You are on page 1of 401

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material

1
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
2
HEOGRAPIYA NG ASYA

Karaniwang dinarayo ng mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo


ang maraming lugar sa Asya gaya ng Boracay sa Pilipinas, Bali sa Indonesia,
at Penang sa Malaysia. Bilang isang Asyano, napuntahan mo na ba ang
magaganda at mayayamang likas na yaman ng Asya? Naitanong mo na ba sa
sarili mo kung gaano kalawak ang kontinenteng ito at kung gaano karami ang
mga taong naninirahan dito? Kung hindi pa samahan mo akong maglakbay at
tuklasin kung paanong ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay nagbigay-
daan sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.
Sa yunit na ito ay matutuklasan ang mga angking katangian ng Asya
bilang isang kontinente, kasama na ang yamang-tao at ang implikasyon nito sa
kaunlaran ng mga bansang Asyano. Handa ka na bang alamin ang kasagutan
sa mga tanong na ito? Kung handa ka na, halina at saglit tayong maglakbay sa
Asya, siyasatin natin ang mga kamangha-manghang bagay tungkol sa
heograpiya nito at tuklasin ang mga bahagi ng kultura ng mga naninirahan dito.

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit


Aralin 1 – Katangiang Pisikal ng Asya
Aralin 2 – Mga Likas na Yaman ng Asya
Aralin 3 – Pangkat Entnolingguwistiko
Aralin 4 – Yamang-Tao ng Asya
Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:
Aralin 1 1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating
heograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog
Asya, Kanlurang Asya, at Hilagang Asya.
2. Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga
rehiyon ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis, sukat, klima,
at vegetation cover.
3. Napaghahambing ang kalagayan ng kapaligiran sa iba-ibang
bahagi ng Asya.
4. Nakagagawa ng pangkalahatang heograpikal ng profile ng Asya.
Aralin 2 1. Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya.
2. Naitataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at
yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano
noon at ngayon sa larangan ng: (a) agrikultura, (b) ekonomiya,
(c) panahanan, at (d) kultura.
3. Naipahahayag ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalikasan
sa timbang na kalagayang ekolohikal ng rehiyon.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


3
Aralin 3 1. Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya.
2. Nasusuri ang kaugnayan ng paglinang ng wika sa paghubog ng
kultura ng mga Asyano.
Aralin 4 1. Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng Asya
sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang
panahon batay sa: (a) dami ng tao, (b) komposisyon ayon sa
gulang, (c) inaasahang haba ng buhay, (d) kasarian, (e) bilis ng
paglaki ng populasyon, (f) uri ng hanapbuhay, (g) bilang ng may
hanapbuhay, (h) kita ng bawat tao, (i) bahagdan ng marunong
bumasa at sumulat, at (j) migrasyon.
2. Napahahalagahan ang yamang tao ng Asya.

Mga Pamantayan sa Pagkatuto


Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
kamalayan sa heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at
ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon tungo sa pagbubuo ng pagkakakilanlang
Asyano at magkakatuwang na pag-unlad at pagharap sa hamon ng Asya.

Grapikong Pantulong sa Aralin

Heograpiya at Yamang Tao ng


Asya

Katangiang Pisikal ng
Yamang-Tao
Asya

Mga Salik Heograpikal Populasyon

Mga Likas na Yaman ng Pangkat


Asya at Mga Suliraning Etnolingguwistko
Pangkapaligiran

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


4
Mga Inaasahang Kakayahan
Upang mapagtagumpayan ang aralin at malinang nang lubos ang iyong
pag-unawa, kinakailangang gawin at tandaan mo ang sumusunod:
1. pagbasa ng mapa;
2. pagtukoy sa mga lokasyon ng mga rehiyon sa Asya;
3. kritikal na pagsusuri sa datos at tsart tungkol sa likas na yaman at
yamang-tao sa Asya;
4. paggawa ng concept map o semantic web ukol sa heograpiya at
yamang-tao ng Asya;
5. pagpapaliwanag ng epekto ng mga likas na yaman at yamang-tao sa
pag-unlad ng kabihasnang Asyano;
6. pagpapahalaga sa yamang-tao ng Asya;
7. nakapagsasagawa ng iba’t ibang pamamaraan, gawain o proyekto sa
pangangalaga at preserbasyon ng pinagkukunang yaman at
kapaligiran.

Panimulang Pagtataya
1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-
Silangan, at Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na
sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga
aspetong pisikal, historikal at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon,
bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang
magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasan
sa larangang historikal, kultural, agrikultural at sa klima
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng
kapaligirang pisikal
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos
pareho
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao
rito

2. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o


Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o
grasslands. Tinatayang ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo ay
ganitong uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may mga damuhang
mataas na malalalim ang ugat na matatagpuan sa ilang bahagi ng
Russia at maging sa Manchuria?
a. steppe c. savanna
b. prairie d. tundra

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


5
3. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik
kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa
Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa
Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init,
ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-
araw at tag-ulan.
b. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng
rehiyon na nababalutan ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa
rehiyong ito sa iba’t-ibang buwan sa loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

4. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang


interpretasyon ang kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay
pare-pareho
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya.

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga


katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa
anyong lupa o anyong tubig.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


6
b. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa: tangway,
kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa
mga tumutubong halamanan.
d. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima
na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.

6. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin


at napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit?
a. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.
b. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang
Asya.
c. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa
pagtatanim
d. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng
rehiyong ito.

7. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan,
lawa, at ang mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao.
Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at ang
Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumanap ng
malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang
gampaning ito?
a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-
unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig.
b. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa
Asya ay naganap sa mga ilog na ito.
c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga
buhay ang mga ilog na ito sa tuwing may nagaganap na mga
pagbaha.
d. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at
palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.

8. Batay sa resulta ng pananaliksik ng mga eksperto, tinatayang nasa


apatnapung porsyento (40%) ng populasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko
ay namumuhay sa mga lungsod. Ang mabilis na pagtaas ng antas ng
urbanisasyon sa Asya ay nakapagdudulot ng labis na epekto sa
kapaligiran nito. Alin sa mga suliraning pangkapaligiran sa ibaba na
bunsod ng urbanisasyon ang lubhang napakasalimuot at epekto ng lahat
ng usaping pangkalikasan?
a. problema sa solid waste b. polusyon sa hangin at tubig
c. pagkawasak ng kagubatan d. pagkasira ng biodiversity

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


7
Basahin ang bahagi ng artikulo sa ibaba na halaw sa website ng European
Dialogue na pinamagatang “Environmental Problems of Asian Region
have Reached a Critical Point” na isinulat ni Christina Greszta. Gawin
itong batayan sa pagsagot sa tanong sa susunod na bilang.

“By now (in the beginning of the XXI century) the environmental
problems of Asian region have reached critical point, obliging the
international community to focus on them. The scope of these
problems is very broad, including Semipalatinsk and Caspian region,
the Aral Sea, degradation of pastures and arable land in different
regions of Central Asia, water pollution from sewage and anti-
desertification and drought mitigation measures. These problems
affect millions of human lives, and to date, OSCE is literally the only
regional organization, which includes the most influential countries in
the world, particularly those in Asia, and has an ability to assist within
environmental challenges of the new millennium. Thus, the OSCE
chairmanship of Kazakhstan in 2010 is an opportunity to make
significant steps to solve these problems.”

9. Ang Asya sa ngayon ay dumaranas ng samu’t saring suliraning


pangkapaligiran, tulad ng nagaganap sa Aral Sea sa Hilagang/Gitnang
Asya na kilala bilang pang-apat na pinakamalaking lawa sa buong
mundo. Ngunit mula taong 1989 hanggang 2003, ang Aral Sea ay
lumiliit nang lumiliit ang sukat mahigit sa apat na beses, at humantong
sa pagkakahati sa dalawa- ang Large Aral Sea at Small Aral Sea. Ano
ang implikasyon nito?
a. Ang kontinente ng Asya ang may pinakamabilis na antas ng paglala
ng mga suliraning pangkapaligiran kumpara sa ibang mga kontinente
ng daigdig
b. Ang suliraning tulad nito ay lubhang nakakaalarma, kung kaya’t
kailangan ang pagtutulungan ng bawat bansa sa buong daigdig
upang harapin ang mga hamon ng kalikasan

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


8
c. Ang pagbaba ng lebel ng Aral Sea, ang pagkasira ng mga pastulan
at pagkatuyo ng mga lupa, at ang polusyon sa tubig ang mga
naitalang pinakamalalang suliraning pangkapaligiran sa
Hilaga/Gitnang Asya
d. Malaki ang epekto sa buhay ng maraming tao ang pagbabago ng
kalagayan ng kalikasan, kung kaya’t dapat maging aktibo ang iba’t-
ibang samahang pangkalikasan sa bawat rehiyon na bumuo ng
mabisang solusyon para dito.

Gawing batayan ang poster na


ito mula sa Lesson Plan: The
Economy vs. The Environment ng
WHS Library website sa pagsagot sa
tanong bilang 10.

10. Mahalagang panatilihin ang


ecological balance ng Asya sapagkat
anuman ang maging katayuan at
kalagayang ekolohikal ng rehiyon ay
tiyak na makakaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng
kapaligirang pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang
akmang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran upang umunlad ang
kanyang kabuhayan?
a. ang pagpapabagal ng paglaki ng populasyon upang maiwasan ang
kakapusan at kakulangan ng pangangailangan mula sa limitadong
pinagkukunang-yaman
b. ang patuloy na paglinang ng yamang likas tungo sa pagpapabuti at
pagpapalago ng kabuhayan at paggamit ng mga modernong
makinarya sa pagkuha ng mga produkto at kapakinabangan mula
dito
c. ang paggamit ng paraang sustainable development o ang sistema
ng pagpapaunlad unlad ng industriya o mga gawaing
pangkabuhayan na hindi isinasakripisyo ang kalikasan at
pinapangalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng mga programa
d. ang paghawan ng kagubatan at pagsasagawa ng reclamation para
sa pagpapatayo at pagpapaunlad ng mga industriya, gayundin ang
pagpapalawak ng urbanisasyon

11. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at
etnisidad na kinabibilangan. Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
a. Etniko c. Katutubo
b. Nomad d. Etnolingguwistiko

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


9
12. Kung iba’t iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya,
nangangahulugang pinakamalaking hamon sa rehiyon ang _______.
a. ideolohiyang political c. pagkakakilanlan
b. modernisasyon d. pagkakaisa
13. Alin sa mga kongklusyon ang kumakatawan sa pahayag na
“Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi”
a. Ang wika ay may iba’t ibang layunin.
b. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao.
c. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
d. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura
ng isang lahi
Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at
sagutin ang kasunod na mga tanong kaugnay nito.

Edad
Bilis ng Paglaki
Bansa Populasyon (2017)
ng Populasyon
0-14 15-64 65+
Sri Lanka 20,905,335 0.45% 2 67 8.1
Laos 7,037,521 1.72% 3 60.1 3.7
Indonesia 263,510,146 1.12% 2 66.6 6.4
Japan 126,045,211 -0.22% 1 62.6 23.9
India 1,342,512,706 1.18% 2 65 5.6

14. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng
populasyon, ano ang tamang pagkakasunod-sunod nito?
a. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia at Japan
b. India, Indonesia, Japan,Sri Lanka at Laos
c. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos at Japan
d. Indonesia, India, Japan, Laos at Sri Lanka

15. Makikita sa talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang


bahagdan ng pagbilis ng paglaki ng populasyon, sumunod ang Sri Lanka
at Indonesia samantalang mabilis naman ang paglaki nito sa India at
Laos. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng
populasyon ng isang bansa?
a. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon.
b. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya.
c. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao.
d. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga
patakaran/ programa na makapagpapabagal o makapagpapabilis ng
pagdami ng tao.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


10
16. Ang malalaking pamilya na karaniwan sa pamilyang Asyano ay unti-unti
nang lumiliit. Makikita rin sa talahanayan na bumababa ang bahagdan
ng bilis ng paglaki ng populasyon sa ilang bansa sa Asya gaya ng Japan
at Sri Lanka. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Mabisa ang impluwensiya ng mga bansang kanluranin.
b. Tumaas ang katayuan ng kababaihan sa lipunan.
c. Ang mga pamilya ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan
kaya ipinagpapaliban ang pagkakaroon ng anak.
d. Ang pagbabago ay dulot ng edukasyon at mataaas na antas ng
pamumuhay.

17. Ang China ang bansang may pinakamalaking populasyon sa daigdig.


Taong 1979 nang ipatupad nito ang “One China Policy” na naglalayong
limitahan ang mabilis na pagdami ng kanilang populasyon. Alinsunod sa
patakarang ito ang mag-asawang Tsino ay hihikayating magkaroon
lamang ng isang anak. Isa sa epekto nito ay ang pagbaba ng population
growth rate ng China.Ayon sa pinuno ng National Bureau of Statistics ng
China na si Ma Jiantang ang kasalukuyang populasyon ng China ay
binubuo ng karamihan ay may edad, edukado at mga dayuhan.Ano ang
mahihinuha sa sitwasyong ito?
a. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng China sa kabila ng
patakarang ipinatupad nito.
b. Pagkaubos ng lakas ng paggawa na makaaapekto sa pag-unlad ng
ekonomiya nito.
c. Nagtagumpay ang China na makontrol ang paglaki ng kanilang
populasyon.
d. Ang pagpapatupad ng One China Policy ay paglabag sa karapatang
pantao ng mga mag-asawa.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


11
18. Suriin ang larawan sa kabilang pahina. Ano ang mahihinuha mo sa
yamang- tao ng Asya.
a. Ang mga Asyano ay walang pagkakaisa.
b. Ang mga Asyano ay iba’t iba ang katangian.
c. Ang mga Asyano ay may iisang pagkakakilanlan na masasalamin sa
mayamang kultura nito.
d. Ang mga Asyano ay may iba’t ibang katangian at pagkakakilanlan na
nagpayaman sa kultura ng rehiyon.

19. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya


ng pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapekto
sa pag-unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang isang kabataan ay
naanyayahan na dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang
solusyon sa paglutas sa suliranin. Ano ang iyong imumungkahi upang
malutas ang suliranin?
a. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
b. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin
sa kapaligiran.
c. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na
magkaroon ng anak.
d. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan
ng kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa.

20. Ikaw ay isang “Ambassador of Goodwill “ na naatasang manghikayat at


makaimpluwensiya ng mga kabataang Asyano na magpalaganap ng
mga programa na susuporta sa ikakabuti ng kapaligiran at kapakanan
ng mga Asyano sa tungkol sa pamamagitan ng paggawa ng isang
multi–media advocacy. Alin sa sumusunod na pamantayan ang dapat
mong isaalan-alang?
a. organisasyon , bilang ng pahina , pagkamalikhain
b. kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos, pagkamalikhain
c. nilalaman, pagkamalikhain, impact , organisasyon, kapakinabangan
d. kawastuhan ng mga datos, madaling maunawaan

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


12
Modyul 1

Katangiang Pisikal ng Asya


ALAMIN

Matapos mong masukat ang iyong kakayahang sagutin ang mga paunang
tanong sa mga aralin ng modyul na ito, sa isasagawangpagtalakay sa araling ito ay
maaaring maitanong mo kung ano ang katangiang pisikal ng Asya bilang isang
kontinente? Ano ang mga batayan ng paghahati nito sa limang rehiyon? Paano
nahubog ang pisikal na katangian ng Asya? Malaki ba ang epekto ng katangiang
pisikal ng Asya sa pamumuhay ng mga taong nakatira rito? “Paanong ang
ugnayan ng tao at kapaligiran ay nagbigay-daan sa pagbuo at pag-unlad ng
kabihasnang Asyano? Simulan mo ang pagtuklas at pagbuo ng mga pang-unang
kasagutan sa iyong mga tanong sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain.
Handa ka na ba? Simulan mo na.

Gawain 1: Loop a Word


Ang gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang humanap ng mga
salitang bubuo sa iyong kaisipan tungkol sa paksa, at kung paano mo ito
bibigyang kahulugan. Sa pamamagitan nito ay makabubuo ka ng mga
pangungusap na may kaugnayan sa Asya at sa pisikal na katangian nito.
Mula sa krossalita ay subukan mong hanapin, sa anumang direksyon,
ang salita na tinutukoy sa bawat bilang. Bilugan ang salita at pagkatapos ay
isulat ito sa patlang ng bawat aytem.

H I B L D K T E K M A L P I N
E K A P A L I G I R A N I P K
O R U S N A B I L H G A S Y A
G I W L E T S A P U N B I A B
R K O N T I N E N T E P K H I
A S B I N U T R A S G I A O H
P O B A H U R O N A N G L B A
I S U N U G N A Y A N I P I S
Y N I S B A S E L Y I T E S N
A K T R O S T Y A D O P S T A
N I B A S W E T R K Y O P E N

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


13
____________1. Bigkis o pagtutulungan para sa kapwa kapakinabangan
____________2. Ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa
kanyang kabuhayan at pagtugon sa pangangailangan
____________3. Kalikasan, ang ekolohikal na komposisyon ngdaigdig
____________4. Maunlad na yugto ng kulturang panlipunan, moral, at kultural
____________5. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo
____________6. Katutubo o tagapagsimula
____________7. Pag-unawa at paghanga sa sining, kaugalian, paniniwala,
gawaing panlipunan, edukasyon, relihiyon, at siyentipiko
____________8. Ang malaking masa ng lupain sa mundo
____________9. Ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon
____________10. Katangiang nakikita at nahahawakan

Matapos mong matukoy ang mga mahahalagang salita ay susubukin mo


namang bumuo ng isang konsepto tungkol sa kahalagahan ng kapaligiran sa
tao sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng lima (5) o higit pang salita at isulat
ang mabubuo mong konsepto sa loob ng cloud callout.

_____________________________
_____________________________
_____________________________
______

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


14
Gawain Blg. 2: PASYALAN NATIN!
Pagkatapos ng unang gawain, atin namang lalakbayin ang mga katangi-
tanging lugar sa Asya at alamin mo ang antas ng iyong paunang kaalaman ukol
dito. Nasa larawan ang mga lugar na ating lalakbayin at sa kahon sa ibaba nito
ay isusulat mo ang iyong sagot sa nakatalang katanungan hinggil sa larawan.
Tukuyin mo rin ang bansang kinaroroonan nito. Handa ka na? Tayo na!

Kazakhstan,
Turkmenistan, Iran,
Azerbaijan, Armenia at
Georgia/Pinakamalaki at
Pinakamahabang Lawa sa
Buong Mundo

Siberia/Pinakamalalim na
Caspian Sea Lake Baikal Ilog Huang Ho
Saan metatag- Saan metatag- Saan metatag- Lawa sa Mundo
puan _______ puan________ puan________
Paglalarawan Paglalarawan Paglalarawan China/River of Sorrow
____________ _____________ _____________
Silangang bahagi ng
Mediterranean patungo sa
Tigris-Euphrates Rivers
hanggang Persian
Gulf/Pinag-usbungan ng
Kauna-unahang Kabihasnan
Fertile Crescent Banaue Rice
Saan metatag- Terraces Pilipinas/Isa sa Pitong
puan _______ Saan metatag- Kahanga-hangang Lugar sa
Paglalarawan puan _______
Paglalarawan
Mundo
____________
____________
Kabundukan ng Hindu
Kush, Timog
Asya/Kilalang landas na
tinahak at ginamit ng mga
mangangalakal at
manlalakbay sa kasaysayan
upang marating ang India

Borneo/Isa sa mga
Khyber Pass Mount Everest Borneo
Saan metatag- Saan metatag- Saan metatag- ipinagmamalaking
puan _______ puan _______ puan _______ kagubatan ng Timog-
Paglalarawan Paglalarawan Paglalarawan Silangang Asya
____________ ____________ ____________
Kabundukan ng
Himalayas sa Timog
Asya/Pinakamataas na
Bundok sa Buong Mundo

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


15
Taglay ang iyong mga paunang kaalaman sa mga aralin ng modyul na
ito, aalamin mo ngayon ang wastong sagot sa mga tanong na iyong ibinigay,
sa iyong pagtungo sa susunod na bahagi ng modyul. Dito ay uunawain mo sa
pamamagitan ng pagsusuri ng mga teksto upang magkaroon ka ng sapat na
kaalaman na magagamit mo sa paggawa ng proyekto pagkatapos ng aralin.
Isang poster tungkol sa kapakinabangan ng kapaligiran sa pangkabuhayan ng
tao ang iyong gagawin na mamarkahan batay sa nilalaman, pagkamalikhain,
hikayat, organisasyon, at kapakinabangan nito.

PAUNLARIN

Pagkatapos mong matuklasan ang iyong mga pang-unang kalaaman


sa aralin ay atin namang lilinangin ang mga kaisipang ito sa pamamagitan
ng ipapabasang mga teksto at iba pang kagamitan na mapagkukunan mo
ng mga impormasyon. Ang pangunahing layunin mo sa bahaging ito ay
matutuhan at maunawaan ang mahahalagang impormasyon at kaisipan
tungkol sa mga katangiang pisikal ng Asya bilang isang kontinente, mga
paghahating panrehiyon nito at ang kahalagahan ng kapaligiran sa tao para
sa kanyang pamumuhay. Gamit ang malilikom mong mga kaalaman,
inaasahang magkakaroon ka ng kabatiran tungkol sa katangiang pisikal
ngAsya, at kung gaano kahalaga ang heograpiya at pisikal na katangian
ng Asya upang mabuo at umunlad ang kabihasnan nito. Simulan mo
ang paglinang!

Mahalagang pagtuunan ng pansin sa iyong pag-aaral tungkol sa Asya


ang pag-aaral din ng pisikal na katangian ng kapaligiran sapagkat malaki ang
epekto nito sa kilos at gawain ng tao. Ito ay ang heograpiya. Ang bawat salik
nito gaya ng kapaligirang pisikal (kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, vegetation
cover), ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig, klima, at likas na yaman
ng isang lugar ay nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at pag-unlad ng
kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa kanilang kultura at
kabuhayan.

Gawain 3: Basa-Suri
Ang Kontinente ng Asya
Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag
sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng
pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng
pagtukoy ng latitude (distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


16
equator) at longitude (mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at
kanluran ng Prime Meridian) nito. Ang Equator ay ang zero-degree latitude at
humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere nito, at ang Prime Meridian
naman ay ang zero-degree longitude. Nasasakop ng Asya ang mula 10° Timog
hanggang 90° Hilagang latitude at mula 11° hanggang 175° Silangang
longitude.
Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa ibang mga
kontinente sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong humigit kumulang na
44,486,104 kilometro kwadrado, halos katumbas nito ang pinagsama-samang
lupain ng North America, South America, at Australia, at halos sangkapat (¼)
lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong (⅓) bahagi ng kabuuang
lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.
Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog
Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong
ito sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at
kultural na aspeto.
Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central
Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan,
Uzbekistan, Georgia, Armenia) Mongolia at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa
katawagang Central Asia o Inner Asia. Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang
hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europa. Dito nakalatag ang
mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait),
Gulf States (Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran,
Israel, Cyprus, at Turkey.
Bahagi naman ng Timog Asya ang India; mga bansang Muslim ng
Afghanistan, Pakistan at Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at
Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives. Ang Timog-
Silangang Asya ay minsang binansagang Farther India at Little China dahil
sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito. Ang rehiyong ito
ay nahahati sa dalawang subregions: ang mainland Southeast Asia
(Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast Asia
(Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor). Ang Silangang
Asya ay binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea, at Taiwan.
Bilang pantulong na impormasyon sa teksto, tunghayan mo ang
Talahanayan 1 para makita ang kabuuang sukat ng mga kontinente sa mundo
at tinatayang bahagdan ng kalupaang sakop ng mga kontinente sa mundo.
Magsagawa ng pag-aanalisa ng mga pigura upang maging gabay sa pagsagot
sa ilang bahagi ng pamprosesong mga tanong pagkatapos ng susunod na
gawain.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


17
KALUPAANG SAKOP NG MGA KONTINENTE SA DAIGDIG
Kabuuang Sukat Tinatayang Bahagdan
Kontinente
(kilometro kwadrado) ng Kalupaang Sakop
1. Asya 44,486,104 31%
2. Africa 30, 269,817 20%
3. North America 24,210,000 16%
4. South America 17,820,852 12%
5. Antarctcia 13,209,060 9%
6. Europe 10,530,789 7%
7. Australia 7,862,336 5%
Kabuuan 143,389,336 100%

Pamprosesong Tanong
1. Ilarawan ang kontinente bilang anyong lupa. Paano natutukoy ang
lokasyon at kinaroroonan ng isang kontinente o ng isang bansa?

2. Ilarawan ang anyo ng lupain ng Asya sa hilaga, kanluran, timog, timog-


silangan, at silangan nito. May epekto kaya ang lawak, hugis o anyo, at
kinaroroonan nito sa mga taong naninirahan dito? Bakit?

3. Isa-isahin ang mga rehiyon ng Asya. Paano isinagawa ang paghahating


panrehiyon nito? Para sa iyo, dapat bang maging batayan ang mga ito
ng tinukoy na paghahati?

4. Kung ang mga kontinente sa buong mundo ay hindi nahahati at ito’y


nananatiling isang malaking buong lupalop, may pagbabago kaya sa
katangiang pisikal nito at anong uri kaya ng pamumuhay, kultura,
kasaysayan, sibilisasyon, at kabihasnan mayroon ang mga tao sa buong
daigdig? Maglahad ng paghihinuha.

Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay


kakanyahan ng Asya. Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ng Asya
ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig na
lubos na nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano.
Ilalahad ngayon sa ‘yo ang ilang kaalaman tungkol sa dalawa sa mga
mahahalagang salik ng kapaligirang pisikal ng Asya, ang mga anyong lupa at

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


18
mga anyong tubig nito. Basahin at unawaing mabuti ang teksto upang masagot
ang mga katanungang sumusunod dito.
Matatagpuan sa Asya ang iba’t-ibang uri ng anyong lupa. Bawat uri nito
ay ginagamit, nililinang, at patuloy na naghahatid ng kapakinabangan sa mga
Asyano.

Mga Uri ng Anyong Lupa


Bulubundukin o hanay ng mga bundok. Pinakatanyag dito ay ang
Himalayas na may habang umaabot sa 2,415 kilometro. Ang Hindu Kush
(Afghanistan), Pamir (Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan),
Tien Shan (Hilagang Asya), Ghats (Timog Asya), Caucasus (Azerbaijan,
Georgia, Russia at Armenia), at ang Ural (Kanlurang Asya) ay ilan din sa
mga bulubundukin ng Asya. Kadalasang pinapangkat sa dalawa ang
kabundukan sa Asya. Ang una ay nagmumula sa hilagangsilangang dulo
ng Asya malapit sa Bering Strait na tumatahak pahilig patungong
Afghanistan at Pakistan, samantalang ang ikalawa ay nagmumula sa
kanlurang bahagi ng Asya partikular sa Turkey patungong Iran na mula sa
mga bansang ito ay tumatahak pahalang patungong Himalayas, at bababa
sa Myanmar at tangway ng Malay. Ang dalawang sistema ng kabundukang
ito ay magtatagpo sa Afghanistan at Pakistan.
Bundok. Ang Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas ay ang pinakamataas
na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro, pangalawa
ang K2 (8,611 metro) na nasa Pakistan/China. Pangatlo naman ang Mt.
Kanchenjunga (8,586 metro) na nasa Himalayas din.
Bulkan. Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag sa PacificRing of
Fire, tinatayang nasa humigit kumulang 300 aktibong bulkan ang nasa Asya
tulad ng Semeru, Krakatoa (Indonesia), Fuji (Japan), Pinatubo, Taal at
Mayon (Pilipinas).
Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang Tibetan Plateau na
itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong mundo (16,000
talampakan) at tinaguriang “Roof of the World” ay nasa Asya. Ang talampas
ng Deccan na nasa katimugang bahagi ng Indo-Gangetic Plain ng India ay
kilala rin.
Disyerto. Ang Gobi Desert (Mongolia at Hilagang China, 1,295,000 kilometro
kwadrado) na siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo,
ay isa lamang sa mga disyertong matatagpuan sa Asya. Makikita rin dito
ang mga disyerto ng Taklimakan (China), Kara Kum (Turkmenistan), at mga
disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia at India.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


19
Kapuluan o Arkipelago. Pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng
Indonesia, ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na
binubuo ng humigit kumulang na 13,000 mga pulo, ang Pilipinas at ang
Japan.
Pulo. Umaabot sa 1,994,300 kilometro kwadrado ang kabuuang sukat ng mga
pulo sa Asya at kabilang dito ang Cyprus sa kanluran; Andaman, Sri Lanka,
at Maldives sa katimugan; Borneo, Java, Sumatra, at mga pulo ng Pilipinas
sa timog -silangan; Hainan, Taiwan, Sakhalin, Kuril, at mga pulo ng Japan
sa silangan; at Wrangel, New Siberian, Zemlya, at Severnaya sa hilaga.
Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli
sa karagatan ang Asya. Tinatayang nasa 7,770,000 kilometro kwadrado
ang sukat nito. Ilan sa mga ito ay ang Turkeysa kanluran; Arabia, India,
Indochina, at Malay sa katimugan; Korea, Kamchatka, at Chukotsk sa
silangan; at Taymyr, Gyda, at Yamal sa hilaga (bahagi ng Siberia) .
Kapatagan. Halos sangkap at (¼) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan.
Ang Indo -Gangetic Plain at malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay
bahagi nito.
Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ang biyayang
hatid ng mga anyong lupa sa tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensya
sa kanilang kultura at pamumuhay. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing
likas na tanggulan o depensa ng isang lugar, at proteksyon o harang sa
malalakas na bagyo at sigwa. Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid, at mga
kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samu’t-saring
yamang mineral - mga metaliko, di-metaliko, at gas. Sa mga bundok at gubat
ay nakukuha ang mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na
materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife. Binubungkal,
sinasaka at nililinang ng tao ang mga kapatagan at mga lambak para sa mga
pananim, ang mga damuhan at mga burol ay ginagawang pastulan. Ang
paggamit ng tao sa ibat’ibang uri ng anyong lupa ay nakapagambag sa
paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.
Bukod sa pagkakaroon ng iba’t ibang anyong lupa, maituturing kaya ang
Asya na mayaman sa iba’t ibang anyong tubig?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


20
Suriin ang kasunod na mapa ng Asya.

Mapapansin na ang kontinente ng Asya ay halos napapaligiran ng mga


karagatan at mga dagat. Isa-isahin mo ang mga ito. Masasabi mo ba na
malaking bahagi ng hangganan ng Asya mula sa iba pang mga kontinente ay
mga anyong tubig? Ang mga karagatan at mga dagat na ito ay gumaganap ng
mahalagang papel sa pamumuhay ng mga Asyano dahil ang mga ito ay
nagsisilbing likas na depensa, rutang pangkalakalan at sa paggagalugad, at
pinagkukunan ng iba’t-ibang yamang dagat at yamang mineral.
Ang mga baybay-ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, at Huang Ho ang
nagsilbing lundayan (cradle) ng mga sinaunang kabihasnan hindi lamang sa
Asya kundi sa buong daigdig. Maraming mga ilog ang dumadaloy sa Asya at
patuloy na nagbibigay kapakinabangan sa tao gaya ng Lena, Ob, Irtysh,
Yenisey, Angara, Yana, Indigirka, at Kolima na pawang mga na Russia at
umaagos sa Arctic Ocean; ang Anadyr at Amur sa Russia, Huang Ho, Yangtze,
at Hsi sa China, Song Hoi An at Mekong sa Vietnam, at Chao Phraya sa
Thailand ay ang mga ilog na umaagos sa Pacific Ocean. Dumadaloy naman sa
Indian Ocean ang mga ilog ng Irrawaddy sa Myanmar, Ganges (ang sagradong
ilog ng mga Hindu sa Varanasi, India) sa Bangladesh at Hilagang India, Indus
sa Pakistan, at Shat al-Arab sa Timog Iraq, gayundin ang Salween na
bumabagtas sa maraming bansa sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya,
at ang Brahmaputra na umaagos naman sa maraming bansa sa Timog Asya.
Ang Amu Darya (pinakamahabang ilog sa Gitnang Asya, 2,620 kilometro), Syr
Darya na umaagos sa Kyrgyzstan, Uzbekistan, at Kazakhstan; ang Tarim sa
Xinjiang sa China; I-li na umaagos sa Xinjiang patungong Kazakhstan; Chu sa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


21
Kyrgyzstan; Tedzhan sa Turkmenistan; at Gilmend sa Afghanistan ay ang ilan
sa mga ilog na matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya.
Apat na katangi-tanging dagat at lawa ang matatagpuan sa Asya: ang
Caspian Sea (hilagang Iran, Kazakhstan, Turkmenistan, Azerbaijan, Armenia,
at Gergia, 371,000 kilometro kwadrado) na pinakamalaking lawa sa mundo;
ang Lake Baikal (timog silangang Siberia, 31,500 kilometro kwadrado) na
siyang pinakamalalim na lawa; ang Dead Sea (hanggangan sa pagitan ng mga
bansang Israel at Jordan, 1,049 kilometro kwadrado) na pangalawa sa
pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig; at ang Aral Sea (hangganan
ng mga bansang Uzbekistan at Kazakhstan, 64,750 kilometro kwadrado), ang
pinakamalaking lawa sa Asya. Gaya ng iba pang anyong tubig sa Asya, ang
mga lawang ito ay nakapagdulot din ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng
mga naninirahan doon.
Gaya ng ginawang paglinang ng mga taong nagpasimula ng mga
sinaunang kabihasnan, ang mga lawa at ilog ay ang siyang pinagkukunan ng
tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-araw-araw na gawain. Ito rin ang
pinagmumulan ng sistema ng irigasyon sa mga palayan at pananiman, daanan
ng mga transportasyong pangtubig, at pinagkukunan ng mga pagkain at mga
palamuti.

1. Anong mahahalagang papel ang ginampanan ng mga anyong lupa at mga


anyong tubig sa pamumuhay ng mga Asyano?
2. Batay sa mga impormasyong naihayag sa itaas, anu-anong hamon ang
dulot ng anyong lupa at anyong tubig sa mga bansa sa Asya?
3. Paano kaya tinutugunan ng mga Asyano ang mga oportunidad at ang
mga banta o panganib kaugnay ng mga anyong lupa at anyong tubig.
Ipahayag ang iyong hinuha.

Bukod sa mga nakuha mong impormasyon ukol sa kinaroroonan, sukat,


hugis, paghahating panrehiyon, at mga anyong lupa at anyong tubig ng Asya,
bilang isang Asyano ay mahalaga ring matukoy mo ang iba’t ibang vegetation cover
na mayroon sa iba’t ibang rehiyon ng Asya bilang bahagi ng pisikal na katangian
nito, at iyan ay iyong aalamin sa pamamagitan ng pagbasa ng teksto tungkol dito.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


22
Ang Mga Vegetation Cover ng Asya
Ang vegetation o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng
pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ayepekto ng klima nito. Sa Hilagang
Asya, katangiang pisikal ng kapaligiran nito ay ang pagkakaroon ng malawak
na damuhan o grasslands na nahahati sa tatlong uri: ang steppe, prairie, at
savanna.
Ang steppe ay uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-
rooted short grasses. Maliliit lamang ang damuhansa lupaing ito dahil
tumatanggap lamang ito ng 10-13 pulgada ng ulan. Mayroong mga steppe sa
Mongolia gayundin sa Manchuria at Ordos Desert sa Silangang Asya.
Sa hilagang bahagi ng mga steppe ng Russia at Manchuria at maging
sa Mongolia matatagpuan ang prairie, ang lupaing may damuhang mataas na
malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses. Samantala, ang savanna
naman na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya partikular sa Myanmar at
Thailand ay lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan. Ang mga
taong naninirahan sa mga steppe, prairie, at savanna ay kadalasang nakatuon
sa pagpapastol at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka at tupa na
pinagkukunan nila ng lana, karne at gatas. Ang mga lambak-ilog at
mabababang burol ay ginagawa nilang pananiman.
Ang boreal forest o taiga (rocky mountainous terrain) ay matatagpuan
din sa Hilagang Asya partikular na sa Siberia. Coniferous ang mga kagubatang
ito bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa
anyong yelo o ulan.
Sa bahagi ng Russia at sa Siberia matatagpuan ang tundra o treeless
mountain tract. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno
sa lupaing ito dahil sa malamig na klima. Ang lupaing malapit sa baybayin ng
Arctic Ocean ang saklaw ng behetasyong ito. Sa Timog-Silangang Asya at sa
mga bansang nasa torrid zone ang biniyayaan ng tropical rainforest- dahil sa
mainam na klima nito na halos may pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


23
Ang uri ng kapaligirang pisikal ng isang lugar ay epekto ng uri ng klima
nito. Ito’y bunsod rin ng mga pangyayaring likas na hindi natin maiiwasan tulad
ng paggalaw ng lupa at pagputok ng mga bulkan, at ang pag-ihip ng monsoon
o hanging nagtataglay ng ulan na maaaring humantong sa bagyo. Ano kaya
ang mga pagbabagong naidudulot ng mga ito sa kapaligirang likas ng isang
bansa? Paano ito naghahatid ng mahahalagang salik sa pamumuhay ng mga
tao? Ang Asya ay isang kontinente na palagiang nakararanas ng mga
pangyayaring ito.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


24
Ang Mga Klima ng Asya
Narito ang isang talahanayan na nagpapakita ng iba’t-ibang uri ng klima
sa mga rehiyon ng Asya. Basahin at unawain mo itong mabuti at batay sa mga
datos at paglalarawan dito ay bumuo ka ng paghihinuha kung paanong ang
klima ay nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga Asyano.

MGA URI NG KLIMA SA ASYA


Rehiyon Katangian ng Klima
Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang
tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit may
Hilagang
ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa. Gayunpaman,
Asya
malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan ng tao
dahil sa sobrang lamig.
Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng labis o di
kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Kanlurang
Kanlurang AsyaBihira at halos hindi nakakaranas ng ulan ang malaking
Asya bahagi ng rehiyon. Kung umulan man, ito’y kadalasang
bumabagsak lamang sa mga pook na malapit sa dagat.
Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung
Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung buwan ng Disyembre
Timog Asya hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at
tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo ang
Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.
Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak
ng rehiyong ito, ang mga bansa rito ay Silangang Asyanakakaranas
Silangang ng iba-ibang panahon: mainit na panahon para sa mga bansang
Asya nasa mababang latitude, malamig at nababalutan naman ng yelo
ang ilang bahagi ng rehiyon.

Timog- Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropical.


Silangang Nakararanas ang mga ito ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-
Asya ulan.

Pamprosesong Tanong
1. Anong uri ng klima ang iyong nararanasan? Ipaliwanag.
2. Paanong ang klima ay nakaimpluwensiya sa pamumuhay ng mga
Asyano?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


25
Ang Katangian ng Klima
Ang karaniwang panahon o average weatherna nararanasan ng isang
lugar sa loob ng mahabangpanahon ay tinatawag na klima. Kinapapalooban
itong mga elemento tulad ng temperatura, ulan at hangin. Maraming salik ang
nakakaapekto sa klima ng isanglugar. Ilan dito ay ang lokasyon, topograpiya,
uri o dami ng mga halaman, at distansya sa mga anyong tubig. Dahil sa lawak
ng Asya, matatagpuan dito ang lahat ng uri ng klima at panahon. Samantala,
ang mga monsoon o mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima
na may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng tao
lalo’t higit yaong mga nasa Silangan at Timog-Silangang Asya. Depende sa
lakas ng bugso nito, ito ay maaaring magdulot ng parehong kapakinabangan
at kapinsalaan.

Direksyon ng Hanging Amihan o Northeast Monsoon na nagmumula sa Siberia


patungong Karagatan (kaliwa),at ng Hanging Habagat o Southwest Monsoon na nagmumula
sa karagatan patungong kontinente.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


26
Pamprosesong Tanong
1. Bakit ang malaking kontinente ng Asya ay may iba’t ibang uri ng klima?
Mas nakabubuti ba ito o mas nakasasama?

2. Paano naaapektuhan ng monsoon sa Asya ang mga Asyano?


Ipaliwanag ang kasagutan sa konsepto ng salik kultural (pamumuhay,
pananamit, kilos, paniniwala, kaugalian).

Ang Pacific Ring of Fire


Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko,
ay nakalatag sa isang malawak na sonana kung tawagin ay “Ring of Fire,” o
“Circum-Pacific Seismic Belt”. Ang lugar na ito ay nagtataglay na
maraminghanay ng mga bulkan, kasama na ang mga bulkang Mayon,
Pinatubo, Taal at Krakatoa. Ang pagsabok ng mga bulkan ay kadalasang
nagdudulot ng paglindol o paggalaw ng lupana nagbubunsod naman ng mga
pagbabago sa pisikal naporma ng anyong lupa at anyong tubig. Tinatayang
81% ng mga pinakamalakas na lindol sa mundo ay nagaganap dito. Sinasabing
noong araw pa man bago maisulat ang kasaysayan, ang karamihan sa mga
anyong lupa at anyong tubigsa daigdig ay hinubog at binigyang porma ng,
bukod sa paggalaw ng tectonic plates na nagpabitak at nagpaangat sailang
bahagi ng lupa, ay dulot ng mga pagyanig mula sa pagsabog ng bulkan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


27
1. Batay sa ipinapakita ng mapa, madalas ba ang paglindol sa Silangan at
Timog Silangang Asya? Paano mo ito nasabi?
2. Ano ang kaugnayan ng pagsabog ng bulkan sa pagkakaroon ng mga
pisikal na anyo tulad ng bundok, talampas, ilog, lawa, at dagat?
3. Paanong naaapektuhan ng mga pagyanig at pagsabog ng bulkan ang
likas na kapaligiran at ng pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas at ilang
bahagi ngSilangang Asya? Paano angnaging pagtugon ng mga tao dito.

Ngayong may taglay ka nang kaalaman ukol sa vegetation cover at klima


ng kontinente ng Asya ay makapagtatala ka na ng mahahalagang datos at
impormasyon tungkol sa katangiang pisikal ng Asya. Anumang impormasyon na
iyong mabubuo ay maaari mong maging batayan sa paggawa ng pangkalahatang
profayl ng Asya na itatakda sa iyong gawin sa huling bahagi ng aralin.

Ang Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon sa Asya


Ang Kabundukang Ural na nasa rehiyong ito ang humahati sa mga
kontinente ng Europe at Asya. Ang Bering Sea ang nag-uugnay sa
Hilagang Asya at Alaska. Dahil ang rehiyong ito ay may pinaka-
mahabang panahon ng taglamig at napakaikling tag-init, hindi kayang
tumubo sa kalakhang bahagi nito ang anumang punongkahoy.
Sa ilang mga bahagi ng rehiyong ito ay may malawak na damuhan
Hilagang na may iba’t ibang anyo (steppe, prairie at savanna), may kaunting
Asya bahagi ng boreal forest o taiga na may kagubatang coniferous. Bunsod
ito ng malamig na klima sa rehiyon.
Bahagi ng rehiyong ito ay ang mga bansang Armenia,
Georgia, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Mongolia, Tajikistan, Turkmenistan,
at Uzbekistan.
Ang Kanlurang Asya ay nakalatag sa pangkonintel na bahagi ng
Asya at sa hilagang silangang bahagi ng Africa. Mabuhangin at
mabato ang karaniwang lugar, madalas ang pagkatuyo ng mga ilog at
lawa dahil sa sobrang init at walang masyadong ulan ang
nararanasan. Nahahati ito sa tatlong rehiyong pisikal: Northern Tier
na lupain ng kabundukan at talampas, Arabian Peninsula na isang
malawak na tangway na pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig
ngunit ang loob na bahagi ay salat sa tubig dahil disyerto ang
malaking bahagi nito, at ang Fertile Crescent na nagtataglay naman ng
matabang lupa at saganang suplay ng tubig. Sa kanluran ng Northern
Tier ay matatagpuan ang Anatolian Plateau a may matabang lupa,
samantalang kabaligtaran naman nito ang Iranian Plateau sa silangang
bahagi ng Northern Tier na may lupaing tuyo.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


28
Bahagi ng rehiyong ito ang mga bansang Bahrain, Cyprus, Iran,
Iraq, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Saudi Arabia,
Syria, Turkey, United Arab Emirates, at Yemen.
May anyong hugis tatsulok, ang Timog Asya ay may hangganang
Indian Ocean sa timog at kabundukan ng Himalayas sa hilaga. Sa
kanlurang bahagi ng rehiyon nakalatag ang mga bansang Afghanistan,
Pakistan, at India, sa silangan ay Bangladesh, sa dakong hilaga ay ang
mga bansang Nepal at Bhutan, at ang mga pulo ng Sri Lanka at
Maldives sa timog. Ang topograpiya ng rehiyong ito ay mabundok. Sa
Timog hilagang bahagi ay makikita ang hanay ng mga bundok ng Hindu
Asya Kush sa Afghanistan, Karokaram Range sa Pakistan at China, at ang
Himalayas sa Nepal.
Sa Hindu Kush matatagpuan ang kilalang landas na Khyber Pass.
Sa katimugan ng Hindu Kush nakalatag ang Indo-Gangetic Plain na
katatagpuan naman ng Thar Desert sa kanlurang bahagi nito at ang
Deccan Plateau sa bandang timog. Sa kanluran at silangan naman ang
talampas na ito ay ang kabundukan ng Ghats: ang Western Ghats na
nasa panig ng Arabian Sea, at ang Eastern Ghats na nasa panig naman
ng Bay of Bengal. Ang Indus at Ganages, at Brahmaputra na ilan sa
malalaking ilog sa daigdig, ay matatagpuan sa Timog Asya. Mainit sa
rehiyong ito maliban sa mga kabundukan na nananatiling malamig
dahil sa niyebe o yelo.
Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyong
Silangang Asya particular na ang China na sumasakop sa 20% sukat
ng kontinente. Ang mga bansang Japan at Korea ay halos 5% ng lupain
ng Silangang Asya. Ang rehiyong ito ay may mga pisikal na
hangganan tulad ng Gobi Desert, Mongolian-Tibetan Plateaus, at ang
Sila- Himalayas. Nasa silangan naman nito sng Pacific Ocean.
ngang Sa pangkalahatan, matataba ang mga kapatagan ditto, malalalim
Asya ang mga lambak at matataas ang mga bundok. Bagama’t malawak ang
China, ang mga naninirahan ditto ay nagsisiksikan sa silangang
bahagi ng bansa na isang kapatagan hindi tulad ng kanlurang bahagi
nito na binubuo ng mga kabundukan at talampas. Ang mga ilog ng
Huang Ho, Yangtze, at Xi Jiang ay ang tatlong pinakamahalagang ilog
sa pamumuhay ng mga Tsino dahil sa nagpapataba ito ng lupain at
ginagamit ng ruta para sa pakikipagkalakalan. Samantala, sa
pamamagitan ng Sea of Japan at Korean Strait, ang bansang Japan ay
nahihiwalay sa mismong lupain ng silangang Asya. Binubuo ito ng
apat na malalaking isla: ang Kyushu, Shikoku, Honshu, at Hokkaido.
Nasa maliit na bahagi lamang ng bansa ang malaking bahagi ng
populasyon sapagkat mahigit sa 80% ng lupain ng Japan ay
kabundukan.
Maliban sa China at Japan, bahagi din ng rehiyong ito ang North at
South Korea, at Taiwan.
Ang kahabaan ng Timog-Silangang Asya ay makikita sa timog ng
China at Japan. Ang India ang nasa Hilagang-Kanluran at Pacifiic
Ocean naman sa Silangang bahagi. Dahil sa kaaya-ayang klima nito,
magubat na kabundukan ang nasa hilaga ng rehiyon at mga lambak-

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


29
ilog naman sa timog. May matabang lupa ang mga kapatagan habang
Timog- ang ibang lugar naman ay karaniwang latian at matubig. Nauuri sa
Sila- dalawa ang Timog-Silangang Asya: ang Pangkontinenteng Timog-
ngang Silangang Asya o Mainland Southeast Asia, isang tangway na nasa
Asya pagitan ng South China Sea at Indian Ocean. Ang malaking bahagi ng
lupain ay kabundukan at manaka-nakang nagtataasang talampas mula
sa Himalayas hanggang sa katimugang bahagi ng China. Ang mga
kabundukan at talampas nito ay siyang naghihiwalay sa bahaging ito
ng Timog-Silangang Asya sa iba pang rehiyon. Ang lupaing ito ay
dinadaluyan ng mga ilog ng Irrawaddy, Salween, Chao Phraya,
Mekong, at Red River. Ang Pangkapuluang Timog-Silangang Asya o
Insular Southeast Asia naman ay binubuo ng mga kapuluang
nakalatag sa karagatan kabilang ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia,
at East Timor. Ang ilan sa mga kapuluang ito (kasama ang Japan) ay
kabilang sa Pacific Ring of Fire dahil hitik sa mga bulkan ang lugar at
maaari itong magdulot ng paglindol dulot ng kanilang pagsabog.
Maliban sa Pilipinas, Indonesia, at East Timor, bahagi rin nito ang
mga bansang Singapore, Myanmar, Brunei, Laos, Cambodia, Vietnam,
Thailand, at Malaysia.

Gawain 4: Data Retrieval Chart


Batay sa iyong pagbasa ng teksto sa itaas, pupunan mo ng mga datos
ang data retrieval chart. Maaari mong balikan ang mga teksto tungkol sa mga
uri ng klima at vegetation cover ng Asya na nasa naunang mga pahina.
Katangiang Pisikal ng Asya
Vegetation
Kinaroroonan Hugis Anyo Klima
Cover
Hilagang
Asya
Kanlurang
Asya
Timog
Asya
Silangang
Asya
Timog-
Silangang
Asya
Paghahambing:

Epekto:

Kapakinabangan:

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


30
Sa bahaging ito ng modyul ay nilinang mo sa pamamagitan ng
talakayan at iba’t ibang gawain ang tungkol sa heograpiya at katangiang
pisikal ng mga rehiyon ng Asya. Inaasahang mula rito ay naiwasto
mo na ang mga maling konsepto at nabigyang linaw ang mga
katanungang pansamantalang nakabalam sa iyong pagtuklas ng
mahahalagang impormasyon kaugnay ng paksa.

Dahil sa iyong matagumpay na paglinang ng aralin, taglay mo na ang


mahahalagang detalye na magagamit mo sa pagpapatibay ng iyong
natutuhan. Ang mga ito ay mas pagtutuunan mo ng pansin gayundin ang iba
pang mahahalagang aspeto ng aralin tungo sa iyong ganap na kabatiran.
Para mas makaganap kang mabuti sa daloy ng pagpapalalim ng kaalaman ay
kakailanganin ang iyong kritikal at masusing pagsusuri, sariling
pagbabalangkas at pag-oorganisa ng konsepto, at aktibo at produktibong
pakikilahok sa mga talakayan at pangkatang gawain. Habang isinasagawa ang
paglikom ng mas malalim na kaalaman ay muli mong subukan na buuinang
kasagutan sa kung paanong ang interaksyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran ay nagbigay-daan sa paghubog at pag-unlad ng kabihasnang
Asyano.

Gawain 5: Salundiwa
Ito ay naglalayong mailahad mo ang mga konseptong
iyong nabuo bunga ng mga kaalamang iyong nalinang sa nakaraang bahagi
ng modyul. Mas mabuti rin kung ikaw ay makapagbabahagi ng mga
kasagutan sa gawain batay sa iyong nabasa sa mga pahayagan, napanood
sa tv at napakinggan sa radyo. Marahil ay nanaisin mo pang makakalap ng
mas matibay na pahayag mula sa pagbabahagi ng iyong mga mag-aaral
para masagot ang iyong mga katanungang sa papaanong paraan
nakaapekto ang katangiang pisikal ng Asya sa pamumuhay ng mga
Asyano? Ilapat mo ang iyong natutunan at nakalap pang mga impormasyon
hinggil sa paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa kasunod na conceptual
map. Kopyahin at sagutin ito sa iyong kuwaderno.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


31
Tatlong mahahalagang aral na aking natutuhan tungkol sa katangiang pisikal
ng Asya:

Binabati kita sa iyong pananagumpay na matapos ang unang tatlong


bahagi ng aralin. Ang kaganapan ng iyong pagkatuto mula sa iba’t ibang
mga gawain at karanasan sa proseso ng pagtuklas, pagpapalalim, at pag-
unawa ng aralin ang siyang magbibigay sayo ng sapat na kakayahan na
maisakatuparan ang nakalaan pang mga gawain. Magpatuloy ka!

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


32
Narating mo na ang huling bahagi ng modyul. Dito ay ilalapat mo na ang
iyong mga natutuhan kaugnay ng aralin sa iyong buhay. Gagampanan
mo ito sa pamamagitan ng pagtupad sa mga gawain na magpapamalas
ng iyong ganap na pag-unawa sa aralin.

Malaki ang bahaging ginagampanan ng kapaligirang pisikal sa


pamumuhay ng mga tao dahil sa idinudulot nitong samu’t-saring
kapakinabangan. Ang patuloy na interaksyon ng tao at kapaligiran ay
ang siyang nagbubunsod sa kabihasnang patuloy na pinauunlad ng tao
sa kasalukuyan.
Ang ugnayang ito ay iyong bibigyang-halaga sa pamamagitan ng
pagpapamalas at pagsulat ng mga primaryang batayan na ikaw mismo
ang lilikha. Sa gawaing ito ay layunin mong manghikahat sa sinumang
makakabasa at makakakita nito na bigyan ng akmang pagtugon ang
kalikasan.

Gawain 6: IPAHAYAG MO
Gamit ang tatlong larawan sa ibaba, ikaw ay susulat ng isang sanaysay
tungkol sa paksang “Ano ang kontribusyon ng likas na kapaligiran sa
gawaing pangkabuhayan ng tao?”

MGA KRAYTIRYA
MEDYO HINDI
SA PAGMAMARKA NATATANGI MAHUSAY
MAHUSAY MAHUSAY
SA ISINULAT NA (5 Puntos) (4 Puntos)
(3 Puntos) (2 Puntos)
SANAYSAY

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


33
Modyul 2

MODULE 2 Mga Likas na Yaman ng Asya

ALAMIN

Binabati kita sa matagumpay mong pagkakamit ng mahahalagang


kaalaman tungkol sa katangiang pisikal ng Asya. Ngayon ay mas
mapauunlad mo pa ang iyong pag-unawa hinggil sa ugnayan ng tao
sa kaniyang kapaligiran sa pamamagitan ng paglinang nito tungo sa
pagtugon sa kaniyang pangangailangan. Sa panibagong araling ito ay
maaaring maitanong mo kung ano-ano ang ipinagmamalaking
yamang-likas ng Asya? Ano ang mga implikasyon nito sa
pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng
agrikultura, ekonomiya, panahanan, at kultura? Bakit humaharap
ang Asya sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran sa ngayon? Ano
ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang
ekolohikal ng rehiyon? “Paanong ang interaksiyon ng tao at
kapaligiran ay nagbigay-daan sa pagbuo at pag-unlad ng
kabihasnang Asyano?”Mahalagang maiugnay mo ang iyong
natutuhan sa nakaraang aralin upang ganap na maunawaan ang
paksang tatalakayin sa bagong araling ito. Maaari ka nang magsimula.

Gawain 1: Kaban ng Yaman Ko, Iguhit Mo

Sa ibaba ay matatagpuan ang mga larawan ng mga produkto. Isulat sa


iyong kuwaderno kung ito ay yamang lupa, yamang tubig, yamang kagubatan
o yamang mineral. Iguhit din sa kuwaderno ang yamang likas na
pinanggalingan ng mga produkto. Sa pamamagitan nito ay matutukoy moa ng
nauna nang kaalaman tungkol sa kapakinabangan ng ating kapaligiran.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


34
Matapos mong tukuyin ang iba’t ibang likas na yaman batay sa iyong
taglay na kaalaman ay magtatala ka naman ngayon ng mga katanungan
hinggil sa likas na yaman ng Asya gayundin sa mga suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap ng Asya sa kasalukuyan. Ang mga
kasagutan sa mga katanungang ito ay iyong tutuklasin sa pamamagitan
ng iba’t ibang mga gawain sa proseso ng paglinang ng aralin.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


35
Gawain 2: Tanong Mo, Itala Mo

Isulat mo sa loob ng kahon ang mga katanungang nais mong masagot


tungkol sa mga pag-aaralang paksa sa ikalawang aralin. Gawin ito sa
kuwaderno.

ANG AKING MGA ANG AKING MGA


KATANUNGAN KATANUNGAN
TUNGKOL SA LIKAS TUNGKOL SA MGA
NA YAMAN NG SULIRANING PANG-
ASYA KAPALIGIRAN NG
ASYA

Kasabay ng pagtatala mo ng mga kataningang nais mong masagot


tungkol sa likas na yaman ng Asya at sa mga suliraning pangkapaligiran ay
mahalaga ring matukoy moa ng progreso ng iyong pagkatuto kaugnay sa
aralin, kung kaya’t bilang bahagi ng iyong pormatibong pagtataya ay
isasagawa mo ang susunod na mga gawain.

PAUNLARIN

Naniniwala ka ba na ang tao ay biniyayaan ng masaganang


kapaligiran? Ang lahat ng ating nasa paligid - ang mga kabundukan,
dagat, hayop, halaman, at mineral ay mga likas na yaman na
siyang puhunang nililinang ng tao upang matugunan ang kaniyang
mga pangangailangan. Noon pa man at magpahanggang ngayon,
ang uri ng pamumuhay at gawain ng tao ay nakaangkop sa
kaniyang kapaligiran. Pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay kung
ang tao ay naninirahan sa kapatagan. Kung sa baybaying dagat
naman ay pangingisda ang ikinabubuhay. Tunay nga na ang ganitong
ugnayan ng tao at kapaligiranay isangnatural na prosesongipinagkaloob
ng kalikasan upang ang lahat ay mabuhay. Paanong ang patuloy na
paglinang at pakikibagay ng tao sa kapaligiran ay nagbunsod sa
pag-unlad ng kabihasnan at kultura ng isang lipunan tulad ng
matatagpuan sa Asya? Simulan mong tuklasin ang kasagutan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


36
Gawain 2: Pagsusuri ng Larawan

Nakahanay sa iyo ang iba’t ibang larawan na nagpapakita ng ugnayan


ng tao at ng kalikasan. Pansinin at suriin ang bawat larawan. Pagkatapos nito’y
maging handa sa pagsagot sa kasunod na pamprosesong mga tanong.

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano-anong uri ng likas na yaman ang nakikita mo sa larawan? Paano ito


nililinang ng mga tao?
2. Ano-ano ang mabuti at di-mabuting naidudulot ng paglinang ng ating
kapaligiran? Sa anong mga pagkakataon ito nagaganap?
3. Karamihan ba sa ating mga pangangailangan at kagustuhan ay
natutugunan ng ating mga likas na yaman? Patunayan ang sagot.
4. Ano sa tingin mo ang mainam na solusyon kung paanong matutugunan
ng likas na yaman ng isang bansa ang lumalaking dami ng populasyon
nito gayong ang lupa naman ay hindi lumalaki?
5. Paanong ang mabuting paggamit ng likas na yaman ay makatutulong sa
pag-unlad ng kabihasnang Asyano?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


37
Basahin at Unawain
MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. May malawak


na damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop ang Hilagang
Asya bagamat dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay.
Ang mga troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyong ito. Sa
yamang pangisdaan, produktong panluwas ng rehiyon ang caviar (itlog) ng mga
sturgeon, ang malalaking isdang likas dito. Tinatayang pinakamalaki sa mundo
ang deposito ng ginto sa Kyrgyzstan, samantalang ang Tajikistan ay may
tatlong uri ng yamang mineral; ang metalikong mineral tulad ng ginto, mineral
na panggatong tulad ng natural gas, at industriyal na mineral tulad ng
phosphate. Pangunahing industriya ng Turkmenistan ang natural gas,
pangalawa sa Russia sa produksyon nito, at langis, samantalang isa sa mga
nagunguna sa produksyon ng ginto sa buong mundo ang Uzbekistan. Sa mga
lambak-ilog at sa mabababang burol ng mga bundok may produksyon ng
pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay at barley, gayundin
ng bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas at mansanas. Sa pag-
aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka at tupa nagkakaroon ang
mga tao ng lana, karne at gatas. Magkakaiba ang likas na yaman ng mga
rehiyon sa Asya. May malawak na damuhan na mainam pagpastulan ng mga
alagang hayop ang Hilagang Asya bagamat dahil sa tindi ng lamig dito ay halos
walang punong nabubuhay. Ang mga troso mula sa Siberia ang tanging
yamang gubat sa rehiyong ito. Sa yamang pangisdaan, produktong panluwas
ng rehiyon ang caviar (itlog) ng mga sturgeon, ang malalaking isdang likas dito.
Tinatayang pinakamalaki sa mundo ang deposito ng ginto sa Kyrgyzstan,
samantalang ang Tajikistan ay may tatlong uri ng yamang mineral; ang
metalikong mineral tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng natural gas,
at industriyal na mineral tulad ng phosphate. Pangunahing industriya ng
Turkmenistan ang natural gas, pangalawa sa Russia sa produksyon nito, at
langis, samantalang isa sa mga nagunguna sa produksyon ng ginto sa buong
mundo ang Uzbekistan. Sa mga lambak-ilog at sa mabababang burol ng mga
bundok may produksyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo,
palay at barley, gayundin ng bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


38
at mansanas. Sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka at
tupa nagkakaroon ang mga tao ng lana, karne at gatas.
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang
nabibilang sa Timog Asya. Palay ang pangunahing produkto rito bagama’t may
mga taniman din ng trigo, jute, tubo, at mga gulay. Pinakamahalagang likas na
yaman sa India ay ang lupa lalo’t higit ang mga kapatagan at lambak na
pinagyayaman ng mga ilog ng Indus, Ganges, at Brahmaputra. Malaki rin ang
reserba ng bakal at karbon sa bansang ito. Bagama’t ipinagbabawal ng
pamahalaan, tanyag ang Afghanistan sa pagtatanim ng opyo. Ang mga
kagubatan ng Nepal ay matatagpuan sa mga gulod ng bulubunduking
Himalayas. Sa mga baybaying dagat ng Pakistan ay matatagpuan ang mga
gubat bakawan. Makapal at mayabong ang gubat sa timog-kanlurang Sri Lanka
na hitik sa puno ng mahogany at iba’t ibang uri ng palm. Sa dakong gitna ng
pulong ito lalo na sa matataas na lugar ay makikita ang mga kagubatang
evergreen samantalang sa hilaga at silangang bahagi nito ay naroon ang mga
punong ebony at satinwood. Malaki ang kapakinabangan ng indian Ocean sa
rehiyon dahil sa pagtustos nito sa iba’t ibang yamang dagat. Sa ibang bahagi
ng rehiyon tulad ng Afghanistan at Bangladesh ay paghahayupan. Batong
apog, bakal, karbon, natural gas, langis, tanso, asin, at gypsum ay ilan sa mga
pangunahing yamang mineral ng Timog Asya.
Sa Timog Silangang Asya, nasa mga lupain ng Myanmar at Brunei ang
malalawak na kagubatan. Tinatayang nasa 84% ng kagubatan sa Brunei ang
nagsisilbing panirahan ng iba’t-ibang uri ng unggoy, ibon at reptile. Sa
kagubatan ng Myanmar matatagpuan ang pinakamaraming punong teak sa
buong mundo, samantalang ang maraming punong palm at matitigas na kahoy
gaya ng apitong, yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis at iba’t
ibang species ng dapo ay nasa kagubatan ng Pilipinas. Matatagpuan sa mga
lambak ng Irrawaddy River at Sittang River ang pinakamatabang lupa sa
Myanmar. Sa Cambodia, ito ay sa paligid ng Mekong River at Tonle Sap.
May iba’t ibang pananim sa rehiyon. Ang Pilipinas ay isa sa mga
bansang nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at
kopra. Ang kalabaw, baka, baboy, kabayo, kambing at manok ang karaniwang
inaalagaang hayop sa rehiyon. Sa yamang mineral, malaki ang deposito ng
langis at natural gas sa Indonesia at ang mahigit sa 80% ng langis sa Timog
Silangang Asya ay nanggagaling sa bansang ito, gayundin ang mahigit sa 35%
ng liquefied gas sa buong daigdig. Liquefied gas din ang pangunahing mineral
ng Malaysia habang tanso naman ang sa Pilipinas. Ang malalaking ilog ay
pinagtatayuan ng dam ng ilang mga bansa at nililinang para sa hydroelectric
power na siya namang pinagkukunan ng kuryente.
Ang mga bansang China, North Korea at Tibet ay mayaman sa
depositong mineral. Nasa China ang pinakamalaking reserba ng antimony,
magnesium, at tungsten sa buong daigdig, gayundin ang reserba ng karbon

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


39
dito na isa sa mga pinakamalaki sa buong daigdig. Salat sa yamang mineral
ang Japan bagamat nangunguna ang bansang ito sa industriyalisasyon.
Gayunpaman, nagtatanim sila ng mga punong mulberry upang maging pagkain
ng mga silkwork kaya nangunguna ang Japan sa industriya ng telang sutla.
Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa iba’t ibang anyo nito,
maliban lamang sa mabuhangin o tigang na lupa sa Mongolia. Sakop ng China
ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin at ito’y pinagtataniman
ng iba’t ibang uri ng pananim. Pangunahing pananim nito ang palay, at siyang
nangunguna sa produksiyon nito sa buong mundo. Ang ilang mga bahagi ng
Silangang Asya ay nakatuon din sa pagtatanim at paghahayupan. Sa China at
sa ibang mga bansa ng rehiyon, ang malalaking hayop ay ginagamit din bilang
katulong sa paghahanapbuhay. Ang mga anyong tubig ay nililinang din para sa
kapakinabangan ng mga nakatira rito.
Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral partikular na sa
langis at petrolyo. Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig
ang Saudi Arabia, at malaki rin ang produksyon ng langis ng mga bansang Iran,
Iraq, United Arab Emirates (UAE), Kuwait, at Oman. Karamihan sa mga bansa
ng rehiyong ito ay may natural gas, tanso, bauxite, potash, zinc, magnesium,
phosphate, at iba pa. Sa agrikultura, nagtatanim ang mga taga-Kanlurang Asya
ng trigo at barley sa mga oasis. Pangunahing produkto sa Iran ang trigo, barley,
palay, bulak, mais tabako, at mga prutas. Nangunguna naman ang Iraq sa
produksyon ng dates at dalandan, ang Israel. Paghahayupan ang karaniwang
gawain ng mga taong naninirahan sa mga lugar na bulubundukin at sa mga
disyerto sa Iran, Iraq, Syria, Saudi Arabia at Turkey. Implikasyon ng likas na
yaman sa pamumuhay ng mga Asyano

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


40
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
41
3

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


42
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
43
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
44
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
45
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
46
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
47
Gawain 4: Suliranin at Solusyon

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


48
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
49
5

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


50
ILIPAT AT ISABUHAY

Gawain 6: Ang Aking Magagawa

Batay sa larawan sa ibaba, ano ang iyong gagawin upang maiwasan


ang ganitong pangyayari? Gumawa ng maikling pahayag tungkol sa larawan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


51
Transisyon sa Susunod na Aralin

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


52
Modyul 3

Pangkat Etnolingguwistiko

Modyul 3

Sa iyong ginagawang paglalakbay sa kalakhang Asya nabatid mo


ang katangiang pisikal at nasuri ang mga yamang likas na makikita sa
bawat rehiyon nito. Sa pagtuklas mo sa Asya, naitanong mo ba kung sino
ang mga taong naninirahan sa malawak na kalupaang ito? Ano ang
kanilang mga katangian, wika at kultura? Paano nilinang ng mga Asyano
ang kanilang kapaligiran upang mabuo at umunlad ang kabihasnan? Ikaw,
bilang Asyano at Pilipino, naisip mo ba kung may pagkakatulad ba ang
katangian, kultura, at wika mo sa kanila? Handa ka na bang tuklasin ang
kasagutan sa mga tanong na ito? Simulan mo na sa pagsagot sa gawain
sa bahaging ito.

Gawain 1: Kabilang Ka Ba?

Napag-isipan mo na ba kung saan lalawigan o rehiyon sa Pilipinas


nagmula ang iyong pamilya? Ano ang dialektong iyong ginagamit? Ikaw ba ay
Tagalog, Ilokano, Bicolano? Tunghayan mo ang pag - uusap ng dalawang bata
at sagutan ang mga tanong sa ibaba.

PAMPROSESONG MGA TANONG

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


53
1. Ano ang paksang pinag-uusapan ng dalawang bata?
2. Ano ang mga pangkat etnolinggwistikong sa Pilipinas na nabanggit sa
usapan?
3. Bukod sa nabanggit ano pa ang mga pangkat etnolinggwistiko sa
bansa?
4. Kabilang ka ba sa isa sa mga pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas?
5. Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa pangkat etnolinggwistiko sa
Pilipinas batay sa pag-uusap ng dalawang bata?
6. Nakatulong ba ang pangkat etnolinggwistiko sa pagbuo at pag-unlad
ng kabihasnang Pilipino? Patunayan.

Gawain 2: Kilala Mo Ba Sila?

Pagmasdan mo ang mga larawan sa ibaba. Matutukoy mo ba kung saan


rehiyon sa Asya sila nagmula ? Ano ang mga katangian nila ,kultura at iba
pang pagkakakilanlan.? May kahawig ka ba sa kanila? Bakit kaya?
Pagmasdan mong muli ang larawan? Sagutan ang talahanayan batay sa
kung ano ang alam mo tungkol sa kanila.

______________ ______________ ______________


______________ ______________ ______________
______________ ______________ ______________
______________ ______________ ______________
______________ ______________ ______________
______________ ______________ ______________
______________ ______________ ______________
______________ ______________ ______________
______________ ______________ ______________

PAMPROSESONG MGA TANONG

1. Ano ang napansin mo sa katanian at kultura ng mga Asyano sa larawan?


Pare-pareho ba sila? Bakit?
2. Ano ang pangunahing pagkakakilanlan ng mga Asyano?
3. Ano ang tawag sa pagpapangkat sa mga Asyano?
4. Ano ang batayan ng pagpapangkat ng mga Asyano?
5. Bakit magkakaiba ang kultura at wika ng mga Asyano?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


54
6. Nakakaapekto ba ang pagkakaiba-iba ng kultura at wika ng mga Asyano
sa pagbuo at paghubog ng kabihasnang Asyano?
7. Bilang Asyano, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa
yaman ng kultura ng Asya?

PAUNLARIN

Magaling! Natapos mo na ang unang pagsubok sa araling ito.


Sa bahaging ito ay inaasahang mas lalawak ang iyong kaalaman at
pang-unawa tungkol sa pangkat etnolinggwistiko ng Asya at kung paano
ito nakaaapekto sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.
Maaari mong balikan ang mga kasagutan at maiwasto ang maling sagot
o konseptong nabuo kung meron man. Pagtuunan ng pansin ang
babasahin sa ibaba at sagutan ang mga gawain. Handa ka na ba?

Pangkat Etnolingguwistiko sa Asya

Asyano ang mga taong naninirahan sa Asya. Nakikilala din sila


batay sa bansang pinagmulan gaya ng Pilipino nagmula sa Pilipinas,
Japanese mula Japan, Vietnamese mula sa Vietnam. Maari ding
kilalanin ang mga Asyano batay sa pangkat etnolinggwistikong
kinabibilangan. Ano nga ba ito? Ang pangkat etnolinggwistiko ay
tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may
magkakaparehong wika ,kultura at etnisidad. Kalimitan ang isang bansa
ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko kagaya ng Pilipinas.
Ilan nga ba ang pangkat etnolinggwistiko sa bansa ?
Ang wika ang isa sa batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya. Ito ay
may dalawang kategorya ang Tonal – kung saan ang kahulugan ng
salita at pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng pagbigkas nito.
Gaya ng wikang Chinese, Burmese, Vietnamese. Ang ikalawang
kategorya ay ang stress o non tonal language – ang pagbabago sa tono
ng salita at pangungusap ay hindi nagpapabago sa kahulugan ng salita
at pangungusap nito. Ang wikang Cham at Khmer sa Cambodia ay ilan
sa mga halimbawa nito.
Bakit mahalaga ang wika? Ang wika ang pangunahing gamit ng
tao sa pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa. Sa pamamagitan ng wika
naipapahayag ng tao ang kanyang damdamin, napapaunlad niya ang
kanyang sarili at kapwa sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


55
Sinasabing pangunahing batayan ang wika sa paghubog ng
kultura ng mga etnolinggwistiko. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng
bawat pangkat. Kung nais mong suriin ang kultura at kasaysayan ng
isang lahi, kinakailangan pag-aralan mo ang wika nito.
Sinasabi nga na sinasalamin ng wika ang kultura ng isang bansa. Ito
ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat. Kung nais mong
suriin ang kultura at kasaysayan ng isang lahi ,kinakailangan pag-aralan
mo ang wika nito. Sinasabi nga na sinasalamin ng wika ang kultura ng
isang bansa. Bukod dito ang wika din ang nagbubuklod sa tao upang
manatiling nagkakaisa at nagpapahalaga sa kanilang kultura. Kaya’t
mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga pamahalaan ng bawat
bansa upang isulong ang pagkakaroon ng isang wika sa kanilang
bansa.
Samantala , isa pang batayan ng pagpapangkat ng mga tao ay
ang etnisidad. Ang etnisidad ay mistulang kamag-anakan . Kapag ang
isang tao ay kinilala ng isang pangkat etnolinggwistiko bilang kasapi
dahil sa pagkakapareho ng kanilang pinagmulan itinuturing nila ang isa’t
isa bilang malayong kamag-anakan.
Ang pagkakapare-pareho ng wika at etnisidad ang nagiging
batayan ng pagpapangkat ng tao. Itinuturing nilang ibang pangkat etniko
ang mga taong kaiba ang wika, etnisidad at kultura sa kanila. Ang
pagkakaiba- ibang ito ang pangunahing katangian ng mga Asyano.
Subalit ang pagkakaiba-iba ring ito ang dahilan ng pagkakaroon ng
mayamang kultura ng rehiyon. Matatagpuan sa bawat rehiyon sa Asya
ang iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko. Sa Timog Silangang Asya
matatagpuan ang mga Austro – Asiatic (Munda), Dravidian at Indo
Aryan. Ang Ural – Altaic , Paleosiberian at Eskimo naman sa Hilagang
Asya. Dahil sa estratehikong lokasyon ng Hilagang Asya matatagpuan
dito ang iba’t ibang pangkat ng tao gaya ng Turk, Afghan, Kurd, Persian,
Hittite, Assyrian, Jew, Armenian, Arab, Caanite, Lydian, Sumerian,
Elamite, Kassite, Hatti, Halde, Hurri at Lyciane. Sa Timog Silangang
Asya dalawang pamilyang linggwistiko ang makikita ang Austro – Asiatic
ito ay ang mga wika ng mga Pilipino at Indonesian. Samantalang
matatagpuan sa Silangang Asya ang mga Sino – Tibetan, Indo – Aryan
at Hapones.
Maaari ding kilalanin ang mga pangkat etniko batay sa kanilang
panirahan. Tinuring na uplander ang mga naninirahan sa mataas na
lugar o kabundukan gaya ng Mangyan at Dumagat sa Pilipinas, Karen
at Hmong sa Thailand at lowlander naman ang naninirahan sa
kapatagan at baybay dagat gaya ng ethnic Lao ng Lao PDR, Kinh o Viet
sa Vietnman. Sa Pilipinas ano mang pangkat etniko ang naninirahan sa
ka patagan na alam mo ?Kabilang ka ba sa kanila? Karaniwan ang mga
pangkat etniko na nasa kapatagan ang mas marami ang bilang, sila din
ang may maunlad na pamumuhay. Ang sentro ng pamahalaan,
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
56
edukasyon, komersiyo, at iba ay matatagpuan dito. Samantalang ang
mga naninirahan sa kabundukan pakaunti ang bilang, sinisikap na
mapanatili ang kanilang kultura sa kabila ng kakapusan sa mga
pangunahing pangangailangan at hamon ng makabagong panahon.
Anumang batayan ang gamitin sa pagkilala sa mga Asyano ang
mahalagang tandaan sa kabila ng pagkakaiba – iba ng wika , etnisidad
at kultura ang dapat manaiig sa bawat Asyano ay PAGKAKAISA.
• *Hango sa Kabihasnang Asyano, Vibal Publishing House Inc. pahina 61 -63

PAMPROSESONG MGA TANONG

1. Ano ang dalawang batayan sa pagpapangkat ng etnolinggwistiko?


2. Kailan sinasabi na ang isang tao ay kabilang sa isang pangkat
etnolinggwistiko?
3. Ano ang dalawang uri ng wika sa Asya? Paghambingin at magbigay ng
halimbawa.
4. Bakit ang wika ang pangunahing pagkakakilanlan ng mga pangkat
etnolinggwistiko?
5. Bakit mahalaga ang wika sa paghubog ng kultura at pagkakakilanlan ng
mga Asyano?

GAWAIN 3: MAGSURI TAYO

Sa gawaing ito mas kilalanin mo pa ang Asyano sa pamamagitan ng


mas malalim na pagsusuri sa mga pangkat etnolingguwistiko. Suriin ang mga
teksto at sagutin ang pamprosesong tanong.

Ang mamamayan ng Bhutan ay maaring hatiin sa tatlong pangkat


etniko – Ngalops, Sharchops at Lhotsampas.

Ngalops ng Bhutan
Ang Ngalops ang bumubuo sa malaking bahagdan ng populasyon
ng Bhutan, karaniwan silang naninirahan sa gitna at kanlurang bahagi
ng bansa. Ang mga Ngalops ay pinaninimulang nagmula sa Tibet na
nakarating sa Bhutan nuong ika-walo (8) hanggang siyam (9) na siglo.
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
57
Sa ilang mga babasahin kilala ang mga Ngalops bilang “Bhote”
(mamamayan ng Bhotia/Bhutia o Tibet). Ang Ngalops ang nagdala ng
kulturang Tibetan at Buddhismo sa Bhutan na hanggang sa
kasalukuyang panahon ay umiiral sa bansa. Ang kanilang wikang
Dzongkha ang pambansang wika sa Bhutan.
Karaniwan sa mga Ngalops na naninirahan sa mga kapatagan at
lambak ay nag-aalaga ng baka at nagsasaka. Pangunahing pananim ay
palay, patatas, trigo, at barley. Pag-aalaga at pagpapastol naman ang
pinagkakakitaan ng mga naninirahan sa mga kabundukan.
Ang kanilang tahanan ay yari sa tabla, bato, putik at luwad. Kilala
rin sila sa pagtatayo ng mga malalaking templo na tinatawag na dzongs.
Ang mga dzongs ang ginagamit na tanggapan ng pamahalaan. Ang hari
ng Bhutan at karamihan ng mga pinuno ng pamahalaan ay kabilang sa
Ngalops. Kontrolado nila ang pamahalaan. Maging ang kanilang kultura
at tradisyon ay sinusunod ng lahat ng mga Bhutanese. Sinusuot pa rin
nila ang kanilang tradisyonal na kasuotan sa paaralan, opisina at mga
pampublikong lugar. Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng Gho,
hanggang tuhod na damit na nakatupi sa likod at tinatalian sa baywang
ng sinturon na tinatawag na kera. Mayroon din silang scarf o kabney na
may iba’t ibang kulay depende sa katatayuan sa lipunan. Samantala,
ang mga kababaihan ay nagsusuot ng kira (kapirasong tela na hugis
rektangular) na hanggang sakong ang haba na nilalagay ng sinturon.
Nagsusuot din sila ng scarf na tinatawag na rachu. Ang kasuotang ito
ng mga Bhutanese ay nagmula sa mga Ngalops.
Sa mahabang panahon, napanatili ng mga Ngalops ang kanilang
kultura at tradisyon. Masasalamin ito sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay hanggang sa kasalukuyan. Subali’t sa matagal na
panahon, nanatili ang Bhutan bilang isang bansang agrikultural at
kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang.

Balinese ng Indonesia

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


58
Ang pangkat Balinese ay matatagpuan sa kapuluan ng Bali,
Lombok at kanlurang bahagi ng Sumbawa sa Indonesia. Hinduism ang
pangunahing relihiyon nila. Ang kultura ng Balinese ay nag- uugat sa
ispiritwalidad, relihiyon, tradisyon at sining. Para sa mga Balinese ang
relihiyon ay sining. Karamihan sa mga Balinese ay mga magaling sa
sining, ginagamit nila ang kanilang libre oras sa pagpipinta, paghahabi,
paglililok at paglalagay ng iba’t ibang dekorasyon sa mga pampublikong
lugar, at maging sa kanilang mga tahanan. Kaya’t hindi
nakapagtatakang ito ay karaniwang dinarayo ng mga turista dahil sa
makulay na sining, tradisyon, magagandang dalampasigan at ang mainit
na pagtanggap ng Balinese sa kanilang mga bisita.
Hindi rin pinalalampas ng mga turista na masaksihan ang
tradisyunal na sayaw kung saan ang galaw ng mata at kamay, maging
ekspresyon ng mukha ay mahalaga.
Lahat ng bagay na makikita sa Bali ay may kinalaman sa kanilang
paniniwala sa kanila mga diyos at diyosa, at mga ispiritu mabuti man o
masama. Para sa mga Balinese ang araw, puno, palayan at maging
mga bato ay may ispiritu. Kaya’t sila ay nakikipamuhay ng maayos sa
mga ito.
Bukod sa turismo, pinagkukunan din ng kabuhayan ng mga
Balinese ang pagsasaka dahil sa matabang lupa at mainam na klima ng
lugar. Karaniwan nilang pananim ay palay, tsaa, kape, tabako, cacao,
niyog, gulay, at prutas. Maunlad din ang industriya ng pangisdaan at
pagtatanim ng seaweeds.
Dalawang mahalagang samahan ang may mahalagang papel na
ginagampanan sa mga Balinese. Ang Subak at ang Banjar ng bawat
pamayanan. Ang Subak ay samahang pang-irigasyon ana
angpangunahing tungkulin ay pagandahin, pagyamanin at isaayos ang
mga gawaing pang-agrikultural ng pamayanan. Samantalang
pangunahing tungkulin ng Banjar ang pagsasa-ayos ng mga gawain sa
pamayanan gaya ng kasal, libing at pagsasaayos ng mga templo.

Manchu ng China

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


59
Ang China ay mayroon limaput anim (56) na pangkat
etnolinggwistiko na may kanya-kanyang wika ,kultura at tradisyon ang
isa dito ay ang mga Manchus. Noong ika 17 siglo ang mga Manchus ay
mas kilala bilang Jurchen , Jurced o Juchen. Sinasabi na ang mga
Manchus ay nagmula sa sa hilagang bahagi ng China, ang probinsiya
ng Liaoning. Sa paglipas ng panahon ito ay tinawag na Manchuria hango
sa mga Manchus.
Tuwing ika 13 araw ng pangsampung (10) buwan sa kalendaryo
ng China, ipinagdiriwang ng mga Manchu ang Banjin Festival. Layunin
ng pagdiriwang na ito na alalahanin ang ang araw kung saan pinalitan
ni Emperador Huangtaiji ang Nuzhen bilang Manchu. Para sa mga
Manchu ito ang araw ng kanilang pagsilang. Kaya’t sinusuot nila ang
kanilang tradisyonal na kasuotan, nagsasaya sa pamamagitan ng
kantahan at sayaw, tanda ng kanilang pasasalamat.
Ang mga sinaunang Manchu ay naninirahan sa tinatawag na
pocket house nahahati sa tatlong bahagi, kung saan makikita sa
pinakagitna ang kusina. Ang magkabilang bahagi ng pocket house
makikita ang silid - tulugan at sala. Sa mga dingding ng pockethouse
makikita ang brick beds na tinatawag na Kangs na pinapainitan sa mga
buwan ng taglamig. Ang matatandang miyembro ng pamilya ay
natutulog sa kanlurang kang, mga kabataan ay sa Hilagang kang at
samantalang ang silangang bahagi ay ginagamit na sambahan sa
kanilang mga ninuno.
Bihasa ang mga Manchu sa pagsakay sa kabayo at pagpana,
dahilan upang magalugad at makabisa nila ang kagubatan at
bulubundukin sa kanilang lugar. Simula sa pagkabata, tinuturuan na
silang mangaso gamit ang sibat na yari sa kahoy. Sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga tinuturuan naman sila ng pagsakay sa
kabayo. Maging ang pagtalon sa tumatakbong kabayo ay ginagawang
libangan ng mga Manchu.
Karaniwang hanapbuhay ng mga Manchu na naninirahan sa
lambak at kapatagan ay pagsasaka. ang pangunahing pananim ay ang
soybean, mais, millet, tabako, at mansanas. Ang mga nainirahan naman
sa malalayong kabundukan ay nangunguha ng ginseng, mushroom, at
iba pang puwedeng pagkakitaan. ang mga Manchu na naninirahan sa
mga lungsod na nakapag-aral ay nagtatrabaho sa mga pagawaan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


60
Isa ang mga Tajik sa mga sinaunang tao sa daigdig. Ayon sa mga
arkeologo sila ay naninirahan sa Tajikistan simula pa ng huling bahagi
ng panahon ng Paleolitiko (Panahon ng Lumang Bato). Ang Tajikistan
ay isang mabundok na bansa. Ang mataas nitong kabundukan ay
nababalot ng yelo dahil sa lamig ng temperatura, isa rito ang bundok ng
Pamir. Sa bundok na ito, ang snow ay nakaharang sa mga daan dahilan
kung bakit mahirap ang transportasyon sa loob ng mahigit na anim na
buwan taun – taon. Sa matabang lambak na malapit sa ilog, naninirahan
ang mga Tajik kung saan ang panahon ng tag–araw ay mahaba at
mainit. Ang lugar na ito ay mainam sa pagsasaka kaya’t ang karaniwang
pangunahing gawain ng naninirahan sa lugar na ito ay ang pagtatanim
ng bulak, butil, gulay, oliba, igos at citrus. Mayroon ding nag – aalaga at
nagpapastol ng hayop. Ang iba naman ay mas pinipili ang lumipat sa
mga lungsod upang magtrabaho sa mga pagawaan ng tela, bakal at iba
pang industriya.
Sa matagal na panahon, napanatili ng Tajik ang sinaunang
kultura at tradisyon ng kanilang mga ninuno. Matibay ang samahan ng
kani–kanilang pamilya na nag – ugat pa sa kanilang mga ninuno. Ang
lahat ng kasapi ng pamilya mula sa pinakaninuno hanggang sa
pinakabata ay sama–samang naninirahan sa isang tahanan.
Masasalamin din ang matibay na samahan ng pamilya sa pagpapatakbo
at pagpapa–unlad ng kanilang kabuhayan. Isa pang katangian nila na
nag–ugat pa sa kanilang mga ninuno ay ang pagiging maasikaso nila sa
kanilang mga panauhin.
Dahil sa lamig ng panahon, karaniwang makakapal ang kasuotan
ng mga Tajiks. Ang mga babae ay karaniwang nagsusuot ng makukulay
at mahahabang kasuotan. Kapag lumalabas, nagsusuot din sila ng
balabal na nailalagay sa ulo o kaya sa leeg na nagbibigay proteksyon
sa kanila sa lamig ng panahon. Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng
makakapal na sombrero at scarf na nakatali sa kanilang baywang na
tinatawag na rumol.
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
61
Karaniwan din na ang mga kalalakihan ay makikita sa
Chaikhanas – teahouse, sa lugar na ito nagtitipon upang talakayin ang
mahahalagang isyu na may kinalaman sa kanilang buhay. Isinasagawa
nila ito habang umiinom ng tsaa.
Makikita din ang yaman ng kultura Tajikistan sa mga makukulay
na tela na karaniwang hinahabi at nilalagyan ng iba’t ibang mga disenyo.
May mga karpet na nakasabit din sa mga dingding nagpapakita ng
kanilang kahusayan sa pagbuburda. Ang mga inukit na bato at kahoy ay
makikita sa mga tahanan at maging sa mga monument at mosque sa
kanilang lugar.

Arabs ng Kanlurang Asya


Ang mga Arabo ay matatagpuan sa Kanlurang Asya, Arabic ang
kanilang wikang ginagamit. Sila ay mga taong lagalag o nodamic na
nagmula sa Arabian Peninsula na mas kilala bilang Bedouins.
Pagpapastol ng tupa, kambing at kamelyo sa malawak na disyerto ang
kanilang pinagkukunan ng kabuhayan. Samantalang ang mga Arabs na
may permanenteng tirahan ay nagtatanim ng date, cereal at iba pa sa
oasis. Ito din ang nagsisilbing sentro ng kalakalan kung saan ang mga
caravan ay nagdadala ng mga pampalasa, ivory at mga ginto mula sa
timog na bahagi ng peninsula ng Arabia at sa Africa.
Islam ang pangunahing relihiyon ng mga Arabs. Dahil sa
relihiyon, nagkakaisa ang mga Bedouins at ang mga naninirahan sa may
oasis. Ang kultura at tradisyon ng mga Arabs ay nakabatay sa mga aral
ng relihiyong Islam. Sa paglipas ng panahon, ito ay lumaganap sa
Kanlurang Asya at sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


62
PAMPROSESONG MGA TANONG

1. Paano mo ilalarawan ang iba pang pangkat etnolinggwistiko sa Asya?


Gawin mong batayan ang pisikal na anyo, pananamit, paraan ng
pamumuhay at wika.
2. May iisa bang pagkakakilanlan ang mga pangkat etnolinggwistiko sa
Asya? Bakit?
3. Anong mahalagang aspeto ng kultura ang nagbibigkis sa mga Asyano?
4. May kaugnayan ba ang heograpiya sa uri ng pamumuhay ng pangkat
etnolinggwistiko sa Asya? Pangatwiranan.
5. Paano nakatulong ang pangkat etnolinggwistiko sa pagbuo at pag-
unlad ng Kabihasnang Asyano?

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa bahaging ito, pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa


ukol sa paksa. Inaasahan din na sa bahaging ito ay kritikal mong
masusuri ang impluwensiya/kaugnayan ng pangkat etnolingguwistiko sa
pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.

Gawain 4: Pagsusuri ng Balita

Basahin at pag-aralan ang balita tungkol sa Bangsamoro Framework


Agreement. Sa pag-aaral na gagawin, pagtuunan ng pansin ang nilalaman,
organisasyon, mensahe, pagkamalikhain, at kapakinabangan ng binasang
lathalain. Pagkatapos, sagutan ang mga pamprosesong tanong sa susunod na
pahina.

Bangsamoro Agreement, susuportahan ng iba pang grupo sa


Mindanao —MILF
Published January 27, 2014 11:16am

Inaasahan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na susuportahan


ng iba pang grupo sa Mindanao ang kasunduang bubuo sa Bangsamoro na
papalit sa kasalukuyang Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM).
"Ito, una, may iba pang mga grupo ng Bangsamoro combatants na
nakikipaglaban sa gobyerno ng Pilipinas ngunit lahat na Bangsamoro na
nakikipaglaban, ang layunin nila maitatag ang gobyerno ng Bangsamoro," ani
MILF vice chairman for political affairs Ghadzali Jaafar sa panayam nitong
Linggo sa radio dzBB.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


63
"Kung ang agreement na ito lalagdaan ng gobyerno ng Pilipinas at
MILF for and in behalf of the Bangsamoro, susuportahan ito," dagdag nito
Matapos lagdaan ang pinakahuling annex ng Bangsamoro Framework
Agreement nitong Sabado, inaasahan namang pirmahan ang Comprehensive
Agreement on the Bangsamoro ngayong taon, ayon kay Jaafar.
Ang mas komprehensibong kasunduang ito ang siyang magtatatag ng
Bangsamoro na papalit sa kasalukuyang ARMM sa Mindanao.
“Maaring malagdaan ito sa kalagitnaan ng taong 2014,” aniya.
Para kay Miriam Coronel-Ferrer, kinatawan ng gobyerno sa peace panel, ang
lagdaan na nagaganap nitong Sabado sa pagitan ng pamahalaan at MILF ay
nagpapakita ng tiwala ng nasabing grupo kay Pangulong Benigno Aquino III.
“Nakita din namin na ang MILF ay buo ang loob na magkaroon ng
transformation,” dagdag pa nito.
Halos 120,000 katao ang nasawi samantalang dalawang milyong katao naman
ang lumisan sa kanilang mga tahanan dahil sa apat na dekadang iringan sa
pagitan ng MILF at ng pamahalaan, ayon sa isang report ng Reuters. —
Rouchelle R. Dinglasan/KG, GMA News

PAMPROSESONG MGA TANONG

1. Ano ang nilalaman ng “framework agreement” ng gobyerno at Moro Islamic


Liberation Front (MILF)
2. Paano ito nakatulong upang mapanatili ang kapayapaan sa Mindanao?
3. Sa kasunduang ito napangalagaan ba ang pagkakakilanlan o identity ng mga
Muslim bilang isang pangkat etnolinggwistiko? Patunayan.
4. Bakit mahalagang panatilihin ang kapayapaan sa Mindanao? Makakaapekto
ba ito sa mga pangkat etnolinggwistiko na naninirahan sa mga nabanggit na
lugar? Patunayan.

Gawain 5: Synthesis Journal

Sa talahanayan, isulat mo sa unang hanay ang iyong mga isinagawa at


sinagutan. Ang iyong natutuhan naman ang iyong ilalagay sa ikalawang hanay.
Sa pinakahuling hanay, isulat mo kung paano mo magagamit sa pang-araw-
araw na buhay ang mga ito. Maaari mong simulan ang pagsasagot. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


64
SYNTHESIS JOURNAL

Mga Gawain Mga Natutuhan Paano Ito Magagamit

ILIPAT AT ISABUHAY
Dahil maayos mong natapos ang mga nakalipas na gawain at
may sapat na pang-unawa ka na sa impluwensiya ng pangkat
etnolingguwistiko sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano,
siguradong handa ka nang simulan ang sumusunod na gawain.
Inaasahang isasabuhay mo ang mga kaalaman at pang-unawang iyong
natutuhan.

Gawain 6: REFLECTION
Batay sa mga tekstong iyong nabasa, gumawa ng isang repleksyon na may
kinalaman sa pagpapahalaga sa pangkat etnolingguwistiko. Pumili ng ng isang
paksa sa ibaba:

a. Responsableng mamamayan na may paggalang sa pangkat


etnolingguwistiko?
b. Makatarungang pakikitungo sa pangkat etnolingguwistiko?
c. Pangangalaga sa kapakanan bilang mamamayan at
kapakanan ng pangkat etnolingguwistiko?

RUBRIK PARA SA REPLEKSIYON


Nakuhang
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Puntos
Nakapaloob sa repleksiyon ang
mahahalagang impormasyon
Nilalaman 60
ukol sa pagiging responsable at
makatarungang mamamayan.
Malikhain ang pagkakasulat ng
repleksiyon, pumili ang may-
akda ng mga angkop na salita
Estilo upang maipahayag ang kanyang 30
saloobin ukol sa pagiging
responsable at makatarungang
mamamayan.
Nasunod ang lahat ng mekaniks
Mekaniks 20
sa pagsulat ng repleksiyon.
Kabuuang Puntos

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


65
Module 4: Yamang Tao ng Asya

ALAMIN

Matapos mong kilalanin ang mga Asyano sa iba’t ibang rehiyon


sa Asya, simulan mo namang alamin ang kapal at dami ng mga Asyano
sa bawat rehiyon. Pagtuunan din ng pansin ang epekto ng populasyon
sa pagbuo at pag-unlad ng Kabihasnang Asyano. Sa Pilipinas, paano
nakakaapekto ang populasyon sa pag-unlad nito? Gusto mo bang
malaman ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na ito? Simulan mong
tuklasin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na gawain.

Gawain 1: AKO AT ANG AKING PAMILYA

Sagutan ang bio-data na may impormasyon tulad ng iyong pangalan,


pangalan ng iyong ama’t ina, kanilang edad, hanapbuhay ng mga magulang,
kita ng mga magulang/pamilya sa loob ng isang buwan, antas ng pinag-aralan
ng mga magulang, pangalan at edad ng iyong bawat kapatid at kanilang antas
ng pinag-aralan.

BIODATA

Pangalan: __________________ Edad: __________ Kasarian: _____


Tirahan: _________________________________________________
Petsa ng Kapanganakan: _______________________________
Lugar ng Kapanganakan: ____________________________________
Pangalan ng Ama: _________________________________________
Hanapbuhay: __________________________ Edad: _____________
Hanapbuhay: __________ Antas ng Pinag-aralan: ________________
Pangalan ng Ina: _________________________________________
Hanapbuhay: __________________________ Edad: _____________
Hanapbuhay: __________ Antas ng Pinag-aralan: ________________
Kita ng mga magulang sa loob ng isang buwan: ___________________

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


66
Mga Kapatid:
1. ___________________ Edad:_____ Antas ng Pinag-aralan: _____
2. ___________________ Edad:_____ Antas ng Pinag-aralan: _____
3. ___________________ Edad:_____ Antas ng Pinag-aralan: _____
4. ___________________ Edad:_____ Antas ng Pinag-aralan: _____

PAMPROSESONG MGA TANONG

1. Ilan kayo sa pamilya?


2. Nakakaapekto ba ang laki o liit ng pamilya sa antas ng pamumuhay nito?
Bakit ?
3. Nakakaapekto ba ang edukasyon sa pag-unlad ng kabuhayan ng isang
pamilya? Pangatwiranan
4. Naniniwala ka ba na ang anak ay kayaman ng mga magulang/pamilya?
Bakit?

Gawain 2: Picto-Analysis

Patuloy ang pagdami ng bilang ng tao sa asya at sa buong daigdig.


Suriin mo ang larawan sa ibaba at sagutan ang mga pamprosesong tanong.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


67
PAMPROSESONG MGA TANONG
1. Tungkol saan ang larawan?
2. Batay sa iyong pagsusuri, ano ang maaaring mahinuha mo tungkol sa
larawan?
3. Ano’ng katanungan ang nabuo sa iyong isipan sa pagsusuri mo sa
larawan?
4. Sa iyong palagay, saan maaaring makuha ang kasagutan sa mga
nabuo mong katanungan?

PAUNLARIN

Sa bahaging ito ay inaasahan na mas lalawak ang iyong


kaalaman at pang-unawa tungkol sa yamang tao ng Asya at kung paano
ito nakaapekto sa pagbuo at paghubog ng kabihasnang Asyano. Maaari
mong balikan ang mga kasagutan at katanungan na iyong nabuo sa
unang bahagi ng yunit na ito upang mapagtibay ang tamang kasagutan
at maiwasto ang maling sagot o konseptong nabuo kung meron man.

Gawain 3: Pagsusuri ng Teksto

Basahin ang teksto sa ibaba. Pagkatapos, suriin ang mga datos ukol sa
populasyon at sagutan ang mga pamprosesong tanong.

ANG LUMALAKING BILANG NG MGA ASYANO

Napakahalagang salik sa kaunlaran ng isang bansa ang kanyang


mamamayan. Ang paglaki ng populasyon ay may matinding implikasyon sa
aspetong pangkabuhayan ng isang lugar.
Ang mabilis na paglaki ng populasyon ng daigdig ay isa sa pinakamatinding
krisis na kinahaharap ng kasalukuyang panahon. Tinatayang 250,000 katao
ang dumaragdag sa populasyon ng daigdig bawat araw. Sumakatwid, umaabot
sa karagdagang mahigit na 90 milyong katao ang kinakailangang pakainin
bawat taon. Nasa kontinente ng Asya ang tatlong bansang may pinakamalaking
populasyon sa daigdig- ang China, India, at Indonesia. Sa kasalukuyan, ang
Pilipinas ay pampito sa mga bansang may pinakamalaking populasyon sa
buong Asya. Ang populasyon nito ay umaabot sa 98 milyong katao sa
kasalukuyan.

Dapat nating malaman na ang mabilis na pagdami ng tao ay


nangangahulugang karagdagang presyur sa likas na yaman ng mundo. Ang
hamon ng lumalaking populasyon ay nararapat tugunan ng mga pamahalaan
ng mga bansang Asyano bago maging huli ang lahat.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


68
Kung ating susuriin, ang paglaki ng populasyon at kaunlaran ng isang
bansa ay malaking ugnayan. Hindi ba't maari nating sabihing ang likas na
yaman ay may hangganan, samantalang ang pangangailangan ng
sangkatauhan ay tila walang katapusan? Sa kasalukuyang panahon, ang
mabilis na pagdami ng tao ay nakapagpapalala sa matinding suliranin ng
kahirapan at gutom na nararanasan ng mga bansa sa Asya, at maging sa
pagkasira ng kapaligiran.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


69
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
70
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
71
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
72
Gawain: Datos-suri

1. Ano ang sampung bansa sa Asya na may pinakamalaking populasyon?


Saang rehiyon sa Asya ito kabilang?
2. Bakit malaki kaya malaki ang populasyon ng mga rehiyong/bansang ito?
3.Ano ang population growth rate? Bakit mahalaga na malaman at masuri ito?
4. Anong mga bansa ang may batang populasyon? matandang populasyon?
5. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng batang populasyon?Matandang
populasyon?
6. Ano ang life expectancy?Anong mga bansa sa Asya ang may
pinakamataas na life expectancy? Pinakamababang life expectancy?
7. Bakit kinakailangang mabatid ang life expectancy sa isang bansa?
8. Nakaaapekto baa ng kasarian sap ag-unlad ng isang bansa?
Pangatwiranan.
9. Anong mga bansa sa Asya ang may mataas na literacy rate?Saang rehiyon
sa Asya matatagpuan ang mga bansang ito? Bakit mataas ang literacy rate
sa mga bansang ito?
9. Anong mga bansa ang may pinakamababang literacy rate? Saang rehiyon
sa Asya matatagpuan ang mga bansang ito? Bakit mababa ang literacy
rate sa mga bansang ito?
10. Ano ang implikasyon ng literacy rate sa pag-unlad ng isang bansa?
11. May kaugnayan ba ang edukasyon sa antas ng pag-unlad ng isang
bansa? Bakit?
12.Ano ang mga bansa sa Asya ang may mataas na antas ng
pandarayuhan?Ano ang
mga dahilan nito?
13. Paano nakakaapekto s isang lugar /bansa ang pandarayuhan?
14. Kung ikaw ay mabibigyan pagkakataong lumipat ng lugar upang tirahan,
anong mga
aspeto ang iyong isasaalang-alang? Bakit ?
15. Ano ang GDP? Ano ang mga bansa ang may mataas na GDP?Mababang
GDP?
16. Balikan ang datos ng populasyon ng mga bansang ito , may kinalaman ba
ang populasyon sa kalalagayang pangkabuhayan nito.?
17. Ano ang employment rate? Ano ang mga bansang may mataas na
unemployment rate? Mababang unemployment rate?
18. Paano nakakaapekto sa isang bansa mataas ang unemployment rate
nito?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


73
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
74
PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa bahaging ito pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa ukol sa


paksa. Inaasahan din na sa bahaging ito higit kang makapagninilay sa
kaugnayan / impluwensiya ng populasyon sa pagbuo at pag-unlad ng
kabihasnang Asyano.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


75
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
76
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
77
ILIPAT AT ISABUHAY

Gawain: Reflective Journal


Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong sariling saloobin sa pagkakaroon ng
maliit o malaking pamilya. Ipaliwanag ang sagot.

_________________________________________________________________
___

_________________________________________________________________
_

Tandaan

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


78
PANGHULING PAGTATAYA
1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-
Silangan, at Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang
mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspetong pisikal,
historikal at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at
Kanlurang Asya ay kadalasang tinitignan bilang magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasan sa
larangang historikal, kultural, agrikultural at sa klima
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng
kapaligirang pisikal
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos
pareho
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito

2. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang


Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang
ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo ay ganitong uri. Alin sa mga uri ng
grasslands ang may mga damuhang mataas na malalalim ang ugat na
matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at maging sa Manchuria?
a. steppe b. prairie c. savanna d. tundra

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


79
3. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang
interpretasyon ang kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay
pare-pareho
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya.

4. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik


kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang
Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa Hilagang Asya naman
ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng
klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-
araw at tag-ulan.
b. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon
na nababalutan ng yelo.
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa
rehiyong ito sa iba’t-ibang buwan sa loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang


pisikal ng kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa
anyong lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa: tangway,
kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga
tumutubong halamanan.
d. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na
may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


80
6. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin
at napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit?
a. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.
b. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa TimogSilangang Asya.
c. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa
pagtatanim
d. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng
rehiyong ito.

7. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang


anyong tubig tulad ng mga
karagatan, lawa, at ang mga ilog na
lubhang napakahalaga sa
pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng
Tigris at Euphrates sa Iraq, ang
Indus sa India at ang Huang Ho sa
China ay ilan lamang sa mga ilog na
ito na gumanap ng malaking
tungkulin sa kasaysayan ng Asya.
Ano ang mahalagang gampaning
ito?
a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang
kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig.
b. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay
naganap sa mga ilog na ito.
c. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay
ang mga ilog na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha.
d. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at
palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.

8. Batay sa resulta ng pananaliksik ng mga eksperto, tinatayang nasa


apatnapung porsyento (40%) ng populasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko ay
namumuhay sa mga lungsod. Ang mabilis na pagtaas ng antas ng
urbanisasyon sa Asya ay nakapagdudulot ng labis na epekto sa kapaligiran
nito. Alin sa mga suliraning pangkapaligiran sa ibaba na bunsod ng
urbanisasyon ang lubhang napakasalimuot at epekto ng lahat ng usaping
pangkalikasan?
a. problema sa solid waste b. polusyon sa hangin
at tubig
c. pagkawasak ng kagubatan d. pagkasira ng biodiversity

Basahin ang bahagi ng artikulo sa ibaba na halaw sa website ng European


Dialogue na pinamagatang “Environmental Problems of Asian Region have
Reached a Critical Point” na isinulat ni Christina Greszta. Gawin itong batayan
sa pagsagot sa tanong sa susunod na bilang.
“By now (in the beginning of the XXI century) the environmental problems of
Asian region have reached critical point, obliging the international community

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


81
to focus on them. The scope of these problems is very broad, including
Semipalatinsk and Caspian region, the Aral Sea, degradation of pastures and
arable land in different regions of Central Asia, water pollution from sewage and
anti-desertification and drought mitigation measures. These problems affect
millions of human lives, and to date, OSCE is literally the only regional
organization, which includes the most influential countries in the world,
particularly those in Asia, and has an ability to assist within environmental
challenges of the new millennium. Thus, the OSCE chairmanship of
Kazakhstan in 2010 is an opportunity to make significant steps to solve these
problems.”

9. Ang Asya sa ngayon ay dumaranas ng samu’t saring suliraning


pangkapaligiran, tulad ng nagaganap sa Aral Sea sa Hilagang/Gitnang Asya
na kilala bilang pang-apat na pinakamalaking lawa sa buong mundo. Ngunit
mula taong 1989 hanggang 2003, ang Aral Sea ay lumiliit nang lumiliit ang
sukat mahigit sa apat na beses, at humantong sa pagkakahati sa dalawa- ang
Large Aral Sea at Small Aral Sea. Ano ang implikasyon nito?
a. Ang kontinente ng Asya ang may pinakamabilis na antas ng paglala ng
mga suliraning pangkapaligiran kumpara sa ibang mga kontinente ng
daigdig
b. Ang suliraning tulad nito ay lubhang nakakaalarma, kung kaya’t
kailangan ang pagtutulungan ng bawat bansa sa buong daigdig upang
harapin ang mga hamon ng kalikasan
c. Ang pagbaba ng lebel ng Aral Sea, ang pagkasira ng mga pastulan at
pagkatuyo ng mga lupa, at ang polusyon sa tubig ang mga naitalang
pinakamalalang suliraning pangkapaligiran sa Hilaga/Gitnang Asya
d. Malaki ang epekto sa buhay ng maraming tao ang pagbabago ng
kalagayan ng kalikasan, kung kaya’t dapat maging aktibo ang iba’t-ibang
samahang pangkalikasan sa bawat rehiyon na bumuo ng mabisang
solusyon para dito

Gawing batayan ang poster na ito mula sa Lesson Plan: The Economy vs. The
Environment ng WHS Library website sa pagsagot sa tanong bilang 10.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


82
10. Mahalagang panatilihin ang ecological balance ng Asya sapagkat anuman
ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ng rehiyon ay tiyak na
makakaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang
pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang akmang interaksyon ng
tao sa kanyang kapaligiran upang umunlad ang kanyang kabuhayan?
a. ang pagpapabagal ng paglaki ng populasyon upang maiwasan ang
kakapusan at kakulangan ng pangangailangan mula sa limitadong
pinagkukunang-yaman
b. ang patuloy na paglinang ng yamang likas tungo sa pagpapabuti at
pagpapalago ng kabuhayan at paggamit ng mga modernong makinarya
sa pagkuha ng mga produkto at kapakinabangan mula dito
c. ang paggamit ng paraang sustainable development o ang sistema ng
pagpapaunlad unlad ng industriya o mga gawaing pangkabuhayan na
hindi isinasakripisyo ang kalikasan at pinapangalagaan ang mga ito sa
pamamagitan ng mga programa
d. ang paghawan ng kagubatan at pagsasagawa ng reclamation para sa
pagpapatayo at pagpapaunlad ng mga industriya, gayundin ang
pagpapalawak ng urbanisasyon

11.Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at


etnisidad na kinabibilangan. Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
a. Etniko b. Nomad c. Katutubo d. Etnolingguwistiko

12. Kung iba’t iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya,
nangangahulugang pinakamalaking hamon sa rehiyon ang _______.
a. ideolohiyang political b. pagkakakilanlan c. modernisasyon d.
pagkakaisa

13. Alin sa mga kongklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin


ng wika ang kultura ng isang lahi”
a. Ang wika ay may iba’t ibang layunin.
b. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao.
c. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
d. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang
lahi

Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at


sagutin ang kasunod na mga tanong kaugnay nito.
Bilis ng Paglaki Edad
Bansa Populasyon
ng Populasyon 0-14 15-64 65+
Sri Lanka 20,237,730 0.86 24.9 67 8.1
Laos 6,320,429 2.29 36.1 60.1 3.7
Indonesia 229,964,723 1.10 27 66.6 6.4
Japan 127,156,225 -0.24 13.5 62.6 23.9
India 1,198,003,272 1.38 29.3 65.2 5.6

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


83
14. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng
populasyon, ano ang tamang pagkakasunod-sunod nito?
a. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia at Japan
b. India, Indonesia, Japan,Sri Lanka at Laos
c. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos at Japan
d. Indonesia, India, Japan, Laos at Sri Lanka
15. Makikita sa talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang
bahagdan ng pagbilis ng paglaki ng populasyon, sumunod ang Sri Lanka at
Indonesia samantalang mabilis naman ang paglaki nito sa India at Laos. Bakit
mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng
isang bansa?
a. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon.
b. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya.
c. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao.
d. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran
/programa na makapagpapabagal o makapagpapabilis ng pagdami ng
tao.

16.Ang malalaking pamilya na karaniwan sa pamilyang Asyano ay unti-unti


nang lumiliit. Makikita rin sa talahanayan na bumababa ang bahagdan ng bilis
ng paglaki ng populasyon sa ilang bansa sa Asya gaya ng Japan at Sri Lanka.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Mabisa ang impluwensiya ng mga bansang kanluranin.
b. Tumaas ang katayuan ng kababaihan sa lipunan.
c. Ang mga pamilya ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan
kaya ipinagpapaliban ang pagkakaroon ng anak.
d. Ang pagbabago ay dulot ng edukasyon at mataaas na antas ng
pamumuhay.

17. Ang China ang bansang may pinakamalaking populasyon sa daigdig.


Taong 1979 nang ipatupad nito ang “One China Policy” na naglalayong
limitahan ang mabilis na pagdami ng kanilang populasyon. Alinsunod sa
patakarang ito ang mag-asawang Tsino ay hihikayating magkaroon lamang ng
isang anak. Isa sa epekto nito ay ang pagbaba ng population growth rate ng
China.Ayon sa pinuno ng National Bureau of Statistics ng China na si Ma
Jiantang ang kasalukuyang populasyon ng China ay binubuo ng karamihan ay
may edad, edukado at mga dayuhan.Ano ang mahihinuha sa sitwasyong ito?
a. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng China sa kabila ng patakarang
ipinatupad nito.
b. Pagkaubos ng lakas ng paggawa na makaaapekto sa pag-unlad ng
ekonomiya nito.
c. Nagtagumpay ang China na makontrol ang paglaki ng kanilang
populasyon.
d. Ang pagpapatupad ng One China Policy ay paglabag sa karapatang
pantao ng mga mag-asawa.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


84
18. Suriin ang larawan sa itaas. Ano ang mahihinuha mo sa yamang- tao ng
Asya.
a. Ang mga Asyano ay walang pagkakaisa.
b. Ang mga Asyano ay iba’t iba ang katangian.
c. Ang mga Asyano ay may iisang pagkakakilanlan na masasalamin sa
mayamang kultura nito.
d. Ang mga Asyano ay may iba’t ibang katangian at pagkakakilanlan na
nagpayaman sa kultura ng rehiyon.

19. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya ng


pagkasira ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa pag-
unlad ng mga bansa sa rehiyon. Ikaw bilang isang kabataan ay naanyayahan
na dumalo sa isang pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa
suliranin . Ano ang iyong imumungkahi upang malutas ang suliranin?
a. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
b. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa
kapaligiran.
c. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na
magkaroon ng anak.
d. Magsagawa ng mga kampanya upang ipa-unawa ang kahalagahan ng
kapaligiran at tao sa pag-unlad ng isang bansa

20.Ikaw ay isang “Ambassador of Goodwill “ na naatasang manghikayat at


makaimpluwensiya ng mga kabataang Asyano na magpalaganap ng mga
programa na susuporta sa ikakabuti ng kapaligiran at kapakanan ng mga
Asyano sa tungkol sa pamamagitan ng paggawa ng isang multi–media
advocacy. Alin sa sumusunod na pamantayan ang dapat mong isaalang-alang
?
a. organisasyon , bilang ng pahina , pagkamalikhain
b. kaangkupan ng salita, kawastuhan ng datos, pagkamalikhain
c. nilalaman, pagkamalikhain, impact , organisasyon, kapakinabangan
d. kawastuhan ng mga datos, madaling maunawaan

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


85
Transisyon sa Susunod na Modyul

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


86
Quarter 2 Module
Mga Sinaunang Kabihasnan
at Pamumuhay sa Asya
Alamin
Nais mo bang malaman ang pagsibol at pag-unlad ng sinaunang
kabihasnan sa Asya? Sa bahaging ito ng aralin sisikapin nating tuklasin ang
mga konsepto at kahulugan ng KABIHASNAN at kung paano ito sumibol,
umunlad, at nagpatuloy sa kasalukuyang panahon. Lilinangin ang dating
kaalaman at pang- unawa. Magsasagawa ng mga kasanayan para sa
pagtuklas ng mga kaalaman na may kaugnayan sa pag-usbong ng kabihasnan
sa Asya. Marahil ay handa ka na para sa pagtupad at pagsasagawa ng mga
Gawain. Kaya halina………

May dalawang araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:


Aralin1: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Aralin2: Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano

Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
Kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na
nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa
pagbuo ng pagkakilanlang Asyano. Upang maisakatuparan ang pagkatuto
sa aralin na ito, kailangan mong alalahanin at gawin ang sumusunod:
1. Mabibigyangkahulugan ang mahahalagang konsepto na may
kaugnayan sa paksa.
2. Makapagsusuri ng mga talahanayan, larawan , mapa, at mga babasahin
na magpapaliwanag sa paksa.
3. Makabubuo ng mga konklusyon hinggil sa kalagayan, pamumuhay, at
pag-unlad ng sinaunang pamayanan.
4. Makapagsulat ng repleksyon o realisasyon tungkol sa nagging pag-
unlad ng pamayanan patungo sa pagtatag ng mga imperyo
5. Makilahok sa kinabibilangang pangkat at makibahagi sa pagtupad ng
iba’t ibang gawain sa pagkatuto
6. Mapapahalagahan ang mga nagging ambag/kontribusyon ng
kabihasnan sa lipunan
7. Mapahalagahan ang nagging papel ng mga kababaihan at kalalakihang
Asyano.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


87
PANIMULANG PAGTATAYA:
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang katumbas na
tamang titik.

1.Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng


kabihasnan?
a. pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming
pangkat ng tao
b. mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
c. paninirahan sa malalapit at mauunald na pamayanan
d. pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan

2. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon


ng kabihasnan?
a. Organisado at sentralisadong pamahalaan , relihiyon, uring
panlipunan, sining, arkitektura , at pagsusulat
b. Pamahalaan, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat
c. Sinaunang pamumuhay , relihiyon, pamahalaan, mga batas, at
pagsusulat
d. Pamahalaan, relihiyon, kultura,tradisyon, populasyon, at estado

3. Alin sa sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang


Sumer ang itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan
sa buong daigdig
a. ito ay matatagpuan sa lambak Tigris at Euphrates na siyang
unang nahubog na pamayanan
b. sa Mesopotamia natagpuan ang pinakaunang palatandaan ng
kabihasnan
c. dahil ditto unang naitatag ang mga pamayanan at imperyo
d. ito ang naging tagpuan ng iba’t ibang pangkat ng tao

4. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na “Son of Heaven” o


Anak ng Langit ang kanilang emperador , ano ang iyong pagkaunawa
sa kahulugan ng konseptong ito?
a. ang emperador ay pinili ng langit upang mamuno na may
itinakdang kasaganaan at kapayapaan
b. namumuno siya dahil pinili siya ng mga mamamayan na anak ng
Diyos
c. ang emperador ang pinakamabuti sa lahat at itinalaga siya ng
Diyos
d. namumuno ang emperador batay sa mga kautusan na itinakda

5. Ano ang tamang pagkakasunod sunod sa mga pagbabago sa


panahon ng pag-unlad sa kasaysayan?
a. paleolitiko,neolitiko,metal,mesolitiko
b. paleolitiko, mesolitiko, neolitiko,metal

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


88
c. paleolitiko,metal,mesolitiko,neolitiko
d. metal, neolitiko,mesolitiko,paleolitiko

Magsimula na tayo! Itanong mo kay Mirriam


Bigyang kahulugan mo ang mga salitang nasa kahon.

lipunan estado relihiyon


kabihasnan Relihiyon pilosopiya
lambak foot binding divine origin
sibilisasyon cuneiform pictogram

Aralin 1: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya


Alamin Natin
GRAPIKONG PANTULONG SA ARALIN

Naunawaan mo ba ang ipinapahayag ng presentasyon?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


89
Gawain 1: Isulat mo.

Ano nga ba ang kahulugan ng kabihasnan at


sibilisasyon?

Matapos kang makapagbigay ng mga ideya o mga salita na may kinalaman sa


kabihasnan at sibilisasyon ay subukan mong pagugnay- ugnayin ang mga
nasabing salita upang makabuo ka ng kaisipan na kakatawan sa magiging
kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon. Ibahagi mo ito sa klase.

Gawain 2: Larawan-Suri

Tunghayan ang mga bagay na nasa larawan. Suriin mo at bigyan kahulugan


kung ano ano ang mga ito. Bigyan mo ng kahulugan at kung ano ang naging
halaga nito sa Sinaunang Asyano. Matapos mong masuri ay sagutin mo ang
mga katanungan na nasa ibaba

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


90
Pamprosesong mga Tanong
1.Ano ang ipinapahayag ng mga bagay na nakalarawan?
2.Bakit kaya kinakailangan ng mga sinaunang tao ang mga bagay na ito?
3.Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito noong sinaunang panahon?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


91
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
92
Pamprosesong mga Tanong
1. Anu-anong mga bagay na makakagpapatunay na nagkaroon
ng kabihasnan ang sinaunanang Asyano?
2. Anu-ano ang mga batayang salik sa pagkakaroon ng
kabihasnan?
3. Naging sapat ba ang kakayahan ng mga sinaunang Asyano
upang mapaunlad ang kanilang kabihasnan? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
4. Ipaliwanag ang kaugnayan ng mga larawan na nailahad.
Masasabi mo bang ito ay mga pangyayaring nagpaunlad sa
kabihasnan at sibilisasyon ng sangkatauhan lalo na sa Asya?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


93
Karagdagang Kaalaman: Gagabayan kita

Mga Salik sa Pagbuo ng Kabihasnan


Organisadong ekonomiya Sining at arkitektura
pamahalaan
Masalimuot na teknolohiya Sistema ng Pagsulat
Relihiyon

Pamprosesong Tanong?

1. Anu-anong pagbabago ang naganap sa bawat panahon?


2. Paano hinarap ng mga sinaunang Asyano ang hamon ng
pagbabago ng kapaligiran? Ipaliwanag ang sagot.
3. Paano nakaapekto ang katangiang pisikal ng Asya sa
pagbuo ng kabihasnan?Ipaliwanag ang sagot.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


94
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
95
Magbasa na Tayo!

Sinaunang Kabihasnang Asyano

Kabihasnang Sumer

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


96
Ang Kabihasnang Indus

Sa Timog Asya makikta ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Tulad din ng Ilog
Tigris at Euprates ay umaapaw din ito taun taon dahil sa pagkatunaw ng yelo
sa Himalayas na nag iiwan din ng banlik na nagpapataba sa lupaing agrikultural
nito. Bago pa man umunlad ang kabihasnang ito ay may mga pamayanan nang
natatag noong panahon ng Neolitiko. Ito ang pamayanang Mhergah na nasa
kanluran ng Ilog Indus. Masasabing sedentaryo at agrikultural ang pamumuhay
ng tao dito batay sa mga nahukay na ebidensya. May dalawang importanteng
lungsod ang umusbong dito, ang Harrapa at Mohenjo-
Daro.(www.youtube.com/watch?v=RAyKZAXTAea Mohenjo Darro and
Harrapa). Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.
Salat sa likas na yaman ang Indus tulad ng metal at kahoy kaya’t pagsasaka
ang naging pangunahing gawain dito. Tulad ng Sumerian natuto rin silang
makipagkalakalan sa mga baybayin ng Arabian Sea at Persian Gulf.
Dahil sa istruktura ng bahay dito na may isa o higit pang banyo o palikuran na
konektado sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa ay
masasabing planado at organisado at sentralisadong pamahalaan ang mga
Dravidian. Mahiwaga ang kabihasnang Indus dahil maraming katanungan ang
hindi masagot ng mga arkeologo tulad na lamang ng hindi maipaliwanag na
kahulugan ng mga simbolo ng pagsulat ng mga Indus na pictogram;
May mga artefact din na nahukay, mga laruan na nagpahiwatig na mahilig
maglibang at maglaro ang mga Dravidian. Hindi naging malinaw ang paglaho
ng Kabihasnang Indus dahil walang bakas ng digmaan . Hindi rin malinaw kung
may kinalaman ang Aryan sa paglaho nito. Ipinalagay na maaring may
matinding kalamidad na nangyari dito.

Kabihasnang Shang

Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding


Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng loess
o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito.
Ang taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay
pinaghandaan ng mga tao dito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga
halaman na kokontrol sa tubig pati na ang paglalagay ng mga dike. May mga
pamayanang sumilang dito). Pagtatanim ang pangunahing gawain sa
panahong ito. Ang Longshan ay naging transisyon tungo sa Kabihasnang
Shang. May mga hinalang naunang dinastiya na natatag dito ang Xia o Hsia
subalit wala itong basehan o ebidensyang arkeolohikal. Ang pagsusulat ang

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


97
naging importanteng bahagi ng kulturang Tsino.Calligraphy ang sistema ng
kanilang pagsulat na nagsilbing taga pag- isa sa mga Tsino. Ginamit na simbolo
ng pagsulat ang mga oracle bones. Dahil sa sunod sunod na pamumuno ng
mga mahihinang hari ay bumagsak ang Shang at dito nabuo ang paghahari ng
mga dinastiya.
Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa Huang
Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na
kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy sa pagtatag ng
kanilang imperyo

Ang pagsibol ng kabihasnang Tsina ay sa ilalim ng Shang. Gayundin,


nabanggit ang haka-haka ukol sa sanhi ng pagbagsak ng Shang. Maging ito
man ay totoo o hindi, ginamit ito ang humaliling dinastiyang Chou upang
bigyang matuwid ang kanilang paggupo sa Shang.
Ang dinastiyang Chou ay naghari mula 1122 B.K hanggang 256 B.K. Sa
panahong ito, ang Tsina ay nahati sa maraming estado. Ang katungkulan ng
monarkong Chou ay panseremonya lamang dahil sa ang tunay na
kapangyarihan ay nasa puno ng bawat estado. Ang lipunang alipin na umiral
nang panahon ng Shang ay unti-unting nawala dahil sa mga pag-aalsa ng mga
alipin. Sa harap ng ganitong mga pangyayari sumulpot ang iba’t ibang
pilosopong Tsino. Pinakatanyag dito sina Confucius na nagbigay ng
Confusionismo at si Lao Tzu na sinasabing nagpasimula ng Taoismo.
Sa naganap na mga digmaan ng estado sa panahon ng Chou, ang
nagwagi ang estado ng Ch’in. Si Shih Huang Ti ang nagtatag ng dinastiyang
ito na humalili sa Chou. Sa kauna-unahang pagkakataon, napag-isa ni Shih
Huang Ti ang kabuuan ng Tsina. Nagtatag siya ng sentralisadong
pamahalaan, pinalawak niya ang sakop na teritoryo ng Tsina. Kasabay nito,
itinayo ang Dakilang Pader ng Tsina (Great Wall of China) upang mahadlangan
ang pananalakay ng mga Han mula Hilagang Asya.
Hindi lahat ng ginawa ni Shih Huang Ti ay kanais-nais. Inutos nyang
sunugin ang lahat ng libro ng kasaysayan ng Tsina sa kanyang paghahari.
Kailan lamang ay nahukay ng mga arkeologo sa lambak ng Ilog Huang Ho, ang

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


98
libingan ni Shih Huang Ti. Ang kasama sa libingan ng emperador ay rebulto
na lamang ng mga mandirigma at alila patunay na nagwakas na ang lipunang
alipin noong panahong iyon.
Mahihina ang nagsipalit dito noong 206 B.K. Tinawag itong Kanlurang
Han sa dahilang ang kabisera ng dinastiyang ito ay nasa lambak ng Wei sa
may Kanlurang Tsina pagbabago ang naganap nang panahong ito. Sinimulan
ang pagbibigay ng pagsusulit para sa serbisyo sibil, batay sa turo ni Confucius,
sa mga ibig mamasukan sa pamahalaan. Iniutos din ang paghahati ng mga
lupa upang ipagkaloob sa mga magsasaka. Tinutulan naman ito ng
Piyudalismong amo at isa sa mga nagsipagtutol ay ang pamilyang Liu na
nagtatag ng Silangang Han at humalili sa kanlurang Han noong 25 P.K.
Sa panahon ng Silangang Han, ang kabisera ay ibinalik sa Silangang
Tsina. Tinatayang sa panahong ito pumasok sa Tsina ang relihiyong
Buddhismo magbuhat sa India. Nang panahon ding ito, naimbento ang papel
kalendaryo na batay sa buwan (Lunar calendar), at ang sinaunang seismo
calendar, at ang panukat sa lakas ng lindol.
Sa pagbaksak ng Silangang Han, nasadlak ang Tsina sa kaguluhan. Sa
panahong ito naghari ang dinastiyang Sui. Subalit dahil sa kaguluhan at
paglusob ng mga Han mula sa Hilagang Asya.
Matapos ang apat na dantaon ng kaguluhan, nangibabaw ang katatagan
sa ilalim ng dinastiyang T’ang noong 618 P.K. Lumawak ang sakop na teritoryo
ng imperyo. Kabilang sa napailalim sa Tsina ang bahagi ng Mongolia,
Manchuria, at Indonesia at ang kalakalan ay umunlad. Ang paglilimbag sa
pamamagitan ng bloke o woodblock printing ay naimbento rin nang panahong
ito. Nakilala rin nang panahong ito ang mga dakilang manunulang Tsino na
sina Tu Fu at Li Po.
Muling nagkagulo sa pagbaksak ng T’ang ay sunod sunod ang
paghahari at pagbaksak ng limang dinastiya. Dahil dito ang ekonomiya ay
tuluyang bumagsak.
Noong 960 P.K ang dinastiyang Sung ang naghari. Ang ekonomiya ay
muling sumigla. Lumawak ang pakikipagkalakalan at nagkaroon ng
panibagong paghahangad sa edukasyon at sining.
Matapos ang tatlong daan taong pamamayani ng Sung, nasakop ang
Tsina ng mga Mongol, ang dinastiyang Yuan noong 1260.Sa panahong ito
nasisimulang dumating ang mga Europeong mangangalakal. Ang
pinakatanyag sa mga Europeong ito ay si Marco Polo na nagsulat tungkol sa
kanyang paglalakbay sa Tsina at nanghihikayat ng iba na pumunta sa Asya.
Isa sa pinakamahalagang pinuno ng Mongol ay si Kublai Khan ngunit,
sa pagyao ni Kublai Khan, mahinang emperador ang nagsipalit. Ginupo ang
dinastiyang Ming ang Yuan noong 1368.Sa panahong ito nagpatuloy ang

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


99
kalakalan subalit ito ay itinakda sa may hilagang baybay dagat lamang.
Dalawang daungan ang naging mahalaga, ang Canton at Macao.
Noong 1644, ang Tsina ay muling bumagsak sa kamay ng mga
dayuhang Manchu na nagtatag ng dinastiyang Ching. Ilang ulit tinangka ng mga
Tsino na masipag-alsa, subalit nilupig sila ng mga Manchu at tinanggap ang
katotohanang sila ay nasasakop ng mga banyaga mula sa Mancuria. Ang
dinastiyang Ching ay tumagal hanggang 1911.

Gawain 9: Likumin ang Datos


Ngayong nalaman mo na ang lahat ng impormasyon sa mga Sinaunang
Kabihasnan sa Asya ay punan mo ng sagot ang talahanayan ng mga
natutuhan mo mula sa pagtalakay sa paksa. Sikaping maisulat lahat.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


100
Mga Kaisipang Asyano

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


101
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
102
Pagnilayan Unawain

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


103
Rubric sa Pagmamarka sa Gawain
Pamantayan Natatangi(1) Mahusay(2) Medyo Di-
Mahusay(3) Gaanong
Mahusay(4)
Naunawaan
ang buong
mensahe ng
Paksa
Nailahad ang
mataas na
antas ng
pagsusuri sa
pamamagitan
ng maayos
na
paglalahad
ng datos
Kaalaman sa
panahon
kung kailan
naganap ang
pangyayari
Maayos na
naiugnay ang
mga
kaalaman sa
paksa
Kabuuang
Marka

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


104
Paglilipat/Isabuhay

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


105
Rubric sa Pagmamarka sa Portfolio

GLOSARYO !(Sabi ni Mirriam!)

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


106
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
107
Quarter 2-Modyul 6

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


108
Handa kana ba Ate/Kuya?
Sa bahaging ito ay simulan mo na ang pag-aaral sa
mahahalagang konsepto na makatutulong sa pang-unawa sa pangyayari
sa sinaunang pamumuhay ng mga Asyano sa pamamagitan ng pagtupad
sa mga susunod na gawain.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


109
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
110
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
111
Pamprosesong Tanong:

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


112
Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang mensaheng ipinararating ng mga larawan?
2. Ano ang iyong sariling pakahulugan tungkol sa paniniwala, pilosopiya,
relihiyon, tradisyon, at pananaw?
3. Magbigay ng mga halimbawa sa ibinigay na sariling pakahulugan
tungkol sa paniniwala , pilosopiya at relihiyon.
4. Bakit kaya magkakaiba ang pilosopiya ng tao?
5. Gaano kahalaga ang relihiyon sa buhay ng tao?
6. Sa iyong pananaw ,paano nakatutulong ang tradisyon pilosopiya, at
relihiyon sa paghubog ng sinaunang pamumuhay ng mga Asyano?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


113
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
114
Mag Review Tayo!
Sa unang aralin ang paksang tinalakay ay patungkol sa KABIHASNAN
at SIBILISASYON. Anu-ano ang nagsilbing sukatan ng patuloy na pag-
unlad nito?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


115
Basahin at Unawain mo!
Pag-unlad ng Kultura
Ang katawagang kultura ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay
ng isang pangkat kung saan ang mga kasapi ay nasa isang teritoryo at may
pagkakakilanlan. Kultura rin ang humuhubog kung paano mamumuhay ang
tao sa mundo at mabibigyan ito ng kahulugan. Ang pag-unlad ng kultura ay
nababatay higit sa lahat sa kakayahan ng tao na makipagtulungan kaysa
makipag-away.
Apat na daang libong taon na ang nakakaraan nang ang tinatawag na
Homo Sapiens ay natutong magtipon, magtago at mag-imbak ng pagkain. Sa
pagtuklas ng apoy, ang tao ay natutong magluto ng pagkain at gamitin para sa
pagpapainit ng kanilang katawan. Ang malawakang paghahanap ng pagkain
ay nalinang sa pamamagitan ng paghulog sa matatarik na lugar o paglalagay
ng bitag para sa mga hayop at pagkain sa mga labi nito.
Ang mga kultura ay maaaring isaayos mula sa payak hanggang sa
masalimuot na bagay sa mga materyal na kagamitan – kasangkapan at
sandata, kaalaman, teknolohiya at isang istrukturang panlipunan.

Kulturang Pangkabuhayan o Pang-ekonomiya ng Tao


Pagtitipon at Paghahanap. Hanggang 10,000 taon, lahat ng kultura
kasama na ang sa Asya, ay namuhay sa pamamagitan ng pagtitipon at
paghahanap. Ang bilang ng mga tribo na namumuhay pa kalagayang ito ay
hindi nalalaman.
Nomadic Pastoralism. Itinuturing ni E.H. Minns, isang kilalang iskolar,
ang nomadism bilang isang mahalagang paraan ng pamumuhay,
kumakatawan sa isang mabisang paraan ng paggamit ng ilang kapaligiran na
kung saan mahirap ang tubig para sumuporta sa isang permanenteng
pambukid na populasyon.
Pag-unlad ng Agrikultura. Mga sampu hanggang 12,000 taon na ang
nakakaraan nang ipakilala ang agrikultura. Ito ay naging tanda ng malaking
pagbabago sa pag-unlad ng kultura ng tao. Natuto ang tao na magbungkal,
mag-araro at magpatubig ng lupa na nagbigay sa kanya ng maaasahang

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


116
pantustos ng pagkain. Ang mga kalabisang pagkain ay nagbibigay daan para
sa pakikipagkalakal at pagtatayo ng mga pang-imbak na kagamitan. Ang isang
sistema ng pagtatala at pagbibilang upang mapangalagaan ang pag-aari ay
nalinang.
Ang bahagdang agrikultura ay nahahati sapayak na pagbubungkal at
masalimuot na pagbubungkal.
Ang mga Payak na Magbubungkal ay nasa iba’t ibang uri ng kapaligiran.
Tatlong libong taon na ang nakararaan, ang mga payak na magbubungkal ay
maaaring manirahan sa anumang lugar na kanilang naisin hanggang sila ay
itaboy sa di-gaanong matabang mga teritoryo ng mga makapangyarihang
asendero. Sila ay karaniwang gumagamit ng pagbubungkal tulad ng kaingin.
Ang sistemang ito ay kadalasang nagbubunga ng pagkawala ng katabaan ng
lupa matapos na ang mga puno ay masunog at pagtaniman.
Ang Masalimuot na Pagbubungkal naman ay nagtataglay ng
sumusunod na mga katangian (1) ito ay isinasagawa sa isang pirmihang lugar;
(2) walang paglilinis at pagsusunog na sinusunod; (3) ang pagpagpapataba sa
mga pananim ay sa pamamagitan ng likas o kemikal na pataba; (4) ang
pagbubungkal ay sa pamamagitan ng paggamit ng malawakan at masidhing
paggawa; (5) sapat na sistema ng irigasyon ay kailangan; at (6) ang pag-asa
sa tubig, lalo na sa ilog ay nagbunga ng pagtatayo ng mga pilapil at dike.
Kaugnay ng pag-unlad ng masalimuot na agrikultura ay ang pag-unlad
ng mga yunit na pangkabuhayan at ang pagbuo ng mga “subculture” na
kinatawan ng mga paghahati-hati sa lipunan.

Katangian ng Pamilya at Lipunang Asyano


Ang pamilyang Asyano ay isang matatag na institusyong panlipunan.
Ang mga kasapi ay pinagbigkis ng pagmamahal at pagkalinga sa bawat isa.
Karaniwan sa pamilya ay pinalawak, kabilang ang mga asawa ng anak, apo,
ninuno, amain, pinsan at iba pang malalapit na kamag-anak salungat sa
pamilyang nukleyar ng mga kanluranin.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


117
Kilala ang mga Asyano sa pagpapahalaga at paggalang sa mga
nakatatanda. Ito ay ipinakikita sa pagsunod, pagbibigay galang, paggamit ng
po at opo ng mga Tagalog, sa pakikipag-usap at pagyukod ng mga Hapones.
Ang kababaihan ay karaniwan nang naiiwan at nangangalaga sa
tahanan. Ang mga babaing Tsino ay pinagsusuot ng sapatos na bakal upang
hindi malayo ng tahanan. Sa mga Muslim, ang mga babae ay nakasuot ng
belo. Pinag-iingatan ang dangal ng pamilya at iniiwasan ang anumang bagay
na magdudulot ng batik dito.
Sa ngayon, ang Asya ay sumasailalim sa mga mabilis na pagbabagong
pampamilya at pagkamag-anakan. Lalo na sa Tsina kung saan ang paggalang
sa ninuno at ang mahigpit na pagkakaisang pampamilya ang naging salik ng
lipunan.

Mga Kaugalian, Paniniwala at Pagpapahalaga ng Pamilyang


Asyano
Ang sakramento ng kasal ang simula ng buhay-pamilyang Asyano. Sa
Timog India, ang isang babae ay maaaring maging asawa ng magkapatid na
lalaki (polyandry) dahil sa kakulangan sa pagkain. Karaniwan naman ang pag-
aasawa ng isang lalaki sa maraming babae (polygamy) tulad ng harem sa India
at mga Muslim. Sa mga Kristiyano at Buddhista, monogamy ang sistema ng
pag-aasawa.
SaTsina, India at Israel, maliit pa ang mga bata ay pinagkakasundo na
ng mga magulang at ang diborsyo ay pinapayagan din. Sa mga Muslim, ang
hindi pagsipot ng lalaki sa loob ng dalawang taon ay maaring maging batayan
ng diborsyo.
Palagiang kabutihan ng pamilya at anumang bagay na makasisira rito
ay hindi pinahihintulutan. Inaasahan sa bawat kasapi ng pamilya ang pagkilala
at paggalang sa pamahalaan at kumunidad.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


118
Sistemang Pulitikal ng Asya
Sa Asya ay matatagpuan natin ang pinakapayak na (acephalous,
walang pinuno) walang pulitikang lipunan hanggang sa pinakamasalimuot na
bansang estado.
Tsina. Nang bumagsak ang imperyong Romano, ang pinakamalaking
estado ng daigdig at pinakamaunlad na teknolohiya bago pa magsimula ang
Renaissance ay ang Tsina. Naniniwala ang mga Tsino na ang kanilang bansa
ang sentrong daigdig kaya tinawag nila itong Gitnang Kaharian.Noong mga
1500 BC, lumitaw ang unang mga pinunong historikal, ang mga pinuno ng
dinastiyang Shang.
Hinalinhan ng mga pinunong Chou noong 1000 BC ang Shang. Kapag
hindi abala sa pikikidigma ay inaasikaso ng mga pinunong Chou ang gawain
ng pamahalaan. Habang umuunlad ang kanilang pamahalaan umuunlad din
ang kaalaman ng mga Tsino tungkol sa mabuting lipunan.

Mga Aral ni Confucius. Isa sa mga pilosopong malaki ang impluwensya sa


pamumuhay ng mga Tsino ay si Confucius. Siya ay guro at tagahubog ng diwa
at pagkatao ng mga tao. Bagaman hindi siya nagtagumpay sa layuning
magkaroon ng puwang sa pulitika ay lumaganap naman ang kaisipang
unibersal ng jin tulad ng pagkamakatao, kagandahang loob at ganap na
kabutihan.
Utang ng mga Tsino ang sistemang etiko-pulitikal kung saan itinuturo
ang pagiging huwaran ng namumuno upang sundin. Ang tatlong pangunahing
katangian ng mabuting pamahalaan ay (1) tiwala ng tao sa namumuno, (2)
sapat na pagkain, (3) sapat na armas.
Lumitaw si Shih Huang Ti noong 221 BC. Itinatag niya ang
pinakadakilang estadong nakilala sa daigdig. Sakop ng kanyang imperyo ang
Karagatang Tsina hanggang Gitnang Asya.Napilitang gumawa ang mga tao ng
mga daan at gayun din ng Dakilang Pader.Pinalawak pang lalo ng dinastiyang
Han ng imperyong kasama ang Gitnang Asya mula timog hanggang Vietnam
at silangan hanggang Korea. Sinimulan ng imperyong Han ang huwaran ng
pamahalaang imperyal na nakasentro sa emperador.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


119
Sinundan ng panandaliang dinastiyang Sui ang bumagsak na Han.
Humalili ang dinastiyang T’ang.Isa ang dakilang emperador nito si Tai Tsung.
Nireporma niya ang pamumuno, ibinalik na muli ang pangingibabaw ng
serbisyo sibil at pinamunuan ang bansa nang buong husay. Sinundan ang
pagbagsak ng dinastiyang T’ang ng pagkakapira-piraso ng imperyo hanggang
muling nabuo ito ng dinastiyang Sung. Ibinalik na muli ang kadakilaan ng
imperyo. Nahati ang Tsina noong 1126 nang lusubin ng mga Mongol na
pinamumunuan ni Temujin. Ginamit niya ang pangalang Genghis Khan
(Panginoon ng Daigdig) at binalak na salakayin ang daigdig sa labas ng
Mongolia. Napatunayan na hindi kaya ng mga Manchu, ang huling imperyong
lagalag kaya muling nabuo ang imperyong Tsino sa ilalim ng dinastiyang Yuan.
Itinatag ng imperyong Ming ang pakikipag-ugnayan sa mga Portuges at
mga misyonerong Italyanong Heswita. Pinakamalaki at pinakamayaman ang
imperyong Tsino noonsa ibabaw ng lupa hanggang masakop ito ng mga
Manchu noong 1682.
Namuno ang dinastiyang Ming sa matandang tradisyon at itinatag ang
burukrasya. Naging daan ang pagbagsak ng Ming sa magkakatulad na
pagbagsak ng imperyo. Sinalakay muli ng mga barbaro mula sa Europa ang
naguguluhang imperyo. Nagkaroon ng sunud-sunod na digmaan noong ika-19
na siglo tulad ng Digmaang Opium, Rebelyong Boxer at mga kasunduan na
hindi maganda para sa Tsina. Napilitan siyang magbigay ng mga pribilehiyong
diplomatiko at kalakal, at kontroladong himpilang diplomatiko ng Peking.
Nanatili pa ring pinakamalaking bansa ang Tsina sa daigdig sa pagpasok ng
ika-20 siglo ngunit nawala na ang kanyang lakas at katanyagan.
India. Natamo ng Magadha ang karurukan sa ilalim ng dinastiyang
Maurya. Naging sentro ng imperyo ang Magadhana itinatag ni Chandragupta
ang pamumuno sa lahat halos ng mga kaharian sa hilaga at gitnang India.
Pinagsama ni Asoka, apo ni Chandragupta, ang mga ito at nabuo ang isang
imperyo. Itinatag niya ang isang sentral na burukrasya, isang sistemang sentral
na pagbubuwis sa ilalim ng pilosopiyang Estadong Dharma (State Dharma) na
binigyang-diin ang tungkuling moral at panlipunan ng mga pinuno parsa sa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


120
kapakanan ng kanilang nasasakupan. Tungkulin din niya na bigyan ng
proteksyon ang mamamayan at lipunan.
Naging daan ang pagbagsak ng dinastiyang Maurya sa pagkasira ng
imperyo sa paghina ng mga kahariang rehiyonal ng huwarang Hindu. Lumikha
ang mga Gupta ng isang imperyo noong ikaapat na siglo. Makalipas ang
dalawang siglo, napasailalim sa kapangyarihan ni Harsha, isang haring
Buddhista, ang halos lahat ng kaharian sa hilaga. Ngunit sa kabuuan, pawang
lokal ang mga yunit pulitikal ng Hindu kaya noong ika-11 at ika-14 na siglo,
nasakop ang mga ito ng mga Muslim.
Namuno si Harihara, ang nagtatag ng Imperyong Vijayanagar, sa loob
ng 200 taon. Nagapi ito ng mga Muslim. Ginawa ni Mohammad ng Ghur, ang
unang hakbang sa pagsakop sa India at napailalim sa kanyang pamumuno ang
lahat ng hilagang sentral ng India. Pinamunuan ang Delhi ng mga dinastiyang
alipin na tinawag na Mameluks noong ika- 13 siglo. Isa sa
pinakamakapangyarihan o pinunong Indo Islamic ay si Mohammad Ibn Tugriluk
(1324-1351) na nagtangkang magtatag ng isang imperyo.
Pagtatatag ng Mogul. Itinatag ang kapangyarihang Mogul noong ika-
16 na siglo. Nalupig ni Babur ng Kabul noong 1526 ang Sultan ng Delhi.
Nagawang maitatag na muli ang pamunuang Mogul ni Humayon bago siya
namatay. Pinalawak ni Akbar, pinakadakila sa lahat ng Mogul, ang kanyang
kapangyarihan sa buong hilagang India, nagdulot ng kakaibang pagkakaisa sa
pamamagitan ng pag-aalis ng kapangyarihang lokal ng mga piling tao at
pagbibigay nito sa kanyang mga piling tauhan. Namulaklak ang imperyo sa
ilalim ni Jahangir at Shah Jahan. Higit na naging estadong Muslim ang
imperyong Mogul sa ilalim ni Aurangzeb na naghihiwalay sa nakararaming
Hindu. Naging desentralisado ang imperyong Mogul noong ika-18 siglo,
namuno ang mga gobernador na panlalawigan higit sa lahat ang mga Marathas
at Rajput. Humalili ang mga mangangalakal na Portuges sa mga pinunong
Arabe noong ika-16 na siglo, at noong ika-18 at ika-19 na siglo ay napaalis
naman ng mga Dutch, Pranses at British ang mga Portuges.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


121
Edukasyon sa Asya
Habang lumalawak at umuunlad ang lipunan, lalong bumibigat ang
bahaging ginagampanan ng pamilya at lalong tumatagal ang proseso ng
edukasyon. Higit ang pangangailangan sa paglinang ng pagkakaisa,
pagkakaunawaan at pagpapahalaga upang magpatuloy ang maayos na buhay
sa lipunan.
Ang edukasyon noong unang panahon ay impormal na ginagampanan
ng pamilya; ang gawaing pambahay, ang mga kasanayan sa
paghahanapbuhay at ang mga kaugalian at gawi. Ang mga bagay na espiritwal
ay pinamamahalaan ng mga pari.
Nagsimula ang edukasyong pormal nang maimbento ang pagbasa at
pagsulat gayundin ang paglilimbag na nagpasimula ng paggawa ng mga aklat.
Ang Diamond Sutra ang itinuturing na kauna-unang aklat na nalimbag.
Gawain 4: Magdatos Tayo
Punuan ang Tsart sa ibaba ng mga kinakailangang
impormasyon sa mahalagang pangyayari sa Asya.

Aspekto Lugar sa Mahalagang Pangyayari


Asya
Pamahalaan
Kabuhayan
Teknolohiya
Lipunan
Edukasyon
Paniniwala
Pagpapahalaga
Sining at Kultura

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


122
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nilalaman ng mga tekso na inyong binasa?
2. Paano umusbong at nagpatuloy ang pamumuhay ng sinaunang
Asyano?
3. Anu-ano ang ibinahagi ng mga bansang pinagmulan nito?
4. Naging madali ba ang kanilang pamumuhay?
5. Anong aspekto ang higit na nagpatingkad ng pagsulong ng
kabihasnan sa ilang lugar sa Asya?
6. Bilang Asyano paano lubos na mapapahalagahan ang kanilang
ibinahagi?

Gawain 5 : Magpahayag Ka!


Pumili sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya na nagbahagi ng kanilang
kontribusyon sa pagpapaunlad ng kanilang pamumuhay. (Sumerians,Tsina,
India,Korea, Japan). Magbigay ng pahayag kaugnay sa mahalagang ambag na
nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang pamumuhay.
Isulat ito sa ibaba.
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


123
Mahahalagang Pangyayari sa Sinaunang Panahon sa Kanlurang Asya
Mga Kontribusyong Asyano sa Sangkatauhan
Sumerian. Bukod sa paggamit ng gulong, maraming kontribusyon ang
mga Sumerian sa kabihasnan. Nalinang nila ang isang sistema ng pagtimbang
at pagsukat gayundin ang fraction at decimal.Gumamit sila ng baryang pilak
bilang salapi. Nagtatag sila ng sistema ng pagbabangko at batas na
nagtatakda ng sahol at presyo.
Ang sistema ng pagsulat nacuneiform ay imbensyon ng mga Sumerian.
Isinasagawa ang sulat cuneiform sa malambot na luad sa pamamagitan ng
instrumentong stylus. Niluluto ang luad sa horno upang tumigas at isinisilid sa
isang sobreng yari rin sa luad.
Nalinang ng mga Sumerian ang unang nasusulat na kodigo ng batas.
Dahil dito nagsabatas ang mga paring pinuno ng lungsod estado at namuno sa
mga hukuman. Hindi naglaon at ang mga batas ay tinipon at itinala bilang
kodigo.
Itinakda ng kodigo ng batas ang kapangyarihan ng mga paring-pinuno,
halaga ng buwis at bayad sa serbisyong panrelihiyon, proteksyon ng mga batas
ang mahihirap, at pagbibigay ng sapat na pasahod sa mga serbisyo at
makatuwirang halaga sa mga produkto ng mahihirap at ang mga biyuda at ulila
ay hindi pinagbabayad ng buwis.
Tatak ng kapangyarihan ng haring-pinuno ang ziggurat o tore ng templo
ng Sumeria na binubuo ito ng ilang palapag. Nasa pinakamataas na palapagay
ang altar ng kanilang diyos. Naniniwala ang mga Sumerian na pababa-pataas
ang diyos sa pagitan ng kanyang dalawang tahanan - ang langit at ang lupa.
Ang bawat palapag ay may iba't ibang pintura. Ang kulay itim ay simbolo ng
kasamaan at ang bughaw ay kalangitan.
Upang mapadali ang kanilang kalkulasyon, nag-imbento sila ng sistema
ng mga bilang batay sa yunit na 60. Ginagamit ito ngayon sa pagbabahagi sa
araw at minuto at paghati-hati sa isang bilog sa mga digri. Nalinang din ng mga
Sumerian ang mga kasanayang pangmatematika tulad ng multiplikasyon,

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


124
dibisyon at paggamit ng square root.
Assyrian. Isa sa mga naging tanyag na hari ng mga Assyrian si
Ashurbanipal dahil sa itinayo niyang silid aklatan. Inutusan niya ang mga
eksribyente na mangulekta ng mga luad na may sulat at inilagay sa silid-
aklatan.
Pinanatili ng mga Assyrian ang kanihasnan ng Babylon. Hindi sila
malikhain subalit mahusay sila sa pag-ukit sa bato na naglalarawan ng mga
senaryo ng mga tagumpay sa labanan.
Babylonian.Pinag-aralan ng mga Babylonian ang galaw ng mga
planeta. Hinati nila ang isang linggo sa pitong araw para sa limang kilalang
planeta at ang dalawa ay sa araw at buwan, naimbento ng mga pari ang water
clock at sundial at nahuhulaan ang pagkakaroon ng eklipse ng araw at buwan.
Sa kabilang dako, naniniwala rin sila sa mga soothsayer o manghuhula sa
pamamagitan ng pag-susuri sa mga lamang loob ng bagong patay na hayop.
Ang Kodigo ni Hammurabi ay ipinalalagay na pangunahing kontribusyon
ng Babylonia sa kabihasnan. Inipon ni Hammurabi ang lahat ng batas ng mga
Sumerian at ipinaukit sa isang itim na bato na may taas na walong talampakan.
Ang pinakatampok na probisyon ng kodigo ay may kinalaman sa batas-
kriminal. Alinsunod dito na sinumang taong manakit sa kapwa ay dapat lamang
na masaktan din. Itinakda ng kodigo ang uring panlipunan na dapat kaaniban
ng bawat tao. Ang Kababaihan ay may ilang karapatan din tulad ng pagkontrol
ng kayamanan at pakikilahok sa negosyo. May proteksyon ang mga babaeng
may asawa batay sa halaga ng kanilang bigay kaya.
Saklaw rin ng Kodigo ang ilang praktis sa lipunan. Ang bawat lalaki ay
inaatasang maglingkod sa hukbo at magtrabaho sa mga gawaing pampubliko.
Ang mga magsasaka na biktima ng baha ay pinapayagang magbayad ng utang
sa susunod na tag-ani.
Chaldean. Nakilala din ang isa sa mga ipinagmamalaki ng mga
Chaldean, ang Tore ni Babel na isang ziggurat. Ang tinatawag
naHangingGarden ay nilikha ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa na
nalulungkot Nagpatanim siya ng mga halaan sa matataas na terasa at sa tuktok
ng palasyo.
Hittite. Kontribusyon sa pandaigdig na kabihasnan ng mga Hittite ang
paggamit ng bakal. Mahusay mangabayo ang mga Hittite. Nakilala sila bilang
mga unang taong gumamit ng mga chariot na pandigma na hinihila ng kabayo.
Phoenician. Isa sa mga tanyag na produkto ng mga Phoenician ay ang
pangkulay lila na yari sa isang uri ng kabibe. Mahal ang presyo nito kaya ang
mga hari lamang ang may kayang bumili, kaya tinawag ang lila na pangharing
kulay.
Nahirapan ang mga Phoenician sa pagsulat ng cuneiform, kaya hiniram
nila ang sistemang hieroglyphics ng Ehipto. Sa sistemang ito, ang bawat

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


125
simbolo ay may katumbas na titik. Ang nabuong alphabeto ng mga Phoenician
ay may 22 titik.
Lumaganap ang alphabeto sa Mediterranean dahil sa mga
mangangalakal na Phoenician. Pinagyaman ito ng mga Griyego at nagdagdag
sila ng mga titik na patinig. Sa katunayan, ang salitang alphabet ay hango sa
salitang Griyego na alpha at beta na kumakatawan sa unang dalawang titik. Sa
pagbagsak ng mga Phoenician dahil sa pagsalakay ng mga Assyrian ay
sumikat naman ang mga Griyego sa kalakalan.
Sa lawak ng imperyo ng Persia, humirang si Haring Darius ng mga taong
titingin sa bawat lalawigan. Sila ang itinuturing na tenga at mata ng hari at
naglatag sistemang postal upang mapabilis ang komunikasyon.
Noong 600 B.C, lumaganap ang mga pangaral ni Zoroaster. Ayon sa
kanya, ang daigdig ay lugar ng labanan sa puwersa ng mabuti at masama at
ang tao ay dapat na sumanib alinman sa dalawa. Nakilala ito bilang relihiyong
Zoroastrianismo.
Nang lumaon bumagsak ang imperyo dahil sa mahihinang hari.
Nagrebelde ang malalayong probinsya. Sinakop niAlexander the Great ang
imperyo noong 331 BC at nang mamatay siya, tuluyan nang nagwatak-watak
ang mga Persiano.
Tsina. Isa sa mga kontribusyon ng Tsina sa kabihasnan ay ang
kanyang wika na ginagamit ng mahigit sa isang kapat na bahagi ng mundo,
ang wikang ito ay walang alpabeto, walang bahagi ng pananalita, at walang
pagbabaybay. Maraming salitang makikita sa salita ng mga taga-Timog-
Silangang Asya. Ang wikang ito ay binubuo ng mga salitang may isang pantig.
Marami sa kanilang salita ang magkakatunog. Dahil sa wala silang alphabeto,
gumagamit sila ng iba’t ibang karakter para sa bawat salita.
Naimpluwensiyahan ng wikang Tsino ang wikang Hapones, Koreano, at
maging ang mga wika ng Indotsina, Myanmar, Malaysia, Thailand, at
Singapore. Sinasabing nagmula sa wikang Tsino ang mga wikang Hapones at
Koreano. Kahit ang wikang Pilipino ay katatagpuan ng mga salitang Tsino.
Sa larangan ng panitikan ay napapaloob sa mga diwa at kaisipang
panrelihiyon. Kabilang dito ang mga aklat ni Confucius na tinatawag na
Confucian Classic. Ito ay binubuo ng limang klasiko at apat na aklat. Ang
limang klasiko ay ang aklat ng pagbabago; aklat ng pagkakabanal at pangitain;
aklat ng kasaysayan; spring and autumn annals at aklat ng seremonya. Ang
apat na aklat naman ay kinabibilangan ng Analects, Great Learning, Doctrine
of Mean, at ang Book of Mencius.
Samantalang isa sa pinakamatandang sining sa mundo ay itinatanghal
ang mga pintura ng kalikasan tulad ng mga landscape painting. Nakikita din
ang kagalingan ng mga Tsino sa pagpipinta sa telang seda na ang karaniwang
paksa ay mga kawayan at magagandang pagoda.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


126
Sinasabing pinaghahalo ng mga Tsinong pintor ang sining at tula tulad
ni Wang Mei, isang kilalang manunula at pintor na nagwikang, “Sa bawat tula
ay isang larawan, sa bawat larawan ay isang tula.”
India. Ang wikang Sanskrit ay nakaimpluwensiya rin sa mga wika ng
karatig bansa tulad ng Pilipinas, Indonesia, Sri Lanka at Pakistan.
Ang dalawang pangunahing epiko ng India ay ang Mahabharata at
Ramayana. Tumutukoy ang una sa makasaysayang digmaang pantribo ng
India. Ang ikalawa naman ay nagsasalaysay ng buhay ni Rama, ang bidang
lalaki sa epiko.
Samantala ang panitikang Vedic ay pasalita (oral). Binubuo ito ng apat
na likha: (1) Vedas; (2) Brahmanas; (3) Aranyakas; at (4) Upanishas. Ang
Brahmanas ay mga aklat na naglalaman ng mga pagmamasid ng iba’t ibang
relihiyon at ritwal. Ang Aranyakas ay aklat ng gubat na isinulat upang gamitin
ng mga matatandang tao na naniniwala sa gubat. Ang Upanishads ay mga
aklat na naglalaman ng pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro. Ang
panitikang Vedic ay nagpapakita ng buhay; relihiyon, ugali, at kultura ng
matandang India.
Sa larangan ng pagpipinta at paglililok, kapansin-pansin ang mga
katangiang pumapaloob sa tatluhang larawan ng Cave of Elephants at Dancing
Seva. May simbolismo sa sining ng India ay karamihan sa diwatang gawa ay
nagtataglay ng maraming ulo at kamay. Ang maramihang kamay at ulo ay
sumasagisag sa dami ng kapangyarihan ng imahen.
Ilan lamang ito sa maraming kontribusyong Asyano marahil marami ka
pang maidadagdag sa mga nabanggit na..

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


127
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
128
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
129
MAGSAGAWA NG PAGSUSURI

Paano pinaunlad ng mga bansa ang kanilang kabihasnan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


130
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
131
Larawan Suriin mo……..

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ipinakikita sa larawan?
2. May relihiyon ba kayong kinabibilangan?
3. Ano ang iyong natatanging pilosopiya sa buhay?
4. Paano mo napabubuti ang iyong buhay?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


132
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
133
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
134
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
135
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
136
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
137
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
138
MGA BATAYANG
Relihiyon Bansang TAGAPAGTATAG TURO,ARAL
sinilangan PANINIWALA

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


139
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
140
Pamprosesong mga tanong
1. Paano itinatag ang mga relihiyon sa Asya?
2. Ano ang nagtulak sa mga tagapagtatag ng relihiyon na iwan ang
maayos na buhay upang magtatag ng isang relihiyon?
3. Bakit nagkakaiba-iba ang mga relihiyon at paniniwala sa Asya?
4. Aling relihiyon na tinalakay ang higit na pinaniwalan at
niyayakap ng mga Asyano?
5. Paano naktulong ang mga relihiyon sa pagbuo at paghubog ng
kabihasnang Asyano?
6. Paano nakaimpluwensya ang relihiyon sa buhay at pamumuhay
ng mga Asyano , anong aral, paniniwala at Gawain ng kanilang
relihiyon ang higit na nakapagpaunlad sa kanilang sarili?
7. Paano mo pinili ang kasalukuyang relihiyon na pinaniniwalaan?
8. Aling turo o aral ng iyong relihiyon ang higit na nakaapekto sa
iyong buhay? Bakit?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


141
BILANG PAGTATAPOS NG ARALIN SA PAKSANG SINAUNANG
PAMUMUHAY NG MGA Asyano gumawa ng mga sumusunod sa inyong
dyornal .

1. Repleksyon na nagpapahayag ng inyong pagpapahalaga sa tradisyon,


paniniwala , relihiyon at ang kaugnayan nito sa inyong pang-araw araw na
pamumuhay.

2. Poster na naglalarawan ng mga sinaunang kabihasnan at sistema ng


pamumuhay ng sinaunanang Asyano na lubos mong naibigan dahil sa epekto
nito sa iyong buhay.

TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODYUL


May mga kabihasnang nanatili at may naglaho dahil sa masalimuot na hamon ng pamumuhay
. Maaring nagkaroon ng mga kalamidad , pananakop,.
Subalit hindi ito naging hadlang upang hindi magpatuloy ang mga Asyano sa pagharap sa mga
hamon ng buhay.. Dahil sa pag-iral ng mga kaisipan, pilosopiya, relihiyon na nagsilbing gabay
nila. Naging matatag ang mga Asyano . Sa kabuuan ang araling ito ay higit na nagpayaman
maging sa pang-unawa ng tunay na pagkakakilanlan natin.
Sa kasunod na aralin tutuklasin kung paano tumugon ang mga Asyano sa hamon ng pagbabago
, pag-unlad at pagpapatuloy sa Transisyunal at Makabagong Panahon mula ika-16 hanggang
ika-20 Siglo.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


142
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
143
Key to correction
Panimulang pagsusulit Panghuling pagsusulit
1. d 1.a
2c 2.a
3. c 3.a
4. d 4.a
5b 5.c
6. a 6.b

GLOSARYO

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


144
Ohsp Modules –Araling Panlipunan 8-Kasaysayan ng mga Bansang Asyano.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


145
ANG TIMOG AT KANLURANG ASYA SA
YUNIT TRANSISYONAL AT MAKABAGONG
3 PANAHON (IKA-16 HANGGANG IKA-20
SIGLO)

Panimula
Kapwa may kani-kaniyang malaking bahagi sa kasaysayan ng daigdig
ang mga Kanluranin at mga taga-Silangan, ngunit sa pagkakataong ito ay
magbabalik-tanaw tayo kung paano nga ba nagkaroon ng interes ang mga
Kanluranin sa Asya at tuluyang nakibahagi sa kasaysayan nito lalo na sa Timog
at Kanlurang Asya kung saan sumesentro ang ating mga aralin.

Sa yunit na ito ay dapat mong maunawaan ang sagot sa paano nakamit


ang transpormasyon at paano ito nakaimpluwensiya sa Timog at Kanlurang
Asya. Gayundin sa paano ito nakatulong sa pag-unlad ng nasyonalismo sa
paglaya, at mga pagbabagong naganap sa Timog at Kanlurang Asya noong
ika-16 hanggang ika-20 siglo.

Pambungad at Mga Pokus na Tanong


Minsan ba naisip mo o naitanong sa iyong sarili, kung paano ang buhay
noon ng iyong mga angkan o ninuno? Madali kaya ang buhay noon o
napakahirap? Anu-ano kaya ang mga karanasan at pagsubok ang
pinagdaanan nila para lang maabot ang ngayo’y mauunlad na bansa sa Asya?

Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang sumusunod na mga


tanong :

1. Sa paanong paraan nakaapekto ang mga pagbabago sa Timog at


Kanlurang Asya?
2. Paano hinubog ng nakalipas at kasalukuyang mga pangyayari sa Timog at
Kanlurang Asya ang pag-unlad ng mga bansa ?

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit


Aralin 1 – Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya
Aralin 2 – Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Aralin 3 – Ang Daan tungo sa Paglaya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya
Aralin 4 – Ang mga Pagbabago at Hamong kinaharap ng Timog at Kanlurang
Asya

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


146
Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod:

Aralin 1  Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo


sa Timog at Kanlurang Asya
 Natataya ang papel ng kolonyalismo at imperyalismo sa
kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya
 Nasusuri ang transpormasyon ng mga pamayanan at estado
sa Timog at Kanlurang Asya sa pagpasok ng mga isipan at
impluwensiyang kanluranin sa larangan ng (a) pamamahala,
(b) kabuhayan, (c) teknolohiya, (d) lipunan, (e) paniniwala,
(f) pagpapahalaga, at (g) sining at kultura.

 Naipaliliwanag ang mga nagbago at nanatili sa ilalim ng


kolonyalismo
 Natataya ang epekto ng kolonyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya
 Naihahambing ang mga Karanasan sa Timog at Kanlurang
Asya sa ilalim ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin

Aralin 2  Nabibigyang-halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo


ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
 Nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay daan sa
pag-usbong at pag-unlad ng nasyonalismo
 Naipaliliwanag ang iba’t ibang manipestasyon ng
nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya
 Naipahahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginampanan
ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya tungo sa
paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo
 Natataya ang epekto ng nasyonalismo sa sigalot etniko sa
Asya katulad ng partisyon/ paghahati ng India at Pakistan
 Nasusuri ang mga pamamaraang ginamit sa Timog at
Kanlurang Asya sa pagtatamo ng kalayan mula sa
kolonyalismong sa kilusang nasyonalista
 Nasusuri ang epekto ng mga digmaang pandaidig sa pag-
aangat ng mga malawakang kilusang nasyonalista ( hal:
epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa pagtatag ng
sistemang mandato sa Kanlurang Asya)

Aralin 3  Nasusuri ang iba’t ibang ideyolohiya (ideolohiya ng malayang


demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa mga malawakang
kilusang nasyonalista

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


147
 Nasusuri ang epekto ng mga samahang kababaihan at ng
mga kalagayang panlipunn sa buhay ng kababaihan tungo
sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya
at karapatang pampulitik
 Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng
nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo
 Natataya ang mga pagbabago sa mga bansang bumubuo sa
Timog at Kanlurang Asya
 Nasusuri ang balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya
 Napahahalagahan ang mga palatuntunang nagtataguyod sa
karapatan ng mamamayan sa pangkalahatan, at ng
kababaihan, grupong katutubo, mga kasapi ng caste sa India
at iba pang sektor ng lipunan
 Nasusuri ang kalagayan at papel ng kababaihan sa iba’t
ibang bahagi ng Timog at Kanlurang Asya at ang kanilang
ambag sa bansa at rehiyon
 Nasusuri ang kinalaman ng edukasyon sa pamumuhay ng
mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya

Aralin 4  Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa


iba’t ibang aspeto ng pamumuhay
 Natataya ang mga kasalukuyang pagbabago pang-
ekonomiya na naganap/ nagaganap sa kalagayan ng mga
bansa
 Napagahahambing ang pagkakaiba-iba ng antas ng
pagsulong at pag-unlad ng Timog Asya gamit ang
estadistika at kaugnay na datos.
 Nasusuri ang mga anyo at tugon sa neokolonyalismo sa
Timog Asya
 Nasusuri ang epekto ng kalakalan sa pagbabagong pang-
ekonomiya at pangkultura ng mga bansa sa Timog Asya
 Napahahalagahan ang kontribusyon ng Timog Asya sa
larangan ng sining at humanidades at palakasan
 Napahahalagahan ang pagkakakilanlan ng kulturang Asyano
batay sa mga kontribusyong ito

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


148
Mga Pamantayan sa Pagkatuto
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayan sa
heograpiya, kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya ng mga
bansa sa rehiyon tungo sa pagbubuo ng pagkakakilanlang Asyano at
magkakatuwang na pag-unlad at pagharap sa mga hamon ng Asya.

Grapikong Pantulong sa Aralin

Mga Inaasahang Kakayahan


Upang higit na maunawaan ang mga paksang tatalakayin sa modyul na
ito, kinakailangang maisagawa mo ang mga sumusunod:
1. Makasunod nang wasto sa mga panuntunan
2. Maunawaan ang mga babasahin sa bawat aralin/aktibiti
3. Malikhaing pagsasagawa ng mga gawain
4. Makapagpakita ng kahusayan sa mga kasanayang pangheograpiya
5. Mahusay na pagpapaliwanag ng mga isyu ukol sa mga kaisipan
6. Magkaroon ng mapanuring pag-unawa/pag-iisip
7. Makabuo ng sariling pananaw ukol sa mga paksang tatalakayin
8. Maging mapagsiyasat
9. Maging mahusay sa pagninilay
10. Mailagay ang sarili sa sitwasyon ng iba para sa kagalingang panlahat

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


149
Panimulang Pagtataya
Upang masubok ang iyong nalalaman sa modyul na ito, subuking
sagutin ang mahabang pagsusulit sa ibaba sa pamamagitan ng pagpili sa titik
ng tamang sagot sa bawat bilang. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo
nasagot at subukin muling sagutan ang mga aytem habang ginagamit ang
modyul na ito.

1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas


Gandhi upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?
A. Passive resistance
B. Armadong pakikipaglaban
C. Pagbabago ng Pamahalaan
D. Pagtatayo ng mga partido pulitikal

2. Naghangad rin ng kanyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang


isinagawa nito upang matamo ang kanyang hangarin?
A. Nakipag-alyansa sa mga Kanluranin
B. Itinatag ang Indian National Congress
C. Binoykot ang mga produktong English
D. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan

3. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi


katanggap- tanggap sa mga Indian. Alin ang isang pagbabagong hindi
matanggap ng mga Indian?
A. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa
pamantayang Ingles
B. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga
baybaying-dagat
C. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa
pamahalaan
D. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon

4. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Britanya noong 1947, nahati
ito sa dalawang estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano ang epekto
nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?
A. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindu.
B. Nahati ang simpatiya ng mga mamamayan sa dalawang estado.
C. Nagsilikas ang karamihan ng mga mamamayan sa ibang bansa.
D. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno.

5. Ang dahilan ng patuloy na paglalaban ng India at Pakistan ay dahil sa kapwa


nila nais angkinin ang teritoryong Kashmir. Ano ang epekto ng
nasyonalismo sa sigalot na ito?
A. Naniniwala ang dalawang magkalabang bansa na pag-aari nila ang
Kashmir.
B. Nais ng dalawang bansa na patunayang makapangyarihan sila.
C. Umasa ang mga mamamayan na malulutas din ang sigalot na ito.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


150
D. Tumanggi ang dalawang bansa sa pakikialam ng United National
Organization (UNO) sa paglulutas ng kanilang suliranin

6. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nagsimulang pinakialaman ang


pulitika ng bansa sa pamumuno ng British East India Company. Naging
mababa ang pagtingin ng mga Ingles sa kultura ng India. Maging ang
pamamahagi ng mga lupain ay binago rin ng mga Ingles. Sa ganitong
pangyayari, napilitan ang mga manggagawang Hindu na mag-aral ng Ingles
upang mapaunlad ang sariling kakayahan sa paghahanapbuhay. Anong
implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan?
A. Ang pananakop ng mga dayuhan ay nagsilbing aral ng India.
B. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ay nakatulong sa pag-unlad
ng kulturang Hindu.
C. Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa
kabuhayanng mga Indian.
D. Ang pananakop ng mga Europeo ay hindi nakaapekto sa anumang
aspekto ng pamumuhay ng mga Indian.

7. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?


A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng
mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang
bansa.
C. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.

8. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri ng


nasyonalismo ang isinagawa ni Gandhi laban sa pananakop ng Britanya?
A. Aggressive
B. Defensive
C. Passive
D. Radikal

9. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang


India?
A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
B. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
C. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga India

10. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa


rehiyong Asya?
A. pag-unlad ng kalakalan
B. pagkamulat sa Kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


151
11.Isinusulong naman ni Mahatma Gandhi ang kanyang pananaw na ang
pinuno ng bansa ang siyang magpakita ng pagpapahalaga sa moralidad.
Ang pagpapahalaga na sinasabi ni Gandhi ay ang:
A. maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon
B. mabuting relasyon sa karatig bansa
C. pagkakaroon ng isang asawa at isang pamilya
D. maging bukas o transparent sa lahat ng kanyang gawain sa tulong sa
bayan

12. Dalawang anyo ng nasyonalismo ang ipinakita ng mga Hindu laban sa mga
British. Isa dito ay ang kilusang pinamunuan ni Bal Gangadhar Tilak na
tinawag na rebolusyonaryong kilusan dahil gumamit ito ng marahas na
pagkilos. Ang nakatawag pansin ay ang pinamunuan ni Mohandas K.
Gandhi dahil:
A. Mga bata ang kinasangkapan niya sa paglaban sa British
B. Namahagi siya ng mga produktong Hindu
C. Isinagawa niya ito kasama ang mga guro
D. gumamit ng paraang tahimik tulad ng di pagsunod sa mga
kagustuhan ng mga British

13. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay


daan ito para ang mga Asyano ay matutong:
A. pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
B. pagiging mapagmahal sa kapwa
C. makisalamuha sa mga mananakop
D. maging laging handa sa panganib

14.Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang


epekto sa mga bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto
ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at
komunikasyon na nagdulot nang mabilis pagluwas ng kalakal sa
pandaigdigang pamilihan
B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili
sa panahon ng pananakop ng mga Kanluranin
C. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na
kasalang katutubo at dayuhan
D. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap
ng mga produktong Kanluranin

15. Ano ang ipinapahiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi


sa kolonyalismo ng mga Ingles sa India?
A. Mahusay na rebolusyonaryong lider si Mohandas Gandhi
B. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan
C. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan
D. Naging simbolo si Mohandas Gnadhi ng pagkakaisa ng mga
mamamayan sa India

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


152
16. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng
pananakop ng mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga
Hindu lalo na ang mga kababaihan?
A. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India
B. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga
mamamayan ng India
C. Pagbabawal sa ilang matandang kaugaliang Hindu tulad ng “sati”
at “female infanticide”
D. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng “foot binding” at
“concubinage”

17.Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?


A. Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagsulong ng nasyonalismo at
interes ng bansa
B. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na
bahagdan ng edukadong mamamayan
C. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na
napagkukunan ng buwis ng pamahalaan
D. Pinalalaki nito ang opurtunidad ng mga tao na mangibang bansa.

18.Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga


Asyano?
A. Dahil dito ay nagtutulungan ang mga magkakaratig bansa sa Asya
B. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng
mga bansa
C. Maaring lumaki ang kita sa mga usaping block market
D. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa

19.Bakit muling nabuo ang bansang Israel?


A. Dahil sa layuning lumakas ang Judaism
B. Sa kagustuhang magsama-samang muli ng mga Hudyo
C. Upang matamo ang kanilang kaligtasan
D. Dahil sa pananakop ng ibang lupain

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


153
Modyul
7 Panahon ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya

ALAMIN
Tara umpisahan natin ang iyong gawain. Sa pagkakataong ito ay
simulan mong alamin ang tungkol sa Kolonyalismo at Imperyalismo at
Kanlurang Asya.

Panimulang Pagtataya

Gawain 1: Concept Map


Magbigay ng sariling pakahulugan ng salitang Kolonyalismo at
Imperyalismo gamit ang concept map.

Kolonyalismo
at
Imperyalismo

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


154
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kolonyalismo at imperyalismo?
2. Naranasan ba ang kolonyalismo at imperyalismo ng rehiyon
ng Timog at Kanlurang Asya?
3. May kabutihan ba ang pananakop?
4. Paano nakaimpluwensiya ang imperyalismo? Paano nabago
ang pamumuhay ng mga sinakop?

Basahin at Unawain Mo

Ang kolonyalismoay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig


sabihin ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala
ng mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa
sariling interes.Kadalasan ang una nilang ginagawa para maisakatuparan ang
kanilang pagnanais ay pakikipagkaibigan at pakikipagkalakalan. Kapag nakuha
na ang loob at saka nila isasakatuparan ang tunay nilang hangarin na
pagsamantalahan at pakinabangan nang husto ang likas na yaman ng kolonya,
magtatatag ng pamahalaang kolonyal, magpapataw at magtatakda ng
paniningil ng buwis at magsasagawa ng mga batas na makabubuti sa mga
mananakop.

Samantala, angimperyalismoay nagmula sa salitang Latin na imperium


na ang ibig sabihin ay command.Isang salitang Latin na nagpasimulang gamitin
sa panahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ang imperyalismo ay
nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado
sa aspektong pulitika,pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang
mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang
makapangyarihan.

PAUNLARIN
Sa bahaging ito ay inaasahan na matututunan mo ang mga dahilan,
paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Europeo sa
Asya partikular ang Timog at Kanlurang Asya. Maaari mong balikan ang
mga kasagutan at katanungan na iyong nabuo sa unang bahagi ng
modyul na ito upang malaman kung tama ito at nasagot ang iyong mga
naunang katanungan.

Maaaring nagtataka ka kung bakit maraming Europeong bansa ang


nakasakop sa mga bansa sa Asya. Napakalayo ng Europa sa mga bansa sa
Asya pero nakarating pa rin sila at nanakop pa ng mga teritoryo. Ang
pananakop na ito ay nagdulot ng maraming pagbabago sa buhay ng mga
Asyano - mga mabuti at di mabuting pagbabago. Isa-isahin natin ang mga

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


155
pangyayaring naganap at nagbigay daan sa pagdating ng mga Europeo sa
Asya.

Gawain: Magsuri Tayo!


Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya (ika-16 – ika-17 Siglo)

Bago ang pagtuklas at pananakop may ugnayan ng nagaganap sa mga


Europeo at mga Asyano. Nagsimula ang ugnayang ito sa pamamagitan ng
palitan ng kalakal sa mga Asyano at Europeong mangangalakal. Ang
pinakatagpuan nila ay nagaganap sa tatlong pangunahing ruta ng kalakan sa
Asya. Una, ang Hilagang ruta na nagpapasimula sa China at tatawid sa lungsod
ng Samarkand at Bokhara. Pangalawa, ang Gitnang Ruta, na papunta sa
baybayin ng Syria at dadaan sa Golpo ng Persia at ang huli ay ang Timog
Ruta na maglalayag mula sa India babagtasin ang Karagatang Indian
hanggang sa makarating ng Egypt sa pamamagitan ng Red Sea.

Mga kalakal na nanggagaling sa Asya na pumapasok sa Europe ang


tanging pamilyar lamang sa mga Europeo, ang lugar sa Asya na
pinanggagalingan ng kalakal ay hindi pa napupuntahan ng mga Europeo, at
ang palitan ng kalakal ng mga Europeo at mga Asyano ay hindi pa ganoon
kasigla.

Dumating ang panahon na ang ruta ng kalakalan na nag-uugnay sa mga


mangangalakal na Asyano at Europeo ay sinakop ng naghaharing Turkong
Ottoman. Nang sinakop ito ng mga Turkong Ottoman tanging ang mga
Italyanong mangangalakal ang pinayagan na makadaan at makipag-ugnayan
sa mga mangangalakal na Asyano.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


156
Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo
sa Asya

Mga Krusada Ang MgaKrusadana naganap mula 1096


hanggang 1273. Ang mga Krusada ay isang
kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga
Kristiyanong hari upang mabawi ang banal na
lugar, ang Jerusalem sa Israel. Hindi man
lubusang nagtagumpay ang krusadang ito,
marami ring mabuting naidulot ito, nagkaroon ng
ugnayan ang mga Europeo sa Silangan at
nakilala nilaang mga produkto ngSilangan tulad
ng pampalasa, mamahaling bato, pabango,
sedang tela, porselana, prutas at iba pa na
nakabighani sa mga Europeo. Ang krusada ang
nagpasigla ng kalakalan sa pagitan ng Europa at
Asya.Naging masigla ang palitan ngkalakalan
kaya maraming Europeo ang nagkainteres na
makarating sa Asya.Maraming Europeo ang
naghanap ng mga ruta para makarating lang sa
Asya. At ito dinang naging daan para
magkainteres ang malalaking bansa sa Europa
na sakupin angilang lugar o bansa sa Asya.

Pagalalakbay ni Marco Polo Ang Paglalakbay ni Marco Polona isang


Italyanong adbenturerong mangangalakal na
taga-Venice. Siya ay nanirahan sa China sa
panahon ni Kublai Khan ng Dinastiyang Yuan
nang higit sa halos 11 taon. Sa panahong ito,
siya ay nagsilbing tagapayo ni Emperador Kublai
Khan.Kinalugdan siya ni Kublai Khan at siya ay
itinalagang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa
Asya sa ngalan ng Emperador. Nakarating siya
sa Tibet, Burma, Laos, Java, Japan, pati na sa
Siberia. Noong 1295, bumalik siya sa Italy at
doon inilimbag niya ang aklat na The Travels of
MarcoPolo(1477). Ang mga nakita niyang
magagandang kabihasnan sa mga bansang ito
ng Asya lalo na sa China, na inilarawan ang
karangyaan at kayamanan nito. Maraming
adbenturerong Europeo ang namangha at
nahikayat na makarating at makipagsapalaran sa
Asya.

Renaissance Ang Renaissancena nagpasimula sa Italya na


naganap noong 1350. Isa itong kilusang
pilosopikal na makasining at dito binigyang-diin

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


157
ang pagbabalik-interes sa mga kaalamang
klasikal sa Greece at Rome. Napalitan ito ng
makaagham na pag-iisip mula sa mga
pamahiin.Masasabing ang pangunahing interes
ay labas sa saklaw ng relihiyon.
Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang
ibig sabihin ay ay “muling pagsilang”. Itoay
naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at
pagsulong ng makabagong panahon.
Matatandaan natin na noong gitnang panahon
ang Simbahang Kristiyano ang may malakas na
impluwensiya sa tao. Nakasentro ang buhay ng
tao sa relihiyon. Ngunit nang ang simbahan lalo
na ang pinuno nito, mula Papa, mga Obispo at
kaparian ay nasangkot sa imoral na gawain,
pagpapayaman at pagmamalupit sa mga taong
hindi karelihiyon, nagsimulang magkaroon ng
pagbabago sa pananaw at saloobin ang mga tao
hinggil sa katarungan, sariling kaunlaran at
pulitika.
Sa panahon ng Renaissance ay natuon ang
interes ng tao sa istilo at disenyo, sa
pamahalaan, sa edukasyon, sa wastong pag-
uugali at sa paggalang ng pagkatao ng isang
indibidwal. Indibidwalismo ang binigyang pansin
ng Renaissance kaya hindinakapagtataka na
maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng
tao. Ang malayang pag-iisip ng tao ang
nagpalawak ng kanyang ideya at pananaw sa
buhay kaya dito nagsimula ang pagbabago sa
sining at agham. Nariyan din ang pagtuklas ng
maraming bagay sa kapaligiran, pagkakaroon ng
maraming imbensiyon na nagpalakas sa mga
industriya at kalakalan, at ang pagkakaroon ng
pagbabago sa pananaw sa relihiyon at pulitika.
Ang Renaissance ang siyang nagbukas ng daan
sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at
negosyo kaya umusbong ang rebolusyong
komersyal na nagdulot ng mga pagbabago sa
gawang pang-ekonomiya.

Ang Pagbagsak ng Ang Constantinople(bahagi ng Turkey sa


Constantinople. kasalukuyan) ay ang Asyanong teritoryona
pinakamalapit sa Kontinente ng Europa. Ito ang
nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa
patungong India, China at ibang bahagi ng
Silangan na napasa kamay ng mga Turkong
Muslim noong 1453.Ang Constantinople ay ang
Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


158
Kontinenteng Europa. Ito rin ang teritoryong
madalas daanan noong panahon ng Krusada.
Kung matatandaan natin ng lumakas ang
Turkong Muslim at sinakop nga ang Jerusalem,
nanganib ang Constantinople na bumagsak din
sa mga Turkong Muslim, kaya humingi ng tulong
ang Emperador ng Constantinople para labanan
ang mga Turkong Muslim at mabawi ang
Jerusalem. Sa loob ng panahon ng Krusada,
napigil ang pagsalakay ng Muslim patungong
Europa ngunit nang masakop ng Turkong Muslim
ang Silangang
Mediterranean ay lubusan na ring sinakop ang
Constantinople noong1453 at ang naging resulta
ay ang ganap na pagkontrol ng mga Turkong
Muslim sa mga ruta ng kalakalan mula sa Europa
patungong Silangan. Ang ugnayan ng mga
mangangalakal na Asyano at Europeo ay naputol
mula nang masakop ng mga Turkong Muslim ang
ruta ng kalakalan. Sa mga mangangalakal na
Europeo tanging mga Italyanong mangangalakal
na taga-Venice, Genoa, at Florence ang
pinayagan ng mga Turkong Muslim na
makadaan sa ruta. Ang mga kalakal na nakukuha
sa Asya ng mga Italyano ay dinadala sa
Kanlurang bahagi ng Europa tulad ng Portugal,
Spain, Netherlands, England, at France.
Dahil dito, napilitang maghanap ng
bagong ruta ang mga mangangalakal na
Europeo. Pinangunahan ito ng Portugal at
sinundan ng mga Spanish, Dutch, Ingles, at
Pranses.
Napakahirap at mapanganib ang paglalayag
dahil wala pang maunlad na gamit sa
paglalakbay sa dagat. Noong ika-16 na siglo
naimbento ang mas maunlad na kagamitang
pandagat tulad ng Astrolabena kung saan
ginagamit ito upang malaman ang oras at latitud
samantalang ang Compassay ginagamit upang
malaman ang direksyon ng pupuntahan.

Ang Merkantilismo, sa Europa umiral ang


prinsipyong pang-ekonomiya na kung may
maraming ginto at pilak, may pagkakataon na
maging mayaman at makapangyarihan.
Kinailangan ng mga Europeo na makahanap ng
mga lugar na mapagkukunan ng likas na yaman
at hilaw na sangkap.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


159
Ang panahon ng eksplorasyon ay nag-iwan ng
malaking pagbabago sa pamumuhay ng lipunan
at kabihasnan ng mundo. Ang pang-katubigang

kalakalan at pananakop ng mga bansang


Europeo ay naging daan sa pag-unlad ng
ekonomiya ng Europa. Ang pamamaraan sa
pakikipag-kalakalan at ang pagbabangko ay
napaunlad kaya ito’y nagdulot ng malaking kita
sa mga bansang Europeo.
Ang mga dahilan na nagbunsod sa mga
Kanluranin na makarating sa Asya ang naging
daan para sumigla ang palitan ng kalakal ng mga
Europeo at mga Asyanong mangangalakal at
makilala ng mga Kanluranin ang mga likas na
yaman, mga hilaw na materyal na panustos sa
industriya.

PAMPROSESONG TANONG
1. Alin sa mga dahilan sa pagpunta ng mga Kanluranin sa Asya
ang higit na nakaimpluwensiya sa kanilang desisyon sa
pananakop?
2. Paano tinanggap ng mga bansang Asyano ang mga naganap
na pananakop?
3. Sa inyong palagay nakabuti ba sa mga bansa sa Asya ang
mga dahilang ito sa pananakop ng mga Kanluranin?

Matapos mong matunghayan ang dahilan ng pagpunta ng mga


Kanluranin sa Asya sa unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo, may
panibagong hamon para sa iyo. Iyong alamin ang mga bansang
Kanluranin na mga nagpalisahan sa pagpunta sa Asya. Magagawa mo ito
sa pagbasa ng teksto.

Gawain: Halina’t Suriin Mo

Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin


Pinangunahan ng Portugal at Spain ang paghahanap ng ruta. Maraming
manlalayag na Portuges ang naglakbayngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay
ang paglalakbay ni Vasco da Gama sapagkatnalibot niya ang “Cape of Good
Hope” sa dulo ng Aprika na siyang magbubukas ng ruta patungong India at sa
mga Islang Indies.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


160
Tingnan ang nakalarawang ruta na tinahak ni Vasco da Gama.

Kung noon ay Italy, lalo na ang Venice ang nag-iisang nagkontrol sa


rutangpangkalakalan patungong Silangan, ang pagtuklas ng alternatibong ruta
na natuklasanng mga Portuges ang nagbigay ng hamon sa iba pang bansang
Europeo na maggalugad sa ibang panig ng daigdig. Nariyan ang Spain,
Netherlands, France, England, Russia, Germany, at Amerika.

Nagpaligsahan ang mga ito para tanghaling pinakamakapangyarihan


nabansa sa mundo sa pamamgitan ng pagpapalawak ng mga lupain. Nanguna
sa mga ito ang Portuges at Spain na naging matindi ang pagpapaligsahan sa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


161
paggalugad sa mundo at pagsakop ng mga lupain. Sa matinding
pagtutunggalian ng dalawang bansa ay namagitan ang Papa ng Simbahang
Katoliko para maiwasan ang paghantong sa digmaan ng paligsahan ng mga
ito. Taong 1494 ay nagtalaga ng “line of demarcation” o hangganan kung saang
bahagi ng mundo maggagalugad ang dalawang bansa. Ayon sa Tratadong
Tordesillas, ang Portuges ay maggagalugad sa bandangsilangan samantalang
ang Espanya ay sa bandang kanluran. Nang maipatupad ang desisyong ito ay
nakapaglayag na ang Espanya sa bandang kanluran kung saan marami nang
teritoryo sa kontinenting Amerika ang nasakop. Ang Portuges naman ay
nakuha lang ang Brazil. Ganoon pa man, hinayaan na ng Espanya na manatili
sa Portuges ang Brazil habang ang Pilipinas naman na nasa silangan na
nasakop naman ng Espanya ay nanatili naman dito. Ang hindi naiwasan na
digmaan ng Portuges at Espanya ay sa
Moluccas. Ito ang pinakamimithi na lugar na pinagkukunan ng mga rekado. Sa
pamamagitan ng Tratadong Saragosa noong1529, nakuha ng Portuges ang
Moluccas. Maliban sa Moluccas ay nakakuha rin ito ng teritoyo sa India.

Ang Portugal ay nakakuha ng maraming piling lugar sa Asya. Noong


1502 nagbalik at nagtatag si Vasco da Gama ng sentro ng kalakalan sa may
Calicut sa India.Nooong 1505 ipinadala si Francisco de Almeida bilang unang
Viceroy sa silangan .Sa pamumuno ni Alfonso de Albuquerque, 1510 nasakop
ang Ormuz sa Golpo ng Persia(Iran ngayon).Diu at Goa sa India, Aden sa
Red Sea, Malacca sa Malaya at Moluccas sa Ternate, Macao sa China at sa
Formosa(Taiwanngayon). Mga daungan ang piniling sakupin ng Portugal
upang makontrol ang kalakalan .Noong una ang motibo o paraan lang ay
pangkabuhayan o pangekonomiya lamang hanggang sa ipinasok ang
Kristiyanismong Katolisismo sa mga nasasakupan ng Portugal.Sa kalagitnaan
ng 16 na siglo ang Portugal ay may malawak ng sakop sa Asya. Noong 1580,
sinakop ng Spain ang Portugal ng 60 taon.Nang makalaya ang Portugal noong
1640 ang kanyang mga kolonya ay nakuha na ng England at France.

Maliban sa Spain at Portugal, nakipagpaligsahan rin ang Inglatera.


Sapamamagitan ng Italyanong marinero na si John Cabot, napasailalim ng
Inglatera ang Nova Scotia Canada. Nang matalo ng Inglatera ang Spanish
Armada noong 1588 ibinuhos ng Inglatera ang kanyang atensiyon sa kalakalan.
Sa pamamagitan ng East India Company, naitatag ng Inglatera ang sentro ng
kalakalan sa India. Nakapagtatag rin ito ng permanenteng panirahan sa
Hilagang Amerika. Sinundan ito ng pagsakop ngCeylon, Malaya, at Singapore
pati na rin ang Australia, New Zealand, at mga pulo sa Hilagang Pasipiko.

Ginamit ng England sa India noong 1600 ang British East India


Company,isang pangkat ng mangangalakal na Ingles na pinagkalooban ng
pamahalaang Ingles ng kaukulang kapangyarihan upang mangalakal at
pamahalaan ang pananakop nito at pangalagaan ang interes nito sa ibayong
dagat. Pagdating ng 1612 nabigyan ng permiso ang Ingles para makapagtatag
ng pagawaaan sa Surat. Hindi nagustuhan ng Portugal dahil sila ang naunang
nanakop. Pagdating ng 1622, tinulungan ng Ingles ang mga Persian laban sa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


162
Portuguese dahil dito nakapagtatag ng sentro ng kalakalan sa kanluran at
silangang baybayin ng India.Ang British East India Company ay nakakuha na
ng concession (pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo) sa
Madras mula sa rajah ng Chandragiri. Noong 1668 pinaupahan na ni Haring
Charles ang pulo ng Bombay. Sa taong 1690 sa delta ng Ganges nakakuha ng
kapirasong lupain ang Ingles sa pagpayag ni Emperador Aurangzeb ang lider
ng Imperyong Mogul.Dito naitatag ang lunsod ng Calcutta.Madaling nasakop
ang India dahil watak-watak ang mga estado nito at mahina ang liderato ng
Imperyong Mogul na siyang naghahari sa India. Noong una pangkabuhayan
ang dahilan ng England sa pagpunta sa India. Nang makita ang malaking
pakinabang sa likas na yaman nito tuluyang sinakop ang India ng England.

Ang France naman ay nakakuha rin ng teritoryo sa Quebec, Canada.


Nakuha rin nito ang Louisiana sa Amerika at sa Asya noong ika-18 siglo
nasakop ng Pransiya ang Laos, Cochin China, Cambodia, at Annam. Ang mga
teritoryong ito ang buong kolonyang French Indo-China.

Ang Franceang pangatlong bansa na gustong masakop ang India. Ang


ginawa ng France ay nakipagsabwatan sa pinunong lokal ng Bengal. Ginamit
ang French East India Company na naitatag noong 1664. Nakapatatag ang
France ng pamayanang pangkomersyal sa Pondicherry,Chandarnagore, Mahe
at Karikal. Nagtapos ang interes na ito ng nagkaroon ng labanan sa Plassey
ng Pitong Taong Digmaan sa pagitan ng England at France. Sa tulong ni
Robert Clive, ang nagtatag ng tunay na pundasyon ng Ingles sa India. Ang
England ang nagtagumpay laban sa France. Ang England ang nananatiling
matatag na mananakop ng India.

Ang Netherlandssa pamamagitan ng Dutch East India Company ay


namahala rin saisang bahagi ng India. Napasailalim ng Netherlands ang East
Indies (Indonesia sa kasalukuyan).

Kanlurang Asya
Sa Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Kanlurang Asya
ay hindi pa nagkakainteres ang mga Kanluranin dahil ito ay sakop ng mga
Turkong Ottoman. Ang naghahari sa panahong ito ay ang relihiyong Islam.
Noong 1507, nakuha ang Oman at Muscat ng mga mangangalakal na
Portugues ngunit pinatalsik naman ng mga Arabe noong 1650. Noong1907,
ang Bahrain ay naging protectorate ng Britanya ngunit hindi rin nagtagal,
pinatalsik ang mga British ng isang Heneral na si Shah Reza Pahlavi ang mga
British.

Ang Portugal, England at France ang mga bansang Kanluranin na


nakarating sa India. Sa pag-iral ng prinsipyong pang-ekonomiyang
merkantilismo ang mga bansang Kanluranin ay may iisang layunin sa pagpunta
sa Asya, ang makasakop ng mga lupain. Sa huli ang England ang

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


163
nagtagumpay para maisakatuparan ang interes sa likas na yaman at mga hilaw
na materyales ng India. Samantalang ang Kanlurang Asya ay hindi agad
nasakop dahil sa panahong ito pinaghaharian pa ito ng napakalakas na
imperyong Ottoman, at pinagpatibay ng pagkakaisa dahil sa relihiyong Islam
na ipinalaganap at tinanggap sa rehiyon.

Gawain: Data Information Chart


Punan ang talahanayan at isulat sa unang kolum ang mga bansang
Europeo na nanakop at sa ikalawang kolum ang mga bansang Asyano na
nasakop nila.

Mga Bansang Europeo Mga Bansang Nasakop sa Asya

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


164
Pamprosesong Tanong
1. Bakit hindi maagang nasakop ng mga Kanluranin ang
Kanlurang Asya sa unang yugto ng pananakop?
2. Bakit nagtatag ang mga bansang Kanluranin ng mga kolonya
sa Asya?
3. Mahalaga ba ang unang yugto ng imperyalismo at
kolonyalismo ng mga Kanluranin sa Asya?sa mga Asyano?

Matapos mong matunghayan ang pagtuklas at pananakop na


ginawa ng mga Kanluranin sa Unang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Dako naman tayo sa paraan
at patakaran na ginamit ng mga Kanluranin.

Gawain: Kumpletuhin Mo

Batay sa teksto, iyong alamin ang mga naging paraan at patakaran na


ginamit ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya sa unang yugto ng
kolonyalismo at imperyalismo.Gagawin mo ito sa pamamagitan ng paglalagay
ng sagot sa talahanayan.

Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya


(Ika-16-17 Siglo)

Paraan ng
Rehiyon(Bansa) Mananakop Patakaran
Pananakop
Timog (India) Portugal
England
France
Kanluran(Oman at Turkong
Muscat) Ottoman

Gawain: Teksto, Suriin Mo

Mga Dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at


Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya(ika-18 hanggang
ika-19 siglo)

Sa unang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo umiral ang pinsipyong


pang-ekonomiyang merkantilismo sa Europa. Ang merkantilismo ang ginamit
na dahilan ng mga Europeo upang mag-unahan na makakuha ng mga lupaing

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


165
masasakop sa Asya, may mapagkukunan ng likas na yaman, hilaw na
sangkap, at pagbebentahan ng mga yaring produkto upang maging
pandaigdigang makapangyarihan.

Sa loob ng dalawang libong taon, ang Imperyong Roma ay nakontrol


ang halos kabuuan ng Mediterranean. Bago matapos ang ika-18 siglo, ang ilan
sa mga bansang Europeo at ang Estados Unidos ay nagpasimulang mag-
kontrol ng ibang mga bansa sa lupalop ng Asya, Aprika at Latin Amerika. Ang
panahon mula 1800 hanggang 1914 aynaging kilala bilang Panahon ng
Imperyalismo.

Ang imperyalismo noong ika-18 siglo ay naging resulta ng apat na


pangunahing salik. Una, dahil sa udyok ng nasyonalismo, nais ng mga nasyon
saEuropa na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang
kanilang mga karibal na mga bansa. Ikalawa, dulot ng Rebolusyong Industriyal,
nangangailangan ng mga hilaw na materyal na pagkukunan at pamilihan na
paglalagyan ng mga produktong yari na gawa mula sa kanila kaya sila ay
nagpalawak ng kanilang mga teritoryo. Pangatlo, ang Kapitalismo, isang
sistema kung saan mamumuhunan ng kanyang salapi ang isang tao upang
magkaroon ng tubo o interes. Sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga
Europeo at mga Asyano, dumami ang salaping naipon ng mga mangangalakal
na Kanluranin. Nahikayat na gamitin ng mga mangangalakal na Kanluranin ang
kanilang salaping naipon sa mga pananim at minahan sa mga kolonya para ito
mas kumita. Pang-apat, ang White Man’s Burden na isinulat ni Rudyard Kipling,
isang manunulang Ingles, ipinasailalim sa isang kaisipan ang mga
nasasakupan na sila ay pabigat sa mga Kanluraning bansa. Na ang mga
Kanluranin ay may tungkulin na turuan at tulungan upang “paunlarin” ang
kanilang nasasakupan. Ito ang naging pagbibigay-katwiran ng mga
Kanluraninsa ginawa nilang pananakop sa Asya.ang paghahangad na ipakilala
ang kanilang superyor na kultura, relihiyon at paniniwalasa iba pang mga bansa
sa mundo. Noong gitnang bahagi ng ika-18 siglo, karamihan sa mga bansa sa
lupalop ng Europa ay naghangad na magkaroon ng sariling mga kolonya sa
mga lupalop ng Asya at Aprika. Naging bahagi ito ng kanilang paghahangad sa
kapangyarihan at pagtatatag ng mga pamahalaang pinatatakbo ng mga
dayuhang mananakop. Nagtago sila sa pagpapaniwala sa mga bansa sa Asya
at Aprika na ang kanilang pamumuno ay magtuturo sa mga ito ng mga
makabagong pamamaraan ng pagpapatakbo ng kanilang mga pamahalaan, ng
pagsasarili at malaking tulong na magkaroon ng nagsasariling pamahalaan. Ito
ang naging dahilan ng patuloy na pagpapalawak ng kanilang mga teritoryo sa
iba’t ibang bahagi ng Asya at Aprika at tuluyang paghahangad na ito’y maging
bahagi ng kanilang lupain.

Ang Rebolusyong Industriyal noong ika-18 dantaon ay naging salik


sapaghahanap ng mga bansa sa Europa at Hilagang Amerika na maghanap
ng mga pamilihan na magiging laglagan ng kanilang mga produktong ginawa.
Sa maraming produkto na kanilang ginawa ay kinakailangan nila ng
pagtatayuan ng mga bagong pabrika na kailangan ang mga hilaw na

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


166
materyales na sa mga bansang kanilang sakop lamang libreng makukuha. Ang
mga produktong gaya ng rubber, copper at ginto ay nanggaling sa Aprika, bulak
at jute sa India, at tin sa Timog Silangang Asya. Ang mga hilaw na materyales
na ito ay nakatulong sa pagpapalaki at pagpapalago ng mga industriya sa
Amerika at saEuropa. Ang ilan pa sa mga karagdagang produkto na nakilala
sa pamilihang panginternasyonalay ang saging, dalandan, melon at mga prutas
na karaniwang sa Asyalamang matatagpuan. Ang mga mamamayan sa Paris,
London at Berlin ay natutonguminom ng tsaa, tsokolate, at kape kasabay ng
kanilang mga pagkain at gumamit ngmga sabon na nanggaling sa palm oil ng
Aprika at langis ng niyog sa Asya.

Nagsilbi ring bagong pamilihan at paglalagakan ng mga produkto ng


Kanluranin ang kanilang mga bansang nasakop. Naging tagapagluwas ng mga
hilaw na materyal ang mga bansang sakop samantalang ang pagbubuo ng mga
ito ay ginagawa sa mga pabrika ng mga Kanluranin na bansa. Ganito ang
naging kalakaran sa napakahabang panahon kaya nanatili ang pagdepende sa
mga produkto ng magkabila lalo na sa pagpaparami at pagpapalaki ng
produksiyon.

Dahil sa paghahangad ng mga taga-Kanluran ng mas malaki pang


oportunidad sakanilang mga kolonya kaya hinimok nila ang kanilang mga
mamamayan na maglakbaytungo sa mga bansa sa Asya at Pasipiko. Binigyan
nila ng pagkakataon na mag-ari ngmga lupain ang mga ito sa kanilang mga
kolonya, patakbuhin ang pamahalaang itinatagat pamunuan ito at kontrolin ang
mga paaralan at ekonomiya ng mga kolonya. Dahil ditoay nagpatuloy ang mga
patakarang kolonyal at naitatag ang mga institusyongkolonyal na mag-iiwan ng
tatak sa pamumuno ng mga bansang Kanluranin gaya ng Great Britain at
Amerika.

Ang mga imperyalistang bansa ay gumamit ng iba’t ibang pamamaraan


upang makakuha ng bagong lupain. Minsan sila ay gumagamit ng mga
kasunduan, binibili ang mga lupain mula sa dating mga mananakop o kaya
simpleng sinasakop ang isang lupain sa pamamagitan ng puwersang militar.
Ang mga imperyalistang bansa ay may iba’t ibang anyo sa pamamaraan
ngpagkontrol sa kanilang mga teritoryo. Ang una ay tinatawag nacolony, kung
saan ay direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang
kanyang sakop na bansa gaya ng ginawa ng Espanya sa Pilipinas, Britanya sa
India at Pransiya sadating Indo-Tsina. Ang protectorate ay mayroong sariling
pamahalaan nguni’t ang mgapatakaran at kautusan ay dinidirekta ng
imperyalistang bansa lalo na sa patakarang panlabas. Tulad ng ginawa ng
Amerika sa Pilipinas, Britanya sa Hongkong at Portugal sa Macau.

Ang pakikipagkalakalan, pagpapalaganap ng panibagong paniniwala


atpilosopiya ay ilan lamang sa naging mga pangunahing dahilan ng pananakop
ng mgabansang Kanluranin sa Asya. Upang lalong mapatatag ang kanilang
kapangyarihan sapangkabuhayan at pulitikal na pamumuhay ng mga bansang
Asyano at tuluyan ng sinakop at hinati ng mga Imperyalistang mananakop ang

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


167
Asya. Ang mga British ay pangunahing kinontrol ang kalakalan sa India nguni’t
ang kanilang pananakop ay naging daan sa pag-usbong ng
nasyonalismongmagpapabagsak sa kanilang rehimen sa India sa tulong ng
Rebelyong Sepoy at pagtatatag ng sariling republika. Hindi lamang ang India
ang sinakop ng Gran Britanya sa Asya kundi maging ang Tsina.

Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay patuloy na sinakop ng mga


bansang Kanluranin gaya ng Britanya, Espanya at ng Olandiya sa aspektong
pangkabuhayan, pulitika at pamumuhay ng mga tao.

Ang mga British sa India


Ang pagsisimula ng panggagalugad ng mga bansang Europeo ang
nagtulakupang magkaroon ng pagkakataon ang Britanya na kontrolin ang
kalakalan sa India. Sapamamagitan ng pagtatatag ng East India Company ay
nakontrol ng mga British angkalakalan ng ruta tungo sa India. Ito ang naging
dahilan sa pagiging mayaman ngnabanggit na kumpanya at nagdala ng
malaking kita sa imperyo at sa mga mangangalakal na naging bahagi ng
kalakalan. Dahil sa malaking kita na tinatanggap ng kompanyang British sa
kalakalan ay nagkaroon ito ng ka-kumpetensiyang bansa angPransiya. Itinatag
ng Pransiya ang French East India Company nguni’t ito’y hinadlangan ng mga
British sa pamamagitan ng Battle of Plassey noong 1757 na kung saan ay
natalo ang mga Pranses. Hindi lamang ang kalakalan ang kinontrol ng mga
British kundi nagpasimula na rin silang magpasok at magturo ng mga kultural
na pagbabago sa India.

Sanhi ng mga pinairal na patakarang pampulitika, pang-ekonomiya at


panlipunan at paglakas ng kapangyarihang Ingles, may mga umiiral na
tradisyong Hindu at Muslim na ipinagbawal. Tulad ng suttee o sati, ay isang
boluntaryong pagsunog sa katawan ng asawang babae sa ibabaw ng bangkay
ng asawa.Ang mga babaing balo sa paniniwalang Hindu ay pinagbawalang
mag-asawa, nagpanukala ng batas ang Ingles na sila ay pinayagan ng mag-
asawa. Ang pagbaba ng katayuan sa lipunan ng mga Brahman, ang pagpataw
ng buwis sa mga may-ari ng lupain, at ang pagtatangi ng lahi na tanging puti
lamang ang binibigyan ng mataas na posisyon sa pamahalaan.
Hanggang noong 1857, sumiklab ang Rebelyong Sepoy, isang grupo ng
mga kawal sa India o kilala sa tawag na Sepoy ang nag-alsa upang tutulan ang
pagsisimula ng pag-impluwensiya ng mga British sa kanilang
pananampalataya at panlipunang pamumuhay ng mga taga-India. Nangyari
ito nang nabalitaan ng mga sundalong sepoy na Muslim at Hindu na ang taba
ng baboy at baka ay ginamit na panlinis sa sandata . Sa paniniwalang Muslim
ang taba ng baboy ay marumi at ang taba ng baka para sa mga Hindu ay
isang sagrado. Sa paniniwala ng mga Muslim at Hindu , isang paglapastangan
sa kanilang relihiyon ang ginawa ng mga Ingles. Tumagal ang rebelyon ng ilang
buwan. Maraming namatay na Ingles at mga Indian at muntik nang mapatalsik
ang imperyong Ingles sa naganap na rebelyon. Kinailangan ang tulong ng
pamahalaang Ingles upang matigil ang rebelyon.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


168
May mga pagbabagong pampulitikal na ipinatupad ang pamahalaang
Ingles pagkatapos ng rebelyon. Ang pamahalaang Ingles ang direkta ng
mamamahala sa India mula sa British East India Company. Nagtalaga ng
viceroyna magiging kinatawan ng pamahalaang Ingles. Noong 1877, ganap ng
itinalaga si Reyna Victoria bilang Empress ng India. Ang maseselang posisyon
ay nasa pamahalaang Ingles. Binigyan ng pabor ang mga katutubong prinsipe
nanakipagtulungan at ang ayaw makipagkaisa ay may naghihintay na
kaparusahan. Ipinatupad ang eksaminasyon sa nagnanais mamasukan sa
pamahalaan at nagpataw ng mataas na buwis sa mga magsasaka.

Upang maipalaganap ang pangunahing interes sa kalakalan sa India.


Ipinaayos ang mga estado na may hidwaan. Nagtatag ng maayos at
sentralisadong pamahalaaan. Dinala ng mga Ingles ang makabagong
kaalaman sa teknolohiya. Upang mabilis na madala ang mga kalakal sa mga
pantalan ipinagawa ang mga daan, tulay, riles ng tren, mga pagawaan, sistema
ng komunikasyon, irigasyon, nagpagawa ng mga ospital para mabigyan ng
medikal na atensyon ang kalusugan ng mga Indian, bago dumating ang mga
Ingles sa India maraming lumaganap na sakit tulad ng tuberculosis, bubonic
plague, malaria at iba pa na hindi alam ng mga katutubo kung paano ito
malalapatan ng lunas. Maging ang paaralan ay nagpatayo sila .Sa edukasyon
ginamit ang Ingles bilang panturo sa paaralan. May mga Indian na ipinadala at
pinag-aral sa England. Pinaunlad ang taniman.Sapilitang pinagtanim ang mga
magsasaka.

Ito’y nagbigay ng mabuti at di mabuting epekto sa Indiadahil una ito’y


nakatulong sa pagbabago ng kanilang pangkabuhayan nguni’t ang
mgaimprastrakturang nabanggit ay mas nakatulong ng lubusan sa
pagpapabilis ngkalakalan at pagbibigay ng malaking kita sa bansang
mananakop. Maraming mganasyonalistikong pinuno sa India ang naghangad
ng mga reporma at tunay na paglaya sa Britanya sa pamamagitan ng kanilang
pagtatatag ng Indian National Congress noong 1885. Nguni’t anuman ang
kanilang mga pagsisikap dahil nga sa malaking kapakinabangan sa ekonomiya
ay patuloy pa rin itong kinontrol ng Britanya hanggang ika-19 na siglo.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


169
Kanlurang Asya

Note:
Enhance
the
image

Sa sinaunang kabihasnan sa Kanlurang Asya nakaranas na ito ng


maraming pananakop. Ang huling mananakop sa Kanlurang Asya ang Turkong
Ottoman na nagmula sa Turkey. Napakalakas ng imperyong ito kaya naghari
ng maraming siglo. Bukod sa pinaghaharian ng mga magagaling na pinuno,
ang relihiyong Islam ang ginamit para makuha ang pagkakaisa ng mga Arabe.
Ang Kanlurang Asya ay matagal nang nag-aasam ng Nasyonalismo sa
kamay ng mga Turkong Muslim. Sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig
ang mga taga Kanlurang Asya ay kumampi sa pwersang Alyado sa kagustuhan
nilang makalaya sa kamay ng mga Turkong Ottoman. Ang inaasam nilang
kalayaan ay napalitan ng panibagong patakaran sa ipinatupad ng Liga ng mga
bansa. Sa pagkakataong ito, ang Kanlurang Asya ay sumailalim sa
pananakop ng mga Kanluraning England at France noong 1914 sa
pamamagitan ng isang tsarter , o mandato ng Liga ng mga bansa. Ang mga
Europeong nanalo sa Unang Digmaan ay magiging mandato ng ilang teritoryo
ng mga natalong bansa. Ang Iraq at Palestine (ngayo’y Israel , ang Westbank,
ang Gaza Istrip, at ang Jordan) ang mandato ng Great Britain, ang mandato
ng France ang Syria at Lebanon.
Naging interesado ang mga Kanluranin sa Kanlurang Asya nang
madiskubre ang langis sa Gitnang Silangan.
Sa mga isyung pulitikal at sosyal nanghimasok ang mga Kanluranin sa
Kanlurang Asya. Katulad ng relasyon ng mga Hudyo at mga Palestinong
Arabe.Sa pamamagitan ng Balfour Declaration,Nobyembre 2,
1917sinuportahan ang aspirasyon ng mga Zionista naipagkaloob sa mga

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


170
Hudyo ang pagkakaroon ng bahaging matitirhan sa Palestine na hindi
tinanggap ng mga Nasyonalistang Arabeng Palestino na matagal ng nakatira
sa Palestine. Mula noon hanggang ngayon ay walang kapayapaan sa relasyon
ng mga Palestinong Arabe at mga Hudyo. Maraming digmaan ang naganap sa
pagitan ng mga bansang ito.
Ang pinairal na patakarang ginamit sa Kanlurang Asya ay sistemang
mandato(mandate system), pansamantala silang sasailalim sa kamay ng mga
Kanluranin habang tinutulungan silang makapagsarili at makapagtatag ng
pamahalaan.

Gawain: Tree Diagram


Isulat sa kahon ang mga dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin sa
ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo sa Asya .

Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Lalong Maghangad


ng Kolonya sa Timog at Kanlurang Asya (18-19 siglo)

Ngayon, iyo nangnatunghayan ang pagsasalaysay ng mga


mahahalagang pangyayari na naganap sa Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Kaya,
siguradong masasagutan mo ang sunod na gawain.

Gawain: Buuin Mo
Kumpletuhin ang diagram tungkol sa paraan at patakaran ng
pananakop ng mga Kanluranin sa Ikalawang Yugto sa Timog at Kanlurang
Asya.

Paraan ng
Rehiyon Mananakop Pananakop Patakaran

Timog
England
(India)

Kanluran
(Palestine, Israel England
at Jordan, Iraq, France
Syria at Lebanon

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


171
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang pagkakaiba ng sistemang Kapitalismo sa Mandato?
2. Paano naging makapangyarihan sa daigdig ang mga
Europeo? ang mga Amerikano?
3. Sa kabila ng paghahari ng mga mananakop sa Timog at
Kanlurang Asya, may natutuhan ba ang mga Asyano sa
pagdating ng mga Kanluranin?

Iyong nalaman ang paraan at patakarang ginamit sa Una at


Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo. Dapat mo nang masuri
ang naging epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa pamumuhay ng
mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya.

Gawain: Magsuri Tayo

Mga Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog At


Kanlurang Asya (Ika-16 hanggang ika-20 Siglo)
Maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano ang naidulot ng
pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya. Ang mga
sumusunod na aspeto ay nagpapakita kung paano nagbago ang pamumuhay
ng mga katutubo. Nang tuluyang pinamahalaan ng mga Kanluranin ang Timog
at Kanlurang Asya ang mga sumusunod na aspeto ay nagpapakita kung paano
nagbago ang pamumuhay ng mga Asyano .

Ang Indian at mga Arabe ay lubhang naapektuhan. Pinakinabangan


nang husto ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap bunga nang
nagaganap na Rebolusyong Industriyal na nagdulot ng pagdagsa ng mga
Kapitalista sa mga kolonya. Ang mahabang panahon ng pananakop ng mga
Imperyong Europeo sa Asya ay naging daan sa pagkakaroon ng mga pamilihan
paglalagyan ng mga produktong galing sa mga bansang mananakop at
pagkukunan ng mga hilaw na materyal na kailangan ng mga bansa sa pagbuo
ng kanilang mga produkto. Nasanay ang mga Asyano sa paggamit ng mga
produktong dayuhan kaya minabuti ng mga bansang mananakop na maglagay
na rin ng mga pabrikang bubuo sa mga hilaw na materyal na galing sa mga
kolonya. Ang natural na kapaligiran ng mga bansang Asyano ay unti unting
naubos at pinagkakitaan ng mga dayuhan. Malaking kita at pakinabang ang
naibigay ng mga pamilihan sa antas ng ekonomiya ng mga Europeong bansa
nguni’t nanatiling nakatali ang ekonomiya ng mga kolonya dito. Nagpatayo ng

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


172
mga tulay, riles ng tren, kalsada ang mga mananakop upang maging mabilis
ang pagdadala at pagluluwas ng mga produkto.

Dahil dito ay isinilang ang mga Asyanong naging mangangalakal o


middleman ng mga produkto kaya sila ay umunlad din sa kanilang mga
pamumuhay at nanatiling mga tagapagtaguyod ng mga batas na magpapatibay
sa kolonisasyon. Sila ay mga nabigyan ng puwesto sa pamahalaan at
ekonomiya kaya naging mahirap ang mga ginawang pag-aalsa ng ilang mga
patriotikong Asyano sa dahilang sila’y hindi sumusuporta sa mga nasabing
kilusan. Nais nilang manatili ang sistemang pinatatakbong direkta o di direkta
sa pamamagitan nila ng mga dayuhan. Sila ngayon ang nagsamantala
hanggang sa maging mayaman at makapangyarihan sa bansa. Inayos ang
kalusugan ng mga mamamayan kaya nagtayo ng mga ospital para magamot
ang mga maysakit at mabigyan ng lunas ang mga sakit na laganap bago
dumating ang mga mananakop .

Sa pagdating ng mga Kanluraninang kalagayan ng mga katutubo ay


hiwa-hiwalay na estado na iba-iba ang namumuno. Nagtatag ang mga
mananakop ng isang pamamahala. Ngunit ang mga matataas na posisyon ay
para lamang sa mga Kanluranin at ang mababang posisyon ay para sa mga
katutubo. Naalis sa kolonya na pamahalaan ang sariling bansa. Ipinakilala ng
mga Kanluranin ang Kaisipan na nagbigay ng hindi pagkakasundo-sundo ng
mga Asyano sa pamamahala. Nagkaroon ng paghahati-hati ng rehiyon sa mga
Kanluraning bansa at nagkaroon ng “fixed border” o takdang hangganan ang
teritoryo ng bawat bansa.
Maging ang mga paniniwala, pilosopiya at pananampalataya ng mga Asyano
ay pinalitan ng mga dayuhankaya naging mabuti itong behikulo sa kanilang
matagal na pananakop.. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo at
mga Kanluranin para makuha ang katapatan ng kolonya.Pinanghimasukan ang
tradisyon ng mga katutubo.Ang mga kaugalian ay nahaluan tulad sa mga
pagkain at istilo ng pamumuhay ay ginaya.

Ang edukasyon ay naging instrumento rin para payapain ang mga


Asyanong naghahangad ng pagbabago sa dahilang ang mga nakapag-aral na
ito ang nagdala ng bagong mga ideolohiya tungo sa pagbabago sa kanilang
mga bansa. Ito ang ginamit ng mga katutubo para makalaya sa kamay ng mga
mananakop. Nang matuto ang mga kolonya na ipaglaban ang kanilang
karapatan at nagising ang damdamin para sa pagmamahal sa bayan reporma
ang kanilang sigaw samantalang ang mas nakakarami ay separasyon naman
ang nais. Ang paghahati na ito ng antas ng uri ng mga mamamayan ay
nagresulta sa dalawang sanga: ang pagtatatag ng nasyon-estado sa
pamamagitan ng pagbubuo ng mga batas at Saligang Batas o ang paglago ng
dating bayan na pinanatili ang dating kalinangan bago dumating ang mga
dayuhang mananakop.

Ang liberal na mga kaisipan ay nakatulong sa pagpukaw ng


damdamingmakabayan o nasyonalismo sa mga bansang Asyano. Ito ang

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


173
naging simula ng pagbubuo pa ng mga kilusang nasyonalismo na naglalayong
magpalaya ng mga bansang Asyano sa kamay ng mga dayuhan.

Pamprosesong Tanong
1. Anong mga pagbabago ang dulot ng pananakop ng mga
Kanluranin sa Asya?

Gawain: Tukuyin Mo Nga


Isulat ang E kung Ekonomiya, P kung Pulitika, at S/K kung Sosyo-
Kultural ang epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya. Isulat ang iyong
sagot sa kuwaderno.

_____1. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at


pamilihan ng produktong Kanluranin.
_____2. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
_____3. Nagkaroon ng “fixed border” o takdang hangganan ang teritoryo ng
bawat bansa.
_____4. Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod.
_____5. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang
mapanatili ang katapatan ng kolonya.
_____6.Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon.
_____7. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling
bansa gamit ang sariling sistema.
_____8. Nailipat sa Europa ang mga kayamanan ng Asya na dapat
pinakinabangan ng mga Asyano.
_____9.Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan, at simbahan.
____10. Nagkaroon ng makabagong kaisipan at ideyana magamit sa
pagpapatakbo ng pamahalaan, ekonomiya at iba pang aspeto ng
buhay.
____11.Nabuo ang mga kilusang nasyonalismo.
____12.Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.
____13.Mga Kaugalian ay nahaluan.
____14. Mga istilo ng pamumuhay ay iginaya sa Kanluranin.
____15.Isinilang ang mga Asyanong mangangalakal o “middle man”.
____16. Pagpapairal ng wikang Kanluranin bilang wikang gagamitin sa mga
paaralan.

Matapos mong mataya ang epekto ng kolonyalismo at


imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Paghahambingin mo ngayon
ang kolonyalismo at imperyalismong naganap noong una at ikalawang
yugto sa rehiyong ito.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


174
Gawain: Venn Diagram
Paghambingin ang kolonyalismo at imperyalismong naganap noong
unang yugto at ikalawang yugto sa Timog at Kanlurang Asya.

Anyo ng Kolonyalismo noong

Ika-16-17 siglo ika-18-19 siglo

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

Sa bahaging ito ay ilalahad mo ang iyong saloobin sa tungkol sa


pagbabagong naganap sa Timog at Kanlurang Asya at ang kaugnayan
nito sa iyo bilang isang Asyano. Kaya mo bang gawin ang sunod na
gawain?

Gawain: Sinimulan Mo, Ipagpapatuloy Ko


1. Sa aking palagay, ang imperyalismo ( ) totoong / ( ) di-totoong nagbigay
ng magandang kinabukasan at pag-asa sa mga bansang sinakop
sapagkat
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


175
2. Sa pangkalahatan, masasabi kong ( ) nakabuti / ( ) di-nakabuti sa mga
Asyano ang pagdating ng mga Kanluranin sapagkat
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________
3. Bilang isang Pilipino at Asyano, magiging kabahagi ako sa pag-unlad ng
ating bansa at sa ating rehiyon sa makabagong panahon sa
pamamagitan ng
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________

Pagnilayan at Unawain

Sa bahaging ito pagtitibayin mo ang mga nabuong pang-unawa


tungkol sa paksa. Inaaasahan din na sa pagkakataong ito ay kritikal na
masusuri moa ng impluwensiya ng pananakop ng mga Kanluranin sa
pamumuhay ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Gawain: Pagpapalalim ng Kaalaman


Kung ang karanasan ng Pilipinas ang tutukuyin, paano mo
maisasalarawan ang epekto saiyo ng pananakop ng mga Kastila? Magbigay
ng isang halimbawa. Anong aral ang iyong natutuhan na magagamit mo sa
hamon ng makabagong panahon?

Binabati kita! Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi


ng pagnilayan at unawain para sa Aralin 1.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


176
Ilipat at Isabuhay
Ilarawan ang Kolonyalismo at Imperyalismong naganap sa Timog at Kanlurang
Asya mula sa unang yugto, ikalawang yugto hanggang sa kasalukuyang
panahon sa pamamagitan ng sumusunod na gawain. Pumili lang ng isang
gawain na ibig mong gawin.
1. Paggawa ng Sanaysay
2. Paggawa ng Poster
3. Pagsulat ng Kanta o Jingle
4. Pagsulat ng Tula
5. Paggawa ng Islogan
Transisyon sa susunod na modyul

Binigyang-diin aralin na ito ang mga paraan, patakaran at epekto ng


Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya. Nagkaroon ng malaking impluwensiya ang mga nanakop
na Kanluranin sa kultura, ekonomiya at politika ng mga nasakop na lupain
sa Asya. Dumanas ng malubhang paghihirap, kagutuman, pang-aabuso at
pagkawala ng karapatan at kalayaan ang mga Asyano dulot ng mga
patakaran ng mga Kanluraning nakasakop sa kanilang lupain.

Ang mga karanasan ng mga Asyano mula sa pananakop ng mga


Kanluranin ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng kanilang damdaming
nasyonalismo. Mauunawaan mo sa susunod na aralinl ang iba’t ibang anyo
ng nasyonalismong umunlad sa mga piling bansa sa Timog at Kanlurang
Asya.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


177
Modyul
8 Pag-usbong ng Nasyonalismo at
Paglaya ng mga Bansa sa Timog at
Kanlurang Asya

ALAMIN

Masaya bang isipin na ngayon ay maaari at malaya na nating


nagagawa nang may responsibilidad ang mga bagay na dapat nating
gawin? Salamat sa kalayaang naibigay sa atin ng ating mga lider na
marubdob ang diwa ng nasyonalismo.Nabatid mo sa ating nakaraang
aralin ang naging karanasan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya sa ilalim ng kolonyalista at imperyalistang mga Kanluranin. Sa
pagkakataon namang ito , ay mababatid mo ang naging reaksiyon ng
mga Asyano sa mga patakarang ipinatupad ng mga dayuhan sa mga
bansa ng Timog at Kanlurang Asya.Ang kanilang pagpapakita ng
nasyonalismo na nakatuon laban sa mga Kanluranin.Marahil
naitatanong mo sa iyong sarili, “Ano ang nasyonalismo”? Paano
ang ating mga kapwa Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ay
tumugon sa pananakop na ginawa ng mga Kanluraning
Bansa?Nakaapekto ba sa mga tao at paglaya ng mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya ang pagpapakita ng nasyonalismo?
Maipaliliwanag ang kasagutan sa mga katanungang ito, sa susunod
mong gawain.

Gawain 1: Magmamalasakit Ka Ba?

Sitwasyon. Magdadaos ng Basketball Tournament sa inyong bayan. Isa sa


mga makikipagkumpetensiya ay ang inyong barangay.Hindi ka kabilang sa mga
kalahok ng inyong barangay. Bilang isa sa mga residente, paano mo maipapakita ang
iyong pagsuporta sa iyong barangay?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


178
Pamprosesong Tanong

1. Ano-ano ang iyong gagawin upang maipakita ang


pagmamalasakit sa iyong barangay at sa inyong mga
manlalaro?
2. Bakit kailangan mong suportahan at tulungan ang barangay
at mga manlalaro sa magaganap na Basketball
Tournament?
3. Paano nahahawig ang ipinakita mong suporta at
pagmamahal sa inyong mga manlalaro sa pagmamahal at
pagmamalasakit sa isang kababayan at sa mismong
bayan?
4. Ano ang nasyonalismo? Ang mga hakbang ba na iyong
nabanggit ay ebidensya ng nasyonalismo? Ano ang iba
pang ebidensya na nalalaman mo? Ipaliwanag.

Pagkatapos mong makapagbigay ng iyong mga


kaalaman tungkol sa nasyonalismo. Natitiyak kong nais
mong malaman ang mga iba pang bagay na may kaugnayan
sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang
Asya. Maaari mo lamang mabatid ang mga ito sa
pamamagitan ng iyong pagtupad sa iba’t ibang gawain sa
susunod na bahagi ng modyul na ito.
Masusi mo ring suriin kung umaayon ba ang iyong mga
dating alam, sa mga bagong kaalaman na iyong natutuhan
sa modyul na ito.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


179
PAUNLARIN

Sa bahaging ito ng modyul ay inaasahan, na matututuhan mo


ang kahulugan ng nasyonalismo,ang mga salik at pangyayaring
nagbigay-daan sa pag-usbong at pag-unlad ng nasyonalismo sa mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya.Ano ang mga naibunga nito sa
mga bansa at pamumuhay ng mga tao?
Maaari mong balikan ang iyong mga kasagutan at katanungan sa
unang bahagi ng Modyul na ito. Sa pamamagitan nito ay malalaman
mo ang iyong wastong mga sagot. Marahil handa ka nang magbasa
tungkol sa mga tunay na kaganapan sa pag-usbong ng Nasyonalismo
sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Naniniwala akong
mawiwili ka sa pagbabasa nito.

Basahin at Unawain Mo

Nasyonalismo sa Asya
Ang pananakop,pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala
ng mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano, ang nagbigay- daan sa
pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya.

Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipakikita sa


matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan,ayon sa aklat na
SEDP Kabihasnang Asyano. Ang nasyonalismo sa Asya ay may ibat ibang
anyo tulad ng defensive nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng
ipinakita ng bansang Pilipinas at aggressive nationalism o mapusok na
nasyonalismo na minsang ginawa ng bansang Hapon.

Ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo ay pagkakaisa.


Makikitaita ito sa pagtutulungan at pagkakabuklod ng mamamayan sa iisang
kultura, saloobin at hangarin.

Maituturing ding manipestasyon ng nasyonalismo ang


pagmamahal,pagtangkilik sa sariling mga produkto,ideya at kultura ng sariling
bayan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


180
Naipapakita rin ang nasyonalismo sa pagiging makatwiran at
makatarungan.Ang kahandaang magtanggol at mamatay ng isang tao para sa
bayan ay maituturing na pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo.

Dahil sa hangarin ng mga Asyano na wakasan ang panghihimasok ng


mga Kanluraning bansa sa kanilang kinamulatang pamumuhay at makamtan
ang kalayaan, maraming makabayang samahan ang naitatag sa Asya.Ang
mga samahang ito ay pinangunahan ng mga kabataang nakapag-
aral.Tunghayan natin ang nasyonalismong ipinakita sa Timog at Kanlurang
Asya.

Pag-usbong ng Nasyonalismo Sa Timog Asya: Nasyonalismo


sa India

Ang pananakop ng mga Ingles sa India, ang nagbigay-daan upang


magising ang diwa ng nasyonalismo dito. May ibat- iba mang wika at relihiyon
ang mga Indian ay kumilos at nagkaisa upang umunlad at makabuo ng isang
malayang bansa.

Si Mohandas Gandhi ang Suttee - ang pagpapatiwakal ng mga


nangunang lider nasyonalista sa India. byudang babae at pagsama sa libing
Siya ang nagpakita ng mapayapang ng namatay na asawa.
paraan sa paghingi ng kalayaan.

Pinakinabangan ng husto ng
mga Ingles bilang among kolonyal ng
India, ang mga likas na yaman nito.
Dahil din sa pananakop ay naranasan
din ng mga Indian ang mga patakarang
para sa kanilang kultura ay di angkop.
Tulad na lamang ng pagpapatigil ng
mga Ingles sa suttee o sati. Ipinatigil
din ng mga Ingles ang female
Rebelyong Sepoy- ito ang pag-aalsa
infanticide. Naging dahilan din ng
ng mga Sepoy o sundalong Indian sa
paglaban ng mga Indian sa mga Ingles
mga Ingles bilang pagtutol sa
ang di- pantay na pagtingin sa kanilang pagtatangi ng lahi o racial
lahi. Ito ang naging dahilan upang discrimination.
maisagawa ang pag-aalsa ng mga
Sepoy.

Minsang naipatupad ng mga Ingles ang hindi pantay na pagtrato sa mga


sundalong Indian malimit ay mataas na ranggo at suweldo ang ibinibigay sa
mga sundalong Ingles kaysa sa mga sundalong Indian.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


181
Tumutol din ang mga
Amritsar Massacre- maraming
sundalong Indian,Hindu at Muslim
mamamayang Indian ang namatay sa
sa pagpapagamit sa kanila ng langis
isang selebrasyon dahil sa pamamaril ng
na pinaghihinalaang nagmula sa
mga sundalong Ingles.Sa kaganapang
langis ng hayop para sa paglilinis ng
ito ay namatay ang may 400 katao at
kanilang mga riple at cartridge. Mas
mayroong 1,200 na mga nasugatan.
tumindi pa ang pagpapakita ng
nasyonalismo ng mga Indian nang
maganap ang Amritsar Massacre
noong Abril 13, 1919.

Nagkaroon naman ng
hiwalay na pagkilos ang mga Indian
dahil sa kanilang magkakaibang
pananampalataya. Naitatag ang All
Indian National Congress sa panig
ng mga Hindu na ang layunin ay matamo ang kalayaan ng India. Naitatag
naman ang All Indian Muslim League noong 1906. Pinangunahan ito ni Ali
Jinnah na kung saan ang interes ng mga Muslim ang binigyang- pansin.Layunin
ng mga kasapi nito na magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.

Nanguna si Mohandas Gandhi sa layuning matamo ang kalayaan ng


India. Isang Hindu na nakapag-aral. Nakilala siya sa kanyang matahimik at
mapayapang paraan o non violence means ng pakikipaglaban para sa
kalayaan ng India.Naniniwala siya sa Ahimsa at Satyagraha. Hinimok din ni
Gandhi ang pagboykot ng mga Indian sa lahat ng produkto ng mga Ingles at sa
lahat ng may kaugnayan sa mga Ingles.Maituturing itong isang manipestasyon
ng nasyonalismo sapagkat nagkaroon ng pagtangkilik at mataas na pagtingin
sa sariling mga produkto, bagay ,ideya, kultura na nagmula sa sariling bayan.
Idagdag pa rito ang hindi nila pagbabayad ng buwis sa mga Ingles.

Sinimulan din ni Gandhi ang civil disobedience o hindi pagsunod sa


pamahalaan. Dahil sa pamumuno sa mga protesta naranasan ni Gandhi ang
mahuli at maipakulong.Nabaril at namatay si Mohandas Gandhi na hindi
nagtagumpay na mapag-isa ang Hindu at Muslim sa isang bansa.

Taong 1935 nang pagkalooban ng mga Ingles ang mga Indian ng


pagkakataong mamahala sa India. Subalit ang mga Indian ay hindi nasiyahan
sa pagbabagong ito kung kaya’t nagpatuloy sa paghingi ng kalayaan hanggang
sa ito ay makamtan noog Agosto15,1947. Lumaya ito sa kamay ng mga Ingles
at pinamunuan ni Jawaharlal Nehru. Kaalinsabay nito ang pagsilang ng
bansang Pakistan na nabigyan din ng kalayaan sa ilalim naman ng pamumuno
ni Mohammed Ali Jinnah.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


182
Nasyonalismo sa Kanlurang Asya
Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng
nasyonalismong naipakita ng mga bansa sa Timog Asya. Hindi agad naipakita
ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil karamihan sa mga
bansa dito ay hawak ng dating malakas at matatag na imperyong Ottoman,
bago pa man masakop ng mga Kanluraning bansa noong 1918. Matapos
bumagsak ang imperyong Ottoman masakop at mapasailalim sa mga
Kanluraning bansa,naipatupad sa mga bansa sa Kanlurang Asya ang
sistemang mandato Nagsumikap ang mga bansa sa Kanlurang Asya na unti-
unting makamtan ang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman at mga
Kanluraning bansa.Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng
mga Arabo, Iranians at mga Turko bago pa man ang Unang Digmaang
Pandaigdig.

Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang lumaya sa Kanlurang Asya
noong 1759. Natamo naman ng Lebanon ang kanyang kalayaan mula sa
imperyong Ottoman noong 1770, at noong 1926 ito ay naging ganap na
republika sa ilalim ng mandato ng bansang France.

Isa ang bansang Turkey, na humingi ng kalayaan sa pamumuno ni


Mustafa Kemal na nagsulong sa pagkakaroon ng isang republika. Sa
pamamagitan ng Kasunduang Lausanne noong 1923 naisilang ang Republika
ng Turkey.
Taong 1926 din ipinahayag ni Abdul ang sarili bilang hari ng Al Hijaz,
matapos niyang malipol ang lahat ng teritoryo ay pinangalanan niya itong Saudi
Arabia. Sistemang Mandato. Nangangahulugan
Matapos ang Ikalawang ito na ang isang bansa na naghahanda
Digmaang Pandaigdig noong 1945 upang maging isang malaya at
naisagawa rin ng mga Jew ang nagsasariling bansa ay ipapasailalim
Zionism. Mula ng manirahan ang mga muna sa patnubay ng isang bansang
Jew sa Palestina ay nagsagawa ang Europeo. (Mateo et. al., Asya: Pag-
mga ito ng modernisasyon sa larangan usbong ng Kabihasnan)
Zionism. Ito ang pag-uwi sa lupain
ng industriya,agrikultura, ng Palestine ng mga Jew mula sa
pagnenegosyo, at maging sa larangan ibat ibang panig ng daigdig. (Mateo
ng agham. Ito ang nagbigay-daan upang et. al., Asya: Pag-usbong ng
ang mga Jew ay magkaroon ng mas Kabihasnan)
mataas na antas ng pamumuhay kaysa
sa mga Arabo na naging dahilan naman
upang magkaroon ng hindi magandang
samahan ang dalawang pangkat at sa
bandang huli ay hiniling ng mga Arabo na
ihinto na ang pagbabalik ng mga Jew sa
Palestina.Simula ng maideklara ang Pagbabalik ng mga Hudyo sa
Republika ng Israel noong Mayo 14, Palestine
1948 nagsimula na ang tensyon sa
Palestine.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


183
Holucaoust. Ito ang sistematiko at
malawakang pagpatay ng mga German
Nazi sa mga Jew o Israelite. (Mateo et.
al., Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan)

Pagkatapos mong basahin at suriin ang teksto, ay maaari mo nang


lagyan sagutin ang Pamprosesong Tanong. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

Gawain 2: Tatapusin Ko ang Nasimulan Mo


1. Ang nasyonalismo ay
_______________________________________________
___________________________________________________________
_____
2. Ang mga dahilan ng pagpapakita ng nasyonalismo ng mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya ay
_________________________________________________
___________________________________________________________
_____
3. Ang naging tugon ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya upang maging
mabisa sa pagpapakita ng nasyonalismo at pagkakamit ng kalayaan ay ang
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________
4. Ang mga anyo at manipestasyon ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang
Asya ay
___________________________________________________________
___
___________________________________________________________
_____
5. ( ) Nakabuti / ( ) Hindi nakabuti sa pamumuhay ng mga tao at bansa sa
Timog at Kanlurang Asya ang pagpapakita ng damdaming nasyonalismo
dahil
___________________________________________________________
_____

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


184
Gawain 3:Basa-Suri
Mga Pamamaraang Ginamit sa Timog at Kanlurang Asya sa Pagtatamo ng
Kalayaan Mula sa Kolonyalismong Kilusang Nasyonalista

Mga Nasyonalista Sa Timog At Timog Kanlurang Asya

Sa pagpapakita ng nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang


Asya, nakilala ang mga lider nasyonalista na nagsilbing inspirasyon ng mga
Asyano sa kanilang pamumuhay. Kilalanin natin ang mga nasabing lider
nasyonalista.

Mohandas Karamchad Isang Hindu na nakapag-aral sa isang


Gandhi pamantasan sa England. Nakapagtrabaho
sa South Africa. Siya ang namuno upang
ipaglaban ang hinaing ng mga Indian laban
sa mga mananakop na Ingles.
Si Gandhi ay naging inspirasyon ng
marami dahil sa kaniyang katangi-tanging
tahimik na pamamaraan ng pagtutol upang
matamo ng India ang kalayaan. Nakilala
siya bilang Mahatma o “Dakilang
Kaluluwa”. Tinuruan niya ang mga
mamamayan na humingi ng kalayaan na
hindi gagamit ng karahasan, dahil

naniniwala si Gandhi sa Ahimsa (lakas ng


kaluluwa) at Satyagraha sa
pakikipaglaban. Hindi rin niya sinang-
ayunan ang pagtatangi sa untouchables at
sati na para sa mga kababaihan. Ipinakilala
rin ni Gandhi ang paraang
civildisobedience kung saan ay hinikayat
niya ang mga Indian na gumawa ng
pagboykot o hindi pagbili sa mga kalakal o
produktong Ingles lalo na ang telang
negosyo ng mga ito.Isinagawa rin niya ang
pag aayuno o hunger strike upang makuha
ang atensiyon ng mga Ingles at upang
mabigyan ng agarang pansin ang kanilang
kahilingang lumaya. Labas masok man sa
piitan ay hindi pa rin siya natakot.Sa halip
ay nagpatuloy pa rin si Gandhi sa kaniyang
mapayapang pakikibaka hanggang sa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


185
makamit ng mga Indian ang kanilang
kalayaan.
Nakamit ng India ang kanilang
kalayaan noong Agosto 15, 1947 sa
pamumuno ni Jawaharlal Nehru.
Nabaril at napatay si Gandhi,noong
Enero 30,1948 na hindi nagtagumpay sa
kanyang adhikain na mapagkasundo ang
mga Hindu at Muslim.

Mohamed Ali Jinnah Nakilala siya bilang “Ama ng


Pakistan”, isang abogado at
pandaigdigang lider. Ipinanganak noong
Disyembre 25, 1876, sa Karachi,
Pakistan.Ang kaniyang mga magulang ay
sina Jinnahbha Poonja at
Mithibai.Panganay na anak sa pitong
magkakapatid. Nakapag-aral sa
Pamantasan ng Bombay, Lincoln Inn,
Christian Missionary Society High School,
Sind Madrassa Gohal Das Tej Primary
School at Sindh Madrasatul-Islam.
Naganyak ng kaibigan ng kaniyang ama na
isang dayuhan tulad ni Sir Frederick Leigh

Craft na mag aral sa London. Kabilang si


Ali Jinnah sa Khoja Muslim sect. Siya ay
nakapag asawa sa edad na 15 taong
gulang.
Si Mohamed Ali Jinnah ang namuno
sa Muslim League noong 1905.Layunin ng
samahan ang magkaroon ng hiwalay na
estado para sa mga Muslim.Namuno siya
upang ang Pakistan ay lumaya mula sa
India. Noong Agosto 14, 1947nang
ipinagkaloob ang kalayaan ng Pakistan. Si
Mohamed Ali Jinnah ang itinanghal na
kauna-unahang gobernador heneral ng
Pakistan.
Namatay si Mohamed Ali Jinnah
noong Setyembre 11, 1948.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


186
Mustafa Kemal Ataturk Siya ay isinilang sa Salonika, bahagi
ng imperyong Ottoman noon, ngayon ay
Ssloniki, Greece. Ang kaniyang mga
magulang ay sina Ali Riza Efendi.
Sinasabing nagmula sa pamilya ng mga
Nomads sa Konya,Turkey. Ang kanya
namang ina ay si Zubeyde Hanim.
Nakapag-aral ng elementarya sa Semsi
Efendi School. Nag-aral sa Monastir High
School noong taong 1899.Taong 1905
nang matapos ng pag-aaral sa Ottoman
Military College si Mustafa, at naging
ganap na isang sundalo.
Naging Kapitan ng Ottoman Army at
nagsilbi sa 5th Army sa Damascus na
ngayon ay Syria hanggang noong 1907. Isa
si Mustafa na hindi pumayag sa kasunduan
ng Italy at France noong matapos ang
kanilang digmaan noong1911 hanggang
1912, na hatiin ang Imperyong Ottoman.
Siya ang naging susi sa isang pagkilos na
naganap noong Disyembre 1911 sa Battle
of Tobruk, na kung saan ay may 200 Turko
at Arabong militar lamang ang lumaban sa
2000 Italyanong naitaboy at 200 na nahuli
at napatay, bagamat nagtagumpay pa rin

ang mga ItalyanoSi Mustafa Kemal ang


nagbigay- daan sa pagtatamo ng kalayaan
ng Turkey sa kabila na ito ay binalak
paghati-hatian ng mga Kanluraning bansa
tulad ng France, Britain, Greece at
Armenia. Siya ang tumawag ng halalang
pambansa at hiwalay na parlliamento na
siya ang nagsilbing tagapagsalita
(speaker). Ito ang Grand National
Assembly ng Turkey. Ito ang nagbigay
daan upang ang mga Turkong militar ay
mapakilos na hingin ang kalayaan ng
bansang Turkey.

Ayatollah Rouhollah Si Ayatollah Khomeini ay isinilang


Mousari Khomeini noong Setyembre 24, 1902, lumaki sa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


187
pangangalaga ng kaniyang ina at tiyahin,
matapos mamatay ang kaniyang ama sa
kamay ng mga bandido. Nang mamatay
ang kaniyang ina siya ay naiwan sa
pangangalaga at pagsusubaybay ng
kaniyang nakatatandang kapatid.
Noong 1962 nagsimula si Ayatollah
na maging aktibo sa larangan ng politika.
Kasama siya sa mga pagkilos at
pagbatikos sa mga karahasang
isinasagawa ng kanilang Shah sa mga
mamamayan at ang tahasang pagpanig at
pangangalaga nito sa interes ng mga
dayuhan tulad ng Estados Unidos. Si
Ayatollah rin ay gumawa ng
makasaysayang pagtatalumpati noong
Hunyo 3, 1963 laban sa patuloy na
pagkiling ng Shah ng Iran sa mga
makadayuhang pakikialam at pagsuporta
nito sa Israel. Sa pamamagitan ng gawaing
ito ay naaresto at nakulong si Ayalollah na
umani ng malawakang pagsuporta ng mga
mamamayan na naging sanhi ng
kaguluhan sa bansa.
Naranasan din ni Ayatollah ang
maipatapon sa ibang bansa tulad ng
Turkey at Iraq noong Nobyembre 1964,

dahil sa pagsusulat at pangangaral laban


sa pamunuang mayroon ang kaniyang
bansa. Pagkatapos mabuwag ang
pamahalaan ng Iran sa pamamagitan ng
Rebolusyong Islamic noong 1979 at
mapatalsik ang Shah muling bumalik si
Ayatollah sa Iran na muling tinanggap ng
mga mamamayan. Noong Pebrero 1989
siya ay nagpalabas ng isang Fatwa sa
estasyon ng Tehran Radio na nagbibigay
ng parusang kamatayan laban sa isang
manunulat na Ingles na si Salman Rushdie
at sa kaniyang tagapagpalimbag ng aklat
na may titulong Satanic Verses.
Namatay si Ayatollah noong Hunyo 3,
1989 sa gulang na 70 taon.KInikila siya

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


188
bilang isa sa mga malupit na lider ng ika-20
siglo.

Ibn Saud Si Ibn Saud ang kauna-unahang hari


ng Saudi Arabia. Isinilang noong
Nobyembre 24,1880 sa Riyadh, anak ni
Abdul Rahman Bin Faisal. Ang kaniyang
pamilya ay kabilang sa mga pinunong
tradisyunal ng kilusang wahhabi ng Islam
(ultra orthodox). Minsang nakulong sa
Kuwait ang kaniyang pamilya.Taong 1902
nang muling mapasakamay nila ang
Riyadh, samantalang taong 1912 naman
nang masakop niya ang Najd at dito ay
bumuo ng pangkat ng mga bihasang
sundalo.Matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig,sinikap ng mga Ingles na
mapalapit sa kaniya, ngunit di ito
nagtagumpay sa halip ay pinaboran ang
kaniyang katunggali na si Husayn Ibn Ali ng
Hejaz. Taong 1924-1925 napabagsak ni
Ibn Saud si Husayn at iprinoklama ang
kaniyang sarili bilang hari ng Hejaz at
Nejd.Pagkatapos matipon ang halos
kabuuan ng Tangway Arabia taong 1932
binigyan ni Ibn Saud ang kaniyang
kaharian ng bagong pangalan bilang Saudi

Arabia. Nagtagumpay siya na mahimok


ang mga Nomadikong tribo o pangkat-
etniko na mapaayos ang kanilang
pamumuhay at iwasan na ang gawain ng
panggugulo at paghihiganti. Sa kaniya ring
pamumuno ay nawala ang mga nakawan at
pangingikil na nangyayari sa mga
dumadalo ng pilgrimage sa Mecca at
Medina.
Si Haring Ibn Saud ang nagbigay ng
pahintulot sa isang kompanya ng Estados
Unidos noong 1936 at 1939 upang
magkaroon ng oil concession sa Saudi
Arabia. Pinatunayan ng bansa na ang mina
ng langis ang pinakamayaman sa daigdig

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


189
na nakatulong upang ito ay magkaroon ng
pambansang pag-unlad.
Noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig si Haring Ibn Saud ay
nanatiling neutral ngunit di rin naiwasan na
siya ay minsang pumabor sa mga Allies.
Hindi siya seryosong nakialam sa
Digmaang Arab Israel noong 1948.
Pinalitan siya ng kaniyang panganay na
anak na si Prince Saud.

Tunay na maraming lider Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang


nagpamalas ng pagiging makabayan, nagpunyagi at nagtagumpay na matamo
ang inaasam na kalayaan ng kani-kanilang mamamayan at bansa.

Tiyak akong nawili ka sa pagbabasa ng talambuhay ng ating ilang


sikat na Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya. Para mas lumalim ang
iyong pagkaunawa sa paksa, sagutin mo ang Pamprosesong Tanong sa
iyong kuwaderno.

Pamprosesong Tanong
1. Sino sa mga naging pinunong nasyonalista sa Timog at
Kanlurang Asya ang nais mong tularan? Bakit?
2. Anong gawain ng isang karaniwang mamamayan na katulad
mo sa kasalukuyan, ang maaaring magpamalas ng
pagmamahal sa bansa ? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Sino sa mga lider sa Timog at Kanlurang Asya sa kasalukuyan
ang kakikitaan natin ng pagiging makabayan sa kabila ng mga
naranasang kaguluhan sa kanilang bansa? Bakit?

Sa puntong ito ay maaari mong mabatid ang karanasan at


pangyayaring naganap sa mga bansa rito noongUna at Ikalawang
digmaang pandaigdig. Mababatid mo rin ang epekto nito sa pamumuhay
ng mga Asyano.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


190
Basahin, Unawain at Suriin

Ang Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang Digmaang


Pandaigdig
Ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider nasyonalista sa mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya upang matamo ng mga Asyano ang
kanilang kalayaan sa kamay ng mga imperyalisyalistang bansa ay mas
nasubok ng maganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang
mahalagang kaganapan sa Asya ang mga nabanggit na digmaan dahil sa
malaking epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano.

Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918)


Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang higit na
nag-udyok sa mga Asyano na magkaroon ng mga pagbabago at higit na
magpunyagi sa pangunguna ng mga lider Asyano nito na matamo ang
minimithing kalayaan para sa mga bansa lalo na si Timog at Kanlurang
Asya.Tunghayan natin sa araling ito ang mga tunay na kaganapan ukol dito.
Noong Agosto 1914 nang sumiklab ang UnangDigmaangPandaigdig.Dahil sa
pag-aalyansa ng mga bansang Europeo at ang pag-uunahan sa teritoryo upang
maisakatuparan ang kani-kanilang interes. Ang alyansa ng Germany,Austria at
Hungary ay tinawag na Central Powers, samantalang ang mga Allies naman
ay binubuo ng France, England at Russia.Isang mahalagang pangyayari at
dahilan din sa pagsiklab ng nasabing digmaan ang pagkamatay ni Archduke
Francis Ferdinand ng Austria.

Nakasentro man sa Europa ang digmaan, nakaapekto rin ito sa


Asya.Tulad sa India na ang nasyonalismo at pangkalayaang kilusan ay
nagkaisa at tumulong sa panig ng mga Allies. Sa pamamagitan ng
pagpapadala ng mga Indian sa labanan sa ilalim ng mga opisyal na Ingles.
Kaalinsabay nito ay pagkakaisa rin ng mga kilusang Muslim at Hindu na
pansamantalang isinantabi ang di- pagkakasundo dahil kapwa silang
naghangad na mabigyan ng karapatang mamahala sa sarili. Pinangunahan ni
Gandhi ang kilusan sa pamamagitan ng pamamaraang payapa ayon sa
satyagraha (non- violence).

Sa pamamagitan ng bansang Iran, ang Rusya at Britanya ay nagsagawa


ng pag- atake sa Ottoman Empire na kung saan ay nakipag-alyado sa
Germany. Sa kabila nito, ang Iran ay walang pinapanigan. Ang digmaang ito ay
nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian, pagpatay
ng maraming Iranian at nagdulot ng pagkagutom. Ang kawalan ng pagkilos ng
pamahalaang Iran sa pagkakataong ito, ay nagbigay- daan sa malawakang
pag-aalsa at pagkilos na humihingi ng kalayaan para sa Hilagang Iran noong
1915-1921.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


191
Taong 1919 , hiniling ng Britanya sa Punong Ministro ng Iran na lumagda
sa isang kasunduang magbibigay ng malawak na kapangyarihan sa pagkontrol
ng ekonomiya,politika,pangmilitar sa bansang Iran na magbibigay- daan sa
pagiging ganap na protektadong bansa ng Britanya. Ang pangyayaring ito, ang
nagbigay-daan upang magalit ang mga pangkat ng nasyonalista sa Iran. Sa
pamamagitan ng pagbatikos sa kasunduang ito sa mga pahayagan at pag-
aalsa ay napigilan ang nasabing kasunduan noong 1926.

Natalo sa digmaan ang Central Powers sa Versailles, France kasunod


ng isang kasunduan na tinawag na Treaty of Versailles na naghuhudyat sa
pormal na pagtatapos ng digmaan. Isa sa mga epekto ng Unang Digmaang
Pandaigdig ay ang pagpasok ng mga Kanluraning bansa sa Kanlurang Asya
dahil sa pagbasak ng imperyong Ottoman. Natuklasan ang langis sa Kanlurang
Asya noong 1914, dahilan upang mas maging interesado ang mga Kanluraning
bansa dito at magtatag ng sistemang mandato. Ibinigay sa bansang France
ang mandato para sa Syria at Lebanon, napasakamay naman ng mga Ingles
ang mandato para sa Palestina. Ang mga lokal na pamamahala sa mga
bansang ito ay nanatili ngunit pinamahalaan ng mga dayuhan ang aspetong
pang-ekonomiya. Nanantiling malaya ang ibang bansa sa Kanlurang Asya
ngunit di pa rin nakaligtas sa kontrol ng mga Kanluraning bansa. Isang
halimbawa nito ay ang pamumuno ni Haring Ibn Saud sa Saudi Arabia, habang
lahat ng kompanyang naglilinang ng langis ay pag-aari naman ng mga
dayuhan.

Ipinalabas ang Balfour Declaration noong 1917 ng mga Ingles na kung


saan nakasaad dito na ang Palestina ay bubuksan sa mga Jew o Israelite
upang maging kanilang tahanan (homeland). Ito ang naging dahilan upang
magkaroon ng di -pagkakaunawaan ang mga Muslim at Jew na nagsimulang
magsiballik sa Kanlurang Asya mula sa Europa.

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay lumakas sa bansang


India ang kilusang Nasyonalismo na naging daan upang magkaisa ang pangkat
ng Hindu at Muslim. Nagkaroon sa bansang India ng malawakang
demonstrasyon, boykot at di pagsunod sa mga kautusan ng Ingles, dahilan
upang bigyan ang bansang India ng autonomiya.
kalawang Digmaang Pandaigdig

Nagsimula sa Europa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong


Setyembre1939. Taong 1942,isang kasunduan ang pinangunahan ng Estados
Unidos ang Tehran Conference na nagsasaad na kapwa lilisanin ng Rusya at
Britanya ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya. Mayo 1946
nang sinimulang alisin ng Rusya ang kaniyang mga tropa sa Iran na hindi
naman tuluyang naisakatuparan bagkus ay nagdulot pa ito ng Azerbaijan
Crisis .Itinuturing ito na unang di- pagkakaunawaan na dininig ng Security
Council ng United Nations. Ito ang nagbigay- daan sa Cold War na
kinasangkutan ng Estados Unidos at kaniyang mga kaalyado, kontra naman sa
Rusya kasama rin ang kaniyang kaalyadong bansa.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


192
Isa rin ang bansang India na kolonya noon ng Inglatera ang
naapektuhan matapos ang digmaan dahil minsan na rin niyang binigyan ng
suporta ang Inglatera sa pakikidigmang ginawa nito. Si Gandhi at ang kaniyang
mga kasamahan ay nagprotesta tungkol dito dahil ayaw nila ng digmaan. Sa
pagtatapos ng digmaan lalong sumidhi ang laban ng mga taga- India para sa
kalayaan ngunit naging daan ito upang muling hindi magkaisa ang mga Indian.
Sa paglaya ng India noong 1947, ito ay nahati sa dalawang pangkat ang Hindu
at Muslim. Ang India para sa mga Hindu at Pakistan para sa mga Muslim.
Sa panig naman ng bansang Israel nangako ng kalayaan ang Britanya sa
mandatong lupain ng mga Hudyo at Arabo. Kapwa umasa ang dalawang
pangkat na magkaroon ng teritoryo. Maraming Hudyo na nagmula sa ibat ibang
bahagi ng Europa matapos ang digmaan ang nagpunta sa Palestina na
itinuturing nilang lupang kanilang pinagmulan.Hinangad ng mga Hudyo na
magkaroon ng sariling lupa sa Palestina na maaari nilang matawag na bansa.
Tinutulan ito ng mga Arabong nag- aangkin ng kabuuang Palestina sa dahilang
napakaraming taon na itong naging tahanan ng kapwa nila Arabo. Simula nang
suportahan ng Britanya ang Israel para sa pagtatatag ng sariling estado hindi
na ito napayapa dahil para sa mga Muslim ang pagsuportang ito ay
nangangahulugang hadlang sa pagtatatag naman ng isang malayang lupain ng
mga Arabo.

Maituturing na pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya,


pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang inaasahang pagkakamit
ng kalayaan ng mga bansa sa Asya sa Timog at Kanlurang Asya.

Upang masubok ko na ikaw ay nakapagsuri nang maayos tungkol


sa mga epekto ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa mga bansa
sa Timog at Kanlurang Asya ay maaari mo nang gawin ang kasunod na
Tree Diagram.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


193
Gawain 4: Tree Diagram
Lagyan ng wastong impormasyon ang sumusunod na bahagi ng Tree
Diagram. Maari mong kulayan ang Tree Diagram upang maging kaakit-akit.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Epekto ng mga Digmaang Pandaigdig sa Pag-unlad ng Nasyonalismong


Asyano sa Timog at Kanlurang Asya

Unang Digmaang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig (1914) Pandaigdig

Epekto Epekto

Kanlurang Timog Kanlurang Timog


Asya Asya Asya Asya

Binabati Kita! Ngayon ay natapos mo na ang pag-unlad ng iyong


mga kaalaman sa araling ito.
Batid kong may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa
mga dahilan, pamamaraang ginamit at epekto ng pagpapakita ng
nasyonalismo sa pamumuhay ng mga tao at bansa sa Timog at
Kanlurang Asya. Nakasisiguro akong handa ka na sa susunod na bahagi
ng modyul na ito, upang mapagnilay at maunawaan pa ang tungkol sa
paksang ito.

Pagnilayan at Unawain

Sa bahaging ito ng Modyul, ay pagtitibayin mo ang nabuong mga


pag-unawa tungkol sa paksa. Ngayong natapos mo na ang mga aralin ay
maaari mo nang sagutin ang susunod na gawain.
Upang lubos na masubok ang iyong pag-unawa sa natalakay na
paksa tungkol sa nasyonalismo ay maaari mong basahin ang isang
napapanahong balita na may kaugnayan sa ilang bansa sa Kanlurang
Asya. Maari mong suriin ang nasabing balita sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga gabay na tanong tungkol dito. Simulan mo na!

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


194
Gawain 5: Reflection Log

Ang nasyonalismo ay nakakabuti dahil


_______________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________.

Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging Asyano dahil sa natatanging mga


nagawa ng mga kilalang nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya na
nagpapatunay na ang Asyanong katulad ko ay
__________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________.

ILIPAT AT ISABUHAY

Saludo ako sa iyo! Magaling mong napagtagumpayan ang gawain


sa bahagi ng Pagnilayan at Unawain para sa Aralin 2. Ngayon ay mayroon
ka nang sapat na kaalaman tungkol sa naging mga epekto ng
Nasyonalismo sa pamumuhay ng mga tao at bansa noon at sa
kasalukuyan sa Timog at Kanlurang Asya. Tiyak akong handa ka na para
sa susunod mo pang gawain.

Gawain 6: Pangako ko sa Bayan!


Sa bahaging ito ng modyul, gamit ang isang bond paper, gagawa ka ng
pangako ng pagmamahal sa isa sa sumusunod:
Tahanan
Pamayanan/ Barangay
Paaralan

Bibigyang-pansin din ang katangiang dapat taglayin ng isang pangako


bilang awtputsa pagmamarka sa pamamagitan ng isang review sheet na
naglalaman ng sumusunod na katangian at may puntos 1, bilang
pinakamababa at 5, bilang pinakamataas:

Ebidensya ng kakayahang maglapat ng kaalaman sa


bagong sitwasyon 12345
Malinis at Maayos ang pagkakaguhit at pagkakakulay 12345
Malikhain at may malakas na pang-akit 12345
Epekto sa nagwawasto 12345

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


195
Kaugnayan ng Ibat ibang Ideolohiya sa mga Malawakang
Kilusang Nasyonalista

ALAMIN

Nalaman mo sa nakaraang aralin kung paano nalinang ang


nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Ngayon naman ay aalamin
mo ang pagkakaroon ng Ibat 'ibang ideolohiya at ang kaugnayan ng mga
ito sa malawakang mga kilusan nasyonalista.

Gawain 1: Word Web


Sa pamamagitan ng sumusunod na diagram, isulat ang mga salitang
kaugnay sa salitang ideolohiya.

IDEOLOHIYA

PAUNLARIN

Sa bahaging ito ay malilinang mo pa ang iyong kaalaman sa iba’t


\
ibang ideolohiya at sa mga malawakang Kilusang Nasyonalista sa Timog
at Kanlurang Asya. Maaari mo nang balikan ang mga katanungan at
kasagutan na nabuo sa Alamin sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain at
mga tekstong nakahanda dito.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


196
Gawain 2:Basahin at Suriin
Sa bahaging ito, suriin ang sumusunod na teksto at alamin kung ang
nabuo at ibinahagi ninyong mga kaisipan at ang nilalaman ng teksto ay
nagkakatugma.
Iba’t ibang Ideolohiya at ang mga Malawakang Kilusang Nasyonalista sa
Timog at Kanlurang Asya

Bakit iba’t ibang ideolohiya ang sinusunod ng mga bansa? Paano ang
mga ideolohiyang ito ay nakatulong o nakaapekto sa pagkakaroon ng mga
Kilusang Nasyonalista? Paano ang mga ito ay nagsilbing instrumento sa
paglaya ng mga bansa?

Ang mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga


suliranin at pangangailangan ng mga mamamayan ay ipinahahayag ng mga
ideolohiya. Naaayon din ang mga ito sa kultura at kasaysayan ng bansa. Ang
ideolohiya ay nahahati sa dalawang pangunahing kategorya – ang
ideolohiyang pang-ekonomiya at ideolohiyang pampolitika.

Ang ideolohiyang pang-ekonomiya ay nakatuon sa mga patakarang


pangkabuhayan ng bansa at paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa mga
mamamayan. Samantala, ang ideolohiyang pampolitika ay nakapokus sa
paraan ng pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad ng mga mamamayan.
Nauugnay ang politikal na ideolohiya sa mga kilusan para sa panlipunang
pagbabago. Hinihikayat nito ang mga tao na kumilos ayon sa ninanais nilang
mga pagbabagong kaayusan.

Sa pangkalahatan iba’t ibang ideolohiya ang nabuo sa Asya. Ito ay ang


Demokrasya, Sosyalismo, Komunismo at Pasismo, Pag-aralan natin ang piling
kaso ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Timog Asya

India at Pakistan
Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na naging malaki ang impluwensiya
ng demokrasya sa mga kilusang nasyonalista. Sa India, sa ilalim ng pananakop
ng mga British, maraming Indian ang naging aktibo sa muling pagbuhay ng
kaisipan at tradisyong Hindu. Hindi matanggap ng mga Indian ang pagbalewala
at pag-alis sa kanilang mga nakagisnang kultura. Hinimok ni Swarmi Dayanand
Saraswati, isang nasyonalista, ang muling pagbasa ng mga Veda upang
maging batayan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Indian. Hinangad
din ng mga Indian ang pagkakaroon ng konstitusyon na magbibigay sa kanila
ng mas malaki at malawak na pagkakataong makalahok sa pamamahala sa
bansa. Naging mabagal ang pagkakaloob ng mga British sa mga hinihinging
pagbabago ang nagtulak sa mga Indian upang maglunsad at magpalaganap
ng isang kilusang rebolusyonaryo. Pinangunahan ni Bal Gangadhar Tilak ang

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


197
tinawag na militanteng nasyonalismo. Nagsagawa sila ng marahas na pagkilos
laban sa mga British mula 1905 hanggang 1914. Samantala, may mga Indian
naman na nagpamalas ng moderatong nasyonalismo sa pamumuno ni
Mohandas Gandhi. Siya ay naging pangulo ng All India National Congress na
naitatag noong 1885.

Noong 1935, nagbigay ang Great Britain sa India ng isang bagong


konstitusyon na nagkaloob ng isang lehislatibong bikameral at pederal,
sanggunian ng mga estado at ng kapulungan. Tinanggihan ito ng mga Indian
at Muslim. Para sa mga Muslim, kung mga Hindu ang mas magkakaroon ng
control sa India, mapipinsala ang kanilang kultura at relihiyon. Upang
mabigyang - proteksiyon ang kanilang mga karapatan at kapakanan, itinatag
ang Muslim League noong 1906. Ito ay sa pangunguna ni Muhammad Ali
Jinnah. Naging masigla ito sa kanilang mga gawain. Hiniling niya noong 1947
ang isang hiwalay na bansang Muslim. Ito ay nagbigay- daan sa pagbuo ng
bansang Pakistan na naihayag ang kasarinlan kasabay ng India noong Agosto
14, 1947.

Sri Lanka at Maliliit na Estado sa Timog Asya


Pinamunuan ng Great Britain ang Sri-Lanka at buong sub-kontinente ng
India sa loob ng isa’t kalahating dantaon(1796-1947). Noong 1915, itinatag nila
ang Ceylon National Congress na unang partidong pulitikal.Namuno ito upang
ipaglaban ang kasarinlan ng bansa. Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, pinamunuan ni Don Stephen Senanayake, ang itinuturing na “Ama
ng Kasarinlang Sri-Lanka, ang pakikipaglaban para sa kasarinlan. Sila ay
sinuportahan ng lahat ng pangkat- etniko. Noong Pebrero 4, 1948, ipinahayag
ang kasarinlan ng bansa.

Samantala, sa Nepal, noong 1990, naganap ang mapayapang


Rebolusyong People Power. Nagsilbing inspirasyon nila ang katulad na EDSA
Rebolusyon sa Pilipinas noong 1986.Noong Disyembre 24, 2007, ipinahayag
ng Nepalese Constituent Assembly na lalansagin ang monarkiya sa 2008
pagkatapos ng eleksyon sa Asemblea. Noong Mayo 28, 2008, idineklara ang
Nepal bilang isang Federal Democratic Republic.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


198
Kanlurang Asya

Israel
Natagpuan ng mga Hudyo ang kalayaan at oportunidad sa
pamamagitan ng United States. Naging instrumental ang pamahalaan ng US
sa pagtulong sa mga Hudyo.

Sa pagtatapos ng ika-19 na dantaon, sumibol ang mga pagkilos upang


ang mga Hudyo ay makabalik sa kanilang lupain. Itinatag ang Kilusang
Zionismo sa Basel, Switzerland noong 1897 ni Theodor Herzl (1860-1904),
isang Austro-Hungarian. Nagsimula ang kilusan sa pagbabalik ng mga Hudyo
sa kanilang “lupaing pangako.” Libo-libong migranteng Hudyo ang pumunta sa
Palestine at doon ay muling nanirahan. Ikinagalit ito ng mga Palestiniang Arab.
Kaya noong 1921, inayos ng mga British ang usapin tungkol dito na nagdulot
ng paghahati sa Palestine.Nagkaroon ito ng dalawang estado – isa para sa
mga Hudyo at ang isa ay para sa mga Arab. Ipinangako sa bawat isa ang kani-
kanilang kasarinlan. Subalit ang bawat isa ay hindi nasiyahan.Ang panahon ng
partisyong ito (1920-1948) ay nagging bpuno ng madudugong labanan sa
pagitan ng mga Hudyo at Arab.

Ang kasukdulan ng mapait na nakaraan ng mga Hudyo ay ang ginawang


pagpatay sa milyon-milyong mga Hudyo na nasa Europa noong panahon ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig(1939-1944). Isinagawa ito ng Nazi Germany
sa pamumuno ni Adolf Hitler. Ang pangyayaring ito ay tinawag na “Holocaust,”
na naging rallying point ng mga Hudyo at ng kanilang mga tagasuporta.

Inihayag ang malayang nasyon ng Israel sa Tel-Aviv noong Mayo


14,1948. Tinawag itong Republika ng Israel at ang naging unang Punong
Ministro ay si David Ben-Gurion.

Iraq
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Ang Iraq at Palestine
ay napailalim sa pamamahala ng Great Britain. Dahil sa di-maayos na
pamumuno at kapabayaan ng mga Ottoman, su mibol ang mga kilusang
makabayan noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon.Sumiklab ang
nasyonalistang pag-aalsa sa Baghdad at nahirapang ang mga hukbong British
sa paggapi sa mga ito. Upang mahikayat na pumanig sa kanila, pumayag ang
mga British sa hiling ng mga nasyonalistang Iraqi. Ipagkakaloob sa kanila ang
kasarinlan at itatatag nila ang Kaharian ng Iraq at iluluklok si Faisal bilang hari.
Noong Agosto 23,1921, siya ay naluklok bilang hari. Ipinagkaloob ng Great
Britain ang kasarinlan ng Iraq noong 1932. Gayunman, kontrolado ng mga
Kanluraning Kompanya ang industriya ng langis pagkaraang matuklasan ito
noong 1927.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


199
Nagpatuloy ang kaguluhan sa Iraq. Mula nang mamatay si Haring Faisal
I noong 1933 hanggang dekada 1960, tagpo ng magkakasunod at
madudugong kudeta ang Iraq. Sa mahabang panahon, nakilala ang Iraq na
“Republika ng Takot” dahil ang mga pagbabago ng pamahalaan ay madalas na
humahantong sa karahasan. Ilang ulit na nagpalit ng mga administrasyon sa
bansa at nangyari ito gamit ang karahasan, pananakot o pakikipagdigmaan.
Hindi nila kinilala ang demokrasya, kalayaan, mga karapatang pantao,
malayang eleksyon at malayang pananalita sa kanilang bansa. Naging
malakas na puwersa ang military sa bansa. Bagaman, umaasa pa rin ang mga
Iraqi at ang sandaigdigan na maghahari ang kapayapaan at demokrasya at
paggalang sa mga karapatang pantao.

Saudi Arabia
Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng buwis, naghangad ng
kasarinlan ang mga Arab mula sa mga Turk. Noong 1744, nagsanib ang
puwersa nina Muhammad ibn Saud, isang pinunong Arab at Muhammad ibn
Abd-al-Wahhab, isang kleriko upang makapagtatag ng alyansang politikal. Ito
ang nagging pundasyon ng dinastiyang namumuno ngayon sa Saudi Arabia.
Noong Unang Digmaang Pandaigdig, tumulong si Haring Abdul Aziz at ang
mga nasyonalistang Arab sa mga British sa pakikipaglaban sa mga Ottoman
Turk.Nangako ang Britain na ipagkakaloob ang kanilang kasarinlan. Pinag-isa
ni Kor. Thomas Edward Lawrence ang nagdidigmaang mga tribung Arab.
Pinamunuan niya ang mga ito sa paggapi sa mga puwersang Turk-German.

Ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz


Ibn Saud. Sinakop niya ang Riyadh noong 1902 at ginawa niyang lider ang sarili
ng kilusang makabayan ng mga Arab. Noong 1932, inihayag niya ang sarili
bilang Hari ng Saudi Arabia.

Walang demokrasya sa bansa at hindi tinatanggap ng absolutong


monarkiya ng Saudi ang mga pagtutol. Kontrolado ang pamahalaan ng isang
pamilya- ang mga Saud. Ang hari ang gumagawa ng mga batas at kasunduan.
Walang eleksyon, walang partidong politikal dito, walang lehislatura.

Sa pamamagitan ng langis, lakas at sandatahan, at ugnayang


internasyunal, nagagawa ng mga taga Saudi ang makipagpowerplay sa
pulitika.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


200
Pamprosesong Tanong
1. Paano ang iba't ibang ideolohiya ay nakaapekto sa
pagkakaroon ng malawakang kilusang nasyonalista?
2. Sa kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya, anong ideolohiya
ang higit na nakaapekto sa pagkakaroon ng malawakang
kilusang nasyonalista? Bakit?
3. Paano sa pamamagitan ng nabanggit na mga ideolohiya ang
mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ay nagkaroon ng
transpormasyon?

Gawain 3: Ideolohiya, Ilista Mo!

Ilista sa talahanayan ang mga bansang naniniwala sa ideolohiyang


demokrasya, sosyalismo, at komunismo.

Demokrasya Sosyalismo Komunismo

Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang bahaging ito ng


aralin.Ngayon ay naniniwala ako na ikaw ay may lubos ng kaalaman
tungkol sa iba't-ibang ideolohiya ng mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya. Upang higit mong mapalalim at mapalawak ang pag-unawa sa
paksang ito, maaari mo nang ipagpatuloy ang pagtalima sa susunod na
mga gawain.

Pagnilayan at Unawain

Sa bahaging ito, ay patutunayan mo na lubos mong naunawaan


ang paksa. Inaasahan din na higit kang magiging mapanuri sa naging
kaugnayan ng malawakang kilusang nasyonalista at ang idinulot nitong
transpormasyon sa Timog at Kanlurang Asya sa pamamagitan ng
pagsagot sa susunod na gawain.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


201
Gawain 4: Lesson Closure
Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Sa araw na ito ay natutuhan ko na:

1. Ang pinakamahalagang ideya na nakaapekto sa akin ay


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ito ay mahalaga sapagkat
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Sa kabuuan, napagtanto ko na
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

ILIPAT AT ISABUHAY

Saludo ako sa iyo! Magaling at matiyaga mong napagtagaumpayan


ang mga gawain mula sa Alamin hanggang Pagnilayan at Unawain. Sa
puntong ito, ay magagamit moa ng iyong mga natutuhan sa pagtupad ng
susunod na gawain.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


202
Gawain 5: Larawan ng Pagbabago
Batay sa mga larawan sa ibaba, pumili ng isa at kilalanin kung sino siya
at ipaliwanag ang kanyang naging instrumento sa pagbabago ng ating bansa.
Iugnay ang kanilang nagawa sa mga pagbabagong ginawa sa Timog at
Kanlurang Asya.

Sa pagkakataong ito tapikin mo ang iyong balikat at ang balikat


nang iyong katabi at sabihin sa kaniya, “Ang Galing mo Kaibigan”.
Mahusay ang iyong ginawang paglalapat.
Sa susunod na aralin, tatalakayin at uunawain naman natin ang
balangkas ng pamahalaan ng ilang mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya gayundin ang mga palatuntunang nagtataguyod sa kagalingang
panlahat at ng kababaihan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


203
Mga Pagbabago sa Timog at Kanlurang
Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon

Sa nakaraang modyul ay nailarawan ang pag-usbong ng nasyonalismo


sa Timog at Kanlurang Asya. Napag-aralan din natin ang mga pamamaraang
ginamit sa pagtatamo ng kalayaan.

May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:


1. Balangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya
2. Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan
3. Mga Pagbabago sa Ibang Aspekto ng Pamumuhay sa Timog at
Kanlurang Asya

Pagkatapos ng mga araling ito, inaasahang matutuhan moa ng


sumusunod:
1. Natataya ang mga pagbabago sa mga bansang bumubuo sa Timog
at Kanlurang Asya
2. Nasusuri ang balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya
3. Napahahalagahan ang mga palatuntunang nagtataguyod sa
karapatan ng mamamayan sa pangkalahatan, at ng kababaihan,
grupong katutubo, mga kasapi ng caste sa India at iba pang sektor
ng lipunan
4. Nasusuri ang kalagayan at papel ng kababaihan sa iba’t ibang
bahagi ng Timog at Kanlurang Asya at ang kanilang ambag sa bansa
at rehiyon
5. Nasusuri ang kinalaman ng edukasyon sa pamumuhay ng mga
Asyano sa Timog at Kanlurang Asya
6. Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t
ibang aspeto ng pamumuhay
7. Natataya ang mga kasalukuyang pagbabago pang-ekonomiya na
naganap/ nagaganap sa kalagayan ng mga bansa
8. Napagahahambing ang pagkakaiba-iba ng antas ng pagsulong at
pag-unlad ng Timog Asya gamit ang estadistika at kaugnay na
datos.
9. Nasusuri ang mga anyo at tugon sa neokolonyalismo sa Timog Asya
10. Nasusuri ang epekto ng kalakalan sa pagbabagong pang-ekonomiya
at pangkultura ng mga bansa sa Timog Asya
11. Napahahalagahan ang kontribusyon ng Timog Asya sa larangan ng
sining at humanidades at palakasan

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


204
12. Napahahalagahan ang pagkakakilanlan ng kulturang Asyano batay
sa mga kontribusyong ito

Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na


tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na
inihanda para sa iyo.

Panimulang Pagtataya
1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas
Gandhi upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?
A. Passive resistance
B. Armadong pakikipaglaban
C. Pagbabago ng Pamahalaan
D. Pagtatayo ng mga partido pulitikal

2. Naghangad rin ng kanyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang


isinagawa nito upang matamo ang kanyang hangarin?
A. Nakipag-alyansa sa mga Kanluranin
B. Itinatag ang Indian National Congress
C. Binoykot ang mga produktong English
D. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan

3. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi


katanggap-tanggap sa mga Indian. Alin ang isang pagbabagong hindi
matanggap ng mga Indian?
A. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa
pamantayang
Ingles
B. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga
baybaying-
dagat
C. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa
pamahalaan
D. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon

4. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Britanya noong 1947, nahati
ito sa dalawang estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano ang epekto
nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?
A. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindu.
B. Nahati ang simpatiya ng mga mamamayan sa dalawang estado.
C. Nagsilikas ang karamihan ng mga mamamayan sa ibang bansa.
D. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


205
5. Ang patuloy na paglalaban ng India at Pakistan ay dahil sa kapwa nila
nais angkinin ang teritoryong Kashmir. Ano ang epekto ng nasyonalismo sa
sigalot na ito?
A. Naniniwala ang dalawang magkalabang bansa na pag-aari nila ang
Kashmir.
B. Nais ng dalawang bansa na patunayang makapangyarihan sila.
C. Umasa ang mga mamamayan na malulutas din ang sigalot na ito.
D. Tumanggi ang dalawang bansa sa pakikialam ng United National
Organization (UNO) sa paglulutas ng kanilang suliranin

6. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nagsimulang pinakialaman ang


pulitika ng bansa sa pamumuno ng British East India Company. Naging
mababa ang pagtingin ng mga Ingles sa kultura ng India. Maging ang
pamamahagi ng mga lupain ay binago rin ng mga Ingles. Sa ganitong
pangyayari, napilitan ang mga manggagawang Hindu na mag-aral ng Ingles
upang mapaunlad ang sariling kakayahan sa paghahanapbuhay. Anong
implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan?
A. Ang pananakop ng mga dayuhan ay nagsilbing aral ng India.
B. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ay nakatulong sa pag-unlad ng
kulturang Hindu.
C. Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa
kabuhayanng mga Hindu.

7. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?


A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng
mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang
bansa.
C. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.

8. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri ng


nasyonalismo ang isinagawa ni Gandhi laban sa pananakop ng Britanya?
A. Aggressive
B. Defensive
C. Passive
D. Radikal

9. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang


India?
A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
B. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
C. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga India

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


206
10. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa
rehiyong Asya?
A. pag-unlad ng kalakalan
B. pagkamulat sa Kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang
likas
11. Isinusulong naman ni Mahatma Gandhi ang kanyang pananaw na ang
pinuno
ng bansa ang siyang magpakita ng pagpapahalaga sa moralidad. Ang
pagpapahalaga na sinasabi ni Gandhi ay ang:
A. maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon
B. mabuting relasyon sa karatig bansa
C. pagkakaroon ng isang asawa at isang pamilya
D. maging bukas o transparent sa lahat ng kanyang gawain sa tulong sa
bayan

12. Dalawang anyo ng nasyonalismo ang ipinakita ng mga Hindu laban sa mga
British. Isa dito ay ang kilusang pinamunuan ni Bal Gangadhar Tilak na
tinawag na rebolusyonaryong kilusan dahil gumamit ito ng marahas na
pagkilos. Ang nakatawag pansin ay ang pinamunuan ni Mohandas K.
Gandhi
dahil:
A. Mga bata ang kinasangkapan niya sa paglaban sa British
B. Namahagi siya ng mga produktong Hindu
C. Isinagawa niya ito kasama ang mga guro
D. gumamit ng paraang tahimik tulad ng di pagsunod sa mga kagustuhan
ng
mga British

13. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay


daan ito para ang mga Asyano ay matutong:
A. pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
B. pagiging mapagmahal sa kapwa
C. makisalamuha sa mga mananakop
D. maging laging handa sa panganib

14.Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang


epekto sa mga bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto
ng
pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon
na
nagdulot nang mabilis pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


207
B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa
panahon ng pananakop ng mga Kanluranin
C. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang
katutubo at dayuhan
D.Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng
mga
produktong Kanluranin

15. Ano ang ipinapahiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi


sa
kolonyalismo ng mga Ingles sa India?
A. Mahusay na rebolusyonaryong lider si Mohandas Gandhi
B. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan
C. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan
D. Naging simbolo si Mohandas Gnadhi ng pagkakaisa ng mga mamamayan
sa
India

16. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng


pananakop ng
mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Hindu lalo na
ang
mga kababaihan?
A. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India
B. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga mamamayan ng
India
C. Pagbabawal sa ilang matandang kaugaliang Hindu tulad ng “sati” at “female
infanticide”
D. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng “foot binding” at
“concubinage”

17.Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?


A.Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng
bansa
B.Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan
ng edukadong mamamayan
C.Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na napagkukunan
ng buwis ng pamahalaan
D.Pinalalaki nito ang opurtunidad ng mga tao na mangibang bansa.

18.Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga


Asyano?
A. Dahil dito ay nagtutulungan ang mga magkakaratig bansa sa Asya
B. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa
C.Maaring lumaki ang kita sa mga usaping block market
D. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


208
19.Bakit muling nabuo ang bansang Israel?
A.Dahil sa layuning lumakas ang Judaism
B.Sa kagustuhang magsama-samang muli ng mga Hudyo
C.Upang matamo ang kanilang kaligtasan
D.Dahil sa pananakop ng ibang lupain

Balangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya

ALAMIN

Naging instrumento ka ba ng pagbabago sa inyong tahanan o kaya


ay sa inyong barangay? Ano-ano ang iyong ginawa kaugnay nito?

Alamin kung ano-ano ang pagbabagong naganap sa Timog at


Kanlurang Asya pagkatapos na sila ay magkaroon ng kalayaan.

Gawain 1: Jumbled Letters


Ayusin ang mga ginulong letra upang matukoy ang salitang hinahanap.

LAREDPE 1. Uri ng pamahalaan kung saan hawak ng mga


pamahalaang lokal ang kapangyarihan.
KRSYAATOE 2. Sa pamahalaang ito, ang mga lider ng relihiyon
ang namumuno bilang kinatawan ng kanilang
Diyos.
KIDATYRUAT 3. Ang pamahalaang ito ay pinamumunuan ng
isang diktador na hindi nalilimitahan ng
anumang batas ang kanyang desisyon.
MEDOSRAAYK 4. Uri ng pamahalaan kung saan hawak ng mga
mamamayan ang kapangyarihan sa
pamahalaan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


209
KONISMUOM 5. Sa pamahalaang ito, iisang partidong
awtoritaryan ang may kapangyarihan sa
ekonomiya ng bansa.

Pagkatapos mong mataya at mabatid ang iyong paunang kaalaman


hinggil sa uri ng mga pamahalaan, ngayon ay nasa bahagi ka ng Paunlarin.
Nakapaloob dito ang iba’t ibang teksto na magpapayabong ng impormasyon
tungkol sa aralin. Kalakip na rin dito ang iba’t ibang gawain na makakatulong
upang malinang mo pa ang iyong pinag-aralan.

PAUNLARIN
Gawain 2: Basahin at Suriin Mo

Balangkas ng Pamahalaan sa Timog at Kanlurang Asya

Sa paggawad ng kalayaan sa mga bansa sa Asya, nabigyan ng


pagkakataon ang mga Asyano na makilahok at mamuno sa pamamahala. Ang
pamahalaan ay maituturing na isang haligi. Ito ay nagsisilbing suhay ng bansa
tungo sa katatagan, katahimikan at kaunlaran ng pamumuhay ng mga
mamamayan. Pinangangasiwaan ng pamahalaan ang mga tungkulin o gawain
ng pamahalaan sa loob ng isang maayos at matatag na lipunan.

Mga Uri ng Pamahalaan


Ang pamahalaan ay maaaring uriin sa iba’t ibang kategorya ayon sa
kayarian, lawak ng kapangyarihan, pag-uugnayan ng mga sangay at dibisyong
heograpikal ng kapangyarihan.

Demokrasya. Sa pamahalaang demokrasya, hawak ng mga mamamayan ang


kapangyarihan sa pamahalaan. Ang mga tao ay may pantay-pantay na
karapatan at pribilehiyo. May kalayaan silang political, pangkabuhayan at
panlipunan. Nagtatakda ang batas ng kapangyarihan ng mga pinuno ng bansa
at kumikilos sila alinsunod sa batas.

Republika. Ang republika ay isang uri ng pamahalaan na walang monarka.


Ang pinakamataas na kapangyarihan ay nasa mga mamamayan na maaaring
maghalal ng mga taong kakatawan sa kanila. Maaaring presidensyal o
parliamentaryo ang anyong republika.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


210
Pamahalaang Pederal. Sa pamahalaang ito, hawak ng mga local na
pamahalaan ang kapangyarihan na hindi maaaring pakialaman ng
pamahalaang nasyonal. May halos kumpletong autonomiya ang bawat estado
o yunit na politikal sa pamamahala ng sariling teritoryo. Subalit nagsasama-
sama ang mga pamahalaang lokal na ito upang sumailalim sa mga batas ng
pamahalaang pederal.

Totalitaryanismo. Ito ang sistemang politikal na hawak ng estado, o ng


pamunuang namamahala nito ang ganap na awtoridad. Maaaring minamana
ang kapangyarihan ng estado o pinipili ang lider ng isang grupong espesyal.

Diktadurya. Ang pamahalaang ito ay pinamumunuan ng isang diktador na


hindi nalilimitahan ng anumang batas ang kanyang desisyon. Masugid siyang
tagapagtaguyod sa isang ideolohiyang pinagbabatayan ng pamamahala gaya
ng komunismo.

Teokrasya. Sa pamahalaang ito, ang mga lider ng relihiyon ang namumuno


bilang kinatawan ng kanilang Diyos.

Komunismo. Sa pamahalaang ito, iisang partidong awtoritaryan ang may


kapangyarihan sa ekonomiya ng bansa.

Anyo ng Pamahalaan ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

Timog Asya
Bansa Pamahalaan
Nepal Parliamentaryong Demokrasya
Sri-Lanka Republika
Bhutan Monarkiya
Pakistan Republikang Pederal
India Republikang Pederal
Bangladesh Parliamentong Demokrasya
Maldives Republika

Kanlurang Asya
Bansa Pamahalaan
Afghanistan Pamahalaang Transisyunal
Bahrain Monarkiyang Tradisyunal
Iran Republikang Teokratik
Iraq Pamahalaang Transisyon

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


211
Israel Parliamentong Demokrasya
Jordan Monarkiyang Konstitusyunal
Kuwait Nominal na Monarkiyang Konstitusyonal
Oman Monarkiya
Qatar Monarkiyang Tradisyunal
Syria Republika sa Ilalim ng military
United Arab Emirates Pederasyon, may tiyak na kapangyarihan
ang gobyernong sentral ng UAE at iba
naman ang kapangyarihan sa bawat
Emirate
Yemen Republika
Turkey Republika, ParliamentaryongDemokrasya

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang iyong masasabi sa balangkas ng pamahalaan ng mga
bansa sa Timog at Kanlurang Asya?

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Gawain 3: Suriin Mo
Isulat ang uri ng pamahalaan na nangunguna at nahuhuli sa Timog at
Kanlurang Asya.

Uri ng Pamahalaan na
Nagungunang uri ng
Rehiyon Pinakakaunti ang
Pamahalaan
Gumagamit
Timog Asya
Kanlurang Asya

Ano ang iyong mahihinuha sa iyong kasagutan?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


212
ILIPAT AT ISABUHAY

Gawain 4: Paggawa ng Poster


Gumawa ng poster na nagpapakita kung paano nagpapatupad ang
pamahalaan ng mga programa para sa kagalingang panlahat ng kanyang
mamamayan. Iguhit ito sa isang buong short size bond paper.

Rubric sa Paggawa ng Poster


Pamantayan Deskripsyon Puntos Natamong
Puntos
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang 5
maayos ang ugnayan ng lahat
ng konsepto sa paggawa ng
poster
Kaangkupan Maliwanag at angkop ang 5
ng Konsepto mensahe sa paglalarawan ng
konsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa 5
(Originality) ng poster
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang 5
Presentasyon presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang 5
(Creativity) kombinasyon ng kulay upang
maipahayag ang nilalaman,
konsepto, at mensahe
Kabuuan 25

Binabati kita? Napatunayan mo na naunawaan mo nang higit ang


paksa sapagkat mahusay mong naisagawa ang paglalapat. Sa susunod
ng aralin ay susuriin mo naman ang iba’t ibang samahang kababaihan at
mga kalagayang panlipunan sa buhay nila tungo sa pagkakapantay-
pantay, pagkakataong pang-ekonomiya, at karapatang pampolitika.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


213
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang
Panlipunan

ALAMIN

Ikaw ba ay kasapi ng isang samahan? Sa iyong pananaw, bakit


mahalaga ang pagkakaroon ng samahan sa isang lipunan? May mga
samahan kayang pangkababaihang naitatag sa Timog at Kanlurang Asya
noong ika-16 hanggang ika-20 siglo?

Gawain 1: Ilista Mo
Bilang isang mamamayan, may napapansin ka bang mga samahang
pangkababaihan sa iyong lugar o sa bansa? Kung meron, pakilista ang pangalan ng
samahan at ang kanilang papel na ginagampanan sa ating lipunan.

Samahang Pangkababaihan Papel na Ginagampanan

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


214
PAUNLARIN AT UNAWAIN
Gawain 2: Basahin at Suriin
Epekto ng mga Samahang Kababaihan at ng mga Kalagayang Panlipunan
sa Buhay ng Kababaihan Tungo sa Pagkakapantay-pantay, Pagkakataong
Pang-ekonomiya at Karapatang Pampolitika
Mga Kilusang Pangkababaihan
Nakita ng mga kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pag-oorganisa
upang maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses.
Sapagkat minsan na nilang naranasan ang iba’t ibang anyo ng pang-aapi at
diskriminasyon sa lipunan at sa kanilang pamilya. Mahalaga ang pagkakaroon
ng mga kilusang pangkababaihan sapagkat sila ang pangunahing
tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan. Alamin natin ang ilan
sa mga kilusang ito sa ilang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Timog Asya

India
Mababa ang katayuan sa lipunan ng kababaihan sa India.Subalit
pagsapit ng ika-19 na siglo, naging aktibo ang mga kababaihan sa bansa sa
paglahok sa mga kilusang nagtataguyod ng repormang panlipunan. Ang ilan sa
mga kilusang naitatag ay ang Bharat Aslam ni Keshab Chunder Sen ng Bramo
Samaj(1870); ang Arya Mahila Samaj na itinatag ni Pandita Ramabai at Justice
Ranade(1880); Bharat Mahila Parishad (1905) at Anjuman-e-Khawatin-e-Islam
na itinatag ni Amir-un-Nisa. Ang mga kilusang ito ay nakatulong sa kababaihan
upang maisulong ang karapatan sa edukasyon.

Ang Women’s Indian Association(1917) at ang National Council of


Indian Women(1925) ay nangampanya sa mga mambabatas upang
makapagdulot ng mga pagbabago sa pamumuhay ng karaniwang kababaihang
Indian. Tinalakay ng All India Women’s Conference ang mga isyu sa paggawa,
rekonstruksyon ng mga kanayunan, opyo, at batas ukol sa bata o maagang
pagpapakasal.

Noong 1851, ang mga unyon sa industriya ng tela ay nangampanya


laban sa child labor. Binigyang pansin naman ng Indian Factory Act (1891) ang
hindi makatuwirang bilang ng oras ng pagtatrabaho ng kababaihan. Binigyang
pansin naman ng All Indian Coordination Committee ang mga isyu tulad ng
benepisyo sa pagbubuntis, pantay na sahod at mga pasilidad ng day care.

Nanguna si Sarojini Naidu sa paghimok sa mga kababaihang


gumagawa at bumibili ng asin na huwag bayaran ang buwis bilang protesta sa
pamahalaang English. Pinamunuan din niya ang Women’s India Association

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


215
na mangampanya upang ang kababaihan ay mabigyan ng karapatang bomoto
noong 1919. Noong 1950, ang karapatang bomoto ay iginawad sa kababaihan.

Ipinagbawal naman ng Factories Act ng 1948 ang pagtatrabaho ng


kababaihan sa mga delikadong makinarya habang umaandar ang mga ito.
Nagbigay r in ito ng wastong pasilidad na pangkalinisan, daycare,
kompulsaryong maternity leave. Nagtalaga naman ang Mine’s Act of 1952 ng
hiwalay na palikuran para sa lalaki at babae. Ginawang legal ng Hindu Marriage
Act of 1955 ang diborsyo.

Noong 1970, itinatag ang mga kilusan tulad ng Kilusang Shahada,


Shramik Sangatana(1972), Self-Employed Women’s Association(1972), ang
United Women’s Anti-Price Rise Front(1973) at ang Nav Nirman(1974).
Tinutulan ng mga kilusang nabanggit ang mga isyu gaya ng karahasan sa
tahanan at di- makatarungang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Pakistan
Ang partisipasyon ng mga kababaihan sa Pakistan ay bunga ng
pakikipaglaban sa mga mananakop bago ang 1947. Ang kababaihang Muslim
ay naging aktibo sa paghingi ng pagbabago sa edukasyon. Pinamunuan sila ni
Syed Ahmed Khan. Aktibo rin sila sa Kilusang Khilafat bilang pagsuporta kay
Turkish Khilafat, na naging simbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim. Gayundin,
naging aktibo sila sa paghingi ng isang malayang Pakistan.

Ang Pakistan ay may malakas na kilusan ng mga kababaihan na


nakatulong upang ipagtanggol ang proseso ng demokrasya sa bansa. Sa
panahon ng pamumuno ni ZulfiqarAli Bhutto (1971-1977), nagkaroon ng mga
pagbabago sa pagtingin sa kababaihan. Sa pamamagitan ng 1973 Saligang-
Batas, may mga probisyon ito na nagbigay ng pantay na karapatan sa
kababaihan, kasama na rin ang paglalaan ng sampung posisyon para sa mga
kababaihan sa National Assembly at sampung bahagdan(10%) sa Asembleang
Panlalawigan. Ang kababaihan ay nahirang sa matataas na posisyon sa
pamahalaan.

Ang ilan sa mga samahang itinatag ng kababaihan sa gitnang bahagi


ng 1970 na pinamunuan ng mga may pinag-aralan ay ang sumusunod:United
Front for Women’s Rights(UFWR), ang Women’s Front, Aurat at Shirkat Gah
na sa kalaunan ay naging instrumento sa pagkakaroon ng Women’s Action
Forum. Sa paglipas ng mga taon, pinangalagaan nila ang mga karapatan ng
mga kababaihan. Sila rin ang nakipag-usap sa mga pinuno ng pamahalaan at
mga partidong pulitikal tungkol sa mga isyu ng kababaihan. Pagkatapos ng
1988 eleksyon, isinilang ng WAF ang kanilang Charter Demands, na kung saan
ay inilahad nila ang isang komprehensibong programang politikal para sa mga
kababaihan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


216
Dahil sa impluwensiya ng WAF, ang Sindhian Tehrik, isang partido
pulitikal sa Sindh ay nagtagumpay sa kanilang kampanya laban sa maagang
pag-aasawa (child marriage) at poligamya, gayundin ang karapatan ng
kababaihan sa pagpili at pagpayag sa mapapangasawa.

Dahil sa kahinaan ng civil society at mga partidong politikal, gayundin


ang mapaniil na kapasidad ng estado; ang mga kilusang kababaihan sa bansa
ay kritikal na patuloy na nagtatanggol sa mga karapatang pantao karapatan ng
mga minorya sa Pakistan.

Sri Lanka
Ang kababaihan sa Sri Lanka ay hindi gaanong nakalalahok sa
politika.Kaalinsabay ng patuloy na digmaang sibil ay ang patuloy na paglabag
sa mga karapatan ng kababaihan.Pumapangalawa lamang sila sa mga
kalalakihan pagdating sa papel na ginagampanan sa sistemang politikal.

Noong 1994 eleksyon, nagkaroon ng pagkakataon ang kababaihan na


ipahayag ang mga isyu tungkol sa kanila. Ang mga isyung ito ay may kinalaman
sa mga karahasang nagaganap laban sa kanila. Hiniling nila ang mga partidong
pulitikal na magnomina sa mas maraming kababaihan na tatakbo sa eleksyon
at isama sa kanilang plataporma ang mga isyung kinakaharap ng mga ito.

Dahil dito, pinalakas ng nahalal na People’s Alliance ang probisyon ng


Kodigo Penal na may kinalaman sa pang-aabuso sa kababaihan at mga
pagbabago sa batas na may kinalaman sa panggagahasa at sexual
harassment at iba pa. Hinirang din ng bagong pamahalaan angtatlong
kababaihang ministro at apat na deputy ministers sa gabinete.

Ang isa sa mahalagang samahan na naitatag noong 1984 sa bansa ay


ang Mother’s Front bilang protesta sa pagkawala ng miyembro ng isang
pamilya na inaresto at ikinulong ng mga sundalo.Samantala, ang Sri-Lanka
Women’s NGO Forum na binuo ng iba’t ibang samahan ay naging aktibo sa
pagtataguyod ng partisipasyon ng mga kababaihan sa politika.

Taong 1983, sumalakay ang mga militanteng gerilya,na nakilala sa


tawag na LTTE (Liberation Tigers of Tamil Eelam). Ang pagsalakay na ito ay
nagdulot ng giyera sibil. Itinatag ang LTTE noong 1976 upang maitatag ang
isang malayang estado ng Tamil sa Sri-Lanka. Ang mga kaguluhan ay tumagal
hanggang 2009. Noong1983, itinatag ng LTTE ang Women’s Front of the
Liberation Tigers. Maraming kababaihan ang sumapi rito na sa simula ay aktibo
lamang sa pagkalat ng mga propaganda, panggagamot at maghanap ng
pondong pinansyal. Sa kalaunan, sila ay naging aktibo na rin sa
pakikipagdigma tulad ng kalalakihan. Para sa kanila, ang kapakanan ng bansa
ang dapat manguna bago ang lahat. Ipinakita ng kababaihan sa kanilang
pagsanib sa LTTE ang pagsuway sa kapangyarihan ng kalalakihan. Ayon sa
pahayag ng LTTE noong Marso 8,2004, habang ang kababaihang Tamil ay

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


217
nakikipagdigma upang palayain ang kanilang teritoryo, ito ay nangangahulugan
rin ng pagpapalaya ng kanilang mga sarili sa anumang uri ng opresyon at di
makatarungang pagkilos na dulot ng lipunan. Nararapat lamang na lumaban
ang kababaihan upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan at wasakin ang
mapaniil na istrukturang sosyal.
Para sa kababaihan, ang naging implikasyon ng digmaang sibil ay ang
pagkakaroon ng panibagong direksyon sa isyu ng kababaihan. Ang Women for
Peace na itinatag noong Oktubre, 1984 ay nagsilbing bantay sa militarisasyon
ng Sri-Lanka. Naging aktibo rin sila sa iba’t iba pang mga samahang
nagtatanggol ng mga karapatang pantao at karapatang sibil.
Bangladesh
Ang kilusan ng kababaihan sa Bangladesh ay isinilang bunga ng
kilusang nasyonalista. Noong 1970ang makakaliwang Mahila Parishad ay
itinatag. Ito ang itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa
bansa. Naimpluwensiyahan nito ang pagpapatupad ng mga polisiya sa
pamahalaan kabilang ang kampanya na sumuporta sa pagsasabatas ng
pagbabawal ng pagbibigay ng dote at ratipikasyon ng CEDAW (Convention on
the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women).

Ang pagdami ng mga samahang kababaihan sa Bangladesh ay tugon


ng mga ito sa mga kaganapan sa bansa simula pa noong 1980. Ang mga
samahan ng mga kababaihan ay instrument sa pagpapatalsik kay Hussain
Ershad dahil sa pamumulitika gamit ang relihiyong Islam at ang pagpigil sa
demokrasya.

Sa pamamagitan ng United Women’s Forum, hiniling nila ang


ratipikasyon ng CEDAW, magkakaparehong Kodigo Sibil at dagdag sa kota ng
kababaihan sa Serbisyo Sibil. Maliban sa samahang ito, naitatag din ang
Collective Women’s Platform na pumipigil sa anumang uri ng karahasan sa
kababaihan. Isinilang din ang Platform Against Sexual Harassment.

Kanlurang Asya
Sa kasalukuyan, ang hamon na kinakaharap ng kababaihan sa
Kanlurang Asya ay higit na paigtingin ang kanilang ginagawa upang makatiyak
ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ang kalalakihan at kababaihan. Sa
kontekstong ito, ang samahan ng kababaihan ay kumikilos sa tatlong lebel:
imulat ang kababaihan sa kanilang bansa tungkol sa hindi pagbibigay ng
pantay na karapatan ng kanilang pamahalaan; hilingin sa pamahalaang
nasyonal ang implementasyon ng internasyunal na pagpapatupad sa
pagbibigay proteksyon sa kababaihan sa lahat ng larangan at ipaunawa sa mga
bansa sa daigdig na ang kababaihan sa Kanlurang Asya ay hindi lamang
naghihintay sa mga Kanluraning bansa upang sila ay sagipin sa halip ipaunawa
na sila ay kababaihang nakikipaglaban para sa kanilang karapatan kagaya rin
ng ibang kababaihan. Na sila rin ay kumikilos laban sa di-makatarungang
patakaran dulot ng sistemang patriyarkal at ng kanilang kasaysayan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


218
Arab Region

Ang rehiyong ito ay binubuo ng mga bansang Bahrain, Egypt, Iraq,


Jordan, Kuwait, Lebanon,Oman, Palestinian Territories, Qatar, Saudi Arabia,
Syria, United Arab Emirates at Yemen. Sa rehiyong ito, ang partisipasyon sa
pulitika at paghahanapbuhay ng kababaihan ay hindi halos nagbago. Milyong
kababaihan ang nangangailangan pang ipaglaban ang kanilang mga
karapatan. Sa Kuwait at Saudi Arabia, illegal para sa kababaihan ang
makilahok sa eleksyon dahil sa kanilang kasarian. Bagaman, ang mga
pamahalaan sa rehiyong Arab, ay hindi pa rin tanggap ang ideya ng
pagpapalaganap sa mga karapatang pantao; noong 1982 pagkatapos ng
pagpupulong ng mga grupo ng civil society sa karapatang pantao na ginanap
sa Cyprus, unti-unting tinanggap ng mga pamahalaang lokal at rehiyonal ang
mga adbokasiya ng mga nangangalaga sa karapatang pantao, kabilang dito
ang mga samahang kababaihan sa Israel. Sa pamamagitan ng Isha L’lsha-
Haifa Feminist Center, pinangunahan nila ang implementasyon ng Security
Council Resolution 1325. Hinikayat nila ang kababaihan na makilahok sa
negosasyon at talakayan tungkol sa sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine.
Sa pamamagitan nito, maipamumulat ang epekto ng sigalot lalo na sa
kababaihan at kung paano nila maipagtanggol ang kanilang karapatan.

Maraming NGO na samahang kababaihan, samahang pangkapayapaan


at Women’s Coalition for a Just Peace ang aktibo sa Israel. Karamihan sa
kanila ay patuloy na nakikipagdayalogo sa kababaihang Palestinian upang
magkaroon ng solusyon sa problema na maaaring maging instrument sa
pagkakaroon ng kapayapaan.

Bagaman, ang mga Samahan sa Karapatang Pantao sa Kanluran ay


napangingibabawan ng mga kalalakihan, ang mga samahan ng kababaihan ay
unti-unti nang kinikilala. May malakas na koalisyon ng mga NGO na
nagsusulong ng karapatang pantao at karapatan ng kababaihan sa Bahrain,
Egypt, Jordan at Yemen.

Sa panig ng grupo ng kababaihan, pinag-aralan nila ang mga batas at


polisiya na nagdudulot ng diskriminasyon sa kababaihan. Sila ay humingi ng
mga pagbabago na mangangalaga sa pagbibigay ng pantay na karapatan sa
mga babae, gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon na makilahok sa pulitika
at sosyo-ekonomik na kapangyarihan.

Sa loob ng sampung taong pakikibaka, ang kababaihan sa Bahrain,


Omar at Qatar ay nagtagumpay na magkaroon ng karapatang bomoto.
Samantala, ang kababaihan naman sa Egypt at Jordan ay nabigyan ng
karapatan sa diborsyo, at ang karapatan bilang mamamayan ng kababaihan
ay naibigay rin sa taga-Bahrain, Egypt at Lebanon.

Sa Jordan, nanguna si Reyna Rania Al- Abdulla sa kampanya laban sa


pang-aabuso sa kababaihan. Sa Egypt, pinamunuan naman ni Susan Mubarak

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


219
ang National Council on Women sa kampanya na baguhin ang batas
pampamilya at pagbabawal sa pagkapon sa mga kababaihan. Samantala sa
UAE, ang namuno ay si Sheikha Fatima Bint Mubarak ang nanguna sa
pagbibigay ng karapatan na makapag-aral sa kolehiyo at magkaroon ng
karapatang ekonomiko ang kababaihan. Dahil sa nabanggit na mga
inisyatibong ng mga Unang Ginang sa kani-kanilang bansa, nakatulong sila sa
pagbibigay solusyon sa mga isyung kinakaharap ng kababaihan. Gayundin
nagkaroon ng dagdag na alokasyon ng badyet para sa edukasyon at kalusugan
ng mga tao.

Noong 2000, inilunsad ang Arab Women Connect, isang pangrehiyong


network upang maisulong ang kamalayan ng kababaihan tungkol sa kanilang
dapat na taglaying mga karapatan. Ito ay sa pamamagitan ng pagkilos ng
kababaihan sa Egypt, Jordan, Lebanon, Palestine, Qatar, UAE at Yemen.

Ang kapasidad ng mga samahang kababaihan upang maimulat ang


publiko sa mga kontrobersyal na isyu ay nagkaroon ng pagbabago lalo na sa
mga isyu tungkol sa diskriminasyon sa kababaihan at pambubugbog at
pananakot sa asawa maliban na lamang sa mga bansang Kuwait, Oman, Saudi
Arabia at Syria.

Ang kababaihan sa Kanlurang Asya ay patuloy na aktibong nakikilahok


sa pulitika, gayundin sa isyu ng pagkakaroon ng kapayapaan at seguridad sa
rehiyon.
Pinagkunan: www.mthdyoke.edu/intrel/dash.htm

Pamprosesong Mga Tanong:


1. Ano-ano ang mga samahang kababaihan na naitatag sa ilang
bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Ano ang layunin ng
nabanggit na mga samahan?

2. Paano mo ilalarawan ang kalagayang panlipunan ng


kababaihan sa nabanggit na mga bansa?

3. Ano ang naging epekto ng mga samahang kababaihan at ng


mga kalagayang panlipunan tungo sa pagkakapantay-pantay,
pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampolitika ng
mga taga -Timog at Kanlurang Asya?

4. Paanong ang mga samahang kababaihang naitatag ay


nakatulong sa patuloy na transpormasyon sa nabanggit na
mga rehiyon?

Naniniwala ako na matapos mong suriin ang nilalaman ng teksto at


masagot nang mahusay ang pamprosesong mga tanong ay handa mo nang
isagawa ang susunod na gawain.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


220
PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa bahaging ito, higit mong patutunayan na lubos ang naging pag-


unawa sa paksa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng susunod na gawain.

Gawain 3: Problema / Solusyon

Tanong Sagot
1. Paanong ang mga samahang kababaihan 1.
ay nakaaapekto sa:
a. Pagkakapantay – pantay a.
b. Pang – ekonomiya b.
c. Karapatang pampolitika c.
2. Paano ang mga kalagayang panlipunan 2.
sa buhay ng kababaihan ay nakaapekto sa:
a. Pagkakapantay – pantay a.
b. Pang – ekonomiya b.
c. Karapatang pampolitika c.
3. Ano-ano ang pagbabagong naidulot ng 3.
mga samahang kababaihan sa mga bansa
sa Timog at Kanlurang Asya? a.
b.
c.
d.
e.

ILIPAT AT ISABUHAY
Binabati kita! Sa pagkakataong ito ay handa ka na sa mga gawain
na tutulong sa iyo upang maipakita at malinang ang kakayahan na
magagamit mo sa buhay.

Gawain 4: Paggawa ng Islogan


Gumawa ng islogan na nagpapakita ng natatanging kapangyarihan o
superpower na taglay ng isang babae at ang kaugnayan nito sa
transpormasyon ng ating lipunan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


221
Rubric para sa Paggawa ng Islogan
Natamong
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Puntos
Nilalaman Mayaman sa katuturan ukol sa 10
paksa
at mapanghikayat sa
mambabasa
ang islogan na ginawa
Malikhaing Gumamit ng mga angkop na 10
Pagsulat salita
at estratehiya sa pagsulat ng
tugma,
metapora, at patudyong salita
upang
maging kaaya-aya ang islogan
Tema Angkop ang islogan sa tema 10
Kabuuang Puntos 30

Pagkatapos mong malaman ang kalagayan, at nagging ambag ng


kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng Timog at Kanlurang Asya ay
napatunayan moa ng mahalagang papel na ginagampanan ng
kababaihan. Sa bahaging ito ng modyul, ay inaasahan na matutuhan mo
ang bahaging ginagampanan ng edukasyon at relihiyon sa iba’t ibang
aspekto ng pamumuhay ng mga tao sa Timog at Kanlurang Asya.
Mababatid mo rin sa bahaging ito ng yunit ang kasalukuyang mga
pagbabagong pang-ekonomiya na nakaaapekto sa pagsulong at pag-
unlad ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Mga Pagbabago sa Iba Pang Aspekto ng Pamumuhay sa


Timog at Kanlurang Asya

ALAMIN

Sa bahaging ito ay mayroong mga nakahandang gawain na tataya


sa iyong pang-unang kaalaman at magbibigay interes sa iyo na pag-aralan
kung ano-ano nga ba ang pagbabago sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay sa Timog at Kanlurang Asya.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


222
Gawain 1: Picture Analysis
Suriin ang kasunod na mga larawan.Tukuyin kung saan may kaugnayan
ang bawat larawan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ginulong mga letra
bilang tamang paksa na ilalagay sa ibaba ng bawat larawan.

KEOMIYNAO RILIHNOYE DEUAKSONY

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang mga paksang maaari nating makita sa bawat


larawan?
2. Batay sa mga larawan, ano-anong aspeto ng kasalukuyang
pamumuhay ng mga tao sa bansa ng Timog at Kanlurang
Asya ang kakikitaan ng mga pagbabago?

PAUNLARIN

Marahil ay handa ka nang basahin at suriin ang teksto tungkol sa


edukasyon ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Natitiyak kong
mawiwili ka sa pagbabasa nito. Simulan mo na!

Gawain 2: Basahin at Suriin


Pag-aralan ang teksto at iugnay ang nilalaman nito sa talahanayan.

Bansa Literacy Rate


Maldives 96.9 %
Sri Lanka 91.6 %
Pakistan 43.2 %
Bhutan 42.2 %
Nepal 41.7 %
Bangladesh 40 %

Ang Kinalaman ng Edukasyon sa pamumuhay ng mga Asyano sa Timog


at Kanlurang Asya

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


223
Sinasabing ang edukasyon ay kayamanan ng isang tao na hindi
maaaring makuha ng sinuman.Maituturing din itong isang karapatan na may
mahalagang bahaging ginagampan sa pag-unlad at pagtatagumpay ng tao,
.Makikita ang kaunlaran ng mga tao sa antas ng edukasyon mayroon ang
bansa.Sa araling ito, matututuhan mo ang kaugnayan ng edukasyon sa
pamumuhay ng mga tao sa Timog at Kanlurang Asya.

Edukasyon sa India at Pakistan


Isang malaking bansa ang India na may mahigit na isang bilyong
mamamayan.Layunin ng bansang ito, ang maibigay ang libre at sapilitang
edukasyon sa lahat ng mga batang may anim hanggang labing-apat na taong
gulang.Dahil sa laganap dito ang kahirapan,hindi nagtagumpay ang bansa sa
kanyang layunin ukol sa edukasyon Nagpapatunay lamang na may malaking
epekto sa edukasyon ang kalagayang pang- ekonomiya ng mga tao. Maging
ang kalagayang politikal ng bansa ay may epekto rin sa edukasyon nito ,tulad
halimbawa ng naganap sa India,taong 1956 at 1960 nagkaroon ng pagkiling sa
sosyalistang edukasyon dahil na rin sa pag-usbong ng mga heavy industry sa
bansa. Ayon sa aklat ni Mateo et al Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan.

Samantala sa Pakistan, ang kasanayan sa paggamit ng teknolohiya ay


isinasama na sa edukasyon upang makaagapay sa mga pagbabago sa lipunan
at daigdig. Dahil sa krisis na naranasan sa India taong 1960,bumaba din ang
bilang ng mag-aaral sa bansa,naging dahilan upang bumuo ito ng advisory
committee na nagbigay lunas sa nasabing suliranin. Tinatayang 57.2% sa
populasyon nito ang marunong bumasa at sumulat. Mas malaking bahagdan
ng mga literate sa populasyon ay binubuo ng mga lalaki na umaabot sa 70.02%
at 48.3% lamang ang kababaihan. Pinahihintulutan din sa bansang India ang
pagtatayo ng mga paaralan na magbibigay ng edukasyon batay sa kanilang
katutubong wika, relihiyon at kaugalian. Isa sa mga sagabal sa pag-unlad ng
edukasyon sa bansang Pakistan ay ang mabilis na paglaki ng populasyon nito.

Edukasyon sa Saudi Arabia

Nagkakaroon man ng mga pagbabago sa mga patakaran sa edukasyon


upang umangkop sa nagbabagong pangangailangan ng panahon nananatili
itong may kaugnayan sa pamumuhay ng mga tao sa Timog at Kanlurang Asya.
Makikita ito sa sistema ng edukasyon mayroon ang bansang Saudi Arabia.

Upang maisakatuparan ang layunin ng pamahalaan ng Saudi Arabia


na palaganapin ang relihiyong Islam, ito ay nagtatag at sumuporta sa mga
paaralan na may mga kurikulum na umaaayon sa ka turuan ni Sheik
Muhammed Ibn Abd Al- Wahhab.

Si Abd Al-Wahhab ang nagtatag ng kilusang Wahhabiyya noong ika-18


siglo.Siya rin ang nanghikayat na muling ibalik ang mga Muslim sa orihinal na

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


224
aral ng propetang si Muhammad. Ang edukasyon sa kontemporaryong
panahon ay ginamit bilang isang instrumento sa pagpapalaganap ng relihiyong
Islam. Ang pamahalaan ng Saudi Arabia ang kumokontrol sakaturuan ng
Islam.Sa pamamagitan ng edukasyon sa Saudi Arabia, naililipat sa mga
susunod na henerasyon ang mga pamanang kultural na siyang
pagkakakilanlan ng bansa tulad ng wika, mga kaugalian, mga pamantayan ng
lipunan at iba pa Halos 62% ng populasyon sa kabuuan ng Saudi Arabia ay
marunong bumasa at sumulat ayon kay Mateo et. al. Asya: Pag-usbong ng
Kabihasnan.

Pamprosesong Tanong

1. Ano-ano ang bagay na nakaimpluwensiya sa edukasyon ng


mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya?
2. Paano nakaaapekto ang edukasyon sa kasalukuyang
pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya?

Pagkatapos mong basahin nang may pagsusuri ang Teksto Blg.1


ay inaasahan kong mabubuo mo ang isang Fact Storming Web tungkol sa
kaugnayan ng edukasyon sa pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at
Kanlurang Asya.
GAWAIN BLG 5: Dugtungan

Gawain 3: Dugtungan
Dugtungan ang isang pangungusap na di tapos tungkol sa kaugnayan
ng edukasyon sa pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya.
Gawin ito sa kuwaderno.

Ang edukasyon sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ay


________
____________________________________________________________
______.

Sa puntong ito ay nakatitiyak akong handa ka nang muling basahin


at suriin ang teksto tungkol sa bahaging ginagampanan ng relihiyon sa ibat
ibang aspeto ng pamumuhay ng mga tao sa Timog at Kanlurang Asya.
Nakatitiyak akong mawiwili ka sa pagbabasa nito. Simulan mo na!

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


225
Basahin at Suriin

Relihiyon at Kultura sa Timog at Kanlurang Asya

Alam natin na ang mga pangunahing relihiyon at pilosopiya sa mundo


ay nagmula sa Asya.May malaking bahaging ginagampanan ang relihiyon sa
pamumuhay na mayroon ang mga Asyano sa kasalukuyan.
Naimpluwensiyahan nito ang sining, arkitektura, panitikan, drama, musika,
sayaw at maging sa personal na gawi at maging patakarang pambansa at
panlabas. Makikita ang halaga ng relihiyon hanggang sa kasalukuyan, hindi
lamang sa mga dambana mayroon ang mga bansa kung hindi maging sa mga
kaganapang nakaugat sa paniniwalang panrelihiyon.
India
Noong taong 1829 sa ilalim ng pamamahalang Ingles sa India
ipinagbawal na ang Sati o Suttee na pagpapakamatay ng asawang babae sa
pamamagitan ng kaniyang pagsama sa cremation o pagsunog sa labi ng
asawang namatay. Itinuturing itong isa sa mga tradisyon ng Hindu na patuloy
pa ring isinasagawa sa ibang pangkat ng tao sa India. Tulad ng kinasangkutan
ni Roop Kanwar sa lugar ng Deorala, India ayon sa aklat ni Mateo et al,Asya
Pag-usbong ng Kabihasnan .
Siya ay 18 taong gulang, batang babae na nagsagawa ng Sati. Hindi
naging hadlang ang isang taong pagsasama ng mag-asawa upang hindi
isagawa ang tradisyong Sati. Ang pangyayaring ito sa India ay naging daan
upang magkaroon ng mga pagtatalo tungkol sa usapin sa tradisyon at
modernisasyon. Binatikos ng mga Kanluraning bansa at pangkat ng mga
feministang Hindu ang pangyayaring ito, samantalang kinilala naman at
sinamba ng ibang debotong Hindu si Roop Konwar bilang diyosa.
Ipinadakip ang mga tumulong kay Kanwar upang maisagawa ang Sati
kasama ang kaniyang nakababatang kapatid na lalaki na nagsindi ng apoy sa
cremation. Pagkatapos ng 9 na taon ay nagdesisyon ang korteng Indian na
palayain ang mga akusado sa pamamagitan ng isang deklarasyon na ang Sati
ay isang tradisyong panlipunan.
Afghanistan
Minsan ding nangibabaw ang pangkat ng Taliban sa Afghanistan, isang
grupong mga radikal na Muslim na nagpapatupad ng mga kautusan laban sa
mga kababaihan tulad ng pagsusuot ng burka, ang tradisyonal na pananamit
na tumatakip sa buong katawan, pagsuot ng belo na tumatakip maging sa
kanilang mata. Sa panahon din ng mga Taliban inalis ang karapatan ng mga
kababaihan sa pagboto, pag-aaral, pagtatrabaho at pagtanggap ng
benipisyong pangkalusugan.

Pagkatapos mong basahin at suriin ang teksto ay maaari mo nang


sagutan ang kasunod na Venn Diagram. Muli ay maaari mo itong kulayan
upang maging kaakit- akit. Handa ka na ba? Simulan mo na!

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


226
Gawain 4: Venn Diagram Mo Ito!
Lagyan ng wastong mga impormasyon ang bawat bahagi ng Venn
Diagram. Gawin ito sa kuwaderno.

Mga paniniwalang panrelihiyon sa Timog at Kanlurang Asya na


nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao

Timog Asya Kanlurang


Asya

Pagkakatulad ng bahaging Ginagampanan ng


Relihiyon sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Timog
at Kanlurang Asya

Sa puntong ito ay nakatitiyak akong handa ka na muling magbasa


at magsuri ng mga pagbabago sa kasalukuyang kalagayang pang-
ekonomiya ng ilang piling bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Nakatitiyak
akong mawiwili ka sa bagong babasahing ito. Alam kong interesado ka.
Simulan mo na!

Basahin at Unawain

Mga Naganap sa Ekonomiya ng India

Maraming pagbabagong pang-ekonomiya ang naganap sa Asya


matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinagsikapan ng mga Asyano
na harapin ang mga hamon dala ng pagtatamo ng kalayaan sa pagpapaunlad
ng kaniya- kaniyang bansa. May mga bansang Asyano ang agarang
nakabangon, samantalang ang iba ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang
at pagsisikap upang matamo ang inaasam na pag-unlad ng ekonomiya.

Ipinatupad sa bansang India noong 1992 ang Look East Strategy. Ito ay
isang patakarang pang-ekonomiya na kung saan may kaugnayan sa ugnayang
panlabas ng bansa, Sa pamamagitan nito napagtibay ang ugnayang
pangkalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng India sa Silangang Asya at
Timog Silangan Asya lalo na ang mga bansang kasapi ng ASEAN.Ito ay
ipinatupad ni dating Prime Minister Narasinba Rao. Ito ang pakikibahagi ng
India sa globalisasyon sa pamamagitan ng mga liberal na patakaran. Isa itong

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


227
patakaran na ginawa ng India upang matamo ang mga tulong pinansyal mula
sa mga pandaigdigang samahan na makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa.Dahil sa patakarang ito ang mga kompanyang Ameikano ay naglagay
ng kanilang puhunan at kapital. Kaalinsabay ng patakarang to ay binago rin ng
India ang sistema ng pagbubuwis at patakaran ng pagkontrol sa pagluluwas ng
mga produktong pangkalakal nito.

Taong 1999 nang isagawa ng pamahalaan ng India ang pagsasapribado


ng ilang sektor ng pamumuhunan.Dahil sa hakbang ng ito ay pinahintulutan na
ang pamumuhunan sa lahat ng industriyang pang imprastraktura, kuryente,
telecommunication,paliparan at maging sa sektor ng pananalapi Nanantiling
hawak ng pamahalaan ng India ang sektor ng tanggulan, riles ng tren at
enerhiyang nukleyar

Dahil sa mga pagbabagong ito ay nabuksan ang ekonomiya ng bansang


India sa daigdig na dati ay ay nakapinid.Ang pag-unlad sa pagluluwas ng
produkto ay nakatulong upang maitaas ang kanyang ambag sa pandaigdigang
kalakalan.Nabawasan naman ang panlabas na pagkakautang ng bansa,

subalit nananatili pa ring suliranin sa bansa ang laganap na kahirapan at hindi


pantay na pagpapasahod.

Larawan ng Kalakalan sa India

Mula sa pagiging huli ng bansang India sa larangan ng


pagmamanupaktura at pagkakaroon ng mababang kalidad ng mga produkto ay
nagawa niyang mapaunlad noong huling taong 1900 ang larangan ng
information technology . Sa kasalukuyang kalakalan ay pangatlo ang bansang
India bilang pinakamalaking prodyuser ng mga produktong optikal, compact
disk ,video computer disk, digital compact disk at iba pa. Lumago din ang
eksport ng bansang India na mula sa $37B noong 2002 na umabot ng
$54Bnoong 2004. Dulot ito ng pagtanggap ng bansang India ng puhunan ng
mga dayuhang kompanya na umaasa rin sa kanilang mga kemiko, inhinyero at
taga disenyong Indian. Maasahan din ang malaking populasyon ng bansa na
may kasanayang magsalita ng Ingles na pagmumulan ng mga manggagawang
may kasanayang teknikal na may mababang sahod kumpara sa ibang bansa.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


228
Ano nga ba ang dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya sa Asya?

Mayroong mga elemento ang kaakibat sa pag- unlad ng mga bansa sa


Asya, ito ay sa pangunguna ng pamahalaan.Pamahalaan ang nagtataguyod sa
kaunlarang pang- ekonomiya ng bansa. Tulad ng Japan na kung saan ang
Ministry of International Trade and Industry bilang ahensya ng pamahalaan,
ang pumipili ng mga industriya para umunlad ang bansa . Sa Korea naman ang
Chaebol ang nakatulong sa pag-unlad ng bansa, dahil ito ay kalipunan ng
maraming kompanya na kadalasang may share o bahaging pag-aari sa isa’t
isa at ang pagmamay- ari ay nasa kamay ng isang pamilya.

Dahil sa pagkakaroon ng autoritaryan na pamahalaan naipipilit ng


pamahalaang Singapore ang adhikain niya na sa paniniwala niya ay nakabubuti
para sa kalayaang pang-ekonomiya ng bansa.

Isa pa sa mga elemento ng pag-unlad ng ekonomiya sa Asya ang


institusyonalisasyon ng mga pagpapahalagang Asyano na makikitang
humuhubog sa mga patakarang pulitikal at pang- ekonomiya. Ang mga
pagpapahalagang Asyano na nakatutulong sa pag-unlad ay ang pagpapanatili
ng kaaya-ayang relasyon, pagiging malapit sa pamiya at pagtataguyod ng
pagkakaisa kasama na ang malakas na ugnayan na tinatawag na network.
Tulad ng mga Tsino na ang pakikipag-ugnayan aypilalaganap sa iba’t ibang
bahagi ng Asya pati na ang pagtutulungan nila sa negosyo.

Ang krisis pinansyal noong 1997 ang naging dahilan ng pansamantalang


paghinto ng magandang kalagayan ng ekonomiya sa rehiyon ng Silangan at
Timog Silangang Asya. Nagsimula ang kaganapang ito sa Thailand at
lumaganap sa ibang bansa sa Asya tulad ng Hongkong, Tsiana at Japan.
Recession naman ang naganap sa Timog Korea, Thailand at Indonesia. Batay
sa naranasang ito ng mga naapektuhang bansa sa Asya,ang tinuturong dahilan
ay ang mahinang pundasyong pinansyal ng mga bansa at ang patuloy na
espekulasyon.

Noong pumasok ang taong 2000, nalampasan ng karamihan ng mga


bansang apektado sa rehiyong Silangan at Timog Silangang Asya ang krisis
pinansyal, hamon ng globalisasyon at patuloy na kahirapan sa rehiyon. Sa
pagkakaroon ng katangi-tanging heograpiya at lakas paggawa nananatiling
Asya pa rin ang may kapasidad sa daigdig na maging sentro ng kaunlaran.

Pagkatapos basahin at suriin ang mga teksto ay natitiyak kong


handa ka nang sagutan ang sunod na gawain.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


229
Gawain 5: Data Information Chart
Lagyan ng tamang datos ang bawat kolum ng Data Information
Chart. Gawin ito sa kuwaderno.

Mga Pagbabagong Pang-Ekonomiya Na Naganap Sa Timog At


Kanlurang Asya

Naganap Pagkatapos
ng Ikalawang Nagaganap sa
Bansa Sa Asya
Digmaang Kasalukuyan
Pandaigdig

Sa bahaging ito ng Modyul, ay nais kong suriin mo ang pagkakaiba-iba


ng antas ng pagsulong at pag-unlad ng mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya gamit ang isang talahanayan tungkol sa GDP ng nakatalang mga
bansa rito.

Gawain 6: Suriin Mo Tala-ekonomiya

Suriin ang Talahanayan tungkol sa GDP ng ilang bansa sa Timog


at Kanlurang Asya.

Talahanayan 1

GDP per capita (2005 ) ng ilang bansa sa Timog at Kanlurang


Asya

GDP per GDP per


capita capita
BANSA BANSA
(2005) (2005)
in US$ in US$
Bangladesh 2,100 Saudi Arabia 12,800
Bhutan 1,400 Israel 24,600
Nepal 1400 Afghanistan 800 (2004)
Pakistan 2,400 Qatar 27,400
Sri Lanka 4,300 Turkey 8,200
India 3,300 UAE 43,400
Kuwait 19,200 Lebanon 6,200

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


230
Yemen 900 Bahrain 23,400
Oman 13,200 Iran 8,300
Jordan 4,700 Syria 3,900
Iraq 3,400
Pinagkunan: http://geohive.com.

Talahanayan 2
GDP % growth (2006-2007)

% growth % growth
BANSA BANSA
2006-2007 2006-2007
Afghanistan 23.86 Maldives 12.96
Bahrain N.A Nepal 14.19
Bhutan 16.40 Oman N.A
India 27.80 Pakistan 13.19
Iran 21.56 Qatar N.A
Iraq N.A Saudi Arabia 7.02
Israel 13.9 SriLanka 14.40
Kuwait N.A Turkey 24.00
Lebanon 5.46 Yemen 18.4
Pinagkunan:http://www.geohive.com

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ibig sabihin ng mga datos sa Tahanayan 1 at 2?
2. Mula sa Talahanayan1 at 2, ano ang iyong napansin tungkol sa antas ng
kabuhayan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
3. Ano-ano ang bansang may pinakamataas at pinakamababang GDP per
capita noong 2005 at GDP % growth noong 2006-2007 ayon sa
Talahanayan 1 at 2?
4. Paano nakaapekto ang pagkakaiba-iba ng antas ng pagsulong at pag-
unlad sa kasalukuyang kalagayan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya?

Natapos mo nang suriin ang antas ng pagsulong at pag-unlad ng


mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya gamit ang estadistika at kaugnay
na mga datos. Upang higit mong maunawaan ang mga dahilan ng
pagkakaiba-iba ng antas ng pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at
Kanlurang Asya ay kailangan mong basahin ang kasunod na
teksto.Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagbabasa.

Basahin at Suriin

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


231
Antas ng Kabuhayan ng Ilang Bansa sa Timog at Kanlurang
Asya
May ibat’ Iibang salik na nakaaapekto sa antas ng pag-unlad at
pagsulong ng mga bansa sa Asya. Ang mga salik na ito ay ang heograpiya,
likas na yaman, lakas- paggawa, teknolohiya, puhunan at higit sa lahat ang
katatagang politika ng isang bansa.

Dahil sa mga salik na nabanggit ay magkakaiba-iba ang antas ng


pagsulong at pag-unlad ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Nakilala sa industriya ng langis ang Kanlurang Asya. Nangunguna rito


ang mga bansang Saudi Arabia, Iraq, Kuwait at Iran dahil sa taglay nitong
malaking reserba ng mina ng langis at natural gas. Sa paglinang ng nasabing
likas na yaman ay natutugunan ang pangangailangan ng mga tao lalo na sa
Saudi Arabia.

Saudi Arabia. Maituturing na angat ang antas ng kabuhayan ng bansang


ito.Simula nang matuklasan ng Saudi Arabia ang desalinasyon (pag-aalis ng
asin sa tubig mula sa dagat) ginamit ang tubig mula sa prosesong ito sa mga
tahanan, industriya at paghahalaman.Nakapagpatayo din ng mga dam upang
makapag-imbak ng tubig para sa mga irigasyon na makatutulong sa
produksiyon ng pagkain. Pinaunlad ng mga Arabe ang sistema ng
transportasyon, komunikasyon at mga imprastraktura. Nakapagpagawa ang
bansa ng mga kalsada, pabrika at industriya. Sa katunayan may tatlong
magandang paliparan ang naipatayo sa mga lungsod ng Dharan, Jeddah at
Riyadh.

India. Nakaangat sa ekonomiya ng bansang India ang paglaganap ng


industriyalisasyon sa mga pook urban nito, ang pakikipagkalakalan sa mga
bansang Amerika at Japan pati na ang matatag na komersiyo nito. Nakatulong
din sa pagtaas ng antas ng kabuhayan ng bansa ang mga Indian na
nagtataglay ng mga kasanayang kailangan sa mga pabrika, industriya,at mga
korporasyon.Isang bukas na pamilihan din ang turing sa India sa ngayon dahil
sa maraming kompanyang multinasyonal ang dumarayo dito upang maglagay
ng puhunan. Ang pagkakaroon ng mga plantang nukleyar na nagbubigay ng
enerhiya sa India ay nakatulong din upang umunlad ang bansa.

Pakistan. Sa pagsisikap ng Pakistan na maibigay sa mga tao ang mga


pangunahing serbisyo gaya ng trabaho, kalusugan at edukasyon ay lumikha
ng mga batas ang pamahalaan upang mabantayan ang mga pribadong sektor
na katuwang nito sa pagbibigay ng mga nasabing serbisyo. Bagaman
nananatiling isang agrikultural na bansa, patuloy na umaangat ang ekonomiya
nito dahil na rin sa maunlad nitong industriya, imprastrakturang pampubliko,
mga tulong mula sa mga manggagawang nagtatrabaho sa ibang bansa at
pagpapaibayo sa kanilang depensa.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


232
Gawain 7: Concept Web
Lagyan ng wastong impormasyon ang kasunod na concept web. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.

Mga dahilan ng pagkakaiba ng antas ng pagsulong at


pag-unlad ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya

Nakasisiguro akong handa ka nang madagdagan ang iyong


kaalaman tungkol sa ibat ibang anyo ng neokolonyalismo, mga epektong
dulot nito, pati na ang pagtugon sa neokolonyalismo ng mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya. Alam kong interesado ka. At dahil dito maaari
mo nang simulan basahin ang teksto.

Gawain 8: Basahin at Suriin


Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Ang Neokolonyalismo ay ang di tuwirang pananakop sa isang bansang
malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang
bansa. Batay sa aklat ni Cruz Romela et al., ang neokolonyalismo ay pananatili
ng panlipunan at pampolitikang impluwensya ng dating mananakop sa mga
bansang dating nasakop.

Ang mga bansang kabilang sa Third World ang madalas na nakararanas


nito dahil sa pagkakaroon ng mahinang ekonomiya. Makikita ito sa patuloy na
pag-asa ng mahihinang bansa sa mga bansang kabilang sa First World o mga
bansang may maunlad na ekonomiya at industriya.

Nakikita ang pag-iral ng Neokolonyalismo sa mga tulong at donasyon na


ipinagkakaloob ng dating mananakop na may kapalit na pagkontrol sa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


233
ekonomiya ng dating sinakop na bansa ,sa ganitong paraan nagtatagumpay
sila na maitaguyod ang kanilang sariling interes.

Globalisasyon ng Edukasyon
Maaaring mapaunlad ang kaalaman ng mga bansa sa ibat ibang larangan
sa pamamagitan ng pagpapalitan ng iskolar at iba pang paraan.Napipilitan ang
mga tagapamahala sa mga pamantasan na makipag-ugnayan sa mga
Kanluraning bansa kung saan magmumula ang kanilang mga libro at
kagamitan, dahil sa kakulangan sa pondo ay dayuhang ahensiya ang
namamahala sa mga pasilidad ng mga unibersidad.Sa paraang ito
nagtatagumpay na maisakatuparan ng Kanluraning bansa ang kaniyang
layunin na maisaayos ang mga kurso at di- maisakatuparan ng bansang
tinutulungan ang kanilang sariling kurikulum. Sa pamamagitan nito nagaganap
ang intelektuwal na pananakop.

India

Ang bansang India ay minsang nagbukas ng kaniyang ekonomiya sa


kalakalang panlabas noong 1991. Kapansin-pansin na naging mas malaki ang
kapital ng mga kompanyang Amerikano dito noong 1992 at 1993 kaysa sa
India noong nakaraang 40 taon.

Mga Bansa sa Kanlurang Asya

Nag-unahan ang mga Kanluraning bansa na masakop ang mga bansa sa


Kanlurang Asya nang matuklasan ang langis sa rehiyon. Ang mga Arabong
bansa sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq, Kuwait ang may hawak ng
malaking reserba ng langis sa daigdig. Kabilang din ang tatlong bansang ito sa
OPEC na siyang nagkokontrol ng presyo ng langis sa pandaigdigang kalakalan.

Neokolonyalismong Politikal

Sa pamamagitan ng tahimik na paraan, nagagawa ng


makapangyarihang bansa na kontrolin ang pamamahala sa mga bansang
mahihina. Nagagawang maimpluwensiyahan ng makapangyarihang bansa ang
usapin tungkol sa mga kalagayang panloob dito, pagbabatas pamamaraang
politikalna ang halimbawa ay eleksyon.

Politikal at Suportang Pangmilitar

Nagagawang tumulong ng mga Kanluraning bansa sa kanilang mga


dating kolonya kung ito ay nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa.
Handa itong magbigay ng kanilang hukbong sandatahan at iba pang tulong
pangmilitar. Tulad ng pagtulong ng Estados Unidos sa Kuwait nang lusubin ito
ng bansang Iraq.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


234
Neokolonyalismong Kultural

Patakaran ng makapangyarihang bansa na palaganapin sa mahihinang


mga bansa ang kanilang kultura o paraan ng pamumuhay tulad ng paraan ng
pananamit,sayaw, awit,estilo ng buhok, pagkain,libangan at pati na mga
pagdiriwang. Gamit ang mass media at edukasyon ay nahuhubog ng mga
makapangyarihang bansa ang kaisipan ng mga katutubo sa mga bagay na
malinaw na makadayuhan.
Naganap sa India ang anyong ito ng Neokolonyalismo sa pamamagitan
ng mga British. Ibinatay sa sistemang British ang edukasyon sa India at wikang
Ingles ang ginamit sa pagtuturo upang ang mga Indian ay maging mahusay na
manggagawa at kawani ng kanilang pamahalaang kolonyal.

Epekto ng Neokolonyalismo sa mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

Dahil sa patuloy na pagtulong ng mayayamang bansa sa mga bansa sa


Asya ay naging palaasa na lamang ang umuunlad at mahihirap na bansa tulad
nang sa pananalapi, politika, panlipunan at maging kapakanan ng bansa.
Madalas ay nangungutang ng salapi ang mga dating kolonyang bansa sa
International Monetary Fund at World Bank upang magamit sa kanilang mga
pangangailangan pati na ang ukol sa edukasyon.

Nababalewala ang mga kurikulum na dapat sundin sa edukasyon ng


mahihirap na bansa dahil sa patuloy na pagsunod sa sistema ng edukasyon sa
Kanluran.

Sa kabila na ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay hindi nasakop ng


mga Kanluranin, may mga pandaigdigang sistema sa ekonomiya ang hindi
nakakatulong sa pag-unlad ng mga ito. May mga pandaigdigang kompanya ang
nagbibigay ng mga patakaran sa papaunlad na bansa. Ang liberalisasyon ng
ekonomiya sa daigdig sa kasalukuyan ay nagbigay-daan sa pagbubukas ng
mga pamilihan ng papaunlad na mga bansa na wala namang maitutumbas sa
malayang pagpasok ng teknolohiya ng mauunlad na bansa. Pinakikialaman din
ng International Monetary Fund at World Bank ang pera ng mga bansa sa
Ikatlong Daigdig upang pambayad sa mga utang panlabas na nagiging dahilan
ng kabawasan sa pagpapaunlad sana ng kanilang agrikultura.May mga
patakaran din ang IMF at World Bank na nagdidikta sa mga bansang
papaunlad pa lamang na liitan ang badyet na ilalaan ng pamahalaan sa
edukasyon at kalusugan, dahilan ito upang lalong magdulot ng kahirapan sa
mga bansa.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


235
Tugon sa Neokolonyalismo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya
Sa kabila ng pagtatapos ng kolonyalismo at imperyalismo sa huling
bahagi ng ika-20 dantaon ay patuloy pa rin ang pagpasok ng impluwensiya ng
mga Kanluraning bansa sa Asya. Pangunahing dahilan nito ay ang makabago
at tahimik na paraan ng pananakop na tinatawag na Neokolonyalismo.

May ibat ibang paraan ng pagtugon ang mga Asyano sa Timog at


Kanlurang Asya sa neokolonyalismo. May mga bansa sa mga rehiyong ito ang
napilitang tumanggap ng mga tulong pinansyal upang makabangon muli ang
kanilang ekonomiyang nalugmok sa digmaan. Tulad ng bansang Turkey noong
taong1945 ay nagsimulang tumanggap ng tulong mula sa Estados Unidos sa
pangunguna ni Pangulong Harry S. Truman, kasabay ng pagpayag sa pang-
ekonomiya at pangmilitar na pakikipagkasundo sa Estados Unidos. Taong
1950-1960 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Celal Bayar ng Turkey,
kinakitaan ng pag-unlad ang ekonomiya ng bansa dahil sa liberalismong pang-
ekonomiyang patakaran na ipinatupad nito at patuloy na pagtanggap ng
dayuhang tulong mula sa Estados Unidos. Sa panig ng Saudi Arabia naman sa
ilalim ng pamumuno ni Haring Ibn Saud, Disyembre taong 1950 nang ito ay
nakipagkasundo sa Arabian American Oil Company (ARAMCO) para sa 50%
kita ng nasabing kompanya ay maibigay sa Saudi Arabia nang sa gayon ay
mapataas ang kita ng bansa.Pinayagan din nito ang patuloy na paggamit ng
Estados Unidos ng base militar sa Dharan kapalit ng tulong teknikal at
pagpapahintulot na pagbili ng armas sa ilalim ng Mutual Defense Assisstance
Act. Noong ang Iran ay nasa ilalim ng pamumuno ni Shah Reza, ito ay humingi
ng tulong teknikal sa mga bansang France,Germany, Italy at iba pa.Iniwasan
niyang makipag-ugnayan sa Rusya at Britain, sa kabila na nananatiling
pagmamay-ari ng Britain ang Anglo-Iranian Oil Company na siyang
kumukontrol sa lahat ng minahan ng langis ng Iran.

May mga samahang nabuo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya


na muling nagpakita ng kanilang pagiging makabayan. Halimbawa nito ay ang
itinuturing ng mga Israeli na terorista, ang Palestinian Liberation Organization
na dating pinamunuan ni Yasser Arafat na kinikilala naman ng mga Arabe na
taga-Palestina bilang isang makabayang samahan.

Nanantili naman sa bansang India ang paggamit ng wikang Ingles,


patuloy na paglalaro ng cricket at badminton.

Maraming bansang Asyano sa kasalukuyan ang nagsisikap na


makatayo sa kanilang sariling mga paa at hindi na masyadong umaasa sa mga
makapangyarihan at maimpluwensiyang mga bansa.Nagsilbing hamon din sa
kanila na kaya nilang matumbasan ang anumang kaunlaran mayroon ang mga
makapangyarihang bansa.

Upang matiyak na ikaw ay nakapagsuri sa iyong binasang teksto


ay maaari mong gamitin ang kasunod na Tri Question Approach Format
sa pagtalakay tungkol sa mga anyo ,epekto at tugon sa Neokolonyalismo
sa Timog at Kanlurang Asya.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


236
Gawain 8: Tri-Question Approach
Sagutin ang mga tanong tungkol sa ating paksa sa iyong tri-question
box. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Tanong 1 Ano ang neokolonyalismo?

Ano-ano ang anyo at epekto ng neokolonyalismo sa


Tanong 2
mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
Paano tumugon sa neokolonyalismo ang mga bansa
Tanong 3
sa Timog at Kanlurang Asya?

Maaaring markahan ang kagalingan sa pagsagot sa mga gabay na


tanong na lohikal ayon sa tri-question approach format. Sa eskalang 1-5 kung
saan ang 5 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa, markahan ang sariling
gawain. Isulat ang iskor sa kolum na nasa kanan. Gawin ito sa kuwaderno.

Deskripsyon Eskala Iskor


1.Kagalingan sa pag-unawa sa paksa 1-5
2.Kagalingan sa pagsagot sa mga tanong 1-5
3.Kagalingan sa interpretasyon ng mga 1-5
datos
4.Kagalingan sa pag-uugnay sa ibang isyu 1-5
5.Kagalingan sa pagbubuod 1-5
Kabuuan

Sa bahaging ito ng modyul ay matututuhan mo ang paksa tungkol


sa kalakalan at ang kahulugan, uri, kahalagahan at peligrong dulot nito sa
pagsulong at pag-unlad ng ekonomiya at kultura ng mga bansa sa Timog
at Kanlurang Asya. Alam kong interesado ka. Simulan mo ang gawain sa
pamamagitan ng pagsusuri sa kasunod na mga teksto na may kaugnayan
sa paksa.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


237
Basahin at Unawain

Kalakalan sa Timog at Kanlurang Asya


Kalakalan ang tawag sa anumang transaksyon nagaganap sa pagitan
ng dalawang tao o bansa na kabilang sa isang pamilihan. Ang barter ay isang
simpleng uri ng pakikipagkalakalan na hindi nakabatay sa salapi. Money
economy naman ang ekonomiyang nakabatay sa salapi.

May dalawang uri ng kalakalan. Ito ang kalakalang panloob kung saan
ang palitan ng kalakal ay sa loob lamang ng bansa. Tinatawag namang
kalakalang panlabas ang pagpapalitan ng kalakal sa ibang bansa.Ang
kalakalang panlabas ay may dalawang uri, ito ay ang export produktong
iniluluwas at import produktong may kaugnayan sa mga inaangkat mula sa
ibang bansa. Ang mga ideya, paglilingkod o serbisyo ay kasama rin sa
kalakalan dahil sa maaaring ilako ito sa pandaigdigang pamilihan.

Inaangkat sa kasalukuyan ng India ang kanyang mga kailangang


produkto tulad ng mga produktong langis, kemikal, makinarya, electronics,at
fertilizers mula sa Estados Unidos,Singapore,Belgium,United Kingdom at
Germany. Ilan sa mga produktong iniluluwas naman nito sa ibang bansa ay ang
mga produktong tulad ng mahahalagang bato, alahas, tela,kemikal,
bakal,carpet at iba pa . Sa Kanlurang Asya, isa ang bansang Syria na
nagluluwas ng kanyang mga produkto tulad ng petrolyo, tela,
cotton,tabako,prutas at gulay sa mga bansang Germany, Italy , France Turkey
at Saudi Arabia. Inaangkat naman ng bansang ito mula sa Italy, Germany,
France, Estados Unidos at Timog Korea ang mga produktong kanyang
kailangan tulad ng mga makinarya,sasakyan,produktong kemikal, butil at iba
pang produktong agrikultural.

Tunay na naging mahalaga sa kapalaran ng mga Asyano ang


kalakalang naganap sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Ang kalakalan
ang naging mahalagang instumento sa pagkamkam ng mga Kanluraning bansa
sa yaman ng mga bansang kanilang nasakop sa Asya. Naging masigla ang
pagpapalitan ng mga kalakal pati na ang pagpapalitan ng kultura ng mga
mangangalakal mula sa Asya patungo sa Europa gamit ang ibat ibang ruta ng
kalakalan tulad ng silkroute at caravan route.

Ang silkroute ay maituturing na pinakamahalagang sinaunang ruta ng


kalakalan na nag-uugnay sa mga bansang tulad ng Tsina, Gitnang Asya,
Persia(Iran), Kanlurang Asya at Europa.Dito nailuwas ang mga produktong
tulad ng telang seda, porselana,jade atmga produktong yari sa bronse na
pinagmulan ng malaking kita ng ilang bansang Asyano. Sa rutang ito, nakilala
ang bansang Tsina at Persia (Iran) bilang mahalagang sentro ng kalakalan ng
telang seda.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


238
Pagkatapos mong basahin ang teksto na may kaugnayan sa
paksang kalakalan ay maaari mo nang gawin ang isang concept map.
Maaari mong kulayan ang iyong concept map upang maging kaakit-akit.

Gawain 9: Concept Map Ko!


Buuin ang isang concept cap sa ibaba, sa pamamagitan ng paglalagay
ng tamang impormasyon sa bawat bahagi nito. Maaring kulayan ang iyong
concept map na nabuo.

Kahulugan

Kalakalan URI

Kahalagahan Peligro

Nakatitiyak akong handa ka na muling magbasa at magsuri ng mga


pagbabago sa kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya ng ilang piling
bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Nakatitiyak akong mawiwili ka sa
bagong babasahing ito. Alam kong interesado ka. Simulan mo na!

Gawain 10: Basahin at Suriin

Kalakalan, Kultura at Ekonomiya ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang


Asya

Naniniwala ka ba na maaaring maging daluyan ng kultura ang


kalakalan? Kalakalan ang nagbigay- daan sa pagyabong ng kultura at
ekonomiya ng mga bansang Asyano bago dumating ang mga dayuhan. Dahil
sa kalakalan nagkaroon ang mga Asyano ng ugnayan dala ang ibat ibang
kultura. Ang tagpuan at daluyan ng ibat ibang kulturang ito ay ang pamilihan,
napaglalapit nito ang mga bansang Asyano sa isat isa.

Itinuturing na pangunahing mangangalakal sa Asya ang lahing


Arabo,Indian Tsino at Malay,bago nagsimula ang panahon ng pananakop ng
mga Kanluraning Bansa. Ang mga mangangalakal na ito ay nagdala ng kani

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


239
kanilang mga produkto lalo’t higit sa Timog Silangang Asya kasabay ng
kanilang pagpapalaganap ng mga paniniwala at kaugalian dito.

Dahil sa industriyalisasyon sa Europa at pananakop ng mga Kanluraning


Bansa sa Asya, ang Asya ay naging pamilihan din ng mga kalakal na gawa ng
mga dayuhan. Sa India,minsan na ring humina ang katutubong industriya ng
paghahabi dahil sa malawakang pagdagsa sa pamilihan nito ng mga telang
gawa ng mga Ingles.

Sa pandaigdigang kalakalan makikitang hawak ng mga bansang Arabo


sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq at Kuwait ang malaking reserba ng langis
sa mundo. Kabilang din ang tatlong bansa sa Organization of Petroleum
Exporting Countries na kung saan ay nagkokontrol sa presyo ng langis sa
pandaigdigang kalakalan. Nagkaroon ng paglakas ng ekonomiya ang mga
bansang Arabo dahil sa industriya ng langis kung kaya’t dumami sa mga
bansang ito ang mga dayuhang manggagawa mula sa bansang Pilipinas,
Thailand, India, Pakistan,Sri Lanka at Indonesia.Ang mga manggagawang ito
ay kailangang umangkop sa pamumuhay at kultura ng mga bansang kanilang
pinagsisilbihan.Kontrolado naman ng bansang India ang pagluluwas ng bigas
at Sri Lanka naman ang nangunguna sa tsaa sa pandaigdigang ekonomiya.
May mahalagang bahaging ginagampanan din ang maunlad na lungsod ng
Bangalore sa India bilang sentro ng Information Technology sa Timog Asya.

Lumakas din ang ugnayan ng mga bansa sa Asya sa pagtatatag ng mga


samahan tulad ng SAARC (South Asian Association for Regional Cooperation)
noong 1997,nagsilbi ito bilang forum sa dalawang nagtutunggaliang bansa sa
Timog Asya- India at Pakistan na siyang may hawak ng mga usaping
panseguridad at pang-ekonomiya sa rehiyon.

Epekto ng Kalakalan sa mga Pagbabagong Pang-ekonomiya at


Pangkultura ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

Ayon kay Richard Foltz, Encarta Encyclopedia,ang mga relihiyon sa


daigdig tulad ng relihiyong Budismo,Kristiyanismo,Manichaiesm( paniniwalang
kumalat at agad nawala noong 16 dantaon) ,Islam ay nakilala dahil sa mga
mangangalakal at misyonaryong kasama sa kalakalang naganap sa Silk
Road.Kasama sa mga kalakal na dala ng mga mangangalakal, artisano at
misyonaryong manlalakbay ang kanilang mga bagong ideya, teknolohiya,at
paniniwala sa mga bansang kanilang pinupuntahan. Sa pamamagitan din ng
kalakalan ng seda, nagkaroon ng magandang- ugnayan ang mga
mangangalakal na nagmula sa ibat ibang lupain dahil sinikap ng mga ito na
matutuhan ang lokal na wika at kaugalian ng bawat isa ng lumaon ay nagdulot
ng mga pagbabagong pangkultura sa mga bansang Asyano lalo na sa Timog
at Kanlurang Asya. Halimbawa nito ang mga Iranian na mangangalakal na
nagmula sa Parthia, Bactria at Transoxania na nagpakilala ng relihiyong
Budismo sa bansang Tsina. Mula sa bansang India, ang Budismo ay kumalat
sa bansang Tsina na nagdulot ng mga pagbabago sa pagkain,paraan ng

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


240
paglilibing ,pananaw sa labas ng bansa, at sining ng mga Tsino tulad ng
arkitektura,pagpipinta at iskultura. Ang mga paniniwalang Iranian naman ay
napasama at kumalat sa relihiyong Hudaismo at Kristiyanismo.

Pamprosesong Tanong
1. Ano-ano ang mga epekto ng kalakalan sa pang-ekonomiya at pangkulturang
kalagayan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
2. Paano nakaaapekto ang kalakalan sa mga pagbabagong ekonomikal at
kultural ng mga bansa sa Timog at kanlurang Asya?

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa bahaging ito ng yunit ay nais kong pagtibayin mo ang iyong


nabuong pag unawa tungkol sa paksa.Dahil natapos mo na ang mga aralin
ay maaari mo nang sagutin ang susunod na gawain tungkol sa mga
pagbabago sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Gawain 11: Pahayag-Suri


Lagyan ng tsek ( /) ang mga pahayag na tama at ekis (x) ang mga
pahayag na mali sa bawat bilang. Gawin ito sa kuwaderno.

__________ 1. Ang kalakalan ay mahalaga sa pag-unlad at pagpapalitan ng


kultura ng ibat ibang bansa.
__________ 2. Maraming aspeto ang relihiyon na nakaaapekto sa kalagayan
ng mga kalalakihang Asyano.
__________ 3. Neokolonyalismo ang bagong paraan ng pananakop ng mga
bansang makapangyarihan na hindi gumagamit ng lakas ng
hukbong sandatahan.
___________4.Ang edukasyon ay lubhang mahalaga sa pamumuhay ng mga
Asyano.
___________5. Nagsimula ang krisis pang-ekonomiya sa Singapore noong
1997.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


241
ILIPAT AT ISABUHAY

Magaling! Narating mo na ang huling bahagi ng aralin. Dito ay may


pagkakataon na mailipat ang nalinang mong kasanayan sa pamamagitan
ng pagtupad ng mga gawain na nagpapamalas din ng iyong ganap na
pang-unawa sa aralin.

Gawain 12: Kung Ako Lang Sana…


Ipalagay na magkakaroon ng eleksyon para sa pinakapangulo ng buong
Timog at Kanlurang Asya. Ikaw ay isa sa mga kandidato. Para sa iyong
pangangampanya, sumulat ka nang isang plataporma tungkol sa pagbabago,
pag-unlad, at pagpapatuloy tungo sa hinaharap ng rehiyong iyong
kinakatawan.

Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya


at ang Pagkakilanlan ng Kulturang Asyano

ALAMIN

Matapos mong maunawaan ang pagbabago at hamong


kinaharap ng Timog at Kanlurang Asya sa transisyonal at
makabagong panahon. Ngayon naman ay iyong pag-aaralan ang
kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya at ang pagkakilanlan ng
kulturang Asyano batay sa mga kontribusyong ito. Kung nakahanda
ka na sa susunod na aralin ay sagutin na ang nakahandang hamon.

Gawain 1: Ayusin Mo
Ayusin mo ang mga ginulong letra upang malaman ang iyong paunang
kaalaman sa aralin. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

NINGIS UHAMNIADDSE

PAKALAPAMNAS

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


242
PAUNLARIN

Sa bahaging ito ay inaasahan na matututunan mo ang mga


kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya at pagkakakilanlan ng
kulturang Asyano batay sa mga kontribusyong ito. Maaari mong balikan
ang mga kasagutan at katanungan na iyong nabuo sa unang bahagi ng
modyul na ito upang malaman kung tama ito at nasagot ang iyong mga
naunang katanungan.

Basahin at Suriin

Arkitekturang Asyano
Sa pagbuo ng kabihasnang Asyano at sa kabila ng naranasan na pananakop,
naipakita dito ang maipagmamalaking mapagkakakilanlan, mataas na
kakayahan,katalinuhan at kakaibang galing ng mga Asyano sa iba’t ibang larangan
tulad ng sining, humanidades at pampalakasan. Ang sentro ng paggawa ng mga
Asyano sa iba’t ibang larangan ay nakapaloob sa relihiyong niyakap at kinagisnan.

Timog Asya
Kakaiba ang rehiyon ng Timog Asya na sa kabila ng impluwensiya ng
mga mananakop hindi natinag ang kulturang nabuo sa pagkakakilanlan bilang
isa sa rehiyon na mayaman sa kultura. Lumaganap ang impluwensiya ng India
sa rehiyon ng Silangang Asya at Timog Silangang Asya. Ang arkitekturang
Indian ay makikita sa Myanmar, Indonesia, Cambodia,Nepal, Pakistan, Sri
Lanka at Thailand.

Sa relihiyong Hinduismo, Budismo at Islam iniuugnay ang bawat gusali


na nililikha nila. May dalawang tanda ng arkitekturang Indian, ang kilalang
templong budista sa India, ang stupa, na gawa sa laryo o bato na may mga
bilugang umbok na may tulis ng tore.Dito inilalagay ang mga sagrado
atpanrelihiyong relikya at ang Taj Mahal na ipinatayo ni Shah Jahan para sa
kanyang pinakamamahal na asawa na si Mumtaz Mahal na namatay sa
panglabing-apat nilang anak . Ang mga obra maestro ng arkitekturang Indian
ay ang templo ng Borobudur sa Java at ang Angkor Wat sa Cambodia.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


243
Kanlurang Asya
Ang mga istruktura na itinayo ay pawang may kinalaman sa relihiyon na
makikita ito sa mga bansa sa Kanlurang Asya at Timog Asya.

Ang kilalang arkitekturang Islamik ay ang Masjid o Moske. Itinuturing ito


na pinakamahalagang pagpapahayag ng sining Islamik.Ang tala ukol dito ay
naglalarawang istrukturang may minbar o pulpito at mihrab o nitso na may
madetalyeng disenyo at nagtuturo sa direksyon ng Mecca, ang banal na
lungsod ng mga Muslim. Ang moske ay napapalamutian ng marmol, mosaic, at
gawang-kahoy.
May isa pang gusaling panrelihiyon ang ribat ito ay may parisukat nana hugis,
ang entrada ay napapalamutian, at sa gitna ay may patyo.Ang isa pang uri ng
gusaling Islamik ay ang Turbe (tomb) ang musoleo ng sektang Shi’ite. Ito ay
may maliliit na gusali na hugis bilugan, ang bubungan ay may turret na hugis
dulo ng lapis.

Panitikan Asyano
Maraming nagawa ang mga Asyano sa larangan ng panitikan. Mayaman
ang panitikang Asyano sa mga kwentong bayan, alamat, epiko, tula, maikling
kwento at dula.

Timog Asya
Nasusulat ang wikang klasikal ng panitikang Indian saSanskrit, na
nakaimpluwensiya sa mga wika ng karatigbansa tulad ng Pilipinas, Indonesia,
Sri Lanka at Pakistan. May paniniwala na sa India nagmula ang mga sinaunang
kwento.
May dalawang mahalagang epiko ang India, ang Mahabharata at Ramayana.
Ang Mahabharata ay nagsasalaysay ng pantribong digmaan samantalang ang
Ramayana ay patungkol sa buhay ni Rama, ang lalaking bida sa epiko.
Si Kalidasa, ang pinakadakilang dramatista na may-akda ng Sakuntala,
patungkol ito sa pag-ibig ni Haring Dusyanta sa isang ermitanya, ang kanyang
kahusayan ay maihahanay sa mga mahuhusay ng mga Europeo tulad ni
William Shakespeare.

Ang Panchatantra ang pinakamatanda at pinakatanyag na koleksyon ng


mga pabula na may maraming kwento ukol sa alamat, engkantada at pabula.
Si Rabindranath Tagore, isang manunulat na taga Bengal, at kauna-unahang
Asyano na nagwagi noong 1913 Gawad Nobel para sa panitikan. Kahanga-
hanga ang kanyang mga tula at kwento. Sa kanyang mga akda, hinikayat ang
mga kapwa Indian na ipagmalaki ang lahing Indian. Lahat ng kanyang akda ay
naglalarawan ng kagandahan ng kalikasan at pampulitika. Ang Gitanjali, ay
isang aklat ng mga tula, Golpa Guccha, koleksyon ng mga kwento ukol sa
ordinaryong pamumuhay at dinadanas na paghihirap ng mga tao.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


244
Kanlurang Asya
Ang panitikan ng rehiyon ay repleksyon ng kultura ng mga mamamayan
dito. Noong 1966, si Shmuel Yosef Agnon na taga Israel ay tumanggap ng
Nobel Prize, ang kauna-unahang Hudyo na nakatanggap sa kanyang akda na
The Bridal Canopy at A Guest for the Night,

Isa pang taga Israel ang nakilala sa kanyang akda na Songs of


Jerusalem and Myself si Yehuda Anichai. Ang popular naA Thousand and One
Nights na mas kilalang Arabian Nights. Ito ay kwentong Persiano na hango sa
kwentong Indian. Isinalaysay ito ng isang magandang prinsesa na nilibang ang
hari upang hindi matuloy ang pagbitay sa kanya. Ang Pakikipagsapalaran ni
Sinbad, ang The Tale of Alibaba and the Forty Thieves ay lubhang makasining
ang pagkasulat.Ang Rubaiyat, ay napakagandang tula na isinulat ni Omar
Khayyam.
Ang inspirasyon ng mga Arabe sa paggawa ay may kaugnayan sa relihiyong
Islam na pinaniniwalaan nila.

Musika at Sayaw ng mga Asyano


Sa maraming bansa sa Asya, ang musika at sayaw ay bahagi ng ritwal
sa panganganak, pag-aasawa at kamatayan. Bagaman maraming mga bansa
rito ang nasakop ng mga Kanluranin, nananatiling buo ang tradisyong musikal
ng mga Asyano dahil na rin sa mahigpit at matibay na pundasyon nito. Sa
sayaw mas binibigyang diin ng mga Asyano ang galaw ng kamay at katawan
ng tao.

Musika at Sayaw ng Indian

Mahigpit ang pagtuturo sa mga nais mag-aral ng musika. Dahil sa higpit


at dedikasyon sa pagtuturo nagbunga ito ng maraming nalikhang musika.
Naniniwala ang mga Hindu na upang makamit ang Nirvana(ganap na
kaligayahan) ang pinakamadaling paraan ang paggamit ng musika. Maraming
instrumento sa musika ang ginagamit tulad ng tamburin, plawta(vina) at
tambol(maridangan). Ang sitar ang pinakabantog na instrumento na gawa sa
pinatuyong upo at maraming kwerdas. Ang ragas ay isang musika na nag-aalis
ng sakit. Mayroong tiyak na oras at panahon sa pagtugtog nito. May paniniwala
ang mga Hinduna ang ayaw sumunod sa itinakdang oras ay
mapapasapanganib ang tinutugtugan at nakikinig nito.

Mahilig ang mga Hindu sa sayaw, may paniniwala sila na ito’y libangan
ng diyos nila. Patunay nito kahit sa templo may mga babaing nakaukit na
sumasayaw.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


245
Musika at Sayaw ng mga Arabe
Sa mga lungsod ng Mecca, Ukash, at Medina sa Saudi Arabia
pumupunta ang mga manunula, payaso, at musikero upang mag-aral at
magpakadalubhasa sa musika. May mga instrumento ng pangmusikal na
ginagamit tulad ng mi’zafa, gussaba, mizmar, at tambourine. Ang harpa at
trumpeta ay nagmula sa Iraq. May isang sistema ng melodiya na ginagamit ng
mga unang musikerong Arabe na katulad sa Ragas ng mga Hindu. Noong
pumasok ang ika-19 na siglo, ang musikang Arabe ay impluwensiyado ng mga
Europeo, makikita ito sa kanilang martsa na gumagamit ng mga instrumentong
banyaga.

Pampalakasan
Ang palakasan ay naging isang daan upang magkabuklod-buklod ang
mga mamamayang Asyano.Hindi namabilang ang mga Asyanong naging
matagumpay, nakilala at hinangaan sa iba’t-ibang palaro.Nagsilbing
inspirasyon upang patuloy na magkaisa at magnais ng kapayapaan ang lahat
ng mamamayan sa Asya.Sa katunayan, ang isports ay naging bahagi ng pang-
araw-araw na buhay ng mga Asyano.

Ang karamihan ng larong kilala sa buong Asya at sa daigdig ay nagmula


sa India. At ang karamihan nito ay inilalarawan sa tanyag na epikong
Mahabharata na isinulat noong 800 B.C.E. Ang mga larong ito ay ginamit ng
mahabang panahon hanggang sa ito ay mahaluan na ng iba’t ibang paraan at
pangalan.

Hindi lamang ang rehiyon ng Silangang Asya at Timog-silangang Asya


ang nakilala bilang isa sa mga orihinal na tagapagtatag ng mga natatanging
palakasan nakilala rin sa iba’t ibang bansa ang rehiyon ng Timog at
Kanlurang Asya. May tanyag na laro sa India, ang Kabaddi, napakasimple,
hindi magastos, at hindi nangangailangan ng malaking ispasyo para ito
maisagawa. Nalinang ang larong ito may apat na libong taon na ang
nakakaraan upang makapagbigay tulong sa mga Indian na maproteksyonan
ang kanilang sarili laban sa mga paglusob ng mga kaaway.

Ang Kabaddi ay pangkatang laro. Nangangailangan ng dalawang


pangkat para makakuha ng mataas na iskor. Sa bawat pangkat ay may pitong
miyembro. Ang gagawin lang ng magkabilang pangkat ay manghuhuli ng
miyembro ng katunggaling pangkat.

Ang larong chess, baraha, at martial arts tulad ng judo at karate ay


nagmula sa India. Ang baraha ang popular na laro sa mga hari at maharlika ng
kahariang korte sa India.Ang judo at karate ay mahalagang pananggalang ng
mga Budista sa mapanganib na paglalakbay patungong Japan, China, at Korea
na nag-uugnay sa repleksiyong panloob ng mga Budista sa kanilang buhay.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


246
May ebidensya na natagpuan sa kabihasnang Sumer noong 300
hanggang 1500 BCE. Katunayan sa natagpuang tabletang luwad na may
naglaro na ng buno (wrestling) at boksing. Sa panahong Biblikal, ang mga
tansong istatwa ay naglalaro ng buno. Sa panahon ng Ur may mga damahan.
Pangangaso ang naging libangan ng mayayaman. Sa panahon ng Hittite
nakilala ang kagalingan sa paglalangoy bilang bahagi ng pakikidigma. Sila ay
nagtataglay ng kalusugang pisikal. Ang sinaunang Israel ay kilala sa larong
takbuhan at pangingisda. Ang mga Persiano ay mahusay mangabayo.

Sa atletang nakilala sa Asya sa bansang Syria, nanguna si Gwada


Showaa sa hurdles at high jump. Dahil sa kanyang pagkapanalo, nagpista nang
isang linggo ang bansang Syria. Gayundin si Naim Suleymanoghi, isang
weightlifter na taga-Turkey na nag-uwi ng tatlong gintong medalya. Mahilig sa
palakasan ang mga Asyano hindi lamang para Manalo at makilala sa buong
mundo, kundi taglay din ang katangiang dapat taglayin ng isang kasali sa laro.

Gawain 2: Dugtungan
Dugtungan ang sumusunod na pangungusap. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

1. Ang kontribusyon ng mga Asyano ay_______________________.


2. Bilang Pilipino, nararapat na ipagmalaki ang ambag ng mga Asyano
dahil__________________.
3. Mapapahalagahan ko ang mga kontribusyong Asyano sa ganitong
paraan_______________.

Binabati kita! Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng paunlarin


para sa araling ito. Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa
ukol sa mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya. Maaari ka nang
tumungo sa susunod na bahagi ng aralin na ito upang mapalalim at
mapalawak pa ang iyong pag-unawa ukol sa paksang ito.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


247
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Ang artikulo sa ibaba ay tungkol kay na kilalang
personalidad sa Timog Asya na may mahalagang
kontribusyon sa Asya at sa daigdig. Suriin mo ang dinaanan
niya sa buhay. Sagutin ang gabay na tanong. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

Bhupen Hazarika was a multifaceted Indian artist,


famously referred to as the uncrowned king of
North-Eastern India's cultural world. He is best
described as an extraordinarily talented person who was a poet,
music composer, singer, actor, journalist, author and a renowned
film-maker of the very highest repute. He was a child prodigy who
was discovered by his mentors at a young age which helped him
to excel at his abilities. He has rendered music, written lyrics, and
sung for numerous Assamese, Bengali and Hindi films which
created an everlasting impression on both Assamese and Indian
cinema, literature, and music. Most of his songs are marked by
themes of humanity and universal brotherhood and have been
translated to, and sung in many languages, most notably in
Bengali and Hindi. Other than being a musician and playback
singer, he was an immensely talented filmmaker who created
some of the most memorable national award winning Assamese
films. He is also acknowledged to have introduced the culture
and folk music of Assam and Northeast India to Hindi cinema at
the national level. Winner of several prestigious awards, he was
truly one of the most celebrated artists of the 20th century.

 Bhupen Hazarika was born on September 8, 1926 in Sadiya,


Assam, British India, to Nilakanta Hazarika and Shantipriya
Hazarika. He was the eldest of their ten children.
 During his childhood, his family shifted several times before
settling in Tezpur where his musical talent was spotted by
Jyotiprasad Agarwala, the noted Assamese lyricist, and Bishnu
Prasad Rabha, a renowned Assamese artist.
 In 1936, he traveled with his mentors to Kolkata where he
recorded his first song at the Aurora Studio for the Selona
Company. In 1939, he sang two songs in the film ‘Indramalati’.
He wrote his first song, ‘Agnijugor Firingoti Moi’, at the age of
13.
 He received his early education from Sonaram High School in
Guwahati, Dhubri Government High School in Dhubri, Tezpur
High School and the Cotton College. Later, he attended
Banaras Hindu University where he completed his graduation
and post-graduation, obtaining his BA (1944) and MA (1946) in
Political Science.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


248
 In 1949, he got enrolled at the Columbia University, New York,
on a scholarship and earned his doctoral degree in 1952 on his
thesis "Proposals for Preparing India's Basic Education to use
Audio-Visual Techniques in Adult Education".
http://www.thefamouspeople.com/profiles/bhupen-hazarika-5496.php

Gabay na Tanong
1. Bilang Pilipino at isang Asyano, paano nagsilbing inspirasyon sa inyo ang
narating niya sa buhay?
2. Paano naipakita ng mga taga Timog at Kanlurang Asya ang makabagong
hamon na itosa pamumuhay?

ILIPAT AT ISABUHAY

Binabati kita! Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi


ng Pagnilayan at Unawain. Sa pagkakataong ito, inaaasahang magagamit
ang nililinang na kasanayan sa tulong ng nakahandang gawain.

G- Ang iyong barangay ay taunang nagbibigay ng parangal sa mga piling


miyembro ng pamayanan na nagpakita ng mabuting halimbawa. Ang
layunin ng patimpalak na ito ay upang magsilbing paalala sa mga
mamamayan na ang bawat isa ay may responsiblidad at gampaning dapat
gawin para sa ikabubuti at ikauunlad ng buong pamayanan.

R- Miyembro ng Sangguniang Kabataan

A- Miyembro at mga Opisyal ng Barangay

S- Magkakaroon ng patimpalak na tinatawag na BARANGAY IDOL kung saan


pipiliin ang limang miyembro ng barangay na nagsilbing mabuting huwaran
sa lipunan.

P- Makagawa ng campaign poster para sa iyong kalahok para sa BARANGAY


IDOL

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


249
Rubric sa Pagmamarka

KRITERYA NAPAKAG MAGALING MAY NAGSISIM MAR


ALING 3 KAKULA ULA PA KA
4 NGAN LANG
2 1

IMPORMAT Ang Ang Ang Ang


IBO/ nabuong nabuong nabuong nabuong
PRAKTIKAL poster ay poster ay poster ay poster ay
IDAD nakapagbibi nakapagbibi kulang sa walang
gay ng gay ng sapat na impormasy
kumpleto, wastong impormasy on tungkol
wasto at impormasyo on tungkol sa mga
napakahala n tungkol sa sa mga kontribusy
gang mga kontribusy on sa
impormasyo kontribusyo on sa lipunan.
n tungkol sa n sa lipunan.
mga kapaki- lipunan.
pakinabang
na
kontribusyo
n sa
lipunan.

MALIKHAI Ang Ang May Hindi


N pagkakasun pagkakasun kakulanga malikhain
od-sunod at od-sunod at n ang ang
pagkakadise pagkakadise elemento pagkakadis
nyo ng mga nyo ng mga ng enyo ng
impormasyo impormasyo pagdiseny mga
n tungkol sa n tungkol sa o ng mga impormasy
mga kapaki- mga impormasy on tungkol
pakinabang kontribusyo on tungkol sa mga
na n sa lipunan sa mga kontribusy
kontribusyo at kontribusy on sa
n sa lipunan nagpapakita on sa lipunan.
at ng sapat na lipunan at
nagpapakita antas ng nagpapakit
ng bukod pagkamalikh a ng
tanging ain. limitadong
antas ng antas ng
pagkamalikh pagkamali
ain. khain.

KABULUH Komprehen Mahusay May Hindi


AN sibo, ang kakulanga naipaliwan

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


250
maayos at pagkakapali nsa lalim o ag ang
may lalim wanag kabuluhan mga
ang tungkol sa ang mga kontribusy
pagkakapali mga kontribusy on sa
wanag kontribusyo on sa lipunan
tungkol sa n sa lipunan lipunan
mga
kontribusyo
n sa lipunan

KATOTOH Ang poster Ang poster Ang poster Walang


ANAN ay ay ay naipakitan
nagpapakita nagpapakita nagpapakit g
ng ng a ng iilang makatotoh
makatotoha pangyayari pangyayari anang
nang sa buhay ng lamang sa pangyayari
pangyayari tao. Ang buhay ng .
sa buhay ng nilalaman tao. Ang
tao. Ang nito ay may nilalaman
nilalaman dating sa nito ay
nito ay may madla. walang
bisa/dating dating sa
sa madla. madla.

KABUUAN
G MARKA

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


251
PANGHULING PAGTATAYA

Upang masubok ang iyong nalalaman sa modyul na ito, subuking


sagutin ang mahabang pagsusulit sa ibaba sa pamamagitan ng pagpili sa titik
ng tamang sagot sa bawat bilang..

1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni


MohandasGandhi upang ipakita ang kanilang pagtutol sa mga
Ingles?
A. Passive resistance
B. Armadong pakikipaglaban
C. Pagbabago ng Pamahalaan
D. Pagtatayo ng mga partido pulitikal

2. Naghangad rin ng kanyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan


ang isinagawa nito upang matamo ang kanyang hangarin?
A. Nakipag-alyansa sa mga Kanluranin
B. Itinatag ang Indian National Congress
C. Binoykot ang mga produktong English
D. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan

3. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi


katanggap-tanggap sa mga Indian. Alin ang isang pagbabagong
hindi matanggap ng mga Indian?
A. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa
pamantayang Ingles
B. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga
baybaying-dagat
C. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon
sa pamahalaan
D. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon

4. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Britanya noong 1947,


nahati ito sa dalawang estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano
ang epekto nito sa katayuan ng bansa at mamamayan?
A. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Hindu.
B. Nahati ang simpatiya ng mga mamamayan sa dalawang estado.
C. Nagsilikas ang karamihan ng mga mamamayan sa ibang bansa.
D. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno.

5. Ang patuloy na paglalaban ng India at Pakistan ay dahil sa kapwa nila


nais angkinin ang teritoryong Kashmir. Ano ang epekto ng
nasyonalismo sa sigalot na ito?
A. Naniniwala ang dalawang magkalabang bansa na pag-aari nila
ang Kashmir.
B. Nais ng dalawang bansa na patunayang makapangyarihan sila.
C. Umasa ang mga mamamayan na malulutas din ang sigalot na ito.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


252
D. Tumanggi ang dalawang bansa sa pakikialam ng United National
Organization (UNO) sa paglulutas ng kanilang suliranin

6. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nagsimulang pinakialaman


ang pulitika ng bansa sa pamumuno ng British East India Company.
Naging mababa ang pagtingin ng mga Ingles sa kultura ng India.
Maging ang pamamahagi ng mga lupain ay binago rin ng mga Ingles.
Sa ganitong pangyayari, napilitan ang mga manggagawang Hindu
na mag-aral ng Ingles upang mapaunlad ang sariling kakayahan sa
paghahanapbuhay. Anong implikasyon ang mabubuo sa ganitong
kaganapan?
A. Ang pananakop ng mga dayuhan ay nagsilbing aral ng India.
B. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ay nakatulong sa pag-
unlad ng kulturang Hindu.
C. Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa
kabuhayanng mga Hindu.

7. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?


A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo
ng mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang
bansa.
C. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.

8. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri


ng nasyonalismo ang isinagawa ni Gandhi laban sa pananakop ng
Britanya?
A. Aggressive C. Passive
B. Defensive D. Radikal

9. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng


bansang India?
A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
B. Pagpapatupad ng economic embargo ng mga Ingles
C. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga India

10. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng


kolonyalismo sa rehiyong Asya?
A. pag-unlad ng kalakalan
B. pagkamulat sa Kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang
likas

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


253
11. Isinusulong naman ni Mahatma Gandhi ang kanyang pananaw na
ang pinuno ng bansa ang siyang magpakita ng pagpapahalaga sa
moralidad. Ang pagpapahalaga na sinasabi ni Gandhi ay ang:
A. maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon
B. mabuting relasyon sa karatig bansa
C. pagkakaroon ng isang asawa at isang pamilya
D. maging bukas o transparent sa lahat ng kanyang gawain sa tulong sa
bayan

12. Dalawang anyo ng nasyonalismo ang ipinakita ng mga Hindu laban sa mga
British. Isa dito ay ang kilusang pinamunuan ni Bal Gangadhar Tilak na
tinawag na rebolusyonaryong kilusan dahil gumamit ito ng marahas na
pagkilos. Ang nakatawag pansin ay ang pinamunuan ni Mohandas K.
Gandhi dahil:
A. Mga bata ang kinasangkapan niya sa paglaban sa British
B. Namahagi siya ng mga produktong Hindu
C. Isinagawa niya ito kasama ang mga guro
D. gumamit ng paraang tahimik tulad ng di pagsunod sa mga
kagustuhan ng mga British

13. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay


daan ito para ang mga Asyano ay matutong:
A. pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
B. pagiging mapagmahal sa kapwa
C. makisalamuha sa mga mananakop
D. maging laging handa sa panganib

14. Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t


ibang epekto sa mga bansang Asyano. Alin sa mga sumusunod ang hindi
epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at
komunikasyon na nagdulot nang mabilis pagluwas ng kalakal sa
pandaigdigang pamilihan
B. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga
sarili sa panahon ng pananakop ng mga Kanluranin
C. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na
kasalang katutubo at dayuhan
D. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap
ng mga produktong Kanluranin

15. Ano ang ipinapahiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas


Gandhi sa kolonyalismo ng mga Ingles sa India?
A. Mahusay na rebolusyonaryong lider si Mohandas Gandhi
B. Maaaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan
C. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan
D. Naging simbolo si Mohandas Gnadhi ng pagkakaisa ng mga
mamamayan sa India

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


254
16. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng
pananakop ng mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga
Hindu lalo na ang mga kababaihan?
A. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India
B. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga mamamayan
ng India
C. Pagbabawal sa ilang matandang kaugaliang Hindu tulad ng “sati” at
“female infanticide”
D. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng “foot binding” at
“concubinage”

17. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?


A. Ito ay nagsisilbing instrumento sa pagsulong ng nasyonalismo at
interes ng bansa
B. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na
bahagdan ng edukadong mamamayan
C. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na
napagkukunan ng buwis ng pamahalaan
D. Pinalalaki nito ang opurtunidad ng mga tao na mangibang bansa.

18. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga


Asyano?
A. Dahil dito ay nagtutulungan ang mga magkakaratig bansa sa Asya
B. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga
bansa
C. Maaring lumaki ang kita sa mga usaping block market
D. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa

19. Bakit muling nabuo ang bansang Israel?


A.Dahil sa layuning lumakas ang Judaism
B. Sa kagustuhang magsama-samang muli ng mga Hudyo
C. Upang matamo ang kanilang kaligtasan
D. Dahil sa pananakop ng ibang lupain

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


255
Transisyon sa susunod na modyul

Binigyang-diin sa aralin na ito ang mga dahilan, paraan, patakaran at


epekto ng Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa Timog
at Kanlurang Asya. Nagkaroon ng malaking impluwensiya ang mga
nanakop na Kanluranin sa kultura, ekonomiya at pulitika ng mga nasakop
na lupain sa Asya. Dumanas ng malubhang paghihirap, kagutuman, pang-
aabuso at pagkawala ng karapatan at kalayaan ang mga Asyano dulot ng
mga patakaran ng mga Kanluraning nakasakop sa kanilang lupain.

Ang mga karanasan ng rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya sa


pananakop ng mga Kanluranin ay mararanasan din ng mga rehiyon ng
Silangan at Timog-Silangang ASya. Iyong matutunghayan sa sususnod na
modyul ang naganap.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


256
QUARTER 4
ANG SILANGAN AT TIMOG SILANGAN
ASYA TRANSISYUNAL
AT MAKABAGONG PANAHON
(IKA-16 HANGGANG IKA-20 SIGLO)

PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG

Ayon sa Travel Magazine, humigit kumulang sa dalawang


milyong Kanluranin ang nagtungo sa Asya noong 2010 upang
bisitahin ang magaganda at makasaysayang lugar dito.
Ganito din kaya ang dahilan ng pagpunta ng mga Kanluranin
sa Asya noong ika-16 na siglo? Bakit sinakop ng mga
Kanluranin ang karamihan ng mga bansa sa Asya? Paano
ipinaglaban ng mga mga Asyano ang kanilang kalayaan at karapatan? Higit sa
lahat, paano binago ng pananakop at pakikipaglaban ang Silangan at
Timog Silangang Asya noong ika-16 siglo hanggang sa ika-20 siglo?
Sa Modyul na ito ay mauunawaan mo ang nagpatuloy at nagbago sa
mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na nasakop ng mga
Kanluranin. Tandaan na dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang sagot
sa sumusunod na katanungan:

 Paano nakamit ang transpormasyon sa Silangan at Timog


Silangang Asya sa mulaika-16 siglo hanggang sa ika-20 siglo?
 Paano nakaimpluwensiya sa transpormasyon ng Silangan at Timog
Silangang Asya ang karanasan nito sa panahon ng Kolonyalismo at
Imperyalismo?
 Paano nakatulong ang pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan at
Timog Silangang Asya sa kasalukuyang kalagayan?
 Paano nahubog ng paglaya ng Silangang Asya at Timog Silangang
Asya ang transpormasyong naganap noong ika-16 na siglo hanggang
sa ika-20 siglo?
 Paano nakaapekto sa mga Asyano ang mga pagbabagong naganap
sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-20
siglo

MGA ARALIN AT SAKOP NG MODYUL


Aralin 1 – Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya
noong ika 16- hanggang ika-20 siglo
Aralin 2 – Pag-usbong Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya
noong ika 16- hanggang ika-20 siglo
Aralin 3 – Hakbang tungo sa Paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog
Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-20 siglo

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


257
Aralin 4 – Ang mga Pagbabago sa Silangan at Timog
Silangang Asya noong ika -16 hanggang ika-20 siglo

Grapikong Pantulong ng Aralin

TRANSPORMASYON NG SILANGAN AT TIMOG


SILANGANG ASYA MULA IKA-16 NA SIGLO
HANGGANG SA KASALUKUYAN

Commented [SI1]: Palitan ang larawan ng nagpapamals ng


transpormasyon.

Kolonyalismo at Pag-usbong ng Hakbang Tungo Mga Pagbabago


Imperyalismo Nasyonalismo sa Paglaya

Ang sumusunod ang inaasahang matutuhan mo sa


Modyul na ito. Tiyaking iyong babasahin at babalik-
balikan dahil ito ang magsisilbi mong gabay sa iyong
pagkatuto.

Sige na! Simulan na nating basahin…

Aralin 1  Nasusuri ang mga dahilan at paraan ng pagpasok ng mga


Kanlurang bansa hanggang sa pagtatag ng kanilang mga
kolonya o kapangyarihan sa Silangan at Timog Silangang
Asya
 Nasusuri ang transpormasyon ng mga pamayanan at
estado sa Timog at Timog Silangang Asya sa pagpasok
ng mga isipan at impluwensiyang kanluranin sa larangan
ng: (a) pamamahala, (b) kabuhayan, (c) teknolohiya, (d)
lipunan, (e) paniniwala, (f) pagpapahalaga, at (g) sining
at kultura
 Naipapaliwanag ang mga nagbago at nanatili sa ilalim ng
kolonyalismo
 Natataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Silangan at
Timog Silangang Asya

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


258
 Naihahambing ang mga karanasan sa Silangan at ng
Timog Silangang Asya sa ilalim ng imperyalismong
kanluranin
Aralin 2  Nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay –daan sa
pag-usbong at pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan
at Timog Silangang Asya
 Naipapaliwanag ang iba’t ibang manipestasyon ng
nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya
 Nabibigyang halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo
ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangan
Aralin 3  Naihahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginampanan
ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya
tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo
 Nasusuri ang pamamaraang ginamit sa Silangan at Timog
Silangang Asya sa pagtatamo ng kalayaan mula sa
kolonyalismo ng kilusang nasyonalista
 Nasusuri ang matinding epekto ng mga digmaang
pandaidig sa pag-aangat ng malawakang kilusang
nasyonalista
 Nasusuri ang kaugnayan sa iba’t ibang ideolohiya(
ideolohiya ng malayang demokrasya, sosyalismo at
komunismo) sa malawakang kilusang nasyonalista
Aralin 4  Naihahambing ang mga pagbabago sa mga bansang
bumubuo sa Silangan at Timog Silangang Asya
 Nasusuri at naihahambing ang balangkas ng pamahalaan
ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangangn Asya
 Nasusuri ang mga anyo at tugon sa Neokolonyalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya
 Nasusuri at naihahambing ang mga palatuntunang
nagtataguyod sa karapatan ng mamamayan sa
pangkalahatan, at ng kababaihan, grupong katutubo,
mga kasapi ng caste sa India at iba pang sektor ng
lipunan
 Naihahambing ang kalagayan at papel ng kababaihan sa
iba’t ibang bahagi ng Timog at Kanlurang Asya at ang
kanilang ambag sa bansa at rehiyon
 Naiuugnay ang mga kasalukuyang pagbabago, pang-
ekonomiya na naganap/ nagaganap sa kalagayan ng
mga bansa saSilangan at Timog-Silangang Asya
 Nasusuri ang pagkakaiba-iba ng antas ng pagsulong at pag-
unlad ng Timog at Timog Silangang Asya gamit ang
estadistika at kaugnay na datos
 Nasusuri ang epekto ng kalakalan sa pagbabagong pang-
ekonomiya at pangkultura ng mga bansa sa Silangan at
Timog Silangang Asya

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


259
 Nasusuri ang epekto ng mga samahang kababaihan at ng
mga kalagayang panlipunn sa buhay ng kababaihan
tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-
ekonomiya at karapatang pampolitika
 Nasusuri ang kinalaman ng edukasyon sa pamumuhay ng
mga Asyano
 Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t
ibang aspeto ng pamumuhay
 Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng Silangan at
Timog Silangang Asya sa larangan ng sining at
humanidades at palakasan
 Nahihinuha ang pagkakakilanlan ng kulturang Asyano
batay sa mga kontribusyon nito

MGA INAASAHANG KAKAYAHAN

Upang maisakatuparan ang pagkatuto sa Modyul na ito,


kailangan mong alalahanin at gawin ang sumusunod:

1. Mabigyang kahulugan ang mahahalagang konsepto na may


kaugnayan sa paksa

2. Makapagsuri ng mga talahanayan, larawan at primaryang


sanggunian

3. Makabuo ng pag-unawa tungkol sa mga nanatili, nagbago at


nagpatuloy sa lipunang Asyano mula ika-16 na siglo hanggang sa
ika-20 siglo at ang epekto nito sa mga mamamayan

4. Makilahok sa kinabibilangang pangkat sa pagtupad ng iba’t ibang


gawaing pampagkatuto.

5. Makapagsulat ng iyong repleksiyon o realisasyon tungkol sa iba’t


ibang antas ng transpormasyon ng mga bansang Asyano

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


260
PAUNANG PAGTATAYA

Ngayon, subukin mo nang sagutin ang panimulang pagsusulit na


magtatakda kung ano na ang iyong alam sa mga aralin. Handa ka na ba?
Simulan mo na ang pagsagot. Bigyang-pansin ang mga katanungan na
hindi mo masasagutan nang wasto at alamin ang wastong kasagutan nito
sa iba’t ibang aralin sa Modyul na ito.

1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng


kolonyalismo
2. at imperyalismong Kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa
Silangan
3. at Timog Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo?
a. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong
Kristiyanismo
b. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang
nasakop na bansa
c. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang
pakikipagkalakalan
d. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga
katutubong Asyano

4. Isa ang Tsina sa mga bansang nakaranas ng pananakop ng mga


Kanluranin. Magkakaiba ang pamamaraan at layunin ng mga Tsino
na nakipaglaban para makamit ang kanilang kalayaan. Pagsunod-
sunurin ang mga pangyayari na may kaugnayan sa pagpapakita ng
mga Tsino ng damdaming Nasyonalismo.

I. Pagtatatag ni Sun Yat Sen ng partidong Kuomintang


II. Paghihimagsik ng mga Boxer laban sa mga Kanluranin
III. Pagsiklab ng Rebelyong Taiping laban sa mga Manchu
IV. Pagsikat ng partidong Kunchantang sa pamumuno ni Mao
Zedong

a. III, II, I at IV
b. I, II, III, at IV
c. II, III, I, at IV
d. IV, III, I, at II

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


261
5. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka
nakatulong upang makamit ang paglaya ay ang pagkakaroon ng
pambansang kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan,
paghahandog ng sarili para sa bayan, pag-iisip kung ano ang ikabubuti
ng sambahayan ang konseptong tinutukoy ay-
a. Patriotismo
b. Kolonyalismo
c. Nasyonalismo
d. Neokolonyalismo

6. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na manood ng pagtatanghal ng


Miss Saigon na gaganapin sa CCP. Gaganap ka bilang Kim, ang
pangunahing tauhan sa nasabing pagtatanghal si Lea Salonga. Sa anong
larangan siya nakilala?

a. Arkitektura
b. Musika
c. Palakasan
d. Pulitika

7. Maraming pagbabago ang naganap sa mga bansang napasailalim


sa kapangyarihang kanluranin. Suriin ang tsart sa ibaba na nagpapakita
ng epekto ng kolonyalismo sa isang bansa. Sa iyong palagay, anong
aspeto ang nagbago na ipinapakita ng tsart?

Epekto ng
Kolonyalismo

Pagkaubos ng Paglaganap ng
lokas na yaman kahirapan

Paglaganap ng pagtatanim ng
mga produkto para sa monopolyo

a. edukasyon
b. kabuhayan
c. lipunan
d. pulitika

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


262
8. Para sa aytem na ito, suriin ang ipanapakita ng mapa sa ibaba:

Ayon sa mapa, ano-ano ang mga bansang Kanluranin na nanakop ng


mga lupain sa Silangan at Timog Silangang Asya?
a. Great Britain, Netherlands, Portugal, Spain
b. France, Netherlands, Spain, Portugal
c. Portugal, United States of America, Spain, Netherlands
d. United States of America, Spain, Portugal, Great Britan

9. Nadama ng maraming bansa sa Timog Silangang Asya ang


pagnanais na lumaya. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga
pamamaraang ginamit sa Timog Silangang Asya kagaya ng Pilipinas,
Indonesia, Myanmar at iba pa upang lumaya?
a. Pagsunod at paghihintay
b. Pagtutol at pakikipagtulungan
c. pakikipagtulungan at pagpapakabuti
d. Pananahimik at pagwawalang bahala

10. Para sa aytem na ito, suriin ang kasunod na mga larawan. Ano
ang pagkakatulad ng nagawa ng kababaihan na nasa larawan?

Corazon C. Megawati Aung San Suu Chandrika


Aquino Sukarnoputri Kyi Kumaratunga

http://en.wikipedia.org/wiki/File:Aung_San_Suu_Kyi_17_November_2011.jpg

a. Nagtaguyod ng demokrasya sa kanilang bansa


b. Nakibaka para sa karapatan ng mga babae sa kanilang bansa
c. Nanungkulan sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng
kanilang bansa
d. Nagpairal ng bagong uring pamahalaan sa kanilang bansa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


263
Para sa aytem na blg.9, suriin ang kasunod na larawan .

Commented [SI2]: Palitan ang larawan alisin ang larawan ng


kalabaw sapagkat wala itong kaugnayan sa katanungan.

http://www.google.com.ph/imgres?q=colonialism+in+southeast+asia&num=10&hl=fil&biw=1280&bih=563&tbm=isch&tbnid=aXFAxKOiZN7vyM:&imgrefurl=
http://blogs.bauer.uh.edu/vietDiaspora/blog/colonial-

11. Ano ang mahihinuha mo sa kalagayan ng pamumuhay ng mga


Asyano sa ilalim ng mga mananakop?

a. Ang pagsasaka ay kinontrol ng mga mananakop.


b. Mas napalago ng mga mananakop ang sektor ng agrikultura
c. May kalayaan ang mga bansang Asyano pa pamunuan ang
sariling bansa.
d. Ang mga Asyano ay lubos na binabantayan sa kanilang
pagtatrabaho.

12. Para sa aytem na ito, suriin ang kasunod na mapa ng Asya :

MGA KILALANG PINUNO NG


NASYONALISMONG ASYANO

Nagtaguyod
ng Koumintang
ideolohiyang
komunismo

Civil
Disobedience
Gumamit ng
panulat
Guided
democracy

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


264
Ano ang iyong mahihinuha sa nakalarawang mga tao sa mapa?

a. Karamihan ng mg bansang nasakop ng mga Kanluranin ay kabilang sa


Timog, Silangan at Timog Silangang Asya.
b. Iba-iba ang paraan ng pagtugon ng mga Asyano sa hamon ng
kolonyalismo at imperyalismo.
c. Dumanas ng pagmamalupit at pang-aabuso ang mga Asyano sa kamay
ng mga mananakop.
d. Ang paglaya ng isang bansa ay nasa kamay ng isang mahusay na
pinuno.

13. Pahayag 1: Ang lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog-


Silangang Asya ay sinakop ng mga Europeo.

Pahayag 2: Ang mga bansang lumaya sa pananakop ng mga


Kanluranin ay naging demokratikong bansa
a. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali
b. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama
c. Lahat ng pahayag ay tama.
d. Lahat ng pahayag ay mali.

14. Paano naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Silangan


at Timog Silangang Asya sa pag-aangat ng mga malawakang kilusang
nasyonalista?
a. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil
b. Lumakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kasarinlan
c. Nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban upang makamtan ang kalayaan
d. Milyon-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod ang
nasira

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


265
15. Para sa aytem na ito, suriin ang larawan sa ibaba

Inihalintulad ng ekonomistang si Kaname Akamasu ang pag unlad ng


ekonomiyang Asyano sa gansangl umilipad( flying geese ). Ano ang
mensaheng ipinahihiwatig nito?
a. Magkakaiba ang antas ng pag-unlad ng mga bansang Asyano.
b. Mabagal ang pag-unlad ng mga bansang Asyano.
c. Magkakasabay ang tinatamasang pag-unlad ng mga bansang Asyano.
d. May malaking impluwensiya ang mga kanluraning bansa sa pag-unlad
ng mga bansang Asyano.

16. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng


mga Asyanong nagtatagumpay sa iba’t ibang larangan ng palakasan sa
daigdig. Paano nakaapekto ang tagumpay na ito ng mga bansang
Asyano sa pananaw ng mga bansa sa daigdig?
a. Naging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga
Asyano.
b. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang
powerhouse.
c. Itinuring na balakid ng ibang mga bansa ang tagumpay na tinamo ng
mga Asyano sa kanilang sariling hangarin.
d. Maraming atletang Asyano ang hinangad ng ibang mga bansa na
makuha nila.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


266
17. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong
Kanluranin sa Asya. Isa dito ay ang pagbabago sa kultura na naging
dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayang
Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may kaugnayan sa mga
hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang
nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na
suliranin?
a. Sisihin ang mga Kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang
Asyano
b. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon
sa Asya
c. Magsumikap sa pag-aaral upang hindi maging pabigat sa lipunan
d. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para
mapaunlad ang bansa

18. Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksiyon ng mga Asyano sa


kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin. May mga gumamit ng civil
disobedience, rebolusyon, pagyakap sa ideolohiya, pagtanggap sa mga
pagbabagong dala ng mga dayuhan at pagtatag ng mga makabayang
samahan upang ipakita ang damdaming nasyonalismo. Bilang mag-
aaral paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa
kasalukuyang panahon?
a. Maging mabuting mag-aaral at makilahok sa mga gawaing
pangkomunidad
b. Makiisa sa mga samahan na nagsusulong ng pangangalaga sa
kalikasan
c. Mag-aral ng mabuti upang hindi maging pabigat sa lipunang
kinabibilangan
d. Magtayo ng samahan upang pagbayarin ang mga Kanluranin sa
kanilang kasalanan

19. Mahigpit na pinagtatalunan ng bansang China at Pilipinas ang mga isla


ng Spratly na tinatawag din ng mga Pilipino na Kalayaan Islands. Noong
panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, ang mga teritoryo ng mga
bansang Asyano ay sinakop ng mga Kanluranin, ano ang nararapat
gawin upang maiwasan na mauwi sa pananakop ng China ang sigalot
sa Spratly Islands?
a. Idulog ang usapin sa pandaigdigang husgado upang maresolba ng
mapayapa ang nabanggit na krisis
b. Palakasin ang puwersang pandigma ng Pilipinas upang maging
handa sa posibleng digmaan
c. Humingi ng tulong sa mga malalakas na bansa upang matapatan ang
malakas na puwersa ng China
d. Makipagkasundo sa pinuno ng pamahalaang Tsino upang paghatian
ang mga isla sa Spratly

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


267
20. Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa ating bansa at papasok ka sa
mga kasunduan ano ang dapat na isasaisip sa pagsusulong nito?
a. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating
karapatan
b. Isusulong ang malayang kalakalan upang umunlad ang ating
ekonomiya
c. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang
kapayapaan
d. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan ang
ating kapaligiran

21. Ang mga demonstrasyon na naganap sa EDSA sa Pilipinas noong


1986 at Tiananmen sa China noong 1989 ay parehong nauwi sa isang
rebolusyon. Paano nagkakatulad ang dalawang magkahiwalay na
pangyayari sa kasaysayan?

http://www.theepochtimes.com/n2/images/storie/http://2.bp.blogspot.com/-Iep97hIN73Y/T0WMsEhWT5I
large/2010/06/03/tiananmen+square+massacre.jpg
AAAAAAAAAY0/f1SgmJeLZIo/s1600/edsa+uprising+/ 2.jpg
Commented [SI3]: Palitan ang larawan na hindi
nangangailangan ng Copyright

http://i.telegraph.co.uk/multimedia/archive/http://news.asiaone.com/A1MEDIA/news/
01416/tiananmen_square8_1416033i.jpg 02Feb12/images/20120225.104422_edsa.jpg
a. May kakayanan ang pamahalaang tumanggi sa hangarin ng
mamamayan nito.
b. May kakayanan ang mamamayan na maipahatid sa pamahalaan
ang kanilang naisin.
c. Maaaring magtagumpay ang isang mapayapang pamamaraan kung
magkakaisa.
d. Maaaring tularan ng isang bansa ang karanasan ng ibang bansa na
may parehong resulta

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


268
22. Ang mga OFW ay itinuturing na pangunahing dahilan ng unti-unting
pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas. Kamakailan lang ay patuloy ang
pagbalik sa bansa ng mga OFW bunsod ng mga di magandang
karanasan na kanilang tinamo tulad ng pang-aabuso, pagmamaltrato at
iba pa. Kung ikaw ang Sec. of DFA ano ang iyong imumungkahing
mabisang gawin ng pamahalaan ukol dito?
a. Himukinangmga OFW nabumaliksamgabansangpinagtatrabahuhan
b. Wakasan ngPilipinas ang ugnayan sa mga nasabing bansa.
c. Himukinangmgakaratigbansanamagpairalng ‘economic embargo’.
d. Maglunsadngmgaprogramangpangkabuhayanparasamganagbalik
na OFW

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


269
Modyul 10-Araling Panlipunan 7
ARALIN BLG. 1: KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA
SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

ALAMIN

Handa ka na ba? Ngayon ay simulan mong alamin ang


mga dahilan at pamamaraan na ginamit ng mga Kanluranin sa
pananakop ng mga lupain sa pamamagitan ng isang
paglalakbay.

Gawain 1. Hanapin Mo Ako, Kung Kaya Mo!

Basahin ang kuwento ng isang turista na nagtungo sa Pilipinas. Tukuyin


ang mga lugar na kaniyang pinuntahan gamit ang sumusunod na ma

Mapa blg. 1 Mapa blg. 2

Mapa blg. 3 Mapa blg. 4

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


270
Mapa blg. 5

N agtungo ako sa Pilipinas upang bisitahin ang iba’t ibang lugar


at lansangan dito. Una kong pinuntahan ang daan na makikita sa
silangan ng Athletic Bowl at sa kanluran ng Session Road. Malapit ito sa
Governor Pack Road. Ito ay ang (1)____________________.
Pagkatapos nito ay nagtungo ako sa Maynila upang magpunta sa isang
ospital. Napansin ko ang isang daan na ipinangalan sa isang bansa sa
Europa. Makikita ang daan na ito sa kanluran ng ospital na aking
pinuntahan. Nasa hilagang bahagi nito ang isang sikat na fastfood chain.
Ang pangalan ng daan na ito ay (2)____________________. Mula sa
ospital ay nagtungo ako sa isang pharmacy upang bumili ng gamot.
Dumaan ako sa isang mahabang lansangan na makikita sa hilaga ng
EDSA. Ito ay ang (3) ______________________. Ayon sa aking mga
kaibigan ay masarap ang mga prutas dito sa Pilipinas kaya’t nagtungo
ako sa Marfori Fruit Market. Upang makarating dito, dumaan ako sa (4)
__________________ na makikita sa silangan ng Marfori Fruit Market at
Timog ng A. Pichon St. Upang makapaglibang naman ay naglaro ako ng
basketball sa Bacag Basketball Court na kalapit naman ng Bacag
Elementary School. Makikita sa pagitan ng dalawang nabanggit na lugar
ang (5) _________________________. Huli kong pinuntahan ang ferry
station sa Maynila upang makita ang kasalukuyang kalagayan ng Ilog
Pasig. Ang nasabing ferry station ay bumabagtas mula sa Pasig
hanggang sa (6)_____________. Makikita ito sa Hilaga ng Quezon
Boulevard at Timog Silangang bahagi ng McArthur Monument.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


271
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ano ang pangalan ng mga daan at
Mga Sagot: lugar na pinuntahan ng turista?
1. 2. Sila ba ay mga Pilipino o banyaga?
2.
Patunayan.
3.
4. 3. Ano ang ginawa ng mga nabanggit na
5. dayuhan nang sila ay nagpunta sa
6. Pilipinas? Ipaliwanag.

Gawain 2. Review Tayo : Mapa-nakop

Tinalakay sa Aralin 1 at 2 ng Modyul 3 ang pananakop ng mga


Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya. Sa nakarang gawain, nabatid mo
naang Pilipinas ay isa rin sa nasakop na bansa. Bukod sa Pilipinas, ano pa
kaya ang ibang bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na nasakop ng
mga Kanluranin?

Panuto:
Makikita sa unang mapa ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
na nasakop ng mga Kanluranin. Gamit ang pangalawang mapa, tukuyin mo
ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na nasakop ng mga
Kanluranin sa pamamagitan ng paglalagay ng mga flaglets sa mga nasakop na
bansa.

Mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya na nasakop


ng mga Kanluranin
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
272
Portugal France England

Mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na nasakop ng


mga Kanluranin.

England USA Spain Netherlands France Portugal

Pamprosesong Tanong
Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano-ano ang bansang Asyano na nasakop ng mga Kanluranin?


2. Bakit sinakop ng mga Kanluranin ang karamihan ng mga bansa sa Asya?
3. Paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Asyano ang pananakop ng mga
Kanluranin?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


273
BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Alamin
Pagkatapos masuri ang iyong mga kaalaman tungkol sa
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang
Asya ay tiyak kong nais mong malaman ang sagot sa iyong
mga tanong na isinulat mo sa chart na iyong sinagutan.
PAUNLARIN Masasagot ito sa susunod na bahagi ng modyul . Sa iyong
pagtupad sa iba’t ibang gawain, suriin kung tumutugma ba ang
Sa bahaging
iyong ito ay
mga dating inaasahan
alam na matutuhan
sa mga bagong mo ang
kaaalaman mga
na iyong
dahilan,
matutuhsanpamamaraan
sa modyul na atito. epekto ng pananakop ng
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang
Asya. Maaari mong balikan ang mga sagot sa unang kolum
ng chart na iyong sinagutan sa Gawain 3 upang malaman
kung tama ito. Samantala matutuhan mo sa bahagi na ito ang
sagot sa mga tanong na iyong isinulat sa ikalawang kolum ng
chart.

Gawain 4.Balikan Natin


Batay sa tinalakay sa Aralin 1 ng Modyul 3, bumuo ng timeline tungkol
sa mga pangyayaring nagbigay daan sa Imperyalismong Kanluranin sa
Asya. Isulat sa dilaw na kahon ang mahahalagang pangyayari.
Samantalang sa ibabang kahon naman ang taon.

Mga pangyayari na nagbigay daan sa pagtatatag


ng Imperyalismong Kanluranin sa Asya

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


274
Sagutin ang sumusunod na tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Kung ang mga pangyayari sa iyong nabuong timeline ay hindi
naganap. Ano ang mga posibleng mangyayari sa Silangan at Timog
Silangang Asya?
2. Dahil sa kaganapang ito, ano ang kinahinatnan ng Asya?

Sa iy Sa nakaraang gawain, nabatid mo ang mga pangyayaring


nagbigay-daan sa Imperyalismong Kanluranin sa Asya. Sa kasalukuyan,
maraming dokumento ang naglalahad ng paghihirap na dinanas ng mga
katutubong Asyano sa kamay ng mga mananakop na Kanluranin.
Ngunit, ano nga ba ang dahilan ng mga Kanluranin kung bakit sila
nanakop ng mga lupain? Bakit kaya para sa kanila ay tama ang kanilang
ginawa, na ito ay isang misyon? Basahin at unawin mo ang sumusunod
na sanggunian.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


275
Gawain 5. Pagsusuri
Suriin ang mga dokumento na nagbibigay-katuwiran sa Kolonyalismo
at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Asya.

5.1 Ipinapakita sa larawan ang isang patalastas (advertisement) ng Pear’s


soap. Suriin ang nilalaman nito. Sagutin ang mga pamprosesong tanong.

Primaryang Sanggunian Blg. 1. Advertisement


ng sabon na Per’s Soap.
The first step towards
lightening The White Man’s
Burden is through teaching
the virtues of cleanliness.
Pears’ Soap is a potent
factor in brighteningthe dark
corners of the earth
ascivilization advances,
whileamongst the cultured
of allnations it holds the
highest place
– it is the ideal toilet soap

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang patalastas (advertisement)?

2. Anong bahagi ang nagbibigay-katuwiran sa pananakop ng mga


Kanluranin sa Asya? Ipaliwanag ang iyong sagot.

3. Sang-ayon ka ba sa mensahe ng patalastas? Bakit?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


276
Ang tula naThe White Man’s Burden ay isinulat ni Rudyard Kipling
noong 1899. Sa tula na ito ay biniyang-katuwiran ni Kipling ang ginawang
pananakop ng mga Kanluranin. Basahin at unawain ang nilalaman ng tula.

THE WHITE MAN’S BURDEN


ni Rudyard Kipling

Take up the White Man's burden-- Take up the White Man's burden--
Send forth the best ye breed-- And reap his old reward:
Go bind your sons to exile The blame of those ye better,
To serve your captives' need; The hate of those ye guard--
To wait in heavy harness, The cry of hosts ye humour
On fluttered folk and wild-- (Ah, slowly!) toward the light:--
Your new-caught, sullen peoples, "Why brought he us from bondage,
Half-devil and half-child. Our loved Egyptian night?"

Take up the White Man's burden-- Take up the White Man's burden--
In patience to abide, Ye dare not stoop to less--
To veil the threat of terror Nor call too loud on Freedom
And check the show of pride; To cloke your weariness;
By open speech and simple, By all ye cry or whisper,
An hundred times madeplain By all ye leave or do,
To seek another's profit, The silent, sullen peoples
And work another's gain. Shall weigh your gods and you.

Take up the White Man's burden-- Take up the White Man's burden--
The savage wars of peace-- Have done with childish days--
Fill full the mouth of Famine The lightly proferred laurel,
And bid the sickness cease; The easy, ungrudged praise.
And when your goal is nearest Comes now, to search your
The end for others sought, manhood
Watch sloth and heathen Folly Through all the thankless years
Bring all your hopes to nought. Cold, edged with dear-bought
wisdom,
Take up the White Man's burden-- The judgment of your peers!
No tawdry rule of kings,
But toil of serf and sweeper-- White Man’s Burden. Rudyard
The tale of common things. Kipling, 1899.
The ports ye shall not enter, http://www.fordham.edu/halsall/mod
The roads ye shall not tread, /kipling.asp (Retrieved on
Go mark them with your living, November 20, 2012).
And mark them with your dead

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


277
Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

TANONG
Sino ang tinutukoy?
(Mananakop o Sinakop)
Ipaliwanag.
Ipaliwanag ang ibig ipahiwatig ng
tula.
Sang-ayon ka ba sa
nilalaman/mensahe ng bahagi tula na
itinakda sa inyong pangkat? Bakit?

Gawain 6. Kung ikaw ay isang mananakop


Sagutin ang mga tanong batay sa mga primaryang sanggunian na
iyong sinuri at sa mga nakaraang aralin na inyong tinalakay

Ano ang
inisip na
dahilan sa
ginawang
pananakop?
Ano-ano ang
kagamitan at
kakayahan na
mayroon ang
mga
Kanluranin na
Ano ang nakatulong sa
naramdam paglalayag at
an kapag pananakop
nakasakop ng lupain
ng lupain?

Pagbubuod

Nagtagumpay ang mga Kanluranin na makapaglayag sa ibang


lupain dahil mayroon silang angkop na kagamitan tulad ng ____________
___________________________________________________________

Ayon sa mga Kanluranin, tungkulin nila na tulungan ang


sangkatauhan lalo na ang mga bansa sa Africa at Asya dahil naniniwala
sila na ____________________________________________________.
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
278
Pamprosesong Tanong:

1. Sang-ayon ka ba sa dahilan ng mga Kanluranin sa pananakop ng mga


lupain? Bakit?

Sa Gawain 5 at 6 ay natutuhan mo ang mga dahilan ng mga


Kanluranin kung bakit sila nanakop ng mga lupain. Maaaring hindi ka sang-
ayon sa mga ito, o kaya naman ay naisip mo na kung ikaw ang nasa
kanilang sitwasyon ay maaaring nanakop ka rin ng lupain. Mahalaga na
malaman mo ang panig ng mga Kanluranin hindi upang sila ay kampihan o
tularan, kung hindi upang mas mapalawak pa ang iyong pananaw sa
pagsusuri ng mga pangyayari na may kaugnayan sa Una at Ikalawang
Yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa Silangan at Timog Silangang Asya.
Sa susunod na bahagi ng modyul na ito ay mababasa mo ang mga
karanasan ng mga Asyano na napasailalim sa mga patakaran ng mga
mananakop na Kanluranin. Sa pagkakataong ito ay iyo namang mababatid
ang panig ng mga nakaranas ng paghihirap, kalupitan at karahasan sa
kamay ng mga mananakop na Kanluranin.

Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog


Silangang Asya

Upang maisakatuparan ang kanilang mga layunin, nagtayo ng


kolonya ang mga Kanluranin sa Asya. Nagkaniya-kaniya ang mga
Kanluranin sa pagsakop sa mga bansang Asyano. Ang rehiyon ng Silangan
at Timog Silangang Asya ay mga rehiyon na lubusang naapektuhan ng
pananakop. Kadalasan, isang bansang Kanluranin ang nakakasakop sa
isang bansang Asyano, subalit may mga pagkakataon din na dalawa o higit
pang bansa ang nakakasakop dito. Iba-iba ang pananaw ng mga
Kanluranin sa pananakop ng lupain. Habang ang iba ay sinakop ang buong
bansa, ang iba naman ay sinakop lamang ang mga piling bahagi nito.
Makikita sa mapa, ang mga lupain at bansa sa Asya na sinakop ng
mga Kanluranin. Suriin ang mga dahilan kung bakit ito sinakop.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


279
Formosa (Taiwan).
Macau sa China. Pakinabang: Sentro ng
Pakinabang: Sentro kalakalan. Sinakop ng
ng kalakakalan. Portugal. Inagaw ng
Sinakop ng Portugal Netherlands noong
noong 1557. 1622.

Pilipinas.
Pakinabang:
Mayaman sa ginto.
Sinakop ng
España noong
1565

Java sa Indonesia.
Pakinabang: Sentro ng Moluccas sa
kalakalan. Sinakop ng Malaysia.
Netherlands noong Pakinabang:
1603. Sentro ng
Kalakalan.
Sinakop ng
Strait of Malacca sa pagitan ng Portugal
Malaysia at Indonesia. Pakinabang:
Sentro ng kalakalan. Sinakop ng
noong 1511.
Portugal. Inagaw ng Netherlands
noong 1641.

Gawain 7. Map Analysis – Unang Yugto


Batay sa mapa na iyong sinuri, punan ng tamang sagot ang chart.

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa Asya

TANONG
Ano-ano ang mga bansang
nanakop sa Silangang at Timog
Silangang Asya noong Unang
Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin?
Kailan ito naganap?

Batay sa mapa, ano ang


kapakinabangan na makukuha
ng mga mananakop sa mga
nasakop na lupain?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


280
Natukoy mo sa nakaraang gawain ang mga lupain na sinakop ng mga
Kanluranin noong Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.
Nagbigay rin ito sa iyo ng paunang kaalaman sa mga dahilan ng kung
bakit ito sinakop ng mga Kanluranin. Upang mas mapalawak pa ang
iyong kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga dahilan at iba’t ibang
paraan ng pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog
Silangang Asya, basahin at unawain mo ang sumusunod na teksto.

Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya (ika-


16 at ika-17 siglo)
Natutuhan mo sa nakaraang Aralin 1, Modyul 3 ang mga pangyayaring
nagbigay-daan sa Unang Yugo ng Imperyalismong Kanluranin sa Asya.
Natukoy mo rin ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya na sinakop ng mga
Kanluranin at kung bakit ito sinakop.

Batay sa nakaraang aralin!


Mga pangyayaring nagbigay-daan sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa
Asya

Merkantilismo

Paghahanap ng Bagong Ruta

Paglalakbay ni Marco Polo

Pagbabago sa Paglalayag

Krusada

Sa modyul na ito ay malalaman mo ang mga kolonya na itinatag ng mga


Kanluranin sa Silangan at Timog Silangang Asya.

mga bansang Portugal at Spain sa pananakop ng mga lupain. Nang lumaya ang
Netherlands mula sa pananakop ng Spain, nagtayo rin ito ng mga kolonya sa
Timog Silangang Asya. Hindi nagtagal ay sumunod din ang mga bansa ng
England at France.
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
281
Silangang Asya

Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan sa mga


bansang Kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga
nito,nabatid ng mga Kanluranin ang karangyaan ng mga bansa sa Silangang
Asya. Bagamat maraming naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong
naapektuhan ang Silangang Asya ng Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa dito. Isa ang
bansang Portugal sa mga Kanluraning bansa na naghangad na magkaroon ng
kolonya sa Silangang Asya partikular sa China. Nakuha ng Portugal ang mga
daungan ng Macao sa China at Formosa (Taiwan). Hindi nagtagal ay nilisan din
ng Portugal ang mga nabanggit na himpilan. Sa Ikalawang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin, maraming bansa ang nag-unahan na masakop
ang bansang China.

Timog Silangang Asya

Kung ang Silangang Asya ay hindi gaanong naapektuhan, iba naman


ang naging kapalaran ng mga bansa sa Timog Silangang Asya noong Unang
Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Karamihan ng mga daungan sa sa
rehiyong ito ay napasakamay ng mga Kanluranin. Ang mataas na paghahangad
na makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa at pagkuha ng ginto ang siyang
nagtulak sa kanila na sakupin ang Timog- Silangang Asya . Nauna ang mga
bansang Portugal at Spain sa pananakop ng mga lupain. Nang lumaya ang
Netherlands mula sa pananakop ng Spain, nagtayo rin ito ng mga kolonya sa
Timog Silangang Asya. Hindi nagtagal ay sumunod din ang mga bansa ng
England at France.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


282
Ang sumusunod ay bansa sa Timog Silangang Asya na sinakop noong
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
PILIPINAS
Mindanao
Sumakop: España Hindi tulad ng
Ferdinand Magellan
Luzon at Visayas,
Narating niya ang
Silangan gamit ang
Mga lugar na sinakop: Halos ilang bahagi
kabuuan ng Luzon at Visayas at ilang lamang ng
rutang pa-Kanluran.
Mindanao ang
Napatunayan sa bahagi ng Mindanao. nasakop ng mga
kaniyang paglalakbay na
Español dahil sa
bilog ang mundo. Dahilan: Mayaman ang Pilipinas sa matagumpay na
* Ano ang kahalagahan ginto, May mahusay na daungan tulad pakikipaglaban ng
ng Maynila. mga Muslim.
ng paglalakbay ni
Magellan?
* Ano ang
Paraan ng Pananakop Lapu Lapung
kaugnayan
Unang dumaong sa isla ng Pinuno ngIslam
relihiyong
Kristiyanismo
Homonhon si Ferdinand Magellan, Mactan
sa na ng
tagumapay
isang Portuges na naglayag para sa kauna-unahang
mga Muslim?
Relihiyong ipinalaganap ng Pilipino na
mga Español. Isa ito sa Hari ng España noong Marso 16, nagtagumpay na
mga paraan na ginamit ng 1521. Nabigo siyang masakop ang mapaalis ang
mga Español sa Pilipinas dahil napatay siya ng mga mga mananakop
pananakop sa Pilipinas.
Nakatulong ang mga
tauhan ni Lapu Lapu sa Labanan sa na Español.
Mactan. Nagpadala ang Hari Pinamunuan niya
misyonero na ang Labanan sa
mapalaganap ang ngEspaña ng iba pang paglalakbay na Mactan kung
Kristiyanismo pagkatapos ang layunin ay masakop ang Pilipinas. saan napatay ng
maisakatuparan ang Ang paglalakabay na pinamunuan ni kaniyang mga
patakarang reduccion (ito
ay naglalayon na mailipat
Miguel Lopez de Legazpi ang tauhan si
nagtagumpay na masakop ang bansa Magellan.
ang mga katutubo na
naninirahan sa malalayong sa pamamagitan ng * Maituturing ba
lugar upang matiyak ang pakikipagsanduguan sa mga lokal na na isang bayani
kanilang kapangyarihan sa Sanduguan
pinuno at paggamit ng dahas. Itinayo si Lapuang
Iba-iba Lapu?
kolonya, gayundin ang Bakit? ng mga
pagpapalaganap ng
ang unang pamayanang Español sa paraan
Kristiyanismo ). Nasakop Cebu noong Abril 27, 1565 mula dito Español. sa
ay sinakop din ang iba pang lupain pananakop. Isa
ng relihiyon ang pag-iisip rito ay ang
at damdamin ng mga tulad ng Maynila na itinuturing na isa pakikipagkaibigan
Pilipino kung kaya’t mas sa pinakamagandang daungan at sa mga lokal na
madali silang napasunod pinuno na pormal
ng mga Español.
sentro ng kalakalan sa Asya. nilang ginagawa
Nakatulong din sa pananakop ng sa pamamgitan
* Paano nakatulong ang España ang pagpapalaganap ng ng Sanduguan.
Kristiyanismo upang relihiyong Kristiyanismo. Natuklasan Iniinom ng lokal
mapasunod ang mga na pinuno at
din ng mga Español ang karangyaan pinunong
Pilipino?
ng Pilipinas sa ginto lalo na sa mga Español. ang
lugar ng Ilocos, Camarines, Cebu at alak na hinaluan
ng kani-kanilang
Butuan sa Mindanao. dugo. Sa ibang
lugar naman ay
ginagamitan nila
ng puwersa o
dahas upang
masakop ang
lupain.

* Tama
Aral Pan 7 OHSP Learner’s ba ang
Material
283
ginawang
pakikipagkaibigan
ng mga lokal na
pinuno sa mga
Español? Bakit?
Gabay na tanong:
1. Ano ang pangunahing dahilan ng mga Español sa pagsakop sa Pilipinas?
2. Paano sinakop ng mga Español ang Pilipinas? Ipaliwanag ang pamamaraang ginamit.

Ang mga sumusunod ay patakaran na ipinatupad ng mga


Espanyol sa mga lupaing nasakop.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


284
INDONESIA
Netherlands
Dating sakop ng mga
Español ang Sumakop: Portugal, Netherlands
Netherlands. Nang at England Moluccas
lumaya ito, nagsimula
Tinatawag ding Maluku.
siyang magpalakas ng
kagamitan sa
Mga lugar na sinakop: Kilala bilang spice island.
paglalakabay sa dagat at Ternate sa Moluccas – nasakop Ito ang lupain na nais
marating ng mga
sa pakikidigma. Dutch ng Portugal Kanluranin upang
ang tawag sa mga Amboina at Tidore sa Moluccas – makontrol nila ang
naninirahan dito. inagaw ng Netherlands mula sa kalakalan ng mga
* Bakit hindi kaagad
Portugal. Panandaliang nakuha pampalasa. Sa
ng England subalit ibinalik din sa kasalukuyan, ito ay
nakapanakop ang
bahagi ng bansang
bansang Netherlands? Netherland. Indonesia.

Batavia (Jakarta) – nasakop din * Bakit maraming


ng Netherlands naghahangad na
Mga Pampalasa masakop ang Moluccas?
Mataas ang paghahangad
at pangangailangan ng mga Dahilan: Mayaman sa mga Dutch East India
Kanluranin sa mga pampalasa, mga sentro ng Company
pampalasa na makukuha sa kalakalan at maayos na daungan
Asya tulad ng cloves, Itinatag ng pamahalaan
nutmeg at mace. Halos ng Netherlands ang
Paraan ng Pananakop
kasing halaga ng ginto ang Dutch East India
mga pampalasa na ito sa Dahil sa paghahangad sa Company noong 1602
pamilihan ng mga bansang mga pampalasa, narating ng upang pag-isahin ang
Europeo (Kanluranin). Portugal ang Ternate sa mga kompanya na
Moluccas noong 1511. Nagtayo nagpapadala ng
* Bakit mahal ang presyo ng paglalayag sa Asya.
mga pampalasa sa
sila ng himpilan ng kalakalan dito
Pinahintulutan ang
pamilihan ng mga Europeo? at nagsimulang palaganapin ang Dutch East India
relihiyong Kristiyanismo. Pinaalis Company na magkaroon
ng mga Dutch ang mga Portuges ng sariling hukbo na
noong 1655 at sinakop ang mga magtatanggol laban sa
isla ng Amboina at Tidore sa mga pirata, magtayo ng
Divide and Rule Policy daungan sa mga lupaing
Moluccas gamit ang mas nasasakop at
Isang paraan ng pananakop malakas na puwersang
kung saan ay pinag-aaway- makipagkasundo sa
away ng mananakop ang pandigma. Upang mapanatili ang mga lokal na pinuno ng
mga lokal na pinuno o mga kanilang kapangyarihan, mga bansa sa Asya.
naninirahan sa isang lugar nakipag-alyansa ang mga Dutch Binigyan din ito ng
upang mas madali niya karapatan ng
sa mga lokal na pinuno ng pamahalaan ng
itong masakop. Sa ibang Indonesia. Gumamit din sila ng
lugar, ginagamit naman ng Netherlands na
mga mananakop ang isang
divide and rule policy upang manakop ng mga lupain.
tribo upang masakop ang mapasunod at masakop ang mga Nakontrol ng Dutch East
ibang tribo. nabanggit na isla. Dahil dito India Company ang
spice trade sa Timog
nagkaroon ng monopolyo sa Silangang Asya na
* Bakit naging matagumpay kalakalan ng mga pampalasa ang
ang divide and rule policy? nagpayaman sa
mga Dutch. Lalo pang napatatag bansang Netherlands.
ng Netherlands ang monopolyo
nang itatag nito ang Dutch East * Bakit mahalaga para sa
Netherlands ang Dutch
India Company. East India Company?
Pansamantalang nakuha ng
England ang Moluccas dahil sa
epekto ng Napoleonic Wars
subalit naibalik din ito sa mga
Dutch matapos ang digmaan.
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
285
.
Gabay na tanong
1. Ano ang pangunahing dahilan ng pagsakop ng Netherlands sa ilang bahagi ng
Indonesia?
2. Paano sinakop ng mga Dutch ang mga sentro ng kalakalan sa Indonesia?
Ipaliwanag ang pamamaraang ginamit.

Hindi tulad ng mga Español, sinakop lamang ng mga Dutch ang mga
sentro ng kalakalan ng mga Indones noong 1511. Ito ang naging
pangunahing patakaran ng mga Dutch sa pamumuno ng Dutch East India
Copany sa pananakop dahil mas malaki ang kanilang kikitain at naiiwasan
pa nila ang pakikidigma sa mga katutubong pinuno. Subalit, kung
kinakailangan, gumagamit din sila ng puwersa o dahas upang masakop ang
isang lupain. Bunga nito, pangunahing naapektuhan ang kabuhayan ng
mga katutubong Indones. Lumiit ang kanilang kita at marami ang naghirap
dahil hindi na sila ang direktang nakikipagkalakalan sa mga dayuhan. Sa
kabila ng pagkontrol sa kabuhayan, hindi naman lubusang
naimpluwensiyahan ng mga Dutch ang kultura ng mga Indones.

Paano
Paano nagkakaiba ang
nagkakaiba ang patakaran sa
patakaran sa pananakop ng
pananakop ng mga Dutch at
mga Dutch at mga Español?
mga Español?

Tulad ng Pilipinas, maraming bansa rin ang sumakop sa Malaysia.


Ito ay ang Portugal, Netherlands at England. Pangunahing layunin din ng
mga nanakop na bansa ang pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan. Bukod
sa kalakalan, sinubukan din ng mga Portuges na palaganapin ang
Kristiyanismo sa mga daungan na kanilang nasakop subalit hindi sila
nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensiya ng Islam sa rehiyon.
Samantala, hindi gaanong naimpluwensiyahan ng mga bansang
Netherlands at England ang kultura ng Malaysia. Maraming katutubo ang
naghirap dahil sa pagkontrol ng mga nabanggit na bansa sa mga sentro ng
kalakalan sa Malaysia.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


286
Strait Settlements
Grupo ng mga isla na kabilang MALAYSIA Maayos na daungan
sa kolonya ng England sa Ang mga isla sa palibot
Timog Silangang Asya. Ito ay Sumakop: Portugal, Netherlands, ng Strait of Malacca ay
binubuo ng Malacca, Penang, pinag-aagawan ng mga
Dinding at Singapore. Ginamit England Kanluranin dahil sa
ito bilang daungan ng mga maayos na daungan na
barkong pangkalakalan ng Mga lugar na sinakop: makikita rito. Maaaring
England. Tinawag din itong Malacca - nasakop ng Portugal, makontrol ang kalakalan
Botany Bays of India dahil dito ng pampalasa ng sino
sinundan ng Netherlands at ng
dinadala ang nagkasalang mang Kanluranin na
mga mamamayan at sundalo England. makasasakop dito.
mula sa India.
Penang at Singapore (dating * Bakit pinag-aagawan
* Ano ang pakinabang ng bahagi ng Strait Settlements ang mga daungan sa
England sa pagkakasakop sa Strait of Malacca?
kasama ang Malacca) – nasakop
Strait Settlements?
ng England.

Dahilan: Mayaman sa mga Alfonso de


Strait of Malacca
pampalasa, mga sentro ng Albuquerque
Matatagpuan sa pagitan ng Namuno sa mga
Malays Peninsula at Sumatra. kalakalan at maayos na daungan
paglalakbay ng mga
Pinagdurugtong nito ang Indian Portuges sa India at
Ocean at Pacific Ocean. Paraan ng Pananakop sa pagsakop sa mga
Istratehiko ang lokasyon ng Unang sinakop ng mga isla ng Goa at
Strait of Malacca para sa mga Portuges ang Malacca na bahagi Malacca. Isa sa
mangangalakal dahil daanan ito kaniyang tagumpay
ng mga barko na may dalang ng Malaysia noong 1511 sa
ay ang pagkontrol sa
produkto mula sa iba’t ibang pamumuno ni Alfonso de
mga rutang
panig ng Asya. Albuquerque gamit ang malalakas pangkalakalan sa
na kanyon at barkong pandigma. Timog Silangang
* Bakit mahalaga sa mga Istratehiko ang lokasyon nito dahil Asya.
mangangalakal ang Strait of
Malacca? malapit ito sa Strait of Malacca.
* Sino si Alfonso de
Inagaw ng Netherlands sa
Albuquerque?
Sir William Raffles
pamamagitan ng Dutch East India Isang administrador na
Napoleonic Wars Company ang Malacca mula sa British na nagtatag ng
Serye ng digmaan na naganap
sa pagitan ng France sa
mga Portuges. Dahil dito, Singapore. Sa
nagkaroon ng monopolyo sa kaniyang pamumuno
pamumuno ni Napoleon
pangangalakal ng mga ay lalo pang umunlad
Bonaparte at ng mga bansa sa
ang Singapore at
Europe sa pagitan ng 1799 at pamapalasa ang mga Dutch. naging isa sa mga
1815. Bagamat hindi Subalit dahil din sa Napolenoic mahalagang daungan
nadamay ang mga bansa sa
Asya, nagkaroon ng
Wars, napasakamay ng England sa Timog Silangang
ang Malacca. Noong panahon na Asya. Malaki ang
pagpapalitan ang mga
iyon, naghahanap ang England ng kinita ng mga Brisitsh
Kanluranin sa pamumuno sa
mula sa
mga sakop na lupain sa Timog maayos na daungan para sa mga pakikipagkalakalan sa
Silangang Asya. barko nito na naglalayag sa Timog mga bansa sa Asya na
* Paano nakaapekto sa Asya
Silangang Asya. Nakipagkasundo dumadaan sa daungan
ang mga British sa mga Sultan ng ng Singapore.
ang Napoleonic Wars?
mga isla sa paligid ng Strait of
* Ano ang
Malacca tulad ng Penang at kahalagahan ng
Singapore upang makapagtayo nagawa ni Raffles para
sila ng daungan dito. Noong 1819 sa kaniyang bansa?
nabuo ang Strait Settlements sa
pangunguna ni Sir William Raffles.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


287
Gabay na tanong:
1. Ano ang pangunahing dahilan ng pagsakop ng mga Kanluranin sa ilang bahagi ng
Malaysia?
2. Paano sinakop ng mga Kanluranin ang mga sentro ng kalakalan sa Malaysia?
Ipaliwanag ang pamamaraang ginamit.

Gawain 8. Paghahambing – Unang Yugto

Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga karanasan ng mga


bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kanluranin.
Punan ng tamang sagot ang chart. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Nasakop Kanluraning Dahilan ng Paraan ng Patakarang


na Bansa Bansa na Pananakop Pananakop Ipinatupad Epekto
Nakasakop
China
Pilipinas
Indonesia
Malaysia

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang Kanluraning bansa na sumakop sa mga lupain sa Silangan


at Timog Silangang Asya?
2. Bakit nanakop ang mga Kanluranin ng mga lupain sa Silangan at Timog
Silangang Asya?
3. Magkakatulad ba ang pamamaraang ginamit ng mga Kanluranin sa
pananakop? Bakit?
4. Ano ang naging reaksiyon ng mga Asyano sa pananakop ng mga
Kanluranin?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


288
Hindi nagtapos ang pananakop ng mga Kanluranin sa Asya
noong ika-17 siglo. Sa pagpasok ng ika-18 siglo, mayroon pang ibang
bansang Kanluranin tulad ng United States na nagsimula na ring
manakop ng mga lupain sa Asya. Ang mga pagbabago sa
ekonomiya, teknolohiya at industriya sa Europe at United States ay
ilan lamang sa mga dahilan sa pagpapatuloy ng Impeyalismong
Kanluranin sa Asya noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo. Suriin mo
ang kasunod na mapa na nagpapakita ng mga nasakop na bansa sa
Silangan at Timog Silangang Asya sa panahong ito.

5. Ano ang naging epekto ng mga patakaran na ipinatupad ng mga Kanluranin sa


pamumuhay ng mga Asyano?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


289
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga bansang Kanluranin na nahinto, nagpatuloy, at nagsimulang
manakop ng mga lupain sa Silangan at Timog Silangang Asya noong
Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin?

2. Ano ang magkaibang katangian ng Una at Ikalawang Yugto ng


Imperyalismong Kanluranin?

Nabatid mo mula sa mapa na iyong sinuri ang mga lupain at bansa na


sinakop ng mga Kanluranin sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin. Upang mas mapalawak pa ang iyong kaalaman at pag-
unawa kung bakit nagpatuloy ang pananakop ng mga Kanluranin sa
Silangan at Timog Silangang Asya, basahin at unawain mo ang
sumusunod na teksto.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa Asya (ika-18 at ika-


19 na siglo
Maraming bansang Kanluranin ang nagpatuloy na naghangad na makasakop ng lupain
sa Asya. Lalo pang umigting ang paghahangad na ito ng mga Kanluranin dahil sa mga
pagbabagong naganap sa kontinente ng Europe at Amerika.
Bakit nga ba
Batay sa mga nakaraang Aralin! nagpatuloy ang imperyalismong
Mga salik na nagbigay-daan sa Ikalawang Yugto ng Kanluranin sa Asya? Ano-ano ang
Imperyalismong Kanluranin sa Asya lupain na nasakop sa pagkakataong
ito at bakit sila sinakop? Paano
Ikalawang Yugto nanakop ang mga Kanluranin?
ng Imperyalismo Sa bahaging ito ng modyul ay
mauunawaan mo ang mga sagot sa
mga nabanggit na katanungan.
Naimpluwensiyahan ng mga Kanluranin ang
ekonomiya, politika, lipunan at pamumuhay ng mga
bansang Asyano na kanilang nasakop Silangang Asya

China
Sa loob ng mahabang
SANHI EPEKTO panahon ay ipinatupad ng China ang
paghihiwalay ng kaniyang bansa
Kompetisyon ng mga Pinamahalaan at kinontrol ng mula sa daigdig (isolationism) dahil
Kanluranin sa pananakop mga Kanluranin ang sa mataas na pagtingin niya sa
ng mga lupain at pagkontrol ekonomiya ng mga Asyano
sa kalakalan kaniyang kultura at naniniwala siya
na makasisira ito kung
Napabilis ang antas ng Ginamit ng mga Kanluranin maiimpluwensiyahan ng mga
produksiyon dahil sa ang mga likas na yaman ng
mga nasakop na bansa dayuhan. Bagamat pinahihintulutan
naimbentong makinarya at
kagamitan noong panahon upang makagawa ng mas ang mga Kanluranin, pinapayagan
maraming produkto
ng Industriyalisasyon lamang sila sa daungan ng
Kinontrol ng mga Kanluranin Guanghzou at dapat na isagawa ng
Mataas na pangangailangan ang kalakalan at pinagtanim mga dayuhang mangangalakal ang
sa mga hilaw na materyales ang mga Asyano ng mga
produktong kailangan sa ritwal na kowtow bilang paggalang sa
kalakalan. emperador ng China. Bunga ng
isolation, umunlad at napatatag ng
Aral Pan 7 OHSP
Mapagdadalhan ng Learner’s Material
Kumita ang mga Kanluranin
China ang kaniyang ekonomiya,
290produkto
sobrang dahil ipinagbili nila ang mga
sobrang produkto sa kanilang kultura at politika. Nagawa ng China
mga kolonya sa Asya.
na makatayo sa sariling paa. Sa
panahong ito, ang mga Kanluranin
(Euroepans) ang siyang umaasa sa
pakikipagkalakalan sa China. Ang
hangad ng mga Kanluranin na maangkin ang yaman ng China ang pangunahing
dahilan ng imperyalismo sa bansa.

Matagal nang hinahangad ng mga Kanluranin na masakop ang China. Nagsimula ang
pananakop ng mga Kanluranin sa China dahil sa tinutulan ng Emperador na ipasok sa
bansa ang opyo na produkto ng bansang England. Ang opyo ay isang halamang gamot
na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan. Dahil din sa
opyo, nabaligtad ang sitwasyon ng mga British at mga Tsino. Ito ay dahil mas marami
na ngayon ang produktong inaangkat ng mga Tsino mula sa mga British kaysa
inaangkat ng mga British mula sa China. Sinamantala ito ng England, at kahit
ipinagbabawal, patuloy pa rin na nagpasok ng opyo ang mga British sa mga daungan
ng China. Ito ang naging dahilan ng mga Digmaang Opyo na naganap sa pagitan ng
China at England.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


291
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
292
Ang Sphere of Influence sa China
Isa sa epekto ng pagkatalo ng China sa mga Digmaang Opyo ay ang
unti-unting paghina ng katatagan ng pamahalaan nito. Sinamantala ito ng mga
Kanluranin at tuluyang sinakop ang bansa. Subalit, hindi katulad ng ibang
bansa sa Asya, hindi sinakop ng mga Kanluranin ang buong China. Upang
maiwasan ang digmaan sa pagitan ng mga Kanluranin, hinati nila ang China sa
mga spheres of influencenoong 1900s. Ito ay tumutukoy sa mga rehiyon sa
China kung saan nangingibabaw ang karapatan ng Kanluraning bansa na
kontrolin ang ekonomiya at pamumuhay ng mga tao dito. Binigyan din ng
karapatan ang mga Kanluraning bansa na magpatayo ng iba’t ibang
imprastraktura gaya ng kalsada, tren at mga gusali upang paunlarin ang
kanilang sphere of influence. Ipinatupad din sa mga lugar na ito ang
karapatang extraterritoriality.
Spheres of
Influence sa
China

England –
HongkonYang
Tze valley

Weihaiwei
France –
Zhanjiang

Kwangchow
Germany –
Kwantung

Qingdao
Larawan at mapa na nagpapakita ng Sphere of Influence sa China
Yunnan
Isa pang dayuhang bansa ang nagkaroon ng sphere of Portugal –
influence sa China. Ito ang bansang Japan. Nakuha ng Macao
bansang Japan ang karapatan sa mga isla ng Formosa, Russia -
Manchuria
Pescadores at Liadong Peninsula sa pagkatalo ng China sa
digmaang Sino-Japanese noong 1894. Nakapaloob ang
pagbibigay ng China ng mga nabanggit na lugar sa Japan sa
Kasunduang Shimonoseki.

Ang Open Door Policy

Ang paghahati-hati ng China sa spheres of influence ay nagdulot ng


pangamba sa bansang United States dahil sa posibilidad na isara ang China
sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang sphere of influence dito.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


293
Kapag naganap ito, mapuputol ang ugnayang pangkalakalan ng United States
sa China. Dahil dito, iminungkahi ni John Hay, Secretary of State ng United
States na ipatupad ang Open Door Policy kung saan ay magiging bukas ang
China sa pakikipagkalakalan sa ibang bansa na walang sphere of influence rito.
Nakapaloob sa mungkahi ni John Hay ang sumusunod:
1. pagrespeto sa karapatan at kapangyarihan sa pakikipagkalakalan sa
mga lugar na sakop ng sphere of influence ng mga Kanluranin;
2. pagbibigay ng karapatan sa China na mangolekta ng buwis sa mga
produktong inaangkat mula sa bansa; at
3. paggalang sa mga itinakdang halaga ng buwis ng mga Kanluraning
bansa sa paggamit ng mga kalsada, tren at daungan sa kani-kanilang
spheres of influence.

Dahil sa mga patakarang sphere of influence at open door, napanatili ng


China ang kaniyang kalayaan, subalit nanatiling kontrol ng mga mananakop
ang kaniyang ekonomiya. Nawala sa kamay ng mga Tsino ang kapangyarihan
na magtakda ng kanilang mga patakaran para sa mga dayuhan. Gayundin,
gumuho ang dating matatag na pamamahala ng mga emperador dahil sa
panghihimasok ng mga dayuhang dinastiya. Higit sa lahat, pumasok sa China
ang iba’t ibang impluwensiya ng mga Kanluranin na nakapekto sa kanilang
iniingatan at ipinagmamalaking kultura.

Japan
Napaunlad ng Japan ang kaniyang ekonomiya, napatingkad ang
kaniyang kultura at pagpapahalaga at napatatag ang kaniyang
pamamahala dahil sa pagsasara ng kaniyang mga daungan mula sa
dayuhan. Bagamat may ugnayan sa mga bansang Netherlands, China
Paano at Korea, hindi nito pinahihintulutan na makapasok sa bansa ang mga
nagkakatul dayuhan.
ad ang
China at Sa pagdating ng mga Kanluranin sa Asya, isa ang bansang Japan
Japan sa sa mga ninais nilang masakop. Nagpadala ng kanilang mga kinatawan
pakikitung ang bansang England, France, Russia at United States subalit lahat sila
o sa mga
dayuhan? ay tinanggihan ng Japan.

Noong 1853, ipinadala ni Pangulong Milliard Filmore ng United


States si Commodore Matthew Perry upang hilingin sa emperador ng
Japan na buksan ang kaniyang mga daungan para sa mga barko ng
United States. Kailangan ng mga barko ng United States na tumatawid
sa Karagatang Pasipiko nang mapagdadaungan upang mapagkuhanan
ng karagdagang pagkain, tubig at panggatong. Hindi kasi sapat ang
kanilang reserba o kaya ay mahirap na dalhin pa nila ang lahat ng ito sa
kanilang paglalakbay. Sa pagpunta ni Perry sa Japan ay nakita ng mga
Hapones ang naglalakihang barko ng United States na armado ng
kanyon. Bagamat hindi tahasang sinabi, ang ginawang ito ni Perry ay

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


294
isang babala na kung hindi bubuksan ng mga Hapones ang kanilang daungan, hindi
magdadalawang isip ang United States na gamitin ang kanilang puwersa. Upang
maiwasan ang pakikidigma sa isang malakas na bansa, tinanggap ng Japan ang
United States sa bisa ng Kasunduang Kanagawa noong 1854. Sa ilalim ng
kasunduang ito ay binuksan ang mga daungan ng Hakodate at Shimoda para sa
mga barko ng United States. Pinahintulutan din na magtayo ng kaniyang embahada
ang United States sa Japan. Dahil sa pagbubukas ng Japan, nakapasok na din sa
kanilang bansa ang mga Kanluranin tulad ng England, France, Germany, Russia at
Netherlands.

Nagalit ang mga Hapones sa kinahinatnan ng kanilang bansa. Nawala sa


kamay ng Shogunato ng Tokugawa ang kapangyarihan. Siya ay pinalitan ng bagong
tatag na pamahalaan sa pamumuno ni Emperador Mutsuhito na nagsimulang
manungkulan sa edad na 15. Ang kaniyang pamumuno ay tinawag niyang Meiji era
– ang ibig sabihin ay enlightened rule. Napagtanto ni Emperador Mutsuhito na ang
mabisang paraan sa pakikitungo sa mga Kanluranin ay ang pagyakap sa
modernisasyon. Ang makabagong mga kagamitan, teknolohiya at paraan ng
pamumuhay na natutunan ng mga Hapones mula sa mga dayuhan ay nakatulong
upang siya ay umunlad sa kabila ng panghihimasok ng mga Kanluranin sa kaniyang
bansa.

Timog Silangang Asya


Nagpatuloy ang paghahangad ng mga Kanluranin sa mga pamapalasa
ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Ang pagbabagong dulot ng
industriyalisasyon ay lalo pang nagpataas sa pagnanais ng mga Kanluranin na
mapanatili ang kanilang imperyo. Ginamit ng mga Kanluranin ang mga likas
na yaman na makukuha sa mga bansa rito upang makagawa ng mas maraming
produkto. Higit sa lahat, ang kanilang mga sobrang produkto ay dinala nila sa
mga pamilihan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Naisakatuparan nila
ang lahat ng mga ito dahil sakop nila ang karamihan ng mga bansa sa rehiyon.
May mga bansang nasakop noong Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin ang patuloy na napasailalim sa kapangyarihan ng mga dayuhan.
Samantala, ang mga dating malaya ay sinakop o kaya ay kinontrol ng mga
Kanluranin ang kabuhayan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


295
Perlas ng Silangan
Pilipinas
Sa loob ng mahigit tatlong daang taon ay napasailalim Ganito inilarawan ni
ng mga Español ang Pilipinas. Nagtangka ang mga Pilipino Jose Rizal ang
Pilipinas dahil sa
na makamit ang kalayaan sa kamay ng mga mananakop ganda ng bansa at sa
subalit sila ay nabigo. Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, kaniyang lokasyon
nagsimulang magpalawak ng kaniyang teritoryo sa Asya- nito sa Asya.
Pasipiko ang United States. Isa ang Pilipinas sa mga lupain Paano nakaapekto
na nais nitong makontrol dahil sa istratehikong lokasyon nito. sa kasaysayan ng
Angkop ang lokasyon ng bansa sa kaniyang plano na Pilipinas ang
kaniyang lokasyong
sakupin ang iba pang bansa sa Asya at sa pagkontrol sa heograpikal?
kalakalan sa Asya-Pasipiko.
Noong una, tinulungan ng mga Amerikano ang mga
rebolusyunaryong Pilipino sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo
na talunin ang mga Espanyol. Natalo ang mga Español l at
idineklara ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong
Hunyo 12, 1898. Subalit, lingid sa kaalaman ng mga Pilipino
ay nagkaroon ng lihim na kasunduan ang mga Spain at 20 milyong dolyar
United States. Batay sa kasunduan, susuko ang Spain sa
United States at isasalin sa huli ang karapatang pamunuan
Ibinayad ng United
ang Pilipinas. Samakatuwid, hindi pa din malaya ang States sa Spain
Pilipinas dahil sila ay mapapasailaim sa United States – ang kapalit ng
bansa na kaniyang itinuring na kaibigan. Pormal na naisalin pagpapaunlad na
ginawa ng España sa
sa kamay ng United States ang pamumuno sa Pilipinas sa Pilipinas.
bisa ng Kasunduan sa Paris. Nilagdaan ito ng mga
kinatawan ng United States at Spain noong Disyembre 10, Ano ang epekto ng
Kasunduan sa Paris
1898. sa mga Pilipino?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


296
Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano
noong 1902 kung saan ay natalo ng mas malakas na
puwersang Amerikano ang mga Pilipino. Itinatag ng mga
Amerikano ang Pamahalaang Militar at nang lumaon ay
naging Pamahalaang Sibil na parehong pinamumunuan
ng mga Amerikano at Pilipino. Nagpatayo rin sila ng mga
Thomasites paaralan at ginawang libre para sa lahat ang pag-aaral,
ospital, kalsada, at mga gusaling pampamahalaan. Sa
Tawag sa mga kabilang banda, nagpalabas din sila ng mga batas na
unang gurong nagpipigil sa pagpapamalas ng mga Pilipino ng
Amerikano na
dumating sa damdaming Nasyonalismo. Sa huling bahagi ng
Pilipinas lulan ng kanilang pamumuno, itinatag nila ang Pamahalaang
barkong Commonwealth kung saan ay sinanay nila ang mga
S.S.Thomas
Pilipino sa pagpapatakbo ng isang pamahalaang
Paano nagamit ng demokratiko. Bukod dito, nais din ng mga Amerikano na
mga Amerikano ang manatili ang kanilang impluwensiya sa pamahalaan ng
edukasyon upang
masakop ang Pilipinas upang maprotektahan ang kaniyang mga
Pilipinas? interes sa bansa matapos niyang maipagkaloob ang
kalayaan nito.

Ano ang pagkakaiba ng paraan ng pananakop at pamamahala ng mga Español at mga Amerikano?

Indonesia (East Indies)


CULTURE
Patuloy na pinamahalaan ng Netherlands ang
SYSTEM
Indonesia. Ang mataas na paghahangad ng mga taga-
Europe sa mga pampalasa at produktong agrikultural ang
nagtulak sa mga Dutch na ipatupad ang culture system o
kilala rin sa tawag na cultivation system. Ang patakaran na
ito ay iminungkahi ni Johannes Van den Bosch. Sa ilalim ng Patakarang
ipinatupad ng
patakarang ito, inatasan ng mga Dutch ang mga mga Dutch sa
magsasakang Indones na ilaan ang sanlimang (1/5) na Indonesia
bahagi ng kaniyang lupain o 66 na araw para sa pagtatanim upang
ng mga produktong iniluluwas ng mga Dutch. Ilan sa mga ito matugunan ang
ay asukal, kape at indigo. Nang makita ng mga Dutch ang pangangailang
an nito sa
tagumpay ng culture system, sapilitan na ring ipinatanim sa pagbebenta ng
mga Indones ang iba pang produkto tulad ng bulak, palms, mga
tsaa, tabako, quinine at iba pang pampalasa. Dumanas nang pampalasa sa
lubos na paghihirap ang mga Indones sa ilalim ng pandaigdigang
patakarang ito dahil hindi na sila makapagtanim ng mga kalakalan.
produkto para sa kanilang sariling pangangailangan. Ano ang
naging epekto
ng Culture
system sa mga
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
Indones?
297
SINGAPURA Malaysia at Singapore
Napasakamay ng mga British ang Singapore, na
noon ay bahagi pa ng Malaysia dahil naghahanap sila ng
Salitang Malay na angkop na daungan para sa kanilang mga barkong
ang ibig sabihin pangkalakalan mula India patungong China. Nakilala ang
sa Ingles ay Lion Singapore bilang isa sa pinakamaganda at pinakamaunlad
City.
na daungan sa Timog Silangang Asya. Kinontrol ng mga
Bakit sinakop ng British ang Singapore at kumita sila nang malaki mula sa
mga British ang pakikipagkalakalan sa mga karatig-bansa at sa mga
Singapore? bansang Kanluranin.
Sa kabilang banda, kilala naman ang Malaysia sa
malawak na plantasyon ng goma (rubber) at sa
pagkakaroon ng malaking reserba ng lata (tin). Naging
pangunahing produktong panluwas ng Malaysia ang goma
at lata. Kumita nang malaki ang mga British dahil sa
pagkontrol nila ng pagluluwas ng mga nabanggit na
produkto. Upang mas mapabilis pa ang produksiyon,
hinikayat ng mga British ang mga Tsino na mandayuhan sa
Malaysia upang maging mga manggagawa. Hindi naglaon,
mas dumami pa ang mga Tsino kaysa sa mga katutubong
Rubber Tree Malay sa Malaysia. Ang pananakop ng mga British sa
Malaysia ay nagdulot ng paghihirap at ng kaguluhan sa
Ito ay orihinal na pagitan ng mga nandayuhang Tsino at katutubong Malay na
matatagpuan sa hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin sa bansa.
South America.
Dinala ng mga British
ang mga buto nito sa
Malaysia upang
pasimulan ang
plantasyon ng rubber Melting Pot
tree sa rehiyon.

Ano ang
kapakinabangan ng Tawag sa lugar o rehiyon kung
rubber tree para sa saan nagtatagpo ang iba’t
mga British? ibang mga kultura at pangkat-
etniko. Ang populasyon ng
Malaysia ay binubuo ng mga
katutubong Malay, malaking
bahagdan ng mga Tsino,
Tamil, Pilipino, at mga
Nepalese.

Paano nakaapekto sa
kalagayan ng kapayapaan sa
Malaysia ang panghihikayat ng
mga British noon sa mga Tsino
na manirahan sa Malaysia?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


298
Burma (ngayon ay Myanmar)
Ang lokasyon ng Burma sa India, na sakop ng mga England ang
dahilan kung bakit sinakop din ito ng mga British. Mahalaga para sa mga
British ang Burma dahil ito ay magagamit niya upang mapigilan ang mga
Bakit magtatangkang sumakop sa silangang bahagi ng India na noon ay kabilang
mahalaga sa mga sakop niyang lupain. Noong una ay may maayos na ugnayan ang
para sa England at Burma. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, sumiklab ang
England ang
Burma?
mga labanan sa pagitan ng mga British at Burmese na tinawag na Digmaang
Anglo-Burmese.

Talahanayan ng Dahilan at Bunga ng mga Digmaang Anglo-Burmese

Unang Digmaang Ikalawang Digmaang Ikatlong Digmaang


Anglo-Burmese Anglo-Burmese Anglo-Burmese
Taon 1842-1856 1852-1853 1885-1886
Dahilan Paglusob ng Burma sa Hidwaan sa kalakalan. Itinuring ng mga
mga estado ng Assam, Sapilitang kinuha ng British na pagtataksil
Arakan, at Manipur na mga British ang mga ang pakikipagkasundo
itinuring ng mga British barkong pangkalakalan ng mga haring
na panghihimasok sa ng mga Burmese Burmese sa bansang
India France
Bunga Natalo ang mga Burmese Natalo ang mga Natalo ang mga
at nilagdaan ang Burmese dahil sa mas Burmese
Kasunduan sa Yandabo. malakas na kagamitang
pandigma ng mga Ganap na sinakop ng
Nagbigay ng bayad- British. England ang buong
pinsala ang Burma Burma at isinama ito
Nawalan ng karapatan bilang probinsiya ng
Napasakamay ng English ang mga Burmese na India. Isa itong
East India Company ang dumaan sa mga rutang malaking kahihiyan
Arakan at Tenasserim pangkalakalan na dati para sa kaharian ng
ay kanilang pagmamay- Burma na matagal
Tinanggap ng Burma ang ari. nang namamahala sa
British Resident sa kanilang lupain.
palasyo ng hari Bakit
napahiya
ang Burma
Ang resident system ay isang patakaran na ipinatupad nang ito ay
ng mga British sa Burma. Ang British Resident ay ginawang
probinsiya
kinatawan ng pamahalaan ng England sa Burma. ng India?
Bilang kinatawan, kailangang manirahan ang British
Resident sa Burma. Isa sa kaniyang tungkulin ay ang
pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang bansa. Ibig
Maituturing ba
sabihin, may karapatan siyang makipag-usap, ang Resident
makipagkasundo, makipagkalakalan at magdesisyon System bilang
sa mga usaping panlabas ng Burma na dati ay gawain isang paraan ng
lamang ng Hari ng Burma. Nabawasan ang pananakop?
Bakit?
kapangyarihan ngHari at nawala sa kaniyang kamay
ang karapatan na magdesisyon kung kaninong
dayuhan makikipagkaibigan at makikipag-ugnayan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


299
Bakit tinawag
na Indo-
China ang
rehiyon na
kinabibilanga
n ng Laos,
Cambodia at
Vietnam?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


300
Gawain 10.Pagsusuri
Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga karanasan ng mga
bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kanluranin
noong Ikalawang Yugto ng Imperyalismo. Punan ng tamang sagot ang chart.

Nasakop na Kanluraning Dahilan ng Paraan ng Patakarang


Bansa bansa na Pananakop Pananakop Ipinatupad Epekto
Nakasakop
China
Japan
Pilipinas
Indonesia
Malaysia
Indo-China
Myanmar

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang bansang Kanluranin na nanakop ng lupain sa Ikalawang
Yugto ng Imperyalismo?
2. Bakit kinailangan ng mga Kanluranin na manakop ng mga lupain sa Asya?
3. Magkakatulad ba ang pamamaraang ginamit ng mga Kanluranin sa
pananakop ng mga naturang lupain? Bakit?
4. Paano naapektuhan ng pananakop ng mga Kanluraning bansa ang
kalagayan ng bansang Asyano sa panahon ng pananakop?

Gawain 11. Paghahambing - Imperyalismo


Sa pamamagitan ng Venn Diagram, suriin ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa
Silangan at Timog Silangang Asya.

Unang Yugto ng Ikalawang Yugto ng


Imperyalismo Imperyalismo

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


301
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naging epekto ng mga patakarang ipinatupad ng mga Kanluraning
bansa sa mga bansang Asyano?

2. Paano nabago ang pamumuhay ng mga mamamayan sa nasakop na mga


bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya?

3. Masasalamin pa ba sa kasalukuyang panahon sa Silangang Asya at


Timog- Silangang Asya ang mga pagbabagong naganap dulot ng pananakop
ng mga Kanluranin? Patunayan ang sagot.

Napatunayan mo na hindi lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang


Asya ay nasakop ng mga Kanluranin. Bagamat magkaiba ng estratehiyang ginamit,
parehong nailigtas ng Thailand at Korea ang kanilang lupain mula sa panghihimasok at
pananakop ng mga Kanluranin. Ang pagkakaroon nila ng mahuhusay na pinuno ay
nakatulong din upang mapanatili nila ang kanilang kalayaan.

Gawain 12. Paghahambing


Paano nga ba nagkakatulad at nagkakaiba ang Thailand at Korea?
Suriinn mo ito gamit ang venn diagram.

Thailand Korea

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


302
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang dalawang bansa sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya na


hindi nasakop ng mga Kanluranin?

2. Bakit tinawag na Buffer State ang Thailand at Hermit Kingdom ang Korea?

3. Paano nagkakaiba ang ginamit na estratehiya ng dalawang bansa upang


mapanatili ang kalayaan mula sa mga Kanluranin?

4. Paano naman nagkakatulad ang dalawang bansa sa aspeto ng mga


namumuno sa pamahalaan?

BINABATI KITA!
Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin
1.

Ngayong ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol


sa mga dahilan, paraan at epekto ng Imperyalsimo at
Kolonyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya. Maaari ka
nang tumungo sa susunod na bahagi ng modyul na ito
upang mapalalim at mapalawak pa ang iyong pag-unawa tungkol
sa paksang ito.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa bahaging ito, palalalimin mo ang mga nabuong pag-unawa


tungkol sa paksa. Inaasahan din na sa pagkakataong ito ay kritikal na
masusuri mo ang impluwensiya ng pananakop ng mga Kanluranin sa
pamumuhay ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


303
Gawain 13. Noon at Ngayon
Makikita pa rin sa kasalukuyan ang mga patunay ng kolonyalismo at
imperyalismo na naganap sa Asya. Suriin mo kung ano ang mga nagbago at
nagpatuloy sa kultura, pamahalaan at ekonomiya ng Pilipinas pagkatapos itong
lumaya mula sa Imperyalismong Kanluranin.

Gawin ang sumusunod na hakbang:

1. Mamili sa sumusunod na aspeto na iyong susuriin: kultura, pamahalaan, ekonomiya.

2. Gamitin ang chart sa gagawing pagsusuri.

Aspeto Kalagayan Bago Kalagayan sa Kalagayan sa


Dumating ang Ilalim ng mga Kasalukuyan
mga Mananakop mananakop

Kultura
pamahalaan
ekonomiya

3. Sagutin ang sumusunod na tanong:

3.1 Ano-ano ang nagpatuloy at nagbago sa sinuring aspeto bago at matapos ang Imperyalismong
Kanluranin sa Pilipinas?
3.2 Alin sa mga hamon na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan ang maituturing na epekto ng
kolonyalismo
Gawain 14.at Imperyalismo? Ipaliwanag.
Pagsulat ng Repleksiyon
3.3 Paano hinaharap
Sumulat ngngrepleksiyon
mga mamamayan ang hamon
ukol sa iyong sa kasalukuyan?
mga natutunan, realisasyon at opinyon
tungkol sa ginawang pagsusuri.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


304
Gawain 15. Hagdan ng Aking Pag-unlad

Sa bahaging ito, sagutan mo ang bahagi ng Mga Natutunan at Epekto


ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansang Asyano. Balikan mo
ang iyong mga sagot sa naunang bahagi ng Hagdan ng Aking Pag-unlad
upang masuri kung umunlad ba ang iyong kaalaman at pag-unawa.
Paano nabagoang
pamumuhay ng
mga mamamayan
MGA NATUTUHAN sa Silangan at
________________ Timog Silangang
________________ Asya dahil sa
Kolonyalismo at
________________
Imperyalismo?
NAIS MALAMAN ________________
____________
________________ ________________
________________ ____________
________________
________________ ________________ ____________
ANG AKING ALAM
________________ ________________ ____________
________________
________________ _______________ ____________
________________
________________ ____________
________________
________________ ________
________________
________________
________________
________________
________________
___
________________
________________
________________
______
BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng
Pagnilayan at Unawain para sa Aralin 1.

Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa


impluwensiya ng pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan
at Timog Silangang Asya. Nakatitiyak akong handa ka na
para sa susunod na gawain.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


305
ILIPAT/ISABUHAY

Sa bahaging ito ay pagtitibayin mo ang iyong pag-unawa ukol sa aralin.


Magsasagawa ka ng mas malalim na pagtalakay tungkol samga sanhi at epekto ng mga
suliranin na kinahaharap ng mga bansang Asyano sa kasalukuyan at kaugnayan nito sa
Imperyalismong Kanluranin na naganap noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo. Sa bahaging
ito, isasagawa mo ang gawain hindi lamang bilang isang mag-aaral kundi bilang isang
aktibong bahagi ng lipunan o ng bansa na iyong kinabibilangan.

Gawain 16. Imbestigasaysayan

Natutuhan mo sa araling ito na may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga


Asyano ang pananakop ng mga Kanluranin. Kung iyong matatandaan, kaakibat ng
imperyalismo ang pagpapalawak ng teritoryo. Sa kasalukuyan, may mga isyu sa pagitan
ng mga bansa sa Asya na may kaugnayan sa pag-aagawan ng mga teritoryo. Maituturing
pa rin ba itong imperyalismo? Paano kaya ito naiiba sa imperyalismo noong ika-16-19 na
siglo? Ano kaya ang mga sanhi at epekto ng suliraning ito?
Basahin at unawain ang teksto tungkol sa sigalot sa pagitan ng China, Pilipinas at Vietnam
kaugnay sa pinag-aagawang mga isla na matatagpuan sa pagitan ng tatlong bansa.

Pamagat: South China Sea Dispute

Rival countries have squabbled over territory in the South China Sea for
centuries - but a recent upsurge in tension has sparked concern that the
area is becoming a flashpoint with global consequences.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


306
What is the argument about?

It is a dispute over territory and sovereignty over ocean areas and the Paracels
and the Spratlys - two island chains claimed in whole or in part by a number of
countries. Alongside the fully fledged islands, there are dozens of uninhabited rocky
outcrops, atolls, sandbanks and reefs, such as the Scarborough Shoal.

Who claims what?

China claims by far the largest portion of territory - an area stretching hundreds
of miles south and east from its most southerly province of Hainan. Beijing has said its
right to the area come from 2,000 years of history where the Paracel and Spratly island
chains were regarded as integral parts of the Chinese nation.

In 1947 China issued a map detailing its claims. It showed the two island
groups falling entirely within its territory. Those claims are mirrored by Taiwan,
because the island considers itself the Republic of China and has the same territorial
claims.

Vietnam hotly disputes China's historical account, saying China never claimed
sovereignty over the islands until the 1940s. Vietnam says both island chains are
entirely within its territory. It says it has actively ruled over both the Paracels and the
Spratlys since the 17th Century - and has the documents to prove it.

The other major claimant in the area is the Philippines, which invokes its
geographical proximity to the Spratly Islands as the main basis of its claim for part of
the grouping.

Both the Philippines and China lay claim to the Scarborough Shoal (known as
Huangyan Island in China) - a little more than 100 miles (160km) from the Philippines
and 500 miles from China.

Malaysia and Brunei also lay claim to territory in the South China Sea that they
say falls within their economic exclusion zones, as defined by the United Nations
Convention on the Law of the Sea in 1982. Brunei does not claim any of the disputed
islands, but Malaysia claims a small number of islands in the Spratlys.

Why are so many countries so keen?

The Paracels and the Spratlys may have vast reserves of natural resources
around them. There has been little detailed exploration of the area, so estimates are
largely extrapolated from the mineral wealth of neighbouring areas.

Chinese officials have given the most optimistic estimates of resource wealth in
the area. According to figures quoted by the US Energy Information Administration,
one Chinese estimate puts possible oil reserves as high as 213 billion barrels - 10
times the proven reserves of the US. But American scientists have estimated the
amount of oil at 28 billion barrels.
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
According to the EIA, the real wealth of the area may well be natural gas reserves.
307
Estimates say the area holds about 900 trillion cubic ft (25 trillion cubic m) - the same
as the proven reserves of Qatar.

The area is also one of the region's main shipping lanes, and is home to a fishing
ground that supplies the livelihoods of thousands of people.
According to the EIA, the real wealth of the area may well be natural gas reserves.
Estimates say the area holds about 900 trillion cubic ft (25 trillion cubic m) - the same as the
proven reserves of Qatar.

The area is also one of the region's main shipping lanes, and is home to a fishing
ground that supplies the livelihoods of thousands of people.

How much trouble does the dispute cause?

The most serious trouble in recent decades has flared between Vietnam and China.
The Chinese seized the Paracels from Vietnam in 1974, killing more than 70 Vietnamese
troops. In 1988 the two sides clashed in the Spratlys, when Vietnam again came off worse,
losing about 60 sailors.

The Philippines has also been involved in a number of minor skirmishes with
Chinese, Vietnamese and Malaysian forces.

The most recent upsurge in tension has coincided with more muscular posturing
from China. Beijing officials have issued a number of strongly worded statements, including
warning their rivals to stop any mineral exploration in the area.

The Philippines has accused China of building up its military presence in the
Spratlys. The two countries have engaged in a maritime stand-off, accusing each other of
intrusions in the Scarborough Shoal. Chinese and Philippine vessels refuse to leave the
area, and tension has flared, leading to rhetoric and protests.

Unverified claims that the Chinese navy deliberately sabotaged two Vietnamese
exploration operations has led to large anti-China protests on the streets of Hanoi and Ho
Chi Minh City.

Vietnam has held live-fire exercises off its coast - an action that was seen as a
gross provocation by Beijing.

Source: Q&A South China Sea Dispute.


http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-pacific-13748349
Retrieved on November 19, 2012

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


308
Punan ng tamang sagot ang cause and effect chart mula sa binasang mga
suliranin sa South China Sea Dispute.

SULIRANIN

Suriin ang sagot ng kamag-aaral gamit ang Guide Question Sheet.

Tanong
1. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang suliranin
na iyong sinuri tungkol sa imperyalismo noong ika-
16 hanggang ika-19 na siglo?
2. Makabubuti ba sa mga bansang kabilang sa
suliranin ang posibleng maging epekto ng kanilang
sigalot? Bakit?
3. Sa mga nabanggit na epekto, alin ang
maituturing na pinakamasama? Pangatuwiranan.
4. Alin sa mga epekto ang may direktang
kaugnayan sa kolonyalismo at imperyalismong
naganap sa Asya noong ika-16 hanggang ika-19
na siglo? Ipaliwanag.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


309
Transisyon sa susunod na modyul
Binigyang-diin sa modyul na ito ang mga paraan, patakaran at
epekto ng Una at Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin sa
Silangan at Timog Silangang Asya. Nagkaroon ng malaking impluwensiya
ang mga nanakop na Kanluranin sa kultura, ekonomiya at politika ng
nasakop na mga lupain sa Asya. Sa kabila ng pagiging
makapangyarihan, napanatili ng bansang Thailand at Korea ang kanilang
kalayaan mula sa mga Kanluranin dahil sa mahusay na pakikitungo ng
kanilang mga pinuno sa mga dayuhan. Dumanas ng malubhang
paghihirap, kagutuman, pang-aabuso at pagkawala ng karapatan at
kalayaan ang mga Asyano dulot ng mga patakaran ng mga Kanluraning
nakasakop sa kanilang lupain.
Ang mga karanasan ng mga Asyano mula sa pananakop ng mga
Kanluranin ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng kanilang damdaming
nasyonalismo. Mauunawaan mo sa susunod na modyul ang iba’t ibang
anyo ng nasyonalismong umunlad sa mga piling bansa sa Silangan at
Timog Silangang Asya.

Glosaryo:

1. The White Man’s Burden – tula na isinulat ng manunulang British na si


Rudyard Kippling. Una ito nailathala noong 1889 . Ipinahayag ni Kippling ang
pagsuporta niya sa imperyalismong Kanluranin sa pamamagitan ng tulang ito.

2. Kanluranin – pangkalahatang tawag sa mga mamamayan ng Europe na


nanakop ng lupain sa Asya noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo.
Ginagamit din ang salitang Europeo bilang kasingkahulugan ng Kanluranin.

3. Monopolyo – lubos ang kontrol sa isang bagay o karapatan.

4. Isolationism – tumutukoy sa patakaran na ipinatutupad ng isang bansa


kung saan ay inihihiwalay o isinasara nito ang bansa mula sa impluwensiya at
pakikipag-ugnayan sa mga dauhan

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


310
References:

A. Books

Antonio, Eleanor D. Pana-Panahon II. Worktext para sa Araling Panlipunan


Ikalawang Taon. Kasaysayan ng Asya. 1999. Rex Bookstore. 856 Nicanor
Reyes Sr. St. Manila Philippines. pp. 219-270.

Beck, Roger B. et. al. A Modern History of the World. Word History. Patterns
of Interaction. McDougal Littell Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204.
1999. pp. 80-94, 321-326, 332-340.

Beck, Roger B. et.al. Word History. Patterns of Interaction. McDougal Littell


Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204. 1999. pp. 460-477.

Boehm, Richard G. et.al. Our World’s Story. Harcourt Brace & Company,
6277 Sea Harbor Drive, Orlando, Florida 32887-6777. 1997. pp. 517-520.

Camagay, Ma. Luisa T. et. al. Kabihasnang Asyano Kasaysayan at Kultura.


Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City.
2010. pp. 262-290.

Farah, Mounir A. & Karls, Andrea Berens. World History: The Human
Experience. Glencoe/McGraw-Hill, 936 Eastwind Drive, Westerviell, Ohio
43081. 1999. pp. 713-719.

Mercado, Michael M. Sulyap sa Kasaysayan ng Asya. St. Bernadette


Publishing House Corporation. 173 Rodriquez S. Ave., Kristong Hari, 1112
Quezon City. 2009. pp.245-250, 279-285.

Perry, Marvin. A History of the World. Houghton Mifflin Company Boston,


Massachusetts, USA. 1989. pp. 567-578.

Rhoads, Murphey. A History of Asia 6th Edition. Longman, 2008.


Whitfield, Susan. Life along the Silk Road. University of California Press,
2001.

B. Websites

China: Spheres of Influence and Treaty Ports, c. 1900.


http://images.classwell.com/mcd_xhtml_ebooks/2005_world_history/images/
mcd_mwh2005_0618377115_p374_f1.jpg. Retrieved on December 1, 2012.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


311
Map of Asia. www.worldpress.com. Retrieved on October 20, 2012.

Map of Esapaña Boulevard, Manila. . http://maps.google.com.ph/. Retrieved


on October 18, 2012.
Map of Harrison Road, Baguio City. Ibd.
Map of MacArthur Highway, Ilocos. Ibd.
Map of Magallanes St., Davao. Ibd.
Map of Pasig ferry in Lawton, Manila. Ibd.
Map of Taft Avenue, Pasay City. Ibd.

Q&A South China Sea Dispute. http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-pacific-


13748349. Retrieved on November 19, 2012

Flag of England. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-


factbook/docs/flagsoftheworld.html. Retrieved on October 21, 2012.
Flag of France. Ibd.
Flag of Netherlands. Ibd.
Flag of Portugal. Ibd.
Flag of Spain. Ibd.
Flag of USA. Ibd.

White Man’s Burden. Rudyard Kipling, 1899.


http://www.fordham.edu/halsall/mod/kipling.asp (Retrieved on November 20,
2012).

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


312
Modyul 11- Araling Panlipunan 7
ARALIN BLG. 2: NASYONALISMO SA SILANGAN AT
TIMOG SILANGANG ASYA

“Ibon man may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak”. Ipinahihiwatig


ng bahagi ng awiting “Bayan Ko” ang pagmamahal sa kalayaan. Para sa iyo,
bakit mahalaga ang kalayaan? Ano ang gagawin mo kung may mga dayuhang
nais sakupin ang ating bansa? Sa kasalukuyan, paano mo ipakikita ang
pagmamahal sa iyong bansang sinilangan? Paano ipinakita ng mga kapwa
natin Asyano ang damdaming nasyonalismo?
Naunawaan mo sa nakaraang aralin ang mga dahilan at epekto ng
pananakop ng mga Kanluranin sa Asya. Isa sa hindi mabuting epekto nito ay
ang pagkawala ng kalayaan at pang-aabuso sa karapatan ng mga Asyano. Ang
kalagayan na ito ay nakaimpluwensiya sa pagkabuo ng nasyonalismong
Asyano. Sa araling ito, susuriin mo kung paano umunlad ang damdaming
Nasyonalismo ng mga mamamayan sa Silangan at Timog Silangang Asya.

ALAMIN:

Handa ka na ba? Ngayon ay simulan mong alamin


kung paano umunlad ang damdaming Nasyonalismo ng mga
mamamayan sa Silangan at Timog Silangang Asya

Gawain. 1: PICTURE ANALYSIS

Suriin ang larawan tungkol sa kalagayan ng mga Asyano sa panahon


ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin noong ika-16 hanggang ika-
19 na siglo.Sagutin ang mga tanong .

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


313
5. Ano ang mensahe na ipinahihiwatig ng larawan?

6. Ano ang naging pangunahing reaksiyon ng mg Asyano laban sa kolonyalismo at


imperyalismong Kanluranin?

7. Paano umusbong ang damdaming nasyonalismo ng mga mamamayan sa


Silangan at Timog Silangang Asya?

Gawain. 2. Ang aking pag-unawa . . .

Bago natin ipagpatuloy ang pagsusuri sa mga dahilan ng pag-


unlad ng Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya ay sagutan mo
muna ang Generalization Table.

Panuto:Ano na ang iyong mga alam tungkol sa ating aralin? Sagutan ang
hanay na Ang aking naunang pagkakaunawa. Samanatala, masasagutan
mo lamang ang iba pang bahagi ng talahanayansa susunod na bahagi
ngmodyul na ito.

GENERALIZATION TABLE

Ang aking mga


Ang aking Ang Aking
Natuklasan at Ang Aking
MGA TANONG Naunang
Pagwawastong
mga
Paglalahat
Pagkakaunawa Patunay
Ginawa
1. Ano-ano ang
pangyayari na
nagbigay daan sa
pag-unlad ng
Nasyonalismo sa
Silangan at Timog
Silangang Asya?
2. Bakit
magkakaiba ang
paraan ng
pagpapakita ng
damdaming
Nasyonalismo ng
mga Asyano?
3. Paano
ipinamalas ng
mga mamamayan
sa Silangan at
Timog Silangang

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


314
Asya ang
Nasyonalismo?
4. Paano
nagkakaugnay
ang Kolonyalismo
at
Imperyalismong
Kanluranin at
Nasyonalismong
Asyano?

BINABATI KITA!
Sa puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ngAlamin
Pagkatapos suriin ang iyong mga kaalaman tungkol sa pag-
unlad ng Nasyonalismo sa sa Silangan at Timog Silangang
Asya ay tiyak kong nais mong malaman ang sagot sa iyong
mga tanong. Masasagot ito sa susunod na bahagi ng modyul.
Sa iyong pagtupad sa iba’t ibang gawain, suriin kung
tumutugma ba ang iyong mga dating alam sa mga bagong
kaaalaman na iyong matutuhan sa modyul.

PAUNLARIN:

Sa bahaging ito ay inaasahan na matutunan mo ang mga mga


pangyayari na nakaimpluwensiya sa pag-unlad ng
nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya. Maari
mong balikan ang mga sagot at tanong na iyong nabuo sa
unang bahagi ng modyul na upang malaman kung tama ito at
nasasagot ang mga ito.

NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

Ano kaya ang maaring maging epekto ng patuloy na pagdanas ng pang-


aabuso at pagmamalupit sa mga Asyano? Paano kaya tutugunan ng mga
Asyano ang mga patakarang ipinatupad ng mga Kanluranin na nagsagawa ng
Kolonyalismo at Imperyalismo noong ika-16 hanggang ika-20 siglo?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


315
PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA SILANGANG ASYA

Ipinakikita sa mapa ang mga kilalalng lider ng China at Japan na


nagpaunlad ng damdaming nasyonalismo sa kani-kanilang mga bansa.
4

Hindi man tuwirang nasakop ng mga Kanluranin, dumanas ng maigting na


imperyalismo ang Silangang Asya lalo na noong ika-18 siglo. Isa sa mga
patunay nito ay ang pagpapatupad ng sphere of influence ng mga Kanluranin
sa China at ang paggigiit ng Open Door Policy ng United States sa Japan. Ang
imperyalismong Kanluranin sa Silangang Asya ay nagdulot ng epekto sa
kabuhayan, pamahalaan, lipunan at kultura ng mga Asyano. Naghangad ang
mga Tsino at Hapones na makawala mula sa imperyalismong Kanluranin dahil
sa hindi mabuting epekto nito sa kanilang pamumuhay. Ang paghahangad na
ito ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa dalawang bansa.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


316
PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA CHINA

Nagsimula ang pagkawala ng kontrol ng China sa kaniyang bansa


nang matalo ito sa Great Britain sa Unang Digmaang Opyo (1839- 1842) at
sa Great Britain at France noon Ikalawang Digmaang Opyo (1856-1860).
Bunga nito, nilagdaan ang Kasunduang Nanking (1843) at Kasunduang
Tientsin (1858) na naglalaman ng mga probisyon na hindi patas para sa
mga Tsino.
Upang ipahayag ang kanilang pagtutol mula sa panghihimasok ng
mga dayuhan, nagsagawa ng dalawang rebelyon ang mga Tsino. Ito ay ang
Rebelyong Taiping (Taiping Rebellion) noong 1850 at Rebelyong Boxer
(Boxer Rebellion) noong 1900. Petsa:
Disyembre 1850 –
Pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan (Hong Agosto 1864
Rebelyong Taiping
Xiuquan) ang Rebelyong Taiping laban sa
Dinastiyang Qing na pinamumunuan ng mga Lokasyon:
dayuhang Machu. Layunin ng rebelyong ito na Timog Tsina
mapabagsak ang Dinastiyang Qing upang mahinto
Layunin:
na ang pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang Mapabagsak ang
bansa. Bukod dito, hangad din ng Rebelyong Dinastiyang Qing
Taiping ang pagbabago sa lipunan. Kabilang dito (Dinastiyang Manchu)
ang pagkakapantay-pantay ng karapatan para sa na pinamumunuan ng
mga kababaihan at pagpapalit ng mga relihiyong mga dayuhang
Confucianism at Buddhism sa relihiyong Manchu
Kristiyanismo.
Bunga:
Nagapi ng Dinastiyang
Nahinto ang Rebelyong Boxer nang ito ay Qing (Manchu) ang
magapi ng Dinastiyang Qing sa tulong ng mga Rebelyong Taiping sa
British at French. Itinuturing na isa sa mga tulong mga mga
madugong rebelyon sa kasaysayan ng Tsina ang British at French.
Rebelyong Boxer kung saan mahigit sa 20 milyong
Tsino ang namatay.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


317
Rebelyong Boxer

Sumiklab ang Rebelyong Boxer noong 1899.Tinawag itong Rebelyong


Boxer dahil ang mga naghimagsik ay miyembro ng samahang I-ho chu’an o
Righteous and Harmonious Fists. Ang mga miyembro nito ay may kasanayan
sagymnastic exercise. Nagsagawa
Bukod sa pagtuligsa ng
sa korupsyon maramihang
sa pamahalaan,
pangunahing layunin ng Rebelyongpagpatay angpatalsikin
Boxer ay ang mga ang mga lahat
boxer.
ng mga
dayuhan sa bansa, kabilang dito angPinaslang nila ang mga misyongerong
mga Kanluranin.
Krisityano at mga Tsino na naging
deboto ng relihiyong Kristiyanismo.
Mula sa probinsiya, kumalat ang
Rebelyong Boxer hanggang sa Peking
(Beijing). Nagpadala ng puwersang
militar na mayroong 2,100 na mga
Ipinakikita sa larawan ang sundalo ang United States, Great
pagtutulungan ng mga
Britain, Russia, France, Italy at Japan
imperyalistang bansa upang
magapi ang Rebelyong Boxer. upang maprotektahan ang kanilang mga

mamamayan sa China at masupil ang rebelyon. Nagapi ang mga boxer dahil
sa pagtutulungan ng mga dayuhang imperyalista. Nabawi ng mga
imperyalista mula sa mga boxer ang Peking noong Agosto 14, 1900.

Dahil sa pagkabigo ng Rebelyong Taiping at Rebelyong Boxer,


nagpatuloy ang pamamayani ng mga dayuhan sa Tsina. Sinikap ng mga
Tsino na magsagawa ng reporma subalit hindi ito maisakatapuran dahil sa
impluwensiya ng mga Kanluranin sa pamahalaang Manchu. Nang mamatay
si Empress Dowager Tzu Hsi noong 1908, lalong lumala ang sitwasyon ng
kahirapan sa Tsina. Siya ay pinalitan ni Puyi na naging emperador sa edad
na dalawang taon. Si Puyi o Henry Puyi para sa mga Kanluranin ang huling
emeprador ng dinastiyang Qing (Manchu) at itinuturing din na huling
emperador ng Tsina.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


318
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya

Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay nangangahulugan ng pagpasok ng


dalawang magkatunggaling ideolohiya sa Tsina. Lumaganap sa bansa ang
ideolohiya ng demokrasya at komunismo. Ito ay nagdulot ng pagkakahati ng
bansa at naghudyat ng tunggalian ng mga pinunong Tsino na nagsusulong ng
demokrasya at komunismo.

Ideolohiyang Demokrasya sa China


Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ay senyales ng pagwawakas
ng mahigit sa 2,000 taon ng pamumuno ng mga dinastiya sa China. Hinarap
ng mga Tsino ang isang malaking hamon sa kanilang bansa – ito ay ang
pagtukoy sa ipapalit na pamumuno ng mga emperador.
Sa panahon na ito ng kaguluhang pampolitikal at kawalan ng pagkakaisa
nakilala si Sun Yat Sen. Nakapag-aral si Sun sa Hawaii at sa Hong Kong
Medical School. Isinulong niya ang pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong
prinsipyo (three principles): ang San Min Chu-i o nasyonalismo, Min-Tsu-Chu-I
o demokrasya at Min-Sheng-Chu-I o kabuhayang pantao. Binigyang-diin ni Sun
na ang pagkakaisa ng mga Tsino ang susi sa tagumpay laban sa mga
imperyalistang bansa. Naging ganap ang pamumuno ni Sun sa China nang
pamunuan niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na
Double Ten Revolution na naganap noong Oktubre 10, 1911. Tinawag itong
Double Ten dahil naganap ito sa ika-sampung buwan ng taon (Oktubre) at ika-
sampung araw ng buwan. Sa araw ding ito, itinatag ang bagong Republika ng
China. Dahil sa kaniyang tagumpay, pansamantalang itinalaga si Sun bilang
pangulo ng bansa noong Oktubre 29, 1911, tinagurian siya bilang “Ama ng
Republikang Tsino”. Itinag ni Sun Yat-Sen ang Partido Kuomintang o
Nationalist Party noong 1912. Naging batayan ng kaniyang pamumuno ang
paggamit ng konsiliasyon (conciliation) at pagkakasundo (compromise) upang
maiwasan ang alitan at maisulong ang kaunlaran ng bansa. Naniniwala din siya

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


319
na dapat pagtuunan ng pansin ang regulasyon ng puhunan (regulation of
capital) at pantay-pantay na pag-aari ng lupa (equalization of land ownership).
Higit sa lahat, hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan ang tunggalian ng
mga uri o class struggle upang makamit ang pagkakaisa, kaayusang
panlipunan at kaunlarang pang-ekonomiya.
Humalili si Heneral Chiang Kai Shek bilang pinuno ng Partido
Kuomintang nang mamatay si Sun Yat-Sen noong Marso 12, 1925.Sa ilalim ng
pamumuno ni Chiang Kai Shek ay ipinagpatuloy ng Kuomintang ang
pakikipaglaban sa mga warlords (nagmamay-ari ng lupa na may sariling
sandatahang lakas.

Pangalan: Sun Yat-Sen Pangalan: Mao Tse-tung

Araw ng Kapanganakan: Araw ng Kapanganakan:

Nobyembre 12, 1886 Disyembre 26, 1893

Lugar: Guangdong Lugar: Hunan

Edukasyon: Medicine, Hong Edukasyon: Education, Fourth

Kong Medical School Normal School of Changsha

Ideolohiya: Demokrasya Ideolohiya: Komunismo

Partido: Kuomintang Partido: Kunchantang

Taguri o Pagkakakilanlan: Ama Taguri o Pagkakakilanlan:

ng Republikang Tsino Ama ng Komunistang Tsino

Araw ng Kamatayan: Araw ng Kamatayan:

March 12, 1925 Setyembre 9, 1976

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


320
Matapos magapi ang mga warlords, hinarap ng Kuomintang ang isa pang
kalaban – ang pagpasok ng katunggaling ideolohiya sa China – ang komunismo
na ipinalaganap ni Mao Zedong sa China.
Upang ganap na maisulong ang kanilang ideolohiya, itinatag ni Mao
Zedong kasama ang iba pang komunistang Tsino ang Partido Kunchantang
noong 1921. Lalo pang lumakas ang komunismo sa China sa pagdating ng
Russian advisers sa Canton. Lumaganap ang ideolohiya hindi lamang sa mga
pangkaraniwang mga magsasaka at manggagawa kundi pati na din sa mga
opisyal ng pamahalaan at sa grupo ng mga edukadong Tsino. Madaming Tsino
ang yumakap sa komunismo dahil sa mga panahong pumasok ang
ideolohiyang ito ay unti-unti nang nawawala ang tiwala nila sa pamumuno ni
Chiang Kai Shek dahil sa laganap na katiwalian sa pamahalaan at malawakang
kahirapan na dinaranas sa bansa.
Nabahala si Chiang Kai Shek sa lumalakas na impluwensiya ng
komunismo sa China. Iniutos niya ang paglulunsad ng kampanyang militar
laban sa mga komunista. Maraming komunista ang hinuli, pinahirapan at
napatay. Hindi lahat ng mga komunista ay nahuli, pinamunuan ni Mao Zedong
ang mga nakaligtas na Red Army, tawag sa mga komunistang sundalong Tsino
at sila ay tumakas patungo sa Jiangxi. Tinawag itong Long March dahil sa
kanilang nilakbay na may layong 6,000 milya. Umabot ito ng isang taon kung
saan marami ang namatay dahil sa hirap, gutom at patuloy na pagtugis ng mga
sundalo ni Chiang Kai-shek.
Pansamantalang natigil ang pagtutunggali ng puwersa nina Chiang Kai-
shek at Mao Zedong dahil sa banta ng pananakop ng mga Hapones.

Tunghayan ang timline upang maunawaan ang iba pang kaganapan sa


pag-unlad ng nasyonalismong Tsino:

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


321
Dahil sa pagtatatag ng People’s Republic
1949 of China, napalayas ng mga komunista
ang mga Kanluranin at muli ay nakamit ng
China ang kaniyang kalayaan.

Tumakas ang mga nasyonalista sa


pamumuno ni Chiang Kai-Shek sa Taiwan
1949
at itinayo ang Republic of China.

Nagwagi ang mga komunista laba sa mga


Nasyonalista. Itinatag ni Mao Zedong
1949 ang People’s Republic of China noong
Oktubre1, 1949.

Nagwakas ang Ikalawang Digmaang


1942 Pandaigdig. Nahinto na din ang
pananakop ng mga Hapones sa China.

Nabuo ang United Front. Nagkaisa ang mga


komunista at nasyonalista upang harapin ang
1936
pananakop ng mga Hapones.

Ikalawang Digmaang Sino-Hapones.


Binomba ng mga Hapones ang China.
Nasakop ng Japan ang malaking teritoryo ng 1931
China

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga salik sa pag-usbong ng Nasyonalismong Tsino?


2. Paano nagkakaiba at nagkakatulad sina Sun Yat-Sen at Mao Zedong?
3. Paano ipinamalas ng mga Tsino ang damdaming nasyonalismo sa harap ng
imperyalismong kanluranin?

PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA JAPAN

Kung iyong matatandaan, magkatulad at magkaiba ang naging


pakikitungo ng mga Tsino at Hapones sa mga Kanluranin. Magkatulad dahil
noong una parehas nilang isinara ang kanilang bansa at daungan mula sa mga
Kanluranin. Subalit magkaiba ang naging pagtugon ng dalawang bansa sa
banta ng imperyalismo. Patuloy na naging sarado ang China na nagresulta sa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


322
sapilitang pagpasok ng mga Kanluranin sa pamamagitan ng digmaan. Sa
kabilang banda, tinanggap ng Japan ang mga Kanluranin nang hilingin nito na
ipatupad ang Open Door Policy noong 1853. Sa panahon na ito umusbong
ang damdaming nasyonalismo ng mga Hapones. Ipinakita ito ng mga Hapones
sa kabila ng pananatili ng mga Kanluranin sa kanilang teritoryo. Ito ay
pinasimulan ni Emperador Mutsuhito na siyang namuno sa panahon na kilala
bilang Meiji Restoration.

Ang Modernisasyon ng Japan: Panahon ng Meiji Restoration

Nakita ni Emperador Mutsuhito ang maaaring maging epekto sa Japan


kung patuloy silang magpupumilit na isara ang bansa mula sa mga Kanluranin.
Natuto siya mula sa karanasan ng China sa pakikidigma nito sa mga
kanluranin. Bagama’t handang lumaban para sa kanilang bansa, napagtanto
ng mga Hapones na magiging magastos ang digmaan at maraming mga
inosenteng mamamayan ang madadamay. Bukod pa dito, batid nilang
mahihirapan silang manalo sa digmaan dahil sa lakas ng puwersang pandigma
ng mga Kanluranin.
Nang tanggapin ng mga Hapones ang mga Kanluranin sa bisa ng
Kasanduang Kanagawa ay naging pinuno ng Japan si Emperador Mutsuhito.
Tumagal ang kaniyang pamumuno mula 1867 hanggang 1912. Siya ang
naglipat ng kabisera ng Japan sa Edo (Tokyo sa kasalukuyan). Bukod sa
paglilipat ng kabisera, nakilala si Mutsuhito dahil sa kaniyang pagyakap sa
impluwensiya ng mga Kanluranin na kaniyang ginamit upang mapaunlad ang
Japan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

EDUKASYON EKONOMIYA SANDATAHANG


LAKAS

* Nagtungo sa United
* Nagpatupad ng
States at Europe
compulsory
upang matutuhan ang * Pinalakas ang
(sapilitang)
paraan ng sandatahang lakas sa
edukasyon sa
pagnenegosyo at pamamagitan ng
elementarya
pagpapaunlad ng iba’t pagpapagawa ng
ibang industriya makabong barko at
* Nag-imbita ng mga
kagamitang pandigma.
mahuhusay na guro
* Nagpagawa ng mga
mula sa ibang
kalsada, tulay, linya * Isinaayos ang
bansa
ng kuryente na pagsasanay ng mga
nagpaunlad sa sistema sundalong Hapones.
* Ipinadala ang mga
ng komunikasyon at
iskolar na Hapones
transportasyon
sa ibang bansa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


323
Modernisasyon ng Japan

Tinularan ng mga Hapones ang paraan ng pamumuhay ng mga


Kanluranin na makatutulong sa kaniyang pag-unlad. Ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:

Bansa Natutuhan
Germany Sentralisadong pamahalaan, ginawang
modelo ang konstitusyon nito
England Kahusayan at pagsasanay ng mga
sundalong British
United States Sistema ng edukasyon

Ipinadala ng pamahalaan ng Japan ang kaniyang mga iskolar sa


Europe at United States upang matuto ng makabagong kaalaman at kaisipan
sa pamamahala, kalakalan at pakikipagdigma. Tinularan din ng Japan ang
pagpapaunlad ng industriya na ginawa ng United States at mga Kanluraning
bansa. Hindi nagtagal, naging isang maunlad at makapangyarihang bansa
ang Japan. Nagsimula na din siyang manakop ng ibang lupain upang
matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.Ilan sa kaniyang mga
nasakop ay ang Korea, bahagi ng Russia at China, at Pilipinas.

Gabay na tanong:

1. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ni Emperador


Mutsuhito sa Japan?
2. Paano ipinamalas ng mga Hapones ang damdaming
nasyonalismo sa gitna ng imperyalismong Kanluanin?
3. Nakatulong ba sa Japan ang ipinatupad na modernisasyon?
Patunayan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


324
Gawain 3.BUUIN NATIN – Silangang Asya

Sagutan ang graphic organizer tungkol sa pag-unlad ng nasyonalismo


sa Silangang Asya.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mga salik sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangang Asya?


2. Bakit hindi makatulad ang anyo ng Nasyonalismo ng China at Japan?
3. Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang nasyonalismong Tsino at
Hapones?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


325
PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA TIMOG SILANGANG
ASYA

Ho Chi Minh

Aung San

Rizal

Bonifacio

Sukarno

Ipinakikita sa mapa ang mga lider na sina Aung San ng Burma, Ho Chi Minh ng
Vietnam, Sukarno ng Indonesia at Rizal at Bonifacio ng Pilipinas. Sila ang namuno sa
pagpapaunlad ng damdaming nasyonalismo sa Timog Silangang Asya

Lubos na naramdaman ang kalupitan ng kolonyalismo at


imperyalismong Kanluranin sa Timog Silangang Asya. Ito ay dahil sa mga
hindi makatarungang patakaran na ipinatupad ng mga Kanluranin sa mga
lupain na kanilang sinakop. Nagdulot ang mga patakaran na ito ng paghihirap,
kawalan ng dignidad at kalayaan, pagbabago ng kultura, at pagkakawatak-
watak ng mga Asyano.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


326
Ang mga karanasan ng mga nasakop na bansa sa Timog Silangang
Asya ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa
rehiyong ito. Suriin nating kung paano ito naganap sa sumusunod na bansa.

NASYONALISMO SA INDONESIA

Ang mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Dutch tulad


ng culture system at pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan ay nagkaroon ng
negatibong epekto sa kabuhayan ng mga Indones. Lahat ng kapakinabangan
sa mga nabanggit na patakaran ay napunta sa mga mananakop na Kanluranin.
Bagama’t hindi gaanong pinanghimasukan ng mga Dutch ang kultura ng
Indonesia, naapektuhan naman ng kapabayaan ng mga Dutch sa sistema ng
edukasyon sa bansa ang kultura at antas ng karunungan ng mga Indones.

Umunlad ang nasyonalismong Indones dahil sa paghahangad na matigil


ang mga hindi makatarungang patakaran ng mga mananakop na Dutch.
Nagsimula ang pakikibaka ng mga Indones noong 1825.Sa taong ito ay
pinamunuan ni Diponegoro ng Java ang isang malawakang pag-aalsa. Noong
1930 nalupig ng mas malakas na puwersa ng mga Dtuch ang puwersa ni
Diponegoro.

Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Indones para sa kalayaan noong ika-


20 siglo. Isinagawa nila ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga
makabayang samahan. Tunghayan ang talahanayan.

Mga Makabayang Samahan sa Indonesia


Taon ng Kilalang Layunin
Samahan
Pagkakatatag Pinuno
Budi Utomo 1908 Mas Wahidin Isang samahang pangkultural.
Sudirohusodo Layunin nito na maipakilala sa
daigdig ang mayamang kultura ng
Java at naghangad na mabigyan
ng karapatan sa edukasyong
Kanluranin ang mga Indones.
Sarekat Islam 1911 Omar Said Itinatag upang isulong ang
Tjokroaminoto kabuhayan ng mga Indones.
Binigyang-diin din ang politikal na
kalagayan ng Indonesia.
Indonesian 1920 Naghangad ng kalayaan mula sa
Communist ___________ mga Dutch. Namuno sila sa pag-
Party aalsa noong 1926 at 1927.
Parehong nabigo ang kanilang
pagtatangka na makamit ang
kalayaan ng kanilang bansa.
Indonesian 1919 Sukarno Paglaban sa mga mapaniil na
Nationalist patakaran ng mga Dutch.
Party Naniniwala sila na matitigil ang
mga patakaran na nagpapahirap
sa kanilang mga kababayan kung
makakamit ang kalayaan mula sa
mga Dtuch.
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
327
Ang mga nabanggit na samahan ang nanguna sa pagpapamalas ng
nasyonalismong Indonesian. Kinailangan nilang makipaglaban sa
pamamagitan ng paghihimagsik upang makamit ang kalayaan. Maraming
Indones ang namatay dahil na rin sa malakas na puwersa ng mga Dutch.
Ganap na nakamit ng mga Indonesian ang kalayaan dahil sa isang
matagumpay na rebolusyon na kanilang inilunsad matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Nagpalabas si Sukarno ng dekreto noong Agosto 17,
1945 na nagdedeklara ng kasarinlan ng Indonesia.

Gabay na Tanong:

1. Ano ang mga dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Indonesia?

2. Paano ipinamalas ng mga Indones ang damdaming nasyonalismo?

3. Makatarungan ba ang pagkamit ng rebolusyon upang makamit ang


kalayaan? Pangatuwiranan.

NASYONALISMO SA BURMA

Tulad ng China, nagsimulang mawala ang kalayaan ng Burma bunga ng


pagkatalo nito sa digmaan sa mga British. Nilagdaan ang Kasunduang
Yandabo na naging dahilan ng tuluyang pagkontrol ng Great Britain sa teritoryo
ng Burma. Isa sa mga hindi matanggap ng mga Burmese ay nang gawing
lalawigan lamang ng Indian ang Burma. Hinangad ng maraming Burmese na
maihiwalay ang kanilang bansa mula sa India. Magaganap lamang ito kung
sila ay lalaya mula sa pananakop ng mga British. Ang paghahangad na lumaya
ang nagtulak sa mga Burmese na ipahayag ang kanilang damdamaing
nasyonalismo.

Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa Burma ay


nagsimula noong 1900s sa pamumuno ng mga edukadong Burmese na
nakapag-aral sa loob at labas ng bansa. Bagama’t binigyan ng pagkakataon
ng mga British na maging bahagi ng lehislatura ang mga Burmese, hindi ito
naging sapat upang maisulong ang kapakanan ng Burma. Nagpatuloy ang
pakikibaka ng mga Burmese sa pamamagitan ng rebelyon at pagtatatag ng
mga makabayang samahan.

Si Saya San ay isang monghe at physician na naghangad ng mas


maayos na pamumuhay para sa kaniyang mga kababayan. Pinamunuan ni
Saya San ang serye ng rebelyon laban sa mga British mula noong 1930
hanggang 1932. Nagapi ng malakas na puwersa ng mga British ang
Rebelyong Saya San.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


328
Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon laban sa mga British
mula noong 1930 hanggang 1932. Nagapi ng malakas na puwersa ng mga
British ang Rebelyong Saya San.
Tulad ng Rebelyong Saya San hangad din ng All-Burma Students’ Union
na makamit ang kalayaan ng Burma. Tinatawag naThankin ang mga miyembro
ng samahang ito na ang ibig sabihin ay master. Isinulong nila ang kanilang mga
hangarin sa pamamagitan ng demonstrasyon at rally.
Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nasakop ng
Hapon ang Burma. Ang kaganapang ito ay sinamantala ng mga Burmese at
idineklara nila ang kanilang kalayaan mula sa Great Britain. Subalit sa kabila
ng paglaya mula sa mga British ay nananatili pa dn ang kaototohanan na sila
ay sakop ng isang dayuhang bansa.
Muling nakipaglaban para sa kalayaan ang mga Burmese ngunit sa
pagkakataon ito ay upang mapalayas ang mga Hapones. Itinatag ni Aung San
ang Anti-Facist People’s Freedom League. Nakipagtulungan ang samahan na
ito sa hukbo ng Allied Powers. Nagtagumpay ang samahan na mapatalsik ang
mga Hapones. Dahil sa kaniyang pamumuno, itinalaga si Aung San bilang
punong ministro ng Burma noong 1947. Hindi nasilayan ni Aung San ang bunga
ng kaniyang pakikipaglaban para sa kalayaan dahil siya ay binawian ng buhay
noong Hulyo 19, 1947, bago ideklara ang kasarinlan ng Burma. Ang kaniyang
kasamahan na si U Nu ang pumalit sa kaniya bilang punong ministro. Noong
1951 nahalal si U Nu bilang pangulo ng bansa at naulit ito noong 1956.

Gabay na tanong:

1. Ano ang mga dahilan ng


pag-usbong ng nasyonalismo
sa Burma?
Pagkamit ng Kalayaan
2. Paano ipinamalas ng mga
Burmese ang damdaming Pakikipaglaban sa mga
nasyonalismo? Hapones

3. Bakit ninais ng mga Anti-Facist People’s Freedom


Burmese na humiwalay sa League
All-Burma Students’ Union
bansang India?
Rebelyong Saya-San

Mga pagkilos tungo sa pagkamit ng


kalayaan ng Burma

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


329
NASYONALISMO SA INDOCHINA
Bunga ng pagkakaiba ng kanilang lahi at kultura, hindi nakamit ng mga
taga Indochina ang pagkakaisa upang labanan ang mga mananakop na
Kanluranin. Ang mga Vietnamese ay nagpakita ng damdaming nasyonalismo
sa pamamagitan ng pakikidigma sa mga Kanluranin. Nagkaroon ng malaking
epekto sa kalayaan ng Indochina ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa
pagkakasangkot ng France na siyang nakasakop sa bansa. Suriin ang mga
epekto sa kalagayan ng kalayaan ng Indochina habang at pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagdeklara ng Kalayaan

Emperador Bao
Dai ng Vietnam
Hinimok
Nasakop ng
ng Japan
Japan ang
ang mga Haring Norodom
Habang Indochina
namumun Sihanouk ng
nagaganap dahil sa
o sa Cambodia
pagkatalo ng
ang France laban
Indochina
Ikalawang na
sa Germany
Digmaang ideklara
ang Haring Sisavang
Pandagigdig kalayaan Vong ng
Louangphrabang
Nakipaglaban
si Ho Chi
Minh sa Nahati ang Vietnam sa 17th parallel.
Hilagang Nabuo ang Hilgang Vietnam na
Vietnam laban pinamumunuan ni Ho Chi Minh at ang
sa mga Tsino Timog Vietnam sa pamumuno ni Bao
at British Dai. Naging magkatunggali ang
Pagkatapos
ng Ikalawang dalawang Vietnam dahil sa
Digmaang Ipinahayag pagkakaiba ng ideolohiya. Ang
Pandagigdig ng Laos ang Hilagang Vietnam ay sumusuporta sa
isang komunismo samantalang ang Timog
malayang Vietnam ay naniniwala sa
bansa demokrasya. Nauwi ang hidwaan sa
digmaan na kilala bilang Vietnam War
na nagsimula noong 1945.
Sinuportahan ng United States ang
Gabay na tanong: Timog Vietnam subalit naging
1. Ano ang pangunahing salik sa pag- madugo at magastos ito para sa kaniya.
unlad ng nasyonalismo sa Indochina? Nagwagi ang Hilagang Vietnam at naging
2. Paano ipinamalas ng Vietnamese isang bansa na lamang ito noong 1975.
ang damdaming nasyonalismo?
3. Paano nakaapekto ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig sa kalagayan ng
kalayaan ng Indochina?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


330
NASYONALISMO SA PILIPINAS

Nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon.


Nagpatupad ang mga Espanyol ng mga patakarang pangkabuhayan,
pampolitika at pangkultura na nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpapataw ng buwis,
pagkamkam sa mga ari-arian at mga produktong Pilipino. Nabago din ang
kultura ng mga Pilipino dahil sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo.
Naging laganap din ang racial discrimination sa pagitan ng mga Espanyol at
mga Pilipino na tinatawag na Indio ng mga mananakop. Higit sa lahat, nawala
ang karapatan at kalayaan ang mga Pilipino na pamunuan ang kanilang sariling
bansa. Naging sunud-sunuran sila sa ilalim ng mapagmalupit na mga
Espanyol.
Bagama’t may mga pag-aalsa na naganap sa Pilipinas sa pagitang ng
ika-16 hanggang sa unang bahagi ng ika-19 na siglo, lahat ng ito ay nabigo.
Ilan sa mga dahilan ay ang mas malakas na armas ng mga Espanyol, kawalang
ng damdaming pambansa na mag-uugnay at magiisa laban sa mga mananakop
at ang pagtataksil ng ilang Pilipino.
Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, nagkaroon ng malaking pagbabago sa
ekonomiya at lipunang Pilipino. Nabuksan ang Pilipinas sa pandaigdigang
kalakalan. Pumasok sa Pilipinas ang mga produkto mula sa mga Kanluranin.
Naging tanyag at mabili sa Kanluran ang mga produkto ng mga Pilpino tulad ng
asukal, kopra, tabako at iba pa. Ito ang nagbigay-daan sa pag-unlad ng
kalakalan sa bansa. Umusbong ang gitnang uri o middle class.Sila ay
mayayamang Pilipino, mestisong Tsino at Espanyol. Ang mga anak ng gitnang
uri ay nakapag-aral sa mga kilalang unibersidad sa Pilipinas at maging sa
Espanya. Ang grupo ng ito ay tinatawag na ilustrado mula sa salitang Latin na
ilustre na ang ibig sabihin ay “naliwanagan”.
Ang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng mga
ilustrado na nagtatag ng Kilusang Propaganda at ipinagpatuloy ng mga
Katipunero na nagpasimula ng Katipunan. Paano nga ba ipinahayag ng mga
Propagandista at Katipunero ang damdaming nasyonalismo? Tunghayan ang
dayagram sa susunod na pahina.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


331
NASYONALISMONG
PILIPINO

Dalawang
Anyo o
Pamamaraan

Propaganda Himagsikan

Kilusang Propaganda Samahan Katipunan

Reporma o Pagbabago Ganap na Kalayaan


Pangunahing Layunin

Kinatawan sa Spanish Cortes Iba pang hangarin Pagbabagong moral


Asimilasyon ng Pilipinas at Pagtutulangang pansibiko
Espanya

Jose Rizal, Graciano Lopez- Mga nagtatag/kasapi Andres Bonifacio, Emilio


Jaena, Marcelo H. Del Pilar, Jacinto, Teodoro Plata,
Gregorio Sancianco Ladislao Diwa, Valentin Diaz

Sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga Ipinamalas ng mga Katipunero ang kanilang


Deskripsiyon

akda tulad nobela, tula, sanaysay at artikulo pagmamahal sa bayan sa pamamgitan ng


sa pahayagan ay ipinahayag ng mga pagsasagawa ng himagsikan o rebolusyon.
Propagandista ang kanilang mga hangarin Nakita ng mga Katipunero na hindi
para sa Pilipinas. Isiniwalat din ng mga ipagkakaloob ng mga Espanyol ang mga
Propagandista ang mga suliraning hinihiling na reporma ng Kilusang
kinakaharap ng mga Pilipino sa ilalim ng Propaganda. Bunga nito, itinatag ang lihim
mga Espanyol: ito ay ang katiwalian sa na samahan na KKK o Kataas-taasan
pamahalaan, pang-aabuso ng mga prayle at Kagalang-galangang Katipunan ng mga
kawalan ng damdaming pambansa ng mga Anak ng Bayan. Batid ng mga Katipunero
Pilipino. Ang La Solidaridad ang opisyal na na matitigil lamang ang nararanasang
pahayagan ng Kilusang Propaganda. pagmamalupit at pang-aabuso sa kamay ng
Nabigo ang kilusan na makamit ang mga Espanyol kung makakamit nila ang
hinihiling na reporma o pagbabago dahil sa kalayaan. Bagama’t hindi handa, isinulong
pagsasawalang-bahala ng pamahalaang ng mga Katipunero ang isang armadong
Espanyol, hindi pagkakaunawaan ng mga pakikipaglaban. Nabigo ang mga
kasapi at kakulangan sa pondo. Katipunero dahil sa lakas ng kagamitang
Bagamat nabigo, mahalaga ang pandigma ng mga Espanyol at sa
Kilusang Propaganda dahil naimulat nito kakulangan ng mga Pilipino ng kaalaman sa
ang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang larangan ng pakikidigma. Bagama’t natalo,
karapatan at ang kanilang bayan . ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang
kahandaan na magbuwis ng buhay para
makamit ang minimithing kalayaan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


332
Gawain 4.BUUIN NATIN – Timog Silangang Asya
Sagutan ang graphic organizer tungkol sa pag-unlad ng nasyonalismo

sa Timog Silangang Asya.


Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga salik sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangang Asya?
2. Paano ipinamalas ng mga Tsino at Hapones ang damdaming Nasyonalismo?
3. Bakit hindi makatulad ang anyo ng Nasyonalismo ng China at Japan?

Gawain 5. PAGSULAT NG SANAYSAY

Balikan mo ang iyong mga natutuhan tungkol sa Nasyonalismo sa Timog


Asya at Kanlurang Asya na tinalakay sa nakaraang yunit. Suriin ang
kaugnayan nito sa pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang
Asya. Sumulat ng sanaysay tungkol sa pag-unlad ng damdaming
Nasyonalismo ng mga Asyano.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


333
Gamiting gabay ang sumusunod na tanong sa pagbuo ng
sanaysay.

1. Ano ang kaugnayan ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa pag-


usbong ng damdaming Nasyonalismo Asya?
2. Paano nagkakaiba ang pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo ng mga
Asyano?
3. Bakit mahalaga ang pakikibaka para sa ikabubuti ng kapwa at ng bansa?

Gawain 6.Daloy ng Kasaysayan

Batay sa iyong mga natutuhan sa mga rehiyon ng Asya na tinalakay sa


Aralin 2 ng Yunit III at Aralin 2 ng Yunit IV, bumuo ng flowchart na magpapakita
ng kaugnayan ng imperyalismo at kolonyalismo sa pag-unlad ng damdaming
nasyonalismo ng mga Asyano. Sumulat ng paliwanag tungkol sa iyong
nabuong flowchart.

Gawing gabay ang sumusunod na pattern:

Ipakita sa unang Ipakita sa Ipakita sa Ipakita sa


bahagi ang ikalawang bahagi ikatlong bahagi ikaapat
epekto ng ang kaugnayan ng ang iba’t ibang bahagi ang
Kolonyalismo at mga epekto na ito paraan ng iyong
Imperyalismong sa pag-unlad ng pagpapamalas kongklusyon
Kanluranin sa nasyonalismong ng tungkol sa
pamumuhay ng Asyano nasyonalsimo nasyonalism
mga Asyano ng mga ong Asyano.
Asyano

Paliwanag sa flowchart:

Gawain 7. Ang aking pag-unawa . . .

Panuto:

Pagktapos mong maunawaan ang mga dahilan at pangyayari na


nagbigay daan sa pag-unlad ng Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang
Asya ay handa ka na upang sagutan ang gawaing ito.

Sa bahaging ito ay sagutan mo ang mga kolum na Ang aking mga


natuklasan at pagwawastong ginawa, Ang aking mga patunay at Ang aking
paglalahat

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


334
GENERALIZATION TABLE

Ang aking Ang aking mga Ang Aking Ang Aking


MGA TANONG Naunang Natuklasan at mga Paglalahat
Pagkakaunawa Pagwawastong Patunay
Ginawa
1. Ano-ano ang
pangyayari na
nagbigay daan sa
pag-unlad ng
Nasyonalismo sa
Silangan at Timog
Silangang Asya?
2. Paano ipinamalas
ng mga mamamayan
sa Silangan at Timog
Silangang Asya ang
Nasyonalismo?
3. Bakit magkakaiba
ang paraan ng
pagpapakita ng
damdaming
Nasyonalismo ng
mga Asyano?
4. Paano
nagkakaugnay ang
Kolonyalismo at
Imperyalismong
Kanluranin at
Nasyonalismong
Asyano?

BINABATI KITA!

Ngayon ay natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa Aralin 2.

Ngayong ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa ukol sa mga


pangyayari na nagbigay daan sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan
at Timog Silangang Asya. Maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi
ng modyul na ito upang mapalalim at mapalawak pa ang iyong pag-unawa
ukol sa paksang ito.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


335
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Sa bahaging ito pagtitibayin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol
sa paksang pinag-aralan. Inaasahan din na sa pagkakataong ito ay kritikal
na masusuri mo ang mga dahilan sa pag-unlad ng Nasyonalismo sa mga
bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.

Gawain 8: Ang Aking Panata!

Bagamat malaya na ang mga bansang Asyano sa kasalukuyan,


mahalaga pa rin na ipahayag nila ang damdaming nasyonalismo.
Makatutulong ito sa pag-unlad ng bansa at maayos na ugnayan ng mga
mamamayan.
Bilang isang mag-aaral, sumulat ng panata kung paano maipamamalas
ang Nasyonalismo upang maisulong ang kaunlaran at maprotektahan ang
kalayaan ng Pilipinas.

Ang aking Panata

Ako si _______________________________ ay
___________________________________________________________
_________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
____________________________________________________

Lagda

Gawain 9. PAGSULAT NG REPLEKSIYON

Sumulat ng repleksiyon tungkol sa kahalagahan ng pagpapahayag ng


damdaming nasyonalismo sa kasalukuyang panahon

BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng
Pagnilayan at Unawain para sa Aralin

Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol


sa mga pangyayari na nagbigay-daan sa pag-unlad ng
nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya. Tiyak na
handa ka na para sa susunod na gawain.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


336
ILIPAT/ISABUHAY

Sa bahaging ito ay pagtitibayin mo ang iyong pag-unawa ukol sa


aralin. Magsasagawa ka ng mas malalim na pag-aaral tungkol sa suliranin
na kinahaharap ng mga bansang Asyano sa kasalukuyan at kaugnayan nito
sa pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa kasalukuyan. Sa
bahaging ito, isasagawa mo ang gawain hindi lamang bilang isang mag-aaral
kundi bilang isang aktibong bahagi ng lipunan o ng bansa na iyong
kinabibilangan.

Gawain 10. Suriin natin!


Suriin ang resolusyon tungkol sa pag-unlad ng Nasyonalismo sa isa sa
mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya gamit ang Thesis-Proof
Worksheet.
Basahin at unawain ang isang resolusyon tungkol sa pagpapahayag ng
damdaming Nasyonalismo ng mga taga Cambodia.

H.J.RES.602
Latest Title: A joint resolution in support of the restoration of a free and
independent Cambodia and the protection of the Cambodian people from a
return to power by the genocidal Khmer Rouge.
Sponsor: Rep Atkins, Chester G. [MA-5] (introduced 6/30/1988) Cosponsors
(60)
Related Bills:S.J.RES.347
Latest Major Action: 10/18/1988 Became Public Law No: 100-502.

SUMMARY AS OF:
8/8/1988--Passed House amended. (There is 1 other summary
(Measure passed House, amended)

Declares that all parties seeking a settlement of the conflict in Cambodia,


including the United States, should have among their highest priorities the restoration
of an independent Cambodia and the protection of the Cambodian people from a return
to power by the Khmer Rouge. Calls on Vietnam to withdraw its forces from Cambodia
and deny haven to the Khmer Rouge. Declares that the United States and the
international community should use all means available to prevent a return to power of
Pol Pot.

States that the United States should seek the support of the Association of
Southeast Asian Nations (ASEAN) and other nations for the inclusion, in United
Nations resolutions relating to Cambodia of the principle that those responsible for acts
of genocide and human rights violations shall not return to power in Cambodia

upon the withdrawal of foreign occupation forces.


Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
337
Declares that the United States, in consultation with ASEAN, should consider
whether a Cambodian settlement could be facilitated by an international conference on
Cambodia and international peacekeeping forces.Declares that the United States should
seek to ensure that: (1) the Khmer Rouge controlled refugee camps are opened to
inspection by international organizations; and (2) those within such camps have the
freedom to move to non-Khmer Rouge camps if they desire to do so.States that the United
States should attempt to halt the flow of arms to the Khmer Rouge by urging nations that
support the Khmer Rouge to cease doing so.

Source:
http://thomas.loc.gov/cgibin/bdquery/z?d096:HR02200:@@@D&summ2=m&
Retrived on December 20, 2012.

Pamprosesong Tanong:
1. Sino ang sumulat ng resolusyon? Saang bansa siya nagmula?
2. Ano ang bansa sa Asya na tinutukoy sa sipi?
3. Punan ng tamang sagot ang Thesis-Proof Worksheet

THESIS-PROOF WORKSHEET

Thesis:Tukuyin ang pangunahing paksa at layunin ng sipi


Ebidensiyang Nagpapatunay Ebidensiyang Sumasalungat
Hanapin mula sa sipi ang bahagi na Hanapin mula sa sipi ang bahagi na
naglalahad ng Nayonalismo sa naglalahad ng mga balakid sa
Cambodia pagtamo o pagpapahayag ng
Nasyonalismo sa Cambodia

Konklusyon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


338
Transisyon sa susunod na modyul

Binigyang-diin sa modyul na ito ang kaugnayan ng kolonyalismo at


imperyalismong Kanluranin sa pag-unlad ng damdaming Nasyonalismo sa
Silangan at Timog Silangang Asya. Ang karanasan ng mga Asyano sa ilalim
ng pamumuno ng mga imperyalistang bansa ay nakaimpluwensiya sa mga
Asyano upang ipahayag ang pagmamahal sa kanilang bayan. Bagama’t
magkakaiba ang paraan ng pagpapamalas ng damdaming Nasyonalismo,
makikita na ang Nasyonalismo ang naging reaksiyon ng mga Asyano laban sa
Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin.
Mahalaga ang bahaging ginampanan ng damdaming Nasyonalismo sa
pagkamit ng kalayaan ng mga bansang napasailalim sa mga mananakop. Pag-
aaralan mo sa susunod na modyul ang kaugnayan ng damdaming
Nasyonalismo sa pagkamit ng hinahangad na kalayaan.

GLOSARYO

1. Nasyonalismo – kadalasan, tumutukoy ito sa masidhing pagmamahal sa


bayan. Subalit, maliban dito, ang nasyonalismo ay nangangahulugan din ng
pagkakatanto ng isang nilalang o lahi na mahalagang ipagtanggol ang kanyang
bansa laban sa panlulupig ng mga banyaga.

2. Middle class – tumutukoy sa panggitnang uri ng tao sa lipunan. Sila ay nasa


pagitan ng mga pinakamayayaman at mahihirap na grupo ng tao. Kadalasang
batayan ng pagiging middle class ay ang pagkakaroon ng kayamanan at
kapangyarihan sa lipunan na kinabibilangan.

3. Kilusang Propaganda – samahang itinatag ng mga ilustrado sa Pilipinas


noong ika-19 na siglo. Layunin nito na maisulong ang reporma sa bansa sa
ilalim ng pamahalaang kolonyal ng España.

4. Katipunan – isang rebolusyonaryong samahan. Tinatawag din itong KKK o


Kataas-taasan Kagalang-galangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
Isinusulong nito ang ganap na kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Españo

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


339
References:

A. Books

Antonio, Eleanor D. Pana-Panahon II. Worktext para sa Araling Panlipunan


Ikalawang Taon. Kasaysayan ng Asya. 1999. Rex Bookstore. 856 Nicanor
Reyes Sr. St. Manila Philippines. pp. 280-330.

Ball, Macmahon W. Nationalism and Communism in East Asia.Melbourne


University Press. 1956. pp. 1-211.

Beck, Roger B. et. al. A Modern History of the World.Word History.Patterns of


Interaction. McDougal Littell Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204.
1999. pp. 332-340, 482-486, 512-516

Beck, Roger B. et.al.Word History.Patterns of Interaction. McDougal Littell Inc.


P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204. 1999. pp. 712-720, 892-896.

Camagay, Ma. Luisa T. et. al. Kabihasnang Asyano Kasaysayan at Kultura.


Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City.
2010. pp. 302-316.

Clyde & Beers. The Far East A History of the Western Impact and the Eastern
Response (1830-1970). Prencite-Hall, Inc. Englewood cliffs, New Jersey,
U.S.A. 1971. pp. 209-222, 491-512.

Farah, Mounir A. & Karls, Andrea Berens. World History: The Human
Experience. Glencoe/McGraw-Hill, 936 Eastwind Drive, Westerviell, Ohio
43081. 1999. pp. 804-807, 909-915.

Mercado, Michael M. Sulyap sa Kasaysayan ng Asya. St. Bernadette


Publishing House Corporation. 173 Rodriquez S. Ave., Kristong Hari, 1112
uezon City. 2009. pp.322-343.

Perry, Marvin. A History of the World. Houghton Mifflin Company Boston,


Massachusetts, USA. 1989. pp. 757-762.

Rhoads, Murphey. A History of Asia 6th Edition.Longman, 2008.


Whitfield, Susan. Life along the Silk Road.University of California Press, 2001.

B. Websites

A joint resolution in support of the restoration of a free and independent


Cambodia and the protection of the Cambodian people from a return to power
by the genocidal Khmer Rouge.
http://thomas.loc.gov/cgibin/bdquery/z?d096:HR02200:@@@D&summ2=m&
Retrived on December 17, 2012.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


340
Flag of Burma.https://www.cia.gov/library/publications/the-world-
factbook/docs/flagsoftheworld.html. Retrieved on December 18, 2012.

Map of Asia.www.worldpress.com. Retrieved on October 20, 2012

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


341
Modyul Bilang 12

ARALIN BLG. 3: HAKBANG TUNGO SA PAGLAYA NG


SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

Alamin

Sa bahaging ito, lilinangin ang dating kaalaman, konsepto


,karanasan, antas ng pag-unawa at kasanayan ng mag-aaral tungkol sa
naging hakbang ng Silangan at Timog Silangang Asya tungo sa paglaya.
Pasasagutan ang mga gawain upang mataya ang stock/background
knowledge at magsilbing gabay sa susunod na gawain ng bawat mag-
aaral. Inaasahan din na magsasagawa ng oryentasyon sa mga inaasahan,
mga kraytirya kung paano sila tatayain at pagpapaunlad ng aralin sa pag-
aaral ng aralin3. Hakbang tungo sa Paglaya ng Silangan at Timog
Silangang Asya. Magiging gabay na tanong sa pagtalakay ng aralin kung
paano ang paglayang ito ay humubog sa transpormasyong naganap
noong ika-16 na siglo hanggang sa kasalukuyan? Commented [SI4]:

Aalamin ang mga konseptong kakailanganin upang mas


maunawaan ang paksang tatalakayin ukol sa hakbang at pamamaraang
ginamit ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya upang lumaya
sasagutan ang mga sumusunod na gawain…

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


342
GAWAIN 1: HALU-AYOS-LAYA!

Isaayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na


tumutugon sa inilalarawan ng pangungusap
.
ALAY Pangunahing layunin upang wakasan ang
ANKA panghihimasok ng mga mananakop sa kanilang
pamumuhay at kabuhayan

Ideya ng pambansang kamalayan na kung saan lahat


ISAYON ng pansariling kapakanan ay napangingibabawan ng
SAMONL pambansang kapakanan na kakikitaan ng matinding
pagmamahal at pagpapahalaga sa kaniyang bansa

Ideolohiyang naghahangad na bumuo ng isang


lipunang walang antas o uri (classless society) kung
saan ang mga salik ng produksyonay pag-aari ng
I SKOM lipunan. Sa sistemang ito, tinatayang darating ang
ONMU panahon na hindi na kailangan ang estado kaya kusa
itong mawawala. Ang estado ang may-ari ng
produksiyon ng lahat ng negosyo ng bansa. Upang
masiguro ang maayos na pagpapatupad, kailangang
pairalin ang diktadurya.
Tumutukoy ang ideolohiyang ito sa kapangyarihan ng
pamahalaan na nasa kamay ng mga tao at ang
pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin
ASYAKR ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng
EDOM pamumuhay. Bukod pa rito ay karaniwang pumipili ang
mga tao, sa pamamagitan ng halalan, ng mga
kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o
pamahalaan sa ngalan nila

Malawakan at organisadong paglaban upang


NIMAGH mapabagsak ang namumuno sa isang bansa na
ASIK nagdudulot ng malawakang pagbabago

Itoay isang sistema o lipon ng mga ideya o kaisipan


LOHII nanaglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdigat
pagbabago nito. Ang mga halimbawa nito ay
DEOYA
demokrasya, kapitalismo, monarkiya, totalitaryanismo,
autoritaryanismo, sosyalismo at komunismo

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


343
MANGDIG Malawakang digmaan na kinasangkutan ng maraming
ADAIGPA bansa sa buong mundo na nagdulot ng malawakang
NIGD pagbabago

ALISMIM Pagpapalawak ng kapangyarihan at teritoryo sa


PEORY pamamagitan ng pananakop ng hindi lang isa kundi
maraming teritoryo o bansa

PAMPROSESONG MGATANONG

1. Sagutin mo ang sumusunod na mga tanong: Kung aayusin mo ang


konsepto batay sa naganap na pangyayari sa kasaysayan ng
Silangan at Timog Silangang Asya paano mo ito pagsusunod-
sunurin ? Ipaliwanang ang ginawang pagkakasunod-sunod.
2.

Paliwanag:________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


344
3. Bakit mahalagang maunawaan ang mga konsepto na nabanggit sa
pag-aaral sa mga pagbabagong naganap noong ika -16 na siglo
hanggang sa ika-20 siglo sa Silangan at Timog Silangang
Asya__________________________________________________
______________________________________________________

Ngayong alam mo na ang mga konseptong kakakilanganinsa araling ito .


Subukan mong sagutan ang susunod na gawain…..

GAWAIN BLG. 2: SAAN KA PA!!! (Anticipation-Reaction Guide)

Commented [SI5]: Agree disagree icon .Not sure with the


copyright but I let ebok draw it in another concept
Tingnan kung gaano na ang iyong kaalaman sa paksang
ating tatalakayin sagutan ang unang kolum sa
pamamagitan ng pagsulat ng salitang sumasang-ayon
o SA kung ikaw ay sumasang-ayon at hindi sumasang-
ayono HSA kung ikaw ay di-sumasang-ayon.

Bago ang Pagkatapos


Isasagawang Pag-aralan
Pag-aaral sa Konsepto at Pananaw ang buong
Aralin o Aralin o
Paksa Paksa
Ang lahat ng mga bansa sa Silangan at
Timog Silangan Asya ay naghangad ng
kalayaan sa pananakop ng mga bansang
Kanluranin dahil sa kaisipang liberal at
ideya ng demokrasya
Ang prinsipyong nagbigay-diin sa
pagbubuo ng isang pamahalaang
konstltusyonal na pinagsama ang
Kanluranin at tradisyunal na Tsino upang
palitan ang absolute monarchy ay
demokrasya
Ang pagpapalakas ng Hapon ng kanyang
hukbong - militar ay naging daan sa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


345
pagbubuo ng depensibong nasyonalismo
sa kanyang bansa.
Iba't iba ang pamamaraang ginamit ng
mga naging pinunong Iider sa mga kilusang
naghangad ng paglaya sa mga Europeong
mananakop sa rehiyon ng Timog Silangang
Asya
Upang mapagtagumpayan ang
paghahangad sa pagsasarili naghain ang
mga Asyano ng mga reporma, nagbuo ng
mga makabayang
organisasyon, at nang lumaon ay
gumamit din ng mga madugong
pakikihamok laban sa mga mananakop
Sa Pilipinas, naglatag ng kaisipang
paglaya ang kilusang Propaganda at ang
Katipunan ang naging kasangkapan sa
pagsasakatuparan ng paglaya sa mga
dayuhang mananakop.
Ang Tsina, Vietnam at Hilagang Korea at
Hapon ay kumapit sa kaisipan ng
sosyalismo at komunismo bilang landas
hindi lamang sa pagpapalaya ng bansa
kundi sa pagbubuo rin ng bagong
sistemang panlipunan na magwawakas sa
pagsasamantala ng mga mananakop.
Si Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh, ang
nasyonalistikong pinuno ng partido, ang
naging pangunahing kasangkapan sa
paglaya ng kanilang bansa laban sa mga
Pranses sa pamamagitan ng pagtanggap
sa pamamaraang demokratiko
Ang naglalabang ideolohiyang demokratiko
at komunismo ang naging sanhi ng
pagkakahati ng Korea at Vietnam
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang mga
pagbabago sa mga ideolohiyang
gumagabay sa pamamahala at
pamumuhay ng mga bansa sa daigdig.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


346
ATING LINANGIN…
Sa bahaging ito ay inaasahan na matutunan mo ang bahaging ginampanan
ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya tungo sa paglaya ng
mga bansa mula sa imperyalismo, epekto ng mga digmaang pandaidig sa
pag-aangat ng mga malawakang kilusang nasyonalista tungo sa paglaya
at ang impluwensiya ng iba’t ibang ideyolohiya (ideolohiya ng malayang
demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa mga malawakang kilusang
nasyonalista sa Silangan at Timog Silangang Asya tungo sa paglaya. Maari
ring balikan ang mga kasagutan at katanungan na iyong nabuo sa unang
bahagi ng modyul na ito upang malaman kung tama ang mga kasagutan

GAWAIN BLG 3: SURI-TEKSTO

Sa gawaing ito ay susuriin ang bawat teksto ukol sa naging


hakbang ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya
upang makamit ang kalayaang inaaasam.gamit ang mga
pamproseong tanong

HAKBANG SA PAGLAYA NG SILANGAN AT TIMOG


SILANGANG ASYA

Pangkalahatang Ideya

Ang pananakop at paniniil sa mga bansa sa Silangang Asya at Timog-


Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng diwang makabansa bilang
tugon sa pang-aabuso at pagyurak sa karapatan ng mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya na ang tanging mithiin ay magkaroon ng kalayaan.

Ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakaapekto upang


makamit ang kalayaan dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, nagbago ang
balance of power, nakilala ang Japan dahil pinalakas nito ang kaniyang
hukbong militar. Isinulong na rin nito pagkatapos ng digmaan angracial equality
o pantay na pagtingin sa lahi na di pinansin ng mga Kanluranin.Dahil naman sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumakas ang Nasyonalismo sa Timog
Silangang Asya.Napabilis ang paglaya kaya maraming mga bansa sa Timog
Silangang Asya ang lumaya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

May iba’t ibang ideolohiya at paniniwala rin ang niyakap ng mga bansa
sa Silangan at Timog Silangang Asya, may naniwala na ang kasagutan sa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


347
minimithing kalayaan ay ang ideolohiyang komunismo, ang iba ay naniwala sa
ideolohiya ng demokrasya, totalitaryanismo at autokrasya. Ang mga
ideolohiyang ito ay nagdulot ng transpormasyon sa mga bansang Silangan at
Timog Silangang Asya.

Ang tatlong malalaking konsepto/ideya na aking makukuha mula sa


teksto ay…
1.
2.
3.
Ang aking mahihinuha ay…

Ang pananakop at paniniil ng mga bansa sa Silangan Asya at Timog


Silangang Asya ay
______________________________________________
________________________________________________________
_____ PAGLAYA NG MGA BANSA SA SILANGANG ASYA

Paglaya ng China

Dahil sa kasikatan ng produktong China sa Europa hinangad ng mga


Europeo na makipagkalakalan sa China na kalaunan ay naging dahilan ng
paghahangad na makontrol ang lupain nito.Ang pagkakatalo ng Tsina sa
Digmaang Opyo ay naging daan ng di- makatuwirang kasunduan at pagkakaroon
ng Sphere of Influence ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng China. Tatlong uri
ng Nasyonalismo ang umusbong nasyonalismong tradisyunal na ang layunin ay
paalisin ang mga Kanluranin at ang impluwensiya nito na pinangunahan ng
samahang Boxers, ang pangalawa ay ang Nasyonalismong may impluwensiya ng
kanluran na ang layunin ay maging republika ang China yakap ang ideolohiyang
demokratiko na pinangunahan ni Dr Sun Yat Sen at Chiang Kai Shek at ang
pangatlo ay ang Nasyonalismong may impluwensiya ng Komunismo na
pinangunahan ni Mao Zedong.
Sa paglakas ng nasyonalismong Tsino nabahala ang Japan na baka
maapektuhan ang interes nito sa China kung kaya’t sunod sunod ang ginawang
pakikidigma at pananakop. Una na ritong naganap ang Manchuria Incident
sinundan ng Rape ofNanking na nasundan pa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
.
Natalo ang Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit nagpatuloy ang
kaguluhan sa China sa pagitan ng puwersa ng komunista ni Mao Zedong at
nasyonalista ni Chiang Kai Shek. Natalo ang nasyonalista at napasailalim sa
komunistang pangkat ang Mainland China samantalang ang nasyonalista ay
tumakas at pumunta sa isla ng Formosa na ngayon ay tinawag na Taiwan noong
October 1,1949.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


348
MGA TANONG
1.Anong bansa ang nanakop?
2. Ano-anong pamamaraan ang ginamit upang lumaya?
3.Anong ideolohiya ang mga nabanggit?
4. Ang aking mahihinuha ay…
Paglaya at Pagkakahati ng Korea

Unti-unting nasakop ng Hapon ang Korea na ginawang base militar at pilit


na itinaguyod ang kanilang kabihasnan.Bunsod nito maraming
pagtatangkang ginawa ang Korea upang mapatalsik ang mga Hapones.
Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan
natalo ang mga Hapon. Subalit hindi nakaligtas ang Korea sa dalawang
ideolohiyang nag-uumpugan, ang komunismo na niyakap ng Hilagang
Korea at sinuportahan ng Unyong Sobyet at demokrasya na niyakap ng
Timog Korea na sinuportahan ng Amerika .
Noong 1948, pinasinayaan ang bagong republika na sinuportahan
ng Amerika na pinamunuan ni Syngman Rhee ngunit kaagad namang
ipinahayag ng North Korea ang Democratic People’s Republic of Korea na
MGA TANONG
sinuportahan ng Soviet Unionna pinamunuan ni Kim Il Sung. Mula noon,
1.Anong bansa
nahati ang angsa
Korea nanakop?
pamamagitan ng 38th parallel.
2. Ano-anong pamamaraan ang ginamit upang lumaya?
3.Anong ideolohiya ang mga nabanggit?
4. Ang aking mahihinuha ay…

Paglaya ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya

Paglaya ng Indonesia

Nakamit ng Indonesia ang kalayaan nito noong Agosto 17,1945 sa


pamumuno ni Achmed Sukarno sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa
mga Olandes.
Umigting ang pagnanasang lumaya ng Indonesia nang
pinagkalooban ng simbolikong kalayaan si Sukarno ng Hapon nang
masakop ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit nang matalo
ang Hapon dumating ang mga Olandes upang muling ibalik ang kanilang
pamamahala .Subalit ang Indonesia na nakaranas ng kalayaan ay
lumaban.Pinamunuan ni Sukarno ang Indonesia sa loob ng 23 taon.
Pinasimulan niya ang pamamahalang guided democracy(limited
democracy) base sa Pancasila- 5 patnubay na prinsipyo: paniniwala sa
Dios, nasyonalismo, pagkakawanggawa, katarungang panlipunan at
demokrasyang gagabayan ng karunungan. Tinanggap at ipinagbunyi ng

mga tao at ginawa siyang pangulong panghabambuhay noong 1963


subalit ang lubos niyang kapangyarihan ang naging dahilan ng pang
aabuso niya sa kapangyarihan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


349
MGA TANONG
1.Anong bansa ang nanakop?
2. Ano-anong pamamaraan ang ginamit upang lumaya?
3.Anong ideolohiya ang mga nabanggit?
4. Ang aking mahihinuha ay…

Paglaya ng Vietnam

Sa kasaysayan ng Vietnam ay may tatlong naganap na paglaya


ang una ay noong 938 mula sa China, ang pangalawa noong Setyembre
02,1945 mula sa France, at ang pangatlo ay noong Hulyo 02, 1976. Ang
pag-iisa ng Vietnam sa pamumuno ni Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minhmula
sa kilusang Viet Minhbilang isang Sosyalistang Republika na may
oryentasyong komunista .
Isang matagalang digmaan ang ginawa ng mga Vietnamese upang
makamtan ang kalayaan. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
nahati ang Vietnam sa dalawang bansa, ang Hilagang Vietnam na
nagsulong ng ideolohiyang Komunismo at Sosyalismo sa pamumuno ni Ho
Chi Minh at Timog Vietnam na yumakap sa ideolohiyang Demokratiko sa
pamumuno ni Ngo Dinh Diem. Nagkaroon ng Vietnam War na sinalihan ng
Estados Unidos sa haba ng digmaan naging magastos at madugo ito para
sa bansa. Para sa pandaigdigang opinyon ay iwan na ng mga Kanluranin
ang Vietnam at dito natalo ang Estados Unidos ,iniwan nila ang Timog
Vietnam at napasailalim sa kontrol ng grupong may ideolohiyang
komunismo/sosyalismo. Muling napag-isa ang dalawang Vietnam at naging
isang bansa.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


350
MGA TANONG
1.Anong bansa ang nanakop?
2. Ano-anong pamamaraan ang ginamit upang lumaya?
3.Anong ideolohiya ang mga nabanggit?
4. Ang aking mahihinuha ay…

Paglaya ng Burma (Myanmar)

Nakamit ng Burma ang kalayaan nito noong Enero 04, 1948 sa


pamumuno ni U Nu bilang punong Ministro ng Republika ng Burma na
kalaunan ay inilipat ang pamumuno kay Heneral Ne Win na isang diktador
militar .Bilang pinuno ng mga hukbong armado pinairal niya ang
ideolohiyang Myanmar way to Socialism na kung saan kinumpiska ng
pamahalaan , ang anumang negosyo at pangkalakalan,bangko at mga
pribadong ari-arian kung kayat nawalan ng hanapbuhay ang mga dayuhan.
Noong unang hindi pa nakakamit ng Burma ang kalayaan ang kumokontrol
dito ay ang India sa tulong ng Ingles at China .Bilang pagtugon sa
pananakop na ito nagtatag ng iba’t ibang kilusang naglalayon ng kalayaan.
Nang maramdaman ng mga Ingles ang pagpupunyagi sa kalayaan ng mga
Burmese nagkaroon ng pagbabago na nagresulta sa paghiwalay ng Burma
sa India noong 1935. Ilan pang pagbabago ang tinangka ng pamahalaang
Ingles ngunit hindi nangyari dahil sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig at ang bansang Hapon naman ang sumakop sa Burma. Upang
makuha ng mga Hapones ang loob ng mga Burmese maagang ipinahayag
nito ang pagtataguyod tungo sa kasarinlan. Ang pangkat ni Aung San na
Dohama Asiayona(Burma for Burmese) ay nakipagkasundo sa Hapon
tungkol sa pagtustos ng sandata at sa pamumuno sa militar at nagsanib
puwersa upang makuha ang Rangoon laban sa mga Ingles .Ipinahayag ng
Hapon ang kalayaan ng Burma sakop pa nila ito subalit kalaunan nadama
ng mga Burmese na ang tunay na layunin ng pagtulong ng Hapon ay hindi
upang lumaya kundi sakupin sila. Nakaranas sila ng kahirapan ang mga
Burmese sa pamamalakad ng mga Hapones kung kaya’t nagtatag sila ng
kilusang laban sa Hapon ,ang AFPFL (Anti Fascists People’s Freedom
League) sa pamumuno ni Aung San na binubuo ng mga makademokratiko
at komunistang pangkat. Nagapi nila ang mga Hapones at bumalik ang mga
Ingles subalit hindi na pumayag ang mga Burmese kaya’t sunod -sunod na
usaping pangkalayaan ang naganap . Bunga nito, pinagtibay ang
kasunduang Anglo-Burmese na nagpapahayag ng kalayaan sa Burma
noong Enero 04, 1948. Sa kasawiang palad pinatay si Aung San at ang
kaniyang gabinete ng upahang armado ng kaniyang talunang kalaban na si
U Saw. Ngunit nang maaresto si U Saw ay ipinagpagtuloy ni U Nu ang
naiwan ni Aung San

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


351
MGA TANONG
1.Anong bansa ang nanakop?
2. Ano-anong pamamaraan ang ginamit upang lumaya?
3.Anong ideolohiya ang mga nabanggit?
4. Ang aking mahihinuha ay…

Paglaya ng Pilipinas

Nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong Hunyo 12, 1898 sa


pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo .Nakipagsabwatan ang mga
Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Espanol sa Digmaang
Espanol-Amerikano kung saan natalo ang mga Espanol. Inakala ng
pamunuan ni Aguinaldo na aalis na ang mga Amerikano sa Pilipinas at
ipauubaya na ang pamumuno sa atin kaya idineklara ang ating kalayaan at
nagtatag ng isang demokratikong pamahalaan.Samantala, iba naman ang
ikinikilos ng mga Amerikano, nagpalabas ito ng patakarang Benevolent
Assimilation at lumagda sa Treaty of Paris na nagpapahayag ng paglilipat
ng pamamahala ng Pilipinas sa Amerikano mula sa mga Espanol.Naging
hayagan ang pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano
kung kaya’t sumiklab ang Digmaang Pilipino- Amerikano .Subalit may ibang
Pilipino na hindi nakiisa, walang pakialam at nakiisa sa mga Amerikano
.Dahil sa kawalan ng pagkakaisa, nakapagtatag ang Amerikano ng
pamahalaang kolonyal na nagsilbi sa interes ng mga Amerikanoat
pinalaganap ang edukasyong makabanyaga. Sa isang banda tinugis ang
mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan at ipinatapon ang ibang lider -
Pilipino sa ibang bansa. Ang ibang Pilipino naman na nakiisa sa mga
Amerikano ay isinulong ang paghingi ng kalayaan sa mga Amerikano. Dahil
ang kalayaan natin ay ating hinihingi matagal bago naibalik ang kalayaan at
sa bawat paghingi natin ay may katumbas na mas malaking kapalit na likas
na yaman at pagkontrol sa kalakalan. Pansamantalang natigil ang
pananakop ng mga Amerikano nang tayo’y masangkot sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig . Nilusob tayo ng Hapon dahil kaalyado natin ang
mga Amerikano at ang pinakamalaking base-militar ng Amerikano ay nasa
ating bansa.Sa kasagsagan ng digmaan ,iniwan tayo ng mga lider-
Amerikano at natira tayong lumalaban at nagtatanggol sa ating kalayaan.
Nasakop tayo ng Hapon sa loob ng 5 taon. Natalo ang Hapon sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig kung kaya’t binalikan tayo ng mga Amerikano at
ibinigay ang ating kalayaan noong Hulyo 04,1946. Ayon kay Renato
Constantino hindi ganap na nakamtan ng Pilipinas ang Kalayaan dahil
nanatiling makapangyarihan at impluwensiyal ang Amerikano sa Pilipinas
sa larangang pangkabuhayan at pampolitika.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


352
MGA TANONG
1. Anong bansa ang nanakop?
2. Ano-anong pamamaraan ang ginamit upang lumaya?
3. Anong ideolohiya ang mga nabanggit?
4. Ang aking mahihinuha ay…

PAMPROSESONG TANONG

1. Paano ipinakita ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya


ang pagmamahal sa bayan? Magbigay ng patunay sa inyong mga
sagot.
._______________________________________________________
________________________________________________________
__________
2. Paano hinubog ng ideolohiya ang paglaya ng mga bansa sa Silangan
at Timog Silangang Asya? Magbigay ng patunay sa inyong mga
sagot.
________________________________________________________
________________________________________________________
_________
3. Paano nakaapekto ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya?
________________________________________________________
________________________________________________________
__________

GAWAIN BLG.4: BUO-LAYA

Iyong natunghayan kung paano lumaya ang mga bansa sa Asya at


upang magkaroon ng buong pananaw sa paglaya ng mga bansa, buuin ang
talahanayan.

Bansa sa
Silangan Mga Pamamaraang
Araw ng Ideolohiyang
Asya (na Bansang Namuno Ginamit sa
Paglaya Niyakap
nasa Nanakop Paglaya
teksto)

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


353
Bansa sa
Timog
Mga Araw Pamamaraang
Silangan Namun Ideolihiyang
Bansang ng ginamit sa
Asya (na o Niyakap
Nanakop Paglaya Paglaya
nasa
teksto)

Ngayong natapos mo nang sagutan ang talahanayan at


naiwasto,

BINABATI KITA!

Dahil may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa:


 bahaging ginampanan ng Nasyonalismo sa Silangan at
Timog Silangang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula
sa imperyalismo;
 epekto ng mga digmaang pandaidig sa pag-aangat ng
malawakang kilusang nasyonalista tungo sa paglaya at
 ang impluwensiya ng iba’t ibang ideolohiya( ideolohiya ng
malayang demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa
malawakang kilusang nasyonalista sa Silangan at Timog
Silangang Asya tungo sa paglaya.

Maaari mong balikan ang mga kasagutan na iyong ginawa sa unang


bahaging Modyul na ito upang malaman kung tama ito .

Maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng Modyul na ito


upang mapalalim at mapalawak pa ang iyong pag-unawa tungkol sa
paksang pinag-aralan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


354
ATING PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sa bahaging ito, pagtitibayin mo ang nabuong mga pag-unawa tungkol


sa paksa. Inaasahan din na kritikal mong masusuri ang:
 bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa Silangan at Timog
Silangang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa
imperyalismo;
 epekto ng mga digmaang pandaidig sa pag-aangat ng
malawakang kilusang nasyonalista tungo sa paglaya at
 ang impluwensiya ng iba’t ibang ideolohiya( ideolohiya ng
malayang demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa mga
malawakang kilusang nasyonalista sa Silangan at Timog
Silangang Asya tungo sa paglaya .

GAWAIN BLG. 5: SAAN KA PA!!! (Anticipation-Reaction


Guide)

Tingnan kung gaano na ang kaalaman sa paksang pinag-aralan. Sagutan ang


unang kolum sa pamamagitan ng pagsulat ng salitang sumasang-ayon
kung sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon kung di-sumasang-ayon sa
ipinahayag na mga kaalaman

Pagkatapos
ang Pag-aaral
Bago ang
sa Buong
Isasagawang
Konsepto at Pananaw Aralin o Paksa
Pag-aaral sa
(Ipaliwanag
Aralin o Paksa
ang naging
kasagutan)
Ang lahat ng mga bansa sa Silangan
at Timog Silangang Asya ay
naghangad ng kalayaan sa pananakop
ng mga bansang Kanluranin dahil sa
kaisipang liberal at ideya ng
demokrasya

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


355
Ang prinsipyong nagbigay-diin sa
pagbubuo ng isang pamahalaang
konstltusyonal na pinagsama ang
Kanluranin at tradisyunal na Tsino
upang palitan ang absolutong
monarkiya ay demokrasya.
Ang pagpapalakas ng Hapon ng
kaniyang hukbong - militar ay naging
daan sa pagbubuo ng depensibong
nasyonalismo sa kaniyang bansa.
Iba't iba ang pamaraang ginamit ng
mga naging pinunong Iider sa mga
kilusang naghangad ng paglaya sa
mga Europeong mananakop sa
rehiyon ng Timog Silangang Asya
Upang mapagtagumpayan ang
paghahangad sa pagsasarili naghain
ang mga Asyano ng mga reporma,
nagbunga ng makabayang
organisasyon, at nang lumaon ay
gumamit din ng mga madugong
pakikihamok laban sa mga
mananakop
Sa Pilipinas, naglatag ng kaisipang
paglaya ang kilusang Propaganda at
ang Katipunan ang naging
kasangkapan sa pagsasakatuparan
ng paglaya sa mga dayuhang
mananakop.
Ang Tsina, Vietnam at Hilagang
Korea at Hapon ay kumapit sa
kaisipan ng sosyalismo at komunismo
bilang landas hindi lamang sa
pagpapalaya ng bansa kundi sa
pagbubuo rin ng bagong sistemang
panlipunan na magwawakas sa
pagsasamantala ng mga mananakop.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


356
Si Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh,
ang nasyonalistikong pinuno ng
partido, ang naging pangunahing
kasangkapan sa paglaya ng kanilang
bansa laban sa mga Pranses sa
pamamagitan ng pagtanggap sa
pamamaraang demokratiko
Ang ideolohiyang demokratiko at
komunismo ang dalawang
naglalabang ideolohiya na naging
sanhi ng pagkakahati ng Korea at
Vietnam
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang
mga pagbabago sa mga ideolohiyang
gumagabay sa pamamahala at
pamumuhay ng mga bansa sa daigdig.

GAWAIN 6: BUKAS- ISIP!


(reflective journal)
Sumulat ng maikling
repleksiyon ukol sa iyong mga
natutuhan, realisasyon at
opinyon tungkol sa mga
paksang pinag-aralan.

Kung gayon!
Ang paksa ngayon ay____________________________________________
Isang mahalagang konsepto na aking natutuhan ay ____________________
Ito ay mahalaga dahil____________________________________________
Ang isa pang ideya ay ___________________________________________
Magagamit ko ito sa_____________________________________________

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


357
Sa kabuuan ang natutuhan ko ay __________________________________

BINABATI KITA!
Mahusay mong nagampanan ang gawain sa bahagi ng
Pagpapalalim.
Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa bahaging
ginampanan ng Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya. Ito ay
tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo, epekto ng digmaang
pandaidig sa pag-aangat ng mga malawakang kilusang nasyonalista tungo sa
paglaya at ang impluwensiya ng iba’t ibang ideyolohiya( ideolohiya ng malayang
demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa malawakang kilusang nasyonalista
sa Silangan at Timog Silangang Asya tungo sa paglaya. Ngayon ay handa ka
nang gawin ang ating susunod at huling gawain sa araling ito.

ATING GAWIN

Gawain 8 :Paggawa ng Resolution

Commented [SI6]: Change icon with ebok drawing. thanks


Bilang paghahanda sa isasagawang Performance Task ay
basahin ang sumusunod na sitwasyon:

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig maraming isyu ang


umusbong sa Silangan at Timog Silangang Asya. Isa na rito ang sigalot dulot
ng pag-aagawan sa teritoryo. Ikaw,bilang mambabatas ng iyong bansa ay
gagawa ng isang resolusyon para ipakita ang iyong mga punto sa teritoryong
inaangkin .Ang iyong nabuong resolusyon ay maglalaman ng naging mga
problema bunsod ng nasabing usapin at mga mungkahing solusyon upang
malutas ang sigalot na ito.

Ang resolusyon na ginawa ay huhusgahan batay sa sumusunod na


pamantayan---
 Maliwanag at maayos ang pagkakalahad ng resolusyon.
 Sapat at katanggap-tanggap ang mga mungkahing solusyon sa
suliranin.
 Nakapaglahad ng mga datos batay sa realidad ng suliranin na binibigyan
ng solusyon.

Krayterya 4 3 2 1
Nilalaman Sapat at Katanggap- May mga May mga
katanggap- tanggap ang mungkahing mungkahing
tanggap ang mga mga solusyon ngunit solusyon
mungkahing mungkahing ang mga datos ngunit ang

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


358
solusyon sa solusyons sa ay di- gaanong mga datos ay
suliranin.Nakapa suliranin ngunit batay sa realidad hindi batay sa
glahad ng mga di-wasto ang ng suliranin na realidad ng
datos batay sa ilan: may ilang binibigyan ng suliranin na
realidad ng impormasyon solusyon. binibigyan ng
suliranin na na hindi solusyon.
binibigyan ng maliwanag ang
solusyon. pagkakalahad.
Nakapaglahad
ng mga datos
batay sa
realidad ng
suliranin na
binibigyan ng
solusyon.
Pinagkunan ng Ibinatay sa iba’t Ibinatay sa iba’t Ibinatay lamang Walang
Datos ibang saligan ang ibang saligan ang saligan ng batayang
mga kaalaman ang mga impormasyon sa pinagkunan at
tulad ng mga impormasyon batayang aklat ang mga
aklat, pahayagan, ngunit limitado lamang. impormasyon
video clips, lamang. ay gawa-gawa
interbyu, radio at lamang.
iba pa.
Isinulat ang
pinagkunan ng
mga
impormasyon
Organisasyon Organisado ang Organisado Walang Di- organisado
ginawang ang mga paksa interaksiyon at ang paksa.
resolusyon at sa sa kabuuan at ugnayan sa mga Malinaw na
kabuuan maayos maayos na kasapi. Walang walang
ang presentasiyon malinaw na preparasyon
presentasiyon ng ngunit di presentasiyon ng ang
gawain, ang masyadong mga paksa. May presentasiyon
pinag sama- nagamit nang powerpoint ng pangkat.
samang ideya ay maayos ang presentationngun
malinaw na powerpoint it hindi lubusang
naipapahayag at presentation. nagamit at
natatalakay gamit nagsilbi lamang
ang na palamuti sa
makabuluhang pisara.
powerpoint
presentation.
Presentasiyon Maayos ang Maayos ang Simple at maikli Ang
pagkakalahad. paglalahad ang paglalahad ay
Gumamit ng gamit ang presentasiyong hindi naging
powerpoint powerpoint nagawa. malinaw.
presentation. presentation,m Walang
Namumukod ay kahinaan

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


359
tangi ang ang tinig ng gaanong
pamamaraan ng mga presentasiyon.
presentasiyon sa nagtalakay
pamamagitan ng
malakas at
malinaw ang
pagsasalita na
sapat para
marinig at
maintindihan ng
lahat.

Transisyon sa Susunod na Modyul

Ngayong nasuri mo na kung paano nahubog ng paglaya ang


transpormasyong naganap noong ika-16 na siglo hanggang sa kasalukuyan sa
susunod na modyul ay malalaman mo kung paano nakaapekto sa mga Asyano
ang mga pagbabagong naganap sa Silangan at Timog Silangang Asya noong
ika -16 hanggang ika- 20 siglo .

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


360
Modyul 13

ARALIN BLG. 4:MGA PAGBABAGO SA SILANGAN AT


TIMOG SILANGANG ASYA SA TRANSISYONAL AT
MAKABAGONG PANAHON (16-20 SIGLO)

Alamin: Handa ka na ba sa panibagong hamon ng pag-aaral? Kung


handa ka na, nais kong pag isipan mo ang iyong kasagutan
sa tanong na ito:Ano ang naganap sa Silangan at Timog
Silangang Asya matapos nilang makamit ang kanilang
kalayaan mula sa mahabang panahon ng pananakop ng
Kanluran?

GAWAIN BLG. 1: Ano Alam Ko?

. Sagutin ang tanong sa itaas gamit ang IRF WORKSHEET.


Punan mo lamang ang kolum para sa initial answer.Ang dalawa
pang natitirang kolum ay mapupunan mo lamang sa sandaling
natapos ng talakayin ang aralin.

IRF WORKSHEET

Initial Answer (Paunang sagot)

Revised Answer (Binagong sagot)

Final Answer (Huling sagot)

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


361
PAMPROSESONG TANONG
Sagutin mo ang sumusunod na katanungan:

4. Ano ang initial answer mo ukol sa tanong na kaugnay sa paksa?


5. Ano-ano ang iyong naging batayan sa kasagutan mo na iyong
inilahad sa IRF Worksheet? Ilahad mo ang ilan sa iyong
patunay.

GAWAIN BLG. 2: PAGTAYA NG PAUNANG KAALAMAN

Alamin ang antas ng iyong kabatiran tungkol sa mga


bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya sa
Transisyunal at Makabagong Panahon sa pamamagitan
ng matapat na pagsagot sa mga tanong sa checklist.

Gaano mo kakilala ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya


sa Transisyonal at Makabagong Panahon gamit ang iyong pang-unang
kaalaman? Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

OO HINDI KABUUAN
1. Nagkaroon ba ng mga programa na
nagtaguyod sa karapatan ng
mamamayan, kababaihan, at katutubo?
2. Nanatiling tulad ba ng dati ang
sistemang pulitikal sa mga bansa sa
rehiyon at maging ang balangkas ng
pamahalaan nito?
3. Nagkaroon ba ng malaking gampanin
ang relihiyon sa mga pagbabagong
naganap sa rehiyon?
4. May kaugnayan ba ang edukasyon sa
kalidad ng pamumuhay ng isang
bansa?
5. Umunlad ba ang ekonomiya ng mga
bansa sa rehiyon?
6. Nararanasan pa ba ang kolonyalismo
sa rehiyon sa kasalukuyan?
7. Nakapag-ambag ba ang mga bansa sa
rehiyon sa larangan ng sining,
humanidades, at palakasan?
KABUUAN

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


362
ANG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA SA TRANSISYONAL
AT MAKABAGONG PANAHON
MGA TANONG SAGOT

Matapos mong sagutan nang may katapatan ang checklist, suriin kung
________
 Ilan sa mga aytem ang sinagutan mo ng OO?
 Ilang aytem ang sinagutan mo ng HINDI?
 Ano sa tingin mo ang nais na ipahiwatig ng iyong mga sagot?

BINABATI KITA!

….dahil natapos mo ang unang hakbang.

Sa puntong ito marahil ay marami ka ng agam-agam sa iyong mga


naging kasagutan sa mga gawain sa itaas. Huwag mo itong ikabahala
sapagkat sa modyul na ito ay higit mong mauunawaan ang mga
pagbabagong naganap sa Silangan at Timog Silangang Asya sa
transisyonal at makabagong panahon (16-20siglo). Kailangan mo
lamang pagtuunan ng pansin at pag-unawa ang mga susunod na gawain
sa iba pang pahina. Sa huli, matutuklasan mo kung ang iyong mga
naging kasagutanPAUNLARIN…
ay tama o mali sa dalawang naunang gawain.

PAUNLARIN…

Simulan na natin ngayon ang pagpapayabong ng iyong kaalaman


ukol sa mga pagbabagong naganap sa Silangan at Timog Silangang
Asya sa transisyonal at makabagong panahon (16-20siglo). Inaasahan
ko na natatandaan mo pa ang mga kasagutan mo sa mga nakalipas na
gawain. Ito na ang pagkakataon upang mapatunayan mo ang iyong
kasagutan sa mga tanong na iyong tinugunan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


363
Isa sa mga aspeto ng kultura ng isang bansa ay ang sistemang
pulitikal na umiiral dito. Ang sistemang pulitikal ng mga bansa sa
Silangan at Timog Silangang Asya ay nabuo batay mga pangyayaring
naganap dito sa mahabang panahon na bahagi na ng tinatawag na
kasaysayan. Kabilang na sa mga pangyayaring nabanggit ang
karanasan ng mga bansa sa rehiyong ito ng Asya sa mga kanluraning
bansa na nagkaroon ng kaugnayan sa mga ito sa pamamagitan ng
iba’t ibang pamamaraan at kadahilanan. Samakatuwid, hindi rin
maitatanggi na ang mga kanluraning bansang ito ay maituturing na
salik sa pagkabuo ng sistemang pulitikal na umiiral sa rehiyon na ito
ng Asya sa ngayon. Isang magandang halimbawa nito ang Pilipinas
na ating bansa na sinanay ng mga Amerikano sa pamamahala sa
panahong kontrolado tayo ng mga ito. Ito ang kadahilanan kung
kaya’t napakalaki ng pagkakatulad ng ating pamahalaan sa kanila,
mula sa balangkas at kapangyarihan ng bawat sangay n gating
pamahalaan. Ang pagbabagong hatid ng pag-unlad at panahon ay
salik din sa pagkabuo ng sistemang pulitikal ng isang bansa. May mga
bansa na kinailangang iayon ang kanilang sistemang pulitikal sa
pagbabago ng panahon upang makasabay ang mga ito. Masasalamin
ang pagbabagong ito sa pagbabago rinse uri ng kanilang
pamahalaan. Ang China ay masasabing magandang halimbawa sa
aspetong ito na patuloy na nakikilala sa kasalukuyang panahon sa
mga reporma na ginawa nito.

GAWAIN BLG 3: SISTEMANG PULITIKAL AT


PAMAHALAAN SA SILANGAN AT TIMOG
SILANGANG ASYA

Ang sistemang pulitikal sa Silangan at Timog Silangang Asya ay hinubog


ng kasaysayan at paniniwala ng mga mamamayang naninirahan dito. Sa
karanasang tinamo ng mga Asyano sa mga bansang kanluranin na
sumakop sa kanila idagdag pa ang kanilang mga panloob na suliraning
kinaharap ay nagbagong anyo ang mga sistemang pulitikal na ito at uri
ng pamahalaan. Matutunghayan mo sa ibaba ang ibat’ ibang uri ng
pamahalaan na umiiral sa rehiyon na ito ng Asya. Suriin mo itong mabuti
at kilalanin ang mga bansang napapaloob dito.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


364
SISTEMANG PULITIKAL SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG
ASYA

ANYO NG DESKRIPSYON BANSA


PAMAHALAAN
1. MONARKIYA  Pamumuno ng isang tao sa
partikular na estado
 Minana ang karapatan sa
pamumuno
1.1 Walang Takda  Nagtataglay ng Brunei
(Absolute) panlahatang
kapangyarihan
 May pagkilala sa pinuno na
nagtataglay ng divine right
o mula sa pamumuno na
mula sa Diyos
1.2 Konstitusyunal Cambodia
 May takda ang Japan
kapangyarihan ng pinuno Malaysia
na nakabatay sa isang Thailand
Saligang Batas
 Figure Head o simbolikong
pinuno lamang ang
monarka
2. One Party  Nag-iisang partidong China
Government pulitikal ang may Laos
kapangyarihan na bubuo North
sa pamahalaan Korea
 Pumapailalim sa isang Vietnam
nangungunang partido ang
iba pang partido kung
sakaling ito ay
papahintulutan ng una.
 Ipinagbabawal ang
oposisyon sa naghaharing
partido
 Diktaturyal ang
pamahalaan
3. Militar  Pinangangasiwaan ng Myanmar
isang junta o pangkat ng

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


365
matataas na opisyal ng
hukbong sandatahan
 Pinaiiral bilang tugon sa
kaguluhang putikal sa
bansa
 Walang pinapanigan at di-
kaanib sa anumang
partidong pulitikal
4. Demokrasya  Taglay ng sambayanan East Timor
ang kapangyarihan Indonesia
 May representasyon ang Pilipinas
ibat ibang sektor ng South
lipunan sa pamahalaan Korea
 May kalayaan sa Taiwan
pagpapahayag at pagbuo
ng mga samahan
 Nagtataglay at kinikilala
ang karapatang pantao at
katarungang panlipunan
 May mga legal na partido
ng oposisyon
 Kinikilala ang proseso ng
pamamaraan sa
pagpapairal ng hustisya.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


366
PAMPROSESONG TANONG

Sagutin mo ang mga tanong sa ibaba batay sa sinuri mong


chart. Itala ang iyong mga sagot sa iyong notebook.

TANONG SAGOT
1. Anu-ano ang sistemang pulitikal ng
pamahalaan ang umiiral sa Silangan at Timog
Silangang Asya?
2. Sa anong uri ng pamahalaan maikakategorya
ang sistemang dinastiya?
3. Ano ang mabuti at di- mabuting maaaring
idulot sa bansa at mamamayan ng bawat
sistemang pulitikal at pamahalaan? Magbigay
ng dalawa sa bawat uri.
4. Anong konklusyon ang iyong mabubuo ukol sa
sistemang pulitikal at pamahalaan mayroon
ang mga bansa sa Silangang Asya? Timog
Silangang Asya?
5. Anong uri ng pamahalaan ang para sa iyo ang
pinakamainam?hindi mo nais mapailalim?
Bakit?
6. Nakaapekto ba sa mga bansa sa rehiyon ang
pagpapalit nito ng anyo ng pamahalaan?
Patunayan.

Pagyamanin pa ang iyong kaalaman tungkol sa sistemang pulitikal


at pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya. Ito ay sa
pamamagitan ng masusing pagbasa at pagsuri ng mga detalye na nakapaloob
sa timeline.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


367
GAWAIN BLG 4: BASAHIN AT SURIIN

1. Basahin ang timeline kaugnay sa mahalagang pagbabagong naganap


sa sistemang pulitikal sa ilang piling bansa sa Silangan at Timog
Silangang Asya.

a. Peoples Republic of China


b. Union of Myanmar
c. Kingdom of Thailand
d. Federation of Malaysia
e. Evaluating gamit ang Rubrics

PEOPLE’S REPUBLIC OF CHINA


Ang Republika

 1911-12 –Proklamasyon ng Republic of China sa pamumuno ng mga


militar na nag-alsa na pinangunahan ni Sun Yat-sen.Ito ay hudyat ng
pagwawakas ng kapangyarihan ng huling emperador ng Qing.
Kinaharap ng republika ang mga hamon sa pamamahala hatid ng mga
rehiyonal na pag-aalsa at unti-unting paglakas ng Communist Party.

 1925 –Pagkamatay ni Sun Yat-sen na naghatid sa kapangyarihan kay


Chiang Kai-shek. Humiwalay si Chiang Kai-shek sa mga komunista at
kinilala ang Kuomintang bilang pambansang partido.

 1931-45 – Unti-unting pananakop ng Japan sa China.

 1934-35 – Pamumuno ni Mao Zedong sa Communist Party. Nagsagawa


ang partido ng "Long March" patungo sa bago nitong himpilan sa
lalawigan ng Shaanxi.

 1937 – Pagsanib puwersa ng Kuomintang at mga Communists upang


labanan ang Japan. Muling sumiklab ang digmaang sibil mataposang
pagkatalo ng Japan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


368
Ang Tagumpay ng mga Komunista

 1949 - 1 October –Pagkakatatag ng People's Republic of China sa


pangunguna ni Mao Zedong matapos talunin ng kanyang Communist
Party ang Nationalist Party sa mahigit 20 taong digmaang sibil. Umatras
ang mga kasapi ng Nationalist Party sa pulo ng Taiwan at doon nagtatag
ng panibagong pamahalaan.

 1950 –Panghihimasok ng China sa Korean War sa pamamagitan ng


pagpanig sa North Korea. Ang Tibet ay naging bahagi ng People's
Republic of China.

 1958 –Inilunsad ni Mao ang "Great Leap Forward",ang limang (5) taong
programang pangkabuhayan tungo sa kaunlaran. Ang kolektibong
gawaing pagsasaka at pagpapalakas ng mga industriya ay ipinakilala.
Ang adhikaing ito ng pamahalaan ay tumagal lamang ng dalawang taon
bunsod ng kabiguang mapalaki ang ani na lumikha ng milyong
pagkagutom at kamatayan ng mga mamamayan.

 1959 –Sinupil ng hukbong sandatahan ng bansa ang malawakang pag-


aalsa sa Tibet.

 1962 –Hidwaan ng China sa India kaugnay sa hangganan nito sa


Himalayas.

 1966-76 –Inilunsad ni Mao ang "Cultural Revolution",ang 10-taong


kampanyang pampulitika at ideolohikal na naglalayong buhayin ang
diwang rebolusyonaryo, lumikha ito ng matinding pagbabago sa lipunan,
ekonomiya at pamamahala.

 1972 –Pagbisita sa China ni US President Richard Nixon. Nangako ang


dalawang bansa na pagbutihin ang ugnayan ng dalawang bansa.

 1976 –Pagkamatay ni Mao Zedong.

 1977 – Pag-angat sa kapangyarihan ni Deng Xiaoping.Pagsisimula ng


mga reporma sa larangan ng kabuhayan sa China.

 1979 – Pagsisimula ng diplomatikong relasyon ng China at USA.


Pinasimulan ng pamahalaan ang “One-Child Policy” upang pigilan ang
lumalaking populasyon nito.

 1986-90 –Pinairal ng China ang "Open-door policy"na nagbigay


pagkakataon sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa loob ng bansa.
Nakapagpasigla din ito sa ekonomiya ng bansa at humikayat ng mas
higit na pamumuhunan sa pribadong sektor.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


369
 1989 –Naganap ang demonstrasyon ng mga mag-aaral at iba pang
sektor sa Tiananmen Square. Ito at upang ipanawagan sa pamahalaan
ang pagkakaloob ng kalayaan at karapatang maipahayag ang
damdamin ng mga mamamayan. Hindi ito pinakinggan ng pamahalaan
at sa halip ay nagresulta sa pagkadakip ng mga protesta at pagkamatay
200 sa mga ito. Tinagurian itong Tiananmen Massacre. Pumukaw ng
pansin sa iba’t ibang bansa ang pangyayaring ito at may ilang kinondena
ang pamahalaan bunsod ng marahas na ginawa nito.

 1989 –Naging general secretary ng Chinese Communist Party si Jiang


Zemin bilang kahalili ni Zhao Ziyang na tumutol na suportahan ang
martial law sa panahong nagaganap ang demonstrasyon sa Tiananmen.
Pagbubukas ng Stock markets sa Shanghai at Shenzhen.

 1992 – Paglagda ng China at Russia ng deklarasyong muling pagbuhay


sa kanilang pagkakaibigan.

 1993 – Opisyal na paghalili ni Jiang Zemin kay Yang Shangkun bilang


pangulo.

 1995 –Pagsasagawa ng China ng tests missiles at military exercisessa


Taiwan Strait habang nagaganap ang pampanguluhang halalan sa
Taiwan.

 1996 – Ang China, Russia, Kazakhstan, Kyrgyzstan at Tajikistan ay


nagdaos ng pagpupulong sa Shanghai upang magkasundo at
magtulungan na labanan ang tensiyon kaugnay sa mga katutubo at
relihiyon sa kani-kanilang bansa. Tinaguriang ang mga bansang ito
naShanghai Five.

 1997 - Pagkamatay ni Deng Xiaoping sa edad na 92. Pagbabalik ng


kontrol ng China sa Taiwan mula sa mga British.

 1998 –Paghalili ni Zhu Rongji kay Li Peng bilang premier.

 1999 - Ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic


of China. Pagbalik ng Macao sa ilalim ng pamamahala ng China

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


370
UNION OF MYANMAR
Pagsasarili

 1948 – Paglaya ng Burma sa pamumuno ni U Nu bilang prime minister.

 Kalagitnaan ng 1950’s- Si U Nu kabilang sina Prime Minister Nehru,


Indonesian President Sukarno, Yugoslav President Tito at Egyptian
President Nasser ay tinatag ang Movement of Non-Aligned States.

 1958-60- Pansamantalang pamahalaan, sa pangunguna ng hukbo ni


Chief of Staff General Ne Win, na nabuo matapos ang pagkakahati sa
namumunong AFPFL party.

 1960 – Pagwawagi sa halalan ng partido ni U Nu,subalit ang


panghihikayat nito sa Buddhismo bilang relihiyon ng estado at
pagkunsinti sa pagkakahiwa-hiwalay ay nagpasidhi ng galit sa panig ng
militar.

One-Party, Ang Pamumuno ng Militar sa Estado

 1962 – Pagpapatalsik kay U Nu sa pamamagitan ng kudeta na


pinamunuan ni Gen Ne Win na tuluyang nag-alis ng sistemang pederal
at pagpapasinaya ng "the Burmese Way to Socialism" .Ito ay
nangangahulugang pagkontrol sa pambansang ekonomiya, pagbuo ng
single-party state na kung saan ito ay ang Socialist Programme Party
bilang tanging partido political sa bansa at pagbabawal sa malayang
pamamahayag. Ang military junta na ito ay namuno hanggang 2011.

 1974 – Pagsasabisa ng bagong saligang batas, pagsasalin ng


kapangyarihan ng hukbong sandatahan ng bansa saPeople's Assembly
sa pamumuno ni Ne Win at iba pang mga dating lider ng militar.

 1975 –Pagtatag ngOpposition National Democratic Front ng mga grupo


ng minorya sa rehiyon na nagpapasimula din paglaban sa umiiral na
pamahalaang militar.

 1981 – Isinalin ni Ne Win ang pagiging pangulo ng bansa kay San Yu


,isang retiradong militar, subalit nanatiling chairman ng namumunong
Socialist Programme Party

 1982 – Pagpapairal ng batas na nagbabawal sa mga mamamayang


hindi katutubong isinilang sa bansa o dayuhan na humawak ng anumang
katungkulan sa pamahalaan at iba pang ahensiya nito.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


371
Panahon ng Kaguluhan at Pagsupil

 1987 – Pagbaba ng halaga ng salapi na nagpahirap sa maraming


mamamayan at naging sanhi ng malawakang pagbatikos sa
pamahalaan na lumikha ng labis na kaguluhan sa bansa.

 1988 – Maraming mamamayan ang napatay sa isang kilos protesta


laban sa pamahalaan bunsod ng kaguluhan. Binuo ng pamahalaan ang
State Law and Order Restoration Council (Slorc).

 1989 – Dineklara ng Slorc ang martial law.Nagkaroon ng malawakang


pag-aresto ng mga mamamayan kabilang na ang mga
nangangampanya parasa demokrasya at karapatang pantao. Pinalitang
ang pangalan ng bansa mula Burma bilang Myanmar at ang kabiserang
lungsod na Rangoon bilang Yangon. Ang lider ng NLD (National League
for Democracy)na si Aung San Suu Kyi, anak ni Aung San ay ipinailalaim
sa house arrest.

Kontrobersiyal na Halalan

 1990 – Pagkapanalo ng oposisyon naNational League for Democracy


(NLD) sa halalan na nagtamo ng napakalaking boto, subalit ang
resultang ito ay binalewala lamang ng militar.

 1991 – Ginawaran ng Nobel Peace Prizesi Aung San Suu Kyi para sa
kanyang dedikasyon sa pagbago sa bansa sa mapayapang
pamamaraan.

 1992 – Pinalitan ni Than Shwe si Saw Maung bilang chairman ng


Slorc,prime minister at defense minister. Pinalaya din ang ilang
bilanggong politikal upang bumuti ang imahe ng Burma sa daigdig.

 1995 -Pinalaya si Aung San Suu Kyi mula sa anim na taong house
arrest.

 1996 – Dumalo si Aung San Suu Kyi sa kongreso ng unang pagpupulong


ng NLD matapos itong makalaya. Humigit sa 200 delegado ang inaresto
ng Slorc habang ang mga ito ay papunta sa nasabing pagpupulong.

 1997 – Tinanggap ang Burma bilang bagong kasapi ng Association of


South East Asian Nations (ASEAN); Ang Slorc naman ay muling
pinangalanan bilang State Peace and Development Council (SPDC).

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


372
Pagpapalaya sa mga Sumoporta sa Demokrasya

 1998 – 300 kasapi ng NLD ang pinalaya mula sa bilangguan ; tumanggi


ang namumunong pamahalaang militar na tumugon sa itinakdang
panahon ng NLD na ipatawag na ang mga kasapi ng parlamento upang
makapagsimula; nagsagawa ng malawakang protesta ang mga militar.

 1999 – Tumutol si Aung San Suu Kyi sa kondisyon ng namumunong


konseho na bisitahin niya ang kanyang British na asawa na si Michael
Aris na namatay sa sakit na kanser sa UK.

 2000 September – Ganap ng inalis ng pamahalaan ang pagbabawal


kay Aung San Suu Kyi at mga pangunahing kasapi ng NLD na lumipat.

 2000 October – Lihim na pakikipagpulong ni Aung San Suu Kyi sa


pamahalaan.

KINGDOM OF THAILAND
Pagbangon ng Makabagong Thailand

 1782 – Simula ng pamumuno ng dinastiyang Chakri sa pamumuno ni


Haring Rama I, na namumuno parin hanggang sa kasalukuyan. Kinilala
ang bansa bilang Siam at ang Bangkok ang ginawang kabisera.

 1804-1868 – Pamumuno ni Haring Mongkut (Rama IV), pinasimulan


niya ang mga pagbabagong maka-Kanluranin at modernisasyon ng
bansa.

 1868-1910 – Pamumuno ni Haring Chulalongkorn. Pagkuha ng mga


tagapayo mula kanluran para sa modernisasyon ng Siam at
pamamahala sa ekonomiya ng bansa. Pag-unlad ng sistema ng
transportasyon.

 1917 - Ang Siam ay naging isa sa ka-alyado (allied) ng Great Britain sa


unang digmaang pandaigdig.

 1932 – Naganap ang isang mapayapang kudeta laban sa ganap na


monarkiya ni haring Prajadhipok. Pinasimulan ng Konstitusyonal na
Monarkiya ang parlamentaryong pamahalaan.

 1939 – Pinalitan ng Siam ang pangalan nito bilang Thailand ("Land of


the Free").

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


373
 1941 –Pagdaong sa bansa ng hukbo ng Japan. Matapos ang
negosasyon, pinahintulutan ng Thailand ang hukbo ng Japan na
magtungo sa mga kontroladong lupain ng mga British na Malay
Peninsula, Singapore at Burma.

 1942 – Pagdeklara ng digmaan sa Britain at USA,subalit ang Thai


ambassador sa Washington ay tumangging ibigay ang nasabing
deklarasyon sa pamahalaan ng Amerika.

Mga Pangyayari Matapos ang Digmaan

 1945 – Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Inatasan ang


Thailand na muling ibalik ang mga teritoryong sinakop nito mula sa Laos,
Cambodia at Malaya. Nagbalik sa bansa ang ipinatapong si Haring
Ananda.

 1946 – Asasinasyon ni Haring Ananda.

 1947 – Naganap ang kudeta na pinasimulan ng military sa pamumuno


ng Pro-Japanese na si Phibun Songkhram. Nanatili sa kapangyarihan
ang military hanggang 1973.

 1965- Pagpahintulot ng Thailand sa USA na gamitin ang mga base


militar habang nagaganap ang Vietnam War. Ang hukbo ng Thailand ay
nakipaglaban sa Timog Vietnam.

 1973 – Naganap ang panggugulo ng mga mag-aaral sa Bangkok na


halos nagpabagsak sa pamahalaang militar. Naganap ang isang
malayang halalan, subalit di naging lubos ang katatagan ng
pamahalaang namuno.

 1976 – Muling pamamamahala ng militar sa bansa.

 1978 – Pinagtibay ang bagong saligang batas.

 1980 – Pamumuno ni Heneral Prem Tinsulanonda .

 1983 – Pagsuko ni Hen. Prem ng kanyang kapangyarihan bilang pinuno


ng pamahalaang militar upang bigyang daan ang pagtatatag at
pamumuno sa bagong pamahalaang sibil. Si Hen. Prem ay muling
naihalal sa parehong posisyon sa pamahalaang sibil noong 1986.

 1988 – Paghalili sa kapangyarihan ni Heneral Chatichai Choonhaven


kay Prem matapos ang halalan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


374
 1991 – Naganap ang ika-17 kudeta sa bansa na pinamunuan ng mga
militar mula pa noong 1932. Itinalaga sa kapangyarihan bilang Prime
Minister si Anand Panyarachun.

 1992 – Naganap ang panibagong halalan sa buwan ng


Marso.Hinalinhinan sa kapangyarihan ni Heneral Suchinda Kraprayoon
si Anand. Nagkaroon ng mga demonstrasyon laban kay Anand na
nanawagan sa kanyang pagbaba sa kapangyarihan. Pansamantalang
nanatili pa rin sa kapangyarihan si Anand. Muling nagdaos ng halalan
sa buwan ng Setyembre na nagbigay daan sa pagkakahalal bilang
bagong Prime Minister ni Chuan Leekpai, lider ng Democratic Party.

 1995 – Pagbagsak ng pamahalaan. Inihalal bilang bagong Prime


Minister si Banharn Silpa-archa, ng Thai Nation party.

 1996 – Inakusahan ng korapsyon ang pamahalaan ni Banharn na


naghatid sa kusang pagbaba nito sa kapangyarihan. Nanalo sa halalan
bilang kahalili si Chavalit Yongchaiyudh ng New Aspiration party.
Nagkaroon ng matinding krisis pinansiyal sa bansa.

 1997 – Naganap ang krisis pinansiyal sa Asya. Nagpatuloy ang pagbaba


ng halaga ng baht laban sa dolyar na naging dahilan ng halos
pagkaubos ng pondo ng bansa at mataas na bilang ng walang trabaho.
Namagitan sa suliraning pinansiyal ng bansa ang IMF. Nahalal sa
kapangyarihan si Chuan Leekpai bilang Prime Minister.

 1998 – Pinabalik ng pamahalaan sa kanilang mga bansa ang mga


manggagawang dayuhan upang bigyan ng higit na pagkakataon ang
mga Thai na makakuha ng trabaho bago ang iba. Hinikayat din ng
pamahalaang Chuan ang oposisyon na magsulong ng mga repormang
pang-ekonomiya.

 1999 – Unti-unting muling pagbangon ng ekonomiya. Sa tulong ng


media, pinakita ng Thailand sa daigdig ang malaking halaga na
ginugugol nito sa pagbigay lunas sa mga may sakit na AIDS at HIV sa
bansa. Hinikayat din ang iba’t ibang drug companies sa agarang
pagpapababa ng presyo ng gamut para sa nasabing sakit.

 2001- Pagwawagi sa halalan ng New Thai Love Thai partysa


poamumuno ni Thaksin Shinawatra.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


375
FEDERATION OF MALAYSIA

 1826 – Pinagsanib ng mga British ang kanilang mga himpilan sa


Malacca, Penang at Singapore upang buuin ang Colony of Straits
Settlements, mula dito ay pinalawak nila ang kanilang impluwensiya
bilang tagapagtanggol ng Sultanato ng Malay sa nasabing peninsula.

 1895 – Pagsasanib ng apat (4) na estado sa Malay na kinilala bilang


Federated Malay States.

 1942-45 –Pananakop ng Japan.

 1948 –Pinagsanib ang mga teritoryong kontrolado ng mga British sa


Malaya at kinilala bilang Federation of Malaya.

 1948-60 –Pinairal angState of Emergency upang supilin ang


panggugulo ng mga lokal na komunista.

 1957 – Paglaya ng Federation of Malaya mula sa mga British at


pamumuno ni Tunku Abdul Rahman bilang prime minister.

 1963 – Ang mga kolonya ng British na Sabah, Sarawak at Singapore ay


idinagdag sa Federation of Malaya upang buuin ang bagong Federation
of Malaysia.

 1965 – Paghiwalay ng Singapore sa Malaysia na naging 13 estado na


lamang. Nagsimula na din ang pananalakay ng mga komunista sa
Sarawak.

 1969 –Naganap ang kaguluhan likha ng mga Malay laban sa mga


Chinese bunsod ng kabiguan at tumitinding inggit ng mga ito sa
tinamasang kaunlarang pangkabuhayan ng mga katutubong Chinese.

 1970 –Naging bagong prime minister si Tun Abdul Razak matapos ang
pagbaba sa kapangyarihan ni Tunku Abdul Rahman.

Positibong Diskriminasyon sa mga Malay

 1971 – Pinasimulan ng pamahalaan ang sapat na partisipasyon ng mga


Malay sa larangan ng pagnenegosyo, edukasyon at serbisyo sibil.

 1977 – Pinaalis sa Pan-Malaysian Islamic Party (PAS) ang Kelantan


chief minister,lumikha ito ng kaguluhan at nagresulta tuluyang
pagkatanggal ng PAS sa BN coalition.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


376
 1978-89 – Pinahintulutan ng pamahalaan ang mga Vietnamese
refugees na pansamantalang magkanlong sa Malaysia upang makaiwas
sa suliranin ng mga ito sa kanilang bansa.

 1981 – Pagkahalal ni Mahathir Mohamad bilang prime minister.

 1989 – Lumagda ang mga lokal na komunista ng kasunduang


pangkapayapaan sa pamahalaan.

 1990 –Lumagda ang mga komunista sa Sarawak ng kasunduang


pangkapayapaan sa pamahalaan

 1993 – Ang mga Sultans ay inalisan ng proteksyong legal.

Krisis Pinansiyal

 1997 –Krisis Pinansiyal sa Asya.

 1998 – Alitang pulitikal nina Prime Minister Mahathir Mohamad at deputy


nito na si Anwar Ibrahim na inaasahang hahalili sa kanya. Ang
pagkakaiba ng pananawsa patakarang pangkabuhayanng bansa ang
ugat ng nasabing alitan. Inaresto si Anwar Ibrahim dahil sa kasong
sexual misconduct.

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano ang mahihinuha sa pagbabagong naganap sa sistemang pulitikal at


pamahalaan ng China, Myanmar, Thailand at Malaysia?
2. Paano nakaapekto sa mga mamamayan ng mga bansang nabanggit
ang nasabing pagbabago?
3. Ano ang maaaring idulot sa mga nabanggit na bansa kung hindi
naganap ang mga nasabing pagbabago?
4. Bilang isang Pilipino, bakit mahalaga sa iyo na maunawaan ang mga
pagbabagong naganap sa sistemang pulitikal at pamahalaan ng mga
nasabing bansa?

Malaki ang ginampanan ng mahusay na pamamahala ng mga namumuno sa


mga bansa ng Silangan at Timog Silangang Asya sa pagbabagong naganap
dito mula sa ika-16 hanggang 20 siglo. Ang mabuting hatid ng husay na ito sa
pamumuno ay masasalamin sa napakabilis na pag-usad ng ekonomiya ng
karamihan sa mga bansang ito sa rehiyon. Hinangaan ng marami ang
kaunlarang tinamasa ng Japan,Korea, Singapore, Taiwan, at Thailand. Hindi
rin matatawaran ang pinakikitang sigla ng China sa larangan ng ekonomiya at

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


377
unti-unting pag-usad ng kabuhayan ng mga bansa sa dalawang nabanggit na
rehiyon. Ang lahat ng ito ay mauugat sa pagbabago ng mga nasabing bansa
sa kanilang sistemang pulitikal at mahusay na pamahalaan.

GAWAIN BLG 5: KALAGAYANG PANG-


EKONOMIYA NG ASYA SA KASALUKUYAN
ECONOMIC CRISIS sa Asya

Sa simula ng Hulyo 1997 lumikha ng labis na pangamba sa buong


daigdig ang krisis pinansiyal na nararanasan sa Asya. Ang Japan, Thailand at
karamihan sa mga bansa sa Timog Silangan Asya kabilang ang Pilipinas ay
dumaranas ng suliraning ito. Ang krisis na ito ay sinasabing epektong tulad na
suliraning kinaharap din ng mga bansang maunlad na kanluranin. Nahirapan
ang mga bansa sa Asya na balikatin ang mga dating responsibilidad bunsod
ng pagbabayad sa mga utang panlabas na kanilang dapat bayaran. Para
alalayan ang mga bansang labis na naaapektuhan ng economic crisis ay
naglaan ang International Monetary Fund (IMF) ng $40 Billion para sa
programa.Lubos itong napakinabangan ng mga bansang South Korea,
Thailand, at Indonesia.Batay sa artikulong sinulat ni Martin Khor, Direktor ng
Thirld World Network na “The Economic Crisis in East Asia: Cause Effects and
Lessons ang mga sumusunod ay naging sanhi ng krisis:

1. Maling sistema ng pamamahala sa pagbabangko at iba pang


institusyong pinansiyal;
2. Di-pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga sektor ng negosyante
3. Maling patakaran sa pagkakaroon ng fixed exchange rate sa halaga ng
dolyar.

Bunsod ng krisis pinansiyal na ito ay sumidhi ang pagnanais sa aspektong


pulitikal sa Thailand ay nagretiro si Prime Minister General Chavalit
Yongchaiyudh at sa Indonesia si Pangulong Suharto. Sa kabilang banda,
isinilang naman sa panahong ito ang bagong bansa sa Timog Silangang Asya,
ang East Timor. Sa pagsisimula ng 1999, naobserbahang muling unti-unting
bumabangon ang ekonomiya ng mga apektadong bansa bunsod ng muling
pagtaas ng pamumuhunan, mataas na koleksiyon ng buwis at iba pa.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


378
ECONOMIC MIRACLE sa Asya
Ang mga bansang Singapore, South Korea at ang mga special administrative
region ng Tsina na Hongkong at Taiwan ay kinilala bilang Four Asian Dragons sa
larangan ng ekonomiya.Kinilala ang mga ito bunsod na 7% kada taon na pag-unlad
na kanilang tinamasa.Ipinakilala ng mga nasabing bansa ang napakabilis na
pagsulong sa industriyalisasyon sa pagitan ng 1960’s-1990’s. Nagsilbing modelo sa
iba pang papaunlad na bansa sa rehiyon ang kanilang karanasang natamo.
Bigyang pansin ang Antas ng Pagtamo ng Per Capita Gross Domestic Product
(GDP) mula 1960-2000 ng mga ilang piling bansa sa Silangan at Timog Silangang
Asya.

Flying Geese Paradigm

Itoay tumutukoy sa pananaw ng ekonomistang buhat sa


Japan na si Kaname Akamatsu. Unang nabuo ang pananaw na ito
ni Akamatsu noong 1930 subalit sumikat lamang noong 1960’s
matapos niyang ilimbag ang kanyang mga ideya na pinamagatang
“ Journal of Developing Economies “ . Sa kanyang modelo ay
simbolikong ipinapakita ang iba’t ibang antas ng kalagayang
pangkabuhayan ng mga bansa sa Asya. Ang mga bansa ay nasa
pormang nakabaligtad na “V”. Ang bansang Japan ang siyang
nangunguna sa direksiyong tinatahak ng iba pang gansa o bansa
sa Asya. Itinuturing na isang ganap ng industriyalisadong bansa ito
kung kaya’t may kakayanang mamuno. Sinusundan naman ito ng
mga bansang South Korea, Singapore, at ang Hongkong na
itinuturing na Newly Industrialized Economies (NIE). Ang mga
bansang New NIC na kabilang sa ASEAN gaya ng Indonesia,
Malaysia, Philippines at Thailand ang sumusunod. Pinakadulo
naman sa hanay ang China, Vietnam at iba pang bansa sa Asya.
Masasalamin sa modelo na ito ni Akamatsu ang katanyugan ng
ekonomiya ng Japan na di sinasang-ayunan ng China bunsod ng
pagnanais din nito na mamuno. Naniniwala rinsiya na ang mga nasa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


379
dulong bahagi ay may kakayanan pang mabago ang kapalaran
tulad ng karanasang pinagdaanan din ng Japan sa nakaraan.
Talahanayan 1.1 Antas ng Pagtaas ng Per Capita GDP 1960-2000
Bansa 1960 1970 1980 1990 2000
Silangang Asya
China 111.73 119.87 167.62 349.15 824.03
*Hongkong 3007.55 5946.5 11289.5 18813 24218
Japan 8398.53 20465.5 28295.9 39955.4 44830.4
South Korea 1324.88 2282.94 3910.28 7967.39 13062.2
Timog Silangan
Asya
Indonesia 248.91 297.6 503.01 776.39 13062.2
Malaysia 974. 99 1370.65 2297.11 3104.03 4796.6
Philippines 724.7 867.39 1172.85 1090.86 1167.39
Singapore 2675.86 5426.4 11048.2 17693 28229.6
Thailand 464.97 752.24 1117.11 1998.61 2804.93

Pinagkunan: ucatlas.usc.edu?output.edu.php
*Special Administrative Region of China

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano-ano ang tinuturong sanhi ng ng economic crisis na naganap sa


Asya?
2. Ano ang pinatutunayan ng mga datos sa Talahanayan 1.1?
Sumasang-ayon ka ba sa pananaw ni Akaname Akamatsu kung
ang pagbabatayan ay ang kasalukuyang panahon? Bakit?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


380
GAWAIN 6: GAME NA! Sa pamamagitan ng 3-2-1- Chart

Magsulat ng mga nabuong kaisipan at katanungan kaugnay sa binasa sa


nakaraang gawain.
3 Bagay na Natuklasan

2 bagay na kawili-wili

1 Tanong na di pa nasasagutan

Pamprosesong Tanong

1. May nabago ba saiyong pananaw kaugnay sa kalagayang pang-


ekonomiya ng Asya sa kasalukuyang panahon pagkatapos sagutan ang
gawain? Ipaliwanag.
2. Naniniwala ka ba na nagkaroon ng pagsulong sa ekonomiya ang mga
bansa sa rehiyong Silangan at Timog Silangang Asya? Patunayan ang
iyong sagot.

GAWAIN BLG 7: COMPLETE IT!


Gamit ang talahanayan ng Antas ng Pagtaas ng Per Capita GDP
mula 1960-2000 ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang
Asya ay buuin mo ang diwa ng mga sumusunod na pangungusap.

1. Ang mga bansa sa Silangang Asya ay……


2. Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay……
3. Ang bansang …… sa Silangang Asya ay may pinakamataas na antas
ng Per Capita GDP samantalang sa Timog Silangang Asya ay ang …..
4. Ang bansang…. Sa Silangang Asya ay may pinakamababang antas ng
Per Capita GDP samantalang sa Timog Silangang Asya ay ang …..
5. Ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya batay sa
talahanayan ng Per Capita GDP 1960-2000 ay nagpapatunay na…….
6. Ang pagkakaroon ng mataas na Per Capita GDP ay indikasyon ng
…….

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


381
GAWAIN BLG 8: NEOKOLONYALISMO

Naunawaan mo na ang Asya ay minsang pinaghati-hatian ng mga


mananakop na kanluraning bansa.Gumamit ang mga Asyano ng mapayapa at
marahas na pamamaraan upang makamit nila muli ang kalayaan. Subalit
masasabi nga bang ganap na naging malaya ang bawat bansa matapos silang
makapagtatag ng kanilang sariling pamahalaan? Sa pagwawakas ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagkaroon ng bagong paraan ng
pananakop na tinatawag na Neokolonyalismo. Ito ay ang di-tuwirang
pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa
Ang bansang Japan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay
nakaranas ng neokolonyalismo mula sa United States of America. Ang iba pang
bansa tulad ng Vietnam at Pilipinas ay tulad din ang naranasan sa Japan. Ang
pagkakaloob ng tulong pinansiyal, at militar ay ilan lamang sa anyo ng
neokolonyalismo. Sa aspektong ito, lumalabas na tinutulungan ng mga
kapitalistang bansa o maunlad na bansa ay ang mga dating kolonya na
kalimitan ay nasa Asya at Aprika. Nagkakaroon ng mga kasunduang legal sa
magkabilang bansa upang maging posible ang pagbibigay at pagtanggap ng
mga tulong na ito. Sa kabilang banda, hindi maitatanggi na labis din ang
kapakinabangang tinatamasa ng mga kapitalistang bansa sa ganitong
sitwasyon. Katulad ng pagtataguyod at pamumuhunan sa mga bansang
kanilang tinutulungan.
Samantala kahit sa kasalukuyan ay masasalamin pa rin sa mga bansang
kanilang tinulungan ang impluwensiyang pulitikal, cultural at sosyal. Naging
instrumento rin nila sa kanilang neokoloyalismo
ang mga institusyon katulad ng International Monetary Fund (IMF), World Bank
(WB) at maging United Nations (UN) . Bunga nito, ang kulturang kanluranin ay
bahagi ng halos lahat ng bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.Ito ay
isang matibay na patunay na niyakap ng mga Asyano ang kanilang
kalinangan.Pinatutunayan din nito ang pananatili ng kontrol o kung di-man ay
ang impluwesiya ng mga dating mananakop na bansa.

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano ang Neokolonyalismo?


2. Nagaganap pa ba ang Neokolonyalismo sa kasalukuyan?
Patunayan?
3. Bakit itinuturing ang mga institusyon katulad ng International
Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at maging United
Nations (UN) na instrumento ng neokolonyalismo?

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


382
Ngayon na maliwanag na sa iyo ang tinatawag na neokolonyalismo, tiyak na
may iba kang pagtingin at saloobin sa isyu na ito. Ilahad mo ang iyong pananaw
at saloobin sa pamamagitan ng iyong aktibong paglahok sa susunod na
gawain.

GAWAIN BLG 9: WHAT’S ON YOUR MIND?


Sa pamamagitan ng “One Minute Essay” bumuo ka ng sanaysay ukol
sa sumusunod na paksa.

a. Neokolonyalismo: Mabuti o di mabuti para sa mga Asyano?


b. Globalisasyon: Isang Paraan ng Neokolonyalismo?

Rubrics sa Pagsulat ng Sanaysay


Puntos Lebel Pamantayan: Katangian ng Isinulat na
Komposisyon
10 Napakahusay  Buo ang kaisipan, tuloy-tuloy ang daloy,
kumpleto ang detalye ng kaganapan sa
kasaysayan na tinalakay
 Malinaw ( hindi na manghuhula pa ang
babasa kung ano ang layunin ng sumulat)
at nakabatay sa tunay na pangyayari
 Gumamit ng wastong bantas.
8 Mahusay  May kaisahan at may sapat na detalye ng
kaganapan sa kasaysayan na tinalakay
na nakabatay sa tunay na pangyayari
 May malinaw na intensyon na
makapagbigay ng mensahe na nakabatay
sakasaysayan
 Gumamit ng wastong bantas
6 Katamtaman  Tuloy-tuloy ang daloy, may kaisahan,
kulang sa detalye ng kaganapan sa
kasaysayan,
 Di-gaanong malinaw ang intensyon
 Gumamit ng wastong bantas
4 Mahina  Hindi ganap ang paglalahad ng detalye
ng kaganapan sa kasaysayan
 Di-malinaw ang intensyon

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


383
 Hindi wasto ang bantas na ginamit
2 Napakahina  Hindi buo at tuloy-tuloy ang daloy, walang
sapat na detalye ng kaganapan sa
kasaysayan
 Malabo ang intensyon
 Di-wasto ang bantas

Naging mahusay ba ang ginawa mong essay batay sa iyong nakuhang puntos?
Anong paksa ang iyong napili? Sigurado ako na malaya mong nailahad ang
iyong saloobin at opinyon.Ipagpatuloy mo na muli ang iyong pag-aaral, ngayon
naman ay alamin mo ang mahalagang kontribusyon ng mga babae sa
pagbabagong naganap sa Asya.Handa ka na ba? Simulan mo na ang
pagbabasa.

GAWAIN BLG 10: ANG KABABAIHAN SA


KASALUKUYANG ASYA

Ang ika-16 hanggang 20 siglo ay nagsilbing oportunidad sa mga


kababaihan para mapalawak ang kanilang papel sa lipunan at maitaguyod ng
may mataas na paggalang at pagkilala.Narito ang ilan sa mga kababaihan sa
Silangan at Timog Silangang Asya na gumawa ng kanilang pangalan bunsod
ng kanilang naiambag. Kilalanin ang ilan sa kanila.

Pangalan Bansa Mahalagang Nagawa


Mitsu Tanaka Japan Nagtatag ng Garrupo Tatakan
Onuatachi
(Fighting Women Group) at layong
tutulan ang abortion at itaguyod
ang mga karapatan ng babae.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


384
Corazon Aquino Philippines Unang babaeng pangulo ng bansa
at kinikilala bilang Ina ng
Demokrasya.

Aung San Suu Burma Pinuno ng National League for


Kyi Democracy at Nobel Peace
Laureate

Megawati Indonesia Unang babaeng pangulo ng


Sukarnoputri Indonesia

Mapupuna na maraming kababaihan na ang tumanyag sa ibat-ibang


larangan maliban sa mga nabanggit .Isa itong malaking tagumpay ng mga
babae sa rehiyon na minsan sa kasaysayan ay itinuring na di gaanong
mahalaga.Ipinaloob na din ng ibat-ibang bansa sa kanilang saligang batas ang
mga karapatan ng babae na layuning maitaguyod ito para sa kanilang
kapakanan.Hindi rin matatawaran ang malaking partisipasyon ng mga babae
sa pag-akyat ng ekonomiya ng kanilang bansa. Sa Pilipinas ang grupong
Gabriela ay kilala sa pakikipaglaban sa karapatan ng mg babae. Isa ito sa party
list ng Kongreso ng Pilipinas.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


385
PAMPROSESONG TANONG

1. Bakit maituturing na kahanga-hanga ang mga nagawa nang mga


kababaihan na nabanggit sa tsart?
2. Maituturing mobang mahalaga sa kasalukuyang panahon ang
ginagampanan ng mga kababaihan? Bakit?
3. Sino sa mga kababaihan sa kasalukuyang panahon sa Silangan at
Timog Silangang Asya ang labis mong hinahangaan? Bakit?

Batid mo ba ang iba’t ibang isyu na kinasasangkutan ng mga babae sa


kasalukuyang panahon? Ano ang opinyon at saloobin mo ukol dito?
Ipahayag mo ito sa pamamagitan ng pagsasagawa mo sa susunod na
gawain.

GAWAIN BLG 11: PUNTO DE BISTA! Pag-aralan ang


mga isyu na kinakaharap ng mga kababaihan sa kasalukuyan.
Sagutan ang tsart sa ibaba.

Isyu Dapat Di-dapat Paliwanag


1. Paglahok ng babae
sa pulitika
2. Pagtatrabaho ng
babae sa labas ng
bansa
3. Abortion
4. One Child Policy
5. RH Law

Kamusta ang pagsagot mo sa tsart? Marahil ay masasabi mong tunay na hindi


madali ang papel ng isang babae at tunay na siya ay mahalaga sa bansa. Ang
pagkakaroon ng edukasyon ng mga bansa sa Asya ay masasabing isang
mahalagang salik sa pagbabagong pananaw na ito sa kahalagahan ng babae
sa bansa. Alamin mo sa susunod na gawain ang antas ng edukasyon ng mga
bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


386
GAWAIN BLG 12: ANG KAHALAGAHAN NG
EDUKASYON SA MGA ASYANO

Itinuturing ng maraming Asyanoang edukasyon na isa sa kanilang


pangunahing pangangailangan. Naniniwala sila na ito ay isang tiyak na paraan
para maiahon ang kanilang sarili buhat sa kahirapan.Sa kabilang banda,
marami pa ring Asyano ang walang sapat na edukasyon kung ikukumpara sa
iba pang kontinente sa daigdig ayon sa UNESCO. Tunghayan ang talahanayan
kaugnay sa Illiteracy Rate Adult sa Silangan at Timog Silangang Asya
Education: Illiteracy Rate Adult (% of Females/ Male Ages 15 and above)

Bansa 1970 1980 1990 2000


Silangang
Asya B L B L B L B L
China 64.48 33.84 47.82 22.02 33.08 13.55 23.72 8.34
Hongkong 35.29 7.88 23.76 5.98 5.63 4.65 9.83 3.46
Japan
South Korea 19.89 6.26 11.07 3.15 6.56 1.61 3.59 0.86
Timog
Silangang
Asya
Brunei 58.78 27.6 32.54 14.83 20.6 8.99 11.9 5.42
Cambodia 74.4 28.88 62.31 25.05 51.9 22.16 42.89 20.22
Indonesia 56.08 40.53 27.41 18

Malaysia
54.09 29.78 37.54 19.87 25.52 13.05 16.56 8.57
Myanmar 43.39 16.68 34.11 14.53 25.69 12.62 19.47 11.05
Philippines 18.29 14.59 12.09 10.06 8.12 7.06 4.87 4.54
Thailand 27.29 11.99 17.37 7.5 10.51 4.64 6.12 2.85
Singapore 40.46 14.1 26.19 8.67 16.73 5.51 11.62 3.73
Vietnam 27.63 8.93 19.2 6.68 13.1 5.51 8.62 4.46

Pananda: B – babae L – lalaki

Marahil ay nagtataka ka kung bakit wala sa tahanayan sa Silangang


Asya ang Japan. Ito ay sa kadahilanang halos lahat ng mamamayan dito ay
nakababasa at nakasusulat na siyang naging instrumento nito sa pag-unlad.
Para palalimin pa ang iyong kaalaman dito, basahin ang Batayang Aklat, Asya
Pag usbong ng Kabihasnan, mga pahina 368-376.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


387
PAMPROSESONG TANONG

1. Aling bansa sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya ang may


pinakamalaking illiteracy rate?
2. Aling bansa sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya ang may
pinakamataas na illiteracy rate?
3. Anong konklusyon ang mahihinuha mula sa talakayang sinuri?
4. Paano nakaaapekto sa mga bansang nabanggit ang pagkakaroon ng
mataas na illiteracy rate? o mababang illiteracy rate?Ipaliwanag
5. Ano ang mga mungkahi mong solusyon para mabawasan ang bilang ng
di marunong bumasa at sumulat sa ating bansa? Ipaliwanag ito.

Maliban sa edukasyon, ang relihiyon ay may mahalagang ginampanan din sa


pagbabagong naganap sa Asya, alamin mo ito sa susunod na gawain.

GAWAIN BLG 14: ANG RELIHIYON SA ASYA SA IBA’T IBANG


ASPETO NG PAMUMUHAY

Sa Silangang Asya ay nananatiling matatag ang Buddhism, Shintoism,


Confucianism, at Taoism bilang relihiyon. Samantala sa Timog Silangang Asya
ang Islam at Kristiyanismo ay mababakas pa rin. Sa paglipas ng panahon,
napatatag ng mga relihiyong ito ang pamilyang Asyano. Sa ilang pagkakataon
ito ay sanhi rin ng pagbubuklod tungo sa pagbabagong pampulitika. Sa
Pilipinas noong 1986 ay nagtagumpay ang mga pari at madre na bigkisin ang
sambayanang Pilipino upang maipakilala sa buong daigdig ang isang
mapayapang rebolusyon. Ang EDSA People Power Revolution ay ang sanhi
ng pagpapatalsik kay dating Pang.Marcos. Bagamat ang ilang pagkakataon ng
di pagkakaunawaan sa ilang bansa ay nag-uugat din sa aspektong panrelihiyon
tulad ng sa Mindanao at East Timor.

PAMPROSESONG TANONG
1. Ano-ano ang mga relihiyong umiiral sa Silangan sa Silangan at
Timog Silangang Asya?
2. Bakit itinuturing na mahalaga ang relihiyon sa aspeto ng pamumuhay
sa mga Asyano?
3. Naniniwala ka ba nananatiling makapangyarihan ang simbahang
Katoliko sa Pilipinas? Patunayan.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


388
GAWAIN BLG 15: WHAT’S YOUR STAND? YES OR NO. Lagyan
ng tsek ang YES kung sumasang-ayon ka sa pahayag at NO kung tutol
ka dito. Ipaliwanag ang iyong sagot.

YES NO PALIWANAG
1. Pagkakaroon ng opisyal na
relihiyon ng isang bansa.
2. Panghihimasok ng simbahan
sa gawaing pulitikal
3. Paglahok sa halalan ng mga
alagad ng simbahan
4. Pagganap sa mga gawaing
pansibiko ng simbahan
5. Pagpapahintulot sa mga babae
na mamuno sa simbahan.

Tunay na malaki ang ginampanan ng relihiyon sa paghubog ng buhay sa Asya.


Hindi lamang ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig ang naiambag ng
Asya kundi maging ang mga katangi-tangi nitong mga mamamayan. Kikilanin
mo ang ilan sa mga asyanong hinangaan sa daigdig,ipagpatuloy mo ang
gawain

GAWAIN BLG 16: PAMANA NG SILANGAN AT TIMOG -


SILANGANG ASYA SA DAIGDIG

Ang Silangan at Timog Silangang Asya ay binigyan ng mga


mahuhusayna mamamayang nakilala sa ibat-ibang dako ng daigdig.
Hinahangaan ang kanilang husay at galing sa larangang ng isports at panitikan.
Ang ilan sa kanila ay makikita sa talahanayan

Kontribusyon Bansa Larangan


1. Lydia De Vega – Philippines Athletics
Mercado
2. Paeng Nepomuceno Philippines Bowling
3. Efren “Bata” Reyes Philippines Billiards
4. Manny Pacquiao Philippines Boxing
5. Viswanathan Anaud India Chess
6. Yao Ming China Basketball
7. Jung Koo Chang Korea Boxing

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


389
8. Murashaki Shikibu Japan Panitikan
9. Gao Xingjian China Panitikan

Pamana din ng Silangan at Timog Silangang Asya ang orkestrang


Gamelan sa Indonesia, ang dulang Noh at Kabuki ng Japan. Ang mga ito ay
lalong nagpatanyag sa rehiyon ng Asya sa daigdig.

Kahanga-hanga sila di ba? Tulad nila kaya mo ring magtagumpay kung


paghuhusayan mo pa ang iyong pag-aaral at patuloy mong tutuklasin ang iyong
kakayanan. Tignan natin kung paano mo mailalahad ang iyong pagmamalaki
bilang isang Asyano.

GAWAIN BLG 17: PROUD TO BE ASIAN!


Kaugnay sa mga naunawaan mong ilan sa mga ambag ng Silangan at
Timog Silangang Asya sa kabihasnan, buuin ang talata sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga salitang bubuo sa diwa nito.

Ang Silangan at Timog Silangang Asya ay__________________________ sa


daigdig____________________na dapat nitong____________________________.
Pinatunayan ng mga mamamayan sa rehiyonh ito ng Asya na ________________.
Bilang kabataan ng kasalukuyang henerasyon nais kong _______________ upang
patuloy na ____________ ang Silangan at Timog Silangang Asya sa daigdig.
Magagawa kong ______________ ang mga ambag na ito ngSilangan at Timog
Silangang Asya sa pamamagitan ng _______________________.

Bago mo ganap na iwanan ang yugtong ito ng modyul ay iyong


balikan ang naging kasagutan mo sa IRF Worksheet at Poll Opinyon.
Handa ka na ngayong buuin ang iyong IRF Worksheet. Sa iyong mga
sagot sa Poll Opinyon, ilan ang tama? Ilan naman ang Mali? Ngayon ay
nalinang na sa iyo ang mga pagbabagong naganap sa Silangan at
Timog Silangang Asya sa transisyunal at makabagong panahon.
Handa ka na ngayong pagnilayan at higit pang unawain ang araling ito.

Pagnilayan at Unawain…………..

Sa bahaging ito ng modyul ay alam kong madali mo nang


masasagot ang mga gawain bunsod ng kaalamang iyong natamo.
Tandaan, iyong patuloy na inaaral ang mga pagbabagong naganap sa
Silangan at Timog Silangang Asya sa transisyunal at makabagong
panahon.Pagbutihan mo pa sa susunod na gawain.
Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material
390
GAWAIN BLG 18: ALAM KO NA! Paghambingin mo ang mga
pagababagong naganap saSilangan at Timog Silangang Asya gamit ang

Compare ang Contrast Diagram

Paksa 1: Silangang Asya Paksa 2: Timog Silangang Asya

Paano nagkakatulad?

Paano nagkakaiba?

Kaugnay sa:
Pamahalaan
Ekonomiya
Edukasyon
Relihiyon
Kontribusyon

Itala sa kuwaderno ang natapos na gawain..

Napakarami mo ng natutuhan mula sa mga aralin at gawain sa mga naunang


pahina. Sigurado ako na marami kang bagong natuklasan tungkol sa Silangan
at Timog Silangang Asya,sa susunod na gawain muling susubukin ang mga
natutuhan mong ito,ipagpatuloy mo ang pagsagot.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


391
GAWAIN BLG 19: TUKLASIN MO!

1. Kilalanin ang mga personalidad na tumanyag sa Silangan at Timog


Silangang Asya bunsod sa mga pagbabagong naganap dito mula sa
tradisyunal patungong makabagong panahon.
2. Pumili ng graphic organizer na iyong magagamit upang maipakita
ang mahahalagang detalye ng iyong sinaliksik.
3. Ibahagi ito sa klase bago ganap na isumite sa guro.

PAMPROSESONG TANONG

1. Bakit tumanyag ang mga nabanggit na personalidad?


2. Paano mo tutularan ang mga nagawa nila ?
3. Nakatulong ba sila sa pagbabagong naganap sa Asya?Patunayan.

Magaling! Nagagalak ako at nalampasan mo ang mga gawain


sa tatlong naunang bahagi. Malapit mo nang matapos ang pagsagot
sa modyul na ito.Ang huling bahagi ay ang ilipat at isabuhay.
Good Luck!

Ilipat at isabuhay…….

Narating mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. Sa


puntong ito nais kong unawain mong mabuti ang sitwasyon na
isinasaad dito sa pamamagitan ng paglalagay mo ng iyong sarili sa
gampaning isinasaad.Sa gawaing ito ay masusukat natin ang iyong
tinamong kaalaman sa mga nakaraang modyul.Ang iyong gawain
ay mamarkahan gamit ang rubrics.

Bunsod ng iba’t ibang suliraning kinakaharap sa Silangang Asya at


Timog – Silangang Asya nagpasya ang mga bansang bumubuo dito na
magdaos ng isang kumperensiya upang talakayin ang mga naturang suliranin.
Bilang isang kinatawan ikaw ay inaasahang makapagbigay ng mga mungkahi
kung paano lulutasin ang mga nasabing suliranin. Ang iyong mga mungkahi ay
ilalahad sa mga iba pang kinatawan ng kumperensiya sa pamamagitan ng
power point presentation. Ang iyong mungkahi ay mamarkahan batay sa mga
sumusunod na pamantayan: kaalaman sa paksa, pinaghalawan ng datos,
organisasyon, presentasyon, kaangkupan ng mungkahi.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


392
Goal: Talakayin ang mga suliranin na kinakaharap ng Silangan at Timog –
Silangang Asya

Role: Kinatawan ng isang bansa

Audience: Iba’t ibang kinatawan mula sa ibang bansa ng dalawang rehiyon

Situation: May mga suliraning kinakaharap ang mga bansa sa Silangan at


Timog – Silangang Asya na kailangang mabigyan ng agarang solusyon

Performance: Makapaglahad ng proposal na nakasulat sa isang malinis na


piraso ng papel o bond paper.

Standards: Kaalaman sa paksa, pinaghalawan ng datos, organisasyon,


presentasyon, kaangkupan ng mungkahi.

Kriterya 4 3 2 1
Kaalaman sa Higit na Nauunawaan Hindi gaanong Hindi
Paksa nauunawaan ang paksa ang maunawaan maunawaan
ang mga mga ang paksa. ang paksa ang
paksa. Ang pangunahing Hindi lahat ng mga
mga kaalaman ay pangunahing pangunahing
panguhaning nailahad ngunit kaalaman ay kaalaman ay
kaalaman ay di-wastoang nailahad may hindi nailahad
nailahad at ilan: may ilang mga maling at natalakay at
naibigay ang impormasyon impormasyon walang
kahalagahan, na hindi at hindi kaugnayan
wasto at maliwanag ang naiugnay ang ang mga
magkaka- pagkakalahad. mga ito sa pangunahing
ugnay ang kabuuang impormasyon
mga paksa. sa kabuuang
impormasyon Gawain.
sa kabuuan.
Pinaghalawan Binatay sa iba’t Ibinatay sa iba’t Ibinatay Walang
ng Datos ibang saligan ibang saligan lamang ang batayang
ang mga ang mga saligan ng pinagkunan at
kaalaman tulad impormasyon impormasyon ang mga
ng mga aklat, ngunit limitado sa batayang impormasyon
pahayagan, lamang. aklat lamang. ay gawa-gawa
video clips, lamang.
interview, radio
at iba pa.
Organisasyon Organisado Organisado Walang Di organisado
ang mga paksa ang mga paksa interaksyon at ang paksa.
at sa kabuuan sa kabuuan at ugnayan sa Malinaw na

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


393
maayos ang maayos na
mga kasapi. walang
presentasyon presentasyon Walang preparasyon
ng Gawain ang ngunit di
malinaw na ang paksa.
pinag-sama- masyado presentasyon
samang ideya nagamit nang ng mga paksa.
ay malinaw na maayos ang
May
naipapahayag powerpoint powerpoint
at natatalakay presentation.presentation
gamit ang mga ngunit hindi
makabuluhang nagamit at
powerpoint nagsilbi
presentation. lamang na
palamuti sa
pisara?
Presentasyon Maayos ang Maayos ang Simple at Ang
pagkakalahad. paglalahad. maikli ang paglalahad ay
Namumukod May ilang presentasyon. hindi malinaw.
tangi ang kinakabahan at Walang
pamamaraan, may kahinaan gaanong
malalakas at ang tinig. presentasyon.
malinaw ang
pagsasalita
sapat para
marinig at
maintindihan
ng lahat.
Kaangkupan Ang mga Ang mga May ilang Maraming
ng Mungkahi mungkahi ay mungkahi ay mungkahi na mga
naaangkop naaangkop sa hindi mungkahi
sa iba’t ibang iba’t ibang naaangkop ang hindi
bansa at bansa sa ibang angkop sa
sensitibo sa bansa ibang bansa
lahat ng antas
ng lipunan

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


394
Panghuling Pagtataya

Sa bahaging ito ay susubukin kung naunawaan mo ang mga


paksang tinalakay. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa
sagutang papel ang iyong kasagutan.

1. Ang pagdating ng mga iba’t - ibang mananakop sa Silangan at Timog –


Silangang Asya ay nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay
ng mga Asyano. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pagbabago sa aspetong pulitikal ng mga nasakop na bansa?
a. Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
b. Pagpapatayo ng mga imprastraktura
c. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon
d. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa

2. Magkakaiba ang pamamaraang ginamit ng mga Asyano sa


pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo.
Alin sa mga sumusunod ang mga samahan na itinatag ng mga Pilipino
na naglalayong ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan?
a. Bodi Utomo at Sarekat Islam
b. Kilusang Propaganda at Katipunan
c. Partido Kuomintang at Partido Kunchantang
d. Anti-Facist People’s Freedom League

3. Sa paanong paraan nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig


sa paglaya ng mga bansa sa Timog Silangang Asya?
a. Marami ang napinsala at namatay
b. Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng civil war
c. Lumakas ang nasyonalismo at napabilis ang paglaya
d. Umigting ang tunggalian ng ideolohiyang demokratiko at
komunismo

4. Ang China ay nakilala sa pagkakaroon ng sistemang dinastiya sa


larangan ng pamamahala. Alin sa mga sumusunod na sistemang
politikal ito nahahawig?
a. Demokrasya
b. Monarkiya ( Konstitusyonal )
c. Monarkiya ( Walang takda )
d. One Party Government

5. Suriin ang talahanayan ukol sa bilang ng mga di marunong bumasa at


sumulat ng ilang mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Education: Illiteracy Rate Adult (% of Females/ Male Ages 15 and
above)

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


395
Bansa 1970 1980 1990 2000
B L B L B L B L
China 64.48 33.84 47.82 22.02 33.08 13.55 23.72 8.34

Hongkong 35.29 7.88 23.76 5.98 5.63 4.65 9.83 3.46


South Korea 19.89 6.26 11.07 3.15 6.56 1.61 3.59 0.86
Philippines 18.29 14.59 12.09 10.06 8.12 7.06 4.87 4.54
Thailand 27.29 11.99 17.37 7.5 10.51 4.64 6.12 2.85
Singapore 40.46 14.1 26.19 8.67 16.73 5.51 11.62 3.73

Pananda: B – babae L - lalaki


Ano ang pinakamabisang naging epekto sa mga bansa sa Silangan at
Timog-Silangang Asya na may mababang illiteracy rate?
a. Nakatulong ang mga mamamayan sa pagpapa-unlad ng ekonomiya
ng bansa.
b. Napanatili ang katatagang pampulitika.
c. Napagyaman ang ugnayan sa loob at labas ng bansa.
d. Nagtungo ang mga mamamaya sa ibang bansa upang magtrabaho.

6. Ang mga sumusunod ay pangyayaring naganap at naging papel ng


nasyonalismo upang makalaya ang bansang Vietnam. Iayos ang mga
pangyayari ayon sa historikal na kaganapan ng bansa.

I. Vietnam War na sinalihan ng bansang Amerika


II. Pagkakahati ng Vietnam sa dalawa dahilan sa magkatunggaling
ideolohiya
III. Pag-iisa ng Vietnam sa pamumuno ni Nguyen Ai-Quoc o Ho
Chih Minh mula sa kilusang Viet Minh sosyalismo
IV. Pag-iwan sa Timog Vietnam ng Amerika at pagpapasailalim sa
kontrol ng grupong may ideolohiyang komunismo at

a. I, II, III, IV
b. II, I, IV, III
c. III, IV, II, I
d. IV, III, II, I

7. Bago maganap ang kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin noong


ika-16 hanggang ika-19 na siglo, magkatulad ang patakarang panlabas
ng China at Japan. Subalit magkaiba naman ang kanilang naging tugon
sa pagdating ng mga dayuhang mananakop sa kanilang bansa. Gamit
ang venn diagram, panghambingin ang pakikitungo ng dalawang bansa
bago at sa harap ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


396
a. Pagkakatulad: Parehas na isinara ang bansa sa mga dayuhan;
Pagkakaiba: Tinanggihan ng China ang mga dayuhan. Tinanggap
ng Japan ang mga dayuhan.
b. Pagkakatulad: Parehas na isinara ang bansa sa mga dayuhan;
Pagkakaiba: Tinaggap ng China ang mga dayuhan. Tinanggihan ng
Japan ang mga dayuhan.
c. Pagkakatulad: Parehas na binuksan ang bansa sa mga dayuhan;
Pagkakaiba: Tinaggap ng China ang lahat ng mga Kanluraning
bansa. Tinanggap ng Japan ang bansang United States.
d. Pagkakatulad: Parehas na binukasan ang bansa sa mga dayuhan.
Pagkakaiba. Tinanggap ng China ang United States. Tinaggap ng
Japan ang lahat ng mga Kanluranin.

8. .Sina Gloria Macapagal-Arroyo, Maria Lourdes Sereno, Lydia De Vega-


Mercado, Lea Salonga at iba pa ay pawang mga Pilipinang tumanyag
sa loob at labas ng bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
nagsasaad ng kahalagahan ng katanyagang tinamo ng mga nabanggit
na kababaihan?
a. Pinatunayang kayang higitan ng mga babae ang mga lalaki.
b. Higit ang talino at kasanayang taglay ng mga babae.
c. Mas may pagpapahalaga at tiwala ang lipunan sa mga babae.
d. May taglay ng karapatan at kalayaan ang mga babae.

9. Ang isyu tulad ng same sex marriage ay nanatiling kontrobersiyal na


usapin sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya partikular
na sa Pilipinas. Ano ang mahihinuha sa kaisipan ng mga Asyano ukol
sa usapin na ito?
a. Ang kulturang kanluranin ay hindi tanggap ng mga Asyano.
b. Nanatiling tradisyonal ang kaisipan at saloobin ng mga Asyano.
c. May mataas na pagpapahalaga ang mga Asyano sa kanilang
kultura at relihiyon.
d. Ang mataas na edukasyon ng mga Asyano na nakatulong sa
kanilang pagpapasya sa buhay.

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


397
10. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng
mga Asyanong nagtatagumpay sa iba’t ibang larangan ng palakasan
sa daigdig. Paano nakaapekto ang tagumpay na ito ng mga bansang
Asyano sa pananaw ng mga bansa sa daigdig?
a. Naging sentro ng kontrobersiya ang tagumpay na natamo ng mga
Asyano.
b. Kinilala ang Asya sa larangan ng palakasan bilang isang
powerhouse.
c. Itinuring na balakid ng ibang mga bansa ang tagumpay na tinamo
ng mga Asyano sa kanilang sariling hangarin.
d. Maraming atletang Asyano ang hinangad ng ibang mga bansa na
makuha nila.

11. Pahayag 1: Ang lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangan


Asya na naghangad nang kalayaan sa pananakop ng mga bansang
Kanluranin ay lumaya sa pagyakap sa kaisipang liberal at ideya ng
demokrasya

Pahayag 2: Ang pananakop at paniniil ng mga bansa sa Silangan Asya


at Timog Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng diwang
makabansa bilang tugon sa pang-aabuso ng mga kanluranin
a. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali
b. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama
c. Lahat ng pahayag ay tama.
d. Lahat ng pahayag ay mali.

12. Para sa aytem na ito, suriin ang flowchart

Panahon ng Pagpapatupad ng iba’t Pag-usbong ng


Kolonyalismo at ibang patakaran na damdaming
Imperyalismong nagpahirap sa mga Nasyonalismo ng
Kanluranin Asyano mga Asyano

Paglaya ng mga bansang Asyano Pagharap ng mga Asyano sa


mula sa mga dayuhang mga kasalukuyang hamon
mananakop

a. Ang panahon ng Imperyalismong Kanluranin ay sinundan ng pag-


usbong ng damdaming Nasyonalismo sa mga Asyano
b. Maiuugnay ang kasalukuyang kalagayan ng mga bansang Asyano
sa epekto ng Panahon ng Imperyalismong Kanluranin at Panahon ng
pag-usbong ng damdaming Nasyonalismo
c. Hindi mabubuo ang damdaming Nasyonalismo ng mga Asyano kung
hindi dahil sa mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop na
kanluranin sa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


398
d. Ang mga Kanluranin ang nagasagawa ng imperyalismo a
kolonyalismo samantalang ang mga Asyano naman ang
nagpamalas ng iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng damdaming
nasyonalismo

13. Suriin ang sumusunod na pahayag:

Pahayag 1: Ang Thailand ay hindi nasakop ng kahit na siong dayuhan


samantalang ang Korea ay sinakop ng mga Hapones.

Pahayag 2: Lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya


ay sinakop ng mga Europeo.

a. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali


b. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama
c. Lahat ng pahayag ay tama.
d. Lahat ng pahayag ay mali.

14. Pahayag 1:Ang mga nanakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay


pawang mga Kanluranin

Pahayag 2: Gumamit nang dahas ang mga Kanluranin sa pananakop


sa Silangan at Timog Silangang Asya

a. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali


b. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama
c. Lahat ng pahayag ay tama.
d. Lahat ng pahayag ay mali.

15. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanggol ng


teritoryo laban sa mas malakas na bansa, bilang isang kinatawan ng
iyong bansa alin sa mga sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa
iyong gagawing resolusyon ?
a. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin
naman.
b. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para
walang gulo
c. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa anuman
ang mangyari
d. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin
upang magkaroon ng kaalyansa

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


399
16. Itinuturing ng ilan na isang porma ng neokolonyalismo ang tulong
pinansiyal, militar at impluwensiyang kultural na hatid ng mga bansang
kanluranin sa mga bansa sa Asya. Ano ang mabisang gawin ng mga
Asyano upang mapangalagaan nila ang kanilang sariling kapakanan?
a. Putulin ang ugnayan sa mga bansang ito at simulan ang pagiging
nakapagsasarili sa aspektong pinansiyal,militar at kultural.
b. Pumili ng mga bansang makapagbibigay ng higit na
kapakinabangan sa aspektong pinansiyal, militar at kultural.
c. Pag-aralan at suriin ang epekto ng mga kasunduang umiiral at
bubuin pa lamang kaugnay sa aspektong pinansiyal, militar at
kultural.
d. Lumahok sa iba pang samahang panrehiyon at pandaigdig para sa
higit na tulong pinansiyal, military at kultural.

17. Isa sa mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin ay


ang pagbabago sa kalagayang pang-ekonomiya ng mga Asyano.
Bagama’t may ilang bansang umunlad, karmihan sa mga bansang
Asyano na nasakop ng mga dayuhan ay hindi pa rin ganap na maunlad
sa kasalukuyan. Ano ang nararapat na gawin ng mga nasakop na bansa
kung sakaling muling makipag-ugnayan sa kanila ang mga dating
mananakop na dayuhan?
a. Tanggihan ang mga dayuhang bansa na naghahangad na
makipagkalakalan
b. Tukuyin lamang ang mga lugar kung saan maaaring
makipagkalakalan ang mga dayuhan na dating mananakop ng bansa
c. Talikuran ang hindi magandang karanasan sa mga dayuhan subalit
itigil na ang pakikipag-ugnayan sa kanila
d. Tanggapin ang kanilang pagnanais na pakikipagtulungan at
pakikipagkalakalan

18. Mahigpit na pinagtatalunan ng bansang China at Pilipinas ang mga isla


ng Spratly na tinatawag din ng mga Pilipino na Kalayaan Islands. Noong
panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, ang mga teritoryo ng mga
bansang Asyano ay sinakop ng mga Kanluranin, ano ang nararapat
gawin upang maiwasan na mauwi sa pananakop ng China ang sigalot
sa Spratly Islands?
a. Idulog ang usapin sa pandaigdigang husgado upang maresolba ng
mapayapa ang nabanggit na krisis
b. Palakasin ang puwersang pandigma ng Pilipinas upang maging
handa sa posibleng digmaan
c. Humingi ng tulong sa mga malalakas na bansa upang matapatan
ang malakas na puwersa ng China
d. Makipagkasundo sa pinuno ng pamahalaang Tsino upang
paghatian ang mga isla sa Spratly

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


400
19. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong
Kanluranin sa Asya. Isa dito ay ang pagbabago sa kultura na naging
dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayang
Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may kaugnayan sa mga
hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang
nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na
suliranin?
a. Sisihin ang mga Kanluraning bansa na nanakop sa mga bansang
Asyano
b. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop noon
sa Asya
c. Magsumikap sa pag-aaral upang hindi maging pabigat sa lipunan
d. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para
mapaunlad ang bansa

20. Ang mga OFW ay itinuturing na pangunahing dahilan ng unti-unting


pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas. Kamakailan lang ay patuloy ang
pagbalik sa bansa ng mga OFW bunsod ng mga di magandang
karanasan na kanilang tinamo tulad ng pang-aabuso, pagmamaltrato at
iba pa. Kung ikaw ang Sec. of DFA ano ang iyong imumungkahing
mabisang gawin ng pamahalaan ukol dito?
a. Himukinangmga OFW nabumaliksamgabansangpinagtatrabahuhan
b. Wakasan ngPilipinas ang ugnayan sa mga nasabing bansa.
c. Himukinangmgakaratigbansanamagpairalng ‘economic embargo’.
d. Maglunsadngmgaprogramangpangkabuhayanparasamganagbalik
na OFW

Nagtapos na ang mga aralin tungkol sa Mga Bansang Asyano. Nawa’y


magsilbi itong patnubay sa susunod na lebel ng iyong pag-aral sa
Kasaysayan ng Daigdig sa Grado -9. Binabati kita sa iyong matagumpay
na paglalakbay, malalim na pag-unawa sa iyong binsa at mahusay na
pagtugon sa lahat ng gawain. Mabuhay ka!

Aral Pan 7 OHSP Learner’s Material


401

You might also like