You are on page 1of 5

“ABORSIYON”

II. PANIMULA

Isa sa mga pinakamahalagang isyu sa buhay ay ang Aborsiyon. Ang isyung ito ay may mahabang
kasaysayan at mabigat pa ring pinag uusapan ng mga mananaliksik at ng publiko – higit lalo sa pagiging
moral at legal nito. Ayon kay Garcia ( Nobyembre, 2016 ) sa kasalukuyan, kinakaharap ng ating bansa ang
lumalaking populasyon ng mga Pilipino. Humigit kumulang labindalawang milyon na ang bilang ng
Pilipino sa Pilipinas at araw araw ay nadadagdagan pa ito ayon sa pag-aaral ng National Statistics Office
( NSO) dahil sa dumaraming kaso ng maagang pagbubuntis sa mga kabataang wala pa sa legal na edad,
patuloy na bumibigat ang problema ng karamihan sa ating mga kababayan ukol sa paglobo ng populasyon
na karaniwang nagiging dahilan hindi lamang ng kahirapan kundi maging ang nadaragdagang kaso sa bansa
ng aborsiyon.
A. PAGKILALA SA PAKSA

Ano ba ang aborsiyon? Bakit ito itinuturing na isyu sa buhay? Ang aborsiyon o pagpapalaglag o
sa Ingles ay “Abortion”, ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. May iba’t ibang
pamamaraan ng pagpapalaglag. Sa ilang mga bansa ang aborsyion ay itunuturing na isang lehitimong
paraan upang kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o populsyon, ngunit sa Pilipinas itinuturing itong
isang krimen. (Agapay, 2007). Ito ay maaaring gawin sa pamamaraang surgical sa mga hospital ng bansa
kung saan ito ay legal at mayroon din namang mga ibang nagpapalaglag sa pamamagitan ng “hilot “ kung
saan hinihilot ng madiin ang tiyan ng babaeng nagpapalaglag upang madurog ang fetus. Ang iba naman ay
gumagamit o umiinom ng mga matatapang na gamut upang patayin ang batang nasa sinapupunan ng ina.
May dalawang uri ng aborsiyon: Kusa o Miscarriage , ito ay pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20
linggo ng pagbubuntis. Sapilitan o Induced, Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang
sanggol, sa pamamagitan ng opera o gamut tulad na lamang halimbawa ng nabanggit sa una. Kahit na illegal
ang aborsiyon sa Pilipinas ay marami pa rin ang kababaihang nagpapaabort. Ayon sa Pro –Life Phillipines,
isang grupong di sang ayon sa aborsiyon, isa sa apat na pagbubuntis ay nauuwi sa aborsiyon. Ayon sa World
Health Organization, pitumput porsyento o 70 % ng mga di inaasahang mabuntis ay nagpapabort. Ayon
naman sa Department of Health, humigit kumulang isang daang libong kababaihan ang itinatakbo sa
hospital dahil sa mga masamang epekto ng aborsiyon.
B. ANG SARILING PANANAW SA ISYU

Sa aking palagay, ang bawat bagay, tao o pangyayari ay may positibo at negatibong epekto. Ang
maaaring positbong epekto ng aborsiyon ay ang pagbawas ng populasyon sa lumalaking bansa. Maaari din
mapangalagaan ang kalusugan ng Ina at hindi rin maghihirap ang bata. Nakakatulong ang aborsiyon kaya
hindi pa kaya ng babae ang manganak at maaaring manganib ang kanyang buhay pati narin ang batang nasa
sinapupunan niya. Ngunit sa kabilang banda ay may mga negatibo rin itong epekto. Ito ay may masamang
epekto sa babae hindi lamang sa kanyang pisikal na kalusugan kundi pati narin ang kanyang sikolohikal na
kalusugan. Ito ay nakakasama hindi lamang sa kalusugan ng sanggol o fetus , kundi narin sa kalusugan ng
inang magpapaabort. Magkakaroon narin ng posibilidad na samantalahin ang mga pagkakataon at
magbuntis ng mag buntis ngunit ito naman ay ipapalaglag ng ipapalaglag. Malaki narin ang naitalang
namamatay dahil sa aborsiyon kapag hindi ito kinaya.

III. MGA ARGUMENTO SA ISYU


Sa ibang bansa, legal ang aborsyon. Ang mga mag-asawa ay siyang magpapasiya kung
ipagpapatuloy ba nila ang kanilang pagbubuntis o tatapusin ito sa isang abortion clinic. Bagaman ito ay
pinapayagan ng kanilang mga batas tungkol sa aborsyon, ang mga tao doon ay patuloy na nagdidebate,
nagtatalo ng kanilang mga argumento tungkol sa aborsyon.

Sa kabilang banda, ang mga Pilipino ay konserbatibo sa mga bagay na ito. Para sa atin, ang
sanggol sa sinapupunan ng isang ina ay isang buhay na tao na may karapatang patuloy na mabuhay. Kaya
naman, ang batas tungkol sa aborsyon dito sa Pilipinas ay patuloy na nagbabawal sa ganitong gawain.
Nakalulungkot nga lang, may ilang mga kabataan ang maaagang nakikipagtalik dahil sa kakulangan ng
kaalaman at gabay ng magulang. Kapag sila ay nabuntis ng hindi inaasahan, aborsyon ang kanilang tanging
mapagpipilian.

A. Ang mga argumento tungkol sa aborsiyon ay tumatalakay sa kabuuan ng aborsiyon at kung paano
ito nakakaapekto sa buhay ng mga mamamayan. Tinalakay ang pagging biktima ng panggagahasa at
pagbubuntis. Sapat ba itong dahilan upang kitilin ang buhay ng isang inosente? Napag usapan ding
maaaring gawin kapag nakataya ang buhay ng ina sa pagbubuntis. Tama bang ipalaglag ang bata para sa
kapakanan ng ina? Upang hindi lumaki ang populasyon? Maalala natin na kasalanan sa mata ng diyos ang
pagkitil ng isang buhay lalo’t ito ay inosente ganito rin ang sinasabi sa batas ng tao.

B. Narito ang ilan sa mga argumento tungkol sa aborsyon. Para ito saiyo kung ikaw ay may
ginagawang pananaliksik tungkol sa aborsyon.

Ang ilang tao ay naniniwala na ang mga babae ay dapat na magkaroon ng karapatan na
sumailalim sa aborsyon, anuman ang kanyang dahilan. Ayon sa kanila, hindi niya na dapat ipagpilitan pa
sa kaniyang mga doktor ang kaniyang pasya. Narito ang kanilang mga argumento kung bakit.

 Ang babae ang magdidisisyon sa kung ano ang dapat mangyari sa kanyang katawan

 Ang bawat bata ay may karapatan sa tamang pangangalaga at pagmamahal, kung hindi ito posible, OK
lang ang aborsyon

 Maraming nang mga unwanted baby sa mundong over populated. Bakit ka pa magdaragdag kung pwede
naman ang aborsyon

 Ang babae at ang kanyang mga kapamilya ay tiyak na may mga karapatan din, hindi lang ang hindi pa
naisisilang na sanggol

 Ang mga babaeng ginahasa ay may karapatang sumailalim sa aborsyon para hindi na nila maalala ang
kababuyang nangyari sa kanila habang lumalaki ang kanilang naging anak

 Kung ang bata ay isilang na baldado, ang ina lamang ang makapagdidisisyon kung kaya niya bang
asikasuhin ang bata

 Ang pamilya na mahirap ay lalo pang maghihirap kung madaragdagan pa ng isa pang sanggol

 Ang buhay ay hindi pa nagsisimula hanggang hindi pa naisisilang

 Ang batang may malalang kaso ng pagkabaldado ay magkakaroon ng pangit na buhay na maaaring
magdulot din ng trauma sa kanyang mga magulang. Mas mabuti na raw na hindi na maisilang ang
sanggol
Argumento ng mga hindi sangayon sa aborsyon
Maraming tao ang naniniwala na nag fetus sa sinapupunan ng nanay ay isa nang ganap na tao at may
mga karapatan na ring tulad ng sa atin. Naniniwala sila na ang aborsyon ay hindi maipapangatwiran dahil
ito ay pagpatay ng isang inosenteng tao. Narito ang kanilang mga argumento.

 Bawat bata ay isang mahalagang regalo mula a Diyos. Wala tayong karapatan na sirain ang regalong ito

 Ang walang muwang na bata ay nangangailangan ng espesyal na proteksyon dahil hindi pa nito kayang
ipaglaban ang kaniyang karapatan

 Ang karapatan ng hindi pa naisisilang na sanggol ay kapantay ng sa kanyang ina

 Ang mga bata na may pisikal at mental na mga kahinaan ay pwede ring magkaroon ng magandang buhay
sa hinaharap. Ang aborsyon dahil sa mga kapansanan ay para naring pagsabi na ang may mga
kapansanan ay walang kwenta

 Ang aborsyon ay pagpatay, ang sadyang pagkitil ng buhay ng tao

 Ang mga doktor at nurse ay sumumpang magliligtas buhay, hindi pumatay

 Ang fetus ay nakararamdam na rin ng sakit

C. BATAS TUNGKOL SA ABORSYON


Ano ang batas tungkol sa aborsyon dito sa Pilipinas? Ang Article II ng 1987 Saligang Batas ng
Pilipinas sa seksyon 12, sinasabi na protektado ng batas ang buhay kapwa ng ina at ng hindi pa naisisilang
na sanggol mula sa paglilihi. Dito sa Pilipinas, bawal ang aborsyon at ang paglabag dito ay nangangahulgan
ng pagkakakulong.

IV. Ang Sariling Posisyon sa Isyu

A. Unang punto ng iyong posisyon

1. Kami bilang magaaral ay tutol sa aborsyon sapagkat kami ay naniniwala na lahat ay may
karapatang mabuhay at mag-aral sa mundong ito, at ikaw bilang isang inahindi mo dapat ipasa sa iyong
anak ang iyong mga kamalian at matutong magingresponsible sa mga desisyon mo sa buhay.

2. Ang aborsyon sa Pilipinas sa kabuuan ay illegal at hindi pinapayagan ng Saligangbatas. Ang


sinumang tumulong sa pag papalaglag ng bata sa sinapupunan ay maykatampatang parusa. Kung ito ay
doktor o midwife ay maaring mawalan nglisensya pag napatunayan.

Ayon sa Revised Penal Code ng Pilipinas, Artikulo 256 ay naglalaman ng ngkatampatang parusa sa
sadyang pagpapalaglag ng bata pananakit man ang paraan oiba pa na kahit ito ay pinapayagan ng nanay
o ng nagbubuntis. Sa Artikulo 257, makatampatang parusa kahit hindi sinasadyang malaglag ang batasa
pamamagitan ng pananakit sa nagdadalang tao.Sa Artikulo 258, sadyang pagpapalaglag sa bata ng ina o
ng magulang nito aymabibilanggo ayon sa kaparusahan igagawad ang itatagal.Sa Artikulo 259, ang doktor
o midwife na mag sasagawa ng aborsyon ay maaringmakulong. Kahit ang pagbebenta ng gamot na
maaaring makalaglag sa bata ngisang nagdadalang tao ay may multa.
B. IKALAWANG PUNTO NG POSISYON

1. Sa ibang bansa, ligal ang aborsyon o pagpapalaglag o pagpapaagas. Nangunguna sa mga


dahilan kung bakit ito ginagawa ay dahil sa unwanted pregnancy. Bilang isang ina, nakalulungkot isipin na
ang isang sanggol na walang kamalay-malay ang nagiging kabayaran sa kapabayaan ng dalawang nilalang
na hindi nag-isip at inisip na ito ay imoral.

Ngunit, may mga pagkakataon din na kinakailangang ipalaglag ang bata sa sinapupunan. Ito ay sa
kadahilanang medikal na maaaring ikapahamak ng ina at ng sanggol.

2. Sa aborsyon, mataas ang posibilidad na magkaroon ng septic abortion o impeksiyon. Ang impeksiyon
ay nakasentro sa inunan at may panganib na kumalat sa matris ng nanay, na nagiging sanhi ng pelvic
infection o maging sepsis at potensyal na pagkasira ng ibang bahagi ng katawan.

Ang isang babaeng may septic abortion ay maaring makaranas o makitaan ng mga sumusunod:

1. Mataas na lagnat, na higit pa sa 101 ° F o 38 ° C

2. Panginginig

3. Malubhang sakit ng tiyan

4. Malubhang pagdudugo

5. Cramping o biglang sakit na hindi natutuloy o biglang tumitigil

6. Mabahong amoy sanhi ng vaginal discharge

7. Sakit sa likod

C. IKATLONG POSISYON NG PUNTO

1. Ang aborsiyon ay maaaring sinasadya o hindi. Napakadelikado nitong bagay dahil sangkot dito
ang buhay ng magulang at maging ng sanggol. Napakalaking kasalanan din ito kung sinasadya ng nanay na
patayin ang anak niya. Sangkot dito ang kaniyang konsensiya. Maaaring magalit sa kaniya ang mga tao at
kasuhan siya ng kasong murder.

2. Ayon sa Pro – Life Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina ( halimbawa, hindi niya
ginawa ang tamang pag iingat upang epektibong maiwasan ang hindi nillayong pagbubuntis), dapat niyang
harapin ang kahihinatnan nito. Tungkulin niya na maiwasan ang pagbubuntis kung siya at ang kaniyang
asawa ay hindi nais magkaanak.

IV. KONKLUSYON

A. BUOD NG IYONG POSISYON


B. PLANO NG PAGKILOS

V. SANGGUNIAN

You might also like