You are on page 1of 3

Pagsusuri sa Maikling Kwento

SANDAANG DAMIT
Fanny A. Garcia

I. Panimula

a. Pamagat ng akda: SANDAANG DAMIT


b. May akda: Fanny A.Garcia

Si Fanny Garcia ay may akda sa kwentong ito sya ipinanganak noong Pebrero29,1949
sa Malabon,Rizal na ngayon ay Malabon, City.Siya ay isang guro, manunulat,
mananaliksik, editor attaga salin. Sinulat nya ito na ang layunin ng akda sa
Saandaang Damit na ang panghuhusga sa ating kapwa ay may malaking maidudulot
sa ating kapwa tao.

II. Tauhan:

Batang Babae- ang pangunahing tauhan sa kwento sya nakakaranas ng


panunukso

Mga Kaklase-nanunukso sa batang babae

Ina ng batang babae- tauhang lapad sa kwento.

III. Tagpuan- ang tagpuan sa kwentong ito ay sa paaralan at sa


bahay ng batang babae.

IV. Simbolo/Tayuta

Sa kwentong ito ang simbolo ay ang sandaang damit, kung saan pagsusuot ng masakra
upang itango ang tunay namukha ng kahirapan.

V. Buod
Umiikot ang kuwento sa isang babaeng lumaki sa kahirapan. Dahil salat sa maraming bagay,
madalas siyang makaranas ng diskriminisayon sa kaniyang mga kalaro. May mga panahon na
tinutukso siya ng kaniyang mga kaklase na mayayaman. Isa sa nagiging kapansin-pansing
kakulangan ng batang babae ay ang kaniyang mga damit. Kupas na ang kulay nito at
napakarami nang tahi. Dahil sa mga panunuksong nakuha, isang araw, ay umuwi siya na
umiiyak. Sinabi niya sa ina ang naganap na panunukso. Wala namang magawa ang pobreng ina.
Dahil din sa diskriminasyong natatanggap, nakaisip ng paraan ang bata upang labanan ang
kaniyang mga kaklase na panay ang panunukso sa kaniya. Sinabi niya ang isang
kasinungalingang mayroon daw siyang sandaang damit sa kanila at isinusuot depende sa
okasyon katulad ng pang-eskwela, pang-piging, at may pang-simba. Matapos sabihin ng bata na
mayroon siyang isang daang damit na itinatago sa kanila, bigla na lamang hindi nagparamdam
ang bata. Hindi na ito pumapasok sa paaralan. Dahil sa labis na pagtataka, minarapat ng guro at
mga kaklase na puntahan siya sa kanilang bahay. Nalaman nilang mayroong malubhang
karamdaman ang kaklase nila. At doon nila nakita ang sinasabing isang daang damit. Ngunit
hindi mga totoong damit ito bagkus mga damit na iginuhit lamang sa papel.

VI. Galaw ng Pangyayari

Panimula: Nagsimula ang kwento sa paglalarawan ng may akda sa batang babae. Inilarawan
niya ito sa bilang isang batang walang imik, madalas na nag iisa at mahiyain. Ipinahayag din ang
panunuksong naranasan nito.

Saglit na Kasiglahan: Nang unti-unting nang nakakaunawa ang bata sa kalagayan ng kanilang
pamilya pinili niyang sarilihin ang kanyang pagdaramdam at hindi na siya nagsusumbong sa
kaniyang ina.

Kasukdulan: Nang natuto ng lumaban ang batang babae. Sinabi niyang mayroon siyang
sandaang damit sa kanilang bahay at nang hindi siya pinaniwalaan ay iniisa-isa niyang
inilarawan ang kaniyang mga damit na ito.

Kakalasan: Naging maging kaibigan niya na ang kaniyang mga kaklase dahil sa paniniwala nilang
siya'y may sandaang damit. Dahil dito ay binibigyan na siya ng kanilang baon at nawala na ang
kanyang pagiging mahiyain.

Wakas: Nang isang linggo ng lumiban ang batang babae. Nag-alala ang guro at mga kaklase
niya. Kaya dinalaw nila ito sa kanyang bahay. Nakita nila ang bata ay may sakit at ang mga papel
na nakadikit sa pader, natagpuan nila ang sandaang damit ng bata na pawang mga

drowing lamang.

VII. Pagsusuri
a. Uri ng Panitikan - Ang "Sandaang Damit" ni Fanny Garcia ay isang maikling kwento.

b. Estilo- Ang ginamit ng manunulat sa estilo ng paglalahad ay sa paraang LINEAR dahil sa


pagkakasunod-sunod ng pangyayaring naganap sa buhay ng batang babae.

c. Sariling Reaksiyon- Sa maikling kwento na pinamagatang "Sandaang Damit" napagtanto ko


na at naobserbahan ko na ang sasama ng mga kaklase ng batang babae sapagkat kinukutya nila.
Alam naman nating masama ang mangutya para lang sa sariling kasiyahan. Sa batang babae
naman ay dapat hindi nya gawin yun, ang magpanggap at magsinungaling para matanggap lang
ng kaniyang kaklase.

d. Aral/ Pag-uugnay sa tunay na buhay- Hindi kailangang magsinungaling para lang matanggap
ng iba at walang masama sa pagiging mahirap basta may pangarap.

You might also like