You are on page 1of 1

Pangngalan: Theresa Mae P.

Gonzales BSED FILIPINO 2B


Gawain 7: Pagsulat ng Akdang Pang-agham at Teknolohiya
PANDEMYANG DULOT NG COVID-19, PATULOY NANAGPAPAHIRAP SA LAHAT
Ngayong taong 2020, lubos na nahihirapan ang lahat dulot ng pandemyang COVID-19.
Sa loob ng mahigit na 7 buwan, patuloy na sinusubok ang ating frontliners dahil sa bilis ng
pagtaas ng kaso araw-araw. Kada araw halos tatlong libong kaso ang naitatala ng DOH na mga
bagong kaso ng COVID-19.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga nag popositibo sa COVID-19, patuloy parin
na ipinapatupad ang paghihigpit sa maraming barangay sa bansa, lalo na sa mga lugar kung
saan marami na ang mga nagpopositibo. Higit na mas pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan
ang mga lugar kung saan mas mataas abg kaso sa kailang lugar upang matigil na ang pagdami
ng kaso ng mga nagpopositibo sa virus.
Araw-araw ay naglalabas ng mandato ang DOH sa mga bilang ng mga nadagdag na kaso
sa COVID-19. Ito ay kanilang ipinapalabas sa balita at kanilang ipinopost sa iba't-ibang social
media na halos gingamit ng karamihan.
Ang COVID-19 ay patuloy na pinag-aaralan at hinahanapan ng lunas ng mga eskperto.
Marami ng naglalabasan na mga maaaring gamot sa virus ngunit hanggang sa kasalukuyan ay
wala pang tiyak na resulta na ito'y nakakapaglunas sa COVID-19. Ang problemang ito ay patuloy
na hinaharap ng ating mga frontliners upang mawakasan na abg kinakaharap ng ito ng bansa.
Ang lumalalang kaso ng pandemya ay patuloy na nagpapahirap sa ekonomiya at mga
tao. Patuloy pa rin na nahihirapan ang lahat na kumita at mamuhay dahil sa pandemya kaya't
patuloy na humihiling ang pamahalaan at mga frontliners na nawa'y sumunod ang lahat sa mga
paalalang ibinibigay ng gobyerno na matapos na ang paghihirap ng lahat dulot ng COVID-19.
Hindi tumitigil ang gpbyerno sa pagtulong sa pamilyang labis na nahihirapan at sa nga
nangangailangan ng tulong. Nariyan ang nga frontliners na hindi sunmusuko na gampanan abg
kanilang nga tungkulin na pagserbisyo sa mga tao. Mahirap solusyunan abg pandemya ngunit sa
aking pananaw, ang pagsunod lamang sa mga safety protocols na ibinibigay ng pamahalaan ay
malaking tulong.
Bilang isang kabataan, aking nakikita ang pagpupursigi ng kinauukulan na matigil na ang
kinakaharap na ito ng mundo. Patuloy silang nagbibigay pa-alala sa mga tao ng kinakailangan at
dapat gaqin sa panahon ng pandemya. Ang nararanasan ng mundo ngayon ay sobrang hirap ba
masulosyonan lalo na't sobrang laki na ng pinsalang naidulot nito. Nawa'y matutunan na nang
mga tao ang disiplinang kinakailangan upang matapos na ang pandenyang ito.

You might also like