You are on page 1of 1

Pangalan: ESMANA, ALDRIN B.

Seksyon: BSCS – 2E

AWTPUT

Sumulat ng isang talata tungkol sa pandemyang nararanasan ng ating bansa.

Ang pagdating ng mga pagsubok ay normal lamang sa buhay. Sa ngayon, dinaranas


natin ang isa sa mga mahirap na pagsubok na buong mundo ang naapektuhan. Ang
pagdating ng bagong coronavirus na ito ay nagdulot ng malaking panganib at banta sa
buhay nating lahat. Subalit, anuman ang pagsubok na kinakaharap natin, magtiwala lang
tayo sa Diyos at magtulungan dahil makakaya natin itong lagpasan.

Ang COVID-19 ay isang sakit na dulot ng bagong coronavirus na nadiskubre sa Wuhan,


China noong Disyembre 2019. Kumalat na ito sa iba’t-ibang parte ng mundo bago pa ito
mapigilan at nagdulot ng malawakang problema na kinakaharap ngayon ng iba’t-ibang
bansa. Milyon na ang nahawa at daang libo na ang namatay sa sakit na ito kaya naman
mas pinagbubuti pa ng gobyerno at mga espesyalista sa larangan ng medisina ang
kanilang trabaho para masugpo ang sakit na ito. Marami ang walang makain ngayon dahil
na rin sa pagsuspinde ng trabaho para maiwasan ang tuluyan pang pagkalat ng sakit.
Ang problemang ito sa pagkain at pinansiyal ng malaking porsyento ng pamilya sa bansa
ay pilit na sinosolusyunan ng gobyerno sa tulong na rin ng mga kapwa nating may
mabubuting loob. May mga taong nahawa na ng sakit na ito at ang mga tinatawag na
fronliners ay isinusugal ang kanilang buhay para hindi na tayo mahawa pa. Makakatulong
tayo hindi lang sa kanila kundi sa buong bansa at mundo kung susunod tayo sa mga utos
ng gobyerno at mga nakakaalam sa sakit na ito.

Sa pagsugpo natin ng sakit na COVID-19, napakahalaga ng pagtutulungan ng bawat


isa. Sa pamamagitan nito, kahit anuman ang pagsubok na kinakaharap natin ay
siguradong ating malalagpasan. Magkaisa at magtiwala lang tayo sa ating kapwa at sa
Diyos at siguradong magiging ayos din ang lahat.

Marawoy, Lipa City, Batangas 4217 | https://www.facebook.com/KLLOfficial/

You might also like