You are on page 1of 4

CONCEPCION HOLY CROSS COLLEGE

Minane, Concepcion, Tarlac


EDUCATION DEPARTMENT
First Semester S.Y. 2022 – 2023

ETHICS: ABORSYON

De Belen, Jazel

Deonoso, Mhaui

Garcia, Janielle

Hipolito Ria Ann

Pajulas, Nicole

Pongco, Maria Ahlaiza

Salazar, Stephanie

Sumayod, Eliza

Ang aborsyon o pagpapalaglag ay isang proseso na kung saan binibigyang wakas ang
isang buhay ng isang sanggol sa loob ng sinapupunan ng isang ina sa piling dahilan, paraan at
motibo. Ito ay isang akto ng sinasadyang pagpapatanggal ng fetus o ang nabubuong sanggol na
nasa loob ng matres ng babae na karaniwang ginagawa sa unang 28 linggo ng pagbubuntis. Ito
ay nagsasanhi ng pagkawala o pagkamatay ng bata, kung saan hindi pa man ito nag-aanyong tao
ay kinikitilan na ito ng buhay na siya ring pinagkakaitang masilayan ang ganda ng mundo. Ang
aborsyon ay matagal nang ginagawa noon pa man, legal mang paraan o hindi. Ginagamit ang
iba't ibang paraan tulad ng pag inom ng mga herbal na gamot, matatalim na kagamitan o
mismong paggawa ng mga ipinagbabawal sa mga buntis tulad ng pag-inom ng alak,
paninigarilyo at iba pa.

Tayo ay may iba't ibang pananaw kung ang aborsyon o pagpapalaglag ng bata ba ay
moral, etikal, legal o ispiritwal. Ang dalawang pangunahing posisyon sa moralidad ng aborsyon
ay maaaring tawaging posisyong "makabubuti sa buhay" at posisyong "makapipili". Sa ilalim ng
pamantayan ng pagiging moral, ang aborsyon ay kailan man hindi pinahihintulutang
gawin sa kahit alin mang rason dahil ito ay lumalabag sa pamantayan ng Human Rights o
karapatang pantao (1) The right to life. Sa kabilang banda naman, ang aborsyon ay
pinahihintulutan base sa estado ng fetus o nabubuong sanggol sa sinapupunan ng ina kung paano
ito nabuo.

Ayon sa tala ng Cameleon Association, 7,000,000 bata ang nakararanas ng sexual abuse
kada taon sa bansang Pilipinas. Higit 70% na nakararanas ng sexual abuse ay nasa gulang 10-18
at sa 20% na iyon ay nasa gulang 6 pababa. Sa kabuuan, 98% sa mga bikttima ay mga
kababaihan. Ang kasong rape o panggagahasa parin ang siyang pinaka madalas na uri ng sexual
abuse na nagaganap. Sumunod ay resulta ng incest o na isang sekswal na gawain sa pagitan ng
magkapamilya o malapit na kamag-anak, 33% ito na lubos na nakaka alarma. Ilan pang dahilan
ay ang commercial purposes gaya ng prostitusyon o pornograpiya.

Sa kabila ng Anti-Rape Law of 1997, na nagpalit ng nakaraang kahulugan ng


panggagahas ayon sa tinukoy ng Revised Penal Code of 1930, ngayon ay tumutukoy sa krimen
ng panggagahasa gaya ng Artikulo 266-A. Panggagahasa: Kapag at paano ginawa. Isinasaad dito
ang mas pinalawak na kahulugan ng panggagahasa sa mas malinaw na pagpapakahulugan
marami pa rin ang biktima ng pang aabuso. Kadalasan sa mga biktima ay nabubuntis at
dumadagdag sa mga bilang ng tinatawag nating teenage pregnancy kaya naman ang iba’y
naiisipan na lamang nga na magpa laglag base sa sitwasyon na kanilang kinalalagyan.

Ang abortion ay mali sa pamantayang moral maliban na lamang sa ibang sirkumstansya.


Gaya nga halimbawa ng pagbubuntis mula sa pagkakagahasa, kapag ang pagbubuntis ay
nagdudulot ng panganib sa buhay ng isang ina, at kapag ang fetus ay anencephalic, isang
seryosong depekto sa kapanganakan kung saan ang utak at buto sa bungo ng isang sanggol ay
hindi kompletong na debelop habang ang bata ay nasa sinapupunan ng ina.

Sa pagpili ng aborsyon may kaakibat itong panganib at kahihinatnan. Maaari nitong


pagaanin ang sitwasyon ng isang babae, maaari rin naman nitong mas palalain ang sitwasyon ng
babae.

Ang aborsyon ay maaaring maging malaking tulong sa isang ina kung siya ay may
unwanted preganancy o hindi inaasahang pagbubuntis. Magiging malaking tulong ito sa mga
batang ina na nasa gulang 10-19 na maipigilan ang mga panganib na kaniyang maaaring
maranasan buhat ng maagang pagbubuntis gaya ng (1) mataas na tyansa na pagkakaroon ng
eclampsia, bihira ngunit seryosong kondisyon kung saan ang pagkakaroon ng high blood
pressure ay maaaring mag resulta ng madalas na pag kombulsyon habang nagbubuntis. (2)
Pagkakaroon ng postpartum endometritis o ang pagkakaroon ng impeksyon sa matris na sanhi ng
bakteryang galing sa lower genital o gastrointestinal tract. (3) Systemic infection, impeksyong

maaaring mamalagi sa daluyan ng dugo na maaaring maapektuhan ang ating buong


pangangatawan.

Sa kabilang banda, ang abosyon ay maaaring magdulot ng masamang epekto. Dito sa


Pilipinas, bawal ang aborsyon at ang paglabag dito ay nangangahulgan ng pagkakakulong. Ang
pagpapalaglag ay hindi tama dahil ang isang fetus ay matuturing naring isang tao at ang
pagpapalaglag dito ay isang pagpatay na lumalabag sa batas. Ang sanggol sa sinapupunan ng
isang ina ay isang buhay na tao na may karapatang patuloy na mabuhay. Kaya naman, ang batas
tungkol sa aborsyon dito sa Pilipinas ay patuloy na nagbabawal sa ganitong gawain dahil
kinokonsidera ito na pagkitil ng buhay. Ang walang muwang na bata ay nangangailangan ng
espesyal na proteksyon dahil hindi pa nito kayang ipaglaban ang kaniyang karapatan. Hindi
lamang pinapatay ng pagpapalaglag ang sanggol, ngunit ang pamamaraan mismo ay nakakasama
at maaaring maging sanhi ng sakit sa bata o sa ina. Ang mga side effect ay maaaring mangyari sa
pagpapalaglag kung ito ay surgical o sa pamamagitan ng gamot. Kabilang dito ang pananakit ng
tiyan, pagduduwal, pagsusuka, at pagtatae. Ang pagpapalaglag ay nagdadala rin ng panganib ng
mga makabuluhang komplikasyon tulad ng impeksyon,pinsala sa mga organo at mas malubha,
pagkamatay.

Ang mga pananaw sa aborsyon ay hindi lamang naiiba sa mga pangunahing tradisyon ng
relihiyon, kundi sa loob ng bawat isa. Ang Diyos ay naglagay ng partikular na espesyal na
layunin sa loob ng bawat isa sa inyo, na naroon at nilikha bago pa man tayo nasa sinapupunan.

Ayon sa bibliya ng Iglesia ni Cristo ang pahayag ng panginoon tungkol dito “Huwag
kayong pumatay, ni gumawa ng anumang bagay tulad nito” (Doktrina at mga Tipan 59:6).
Malinaw para saaming mga kaanib ng Iglesia ni Cristo na bawal magpalaglag dahil ito’y
pagpatay ng tao na walang kamalay-malay. Dahil sa hindi sumasang-ayon ang mga kaanib dito,
sinang-ayunan naman nila ang tinatawag na Family Planning na kung saan dito maipaplano ang
pagpapamilya at pag-aanak. Dito rin maiiwasan ang pagpapalaglag. Ang sinumang sumang-
ayon sa aborsyon na kaanib sa Iglesia ni Cristo ay may karampatang parusa o matitiwalag. May
mga patakaran ang Iglesia ni Cristo na kung sino ang lalabag dito ay maaalis sa bahay sambahan.

Ayon sa bibilya at mga pananaw ng Born Again Christian malinaw na ipinapahayag ng


bibliya na isang kasalan sa mata ng Diyos ang pagpapalaglag. Sinabi sa atin ng Jerimias 1:5 na
kilala na tayo ng Diyos sa simula pa at siya ang humugis sa atin sa tiyan ng ating ina. Para sa
mga kristiano ang pagpapalaglag ay hindi maituturing na karapan ng ina na pumili ng kanyang
magiging anak. Ginamit ng manunulat ng bibiliya na si Lucas, isang doktor,ang parehong
salitang Griego para ilarawan ang hindi pa naisisilang na sangol at ang bagong silang na sanggol
sa (Lucas 1;41;2;12,16).

Ayon sa Respect for Unborn Human Life: The church’s constant teaching, isang
dokumentong inilimbag ng United States Conference of Catholic Bishops Committees on Pro
Life Activities, kinondena ng simbahang Katoliko ang pagpapalaglag o aboryon bilang isang
immoral mula pa noong ika-1 siglo. Napakaraming mga talata sa Bibliya ang malinaw na
nagpapakita kung ano ang pananaw ng Diyos tungkol sa aborsyon. Jeremiah 1:5_ Pagkat iyong
pinatay ang aking mga anak, para narin iyong pinapatay ang aking pasiya/pagkabuhay, iyong
pinatay ang kanilang kaloob sa hinaharap, ang kanilang patotoo sa hinaharap. ito ay labag sa
kalooban ng Diyos para sa atin na magkaroon ng karapatang mabuhay. Sa Exodo 21:22-25
naman ay ipinahayag ang hatol na kamatayan sa sinumang magiging dahilan ng kamatayan ng
sanggol na nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina. Ito ay malinaw na nagtuturo na itinuturing ng
Diyos ang sanggol sa tiyan ng ina na gaya sa isang matanda na mayroon ng sapat na pag-iisip.
Para sa mga Kristiyano, ang pagpapalaglag ay hindi maituturing ng karapatan ng ina upang
mamili. Ito ay patungkol sa buhay o kamatayan ng isang tao na ginawa ayon sa wangis ng Diyos
(Genesis 1:26-27; 9:6).

naniniwala tayo na ang buhay ng tao ay dapat na protektahan mula sa simula na


magkaroon tayo ng buhay sa mundo at maging noong nasa sinapupunan palang tayo ng ating ina.
Bukod pa sa pilosopikal na argumento, dapat din nating isaalang-alang ang rebelasyon ng Diyos.
Ang buhay ng lahat ng tao, kabilang ang mga "fetus", ay dapat igalang at protektahan simula sa
sandali ng kanilang pagkalikha. Ito ay dahil tayo ay ginawa sa larawan at wangis ng Diyos. Ang
ating Panginoon lamang ang may-akda ng buhay. Walang sinuman ang may karapatang kunin
ito sa atin. Anuman ang kalusugan natin o estado ng isang indibidwal, lahat tayo ay mahalaga sa
mata ng Diyos.

You might also like