You are on page 1of 1

"Aborsiyon ito ba'y kasalanan o solusyon"

Ang aborsyon ay ang pagtatanggal ng embryoo fetus sa loob ng matris, na nagsasanhi sa kamatayan
nito. Ito ay maaring biglaan, kapag ang babae ay nakunan, o artipisyal, sa pamamagitan ng kemikal,
pagtistis at iba pa. Ang aborsyon aymadalas na inilalarawan at inaasosiya na akala mo ay bago, na bunga
ng modernong panahon,ngunit, samakatuwid ay nagsimula na noong unang panahon pa. Isa sa unang
kasaysayan nanaitala tungkol sa Aborsyon ay mula sa bansang Tsina.

Ang Aborsyon ay isang paraan ng pagkikil ng buhay ng sanggol mula sa sinapupunan ng kanyang ina.Ang
pagpapalaglag ng bata ay maraming masamang maidudulot hindi lamang sa pisikal pati na rin sa
sikolohikal na kalusugan ng mga babae. Dahil dito naipatupad ang isang batas: ang1987 Constitution of
the Philippines, Sec. 12, Art. II. Ngunit bakit marami pa rin mga babae ang nagpapalaglag kahit na alam
nilang ipinagbabawal ito ng batas at maaring magkaroon sila ng mga komplikasyon? Ngunit bakit
merong mga nanunungkulan na gustong gawing legal ang pagpapalaglag?

Sabi ng bakakarami ay dapat gawing legal ang aborsyon dahil pinahihintulutan nito ang isang babae na
mapanatili ang kanyang mga karapatan,matulungan ang isang bata na maghihirap lamang dahil sa
lungkot at hirap ng buhay at makapagtatag ng mas ligtas at mapayapang bansa.Ang problemang ito ay
hindi lamang problema ng mga kababaihan o ng gobyerno lamang, ito ay problema ng buong bansa kaya
naman dapat ay wag na tayong magbulag-bulaganat magbingi-bingihan sa mga bagay na ito. Ang
aborsyon ba ay isang solusyon o isang kasalanan?;

Marami na rin ang nagdebate tungkol sa pagapapatupad o pagpapagawang legal ngaborsyon sa Pilipinas
ngunit hanggang sa kasalukuyan ito ay pinagdedebatehan pa rin. Meron itong positibo at negatibong
aspeto.Ang aborsyon ay merong magandang maitutulong at may mga positibong epekto rin.Tulad ng
pangangalaga sa kalusugan ng babae, maiwasang maghirap ang bata at maiwasan ang paglobo ng
populasyon. Sa usaping pangangalaga sa kalusugan ng babae, nakatututlong angaborsyon dahil kapag
hindi pa kaya ng babae na manganak at maaring manganib ang kanyang buhay aborsyon ang isa sa
posibleng solusyon upang hindi siya mapahamak; tungkol naman sa pagiwas sa paghihirap ng bata,
makatutulong ang aborsyon dahil, kung hindi ipinagpatuloy ng babae ang pagpapalaglag sa bata at
hinayaan itong ipanganak ngunit hindi naman kayangarugain, palakihin, pakainin at mahalin ng
magulang ay parang unti unti mo na ring pinapatay ito, maiiwasan mo ang paghihirap na maaring
danasin ng bata; at sa pag-iwas naman sa paglobong ating populasyon, makakatulong ang aborsyon
dahil sa pamamagitan nito makokontrol na ng tao ang populosyon.Sa kabilang banda naman, ang
aborsyon ay may mga masasamang maidudulot at negatibong epekto rin. Ito ay ang masamang epekto
sa babae hindi lamang sa kanyang pisikalkalusugan kundi pati na rin ang kanyang sikolohikal na
kalusugan. Sa usapang pisikal, ang babaeng nagpalaglag ay maaring magkaroon ng mga sakit dulot ng
ginagamit na mgakasangkapan lalo na‟t kung ito‟y isinagawa lamang sa mga mababanguri ng
kapaligiran at sakung saan-saan. Mga kagamitang nagpapasa-pasa na sa mga katawan ng ibang tao.

You might also like