You are on page 1of 6

I.

Mga Posibleng Dahilan ng Aborsyon

II.Panimula
A.Pagpapakilala ng Paksa

Ang aborsyon o pagpapalaglag ay isang sinadyang pagtatanggal ng sanggol na nasa


sinapupunan pa lamang ng kaniyang ina. Ito ay isang paraan ng pagkitil ng buhay ng
isang batang hindi pa naisisilang. Madalas itong nangyayari sa loob ng unang 28 linggo
ng pagbubuntis. Ito ay maaaring mangyari ng biglaan katulad na lamang ng kapag ang
isang babae ay nakunan. Maaari ring gamiting pamamaraan ang pag-inom ng gamot o
ang pag-opera sa pagpapalaglag ng sanggol sa loob ng matres. Samantala, tinatawag
na nakunan ang babae kung ang pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika-
dalawampung linggo ng pagbubuntis , kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay. Sa
ilang mga bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang lehitimong paraan upang
kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa Pilipinas, itinuturing
itong isang krimen. Sa isyu ng aborsyon, ay mayroong dalawang magkasalungat na
posisyon ang publiko: ang Pro-life at Pro-choice. Ayon sa mga “pro-choice” (sumasang-
ayon sa aborsyon), dapat gawing legal ang aborsyon dahil pinahihintulutan nito ang
isang babae na mapanatili ang kanyang mga karapatan, matulungan ang isang bata na
maghihirap lamang dahil sa lungkot at hirap ng buhay at makapagtatag ng mas ligtas at
mapayapang bansa. Ang mga “pro-life” naman ay ang mga taong hindi sumasang-ayon
sa aborsyon. Naininiwala sila na ang pagkitil ng buhay ng isang anak ng Diyos ay
masama.

B.Ang Sariling Pananaw sa Isyu

Sa aking sariling pananaw, ang aborsyon ay maaaring ring magdulot ng maganda o


positibong epekto sa mga kababaihan tulad ng pangangalaga sa kalusugan ng isang
babae, maiwasang maghirap ang bata at maiwasan ang paglaki ng populasyon.Sa
usaping pangangalaga sa katawan ng babae, nakatututlong ang aborsyon dahil kapag
hindi pa kaya ng babae na manganak at maaring manganib ang kaniyang buhay,
aborsyon ang isa sa mga posibleng maging solusyon upang hindi siya mapahamak;
tungkol naman sa pag- iwas sa paghihirap ng bata makatutulong ang aborsyon dahil
kung hindi ipagpapatuloy ng babae ang kanyang pagpapalaglag at hinayaan na lamang
maipanganak ang bata ngunit hindi naman niya kayang alagaan ay parang unti-unti na
ring pinapatay ito; at sa pag-iwas naman sa paglago na populasyon, makatutulong ang
aborsyon dahil sa pamamagitan nito ay makokontrol ng tao ang bilang ng populasyon.
Ngunit sa kabilang banda, ang aborsyon ay mayroon din masama at negatibong sa
babae .Ito ay ang masamang epekto sa babae hindi lamang sa kanya pisikal na
kalusugan kundi pati na rin ang kanyang sikolohikal na kasulugan. Sa usapang pisikal,
ang babaeng nag papalaglag ay maaring magkaroon ng mga sakit dulot ng ginagamit
na mga kasangkapan lalo na’t kung ito’y isinagawa lamang sa mga mababanguri ng
kapaligiran.
III.Mga Argumento sa Isyu
A.Buod ng Argumento
Sa ibang mga bansa, legal ang gawaing aborsyon. Maaring magpasya o
pagdesisyunan ng mag-asawa kung ipagpapatuloy pa ng babae ang kanyang
pagbubuntis o tatapusin na lamanh ito sa pamamagitan ng pagpapalaglag. Bagama't
talahamak ang gawaing ito sa ibang panig ng mundo, marami pa rin ang hindi sang-ayon
rito. Katulad na lamang sa ating bansa, ang mga Pilipino ay may konserbatibong pagiisip
at kultura kung kaya't hindi tayo sang-ayon sa ganitong gawain. Itinuturing nating biyaya
ang buhay sa loob ng sinapupunan ng isang buntis na babae at ito ay mayroong
karapatang mabuhay sa mundo. Kung kaya't mayroong batas ang bansang Pilipinas ukol
sa pagbabawal ng gawaing ito. Subalit hindi maiaalis na mayroon pa rin talagang mga
kabataang maagang nabulag ng kapusukan ng kanilang damdamin na nagiging dahilan
ng maagang pagbubuntis. Marahil na rin sa kakulangan nila sa impormasyon at gabay
ng kanilang mga magulang. Umaabot sa punto ng pagpapalaglag ang desisyon ng mga
batang ina dahil na rin sa takot na makutya ng lipunan, maitaboy ng magulang at takot
sa responsibilidad.

B.Mga Impormasyon Sumusuporta sa Argumento


Ang Article II ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas sa seksyon 12, sinasabi na
protektado ng batas ang buhay kapwa ng ina at ng hindi pa naisisilang na sanggol mula
sa paglilihi. Dito sa Pilipinas, bawal ang aborsyon at ang paglabag dito ay
nangangahulgan ng pagaresto. Narito ang ilan sa mga argumento tungkol sa aborsyon.

I. Argumento ng mga sangayon sa aborsyon


Hindi matanggap ang nangyari sa kanila
A. Kung ang bata ay isilang na baldado, ang ina lamang ang makapagdidisisyon
kung kaya niya bang asikasuhin ang bata
B. Ang pamilya na mahirap ay lalo pang maghihirap kung madaragdagan pa ng
isa pang sanggol
C. Ang buhay ay hindi pa nagsisimula hanggang hindi pa naisisilang

ll. Argumento ng mga hindi sangayon sa aborsyon


A. Bawat bata ay isang mahalagang regalo mula a Diyos. Wala tayong
karapatan na sirain ang regalong ito
B. Ang walang muwang na bata ay nangangailangan ng espesyal na proteksyon
dahil hindi pa nito kayang ipaglaban ang kaniyang karapatan
C. Ang karapatan ng hindi pa naisisilang na sanggol ay kapantay ng sa kanyang
ina
D. Ang mga bata na may pisikal at mental na mga kahinaan ay pwede ring
magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap. Ang aborsyon dahil sa mga
kapansanan ay para naring pagsabi na ang may mga kapansanan .
E. Ang aborsyon ay pagpatay, ang sadyang pagkitil ng buhay ng tao

IV. Ang Sariling Posisyon sa Isyu


A.Unang Punto ng iyong Posisyon:
1.Ang aborsyon ay isang uri ng pagpatay. Maraming mga uri ng opinyon ukol sa
aborsyon. May mga taong pabor dito ay meron din namang mga tutol. Ngunit kung
susuriing mabuti ang aborsyon ay isang uri ng pagkitil ng buhay dahil pinapatay ang
isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang. TIngnan natin ang ilang mga
argumento at opinyon tungkol sa aborsyon.
2.Mga Ebidensya:
Karapatang Mabuhay
Sinasabi ng mga ayaw sa aborsyon na may karapatang mabuhay ang isang sanggol
kahit ito ay hindi pa ipinapanganak at hindi pa masasabing isang tao. May mga
argumentong pang relihiyon din dahil ayon sa mga Simbahan, mali ang pumatay at ang
isang sanggol ay may kaluluwa na kahit ito ay nasa loob pa. Nagkakaiba din ang mga
tao sa pagsasabing ang isang sanggol ay may buhay na. Ang iba ay naniniwalang
nagsisimula ang buhay sa pagsasama ng itlog at ng sperm. May mga naniniwala
naman na ito ay sa panahon na nagkaroon na ng heartbeat ang isang bata.
Karapatang Magdesisyon sa Sarili Nya
Ang mga sang ayon naman sa aborsyon ay nakatuuon sa karapatan ng isang babae na
gumawa ng desisyon para sa kanyang sarili. Madami ang nagsasabi na katawan nila
iyon at magagawa nila ang nais nila. Isang argumento din dito ay ang mga nabuntis
dahil sa rape--na dahil hindi naman nila ginusto ang bata, may karapatan din silang
tapusin ang buhay nito.

B.Ikalawang Punto ng Posisyon:


1.Ang aborsyon ay isa sa mga mahahalagang isyu na dapat bigyang pansin. Dapat ba
ito o hindi? Isa ako sa mga taong hindi sumasang-ayon sa aborsyon. Hindi ko ito
sinang-ayunan dahil para sa akin ito ay isang hindi mabuting gawaain, at lalong-lalo ng
hindi ito solusyon sa mga problema tulad ng populasyon at pagkalimot sa taong
nakasama sa atin. Naniniwala ako na ang ating buhay ay bigay ng Diyos, at siya
lamang ang may karapatang kumuha nito sa atin. Ang pagmamahal sa atin ng Diyos ay
walang kapantay, kaya’t dapat ay ganun din ang ating gawin sa ating kapwa at hindi
ang pagpatay sa batang inosente.

2.Mga Ebidensya
Hindi partikular na tinukoy sa Bibliya ang isyu ng aborsyon. Gayun pa man,
napakaraming mga talata sa Bibliya ang malinaw na nagpapakita kung ano ang
pananaw ng Diyos tungkol sa aborsyon. Sinasabi sa atin ng Jeremias 1:5 na kilala na
tayo ng Diyos sa simula pa at Siya ang humuhugis sa atin sa tiyan ng ating ina.
Ipinahayagi naman ng Mga Awit 139:13-16 ang aktibong pagkilos ng Diyos sa paglikha
at paghugis sa kaanyuan ng bata sa tiyan ng kanyang ina. Sa Exodo 21:22-25 naman
ay ipinahayag ang hatol na kamatayan sa sinumang magiging dahilan ng kamatayan ng
sanggol na nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina. Ito ay malinaw na nagtuturo na
itinuturing ng Diyos ang sanggol sa tiyan ng ina na gaya sa isang matanda na mayroon
ng sapat na pag-iisip. Para sa mga Kristiyano, ang pagpapalaglag ay hindi maituturing
ng karapatan ng ina upang mamili. Ito ay patungkol sa buhay o kamatayan ng isang tao
na ginawa ayon sa wangis ng Diyos (Genesis 1:26-27; 9:6).
C.Ikatlong punto ng posisyon:

Kami bilang magaaral ay tutol sa aborsyon sapagkat kami ay naniniwala na lahatay


may karapatang mabuhay at mag-aral sa mundong ito, at ikaw bilang isang inahindi mo
dapat ipasa sa iyong anak ang iyong mga kamalian at matutong magingresponsible sa
mga desisyon mo sa buhay.
2. Mga Ebidensya

Ang aborsyon sa Pilipinas sa kabuuan ay illegal at hindi pinapayagan ng Saligangbatas.


Ang sinumang tumulong sa pag papalaglag ng bata sa sinapupunan ay
maykatampatang parusa. Kung ito ay doktor o midwife ay maaring mawalan nglisensya
pag napatunayan.
Ayon sa Revised Penal Code ng Pilipinas,
Artikulo 256 ay naglalaman ng ngkatampatang parusa sa sadyang pagpapalaglag ng
bata pananakit man ang paraan oiba pa na kahit ito ay pinapayagan ng nanay o ng
nagbubuntis. Sa Artikulo 257, makatampatang parusa kahit hindi sinasadyang malaglag
ang batasa pamamagitan ng pananakit sa nagdadalang tao.Sa Artikulo 258, sadyang
pagpapalaglag sa bata ng ina o ng magulang nito aymabibilanggo ayon sa
kaparusahan igagawad ang itatagal.Sa Artikulo 259, ang doktor o midwife na mag
sasagawa ng aborsyon ay maaringmakulong. Kahit ang pagbebenta ng gamot na
maaaring makalaglag sa bata ngisang nagdadalang tao ay may multa
V.Konklusion
A.Buod ng iyong Konklusion
Sa ibang bansa, ligal ang aborsyon o pagpapalaglag o pagpapaagas. Nangunguna sa
mga dahilan kung bakit ito ginagawa ay dahil sa unwanted pregnancy. Bilang isang ina,
nakalulungkot isipin na ang isang sanggol na walang kamalay-malay ang nagiging
kabayaran sa kapabayaan ng dalawang nilalang na hindi nag-isip at inisip na ito ay
imoral.
Ngunit, may mga pagkakataon din na kinakailangang ipalaglag ang bata sa
sinapupunan. Ito ay sa kadahilanang medikal na maaaring ikapahamak ng ina at ng
sanggol.
B.Plano ng Pagkilos
Dito sa atin ang aborsyon ay illegal, pag nalaman ng batas na ikaw ay nag pa aborsyon
ikaw ay ikukulong. Pero kahit na ito ay illegal, marami pa rin ang palihim na nagpa
aborsyon kasi wala sa plano nila na mabuntis at karamihan sa kanila ay mga minor de
edad. May mga pamamaraan na ipinahayag ang seyensa para hindi mabuntis ang mga
babe at ito ay ang pagamit ng mga contraceptives. Sa paggamit ng contraceptives hindi
rin pumapayag ang "Pro-life" gaya nang simhanag Katoliko.

VI.Sanggunian
Panghuli ay ang Grupo,Ito ay maaaring maka apekto sa tao pamamagitan ng epekto ng
naidudulot nito sa mga taong nakapalibot dito.
TAGAYTAY CITY SCIENCE NATIONAL HIGH SCHOOL

ABORSYON

PROYEKTO SA E.S.P

Ipinasa ni: Ipinasa kay:


Jameboy Moro Ma’am Ines Mercado
Paulo Posada
Wendell Novero
Lorenz Villanueva

You might also like