You are on page 1of 3

SANDAANG DAMIT

Fanny A. Garcia

May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang kanyang
pagiging walang imik sa klase at madalas na nakaupo lamang siya sa isang sulok. Siya ay
madalas na tinutukso ng kanyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik lamang ang kanyang
damit at kung oras na ng kainan ay nakikita nila ang kanyang baon ay kapiraso lamang ng
tinapay na madalas pang walang palaman.

Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sa kanyang ina ang
kanyang dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina sa kanyang kalagayan. Sinasabi na
lamang nito sa batang babae na ibibili na lamang siya ng bagong damit at masarap na baon
kung makakakuha na ng trabaho ang kanyang ama.

Dumating ang araw na naintindihan na niya ang kalagayan ng kanilang pamilya.


Hindi na niya sinasabi sa kanyang ina ang kanyang nararanasang panunukso mula sa
kanyang mga kaklase at natuto na siyang sarilinin ang kanyang nararamdaman.

Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang panunukso ng kanyang mga kaklase at
natuto na siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang
mahirap na batang babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang
laging kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walang
magawa ang kaniyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.

“Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang damit sa
bahay.”

Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala.

“Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”

Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong
maluma agad.”

“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na sabi nila sa
batang mahirap.
“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin ko na
lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o
bulaklak.”

At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit. Ayon sa kaniya’y may
damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog, pampaaralan,
pansimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan
niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kaniyang sandaang damit.

Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela
nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at
puting abaloryo.

Bolga ang manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong
ang haba ng damit. O kaya’y ang kaniyang dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo,
manggas, at laylayan. O ang kaniyang puting pansimba na may malapad na sinturon at
malalaking bulsa.

Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Naging kaibigan na siya ng
mga ito. Naging palasalita na siya at hindi na siya mahiyain. Minsan nga ay binabahagian pa
siya ng mga ito ng kanilang masarap na baon.

Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa klase ng batang babae. Nang
lumipas ang isang lingo ng kanyang pagliban ay nagpasiya ang kanyang mga kaklase na
dalawin siya sa kanilang bahay. Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang isang payat na
babae at nakita nila ang isang bahay na tagpi- tagpi lamang, luma at salat sa marangyang
kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batang babae na nakahiga at may sakit
pala.

Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel na nakapaskil sa dingding.


Nakita nila ang mga larawang tulad ng binanggit ng batang babae. Totoong naroroon ang
sandaang damit na ni minsan ay hindi pa nila nasilayan. Sandaang damit na pawang
drawing lamang.

You might also like