You are on page 1of 2

FIL 312 (2653): Maikling Kwento at Nobelang Filipino

Linggo 1-3: Gawain 2

Ipinasa ni:
Kristine Nicolle E. Dana

Ipinasa kay:
Gng. Alma Cuevas

Agosto 23, 2021


1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa kuwento (Sandaang Damit) ni: Fanny
Garcia.

Batay sa nakasaad sa maikling kuwento, ang batang babae ang siyang


itinuturing na pangunahing tauhan. Siya ay payat, may sakit at salat sa karangyaan ang
kanilang pamilya. Siya rin ay pumapasok sa paaralan subalit, kapansin-pansin ang
kanyang pagiging tahimik at madalas siyang nakikita na nakaupo lamang sa isang
sulok. Nakararanas din siya ng panunukso mula sa kanyang mga kakalse dahil sa
pabalik-balik nitong damit at baong tinapay na minsan pa’y walang palaman.

Mahihinuha natin sa buong takbo ng kwento na ang bata ay may minimithi; kung
saan ang magkaroon ng maraming damit na maisusuot upang hindi na siya tuksuhin ng
kanyang mga kaklase. Bukod pa rito, magaling din siyang gumuhit sapagkat nakuha
niyang iguhit sa papel at idikit sa kanilang dingding ang sandaang damit na lubos
niyang hinahangad.

2. Talakayin ang diskriminasyong inilalahad sa kuwento.

Masasabing lantaran ang naganap na diskriminasyon sa kuwento dahil sa simula


pa lang nito inilarawan na ang kaawa-awang sinapit ng batang babae sa kamay ng
kanyang mga kaklase dulot ng panunukso nito. Tinutukso siya dahil sa pabalik-balik
lamang ang kanyang isinusuot na damit at nahuhuli siya nito tuwing oras ng kainan na
tinapay lamang ang baon at madalas pang walang palaman.

Dahil sa pangyayaring ito, hindi siya nakatiis at nakuha niyang magsinungaling


nang sabihin niya sa kanyang mga kaklase na siya ay may sandaang damit sa kanilang
bahay. Upang maniwala ang kaniyang mga kaklase, inisa-isa niya ang disenyo ng
bawat damit. Dulot nito, natanggap siya ng kaniyang mga kaklase at nagsimula na
siyang maging palasalita at hindi na mahiyain.

Ngunit isang araw, nang mapansin ng kanyang mga kaklase ang halos isang
linggong pagliban nito ay agad silang nagdesisyong bumisita sa kanilang bahay at doon
nila natuklasan ang katotohanan—nakatira lamang pala ang bata sa isang barong-
barong at pawang drawing lamang pala ang kaniyang ipinagmamalaking sandaang
damit sa kanyang mga kaklase.

You might also like