking ilog sa buong mundo.

Kaiba naman sa Ilog Yangtze ang Ilog Huang Ho. Mababaw at

mabagal ang pagdaloy ng ilog na ito dahil nahahaluan ng lupa ang

tubig nito. Karaniwan itong umaapaw. Gayunpaman, ang pag-apaw

ng ilog na ito ay nag-iiwan ng matabang lupa. Kaya sa mga taong

walang dumarating na baha, ang anihan ay napakasagana. Ang

lupang tinangay ng tubig at naiiwan sa mga bagong pook ay

tinatawag na lupang alluvial. Ang lupang tinatangay ng hangin ay

tinatawag na loess. Ang lupang alluvial at loess ng mga delta at

kapatagang malapit sa ilog ng China ang bumubuo sa ilan sa

pinakamatabang sakahan sa buong mundo. Bulubundukin at panay

kagubatan naman ang pulo ng Taiwan.

Pangisdaan naman ang mahalagang industriya ng Japan

dulot ng napakalwak na karagatang nakapaligid sa bansa. Salmon,

tuna, bonito at iba pa ang karaniwang huli ng mga Hapones.

Salat sa yamang mineral ang Japan bagama’t nangunguna ang

bansang ito sa industriyalisasyon. Gayunpaman, nagtatanim sila ng

punong mulberry upang maging pagkain ng mga silkworm kaya

nangunguna ang Japan sa industriya ng telang sutla. Ang China

ang pinakamalaking tagapagtustos ng tungsten, tin, antimony, zinc,

molybedium, lead, mercury at iba pang metal. Ang reserbang langis

7
ng bansa ay nagmumula sa Szecchuan sa hilagang kanluran ng

bansa.

Karbon ang pinakamahalagang pinagkukunan ng enrhiya ng

China. Ang mga mineral na lead, tunzten, iron ore copper, coal ay

minimina rin sa North Korea, South Korea, at Mongolia.

Pagkatapos mong matutuhan ang mga


mahahalagang yamang likas ng Silangang
Asya, kinakailangan mong gawin ang gawain
upang malaman kung naunawaan mo ang
aralin na pinag-aralan

TAMA o MALI.

Isulat ang T kung tama ang pahayag. Kung MALI guhitan ang
maling salita at isulat ang tamang sagot.

1. May tuwirang kontrol ang pamahalaan ng Taiwan sa

pangangalaga ng gubat.

2. Limitado lamang ang yamang mineral ng Hapon.

3. Bulubundukin at panay kagubatan ang pulo ng Taiwan.

4. Ang HongKong ang nangunguna sa industruya ng telang

sutla.

5. Ang Timog Korea ang pinakamalaking prodyuser ng coal at

steel sa buong mundo.

Layon ng susunod na aralin na magbigay sa iyo


ng higit na kaalaman tungkol sa masusing detalye ng
mga implikasyon ng yamang likas ng Timog-Silangan
at Silangang Asya sa pamumuhay ng mga Asyano
noon at ngayon sa larangan ng agrikultura, ekonomiya,
pananahanan at kultura.

8
ARALIN 3 : IMPLIKASYON NG YAMANG LIKAS

TIMOG-SILANGANG ASYA

Sa Agrikultura * May klimang monsoon na nagbibigay ng

higit na masaganang produksiyon ng

bigas at iba pang produktong nakatutulong

sa paglinang ng ekonomiya ng mga

bansa.

* May malalawak na taniman ng goma sa

Malaysia, Thailand at Cambodia kung

saan matatagpuan ang malalawak na

rubber plantation.

* Sa Java matatagpuan ang masaganang

sakahang karaniwang ikinabubuhay ng

mga Indonesian.

* Ipinatupad ditto ang transmigration policy

Sa Ekonomiya *Kinilala bilang “rising tiger economy” o

may pinakamaunlad na ekonomiya sa

mundo dahil sa naging mahalagang

produkto ng rehiyon ang mga pampalasa

tulad ng paminta, luya, bawang, at

nutmeg.

* Ang paggawa ng mga kahoy na

pangkonstruksiyon ay bumubuo ng 70%

ng ekonomiya ng Cambodia.

* Pinakamahalaga ang industriya ng

timber sa Malaysia.

9
* Ang Lao ay matagumpay na

nasusuportahan ng industriyang

handicraft.

* Ang pangunahing likas na yaman ng

Singapore ay ang malalim na daungang

baybayin nito.

* Nalinang ng bansa ang kalakalan

extended entrepot. Ito ay may kinalaman

sa pagbili ng hilaw na materyales mula sa

ibang bansa. Halimbawa ang water

fabrication industry at oil refining.

* Ang Singapore ang kilala sa

kasalukuyan bilang pinaka

industriyalisadong bansa sa Timog-

Silangang Asya.

Sa * Karaniwan sa mga lalawigan dito ay


Pananahanan at
Kultura gumagamit ng prefabricated o pinagkabit-

kabit na materyales sa pagbuo ng

panahanan.

* Ang mga panahanang stilt na nakatayo

sa tabing dagat na nasusuportahan ng

mga poste ang karaniwang tahanan ng

mga mangingisda sa rehiyon.

* Nipa hut o bahay- kubo na

nabububungan ng mga pawid ang

karaniwang panahanang matatagpuan sa

paligid ng mga sakahan.

10
SILANGANG ASYA

* Naging pusod ng agrikultura ang Chin


Sa Agrikultura
China.

* Naging kilala bilang pinakamalaking

pinanggagalingan ng bigas, bulak, tsaa,

trigo,at mais sa buong daigdig.

* 15% lamang ng lupain ng China ang

napagtatamnan. Ang 15% na ito ay

katumbas ng 10% ng pangkalahatang

lupaing napagtatamnan sa buong daigdig

na sumusuporta naman sa 20% ng

populasyon ng daigdig.

* Pangunahing produktong pagkain ng

Taiwan, Japan, South Korea, at North

Korea ay mula sa yamang tubig

* Ipinatupad ang land reclamation

schemes, sistemang irigasyon, paggamit

ng iba’t ibang uri ng butil, at makabagong

abono. Bunga nito, ang bansa ay

nakapag aani na rin ng iba pang

produktong pagkain tulad barney,

soybeans at patatas.

* Pangunahing ani ng Mongolia ay trigo.

* Mayaman ang China sa langis at iba


Sa Ekonomiya
pang mineral na karaniwang nagmumula

sa gitna at hilagang kabundukan nito.

11
* Pinakamalaking tagapagtustos

tungsten, antimony, zinc, at iba pang

metal.

* Nangunguna din sa yamang hydropower

sa buong daigdig.

* Naging mayaman ang Taiwan sa wind at

solar energy na nakatulong sa

pagpapaunlad ng mga industriyang

panteknolohiya tulad ng gadget.

* Ang Japan naman ang naging kauna-

unahang economic miracle sa rehiyon

matapos ang Ikalawang Digmaang

Pandaigdig.

* Ang bagay na ito ang naglagay sa Japan

sa daigdig ng ekonomiya bilang World’s

Leading Industrial Power.

* Ang South Korea ay naging maunlad sa

industriyang tela, plastic, abono, at mga

kagamitang elektroniko sa bansa.

Samantala, ang North Korea naman ay

nagunguna sa produksiyon ng graphite,

tungsten, at magnesite.

* Samantala, mayaman naman ang

Mongolia sa mineral na ginto at wolfram

(tungsten)

* Ang mga magsasaka rito ay karaniwang

nakatira sa magkakalapit na mga

12
Sa pamayanang ang panirahan ay gawa sa

Pananahanan at luwad at adobe.

Kultura * Sa Sichuan, ang mga panahanan ay

gawa sa ladrilyo na karaniwang nakatayo

sa gilid ng mga bundok at kung hindi

naman ay naglalakihang pampublikong

gusali.

* Nomadic naman ang buhay sa hilagang

bahagi ng Xinjiang at Tian Shan.

* Condominium naman ang tirahan ng

mga Tsinong nasa mga lungsod at

naghahanapbuhay sa mga opisina.

* Ang mga taong naninirahan sa

malalayong pulo ng bansa ay karaniwan

ng mangingisda at magsasaka

samantalang ang mga naninirahan

naman sa mga lungsod na karaniwang

naghahanapbuhay sa mga sentrong

gusali ay naninirahan sa nagtataasang

gusali at gumagamit ng pinakabagong

teknolohiya.

* Karaniwang mga magsasaka ang mga

Koreanong naninirahan sa Hilagang

bahagi ng South Korea. Sila ay

karaniwang naninirahan sa mga

bulubundukin kung saan matatagpuan ang

kanilang tera-terasang sakahan.

13
* Hindi naglaon, sa pagsisismula ng

modernisasyon sa bansa, ang karamihan

sa mga kabataang Koreano ay nagsimula

ng lumipat sa mga lungsod upang mag-

aral o maghanapbuhay.

PAGSASANAY
Magaling! Ngayong nalaman mo na ang mga likas na

yaman ng Timog-Silagan at Silangang Asya at kung

paano ito pinakinabanagan ng mga bansa sa rehiyon,

subukin muli ang mga natutunan sa paggawa ng mga

sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay 1- Ipangkat Mo!


Gamit ang tatlong hakbang ng CONCEPT DIAGNOSIS teknik,
1. Paglilista – ilista ang mga yamang likas na
matatagpuan sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya
2. Pagpapangkat – pangkatin ang mga magkakaugnay na
konsepto. lagyan ng simbolo ang mga yamang likas na
nasa iyong listahan.
a. Puso - yamang lupa
b. Bituin - yamang dagat
c. Buwan - yamang mineral
d. Diyamante - yamang mineral
3. Pagleleybel- lagyan ng angkop na pangalan ang mga
pinangkat na konsepto batay sa uri ng yamang likas
Halimbawa:

molave ibon tanso isda langis


dapo mais bakal gulay ginto
sugpo palay pilak saging narra

14
Pamprosesong Tanong

1. Ano ano ang mga salitang magkakaugnay?


2. Alin sa mga likas na yaman na ito ang matatagpuan sa
Pilipinas?
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang
mga likas yaman na makikita sa inyong lugar?

Pagsasanay 2: Data Retrieval Chart


Punan ang hinihingi na konsepto sa chart.
Bansa sa Yamang Yamang Yamang Yamang
Silangang Lupa Tubig Gubat Mineral
Asya

Pamprosesong Tanong:

1. Batay sa data retrieval chart, ano-anong likas na yaman ang

matatagpuan sa Silangang Asya?

2. Alin sa mga ito ang karaniwang matatagpuan sa mga bansa

sa rehiyon?

3. Paano ba ito nakatutulong sa mga tao sa bawat bansa ng

nasabing rehiyon?

Pagsasanay 3: HANAP-SURI

Panuto: Humanap ng mga bagay sa loob ng inyong bahay

at tukuyin kung saan ito gawa o nagmula.

Hal.: Sapatos na gawa sa dagta ng rubber tree ng Malaysia.

1. _____________________________________________

15
2. _____________________________________________

3. _____________________________________________

4. _____________________________________________

5. _____________________________________________

PANGWAKAS
NA PAGSUBOK Sa mga nalaman mo at naunawaan sa mga
ibinigay na aralin, marahil madali mong
masasagutan ang pangwakas na pagsubok.
Kung handa ka na, simulan mo na.

Pagtambalin ang mga yamang likas sa Hanay A sa mga


paglalarawan na ipinahayag sa Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. Palay a. ito ay inaalagaan ng mga Hapones
para sa industriya ng telang sutla

2. Alluvial b. ang pangunahing butil na produksyon


ng Tsina

3. Silkworm c. ito ay isa sa yamang gubat ng Taiwan

4. Karbon e. ito ay matabang lupa na tinangay ng


tubig at naiwan sa mga bagong pook

5. kawayan f. pangunahing ani sa bansa ng


Mongolia

6. Trigo g. yamang mineral sa matatagpuan


sa Timog at Hilagang Korea

7. Tungsten h. pinakamahalagang pinagkukunan

ng enerhiya ng Tsina

8. Condominium i. nakatulong ito sa Taiwan sa

pagpapaunlad ng mga

industriyang pangteknolohiya

16
9. Java j. tirahan ng mga Tsinong nasa mga

lungsod at naghahanapbuhay

10. Solar energy k. dito matatagpuan ang masaganang

sakahang karaniwang ikinabubuhay


ng mga taga Indonesia
Pagpapaliwanag:

1. Alin sa mga nasa Hanay A ang nakatutulong sa pag-unlad ng

isang bansa?

2. Paano mo maiuugnay ang mga nasabing yamang likas sa

pag-unlad ng isang bansa?

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong


pagpapahalaga sa mga likas na yaman?

KARAGDAGANG
GAWAIN Kumuha ng larawan kung saan ito ay nagpapakita ng

pangangalaga sa kalikasan at tamang paglinang ng mga produkto o

mga likas na yaman.

Gabay nga tanong:

1. Anong uri ng likas na yaman ang nakita mo sa

larawan?

2. Paano ito lininang ng mga tao?

3. Karamihan ba sa ating pangagailangan at kagustuhan

ay natutugunan ng ating likas na yaman? Patunayan

ang sagot. Binabati kita! Dito nagtatapos ang iyong


pagganap sa modyul na ito. Nagkaroon
ka ng sapat na kaalaman at pag-unawa
sa mga paksa na may kinalaman sa likas
nga yaman ng Timog-Silangan at
Silangang Asya at implikasyon nito sa
mga Asyano

17
SUSI SA PAGWAWASTO
PANIMULANG PAGSUBOK
1. Yamang Likas
2. Kapaligirang Pisikal
3. Pamumuhay

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Aralin1 (Ang sagotay batay sa pagka-unawa ng mag-aaral)
Aralin 2
Tama o Mali

1. Taiwan – Japan
2. T
3. T
4. Hong Kong - Japan
5. Timog Korea - China

PANGWAKAS NA PAGSUBOK
1. B
2. E
3. A
4. H
5. C
6. F
7. G
8. J
9. ..
10. I

18
Sanggunian :

Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Araling Panlipunan Modyul para


sa Mag-aaral
https://www.nationsonline.org/oneworld/map_of_southeast_asia.htm
https://paintbrushdiplomacy.org/online-teaching-museum/at-galleries-by-country/east- asia/

19
For inquiries or comments, please contact:

20

You might also like