You are on page 1of 2

Lester A.

Ambag
BSBA-MM II-E

Lubos na pinalubog ng Covid-19 virus na naging pandemya ang ibat ibang sektor di lamang
sa Pilipinas pati narin sa buong mundo. Naging problema ito ng bawat tao sa mundo, nabago ng
pandemyang ito kung paano gagalaw at magiisip ang bawat isa at kung paano sila aangkop
upang tugunan ito. Paglabas ng mga bagong programa, panukala at mga batas ang naisagawa at
naipatupad na na tutugon sa kinakaharap nating problema.

Sa usapin tungkol sa "health care system" sa bansa, itoy nagsilbing hamon sa ating gobyerno
kung paano tutugunan ang kakapusan at kakulangan sa kakayahan na sugpuin ang Covid-19
virus gayong limitado lamang ang kakayahan ng bansa pagdating sa usaping ito, kakulangan sa
mga pasilidad, kakulangan sa mga kagamitan at kakulangan sa mga taong may sapat na
kaalaman at kakayahan sa pagsugpo sa virus at kakulangan sa suporta para sa mga frontliners
lalo na ang mga medical staffs and professionals na nakaharap at gumagamot sa mga infected.
Noong nagsimula ang unang surge ng Covid-19 noong 2019 kinapos ang ating gobyerno sa
paghahanap ng mga pasilidad na magiging treatment facility para sa mga infected ng virus,
ginawang treatment facility at quarantine facility ang mga pribadong hotel sa mga lugar sa bansa.
Ang kakulangan naman sa mga kagamitan ay natugunan sa pamamagitan ng pagaangkat galing
sa ibang bansa. Ang suporta naman para sa medical professionals ay patuloy na pinapalawig at
binibigyan pansin ng gobyerno sa kasalukuyan, pagbibigay ng hazard pay at special risk
allowance para sa kanila ang isinusulong ng pamahalaan upang suklian ang kanilang
kabayanihan na nararapat lang naman talaga para sa kanila. Sa kasalukuyan patuloy na
sinusulusyunan ng gobyerno ang usapin tungkol sa kalusugan sa pamamagitan ng patuloy na
pamamahagi at pagbibigay ng libreng bakuna para sa lahat. Ang negosyo at ekonomiya ay
sinubok din ng pandemya, maraming (SEM) small and medium enterprises businesses ang
nagsara partikular na ang mga service type of business noong nagsimula ang outbreak ng virus.
Dahil nga sa pagsasara ng karamihan sa mga negosyo nagdulot din ito ng malawakang
unemployment para sa maraming manggagawa ng bansa. Ang pagkawala ng mga negosyo at
pagdagdag ng unemployment rate sa bansa ay lubos itong nakaapekto sa ekonomiya ng bansa,
bilyon bilyon kita ang nawala sa bansa dahil sa pandemya hanggang sa kasalukuyan binibigyan
importansya ng gobyerno ang panunumbalik ng masiglang kalakalan sa bansa na
makakapagbukas ng milyon milyong oportunidad sa Pilipinas, unti unti ng ibinababa ang mga
quaratine restrictions at protocols at parami ng parami ang mga negosyong muling nagbubukas.
Ang pandemyang dulot ng Covid 19 virus ay nagdulot din ng problema sa usapin sa pulitika,
bawat gobyerno sa mundo maging sa Pilipinas ay gumawa ng mga hakbang na susugpo sa
pandemyang ito. Dumami ang mga batas at polisiyang ipinatupad ng gobyerno upang tugunan
ang krisis na ito. Mga batas upang tulungan ang mga maliliit na negosyo na makapagsimula uli
sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo, pag bibigay ayuda sa bawat indibidwal na nawalan ng
kakayahang suporatahan ang kanilang pangaraw araw na gastusin bunsod ng pagsisimula ng
pagkalat ng virus at huli ang pagpapalawig ng mga polisiya pagdating sa usapin sa kalusugan.
Nakaapekto rin ang pamdemya lalo na sa darating na halalan, mas pinapaboran ng nakararaming
botante ang mga tumatakbo sa posiyon na may layuning sugpuin ang problema sa Covid 19 kesa
sa mga kandidatong malayo o di kayay di naka sentro ang isinusulong na plataporma sa
pagsugpo sa pandemya.
Dumating man ang ating bansa sa pagkalugmok na lahat ng sektor ng ating bansa ay lubos na
naapektuhan dahil sa pandemya, mababakas parin ang kakayahan ng mga pilipinong umangkop
sa kahit anong hamon ng buhay, nagagawang panatilihing produktibo ang bawat gawain at
anhkopin ang sarili ayon sa pangangailangan. Hindi lamang laban ng isa ang kinakaharap natin
kundi lahat tayo ay kasama rito. Sa kasalukuyan ay unti unti ng bumabangon muli ang ating
bansa, pagboto sa tamang tao sa posisyon ang kailangan isang tunay na may malasakit at agad na
aagapay sa bawat problema ng bansa.

You might also like