You are on page 1of 9

ESP 7

TAO: ANG NATATANGING LIKHA

Mayroong tatlong uri ng nilikhang may


buhay sa mundo: ang halaman, ang hayop at
ang tao. Ang tao ay nangangailangang
alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.
Kumukuha siya ng sapat na sustansya upang
makaya niyang suportahan ang sarili.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., ang tao ay
may tatlong mahahalagang sangkap:

1.ang isip;
2.ang puso; at
3.ang kamay o katawan
ISIP
Ang isip ay ang kakayahang mag – isip,
alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
Ito ay may kapangyarihang maghusga,
mangatwiran, magsuri, mag – alaala at
umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
Kaya’t ang isip ay tinatawag na katalinuhan
(intellect) , katwiran (reason), intelektwal na
kamalayan (intellectual consciousness),
konsensya (conscience) at intelektwal na
memorya (intellectual memory) batay sa gamit
nito sa bawat pagkakatao.
PUSO
Ito ay maliit na bahagi ng katawan na
bumabalot sa buong pagkatao ng tao.
 Nakakaramdam ito ng lahat ng bagay
na nangyayari sa ating buhay.
Dito nanggagaling ang pasya at
emosyon.
Sa puso hinuhubog ang personalidad ng
tao. Lahat ng kasamaan at kabutihan ng
tao ay dito natatago.
KAMAY O KATAWAN
Ito ay sumasagisag sa pandama, panghawak,
paggalaw, paggawa at pagsasalita (sa bibig o
pagsusulat).
Ito ay karaniwang ginagamit sa
pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.
Hindi sapat na naiisa – isa ng tao ang
iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ,
ang mahalaga ay maunawaan niya kung
anu – ano ang gamit ng mga ito.

You might also like