You are on page 1of 5

Same Sex Marriage

Ano nga ba ang Same Sex Marriage?

Ang same sex marriage ay ang pagpapakasal ng dalawang tao na may parehong kasarian. Maaaring
lalaki sa lalaki o kaya’y babae sa babae.

Bakit o kailan nga ba nagaganap ito?

Ang same sex marriage ay madalas nagaganap kung ang isang tao ay hindi nasisiyahan sa
pakikipagrelayson sa taong may ibang kasarian sa kanya. Maaaring mayroon siyang hinahanap sa isang
tao na makikita lamang sa kapareho niya ng sex. Ang mga bagay na ito ay maaaring pisikal, mental o
kaya’y berbal. Ang taong ito ay maghahanap ng sinoman na makakapagpasaya sa kanya kahit ito pa ay
kapareho niya ng kasarian. Maari rin naman kung ang isang indibidwal ay isa ng homosekswal mula
pagkabata at tila’y naghahanap ng kanyang kapareho. Ngunit ang pinakamainam na dahilan ay kung
ang dalawang taong iyon ay natagpuan ang bawat isa sa nasasabing ‘fate’ o tadhana at purong
pagmamahal.

Ang same sex marriage ay lagi nang isang malaki at sensitibong usapin hindi lamang sa bansa na
talamak ang kristiyanismo, kundi maging sa buong mundo. Ang mga tao ay may kani-kaniyang opinion
ukol sa pagpapa-legal ng same sex marriage sa kani-kanilang mga bansa. In the late 20th century, ang
pagpapaligal ng kasalan sa pagitan ng dalawang taong magkapareho ang sekswalidad ay lumaganap.
Una ang Netherlands sa mga bansang ito. At noong July 22, 2016, same-sex marriage is legally allowed
(nationwide or in some parts) in the following countries: Argentina, Belgium, Brazil,
Canada, Colombia,Denmark, France, Iceland, Ireland, Luxembourg, Mexico, the Netherlands, New
Zealand, Norway, Portugal,South Africa, Spain, Sweden, the United Kingdom the United States,
and Uruguay. A similar law in Finland is not yet in force. Polls show rising support for legally
recognizing same-sex marriage in the Americas, Australia and most of Europe. However, as of 2016
South Africa is the only African country where same-sex marriage is recognized, and no country
in Asia allows same-sex marriage ceremonies, although Israel accepts same-sex marriages performed
overseas.

Bakit nga ba maraming hindi sangayon sa nasabing usapin?

Ang pinaka dahilan kung bakit malaking usapin ang same sex marriage ay dahil sinasabi na ito ay
immoral, nakaka-iskandalo, at nakakadiri lalo na sa mga taong mga relihiyoso o mga taong nagsasabing
sila ay may malakas na pananampalataya sa diyos dahil sa kanilang paniniwala ay, ang same sex
marriage ay tiwalag sa bibliya.
Ngunit gaano nga ba ka-imoral ang pag-aasam ng buhay na kasama ang taong iyong iniibig na mayroon
lang naman na kaparehong kasarian sa iyo? Dahil ba pareho kayo ng ari? Dahil ba hindi pwede ang
ganon sa ganon? At talaga bang direktang sinabi ng Diyos na kasalanan ang pagiging homosekswal? At
ang paghuhusga ba at pagtuligsa sa kanila sa pag-aasam na ikasal sa naiibigan ay hindi kasalanan?

Pinaniniwalaan ko na lahat tayo ay magkakaiba, sa kabila ng pagtira sa iisang bansa at pamumuhay sa


iisang kultura. At iyon ang sa tingin ko ay dapat tanggapin ng lahat ng tao-na lahat tayo ay magkakaiba;
tao sa tao, bansa sa bansa, at kultura sa kultura. Ang paniniwala kong iyon ay mahahalintulad sa Ethical
Relativism kung saan bnabanggit na walang saktong paniniwala at pilosopiya sa mundo na ito, at ang
moralidad ay depende sa kultura. Sabi nga

Sa petisyon na inihain sa SC nitong Mayo, hiniling ni Jesus Nicardo Falcis III na baguhin ang bahagi ng
Article 1 at 2 ng Executive Order 209 o Family Code of the Philippines, na nagtatakda at naglilimita sa
kasal na para lang sa babae at lalaki.

Article 1. Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into
in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the
family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by
law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations
during the marriage within the limits provided by this Code. (52a)

Art. 2. No marriage shall be valid, unless these essential requisites are present:

(1) Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female; and

(2) Consent freely given in the presence of the solemnizing officer. (53a)

Sabi rito.

Nais din ni Falcis na alisin ang bahagi ng Article 46 (4) at 55 (6) ng Family Code na nagsasaad na
maaaring maging basehan ng annulment at legal separation ang lesbianism o homosexuality.

Art. 46. Any of the following circumstances shall constitute fraud referred to in Number 3 of the
preceding Article:
(4) Concealment of drug addiction, habitual alcoholism or homosexuality or lesbianism existing at the
time of the marriage.

Art. 55. A petition for legal separation may be filed on any of the following grounds:
(6) Lesbianism or homosexuality of the respondent

Sabi rito.
Sabi pa niya, hindi mahalaga kung handa na o hindi pa ang mga Pinoy para tanggapin ang same-sex
union.

"The enjoyment of fundamental rights and liberties do not depend on the acceptance or approval of
the majority," giit niya.

Isang nakaraang panayam noon kay Pangulong Benigno Aquino III, sinabi nito na iginagalang niya ang
karapatan ng gay couple na nagpakasal. Pero may alinlangan daw siya sa usapin ng pag-ampon ng
mga ito ng anak.

"I don’t think I’m ready to tackle that fight right now. But the perspective… it is their choice," pahayag
ni Aquino isang forum sa Amerika noong 2011."Normally I would say, you’re adults, you should be
able to do whatever you want so long as it doesn’t hurt anybody else. But if the next step is we want
the right to adopt, then, I would be in a dilemma."

Saad ni Aquino, ang mahalaga sa kaniya ay ang kapakanan ng bata.


Ngunit hindi ba na kapag nagkaroon ng mas maraming magaampon, ay mababawasan na ang ulilang
mga bata na nag aasam ng pamilya?

"My priority would be looking after the child who has a very tender and impressionable mind,"
dagdag ng pangulo.

Bakit ba napakalaki ng problema ng maga tao sa mga LGBT. Ganoon na ba kasama ang tingin ng mga
tao sa kanila? Na hindi nila kayang mag-alaga ng bata? Na ang mga bata ay mapapahamak sa kamay
ng mga taong ito?

Nagbigay din ng pahayag noon si House Majority Leader Neptali Gonzales II, na hindi pa panahon
para payagan ang gay marriage sa Pilipinas, na inilarawan niya na “generally conservative.”

Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa; ngunit bakit hindi mabigyan ng kalayaan at karapatan
ang mga LGBT? Bakit hanggang ngayon ay patuloy parin ang kritisismo tungo sa kanila.
Lahat tayo ay tao lamang. Lahat tayo ay binmigyan ng Diyos ng kalayaan upang magpakatotoo at
ipaglaban an gating karapatan. Karapatan nating pumili ng ating kasarian ang taong maiibigan. Sa
aking paningin, hindi naman talaga kasalanan ang pagpapakasal ng mga tao may kaparehong
kasarian, sapagkat wala naman silang inaapakang tao at nasasaktan. Sa totoo lamang, ang
paghuhusga sa isang tao ay isang kasalanan sapagkat ikaw ay nakakasakit sa iyong kapwa. Sana
naman’y bigyan ang lahat ng tao ng pantay-pantay na karapatan. Wala naming mali sa pagaasam ng
buhay na Malaya sa paghuhusga ng ibang tao habang kasama ang iyong minamahal mapa sino man
sila, hindi ba? Sana’y mapagbigyan ang layuning ito para naman mabigyan rin ng kasiyahan ang mga
taong ito.
Denying some people the option to marry is discriminatory and creates a second
class of citizens.
 Not allowing same sex marriage serves only to hurt, to discriminate, to deprive same-sex
couples and their families of equal dignity, to label and treat them as second-class citizens, and
to deem them unworthy of participation in one of the fundamental institutions of our society.
 Throughout our history, we have fought discrimination. We have joined together to recognize
equality for racial minorities, women, people with disabilities, immigrants... [Legalizing gay
marriage] is the right thing to do and it is time.

Ito ay base sa mga nasabi ng mga judge ng ibang bansa na hindi lamang angkop sa bangsang iyon
kundi pati rin sa atin.

Same-sex couples should have access to the same benefits enjoyed by


heterosexual married couples.
 There are 1,138 benefits, rights and protections available to married couples in federal law
alone, according to a General Accounting Office assessment made in 2004. Benefits only
available to married couples include hospital visitation during an illness, the option of filing a
joint tax return to reduce a tax burden, access to family health coverage.
 The income will also increase because of their taxes. Government revenue from marriage
comes from marriage licenses, higher income taxes in some circumstances (the so-called
"marriage penalty"), and decreases in costs for state benefit programs.

Marriage is an internationally recognized human right for all people.


 Everyone should be given the right to choose what they desired to do as long as no one is
getting hurt.

Gay couples make good parents.


 A June 2014 peer-reviewed University of Melbourne study showed that children raised by
same-sex parents score about six percent higher than the general population on measures of
general health and family cohesion. A study published in Pediatrics on June 7, 2010 found that
children of lesbian mothers were rated higher than children of heterosexual parents in social
and academic competence and had fewer social problems. A July 2010 study found that
children of gay fathers were "as well-adjusted as those adopted by heterosexual parents." As
former Washington Post columnist Ezra Klein wrote, "We should be begging gay couples to
adopt children. We should see this as a great boon that gay marriage could bring to kids who
need nothing more than two loving parents." In the United States, around 115,000 children are
waiting to be adopted.
Base ito sa United States ngunit maaari rin itong ihalintulad sa ating bansa.

Many religious leaders and churches support gay marriage and say it is consistent
with scripture.
 Gene Robinson, openly gay former Bishop of the Episcopal Diocese of New Hampshire, stated
in Sep. 2012: "Scripture says where love is, there is God also. And they [religious people] see
that love in our families, and I think people can't help but be supportive." Lee Jefferson,
Assistant Professor of Religion at Centre College, wrote that the Bible makes no mention of
same-sex marriage at all, nor does it make reference to sexual orientation as it is understood
today.

Tungkol naman sa issue ng sakit na lumalaganap mula sa pagsesex ng magkaparehong kasarian, sa


tingin ko ay hindi naman tataas ang mga kasong ito tulad ng STD at iba pang mga sakit sapagkat
mabibigyan naman sila ng legal protections such as inheritance and hospital visitation rights. Sa
ganitong paraan mamomonitor ang paglaganap ng ganitong mga sakit. At kahit naman hindi gawing
legal ang pagpapakasal ng mga LGBT sa kapwa LGBT, hindi parin mapipigilan ang pagsesex ng mga ito
na magreresulta sa ganitong sakit. Mas lalo pa nga pong tataas ang mga kaso sapagkat hindi sila
nabigyan ng legal protection dahil nga po ito illegal.

Yung lang at maraming salamat sa pakikinig. Mayroon pa bang mga katanungan?

You might also like