You are on page 1of 5

1

MODYUL 1: ANG HEOGRAPIYA NG ASYA


I. PANIMULA
Karaniwang dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng
mundo ang maraming lugar sa Asya gaya ng Boracay sa Pilipinas, Bali sa
Indonesia, at Penang sa Malaysia. Bilang isang Asyano, napuntahan mo
na ba ang magaganda at mayayamang likas na yaman ng Asya? Naitanong
mo ba sa sarili mo kung gaano kalawak ang kontinenteng ito at kung gaano
karami ang mga taong naninirahan dito? Kung hindi pa samahan mo akong
maglakbay at tuklasin kung paanong ang ugnayan ng tao at kapaligiran
ay nagbigay-daan sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano?

Sa modyul na ito ay matutuklasan ang mga angking katangian ng Asya


bilang isang kontinente kasama na ang yamang-tao at ang implikasyon nito
sa kaunlaran ng mga bansang Asyano. Handa ka na bang alamin ang
kasagutan sa mga tanong na ito? Kung handa ka na, halina at saglit tayong
maglakbay sa Asya, siyasatin natin ang mga kamangha-manghang bagay
tungkol sa heograpiya nito at tuklasin ang mga bahagi ng kultura ng mga
naninirahan dito.

II. SAKLAW NG MODYUL

Pamantayan sa

Pagkatuto:
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
rehiyong Asya sa mayamang katangian at kakayahan ng heograpiya,
kasaysayan, kultura, lipunan nito, at sa iba’t ibang larangan ng buhay Asyano
(pampolitika, pang-ekonomiya, pampamahalaan) at ugnayan sa pagitan ng
rehiyon mula sinaunang kabihasnan patungo sa kasalukuyang mga lipunan at
bansa tungo sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang Ang mag-aaral ay malalim na


pag-unawa sa ugnayan ng nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging
kapaligiran at tao sa pagbuo at ginampanan ng tao at kapaligiran sa
paghubog ng kabihasnang Asyano. pagbuo at paghubog ng kabihasnang
Asyano.

2
Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:

Arali 1. Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating


n1 heyograpiko: Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog
Asya, Kanlurang Asya, at Hilagang Asya
2. Nailalarawan ang mga katangian ng kapaligirang pisikal sa
mga rehiyon ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis,
sukat, anyo,klima, at vegetation cover
3. Napaghahambing ang kalagayan ng kapaligiran sa iba’t ibang
bahagi ng Asya
4. Nakagagawa ng pangkalahatang heyograpikal na profile ng
Asya
Arali 1. Nailalarawan ang mga yamang likas ng Asya
n2 2. Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at
yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano
noon at ngayon sa larangan ng: (a) agrikultura, (b) ekonomiya,
(c) panahanan, at (d) kultura
3. Naipahahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa
timbang na kalagayang ekolohikal ng rehiyon
Arali 1. Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa
n3 Asya
2. Nasusuri ang kaugnayan ng paglinang ng wika sa paghubog
ng kultura ng mga Asyano
Arali 1. Nasusuri ang kaugnayan ng yamang-tao ng mga bansa ng
n4 Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa
kasalukuyang panahon batay sa : (a) dami ng tao,
(b) komposisyon ayon sa gulang, (c) inaasahang haba ng
buhay, (d) kasarian, (e) bilis ng paglaki ng populasyon, (f) uri
ng hanapbuhay, (g) bilang ng may hanapbuhay, (h) kita ng
bawat tao, (i) bahagdan ng marunong bumasa at sumulat, at
(j) migrasyon
2. Napahahalagahan ang yamang-tao ng Asya
Grapikong Pantulong sa Aralin

Heograpiya at Yamang-
Tao
ng Asya

Katangiang Pisikal ng Yamang-


Asya Tao

Mga Salik Populasyo


Heograpikal 3
n
Mga Likas na Yaman ng Asya at Etnolingguwistiko
mga Suliraning Pangkapaligiran

Mga Inaasahang Kakayahan

Upang mapagtagumpayan ang aralin at malinang nang lubos ang


iyong pag-unawa, kinakailangang gawin at tandaan mo ang sumusunod:

1. Pagbasa ng mapa;
2. Pagtukoy sa mga lokasyon ng mga rehiyon sa Asya;
3. Kritikal na pagsusuri sa datos at tsart tungkol sa likas na yaman at
yamang-tao sa Asya;
4. Paggawa ng concept map o semantic web ukol sa heograpiya at yamang-
tao ng Asya;
5. Pagpapaliwanag ng epekto ng mga likas na yaman at yamang-tao sa pag-
unlad ng kabihasnang Asyano;
6. Pagpapahalaga sa yamang-tao ng Asya;
7. Pagsasagawa ng iba’t ibang pamamaraan, gawain, o proyekto sa
pangangalaga at preserbasyon ng pinagkukunang yaman at kapaligiran.

III. PAUNANG PAGTATAYA

Sa bahaging ito, subukin mong sagutan ang panimulang pagsusulit


upang mataya ang lawak ng kaalaman mo tungkol sa aralin. Handa ka
na ba? Maaari mo nang simulan ang pagsagot. Pagtuunan ng pansin
ang mga tanong na hindi mo tiyak ang sagot at alamin ang wastong
kasagutan sa mga ito sa iyong pagtuklas sa mga aralin sa modyul na ito.

1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-


Silangan, at Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na
sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga
aspektong pisikal, historikal at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon,
bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan bilang
magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong
karanasang historikal, kultural, agrikultural at sa klima

4
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang
ng kapaligirang pisikal
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos
pareho
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga
tao rito

2. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o


Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o
grasslands. Tinatayang ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo
ay ganitong uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may mga
damuhang mataas na malalalim ang ugat na matatagpuan sa ilang
bahagi ng Russia at maging sa Manchuria?
a. prairie
b. savanna
c. steppe
d. tundra

Tunghayan ang mapa sa ibaba upang masagot ang susunod na tanong.

BERING SEA

BLACK SEA

MEDITERRANEAN SEA CASPIAN SEA

SEA OF OKHOTSK

SOUTH CHINA SEA

RED SEA

ASYA
3. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang
interpretasyon ang kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay
pare-pareho
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.

You might also like