You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL

~Luzviminda C. Rielo

Same Sex Marriage sa Pilipinas

Ang Same Sex Marriage ay isang uri ng pagkakasal sa dalaw ang tao na napapabilang
sa parehong kasarian, maaring lalaki at lalaki o babae at babae. sa modernong panahon
ngayon mas lumalaganp na ang pagkakaroon ng iba pang kasarian o label ng kanilang
gender, kung kaya’t nagkakaroon ng Same Sex Marriage. Isang mainit na isyung kinahaharap
sa kasalukuyang taon sapagkat mayroong nagaganap na pagtanggap sa same sex marriage sa
Pilipinas at dumarami narin ang bilang ng mga nabubuong relasiyon na may parehong
kasarian. Sumasang-ayon ako sa pagpapakasal ng parehas na kasarian sapagkat bagaman sa
ilang relihiyon, hindi alintana kung papaano sila pahintulutan na magsanay sa kanilang
relihiyon at tumangging pakasalan ang magkaparehong kasarian.
Marami ang tututol kung gagawing legal ang same sex marriage sa Pilipinas sapagkat
ayon sa law of God na naririnig at nakikita ng mga tao na itinuturo galling sa iba’t ibang
simbahan na ang pagpapakasal ay sa pagitan lamang ng lalaki at babae katulad ng Roman
Catholicism na may 80.6 poryentong populasyon , Iglesia ni Cristo na may 2.45 poryento ,
Islam 5.6 porsyento, Dayawism na may pinakamalit ng porsyento at iba pang relihiyon na
hindi sumasang-ayon sa same-sex marriage sa Pilipinas. Ayon din sa law of man kung saan
nasasakop ang Family Code of the Philippines na nagsasabing ang pagpapakasal ay katulad
rin ng law of God at law of nature. Ngunit ano mang ginagawa ng isang tao sa kanilang
buhay ay hindi masama hangga't hindi naman ito nakakaapekto sa ibang tao at hanggang sa
hindi naman sila nakakaapak ng ibang tao. At sa lahat ng mapanghusgang tao, dapat lang na
kanilang mapagtanto at mapagisip isip ang kanilang mga pagkakamali. Lalaki, babae, bakla o
tomboy ay may karapatang magmahal at mahalin. Kahit ano ka man o sino ka man ay may
karapatan na magmahal. 
Ang pagmamahal at pagpapakasal ay para sa lahat. May mga sarili tayong kaisipan at
puso para piliin ang mga taong gusto nating mahalin. Hindi natin kailangan ang pasiya ng
ibang tao para piliin ang taong gusto nating makasama sa ating buhay. Kaylangan ang
paggalang dito upang galangin rin sila ng mga taong nasasakupan ng relasiyong may parehas
na kasarian. Ang ating Miss Universe 2015 ay sang ayon din dito at suportado siya sa
pagiging legal ng same sex marriage sa Pilipinas dahil sa kaparehohang rason.  Oo, mali ang
magmahal ng may kaparehas ng seksuwalidad ayon nga sa isang bersikulo sa bibliya na
Corinto 6:9 na ang mga bakla ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos. Hindi nilalang ng
Diyos ang tao na may pagnanasa sa kanyang kaparehong kasarian. Pero mali rin ang pagpilit
sa baguhin ang ating tunay na pagkatao at mali rin na magmahal ng ibang tao kahit labag ito
sa kalooban. Pero ang diyos naman ang lumikha sa atin at simula pagkabata palang alam na
natin ang ating kasarian. Kung susundin mo ang pasiya ng bibliya magiging tama ka nga sa
paningin ng iba pero nagiging sinungaling ka naman sa iyong sarili. Di ka nga mali kasi
ginawa mo yung tama pero di ka naman din naging masaya at dahil sa pagsisinungaling mo
nagkasala ka pa.
Para sa konklusyon, ang bawat isa ay may karapatan na mahalin kung sino o ano ang
kasarian, lalaki man o babae. Hindi natin kailangan hadlangan ang kaligayahan ng isang tao
dahil mahal niya ang kanyang kapwa lalaki o babae. Ang pagpapakasal ay sagrado at sa mata
ng Diyos lahat tayo ay may karapatan na mahalin kahit sino man. Marami man ang hindi
sang-ayon dito, hindi ito ang hadlang para ipaglaban ang karapatan ng mga nagmamahal na
may kaparehas na kasarian. Dapat igalang ng batas ang karapatan na magkaroon ng malalim
na pagmamahal sa sinumang pinili nila. Para sa mas higit na kabutihan ng lahat, kailangan
nating igalang ang bawat desisyon pagdating sa buhay at pag-ibig ng isa’t isa. Tayo ay narito
upang suportahan, gabayan at mahalin sila sa kung sino man sila. Ang pag-ibig ay lahat.
Ipalaganap ang pag-ibig palagi, hindi galit sa lahat ng mga tao na pinipili na mahalin ang
parehong mga kasarian. Ipagalaban kung sino ang tunay nating minamahal.

You might also like