You are on page 1of 1

Panimula

A. Pagpapakilala ng Paksa
Ang aborsyon o pagpapalaglag ay isang sinadyang pagtatanggal ng sanggol na nasa
sinapupunan pa lamang ng kaniyang ina. Ito ay isang paraan ng pagkitil ng buhay ng isang
batang hindi pa naisisilang. Madalas itong nangyayari sa loob ng unang 28 linggo ng
pagbubuntis. Ito ay maaaring mangyari ng biglaan katulad na lamang ng kapag ang isang babae
ay nakunan. Maaari ring gamiting pamamaraan ang pag-inom ng gamot o ang pag-opera sa
pagpapalaglag ng sanggol sa loob ng matres. Samantala, tinatawag na nakunan ang babae kung
ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika- dalawampung linggo ng pagbubuntis , kung saan
ito ay tinuturing na hindi pa buhay. Sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang
lehitimong paraan upang kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa
Pilipinas, itinuturing itong isang krimen. Sa isyu ng aborsyon, ay mayroong dalawang
magkasalungat na posisyon ang publiko: ang Pro-life at Pro-choice. Ayon sa mga “pro-choice”
(sumasang-ayon sa aborsyon), dapat gawing legal ang aborsyon dahil pinahihintulutan nito ang
isang babae na mapanatili ang kanyang mga karapatan, matulungan ang isang bata na maghihirap
lamang dahil sa lungkot at hirap ng buhay at makapagtatag ng mas ligtas at mapayapang bansa.
Ang mga “pro-life” naman ay ang mga taong hindi sumasang-ayon sa aborsyon. Naininiwala sila
na ang pagkitil ng buhay ng isang anak ng Diyos ay masama.

B. Ang Sariling Pananaw sa Isyu

Sa aking sariling pananaw, ang aborsyon ay maaaring ring magdulot ng maganda o positibong
epekto sa mga kababaihan tulad ng pangangalaga sa kalusugan ng isang babae, maiwasang
maghirap ang bata at maiwasan ang paglaki ng populasyon.Sa usaping pangangalaga sa katawan
ng babae, nakatututlong ang aborsyon dahil kapag hindi pa kaya ng babae na manganak at
maaring manganib ang kaniyang buhay, aborsyon ang isa sa mga posibleng maging solusyon
upang hindi siya mapahamak; tungkol naman sa pag- iwas sa paghihirap ng bata makatutulong
ang aborsyon dahil kung hindi ipagpapatuloy ng babae ang kanyang pagpapalaglag at hinayaan
na lamang maipanganak ang bata ngunit hindi naman niya kayang alagaan ay parang unti-unti na
ring pinapatay ito; at sa pag-iwas naman sa paglago na populasyon, makatutulong ang aborsyon
dahil sa pamamagitan nito ay makokontrol ng tao ang bilang ng populasyon. Ngunit sa kabilang
banda, ang aborsyon ay mayroon din masama at negatibong sa babae .Ito ay ang masamang
epekto sa babae hindi lamang sa kanya pisikal na kalusugan kundi pati na rin ang kanyang
sikolohikal na kasulugan. Sa usapang pisikal, ang babaeng nag papalaglag ay maaring
magkaroon ng mga sakit dulot ng ginagamit na mga kasangkapan lalo na’t kung ito’y isinagawa
lamang sa mga mababanguri ng kapaligiran.

You might also like