You are on page 1of 4

Posisyong Papel Patungkol sa

Pagtitinda ng Sigariyo sa mga Menor de edad

Ang bisyo ay isang problema nga mga magulang ngayon na kung


saan ang mga kabataan ay nalulong iba’t ibang klase ng bisyo. Bakit
hindi naming bigyan pansin ang kasabihan ni Dr. Jose P. Rizal na
tayong mga kabataan ang pag asa ng bayan. Masakit lang isipin na
ang mga kabataan ngayon ay mas pinahahalagahan ang pagbibisyon na
nakakasira sa kanilang pag-aaral, sapagkat napupunta ang kanilang
atensyon at interes sa kanilang bisyo na may nakakasama sa
kalusugan tulad ng paninigarilyo ng isang tao na walang ginawa
kundi ang ilulong ang kanyang sarili sa masamang bisyo, sa halip
na gumawa ng makabuluhang bagay. Ang isang taong naluluong sa bisyo
ay nagiging masamang impluwensya sa kaniyang kapaligiran. Sinisira
ng bisyo ang kaisipan ng isang tao. Nagiging negatibo ang kanyang
mental na aspeto at mga kilos dahil ditto nakakagawa siya ng
masamang bagay na maaring maging krimen.

Maraming dahilan kung bakit nalulung ang mga kabataan sa


masasamang bisyo. At ang pangunahing dahilan nito ay kahirapan
dahil sa hirap ng buhay, walang trabaho, walang pagkakatian, hindi
nakapag-aral, natuto silang manigarilyo para sa pansamantalang
makalimut ng problema. Maari din nila itong gamiting pampalakas ng
loob na nandiyan din ang kawalan ng suporta mula sa pamliya. Mga
kabataang walang makuhang atensyon, pag-alaga at pagmamahal mula
sa magulang at sa lipunsn para matakasan ang sakit ng kaluoban mas
tinuonan nia ng pansin ang paninigarilyo.

Mga kabataan ang lagging kawawa sa mga bisyong ito, pwede


silang magkasakit o mawalanng buhay sa maagang panahon. Tulad ng
sakit sa puso sakit sa baga dahil sa labis na paninigarilyo. Hindi
natin ito maiiwasan lalo na dito sa Pilipinas dahil sa taas ng
populasyon at dahil rin ito samga irresponsabling mga magulang at
pamahalaan kaya napabayaan ang mga kabataang ito sa ngayon, siguro
hindi pa nila nararamdaaman ang iba’t ibang uri ng sakit na pwedeng
tumama sa kanila dahil bata nga sila. Pero darating ang panahon na
sila ay magkakaroon ng sakit at paano nalang ang kinabukasan sa
isang bata.
Noong taong 2007, nilagdaan ni pangunhing Gloria Macapagal
Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na nag lalayong
protektahan ang mga mamayan laban sa masamang epekto nga
paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang
paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng paaralan,
hospital, mga terminal at iba pa. Subalit marami pa ring mga
tindahan ang nagbebenta ng sigarilyo sa mga kabataan na walang
kaalam-alam sa batas na ito, ang mga tindahang hindi sumunod sa
patakaran ay kailang bigyan ng parusa gaya nalang ng pagtanggalnag
lesesensya dahil sa paulitulitna paglabag ng batas. Hindi masama
ang pagbebenta ng sigarilyo kung sa simpleng patakaran ay susunod
lalo na’t kapakanan ng mga kabataan ang nakasasalalay dito, paano
na makakamit ng mga kabataan ang kanilang mga pangarap kung sa
ganitong mga oras ay humihithit sila ng sigarilyo dahil sa mga
walang alam na tendera’t tendero, na nagsdudulot ng sandamakmak na
sakit. Sa report ng DOH o Department of Health umaabot na sa apat
na milyong menor de edad ang naninigarilyo. Sa pag-aaral na ginawa
ang edad ng bata mula 11 hanggang 19, 2.4 milyong lalake at 1.4
milyon naman ang mga babae na naninigarilyo. Sa mga milyon milyong
kabataan maari itong mabawasan kung patuloy ang disiplina sa mga
tindahang ayaw sumunod sa batas katulad nalang sa dalamwampu’t
pitong tindahan sa Antipolo City ang nahuling nagbebenta ng
sigarilyo sa mga menor de edad sa ginawang entrapment operation ng
Antipolo City Local Government ang isa isang binigyan ng Notice of
Violation, sa pamamagitan nito ito ay nakakatulong upang magising
ang mga matitigas na tindahan. Ayun sa Republic Act 9211 sinabi ni
Natalia Dalitan office in charge provincial director na hindi
pwedeng ibenta 100 meters mula sa eskwelahan, public playgrounds,
or mga lugar na pinupuntahan ng mga menor de edad. Sa ilalim ng
batas na ito nakasaad na pwedeng pagmultahin ng higit 100,000 pesos
sa unang paglabag at pagkakakulong naman ng hihigit sa isang taon
kung paulit ulit lamang ang paglabag sa batas na ito, lahat ay
nakabase sa desisyonng korte. Sa ganitong paaran ay makakatulong
ito upang mas magabayan ang mga kabataan at maiiwas pa sa mga
masamang bisyong ito. Hindi lang sa mga magulang pwedeng isisi
lahat dahil ang tindahan ay alam kung ano ang dapat gawin, na baro
sila kumuha ng lisensya ay alamnila kung saan ito gagamitin hindi
lang upang magkapera kundi magbenta ng nakabubuti. Kaya tama ang
patakaran na kung sino man ang lumabag sa batas na ito ay pwedeng
magmulta o ipawalang bias ang lisensya nang sa ganun ay matututo
ang mga nag titnda ng sigarilyo sa mga kabataan. Maraming
makakapagreklamo sa ganitong batas ngunit hindi naman maaring
ipagpatuloy ang ganitong sitwasyon kung ang apektado ay mga
kabataan. Nilagdaan ni Gobernador Abraham Kahlil B. Mitra na pag-
ibayuhin ang regulasyon sa pagbebenta sa mg kabataan ng mga
ahensiyong papatupad ng batasna ito. Kaya sa mga tindahan na ayaw
sumunod sa batas maari na silang matanggalan ng lisensya atmag
multa, karapat dapat lamang ang batas na ito upang masagip at
matulungan sa pagmulat ang mga kabataang hithit sa sigarilyo ang
alam.

Para sa amin ay sang ayun kami sa mga batas na ipintupad


tungkol sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad para
maiwasan ang masamang bisyo ng mga kabataan. Ito ay nakakasama
lalo na’t nasa murag edad pa lamang ang mga kabataang ito at tiyak
na kapag mapapabayaan sila baka ito ay ikamatay nila o makaroon pa
sila ng hindi maayos na kinabukasan. Kaya hinihakayat naming na
tayong lahat ay gabayaan o bigyang pansin natin ang isang kabataan
tulad namin o katulad nilang may mga bisyo upang makaiwas at
maprotektahan sa mga masamang impluwensya. Makakatulong tayo kung
paano maiiwasan ng mga kabataan ang mga masasamang bisyo sa
pamamagitan na dapat patibayin ang samahan ng pamilya at ang batas.
Tamang impormasyon galling gobyerno kung saan sinasabi ang masamang
epekto ng masamang bisyo. At nararapat na parusahan ang sinumang
lumabag sa ipinatupad na batas paramapagtanto nila ang mga maling
nagawa nila at mabigyan ng pagkakataong baguhin nila ang kanilang
mga sarili.
Posisyong Papel
Tungkol sa
Pagtitinda ng Sigarilyo
sa mga
Menor de Edad

You might also like