You are on page 1of 1

Same sex marriage - Ang pagsasa-legal ng kasal ng dalawang taong magkapareho ng kasarian, parehong lalaki o dili

naman kaya ay parehong babae ayon sa kasarian nila noong ipinanganak. Hindi po ako pabor sa ganitong uri ng
karumal-dumal na gawain ayon sa Banal na Kasulatan. Bilang mga Kristiyano, tayo ay nakapakinig ng mga aral mula
sa Bibliya mula pa noong tayo ay mga bata pa. Isang karumal-dumal na gawain ang pakikipag-talik sa kapwa babae
o kapwa lalaki. E papaano na kaya kung sila ay ikakasal pa. Ang babae ay nilikha para sa lalaki at gayun din naman
ang lalaki ay para sa babae. Kung bakit nagiging mapangahas na ang mga tao ngayon na labagin ang kalikasan ng
sangkatauhan at ang batas ng Diyos. Kahit na suportado na ng pangulo ang kagustuhan nila, ako sa ganang aking
sarili ay doon pa rin ako manghahawak sa batas ng Diyos na nakasulat sa Bibliya. Tama na ang kasuwailan ninyong
mga tampalasan! Ngayon gusto nyo pa ilagay sa legal ang inyong ginagawa na iligal naman sa simula pa lang.
Sinisira ninyo ang natural na kalikasan ng mundo.

Lumaki tayo sa paniniwala na ang kasal ay isang sagradong pagbubuklod ng dalawang nagmamahalang indibidwal
na nagpasyang magsama habang buhay subalit kadalasa’y naipapatupad lamang ito sa magkasalungat na kasarian.
Sa madaling kasabihan, si Adan (lalaki) ay para kay Eba (babae) lamang, ito ay ayon din sa Biblia. Marahil ito rin ang
isa sa mga rason kung bakit matagal ng hindi ipinapatupad ang same sex marriage dito sa Pilipinas dahil ang ating
bansa ay isang Kristiyanismo. Bilang isang Kristiyano, sagrado ang tingin natin sa kasal at ang mga salita ng Diyos ay
isang napakabanal sa ating mga Pilipino. Iba’t iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa isyung ito. “Malas, salot,
walang silbi” yan ang mga ilang kataga na lagi nating naririning sa’twing nakakakita tayo nga mga bakla at tomboy
sa ating paligid. May mga nagsasabi rin na ang pagiging homosexual ay isang sakit o disorder subalit sa aking
opinyon, ni minsan hindi naging malas at salot ang mga bakla at tomboy. Marami akong kakilala na propesyonal,
matagumpay sa kanilang pamumuhay at maging ang iba ay mga artista. Sila ay nagsisilbing modelo at inspirasyon
lalo na sa mga kabataan ngayon. Wala tayong karapatang humusga kung ano man ang nais nilang gawin sa
kanilang mga buhay dahil kailanman hindi nila kasalanan na ginawa sila ng Diyos na ang pagpapakasal ng
magkaparihong kasarian ay isang kasalan o kalapastangan sa diyos ang mga gawaing taliwas sa kanyang layunin
lalo na kung ang kanyang sinimulan ay ating binago. Maraming mga taong tumututol sa “same sex marriage” at
marami din namang sumasangayon. Laganap na ang pagdami ng mga bading, tomboy sa panaahon nating ito. Pero
di naman natin masasabing salut sila sa lipunana sapagkat nakakatulong din sila sa ating bansa. Pero sa
pagpapakasal nila sa kapwa nila babae o lalaki. Naaayon paba to sa mata ng tao? Sa mata ng batas? at lalo na sa
mata ng diyos? Sa ibang bansa ay laganap na at naiatupad ang pagpapakasal ng magkapariho ng kasarian. Marami
naman ang mga taong gustong ipatupad ito saating bansa. Kailangan bang ipatupad ito? Dahil sa naging ganap na
ang batas ng same sex marriage sa iabg lugar umaaasa ang mga grupo ng “ Lesbians, Bisexuals, Gays, Transgender”
na sa ating bansa din sana ay maipatupad na ito, anupat magbibigay daan ito sa kanila upang maigyan sila ng sapat
na karapatan at pagtrato. Ngunit marami ang bumabatikos sa panukalang ito. Naniniwala sila na sa pagpapatupad
nito ay isang kalapastanganan sa batas at simulain ng bibliya. Tinuturing ng simabang katoliko ang kasal na sagrado
at banal na institusyon. Kung kaya’t dapat itong galangin at respetuhin bawat tao. Ayun sa simbahan ang kasal ay
para lamang sa indibidwal na may magkaibang kasarian at hindi para sa magkaparihong kasarian. Hanggang sa
ngayon, hindi pa nagpapatupad ang gobyerno ng batas na magtatakda na gawing legal na ang same sex marriage.
Hindi pa raw mulat ang mga mamamayan tungkol sa mga epekto kung gagawing legal ang bagay na ito at
pinuprotektahan ng gobyerno ang kultura nating mga Pilipino na pagkakonserbatibo at ang mga relihiyosong tao
dahil ikinukonsidera na rin natin ang pagiging maka-Diyos bilang isa sa mga kultura natin hanggang sa ngayon.
Kung ako ang tatanungin hindi ako sang-ayon sa same sex marriage sa dahilang kung magkakaroon man ng
karapatan ang mga tomboy at bading na pakasalan ang kapwa babae o lalaki maaari pa itong makasira sa isang
pamilya. ang bawat pamilyang may ganitong sitwasyon at kawawa ang pamilyang naiwan ng mga ito. Kaya hindi
ako sang-ayon sa gusto ng mga tomboy at bading na gawing legal ang same sex marriage. Ikaw? Ano sa palagay mo
ang tama? ang sumang ayon o tumutol na gawing legal ang “same sex marriage”??

You might also like