You are on page 1of 2

Pangkat: Pangkat 1 (Gaspar, Lidasan, Camino, Munar, Batallones)

Baitang; ABM-12

Southern Mindanao Institute of Technology, Inc.


Brgy. Buenaflor, National Highway
Tacurong City

Sang-ayon ka ba sa Panukalang Batas na Reproductive Health Bill?

Usap-usapan sa buong bansa ang Reproductive Health (RH) Bill na iminungkahing


batas sa Senado at sa House of Representatives na kung saan magkakaroon ang lahat ng
mamamayan tungkol sa mga paraan ng birth control, libreng mga kontraseptibo sa mga
health centers, sex education, tamang pag-aalaga ng anak, magkakaroon lahat ng mga
midwives sa siyudad man o sa mga liblib na lugar, at marami pang iba. Sa kabila ng
maraming oposisyong lumalago sa pagpapatupad ng batas na ito, hindi pa rin
maipagkakaila na maraming pakinabang ang maidudulot nito sa mga mamamayang
Pilipino lalong lalo na sa mga taong aktibo sa pakikipagtalik at sa mga may taong kulang
ang kaalaman sa ligtas na pakikipagtalik.

Isa na roon ang maiiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga taong may HIV, AIDS, at
iba pa. Sa pagpapatupad ng bill na ito, maiiwasan ang pagkalat ng mga Sexually
Transmitted Disease sa mga taong aktibo sa pakikipagtalik. Kung tutuusin, hindi lamang
ang mga aktibo sa pakikipagtalik ang maaaring maaapektuhan o mahahawaan ng sakit na
nakakahawa kundi pati na rin ang mga batang pinagbubutis pa lamang. Kung sakali man
na may sakit ang kanilang ina, malaki ang posibilidad na pati ang batang kanyang
pinagbubutis ay maaapektuhan din. Kaya naman napakalaking tulong ang maibibigay ng
batas na ito kapag ito’y mapatupad dahil maraming tao ang magkakaroon ng bagong
kaalaman tungkol sa mga sakit na kumakalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Dahil sa
kaalamang ito, maiiwasan ang pagtaas ng kaso ukol sa mga Sexually Transmitted
Diseases sa bansa.

Nakakaalarma rin ang pagtaas ng kaso sa maagang pagbubuntis sapagkat


naapektuhan nito ang edukasyon at kalusugan ng mga kabataan. Ayon sa World Health
organization (WHO), mahigit kumulang na 16 milyong babae na edad 15 hanggang 19 ang
maagang nabubuntis. 95% ng mga kapanganakang ito ay nangyayari sa mga bansang may
mababang ekonomiya. Dahil sa maagang pagbubuntis maraming kabataan ang
naapektuhan ang pag-aaral. Ang iba ay walang sapat na pera para ipagpatuloy ang
kanilang pag-aaral. Ayon naman sa Family Health Survey noong taong 2011, may
tinatantyang labing-isang (11) babae o nanay ang namamatay mula sa maiiwasang mga
komplikasyon sa pagbubuntis at panganganak kada taon. Kaya napakahalaga na
mapatupad ang batas na ito dahil isa sa mga paraan para maiwasan ang maagang
pagbubuntis ay paggamit ng mga contraceptives at kailangang may sapat na kaalaman
tungkol sa ligtas na pakikipagtalik, pagbubuntis at panganganak.

Ayon ulit sa World Health Organization (WHO), ang kahalagahan ng pagpaplano ng


pamilya ay malinaw mula sa mga benepisyo nito sa mga indibidwal, gayundin sa mga
pamilya, komunidad, at lipunan. Ito rin ay isang mahalagang hakbang sa pagkontrol sa
dumaraming populasyon sa buong mundo. Nagbibigay-daan ito sa mga mag-asawa na
mahulaan at makamit ang nais na bilang ng mga anak, pati na rin matukoy ang pagitan ng
mga panganganak. Sa kasalukuyan, kapag ang pandaigdigang populasyon ay tumataas
nang hindi mapigilan, ang mga tao ay dapat magkaroon ng kamalayan sa kahalagahan ng
pagpaplano ng pamilya at pagkontrol ng kapanganakan. Ang pagpaplano ng pamilya ay
mahalaga sa pagkaantala sa mabilis na paglaki ng pandaigdigang populasyon at ang mga
resultang masamang epekto sa lipunan at ekonomiya. Ang mga kontraseptibo para sa
pagpaplano ng pamilya ay dapat na madaling makuha sa pangangalagang pangkalusugan.
Ang mga manggagawa sa kalusugan ng komunidad ay dapat sumulong upang magbigay
ng pagpapayo sa mga pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya sa mga tao. Para sa mga
medikal na pamamaraan, tulad ng isterilisasyon, ang mga mag-asawa ay dapat kumunsulta
sa mga klinika.

Isa rin sa pinakamabisang paraan upang maibsan ang pagdami ng populasyon sa


ating bansa ang Reproductive Health Bill na ito. Hindi man ganon kabilis ang proseso
ngunit ito ay makakatulong para hindi na dumami pa ang populasyon sa ating bansa. Lahat
ng mga binanggit ay ilan lamang sa magiging benepisyo natin sa panukalang batas na
Reproductive Health (RH) Bill. Huwag sana umabot sa panahon na tayong lahat ay
mahihirapan kung kaya hangga’t maaga pa, gumawa na tayo ng solusyon para sa isyung
overpopulation. Responsibilidad nating maging maingat at pigilan ang anumang sakuna na
darating sa atin. Manatili tayong handa, at maging praktikal sa pag-iisip, gamitin natin ito sa
magandang paraan katulad ng pagbibigay ng kamalayan sa ibang tao, lalo na sa mga
kabataan at mga pamilyadong tao.

You might also like