You are on page 1of 2

DITO NA Republic of the Philippines

MAGSAGOT Department of Education


Region III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
UMANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Aliaga, Nueva Ecija

Araling Panlipunan 7

Pangalan: __________________________________ Marka______________


Baitang/Pangkat: ______________________ Petsa: __________

I. PAGPILI
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang metal na natuklasan ng tao?


a. ginto c. bakal
b. tanso d. bronze
_____2. Sa panahon na ito ay nakadepende ang mga tao sa kanyang kapaligiran.
a. Panahong Paleolitiko c. Panahong Neolitiko
b. Panahong Mesolitiko d. Panahong Metal
_____3. Ito ay ang tawag sa pamumuhay na nakagawian ng maraming pangkat ng tao kasama na rito ang
kanilang wika, kaugalian, paniniwala at sining?
a. sibilisasyon c. kabihasnan
b. kultura d. tradisyon
_____4. Sa panahon na ito unti-unting umusbong ang kabihasnan?
a. Panahong Paleolitiko c. Panahong Neolitiko
b. Panahong Mesolitiko d. Panahong Metal
_____5. Nangangahulugan ito ng masalimuot na pamumuhay sa lungsod
a. sibilisasyon c. kabihasnan
b. kultura d. tradisyon
_____6. Isa sa napakalaking ambag ng mga sinaunang tao ng madiskubre nila ang________?
a. teknolohiya c. apoy
b. sining d. musika
_____7. ano ang pinakaunang kasangkapan ng mga sinaunang tao ?
a. bato c. kahoy
b. metal d. dahon
_____8. Saan madalas umusbong ang mga sinaunang kabihasnan?
a. bundok c. kapatagan
b. lambak-ilog d. talampas
_____9. Alin sa mga sumusunod ang pinaka matandang kabihasnan?
a. Sumer c. Indus
b. Shang d. Ehipto
_____10. Ano ang naging bunga ng matutong magtanim ang mga tao sa panahon ng Neolitiko?
a. natuto silang manirahan sa iisang lugar
b. nagkaroon sila ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain
c. nagkaroon ng isang pamayanan
d. lahat ng nabanggit

_____11. Ano ang paniniwala ng mga tao noong unang panahon pagdating sa relihiyon?
a. Hindi naniniwala sa diyos
b. Sila ay naniniwala sa iisang diyos
c. Ang mga tao ay sumasamba sa mga ispiritu ng kalikasan
d. Wala sa nabanggit
_____12. Ang mga sumusunod ay isa sa salik ng kabihasnan maliban sa__________ .
a. Sentralisadong Pamahalaan c. Uri ng Lipunan
b. Masalimuot na Relihiyon d. Walang Sistematikong Pamumuhay
_____13.Sa panahong ito ay unti-unting natutong mag-paamo ng hayop ang mga tao na kalaunan ay kanila
itong inalagaan.
a. Panahong Paleolitiko c. Panahong Neolitiko
b. Panahong Mesolitiko d. Panahong Metal
_____14. Ayon sa teorya ni Charles Darwin sa anong hayop nagmula ang tao?
a. unggoy c. kabayo
b. aso d. pagong
_____15. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng Panahon ng Paleolitiko?
a. Natuto ang mga tao na magtanim
b. Palipat lipat sila ng tirahan
c. Gumagamit sila ng bato bilang kasangkapan
d. Umaasa sila sa kanilang kapaligiran

II. PUNAN ANG PATLANG


Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_________________16. Kinilala bilang cradle of civilization dahil dito unang umusbong ang unang
sibilisadong lipunan ng tao.
_________________17. Isang arko ng matabang lupa na naging tagpuan sa ibat’ ibang grupo ng tao mula
sa Persian Gulf hanggang sa dalamapasigan ng Mediterranean Sea.
_________________18. Itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig.
_________________19. Nagsilbing pook-dalanginan ng mga Sumerian noong sinaunang panahon.
_________________20. Sistema ng panulat ng mga Sumerian.
_________________21. Dito itinatala ng mga scribe ang mga mahahalagang pangyayari noong unang
panahon.
_________________22. Ipinagpapalagay na bumuo ng Kabihasnang Indus.
_________________23. Sistema ng pagsulat ng Kabihasnang Indus, walang sinumang eksperto ang
makapagpaliwanag sa sistema ng pagsulat na ito kaya nagkaroon ng pagkukulang
sa kaalaman tungkol sa kabihasnang ito.
_________________24. Sistema ng pagsulat na naging tagapag-isa ng mga Tsino.
_________________25. Sa ilog na ito ipinagpapalagay ng mga Tsino na dito umusbong ang isa sa mga
sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa daigdig.

III.PAGIISA-ISA
Panuto: Isa-isahin ang ang mga sumusunod.

26-27. Dalawang mahalagang ilog sa Mesopotamia


28-29. Dalawang mahahalagang lungsod na umsbong sa Indus.
30. Dito karaniwang umusbong ang sinaunang sibilisasyon

Prepared by: Noted:

CHERRY AMOR A. MENDILLO ANALEAH P. EDUBANE


Teacher III Principal I

You might also like