You are on page 1of 2

Magiging wakas na ba ang simula?

Nitong Lunes lang, unang araw ng buwan nang umarangkada ang pagbabakuna
kontra COVID-19 sa mga frontliners at ilang opisyal ng pamahalaan. Bagama’t
maraming mga pag-aalinlangan ang masa kaugnay sa bisa ng bakuna subalit mariing
na hinihikayat ng mga kawani ng pamahalaan na magpaturok at magtiwala sa bakuna
bilang solusyon sa kasalukuyang problema. Ito na nga ba ang tuldok sa pandemya o
kuwit pa lang na magbubukas ng panibagong malalang kontrobersiya?
Matapos dumating ang Sinovac vaccine mula China noong Pebrero 28, 2021,
sinimulan na ang national vaccination program ng pamahalaan. Ipinagmamalaki ng
Malacanang ang matagumpay nitong pagsisimula. Ipinahayag pa ni Presidential
Spokesperson Harry Roque na naging maganda ang takbo ng pagbabakuna sa
Philippine General Hospital. Ang lungsod ng Quezon at Caloocan pa lang ang unang
nabiyayaan ng bakuna subalit inaasahan na sa unang 600,00 doses na bahagi ng
unang batch ay maipapamahagi sa ibang bayan ng bansa partikular sa Metro Manila at
Davao City.
Samantala, ipinahayag ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpuri sa
administrasyon at sa mga sektor na nanguna simula sa pagkuha ng bakuna hanggang
sa pagbabahagi nito sa publiko. Aniya, ito na ang simula ng bagong pag-asang maibalik
sa normal na pamumuhay tayong mga Pilipino. Iginiit din ng senador na pinangunahan
ng mga health workers at mga opisyal ng gobyerno ang pagpapaturok upang makuha
ang tiwala ng mamamayan at matanggal ang kanilang pangamba sa bakuna. Hindi ito
nangangahulugang sila’y inuuna at inihahanay sa listahan ng mga prayoridad kundi isa
lamang pagpapakita ng malinis na hangarin ng gobyerno na gawing susi ang bakuna
upang buksan ang yugto ng paggaling, pagbangon at pag-ahon ng ating bansa.
Sa kabilang banda, hindi maipagkakaila ang takot at pangamba ng iilan hinggil
sa maaaring kahihinatnan nito. Marahil ito ay may kinalaman sa mababang efficacy rate
ng bakuna na halos nangangalahati lang sa kabuuan. Sa 50.4% na dulot nitong bisa
hindi maitatanggi ang pag-aalinlangan ng iilan sa mga posibleng side effects nito sa
ating kalusugan. Dagdag pa sa pangamba ang balitang namatay matapos maturukan
ng bakuna. Magkahalong pasalamat at pangamba talaga ang nararamdaman ngayon
ng mga Pinoy. Paghahatid pasasalamat sa pagdating ng itinuturing na gamot sa sakit
ng daigdig at pangamba sa maaari nitong negtibong epekto sa ating katawan.
Bukod dito, nauuugnay at nag-uugat din ang
Gayon pa man, nilinaw ng gobyerno na tayo’y may kalayaang magdesisyon kung
magpapaturok ng bakuna o hindi. Lubos man tayong naguguluhan sa pagdedesisyon
subalit isa lang ang malinaw—ang paniniwalang may pag-asa pa. Ito ang katotohanang
dapat nating panghawakan sa ganitong uri ng sitwasyon. Alalahanin na may bahaghari
na sisikat matapos ang matinding buhos ng ulan.
Wala man tayong kakayahang makita ang mangyayari sa hinaharap ngunit
tayo’y maniwala sa tinatawag na “magandang wakas”. Ang lahat ng ito ay may
katapusan at kasagutan. Nawa’y ang pagsisimula ng programang pagbabakuna ay
maging wakas na ng epidemyang kinakaharap ng pandaigdigang lawak.

You might also like