You are on page 1of 2

Posisyong Papel ng Pangkat Paaralan ng Stem 11

Hinggil sa
Pagpapatupad ng Sex Education Bilang Karagdagang Kaalaman Para sa mga Kabataan

Ang “premarital sex” o “sex before marriage” ay isang napakalaking problema hindi lamang sa
Pilipinas kung ’di na rin sa buong mundo. Bilang resulta nito, maraming tao ang nagkaroon ng debate
patungkol sa pagpapatupad ng sex education bilang isang bahagi ng kurikulum sa loob ng paaralan. Para sa kanila,
malaki ang maitutulong nito upang palawigin ang kaalaman ng mga kabataan sa aspetong sekswal.

Ayon sa bagong Young Adult Fertility ang Sexuality Study (YAFS3), ang mga trend sa Pre-Marital Sex (PMS) at
pagbubuntis ng kabataang babae ay lumaki mula taong 1994 hanggang 2002. Sa katotohanan, ang bilang ng
mga 15 -19 taong gulang na mga bata ay lumaki ng 45%, at 23.1% naman ng kabataan ay nakapagtalik
na hindi ganoong kalaki ang bilang na ito kumpara sa ibang bansa, ngunit para sa isang bansang
"moral", isa itong nakakabagabag na isyu.

Bukod pa rito apat mula sa sampung ipinapanganak na sanggol ay hindi pinlano (Demographic
Research and Development Foundation, Inc., 2004). Ang aksidenteng pagbubuntis ay nagtutulak sa mga bata
na mag-drop-out sa paaralan (Sobritechea et.al,2005). 18% ng mga babae at 21% ng mga lalaki
lamang ang naghanap ng tulong para sa mga problema sa reproduktibong kalusugan. Bagaman karamihan ng
kabataan ay may ilang kaalaman tungkol sa AIDS, 73.4% sa kanila ang naniniwalang hindi sila makakakuha nito at
27.8% ang naniniwalang may lunas ito. Ang pangunahing bilang ay isang malaking pagkakaiba sa
pigura noong 1994 (12.5%).

Sa madaling salita, kulang ang kaalaman ng kabataan ukol sa reproduktibong kalusugan (Demographic
Research ang Development Foundation, Inc., 2004). Ayon kay Dr. Lulu Marquez, mahalagang matalakay sa bahay pa
lang ang sex education dahil base sa datos, sa mga kaanak pa rin pangunahing kumukuha ng impormasyon ang
teenagers tungkol sa ganitong sensitibong usapin. Base naman sa isang pahayag ni Rosalie Masilang,
DepEd Adolescent Reproductive Health focal person, ang patuturo ng sex education ay naglalayong mabigyan ng
kasangkapan at kapangyarihan ang mga mag-aaral sa paggawa ng matalinong desisyon ukol sa mga isyu na
nakakaapekto sa kanilang personal na kaligtasan at kabutihan. Hinggil sa mga isyung tao, malaki ang
maitutulong ng sex education upang maitama ang maling pananaw at impormasyon ng mga kabataan tungkol
sa pakikipagtalik at maging sa pagtuturo ng sex education.

Ayon sa Simbahan, ang RH Bill ay "anti-life" sapagkat ayon sa doktrina, ang buhay ng isang tao ay nagsisimula sa
pertilisasyon ng itlog sa matris ng babae. Dagdag pa rito, pinalalaganap din daw ng sex education ang Pre-Marital Sex
(PMS). Church reply to the ReproductiveHealth Bill 2008). Pinaniniwalaan ng Simbahang Katoliko na ang sex
education ay karapatan ng mga magulang. Gayun-paman, maaaring magkaroon ng kompromiso at
maaaring makisali ang mga magulang sa programa. Bukod pa rito, ang mga paaralan ay dapat maging tulay
sapagitan ng mga magulang at anak (Aguilar, 2002). Ang sex education din daw umano ang
nagbubunsod ng PMS o ang pakikipagtalik ng hindi pa kasal dahil sa kyuryusidad. Lalo't higit na ang
sex education ay uumpisahang ituro sa edad kung saan nagaganap ang puberty, ito ay ang panahon na ang isip ng
mga kabataan ay punong-puno ng eksploridad.

Ang sex education ay hindi nangangahulugan na pagtuturo sa sex intercourse o pakikipagtalik. Sa halip ito ay
isang pagtuturo na nakatuon sa biolohikal na aspekto ng sekswalidad, tulad ng mga proseso ng pagbabagong
nagaganap sa ating katawan, tamang paggamit ng mga kontrasepsyon, at pag-iwas sa pakikipagtalik hangga't wala
pa sa tamang edad.
Ayon sa Reproductive Health and Population Development Act of 2008, ang bawat kabataan ay dapat mayroong
kahit kaunting kaalaman tungkol sa "sex". Mahalagang maituro sa mga kabataan upang tulungan silang maging mature
at sa ganitong paraan, malaki ang maitutulong nito sa pagtungtong ng mga kabataan sa kanilang pagdadalaga at
pagbibinata (puberty).

May aspeto ang sekswulidad ng mga tao - biolohikal, sikolohikal, sosyo - kultural, at moral. Mahalaga ang mga ito
sa pag - unlad ng sekswulidad bilang integral na bahagi ng personalidad ng isang tao. Sa ngayon, dito dapat umikot ang
pag - aaral ng sex education. Ilan sa mga layunin ng sex education ay ang magbigay ng mga impormasyon ukol sa sex
at sekswalidad, tulungan ang mga mag-aaral na gumawa ng matinong desisyon na naaayon ukol sa kanilang
sekswalidad, tulungan ang mga mag-aaral na maunawaan at matanggap ang iba't ibang sexual lifestyle, at higit sa lahat
ay upang mabawasan ang suliraning nag-uugat sa sekswalidad.

Ang "Sex Education" ay makakatulong sa buhay ng mga Pilipino lalo na sa mga kabataan na hindi lubos at sapat
ang kaalaman sa "Sex Education". Makikinabang din dito ang mga magulang dahil may mga malalaman silang paraan
kung papaano nila gagabayan at papayuhan ng tama ang kanilang mga anak. Makikinabang din ang
gobyerno dahil maaaring makatulong ito ibsan ang problema ng Pilipinas ukol sa paglago
ng populasyon. Higit sa lahat ay makakatulong ito sa mga kabataan upang maiwasan ang maagang pakikipagtalik
at pagkakaroon ng maagang pagkakabuntis at pamilya.

Maituturing na malaki ang benepisyong makukuha kung tuluyang maipapatupad ang sex education. Hindi
lamang sa mga kabataang matuturuan kundi pati na rin sa lipunan.

Pangkat PaaralanStem 11

Cassius Dimapasoc

Michael Bae

Deneil Manalo

Glezy Arquillo

Joyce Ann Catanyag

Eljoy Ebora

Patricia Grace Garcia

Jessa Mendoza

You might also like