You are on page 1of 1

ISANG IGLAP, ISANG SULYAP

Sa pagmulat ko, nakita ko na lamang ang sarili sa ilalim ng isang napakalaking punongkahoy na marahil
daantaon nang nabubuhay. Kakaiba ang aking paligid. Tirik ang araw subalit halos hindi ko halos maramdaman ang
init nito. Sa kapal ng mga sanga nga naglalakihang puno, halos hindi makasingit sa pagitan nito ang sikat ng araw.
Mahinay at malamig ang simoy ng hangin. Masarap matulog pero kailangang bumangon ako.
Liblib ang lugar. Masukal. Paano ako napunta rito?
Naglakad-lakad ako. Sinundan ko ang ingay na naririnig ko sa di-kalayuan. Napadpad ako sa pook na iyon.
Tila may gaganaping isang pagdiriwang. Maraming mga taong nakamaskara. Hindi, may pinta ang kanilang mga
mukha pati ang buo nilang katawan. Iba- iba ang disenyo ng kanilang katawan. Mas magaganda pa kaysa mga
nakikita ko sa Ati-Atihan Festival. Parang mga Pintados. Narito ako sa pook ng isang tribo sa kagubatan?
Magulo ang lahat. May kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Ang mga bata at matatanda ay pawang
masasaya. Maliliksi ang kanilang mga kilos. Abalang-abala sa paghahanda at pagluluto ang mga kababaihan.
Maraming pagkain sa mahahabang hapag. Sarisaring bungangkahoy, mga gulay, laman-dagat, at mga karne ng
hayop ang nakahain doon.
Sinubukan kong kausapin ang isang bata. Hindi niya ako pinansin. Nilapitan ko ang isa pa. Nagpatuloy lang
siya sa paglalaro. At isa pa… wala.
Nakikita ba nila ako? Bakit parang dinadaanan lamang nila ako?
Nagkukuwentuhan ang mga kalalakihan. Tinutukso nila ang isang binate. Lalagay na raw sa tahimik ang sa
tahimik ang kanlang kaibigan. Magkakaroon na raw siya ng sariling pugad ng pagmamahalan at mga bunga ng pag-
iibigan. Hindi ko sila gaaanong maintindihan.
Sa di-kalayuan, nakaumpok ang ilang kadalagahan. Inaayusan nila ang isang magandang dalaga habang
naghahagikhikan. Siya raw ay magiging ilaw ng tahanan. Pinagbilinan pa siyang arugaing mabuti ang magiging haligi
ng tahanan. Makukulay ang tila koronang ga bulaklak na nasa kanyang ulo. Napakaganda ng kanyang kasuotan.
Maginh ang kanyang mukha ay mayroon ding pinta.
“Kinausap na ba ninyo ang mga mag-iisang-dibdib” tanong niya. “Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning
isusubo na iluluwa kapag napaso.”
Tumango-tango ang kanyang mga kausap.
“Bilang mga magulang, maging halimbawa nawa kayo sa kanila. Tandaan na kung ano ang lakad ng
alimangong matanda ay siya ring lakad ng alimangong bata,” patuloy pa niya.
Sumagot ang isang lalaki. “Opo, gayon nga ang aming sinabi. Pinaalalahan ko rin po ang aking anak na
babae na matutong mamuhay nang maayos. Habang maigsi ang kumot, matutong mamaluktot. Huwag silang
pumaris sa iba na ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga,” dugtong pa niya.
“Ang anak kong lalaki ay pinagbilinan ko rin. Sinabi ko sa kanya na ang pagsasama nang tapat, pagsasama
nang maluwat,” tugon naman ng isang babae sa kabilang panig.
“Tama! Magtiyaga lamang sila, mabubuhay sila nang matiwasay dahil kung may hirap, may ginhawa,”
nakangiting pahayag ng pinuno ng tribo.
“Ano po ang pinag-uusapan ninyo?” sabad ko. Pero wala silang naging tugon. Walang reaksiyon.
Nagpatuloy lamang sila sa kanilang pagpupulong. Totoo nga, nga hindi nla ako nakikita! Hindi rin nila ako naririnig!
Iniwan ko na ang usapang iyon. Hindi ko gaanong maunawaan ang kanilang sinasabi. Ang malinaw sa akin,
may ikakasal nang araw na iyon. Naghahanda ang tribo sa isang Malaki at mahalagang okasyon.
Ano ang nangyari? Paano ako napunta roon? Paano ako babalik sa aking mga kasama?
Dumidilim na. madawa ang kagubatan. Maraming huni ng mga hayop ang aking naririnig. Nakatatakot.
Tiyak na nag-aalala na ang aking mga kasama. Napahinto ako sa harap msmo ng napakalaking punong
pinanggalingan ko kanina. Humakbang ako papalapit doon. May bumukas na tila isang makitid na pinto. Lakas-loob
na pumasok ako roon.
“Naku Ronnie, saan ka galing? Kanin aka pa hinahanap ni Ma’am! Lagot ka, magpakita ka na agad.
Tumawag na sila ng rescue team kasi tatlong oras ka nang nawawala. Itinigil na ang trekking dahil sa io,” sunod-
sunod na wika ng aking kaklase.
Paano nangyari iyon?

You might also like