You are on page 1of 1

Araling Panlipunan

Quarter 2 – Week 7

MGA RELIHIYON SA ASYA

Gawain 13. Mga Relihiyon sa Asya

Bansang
Relihiyon Nagtatag Mga Batayang Turo, Aral, at Paniniwala
Sinilangan
Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng
mga bagay sa kapaligiran na nagdadala ng pagkakaisang ispiritwal.
Hinduismo India Mga Aryan
Naniniwala sila sa pagmamahal, paggalang, at pagrespeto sa lahat
ng mga bagay na may buhay, espiritu o kaluluwa.
May apat na dakilang katotohanan ang Buddhism. Ito ay ang
buhay at pagdurusa ay hindi mapaghihiwalay, pagnanasa ang
Sidharta
Buddhism India sanhi ng pagdurusa, mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin
Gautama
ang pagnanasa at maaalis ang pagnanasa kung susunod sa walong
landas at matatamo ang tunay na kaligayahan o nirvana.
Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa
pagkabuhay, pagkamatay at muling pagkabuhay. Naniniwala rin
Jainismo India Rsabha
sila sa karma na isang buhay na bagay na dumadaan sa katawan
ng anumang bagay at buhay at nagiging pabigat ito.
India at Sila ay naniniwala sa reinkarnasyon at sa pag-akyat ng mga
Sikhismo Guru Nanak
Pakistan kaluluwa mula sa mababang antas pataas.
Naniniwala sila sa iisang Diyos. Ang sampung utos ang gabay ng
Judaismo Mesopotamia Abraham
mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay.
Ang pagkilala kay Hesus bilang Anak ng Diyos at paniniwala sa
kaniyang pagkabuhay na muli. Bahagi ng paniniwalang Katolismo
Kristiyanismo Jerusalem Kristo Hesus ay ang pagsunod sa Pitong Sakramento at pagsasabuhay ng
Sampunh Utos ng Diyos at sa mga kautusan ng Simbahan na
nagmumula sa Papa sa Rome.
Ang Koran ang banal na aklat ng mga Muslim ay tunay na salita ni
Allah na galing kay Muhammad. Isa lang ang Diyos na si Allah at si
Islam Mecca Muhammad
Muhammad ang kaniyang propeta. Hindi sila maaaring kumain ng
baboy at uminom ng alak.
Ang buhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak patungo sa
kabutihan o kasamaan. Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura
Zoroastrianismo Persia Zoroastero
Mazda, ang kataas-taasang Diyos samatalang ang kasamaan ay
nasa pangangasiwa ni Ahriman, ang diyablong espiritu.
Binubuo ang paniniwala nila ng mga pagdarasal, pagpalakpak, pag-
Shintoismo Japan Wala
aalay at pananampalataya.

Sa Confucianism na Pilosopiya, sikat ang aral na “Don’t Do Unto Others, What You Do Not Like Others Do Unto You,” ano
ang ibig sabihin sabihin nito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

 Ang aral na ito ay tumutukoy sa isang moral na nagpapaalala sa bawat indibdiwal na tratuhin ang kapwa sa
pamamaraang nais nitong tratuhin siya ng kanyang kapwa.

Gawain 14. Pulso

“If you are depressed, you are living in the past. If you are anxious, you are living in the future. If you are at peace, you
are loving in the present.” – Lao Tzu

 Ang paggugol ng maraming oras sa pagsisisi sa nakaraan o pag-aalala tungkol sa hinaharap ay wala tayong
mapapala. Ang tanging bagay na kung saan mayroon tayong kontrol ay ang kasalukuyan, at ito ang
pinakamahalaga at dapat pagtuunan ang ating atensyon at lakas.

“When you know a thing to hold that you know it; and when you do not know a thing, to allow that you know it – this is
knowledge.” – Confucius

 Ang tunay na kaalaman ay ang pagbibigay importansya sa mga aral na alam mo na at pag-amin sa sarili na hindi
mo pa alam lahat ng aral at gusto mo itong mapag-aralan at matutunan.

“There is no greater delight than to be conscious of sincerity on self examination.” – Menciu

 Wala ng iba pang mas higit na kagalakan kaysa sa pagiging palaisip sa katapatan ng isang tao sa kanyang
pagsusuri sa sarili. Isang makabuluhang gawain ang pagpapakumbaba at handang tumanggap ng pagtutuwid
kapag may nagawang pagkakamali.

You might also like