You are on page 1of 4

KALUSUGANG PANGKAISIPAN

✢ Ang kalusugang pangkaisipan ay ang ating abilidad na makapagpasaya sa


ating buhay at malampasan ang mga pasanin ng pang araw-araw na
pamumuhay.
✢ Ang mabuting kalusugang pangkaisipan ay nagpapahintulot sa iyo maging
kapaki-pakinabang, ang magkaroon ng katuparan sa mga relasyon sa
ibang tao at ang umangkop sa mga pagbabago at malampasan ang mga
panahon ng kahirapan.

✢ Mga bagay na nakakaambag sa kalusugang pangkaisipan


✢ Pagpapahaaga sa sarili at pagka maalam sa sarili
✢ Diet at exercise
✢ Mas palalimin ang mga relasyon sa pamilya, kaibigan, at iba pa
✢ At gawin ang mga bagay na nagpapasaya sayo

Ang mga nakakasama sa kalusugang pangkaisipan ay ang…

Pinsala at Karahasan

✢ Ito ay ang pang-aabuso o karahasan sa pagitan ng mag-asawa,


magkasintahan atbp. Hindi lamang ang pisikal na pang-aabuso o
pananakit sa katawan tulad ng sipa, at suntok ang maituturing na
domestic violence, maging ang paggamit ng mga salitang mapanlait ay
maituturing na domestic violence din.

✢ Pang-aabusong Emosyonal: Ang pagsasabi ng mga magaspang o


mapanlait na salita tulad ng Walang pakinabang o walang silbi Walang
utak o tanga, pagwawalang-bahala kahit na kinakausap, pagwasak at
pagtapon ng mga bagay na pinakakaingatan, pagsusubaybay o
pagmamatyag at pagbabawal sa pakikipagkaibigan atbp.
✢ Pang-aabusong Pisikal: Tulad ng sipa at suntok.
✢ Pang-aabusong Sekswal(Sexual Abuse): Pamimilit sa hindi ninanais na
paraan ng pakikipagtalik, hindi pakikipagtulungan upang maiwasan ang
pagbubuntis, atbp.
✢ Pang-aabusong Pang-ekonomiya o Pinansyal: Hindi ginagampanan ang
mga responsibilidad at mga gastusing pangkabuhayan, pagsamsam sa
pera atbp.

Republic Act No. 11036 o Philippine Mental Health Act


Mapagkakalooban ng batas na ito ang mas abot-kaya at mas mabilis na serbisyo
ng mga Filipino na nakakaranas ng mental health problems.

teenage pregnancy

Tumataas na ang bilang ng insidente ng maagang pagbubuntis, o teenage pregnancy na isinisisi sa


samu't saring dahilan gaya ng social media at pagbibisyo.

Nagbabala si Sen. Win Gatchalian na posibleng tuma-as ang mga kaso ng teenage
pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga kabataan sa gitna ng COVID-19
pandemic.
Ayon kay Gatchalian, kung pagbabatayan ang mga nagdaang kalamidad at sakuna
sa bansa at ibang bansa, isa sa nakikitang epekto nito ay ang pagtaas ng kaso ng
teenage pregnancy.
Inihalimbawa ng senador ang Eastern Visayas matapos ang bagyong Yolanda
noong 2013, lumalabas sa pag-aaral ng Department of Science and Technology-
National Research Council of the Philippines o DOST-NRCP na halos 23.5% ng mga
kababaihang teenager ang nabuntis noong panahong iyon.
Samantalang 14.8% naman ng mga batang inang nanganak ang muling nabuntis
nang sumunod na taon.

Sinabi ni Gatchalian, na dapat lalong paigtingin ng mga lokal na pamahalaan ang


pagpapatupad ng kanilang mga programang pang-kalusugan at tutukan ang
pagsugpo sa maagang pagbubuntis.
Maternal and Child Care Program, na sumasakop sa regular na prenatal checkup
ng mga buntis at pagbibigay ng Baby Makatizen kit para sa mga bagong silang.

PAGBABAKUNA

Ang bakuna o baksinasyon ay ang pagbibigay sa isang tao ng isang sustansiyang


nakasasanhi ng tugon mula sistemang imyuno. Isang paraan ang sistemang
imyuno ng paglaban ng katawan sa mga impeksiyon. Dahil sa tugon ng sistemang
imyuno, mas mababa ang pagkakataon na magkaroon ng impeksiyon ang isang
tao. Kapag nabantad ang isang tao sa birus o bakteryang nakapagdurulot ng sakit,
mapaglalaban ito ng tao at hindi siya magkakaroon ng karamdaman.

Republic Act No. 10152 o Mandatory Infants and Children Health Immunization
Act of 2011
Ang mga sanggol at batang nasa edad 0 hanggang 5 taon ay mabibigyan ng libreng
bakuna sa anumang ospital ng gobyerno at health centers.

Inilunsad ng Makati local government unit ang libreng anti-flu at anti-pneumonia


vaccine para sa mga residente.
Aniya, layon ng programang mabigyan ng karagdagang proteksyon ang
Makatizens upang mapalakas ang kanilang resistensya laban sa SARS-CoV-2, na
sanhi ng sakit na COVID-19.
Sa kauna-unahang pagkakataon, gagamitin ang online registration upang
makapagpatala ang mga residenteng nais makatanggap ng mga nabanggit na
libreng bakuna. Ito ay upang pabilisin ang proseso at malimitahan ang person-to-
person contact sa pagitan ng health workers at mga residente, dagdag ng alkalde.
Ayon kay Mayor Abby, patuloy na nagsasagawa ang lungsod ng mga bagong
pamamaraan upang makapaghatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa mahigit
500,000 Makatizens, alinsunod sa adhikaing manguna sa pagpapatupad ng mga
inobasyon at mga bagong pamantayan sa ilalim ng “new normal”.
Aniya, mabibigyan ang mga residente ng trivalent flu vaccine na sumasakop sa
tatlong strains ng influenza.
Samantala, umabot na sa 5,130 frontliners at essential workers ng City Hall ang
nabigyan ng libreng bakuna laban sa flu. Ang programa ay nakalaan para sa
kabuuang 9,706 na empleyado ng lungsod. Natakda rin silang bakunahan laban sa
pneumonia noong Agosto. Patuloy ring tumatanggap ng libreng bitamin tulad ng
Vitamin C at B-Complex ang mga kawaning pumapasok sa opisina simula pa
noong enhanced community quarantine.

PANDEMYA

Malawakang paglaganap ng sakit sa buong daigdig sa loob ng isang panahon. Mas


malawang ang sakop nito kaysa ang epidemya. Idineklara ng World health
organization ang COVID-19 bilang isa nang pandemya dahil sa paglaganap nito sa
halos 114 bansa

Ang coronavarius ay isang malaking pamilya ng virus na nagmula sa ordinaryong


sakit na ubo’t sipon na nag dulot ng mas seryosong infection kagaya ng Middle
East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome
(SARS-CoV). Sa malalang kaso, ito ay nauuwi sa pneumonia, pagkalagnat, kidney
failure at maging kamatayan.

Ang epektibong proteksyon laban sa covid-19 ay ang pag huhugas ng kamay gamit
ang sabon o alcohol at pag gamit ng face mask and face shield tuwing aalis ng
bahay.

Iuulat ni Claudine ann gelang ang isyung pang kapaligiran

You might also like