You are on page 1of 7

Pagsusuri sa Maikling Kwento

SANDAANG DAMIT
Fanny A. Garcia

Buod:

May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-


pansin ang kanyang pagiging walang imik sa klase at madalas na
nakaupo lamang siya sa isang sulok. Siya ay madalas na tinutukso ng
kanyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik lamang ang kanyang damit
at kung oras na ng kainan ay nakikita nilang ang kanyang baon ay
kapiraso lamang ng tinapay na madalas pang walang palaman.

Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sa


kanyang ina ang kanyang dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina sa
kanyang kalagayan. Sinasabi na lamang nito sa batang babae na ibibili
na lamang siya ng bagong damit at masarap na baon kung makakakuha
na ng trabaho ang kanyang ama.

Dumating ang araw na naintindihan na niya ang kalagayan ng


kanilang pamilya. Hindi na niya sinasabi sa kanyang ina ang kanyang
nararanasang panunukso mula sa kanyang mga kaklase at natuto na
siyang sarilinin ang kanyang nararamdaman.

Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang panunukso ng kanyang


mga kaklase at natuto na siyang lumaban. Sinabi niya sa kanila na siya
ay may sandaang damit sa kanilang bahay. Hindi naniwala ang kanyang
mga kaklase. Upang mapaniwala sila, inisa-isa niya ang mga disenyo ng
bawat damit niya at dahil ditto ay naniwala na sila sa kanya.

Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Naging


kaibigan na siya ng mga ito. Naging palasalita na siya at hindi na siya
mahiyain. Minsan nga ay binabahagian pa siya ng mga ito ng kanilang
masarap na baon.

Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa klase ng


batang babae. Nang lumipas ang isang lingo ng kanyang pagliban ay
nagpasiya ang kanyang mga kaklase na dalawin siya sa kanilang bahay.
Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang isang paytat na babae at
nakita nila ang isang bahay na tagpi-tagpi lamang, luma at salat sa
marangyang kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batang
babae na nakahiga at may sakit pala.

Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel na


nakapaskil sa dingding. Nakita nila ang mga larawang tulad ng binanggit
ng batang babae. Totoong naroroon ang sandaang damit na ni minsan ay
hindi pa nila nasilayan. Sandaang damit na pawang drawing lamang.

Pagsusuri sa Maikling Kwento

Pamamaraan:Palarawan

Pagdulog:

1. Pagdulog Sosyolohikal-napapaloob sa pagdulog na ito ang mga


pangyayaring nagaganap sa lipunan.
2. Pagdulog Romantisismo- higit na pinahahalagahan ng
romantisismo ay ang damdamin at guni-guni. Napapamalas ng
masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig sa kalikasan,
pagmamahal sa lupang sinilangan at kahandaang magmahal sa
iba.
3. Pagdulog Realismo- Ang layunin ng panitikan na ipakita ang
karansasan na nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.
Samakatuwid, angbpanitikan ay hango sa totoong buhay.

Sangkap ng Maikling Kwento

Tauhan- isang taong likha ng imahinasyon na gumagalaw sa kwento.


Mga Tauhan:

Batang Babae- ang pangunahing tauhan sa kwento


-nakakaranas ng panunukso
- round o bilugan
Mga Kaklase-nanunukso sa batang babae
- round o bilugan
Ina- flat o lapad

Tagpuan- tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga


tagpo sa akda.

●sa paaralan
●sa bahay ng batang babae

Banghay-tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


kuwento.
 Linear

Panimula
- dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasan
ipinapakilala ang mga tauhan sa kwento.
●Nagsimula ang kwento sa paglalarawan ng may akda sa batang babae.
Inilarawan niya ito bilang isang batang walang imik, madalas na nag-iisa
at mahiyain. Ipinahayag din ang panunuksong nararansan nito.

Saglit na Kasiglahan
- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot
sa suliranin.

●Nang unti-unti nang nakakaunawa ang bata sa kalagayan ng kanilang


pamilya. Pinili niyang sarilinin ang kanyang pagdaramdam at hindi na
siya nagsusumbong sa kanyang ina.

Kasukdulan
- Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa
bahaging ito .
●Nang natuto ng lumaban ang batang babae. Sinabi niyang mayroon
siyang sandaang damit sa kanilang bahay at nang hindi siya
pinaniwalaan ay inisa-isa niyang ilarawan ang kanyang mga damit na
ito.

Kakalasan
- tulay sa wakas ng kwento .

●Ang kakalasan ng kwento ay nang maging kaibigan niya na ang


kanyang mga kaklase dahil sa paniniwala nilang siya'y may sandaang
damit. Dito ay binibigyan na siya ng kanilang baon at nawala na ang
kanyang pagiging mahiyain.
Wakas
- katapusan ng kwento .

●Nagwakas ang kwento nang isang lingo ng lumiliban ang batang babae.
Nag-alala ang kanyang guro at mga kaklase kaya dinalaw nila ito sa
kanyang bahay. Nakita nila ang bata na may sakit at ang mga papel na
nakadikit sa pader, natagpuan nila ang sandaang damit ng bata na
pawang mga drowing lamang .

Uri ng Kwento- Kwento ng Tauhan


Paningin- Paningin sa Pangatlong Panauhan

Suliranin- problemang kinakaharap ng tauhan sa kwento.


-nagbibigay-kulay sa kwento
● Ang nararanasang panunukso o deskriminisasyon ng batang babae
mula sa kanyang mga kaklase.

Tunggalian- ito ang nagbibigay daan sa madudulang tagpo upang


maging kapana-panabik ang mga pangyayari.

Tao laban sa lipunan


"Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na
kaiba ang kanyang kalagyan kung ihahambing sa mga kaklase.
Ipinapakita at ipinapabatid nila iyon sa kanya. Mayayaman sila.
Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan.
Madalas ay tinutukso siya dahil sa kanyang damit. Ang kanyang
damit, kahit malinis ay halatang luma na, palibhasa ay kupas na at
punong-puno ng sulsi"

(Talata 2)
Aral at Implikasyon
 Huwag maging ambisyosa.
 Huwag maghangad ng sobra-sobra.

Paksang Diwa- pinakakaluluwa ng maikling kwento.


- Ang paksa ng kwentong ito ay ang pagkukunwari ng batang babae na
siya ay mayroong sandaang damit upang matanggap siya ng kanyang
mga kaklase.
PAGSUSURING PANGNILALAMAN

Pagdulog Sosyolohikal
1. Ang deskriminisasyon na nararanasan ng isang tao sa lipunan

Patunay:
"Ang panunukso ng kanyang mga kaklase ay hindi natatapos
sa kanyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang
kanyang pagkain at sila'y magtatawanan kapag nakita nila na ang
kanyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa'y
walang palaman."
(Talata 4)

Patunay:
"Sa kanyang pagiging tahimik ay ipinalagay ng kanyang
mga kaklase na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi
ang kanilang pang-aasar. Lumang damit. Di-masarap na pagkain.
Mahirap. Pilit na ipinasok nila sa kanyang isip."
(Talata 8)

Paliwanag:
Ipinapakita sa kwento na nangyayari ang deskriminisasyon sa
lipunan maging sa mga paaralan. Sa kwentong ito, palaging tinutukso
ang batang babae dahil siya ay mahirap kaya nagdulot ito ng pagbabago
sa kanyang ugali.

Pagdulog Romantismo
●Ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak.

Patunay:
"Ang nangyayaring ito ay batid ng kanyang ina. Pag-uwi sa
bahay, madas siyang umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase
at siya'y nagsusumbong sa ina. Mapapakagat-labi ang kanyang
ina, matagal itong hindi makakibo, at sabay haplos nito sa kanyang
buhoknat may pagmamahal na sasabihin sa kanya, "Bayaan mo
sila anak, kapag nagkaroon na nv trabaho ang iyong ama ,
makapagbabaon ka na rin ng masarap na pagkain. Mabibili rin kita
ng maraming damit."
(Talata 6)
Pagpapaliwanag:

Ang kwento ay nagpapahayag ng masidhing pagmamahal ng ina sa


kanyang anak. Makikita sa kwentong ito ang nararamdaman ng isang
ina sa tuwing nasasaktan o may masamang nangyari sa kanilang anak.
Ipinapahayag rin dito ang paghahangad ng mga ina ng nakabubuti para
sa kanilang anak.

Pagdulog Realismo

1. Kahirapan

Patunay:

Lumabas ang isang babaing payat, iyon ang ina ng batang


mahirap. Sila ay pinatuloy at nakita nila ang maliit na kabuuan ng
kabahayan na salat na salat sa marangyang kasangkapan.
(Talata 20)

Pagpapaliwanag:

Ang kwentong ito ay kakikitaan ng pangyayaring totoong


nagaganap sa lipunan. Ang kahirapan ay totoong nangyayari sa
buhay ng tao. Sa kwentong ito, ang batang babae ay mahirap lamang
kaya salat siya sa mga kagamitan tulad ng damit.

2. Pagsisinungaling

Patunay:

“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay.


Kung gusto ninyo ay sasabihin ko na lang kung ano ang tabas,
kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may ribbon o may
bulaklak.”
(Talata 15)

Pagpapaliwanag:
Sa kwentong ito, natutong magsinungaling ang bata dahil hindi na
niya matiis ang ginagawang panunukso ng kanyang mga kaklase. Sa
realidad, totoong may mga taong nagsisinungaling dahil sa kanilang mga
per

You might also like