You are on page 1of 1

Teenage Pregnancy

Isa sa mga problemang pang-ekonomiya at isyung pagkalusugan sa Pilipinas ay ang “Teenage pregnancy”
o ang maagang pagbubuntis ng isang menordeng-edad. Ayon sa Phillipine Statistics Authority o PSA,
mahigit 24 na sanggol ang niluluwal sa isang oras, at nasa edad 15 hanggang 19 ang mataas na bilang na
nabubuntis na hindi sa tamang edad. Naipahiwatig ito ang maagang pakikipagtalik ng mga kabataan na
hindi sa tamang edad. Nababahala rin ang Population Comission sa pagtaas ng bilang nito dahil isa ito sa
mga sanhi ng pagbigay ng ating ekonomiya.

Karamihan sa kanila lalo na ang mga kababaihan ay tumigil sa pag-aaral dahil ang pagbubuntis ay dapat
maiging inaalagaan lalo na ang sanggol. Ang maagang pagbubuntis ay maaaring mauwi sa peligro dahil
karamihan sa mga kabataang nabubuntis ay walang sapat na kaalaman, kondisyon, nutrisyon, o pera para
makuha ang kanilang pangangailangan. Ang ibang kabataan naman ay hindi talagang handa sa kanilang
pagbubuntis, kaya may ibang kababaihan na nag papa-abort.

Ang kongreso ay sumagawa ng law o bills para masolusyonan o mabawasan man lang ang teenage
pregnancy.

Ang Senate Bill No. 1482 “An Act Providing for a National Policy on Preventing Teenage Pregnancies,
Institutionalizing Social Protection for Teenage Parents, and Providing Funds Therfor” ay naglalayon na
pababain ang datos sa isyung ito sa pamamagitan ng pagbigay ng komprehensibong edukasyon sa mga
kabataan. Dapat ito ay isang age of development, appropriate, at mondatory sa lahat ng paaralan.
Medically accurate ito at walang diskriminasyon.

Isinulong at pinatupad din ng kongreso ang “Teen Pregnancy Prevention Law” kung saan tinutulungan ang
mga batang ina upang makaahon. Puwede silang bumalik sa pag-aaral, gumawa ng negosyo, at makaipon
sa kanilang pagbubuntis.

Mahalaga ang pag suporta ng pamahalaan sa mga isyung ito dahil sila lamang ang may kakayahan na
maaaring solusyonan ang problemang pangekonomiya at pangkalusugan ito.

You might also like