You are on page 1of 2

Edmar Tungpalan

MD 2Y1-4A

A. 2,529 new coronavirus cases take PH tally to 234,570

Base sa ulat noong sabado, nadagdagan ng bagong kumpirmadong kaso ng COVID 19 cases
ang buong bansa na may kasong 234,570. Samantala, ang kaso ng mga gumaling ay tumaas ng 1,136
noong nagdaang araw, ayon sa ahensya ng kalusugan, sa kanilang bagong labas na balita patungkol
sa kaso ng mga COVID-19, ang kabuuang gumaling ay nasa humigit 161,688.Ang ating bansa ay
nagtala rin ng 53 new fatalities o namatay dahil sa respiratory illness, na nakadagdag sa kaso ng
namatay. Kaya’t ang kabuuang kaso ng mga namatay ay nasa 3,790.

Ayon sa ahensya ng kalusugan, ang Pilipinas ay may 69,112 active corona cases, na kung saaan 90.4
porsyento ng mga pasyente ay nagpapakita ng mild symptoms. Kadalasan din ng mga bagong kaso ay
nagmula sa Metro Manila na tinagurian epicenter ng sakit sa bansang Pilipinas.

Samantala, ang ibang kaso naman ng CORONA VIRUS INFECTION ay nagmula sa Negros
occidental (197), Laguna(145), Cavite(117) at Bulacan(70). Noong Setyembre, ang Pilipinas ay
nagtest ng 2,569,742 indibidual para sa novel coronavirus, at nakitang 272,768 ang nagpositibo sa
resulta.

Pinaliwanag ng ahensya ng kalusugan na ang mga nag positibo sa resulta ay sumailalim sa pagsusuri
kung talaga bang nagpositibo sila dahil minsan ay nag kakaroon ng repeat test or maling mga resulta.

B. Sa aking opinion, mas makakabuti sana kung magkakaroon ng maayos na contact tracing ang
ahensya ng kalusugan dahil bawal indibidwal na nakasalamuha ng mga nagpositibo ay maari
ring magpositibo. Katulad nga ng sinabi ng aming professor sa biostatistics at epidemiology
at public health, mas magandang wag munang lumabas ng bahay ang mga taong may edad
dahil mas mataas ang case fatality ng mga ito kumpara sa mga bata na malalakas pa ang
katawan.

Maiiugnay ko ito sa STATISTIC o BIOSTATISTICS AND EPIDEMIOLOGY dahil pinapakita dito ang
mga Koleksyon ng mga datos, pag-interpret ng mga datos, pag-analisa at pag gawa ng konklusyon na
nagbibigay interpretation sa kabuuang populasyon.
SOURCE: https://news.abs-cbn.com/news/09/05/20/2529-new-coronavirus-cases-take-ph-tally-to-
234570

You might also like