You are on page 1of 2

PAGSULAT NG BALITA

PAGSUSURI
Panuto: Suriin ang balita sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga bahagi nito. Gawing gabay ang bilang sa
bawat linya o talata para talakayin ang detalye o impormasyon na isinasaad nito.

1. Anong uri ng pamatnubay ang ginamit sa balita? Patunayan ang iyong sagot.
 Ang uri ng balita na ginamit dito ay ang Tuwirang balita (Straight News), dahil ito’y tuwirang
nagsasalaysay ng pangyayaring naganap at ito ay inihahayag mula sa pinakamahalagang detalye
na kumakatawan dito ang W’s at H.

2. Ano/ano-anong mga tanong ang sinasagot sa mga sumusunod na linya.[2]


1. Sa ikalawang linya, sinasagot dito ang mga tanong na Paano na kung saan tumutukoy sa partikular
na bahagi kung paano na tanggap ang balita.

2. Paano, dahil dito ay naglalarawan ng isang pangyayari na dapat ipakalat ang ipinapatupad na
social distancing na kailangan malaman ng ibang matataong lugar na galing sa mga kapulisan.

3. Dito ay sinasagot ang Saan, dahil dito ay inalalarawan na kung saan madalas nagkukumpulan ang
mga tao katulad ng palengke, malls, simbahan, ports, seaports, at maging sa pampublikong
sasakyan.

4. Sino, dito ay pinapahayag ang sinabi ni Binag na ang paggamit ng yantok ay base sa kautusan ni
Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas.

5. Ano, dito naman ay isinasaad na kailangan gamit ang kanilang mga ulo na sundin ang mga
protocols, ito ay sinasagot na Ano.

6. Ano, ito naman ay iba dahil sumasagot ito ng ano, dahil dito ay ginagamitan ito ng mga bagay na
salita na mga yantok at panukat sa pamalo at gianagamit sa pamalo ng ulo.

7. Sino, ito ay sinasagot na sino dahil nagkakaroong ng kolaborasyon ng PNP at ang mga local
government.

8. Saan, dito ay naglalarawan ng lugar na kung saan magaganap ang isinasaad na pangyayari.
PAGLALAPAT
Panuto: Pagpapakita ng kaalaman sa pagsulat ng balita hinggil sa mga napapanahong isyu o pangyayari.

BALITA:
Kaso ng kolera sa bansa, sumipa ng 270%; 37 pasyente,
naiulat nang namatay — DOH
Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules
na tumaas ng 270% ang naitatalang bilang ng mga
nagkasakit ng cholera sa bansa ngayong taong ito, at sa
naturang bilang, 37 pasyente ang binawian ng buhay.

Base sa National Cholera Surveillance Data na inilabas ng


DOH, nabatid na mula Enero 1 hanggang Oktubre 8, 2022
ay nakapagtala na sila ng 3,980 kaso ng cholera sa bansa.

Mas mataas anila ito ng 270% kumpara sa mga naiulat na


kaso sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon na
nasa 1,077 lamang.
Ayon sa DOH, sa naturang bilang, 37 ang namatay o
mayroong Case Fatality Rate (CFR) na 1%.

Nabatid na noong Enero, isa ang naitalang namatay sa


sakit; apat noong Pebrero; tig-lima noong Marso at Abril; dalawa noong Mayo at Hunyo; tatlo noong
Hulyo; siyam noong Agosto at anim naman noong Setyembre.
Pinakamarami anilang naitalang kaso ng cholera sa Region VIII na may 2,678 kaso o 67%; Region XI na
may 441 (11%) at Caraga na may 289 (7%).
Mula naman anila noong Setyembre 11 hanggang Oktubre 8, 2022, mayroong 245 kaso ang naitala sa
bansa.
Pinakaraming naitalang kaso sa Region VIII na may 147 (60%); Region VI na may 51 (21%) at Region V
na may 26 (11%).

Basahin: 2 patay, 24 isinugod sa ospital sa biglaang pagsirit ng kaso ng diarrhea sa Tacloban City –
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Ang Regions III, VI, at National Capital Region (NCR) naman anila ay lumampas na sa epidemic threshold
noong Setyembre 11 hanggang Oktubre 8, 2022.

“With this, the DOH continues to strengthen holistic public health strategies, ensuring healthy
environments, particularly through the implementation of the healthy settings strategy, and well-
capacitated communities to address common diseases, especially since there are recent reports of
increasing numbers of notifiable diseases such as cholera, which are primarily driven by environmental
factors,” ayon pa sa DOH.

“Moreover, the DOH has also released advisories on social media, to help the public make informed
decisions to avoid getting these diseases,” dagdag nito.

You might also like