You are on page 1of 1

Buod ng Sandaang damit ni Fanny Garcia

sandaang Damit na isinulat ni Fanny Garcia. Umiikot ang istorya sa isang


batang babae na lumaki sa kahirapan. Dahil sa kahirapan nakaranas siya ng
panunukso at pangungutya galling sa kanyang mga kaklase na laki sa yaman at
dahil doon naging mahiyain siya. Isa sa dahilan kung bakit siya tinutukso ng
kanyang mga kaklase ay sa kanyang damit na kahit malinis ay halatang luma na sa
kadalilanang kupas at punong-puno pa ng tahi. Isang araw umuwi ng umiiyang ang
batang babae at nagsumbong ito sa kanyang in ana siya ay tinutukso ng kanyang
mga kaklase. At sabi naman ng kanyang in ana hayaan nalang sila at huwag na
silang pansinin at sinabihan siya ng kanyang in ana pag nagkaroon ng trabaho ang
kanyang ama ay bibili sila ng magagandang damit at masasarap na pagkain. Pero
lumipas ang maraming araw ay wala paring trabaho ang kanyang ama. Hanggang
isang araw siya ay natutong lumaban. Sinabi n iya sakanyang mga kaklase na siya
ay merong sandaang damit kaya tinatong siya ng kanyang mga kaklase kung totoo
bai to. At sinabi niya na iniingatan niya ito kaya hindi niya sinusuot. Dahil sinabihan
siyang sinungaling ng kanyang mga kaklase. At para maniwala ang kanyang mga
kaklase siya ay nag simulang magkuwento tungkol sa kanyang sandaang mga damit.
Mula noon ay naging magkaibigan na sila ng kanyang mga kaklase. Pero isang araw
ang batang babae ay hindi pumasok hanggang sa isang lingo na siyang hindi
pumapasok. Isang araw napasya ng kanyang guro na puntahan na ang batang
babae at doonay natagpuan nila ang bahay na sira-sira at nakatagilid na sa
kalumaan. Lumabas doon ang isang bbaeng payat, siya ang ina ng batang babae at
doon nalaman ng guro na may sakit ang batang babae kaya hindi siya nakapasok at
doon din nila Nakita ang mga drawing ng batang babae na sandaang damit.

You might also like