You are on page 1of 1

Uri ng Karunungang-Bayan

Sa modyul na ito, mayroong apat na mahahalagang uri ng karunungang-bayan ang tinatalakay:

a) Ang salawikain ay isang katutubong tula na may malalim na pahiwatig. Kaiba sa ibang
karunungang bayan, ito ay maaaring magtaglay ng maraming sagot o pakahulugan. Ito
ay binubuo ng taludturang may sukat at tugma.

1. Pag maigsi ang kumot, 2. Kung ang tubig ay magalaw, 3. Kuwarta na,
matutong mamaluktot ang ilog ay mababaw naging bato pa

b) Ang sawikain o idyoma ay isang salita o pariralang ang diwa o mensaheng inihahatid ay
naiiba sa literal na kahulugan. Karaniwan itong isinasama sa pangkaraniwang
pakikipag-usap.

1. itaga mo sa bato (pakatandaan)


2. bagong tao (binata)
3. malayo sa bituka (hindi malubha)

c) Ang kasabihan ay iba sa salawikain sapagkat hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak
ang kahulugan.
1. Sa haba-haba ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy.
2. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
3. Ang batang hindi paluin, ina ang paluluhain

d) Ang bugtong ay butil ng karunungang hinabi sa maikli at patugmang pahayag upang


maging pahulaan sa iba.
1. Baboy ko sa pulo 2. Nariyan na si Kaka,
balahibo’y pako (Langka) pabuka-bukaka (gunting)

3. Buto’t balat, lumilipad (saranggola)

Sanggunian:
​ p. 6 at 8.
● Agnes, W., Ruiz, F., at Tiongson P. (2017). ​Ang Batikan, Bolyum XXI no. 1, p
Quezon City: Educational Resources Corporation.
● Del Rosario, M. G., Baisa-Julian, A., at Lontoc, N. (2015). Pinagyamang Pluma 8. Quezon
City: Phoenix Publishing House, Inc.

You might also like