You are on page 1of 5

PANGALAN:_____________________________

SUBJECT: ARALING PANLIPUNAN 7


BAITANG & PANGKAT:___________________

YUNIT II
MODYUL 8:
Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito

LEARNING COMPETENCY: Natatalakay ang konsepto ng


kabihasnan at mga katangian nito

PANGKALAHATANG IDEYA
Maligayang pagbabalik! Natapos mo na ang mga aralin sa Unang Markahan.
Maaari ka nang magpatuloy ng pagkatuto sa Modyul 8: Konsepto ng Kabihasnan
at mga Katangian Nito para sa pagsisimula ng mga gawain sa Ikalawang Markahan.
Matapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aral ay inaasahang:
a.) matutukoy ang pinagmulan ng mga unang tao sa Asya,
b.) mapapahalagahan ang bawat yugto ng pamumuhay at pag-unlad ng sinaunang
tao sa Asya, at
c.) nakabubuo ng isang talakayan sa pamamagitan Facebook Group o Google
Classroom tungkol sa konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito.

PANIMULA
Ang kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay
maraming tanong sa ating isipan tungkol dito at sa mga pangyayaring nagbigay- daan sa pagsibol
ng Kabihasnan sa Asya. Saan nagmula ang mga unang tao sa Asya? Paano sila namumuhay?
Paano nabuo ang sinaunang kabihasnan sa Asya?

Sa pagsisimula ng ating modyul ay may makikita kayong trivia o facts .


Basahin at tuklasin kung ano ang nilalaman ng trivia na ito.Ang trivia na ito ay
maaaring may kaugnayan sa ating paksa. Simulan mo na! 

TRIVIA #1: TAONG TABON


Ang Taong Tabon ay isa sa ating mga sinaunang ninuno na nanirahan sa Pilipinas.
Natagpuan ito sa isang kweba sa Palawan. Ang mga bungo at bahagi ng panga na
nahukay noong 1962 ay isang patunay na dito nanirahan ang mga taong Tabon. Sa
ngayon, ang mga labi ng Taong Tabon ay makikita sa Pambansang Museo ng bansa.

TUKLASIN

AP 7 Page 1 of 5
Binabati kita! May bagong kaalaman kang natutunan tungkol sa Kasaysayn ng ating Pilipinas.
Halina’t simulan mo na ang pagtuklas at pagbuo ng mga pang-unang kasagutan sa iyong mga
tanong sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain. Handa ka na ba? Simulan mo na.

Gawain Bilang 1: GRAPHIC ORGANIZER

Panuto: Basahin ang WORKBOOK (2ND Quarter) sa pahina 280- 286. Maaari ding mapanood ang video na
isesend sa GC o FB Group na ginawa. Pagkatapos, sagutan ang Graphic Organizer sa baba.

Batay sa Teorya ng Ebolusyon ng Tao, saan nagmula ang


mga tao? Magbigay ng 3 katibayan o ebidensiya na iyong
nabasa sa teksto.

Gawain Bilang 2:Graphic Organizer ng Teorya ng Ebolusyon ng Tao

Magaling! Matapos mong matuklasan ang iyong mga pang-unang kalaaman sa aralin ay atin
namang lilinangin ang mga kaisipang ito sa pamamagitan ng mga ilalatag na teksto at ibang
pang gawain. Halina’t simulan na ang paglinang ng iyong kaalaman!

LINANGIN

Gawain Bilang 2: IT’S A DIAGRAM

Panuto: Basahin ang teksto na nasa baba. Pagkatapos ay sagutan ang diagram na makikita sa baba ng teksto
tungkol sa kahulugan at katangian ng kabihasnan at sibilisasyon.

Konsepto ng Kabihasnan at Sibilisasyon

Nang dumating ang mga sinaunang tao mula sa Kontinenteng Africa sa Asya ay nabuo ang
mga uri ng pamayanan na kalaunan ay tinawag na “SIBILISASYON”. Ang salitang ito ay nanggaling
sa salitang Latin na “civitas” na ang ibig sabihin ay “siyudad” at “civilis” na nangangahulugan namang “ng
mga mamamayan”. Kung gayon, ang sibilisasyon ay ang masalimuot na pamumuhay sa lungsod.

Sa kabilang banda, ang “KABIHASNAN”naman ay isang terminolohiya ng mga Pilipino sa


higit na mataas na antas ng pamumuhay. Batay ito sa salitang ugat na “bihasa” na ang kahulugan ay
eksperto o magaling. Kung gayon ang kabihasnan ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng
maraming pangkat ng tao. Sakop nito ang mga pamumuhay batay sa lungsod at maging hindi batay
sa lungsod. Maliban sa pamumuhay, kasama rito ang wika, kaugalian, paniniwala at sining.

May batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang pagkakaroon ng organisado at


sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon, espesyalisyon sa gawaing pang- ekonomiya at

AP 7 Page 2 of 5
uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at arkitektura, at Sistema ng
pagsusulat.

Saan nabuo ang mga unang kabihasnan?

Ang mga unang panirahan sa daigdig at maging sa Asya ay nagsimula sa mga mataas na
lambak na nasa tabi ng pinagmumulan ng mga anyong tubig gaya ng ilog.

Ilan sa mga unang lungsod estado na nabuo sa Sumer o Mesopotamia na Iraq sa kasalukuyan
ay ang Uruk, Catal Huyuk, Jericho, Ur, Lagash at Umma

Gawain Bilang 3:Diagram ng Kabihasnan at Sibilisasyon

Magaling! Diyan natatapos ang inyong SYNCHRONOUS TIME para sa AP. Sa araw ng
iyong asynchronous time ay ipagpapatuloy mo ang HOMEBASED ACTIVITIES (7:00 am-
9:00 am). Good luck!

HOMEBASED ACTIVITIES

Gawain Bilang 3: PICK IT UP

Panuto: Basahin ang WORKBOOK (2ND Quarter) sa pahina 286- 299. Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita na
angkop sa bawat yugto ng pag-unlad at pamumuhay ng sinaunang tao. Ilagay ito sa angkop na kolum.
Pagkatapos ay PUMILI ng ISANG (1) tanong lamang na gusto mong sagutan. Isulat ang sagot mo sa loob ng
kahon.

AP 7 Page 3 of 5
PANAHONG PALEOLITIKO PANAHONG NEOLITIKO PANAHONG METAL
1.
6. 11.
2.
7. 12.
3.
8. 13.
4.
9. 14.
5.
10. 15.

PAALALA: Ngayon ay maaari ka nang pumili ng ISANG TANONG upang bigyan mo ng


kasagutan. Lagyan ng CHECK () sa loob ng bilog ang napiling tanong at isulat ang
sagot nito sa loob ng kahon. Gawin mo na! 

Batay sa Gawain 3: Pick it up, paano mapapahalagahan ang bawat yugto ng pamumuhay
at pag-unlad ng sinaunang tao sa Asya

Magbigay ng isang halimbawa ng pang-araw araw na gawain ng kasalukuyang Asyano na


nagpapakita ng pagpapahalaga sa dating pamumuhay at pag-unlad ng mga sinaunang
tao sa Asya.

Kung ikaw ang papipiliin, alin sa tatlong yugto ng sinaunang panahon ang nais mong
mamuhay? Bakit ito ang iyong napili?

SAGOT:

FELICIDADES(CONGRATULATIONS)! Natapos mo na ang mga


gawain sa Module 8 ng AP. Maaari ka ng maghanda para isang
talakayan na magaganap sa Facebook Group o Google Classroom.
Maaari ka na din maghanda para sa Module 9 sa susunod na linggo.
Hanggang sa muling pagtatagpo.

AP 7 Page 4 of 5
Sanggunian:

https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-araling-panlipunan-learners-module-quarter-2
Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et. al., ASYA: Pag-usbong ng Kabihasnan: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan
Ikalawang Taon: VIBAL Publishing House, Inc., p. 128-31
Rosemarie C. Blando, et.al. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-
aaral: EDURESOURCES Publishing Inc., p. 105-111
Grace Estela C. Mateo, Ph.D. et. al., Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong
Taon: VIBAL Publishing House, Inc., p. 22- 39
https://www.slideshare.net/jennyvinluan96/pamumuhay-ng-mga-sinaunang-pilipino

Prepared by: Approved by:

Ms. Enerlyn B. Marasigan Mrs. Jennifer D. Sotelo


AP Teacher Principal

AP 7 Page 5 of 5

You might also like