Professional Documents
Culture Documents
Sa papel na ito, aming tatalakayin kung ano ang naging epekto ng COVID-19 sa
bansa at ating sasagutin kung naging sapat ba o nagkulang ang gobyerno sa pagtugon
sa pandemya sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Sa mga nagdaang buwan, isinailalaim ang mga rehiyon sa bansa sa iba’t ibang
lebel ng mga community quarantine, ito ang mga, Enhanced Community Quarantine
(ECQ), Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), General Community
Quarantine (GCQ), at Modified General Community Quarantine (MGCQ). Maraming
umaray na maliliit na negosyante at manggagawa dahil kasama sa panukalan ng mga
community quarantine na hindi maaring magbukas ang mga ilang establisyemento na
naging resulta ng kanilang pagkalugi at pagtanggal sa kanilang mga trabahador. Ayon
kay Dayrit (2020), propesor sa Ateneo de Manila University School of Medicine and
Public Health, mabisa ang mga community quarantine upang bagalan ang pagkalat ng
sakit na COVID-19, ngunit hindi talaga ito mapipigilan kahit na perpekto pa ang
pagpapatupad nito. Dagdag pa ni, Dra. Abeyasinghe (2020), kinatawan ng World Health
Organization Philippines, ang mga community quarantine ay dapat ipatupad kasama ng
iba pang mga hakbang tulad ng mass testing, contact tracing, at pagdistansya mula sa
ibang tao upang maging epektibo ito. Ngunit, sa kabila ng mga rekomendasyong ito,
walang naitalagang programa ang pamahalaan para sa mass testing dahil sa mga
limitadong testing kit.
Sources:
Philippines: Country faces health and human rights crisis one year into the COVID-19
The Philippines’ COVID-19 Response: Securitising the Pandemic and Disciplining the
1946
(cnnphilippines.com)
Filipinos slam gov't, demand China travel ban amid 1st coronavirus case in PH
(rappler.com)
https://www.eubios.info/yahoo_site_admin/assets/docs/
EJAIB52020.227140931.pdf#page=50