You are on page 1of 1

B4 L19 San Miguel 2 Molino 4

OPEN LETTER TO THE NEXT Bacoor Cavite, Philippines


PRESIDENT OF THE rccecillia@gmail.com
PHILIPPINES

February 08, 2022

Sa susunod na Pangulo ng Pilipinas


Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Malacañan Palace, JP, Kalayaan Hall,
2/F Jose Laurel St, San Miguel, Manila,
Metro Manila, Philippines

Mahal naming Pangulo ng Pilipinas,

Isang mapagpalang araw po sa inyo.

Ako po si Cecille C. Rosales, isang Bachelor of Science student in Hospitality Management mula sa Unibersidad ng Pilipinas - De La Salle
Dasmariñas. Sinusulat ko ang liham na ito upang makiusap sa inyo - makinig sa iyong mga tao. Ang liham na ito ay nais iparating sa inyo ang aming
mga adhikain para sa Pilipinas at ang mga posibleng pagbabago na nais naming makita sa mga lugar tulad ng pagbubuwis, reporma sa lupa,
konstitusyon, atbp., na kinakailangan upang maisakatuparan ang aming mga mithiin para sa Pilipinas at para sa ating lipunan at ipaliwanag sa inyo
kung ano ang iniisip ko tungkol sa inyong mga aksyon at ikikilos na maaaring maging posibilidad para sa pagpapabuti at pag-unlad ng ating bansa.

Sa aking palagay, importanteng unahin natin ang kalusugan ng lahat lalo na sa panahon ngayon ng pandemya. Maraming tao ang apektado
pagkatapos lumaganap ang naturang sakit na tinatawag na Covid-19, lahat ng paaralan, mga establisyemento at pati na rin ang lahat ng mga uri ng
trabaho ay nagsara sa buong bansa. Maraming nailathalang pangalan ng lockdown gaya ng ECQ, MECQ at marami pang iba upang maiwasan ang
impeksyon ng naturang sakit. Sa loob ng halos mahigit tatlong taong paggamit ng facemask o ang panakip sa mukha, nakasanayan na ng mga tao
ang paggamit nito o ang tinatawag na nating “new normal” sa panahong ito na isang magandang ideya upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing
sakit. Isa na rito ay ang pagsagawa ng Pamahalaan ng libreng pabakuna para sa lahat upang mapangalagaan ang ating kalusugan laban sa Covid-
19. Bilang isang lider at may nasasakupan, dapat inyong siguraduhin na ang lahat ay mabibigyan pansin, malusog at nasa tamang kalagayan.
Kailangan magtulungan upang walang maiwanan at mapabayaan. Marahil marami pa rin sa ngayon ang hindi pa rin napapabakunahan o ayaw
magpabakuna dahil sa maaaring maging side effect ng bakuna sa kanilang katawan. Kung anuman ang maging desisyon nila ukol sa pananaw nila sa
pagpapabakuna, ito ay dapat nating bigyang respeto dahil may karapatan silang tumanggi. Kung magbago man ang isip nila, maiging hikayatin silang
magpabakuna at ipaunawa sa kanila ang maaaring maging magandang dulot nito dahil para rin naman sa kanila ito. Sa paraang ito, makakatulong ito
sa kanila na maprotektahan ang kanilang sarili mula sa virus.

Bukod sa kalusugan, edukasyon ang pundasyon ng lahat. Ito ay isa sa mga mahalagang dapat pagtuunan ng inyong pansin at ng buong pamahalaan,
dahil kapag naturuan ang mga tao, nagagabayan sila nitong maging malusog at maenganyong kumilos sa sarili nilang mga paa tulad na lamang ng
kasabihang bigyan mo ng isda ang isang tao at kakain sya ng isang araw. Turuan mo mangisda ang isang tao at mapapakain mo siya ng
habambuhay. Kaya dapat nating pahalagahan ang edukasyon dahil ito ang susi sa ating tagumpay. Kaya naman kailangan pagtuunan pansin ang
pagpapatupad ng palibreng pag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo at pagbibigay suporta sa mga batang may problemang pinansiyal.

Isa pa sa gusto naming mga mamamayan na makita ay ang pagtutok niyo sa seguridad at kaligtasan ng ating bansa pati na rin naming mga
mamamayan na iyong nasasakupan. Dapat panatilihin niyo ang kapayapaan ng ating bansa at sugpuin ang mga lumalaganap na krimen. Ang mga
taong ayaw sumunod sa batas ay bibigyan ng karampatang parusa dahil ang bansang walang pagkakaisa ay walang karapatang umunlad.

Ang isyu ng korapsyon ay ang isa sa mga kinakaharap nating problema sa panahon na ito, hindi lamang nararanasan sa ating bansa pati na rin sa
mga ibang bansa. Subalit hindi ito dahilan upang itigil natin ang paglaban sa korapsyon. Makikita ang korapsyon sa mga simpleng serbisyo ng
gobyerno tulad ng pagkuha ng opening permit para sa malalaki at malalaking proyekto tulad ng paggawa ng mga kalsada, tulay at mga gusali ng
gobyerno. Marami sa aking mga kababayan ang nag-aakala na hindi direktang nakakaapekto sa kanila, ngunit ang katotohanan ay lahat tayo ay
apektado nito. Ganito rin ang nakikita ng iba sa iba pang isyu at panlipunang hamon na kinakaharap ng ating bansa, tulad ng mga paglabag sa
karapatang pantao, malayang kalakalan, pang-aabuso sa kababaihan, at mga suliraning pangkalikasan na bunga ng mahinang pangangalaga sa
kapaligiran. Bilang resulta, inihihiwalay ng mga mamamayan ang kanilang mga sarili sa mga isyu at hamon sa lipunan upang matugunan ang mga
personal na hamon at pangangailangan. Kaya dapat natin bigyang pansin ang mga bagay na ito upang mapabuti ang ating bansa. Bukod dito, kapag
ating napanatili ang kawang-gawa ating makikita ang pagbabago at pag-unlad ng ating sariling bansa.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at paglaan ng inyong oras sa lihim ko na ito.

Gumagalang,

Cecille C. Rosales

You might also like