You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Sangay ng Sorsogon
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG CALAO
Calao Prieto Diaz, Sorsogon
TP: 2022-2023

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan: Iskor:
Taon at Pangkat Petsa:
I. PAGPILI

Panuto: Basahing maayos ang katanungan at isulat sa sagutang papel ang tamang kasagutan.

1. Ang komunikasyon ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon, o impormasyon sa pamamagitan ng


pagsasalita, pagsulat, o pagsenyas. Ito ay ayon kay________.
a. Barnhart, 2014 b. Webster, 2014 c. Hutch, 1991 d. Bouman, 2014
2. Ang wika ay isang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao. Ito ay ayon
kay____.
a. Hutch, 1991 b. Webster, 2014 c. Barnhart, 2014 d. Bouman 2014
3. Ito

Tayutay

Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa
at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita
man o pasulat.

Mga iba’t ibang uri ng Tayutay

A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING

1. Simili o Pagtutulad (Simile) – nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay sa pamamagitan ng


paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, para, parang, para ng, anaki’y, animo, kawangis ng, gaya ng, tila, kasing-,
sing-, ga-, at iba pang mga kauring kataga.

Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
7. Tila porselana ang kutis ni Celia.
8. Ang tao ay kawangis ng Diyos.

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.


Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na
inihahambing. Hindi na rin ito ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at mga kauri.

Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
6. Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso.
7. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3. Alusyon - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto ng buhay
ng tao.

Halimbawa:
1. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa delubyo.

4. Metonimya o Pagpapalit-tawag (Metonimy) - ang isang salita o grupo ng mga salita ay pinapalitan ng isa pang
salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.

Halimbawa:
1. Ang kapalaran mo ay handog sa iyo na langit sa itaas na tinitingala ko
2. Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.
3. “Sa ngalan ng Hari ay isinambulat gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.
4. Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan

5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto kaisipan, upang sakupin o tukuyin ang kabuuan.

Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.
5. Hanggang sa malibing ang mga buto ko.

B. PAGLALARAWAN

1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng


isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Ito rin ay gumagamit
ng eksaherasyon

Halimbawa:
1. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
2. Bumaha ng dugo sa kapaligiran ako ang nagwagi sa aming labanan
3. Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang katotohanan.
4. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
5. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
6. Bumabaha ng dugo sa lansangan.
7. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
8. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.

2. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) - pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang
buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.

Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
6. Buhay, bakit naging maramot ka sa akin.
7. Kalayaan, kay tagal kitang inasam mahawakan sa aking mga kamay.
8. Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.

3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) - isang paglalabas o papahayag ng matinding damdamin

Halimbawa:
1. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
2. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!
3. Ibigay mo sana ang pagpapala Mo, sagipin Mo Poon, malulunod ako!
4. Isa kang hanggal!

4. Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o pangyayari.

Halimbawa:
1. Malayo ma’y malapit pa rin.
2. Kung magbangis ka ma’t magsukab sa akin mahal ka ring lubha dini sa panimdim

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) - nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong mapatingkad
ang bisa ng pagpapahayag.

Halimbawa:
1. Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo
2. Nalulungkot ako sa pananalo mo sa pagwawagi mo, hustisya’y natalo.
3. Banal na demonyo
4. Batang matanda

C. PAGSASALIN NG KATANGIAN

1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga


katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang
nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
6. Tik-tak ng orasan ay naghahabulan
7. Masayang umihip ang hanging amihan
8. Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
.
D. PAGSASATUNOG

1. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan.

Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
4. Grr-ggrrrrr!!Aww-aww! Ang galit na si Bantay ay nakatingin sa akin.
6. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
7. Kinakabog ang mga dibdib ng mga kalahok.
8. Tinataghuy-taghoy na kasindak-sindak.

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) - magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng mga kakalapit na mga
salita o taludtod o saknong na nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.

Halimbawa:
1. Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang masayang-masaya
2. Dinggin mo ang Diyos na dinadakila Dibdibin ang tinig ng Poong Bathala
3. “At sa mga sulong dito’y nakasabog, nangalat, napunla, Nagsipanahan, nangagsipamuhay, nagbato’t nagkuta.”
4. Gumagalang gutay-gutay na gagamba

3. Repitasyon – pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang aspekto ng akda.

Halimbawa:
1. Ito nga! Ito nga! Itong nganga.
2. Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan?
MGA ANTAS NG WIKA
Posted on November 26, 2016 by christinejoyfacundo

UNANG ARAW

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang
kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

1.Pormal – Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.

a.Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan

Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan

Gawain

Gumawa ng isang maikling sanaysay na binubuo ng sampu o higit pa na ginagamitan ng salitang PAMBANSA. Isulat
ito sa isang malinis na puting papel.

Pangalawang araw

b.Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.

Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.


Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan

Gawain

Bumuo ng sariling tula na may malayang taludturan na ginagamitan ng mga salitang pampanitikan o panretorika. Isulat
sa isang malinis at maputing papel.

Advertisements
REPORT THIS AD

Pangatlong Araw

-Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.

a.Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang
tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)

GAWAIN

Ang klase ay hahatiin sa tatlong pangkat at ang bawat pangkat ay bibigyan ng ibat-ibang kantang lalawiganin (1.Kanta
ti ulila) Ilocano, (2.Dadansoy) cebuano, (3.Pamuwa sa Bata) Bukidnon. Ang mga kantang ito ay dapat na maitanghal
na may wasto at angkop na tono para sa ikaaayos ng presentasyon.

PANG-APAT NA ARAW
Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,
maari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
Meron ka bang dala?
Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito; ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)

GAWAIN I. ( KOLOKYAL)

Bumuo ng dalawampung aytem ng pangungusap na may magkakaugnay na pangyayari at binubuo ng isa o higit pang
mga salitang kolokyal. Isulat sa isang malinis at puting papel.

GAWAIN II (BALBAL)

Ang Klase ay magkakaroon ng isang maikling debate ukol sa paggamit ng salitang BALBAL sa pangaraw-araw. Ang
buong klase ay mahahati sa dalawa, ang unang pangkat ang Pro at ang pangalawang pangkat naman ay ang against.

IKALIMANG ARAW

BUOD ng Paksa.

MGA ANTAS NG WIKA


1.Balbal
o salitang kalyeo pinakamababang uri wikang ginagamit ng tao, nabuo sa kagustuhan ng isang partikular
nagrupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlano.
Halimbawa:
lespu (pulis)
epal (mapapel)
chibog (pagkain)
2.Kolokyal o Salitang ginagamit sa pangarawaraw ng pakikipagusapo.
Halimbawa:
kumare
pare
tapsilog
3.Lalawiganin o Salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigano Halimbawa:
adlaw (araw)
balay (bahay)
babaye (babae)
4.Pambansa o Ginagamit ng buong bansao Mga salitaing kabilang sa wikang Filipinoo
Halimbawa:
malaya
sabaw
paniwala
5.Pampanitikan o ginagamit ang mga salita sa iba pang kahulugano ginagamit pangkatha ng dula at iba
pang likhang pampanitikano Halimbawa:
sanggunian
tahanan
kabiyak

Pagsusulit: I

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan, Isulat ang wastong sagot sa sagutang papel.

1.Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.


2.Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.

3.Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarilapara sa paaralan at pamahalaan.

4.Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.

5. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.

6. Ito ay pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,maari rin itor refinado ayon sa kung sino
ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,dalawa o higit pang titik sa salita.

7.Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.

8.Ito ay wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao.

9.Ito ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang
kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.

10.Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.

Pagsusulit II

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakapaloob sa bawat bilang. Piliin kung ito ay Lalawiganin, Pampanitikan,
Pambansa, Kolokyal o Balbal na salita. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1.Buhay

2.Todas

3.Malakat

4.Bokal

5.penge

6.Nanghihilakbot

7.meron

8.Panibugho

9.Hinigugma

10.musta

Pagwawasto:

Pagsusulit I

1.Pormal

2.Di-Pormal

3.Pambansa
4.Pampanitikan

5.Lalawiganin

6.Kolokyal

7.Balbal

8.Lingua franca

9. Wika

10. Wika

Pagsusulit II

1.Pambansa

2.Balbal

3.Lalawiganin

4.Balbal

5.kolokyal

6.Pampanitikan

7.kolokyal

8.pampanitikan

9.lalawiganin

10.kolokyal

You might also like