You are on page 1of 1

Coronavirus (Infomercial)

Matatapos na ang taon ngunit ang suliraning hinaharap wala pa ring solusyon.
Marami at di biro ang pinsalang naidulot nito saating bansa lahat ay apektado ang
ekonomiya, kalusugang pangkaisipan, trabaho, businesses, pag-aaral at kahirapan.

Sa kasalukuyan, umabot ng 448,000 kumpirmadong kaso ng Covid-19


kabilang dito ang 409,000 recovered at 8,730 bilang ng namatay. Ang covid-19 na ating
nararanasan ay patuloy parin sa pagkalat ngunit inaasahang magkakaroon ng solusyon
-ang baksin para sa tuluyang pag-laya natin sa pandemya. Ngayon at alam na natin ang
bilang ng kumpirmadong kaso sa ating bansa, paano nga ba tayo makakabangon at
makakasiguro sa patuloy sa pagpuksa nito? Bilang isang mamayang Pilipino,
makakatulong tayo sa pagtigil ng pagkalat ng coronavirus sa pamamagitan ng pagsunod
sa batas at polisiya na ipinapatupad ng gobyerno, Department of Health (DOH) at World
Health Organization (WHO). Tayo ay sumunod sa mga alituntunin sa ating lugar-
pagsuot ng masks, social distancing, pagpapanatili sa bahay dahil mas mainam na
huwagh lumabas kung hindi naman kinakailangan para sa kaligtasan at pagpapanatiling
malinis sa katawan at sa kapaligiran, Ayon sa Department of Health, ang mahalaga
ngayon ang pagtutulungan para mapuksa natin ang pagkalat ng virus upang bumaba ang
bilang ng nangangailangang magpa-ospital at mabawasan ang Pilipinong mahawaan ng
sakit.

Kaya lagi nating tatandaan magiging epektibo lamang ang patuloy na


pagpuksa, pagbaba at pagkalat ng Covid-19 at pagbangon sa pandemya kung tayo ay
patuloy na susunod sa batas at alituntuning ipinapatupad para saating bansa. Ang pagawa
at pagsasabuhay nito ay isang simpleng paraan at sakripisyo para saatin at buhay ng ating
kapwa Pilipino. Muli, tayo ay magtulungan at sama-sama sa pagbangon mula pandemya
at pagpuksa ng Covid-19!

You might also like