Professional Documents
Culture Documents
ni Fanny Garcia
At lumipas pa ang maraming araw.ngunit ang ama’y hindi pa rin naka pag
uwi na maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang
bata’y unti-unting nakaunawa sa kanilang kalagayan.natutuhan niyang
makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang
sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na siya
umuuwing umiiyak. Hindi na siya nagsusumbong sa kaniyang ina.
Mabilis ang naging tugon niya. “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang
damit. Ayokong maluma agad”.
“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni nanay. Kung gusto n’yo’y
sasabihin ko nalang kung ano ang tabas,kung ano ang tela,kung ano ang
kulay,kung may laso o bulaklak”.
Mula noo’y naging kaibigan kaibigan ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang
nagging tagapag salita at sila nama’y kanyang naging tagapakinig. Lahat
sila’y natutuwa sa kaniyang kwento tungkol sa sangdaang damit. Nawala
ang kanyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa
rin ang kaniyang pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso
ng kanilang kapirasong mansanas o sandwich, isa o dalawang candy.